Chapter 1

"Greg nasaan na ang towel mo?" Agad ko namang binigay kay mama ang towel para mailagay sa likod ko.

"Pag naramdaman mo na basa na yung towel ay kunin mo tsaka isampay sa upuan mo. Wag kang masyadong magpapagod para hindi ka pagpawisan." Pagpapaalala sa akin ni Nanay.

"Opo Nay. Nasa classroom lang naman ako palaging naglalagi o di kaya'y sa library na naka-aircondition."

Nagmano na ako sakanya pagkatapos niyang ilagay sa likod ko ang towel. Sumunod akong lumabas kay Nanay palabas ng kwarto ko at mabilis na lumapit kay tatay na naghihintay sa akin at nagmano ako sakanya.

Tatlong linggo pa lang simula ang pasukan. Nasa unang taon pa lamang ako ng kolehiyo na kumukuha ng kursong BSED. Inline naman yun sa major na kinuha ko noong senior high na HUMSS. Bukod kasi sa limitado lang ang kurso sa paaralan ko ay hindi naman ako pwedeng malayo kina Nanay at Tatay. Una palang ay gusto ko na talaga ang education kasi yun ang propesyon ng mga magulang ko. Hindi naman ako nila pinilit, ito talaga ang gusto ko.

"Tay ready na po ako. Pumanhik na po tayo para hindi tayo ma late."

Doon nagtuturo ang tatay ko sa pinapasukan kong school ang Pazdeña State College. College at High school students ang tinuturuan niya sa subject na history. Si Nanay naman ay isang principal sa isang elementary school. Sayang nga kasi hindi ako naging under ni Tatay e. Magandang opportunity yun! Hehehe.

Pagpasok ng kotse namin sa gate ay inihinto ni tatay para makapag-log in siya. Habang ako ay bumaba na at hindi na nagpaalam. Dumeretso nalang ako sa classroom. Sa paglalakad sa hallway ay nakakapit ako sa left strap ng bag ko. Tsaka medyo inaayos ang reading eyeglasses nasuot. Ganito talaga ako kapag may mga tao sa paligid, masyado kasi akong mahiyain at walang self confidence.

As usual, sarado pa ang classroom at ako ang pinaka-una sa mga kaklase ko. Matagal tagal na hintayan ulit ang gagawin ko. 6:30 am pa at 7 am pa ang pasok namin. Nasa pinakadulo ang classroom ko kaya medyo tahimik. Ang katabi nito ay hagdan pababa at paakyat tsaka may comfort room na panglalaki sa tabi. Doon sa kabilang dulo ay ganoon din tsaka may comfort room na pambabae.

Naisipan kong pumasok sa banyo para matignan ang mukha ko sa salamin. Hindi ko naman iyon gawain pero nababagot ako. Pagpasok ko ay tahimik. Komportable kong tinignan ang repleksyon ng sariling mukha sa salamin. Hindi perpekto ang mukha ko pero maipagmamalaki kong makinis ito at walang open pores. Bihira lang din ako magkatigyawat. Salamat sa gulay at prutas na palaging hinahanda sa bahay kaya naging makinis ang balat ko. Namana ko kay Nanay ay pagkakaroon ng white complexion. Pinasadahan ko  ang buhok kong angkop na gupit para sa estudyanteng katulad ko. Tsaka kinuha ang salamin para pahiran ito at ibinalik. Matangos ang ilong ko at maayos ang kurba ng labi. Agad akong napatingin sa katawan kong payat.

"Tsk. Bakit ba napakadali kong dapuan ng ubo at sipon." Napailing ako. Noong isang buwan lang ay naconfine ako dahil sa dengue kaya malaki ang nabawas sa timbang ko.

Lalabas na sana ako ng may marinig akong kakaiba, at parang nasa dulo na cubicle ito. Wala akong nakitang pumasok o lumabas kanina kaya nakuryoso ako at syempre kinabahan dahil baka may multo pero hindi ako nagpatinag at agad na linakad at pinaramdaman ang mga cubicle hanggang sa pinakadulo at doon ako nagulat na may apat na pares na paa akong nakita.

"Bakit ba dito nila to ginagawa? Tsaka ang aga aga! Di nalang mag-aral ng mabuti." Komento ko. Sa tingin ko kasi ay mali ang ginagawa nila lalo na't nasa school premises sila. They should follow the rules. Ang school namin ay strikto at nagfofollow ng GMRC.

Naglakad ako paalis at huminto muna ako para maghugas ng kamay sa sink. Pag-angat ko ng tingin sa salamin ay sakto namang may dumaan na babae sa likuran ko.

"'Yun siguro ang babae kanina pero nasaan ang lalaki?"

Iniwan ko nalang ang isip na yun sa loob ng comfort room at lumabas na. Timing na paglabas ko ay papasok na ang guro namin. Umupo ako sa dati kong upuan na nasa pangalawang row at kinuha ang notebook ko para mag-jot down ng notes ng magsimula na ang klase.

Mabilis tumakbo ang oras at natapos na ang una kong klase. Nagkaroon lang kami ng kaunting discussion. Nang mag-vacant ay naisipan kong sa library mag-stay para makpagbasa ako ng Reader's Digest.

"Kahit kailan ang sexy talaga ni Verity. Ang haba ng legs niyang kulay gatas. Grabe pare nakita nagkita kami sa comfort room kanina. Hindi ko inaasahan na papasok siya sa mismong cubicle kung nasaan ako! At alam mo ba kung anong nangyari? Hahahaha.."

Simula bata pa ako ay hindi ako naging tsismoso. Ngayon ay hindi ko lang maiwasan na hindi makinig sa usapan ng dalawang lalaki. Nasa gilid ko yung nagsasalita. Kahit pa ay nakabox yung inuupuan namin, naririnig ko parin sila. Para ngang kinikilig magkwento e.

"Huwag mo nga akong lokohin pare! 'Yun papatol sayo? Ha! Feeling Jiang Chen at si Verity si Chen Xiao Xi? Maging gwapo ka muna!"

So Verity pala ang pangalan ng babae kanina pero di ko makikilala yun kasi hindi ko nakita ang mukha niya.

"Aba loko! May mukha naman akong ipagyayabang tsaka support nalang kasi tsk. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng "Ikaw ba si Joshua?". Puta nakaka-turn on ang boses pare! Mabuti nalang tapos na ako sa ginagawa ko kundi pahiya ako. Tumango ako bilang sagot at lumabas  siya pagkatapos makumpirma ang pangalan ko."

"Oh? Tinanong pangalan mo? Hayp ka pare! Paano mo nagawa 'yun?" Bakas sa boses ng lalaki na hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kaibigan niya.

"Naniniwala ako na tumaas ang level ng pagiging gwapo ko pre. Akalain mo 'yun, si Verity iyon at transferee pa siya tapos makikilala niya ako?" Sobrang manghang-mangha siya lalo na noong nasabi niya ang pangalang Verity.

Transferee si Verity at nagawa na niya kaagad na pumasok sa comfort room ng lalaki ng walang pag-aalinlangan. Naiisip ko tuloy na easy-to-get siya at parang nandidiri na ako sakanya.

"Grabe, grabe.. paano nangyari 'yun? 'Di ka naman sikat!" Pag-aalma ng kausap ni Joshua.

"'Yun nga ang ipinagtataka ko pero di ko na iisipin 'yun. Ang mahalaga ako at si Verity nagsama sa isang cubicle!" Maligayang sabi nito na parang nanalo ng jackpot price.

"Malaking balita nga iyan pre. Sige i-post mo yan sa PSC confessions! Paniguradong sisikat ka. May picture ka ba?"

"Syempre meron. Mabilis kaya ang kamay ko. HAHAHAHAHA. Nararamdaman ko na na magiging jowa ko si Verity my bebe!"

Tumayo na ako para pumasok sa susunod na klase. Nakita ko ang dalawang lalaki at nagtatawanan sila. Hindi ko ma-identify kung sino si Joshua pero may nakita akong may hawak na cellphone. Aabangan ko ang post ni Joshua sa PSC confessions at isusumbong sa guidance kung malaswa ang ibabahagi niya.

Natapos ng maayos ang kalahating araw na klase. Napili kong sa cafeteria nalang kumain bukod sa nasa loob lang ng school premises ay naka-aircondition ito. Umorder ako ng kanin, fried chicken at tinolang isda na may kasamang malunggay, kalabasa at string beans. Nakahanap  ako kaagad ng table na wala pang naka-occupy na pwede sa anim na tao. Hindi na ako nag aksaya ng oras at sinimulan ko na ang pagkain.

"Excuse me po, pwede po bang maki-share ng table?"

Nagulat ako ng may nagsalita bigla kaya natapon yung sabaw sa kutsara na isusubo ko na sana. Bago ako tumingin sa nagsalita ay ginala ko muna yung mata ko sa buong cafeteria at wala na ngang bakante. Tanging ang inuupuan ko nalang.

"Sure. Wala naman problema sa akin," wika ko. I move my plates para mabigyan sila ng space para sa mga pagkain nila.

"Salamat kuya!" Doon lang ako nag-angat ng tingin. Senior high school student ang kumausap sa akin dahil sa kulay pink na uniform nito. Palatandaan nila iyon.

Pinagpatuloy ko ang aking pagkain at hindi na inabala ang kaninang babaeng lumapit. Kailangan kong magmadali dahil hindi ako sanay na may kasamang babae habang kumakain. Natatakot akong kutyain ako katulad ng ginagawa ng ibang babae sa mga lalaking walang confidence sa sarili at sobrang inosente.

"Evianna! Verity! May nahanap na akong table. Bilisan niyo!" Biglang umangat ang tingin ko sa babaeng kaharap ng marinig ko ang pangalang Verity. Siguro iyon 'yung babae kanina sa comfort room.

Matatapos na naman ako kaya okay lang. Baka paglapit nila sa table ay nakaalis na ako.

"Annabelle!" Napahinto ako sa pagkain ng may lumapit sa table na inuukopa ko. Panigurado itong kaharap ko ang kausap.

"Pasalamat tayo kay kuya kasi di siya nagdamot sa table nato. Hehehe." Sabi ni Annabelle habang nakatingin sa akin. Ang awkward!

Napilitan akong magbigay ng smile. Sino kaya sa dalawang babae si Verity? Hindi ko kasi masyadong napamilyar ang mukha niya kanina. Silang tatlo ay synonyms ng beautiful, pretty, gorgeous, attractive, ravishing, bonny at stunning. Masasabi kong silang tatlo ang pinakamagandang babae na nakita ko sa personal bukod sa mga artista.

"Walang problema sakin at may bakante pa namang upuan. Hindi naman sa akin itong cafeteria para magdamot ako," sabi ko at umupo ang dalawang nakatayo kanina.

"Baka natakot sa kagandahan mo Annabelle. Hehehehe." Mahinhin na tawa ng babaeng naka-ponytail ang buhok.

"'Wag nga kayo hoy! Pakainin niyo na si Kuya. Mahiya naman tayo. Hahaha," sagot ni Annbelle. "Annabelle nga pala Kuya. Matakot ka kasi ako yung manika. Hihihihi." Ningitian niya ako ng malaki at nilahad ang kamay. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya. Never ko pa kasing ma-experience ang may magpapakilala sa akin na magandang babae. Sa tingin ko'y pinagtitinginan na kami ngayon.

Tinanggap ko ang kamay niya para hindi maging rude tignan. "Greg nga pala," pagpapakilala ko at binitawan niya ang kamay ko. Hindi ko  inaasahan na pati yung nakaponytail ay makikipagkilala.

"I'm Evianna, Kuya Greg." May kasama pang wink at lipbite kaya nagkaroon ako ng goosebumps. Inabot niya ang kamay niya tsaka tinanggap ko ito na medyo shaky ang kamay, sana 'di niya maramdaman. 'Di na ako nagtaka kung bakit nag-kuya sila sa akin halata sa uniform ko na college na ako. So hindi pala siya si Verity.

"Verity." Pagpapakilala niya na tutok ang mata sa akin. Napalunok ako ng marinig ang boses niya. Wala mang emosyon pero parang hinaplos ang puso ko at kinabahan na ako. Sht! Bakit ba ako nagkakaganito? Mabuti nalang at di niya inabot ang kamay niya kasi nanlamig bigla ang mga kamay ko.

Mapayapang natapos ang lunch ko at nagmamadaling umalis at di na nag-abalang magpaalam pa sakanila. I don't care if they'll think that I'm rude. Gusto ko lang talagang makaalis.

Habang naglalakad ako, feeling ko maraming nakatingin sa akin. Sinimplehan ko namang tignan ang paligid at parang lahat sila nakatingin sa akin at bumubulong pa. Sa hindi sinasadya ay may naririnig akong mga bulungan.

"Omgggg. I feel pity para kay Kuyang reading eyeglasses!"

Ako ba ang tinutukoy na kuyang reading eyeglasses?

"Kung ako sakanya, nagmadali nalang siyang kumain para hindi na nakapagkilala yung tatlo!"

"Girl nakita mo yun? Nakipagkamayan yung dalawa!"

"Naku nakooooo excited na ako sa gagawin ng EVA!"

Bakit naman siya ma-eexcite? Tsaka EVA?

"Baka di pa yan nila gagalawin kasi nahanap na nila ang unang biktima."

What?! Hindi ko maintidihan ang sinasabi nila. Basta wala na akong pake doon sa tatlo at ang gagawin ko nalang ay mag-aral ng mag-aral. Tama! Yun talaga ang gagawin ko.

"Psssst.. Kuyang reading eyeglasses." Napatalon ako sa gulat ng may sumundot sa akin. At bakit ba ganyan ang tawag nila sa akin?

"B-bakit? Anong ka-kailangan mo?" Na-uutal kong sabi.

"Maghanda ka na po. Hahahahahaha. Tsaka bumili ka na ng extrang reading eyeglasses Kuya. HAHAHHAHAHAHA."

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatakbo palabas sa cafeteria. Bakit ba ganun nalang ang bulungan nila at ang sinabi ng babaeng lumapit sa akin? Mali ba na makasama ko sila sa pagkain? 'Di ko kasalanan yun! Yung Annabelle ang kusang lumapit. I didn't force them to be on the table I occupied. Wala rin akong ginawang ikaka-offend nila.

Huminga ako ng malalim tsaka naglakad. Iisipin ko nalang na walang nangyaring weird ngayong araw. Kumain lang ako doon at walang ginawang masama at nasa school din si papa kaya kampante ako.

"Greg, keep calm," bulong ko sa sarili ko.

---

Sa pinakagwapa nga tanan RaineCci, I hope you will notice this. 😭 ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top