Prologue
Prologue
Febuary 2019. 4:15 PM.
PAGBUHOS ng ulan.
We are all meant to feel pain. We're bound to unravel things in either hard or easy way. Siguro, maswerte lang 'yong mga taong nasasaktan pero hindi naman sagaran kung dumating ang lahat ng sakit. 'Yong tipong paunti-unti lang ang problema kaya paunti-unti lang ang sakit na dumarating.
Pero paano kung magsabay-sabay ang lahat? Magsabay sa pagdating ang sakit, pait at hirap? It would be the worst and you'll just find yourself giving up.
Napatitig ako sa ulan na unti-unting bumabagsak. Nakatitig ako mula sa malapad na glass wall ng opisina na kinalalagyan ko ngayon. I can see the exhilarating view of the whole city below. I can't help but stood here with an awe.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita kung papaano lumalakas ang ulan at kung gaano na kadilim ang langit.
Hindi ko maiwasang hindi mapapikit. Ramdam ko ang sakit sa puso ko. Parang dinudurog habang naaalala ko ang mga nangyari.
Murder. Blame. Regrets.
Ang sakit, kasi ako na nga ang nawalan ako pa ang napagbintangan na may kasalanan.
Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko.
I was once a strong person until I was left with nothing, and here I am, so close to despair. Pero sinusubukan ko namang magpakatatag. Siguro, hindi pa huli ang lahat. Ayokong mawalan ng pag-asa.
I'll get through all these pain.
I am grasping with the only hope that's left. This is my last chance. He is my last chance. Sana tulungan niya ako.
I was starting to drown with my own thoughts when I heard footsteps just behind the door. Nakalimutan kong isara nang maayos ang pinto pagkapasok ko kanina.
Mabilis kong inayos ang sarili ko. Agad na bumukas ang pinto. Hinarap ko ang taong nagmamay-ari ng opisinang ito.
"Kester," mahinang sambit ko, halata sa boses ko ang kabang nararamdaman.
Tanging sulyap lang ang iginawad niya sa akin. Diretso siyang umupo sa swivel chair niya. Ni hindi man lang tumagal ang pagsulyap niya sa akin ng ilang segundo.
"Why are you here?" malamig niyang tanong.
Tumikhim ako at unti-unting lumapit sa kanyang mesa. "I'm here to talk to you about what happened."
"Bakit pa?" Matalim siyang tumitig sa 'kin. "Malinaw na malinaw ang nangyari. Ikaw ang dahilan kung bakit nagsuicide si Tita Mellissa," may riin niyang saad. Nakakuyom ang kamao. Nag-isang linya ang mga labi. Galit siya sa nangyari at pinagbibintangan niya ako.
Napatulala ako habang unti-unting naaalala ang lahat.
Mama.
Emotions immediately gushed forth in my whole system. Hindi ko matatanggap 'yon. Hinding-hindi. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang nangyaring 'yon sa pamilya ko. Ramdam na ramdam ko.
Paano niya ako nagagawang pagbintangan?
"I didn't, Kester. Hindi ako ang may kasalanan. Mahal na mahal ko ang Mama ko, hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kanya─"
"─but you provoked her, Raine!" Nabigla ako sa sigaw niya. Napahakbang ako paatras at napakurap-kurap.
Nang nakabawi, umiling ako. "N-no. I didn't p-provoke her..." I managed to say, suppressing the urge to cry in front of him.
Nakita kong umamo ang mukha niya pero agad naman itong bumalik sa dati. Hindi ko pinaglagpas ang pagkakataon na matitigan ang kanyang mukha matapos ang isang taon.
Hindi 'yon nagbago, in fact, ganun pa rin katulad nang dati. Matangos na ilong, prominenting mga panga, mapupungay, at kulay kayumangging mga mata.
Hindi ko napigilan na matulala.
How I love those features before. And how I loved him so much before. But I guess a year hadn't been a hindrance to stop myself from loving him because up until now, I still do.
How I wish everything wasn't like this. Everything wasn't this complicated. How I wish I had another choice before other than leaving him.
Hindi sana ganito ang mga nangyari.
His cold stare sent shivers down my spine. Hindi ko matagalan ang mga titig niya. He still have this effect on me even after a year.
"I'm sick of your lies, Raine. Stop acting so innocent and demure because you aren't in the first place."
I felt a tear slipped through my eyes as his words tore me piece by piece. Agad-agad ko iyong pinunasan.
"Kester, please... maniwala ka naman, 'wag kang tumulad sa kanila. Paniwalaan mo naman ako," pagmamakaawa ko sa kanya.
Sinalubong ko ang mata niyang nagsusumigaw ng galit.
"I did, Raine. I did trust you before. But what did I get after I believed in your god damned lies?"
Tumulo ulit ang mga luha ko, ngayon ay sa magkabilang pisngi. "Kester..."
"I got a broken heart."
Napailing-iling ako. "H-hindi mo kasi naiintindihan." Susubukan ko sanang magpaliwanag pero sa bawat segundong lumilipas, mas tumitindi lang ata ang galit na nararamdaman niya.
"I don't understand 'cause you didn't even bother to explain to me everything! Kung ngayon ay plano mo nang sabihin ang lahat, well shut it. I don't need your explanation."
Lumunok ako. Umiiyak pa rin.
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Pinilit kong indahin ang bawat sakit na nararamdaman sa bawat binibitawan niyang mga salita.
I swallowed my pride and everything before I came here. And it took me various sleepless nights before I made up my mind.
Kahit na mahirap isipin na magpapakita lang uli ako sa kanya dahil siya na lang ang makakatulong sa akin. Kahit masakit para sa akin na isipin niya na ginagamit ko lang siya, pinili ko pa rin na pumunta rito.
A year ago, I decided to let him go. I did let him go because I know he'd be in his best if I'd be out of his life. And it is for the sake of everyone that I decided to forsake even my own happiness.
And I guess I was right. Sobrang successful na niya ngayon habang ako naman ay hindi. Wala man lang akong narating sa buhay. Kaya tama na rin siguro ang naging desisyon ko kesa naman manatili ako sa tabi niya at mahila ko lang siya pababa.
Kahit sobrang sakit na ng mga salitang binitawan niya, pinili kong magpakatatag.
"I'm sorry..."
Hindi ko na uli naibuka ang bibig ko para makapagsalita. Kasi alam ko na kasalanan ko rin kung bakit siya nagkaganito. Kung bakit hindi na niya kayang magtiwala sa akin.
And I'm so dumb for doing that. I'm so stupid for breaking his trust and I'm so stupid for breaking his heart.
"I don't need your sorry. I need you to get out of my life just like how you did a year ago. Get out of my life and never come back," mas malamig niyang sabi habang nakatitig sa akin.
That hurt me like hell. Ganito pala ang pakiramdam na ipagtulakan ka ng mahal mo palayo.
Ang sakit, sobrang sakit.
"Kester, please... tulungan mo naman ako. Kailangan kong malaman kung sino ang gumawa no'n sa Nanay ko."
Napahikbi ako nang naalala ang lahat. The indecent death of my mother. They said she committed suicide but I know she was murdered.
"Kester, ikaw na lang ang makakatulong sa akin. Please, tulungan mo ako," pakiusap ko, halos lumuhod na ako sa harapan niya.
Nakita kong tumaas ang isang sulok ng kanyang labi at unti-unting sumilay ang isang sarkastikong ngiti mula sa mga iyon.
And the last words that he spoke made my heart break into pieces and hurt me more than I am hurting right now.
"Alam mo, Raine sa mga sinabi mo, napagtanto ko na hindi ka lang pala manloloko,"─Tumigil siya saglit sa pagsasalita at pinakatitigan ako. "Manggagamit ka rin pala."
Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at tuluyang nilisan ang opisina habang naiwan akong nakatulala.
Siguro nagkamali ako ng akala na tutulungan niya ako.
Nagkamali ako. Dahil... nagbago na siya.
Unti-unti akong napaupo sa sahig. Kailangan ko na lang siguro tanggapin na wala na akong pag-asa. Hindi ko na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng Mama ko.
Napatitig ako sa ulan. How I love the rain. How I admire its beauty as it falls endlessly. Patuloy lang ito sa pagbuhos, parang nakikisabay sa mga luha kong walang tigil din sa pag-agos. I tried to wipe my tears but they just keep on falling.
A sad smile crept in my lips as I remember a memory─with him.
'Have you ever wondered if we could ever count the drops of rainfall?' A voice echoed in my mind─it was his, back when we're still so young and madly in love with each other.
"Tinatanong mo ba talaga sa 'kin 'yan?"
He grinned then he looks into my eyes, his brown eyes' sparkling.
"Alam kong hindi nabibilang ang mga patak ng ulan, ngunit bakit tila nabibilang natin ito sa ating paraan?"
It was raining when we began. And maybe it'll be raining too when everything between us will eventually have its end.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top