Ikatlong Patak

Paano ba malalaman?
Kung siya na ba ang
Inilaan ng tadhana?

Paano ba mapagtatanto,
Kung siya na ba talaga?
Siya,
na ngayon ay matiyagang
kumakatok sa aking puso

-Ikatlong patak
(Ibabaling)

Raine

"SIYA BA 'YONG sinasabi mong nagme-message sa 'yo? 'Wag mo 'yang replyan."

Napangiwi ako sa naging turan ni Kester patungkol sa kaklase kong madalas na nagme-message sa akin. Nakita niya kasi akong nag-open ng messenger at si Xenon ang pinakauna sa inbox ko.

"Nareplyan ko na, wala ka nang magagawa."

Nakita ko siyang tinitigan ako at nang tiningnan ko siya pabalik ay inis siyang nag-iwas ng tingin.

"Wala namang basagan ng trip."

Matagal bago ko siya narinig na magsalita. "Trip mo ba 'yon?" seryoso niyang tanong sa akin.

Napatulala ako sa kung gaano kaseryoso ang kanyang mukha. Ang kanyang kayumangging mga mata ay nakatitig ngayon nang diretso sa akin.

"Hindi, pero rereplyan ko pa rin. Wala akong choice."

Tumigil siya sa paglalakad. "May choice ka," mariin niyang sabi. "It's either e-unfriend mo pero mas maganda kung e-block mo na agad."

"Ay, ang galing mong magturo. Salamat ah, sobrang nakatulong 'yong advice mo, Mister Kester."

"Seryoso ako."

Tumango ako."At seryoso nang nakatingin si Seirra ngayon sa 'yo," sabi ko at tumalikod na. Ramdam ko ang bigat sa puso ko habang naglalakad palayo sa kanila.

Si Kester ay nagpatuloy na sa paglapit kay Seirra at tila nakalimutan na ako. Ni hindi man lang siya nagpaalam.

Ito ang kauha-unahang pagkakataon na hindi ko siya makakasabay sa pag-uwi dahil ito ang unang pagkakataon na sumama na si Seirra sa kanya.

Grabe, ang bilis ng mga nangyari. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito. Nakita ko lang siya sa gitna ng ulan e. Kinausap sa hindi mabilang na beses. At heto, kung ano na ang nararamdaman ko. . . para sa kanya.

Masakit, lalo na kung alam mong ikaw iyong walang lugar. I already have hints about their connection with each other. Una pa lang dahil hindi ako tanga para hindi ko iyon malaman agad.

Halos buwan na ang lumipas at marami na ngang nagbago. Naging kakilala ko si Kester. Nakikita ko ang pagbabalak niyang pagsundo kay Seirra. Hanggang sa umabot sa puntong nangyari na nga ang gusto niyang mangyari.

Pero dahil sa set-up daming dalawa ni Kester na ngayon ay umabot na sa pagiging magkaibigan, ramdam ko ang unti-unting pag-iwas at pagsinghal ni Seirra sa akin.

Hindi ko alam kung ano'ng dahilan ni Seirra para gawin iyon.

Nagiging tipid na siya kung makipag-usap sa akin. At madalang na lang kaming nagkakasama dahil mas pinipili na niyang sumama sa iba naming mga kaklase. It's painful seeing your friend for years distancing herself away from you.

But maybe this is a wake up call for me to stop being close to Kester, dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto nito.

Kaya sa bawat araw na lumipas ay maaga na akong umuuwi. Pinipili ko na rin na sa backgate lumabas kahit na mas malayo ang lalakarin ko papunta sa sakayan ng jeep kung doon ako dadaan. Hindi ko na iyon inisip. Ang mahalaga ay maiwasan ko na si Kester.

Katulad na lang sa araw na 'to.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon siya sa sakayan. Nakaupo sa isang upuan sa gilid ng isang nakaparadang jeep habang panay ang tingin sa mga dumaraan.

Napailing-iling ako nang mapagtanto na walang saysay ang pagdaan ko sa backgate ng school dahil nandito rin naman siya sa sakayan ng jeep.

"Raine..."

"Hi," mabilis kong sabi at dali-daling sumakay sa jeep na wala pang pasahero.

Napapikit ako nang agad rin siyang sumunod sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ilang araw na kitang hindi nakikita. Nag-a-abang ako sa labas ng gate."

Nagkibit ako ng balikat. "Naging busy kasi ako kaya ayon. Bakit pala? Hindi ba si Seirra naman ang inaabangan mo? Palagi siyang lumalabas ng gate on time."

Pinanatili kong kalmado ang beses ko kahit na ang totoo ay nanginginig na iyon dahil sa kaba. Hindi ko alam pero parang mas lumalalim lang ang nararamdaman ko para kanya sa paglipas ng mga araw.

Fudge, I'm in a big trouble. I truly am.

Walang akong narinig galing sa kanya.

Nilingon niya lang ako at pinakatitigan. "Pupunta ako sa loob ng campus n'yo bukas. Mag-usap naman tayo tulad ng dati. Susunduin kita," he said with finality.

"Ano?!" I exclaimed. "Bakit? Are you insane?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "What made you think I'm insane? Susunduin kita. Mag-uusap tayo. Because I feel like you're avoiding me."

"Iniiwasan? Hindi no! Busy ako kaya ganun."

"Titingnan ko kung gaano ka kabusy. Baka sakaling ma-insert mo pa ako sa sched mo. I miss talking to you."

"That's shit," malutong kong mura. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pagtindi ng nararamdaman ko ngayon. Parang may kung ano'ng pumipintig at bumabara sa lalamunan ko. At may kung ano'ng naglilikot sa tyan ko.

"Akala ko ba willing ka na kausapin at damayan ako? Hindi ka pa nga nagpapatinag kahit hindi mo pa ako kilala. What makes it any different by now, Raine?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"That's the truth. Kung hindi mo ako mahihintay sa labas ng gate. Aagahan ko. Susunduin kita bukas," huling sabi niya bago ko narinig na umandar na ang jeep. Kanina na pala ito napuno ng mga pasahero.

Ilang minuto ang lumipas at agad na akong nakarating sa street ng namin.

"Manong, para po," sabi ko at tumigil naman agad ang jeep. Iniabot ko ang pamasahe sa katabi ko at laking gulat nang makitang mag-abot rin ng bayad ni Kester.

"Hoy, ba't ka bababa?" Pigil ko sa kanya nang makitang bababa rin siya sa kung saan ang bababaan ko.

"Titingnan ko kung saan ang buhay n'yo para kapag hindi kita nakita sa school niyo, didiretso na ako rito," he answered.

Namamalikmata ba ako ngayon o talagang nakikita ko ang malaking ngiti sa mga labi niya na halos umaabot sa mga mata.

"What? No!"

Ngiting-ngiti niya akong pinagmasdan. "Yes."

"Argh! You're insane, Kester."

"No, I'm perfectly fine."

Umiling-iling ako. "Ano ba, Kester don't be an ass!"

Hindi niya ako pinansin at nagtitingin na kung alin ang bahay namin sa mga naroon.

Napapikit ako dahil sa inis. "Hindi mo pwedeng malaman kung saan ang bahay namin."

"Bakit naman?"

"Wala kang mananakaw doon."

Tumaas ang kanyang kilay. "Do I look like a thief to you, Raine?"

Napabuntong hininga na lang ako. I didn't mean to offend him pero iyon lang ang kaya kong sabihin para iparating sa kanya na hindi kami mayaman.

"Hindi kami mayaman," sabi ko na lang nang wala na akong maisip na ibang pwedeng sabihin.

"Ano ngayon?" walang pakialam niyang sabi at muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Pangit ang bahay namin," agad kong sabi at humabol sa kanya. Fudge, I need to think of a better reason not to tell him where I live. Wala akong plano na sabihin sa kanya kung alin ang bahay namin dahil alam kong mas makakadagdag pa iyon sa aalahanin ko.

Mas magiging magulo lang ang lahat kapag nalaman niya ang bahay namin at totohanin niya ang kanyang sinabi.

"Ano kasi... Kester, I don't even know you," sabi ko na lang dahil wala na akong ibang naisip. Totoo naman talaga iyon. Oo at madalas kaming nag-uusap pero hindi ko pa siya gaanong kilala."

"You know my name."

"That's not it."

"Then take your time, mas kilalanin mo ako. It's alright with me," he said then smiled sheepishly. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad. Naiwan akong tulala dahil sa kanyang sinabi.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at ako naman ay walang ibang nagawa kundi ang sumunod at sabihin sa kanyang wala akong planong ituro sa kanya kung saan ang bahay namin.

Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mama na lumabas mula sa loob ng bahay namin na nasa 'di kalayuan. Tatlong bahay na lang ang kailangan naming lakarin para tuluyang makarating sa tapat ng mismong bahay namin.

Kunot ang noo ni Mama nang lumapit sa maliit naming gate. Agad siyang napatingin sa akin at sa lalaking kasama ko.

Mabilis akong naglakad palapit kay Mama.

"Fudge," I muttered. Nahagip no'n ang attention ni Kester at agad siyang napabaling sa akin at sa tinitingnan ko.

"Nanay mo?" tanging tanong niya at sumunod na sa akin.

Nakaharap kaming dalawa ngayon kay Mama na nakakunot na ang noo.

"Fudge, Kester sakit ka talaga sa ulo." Napapikit ako at walang nagawa kundi ang lumapit sa gate namin.

Wala na, alam niya na kung saan ako nakatira at ang mas malala pa ay nakita siya ni Mama na kasama ko.

"Good afternoon, po," bati niya sa Mama ko nang pagbuksan kami nito ng gate.

"Magandang hapon rin, Hijo," bati ni Mama kay Kester at ngumiti pero bakas ang nakakunot niyang noo na tila naguguluhan kong sino itong kasama ko ngayon.

'Wag niya lang sanang isipin na boyfriend ko itong si Kester.

"Kaibigan ko po, Ma," sabi ko habang nakatitig sa nagtatanong niyang mga mata.

"Ah, kung ganoon papasukin mo," sabi ni Mama at bumaling kay Kester. "Hijo, pasok ka."

Ngumiti si Kester na tila ba sobrang saya dahil sa narinig, pagkatapos ay nilingon niya ako.

Umiling-iling ako at tumalim ang titig sa kanya.

Nakita kong unti-unti nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Maraming salamat po, pero..." Tumigil siya saglit at muling lumingon sa akin bago nagpatuloy. Bahagya ko siyang pinandilatan ng mga mata. "May gagawin pa po kasi ako. Hinatid ko lang po si Raine."

Napailing-iling ako nang makita ang pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat. Rinig ko rin ang pagkabigo sa boses niya. Tumitig siya sa akin. Bakas ang lungkot sa mga mata.

Bakit ba gustong-gusto niyang pumasok sa loob?

"Ganoon ba? Ah, sige pasok muna ako baka masunog iyong niluluto ko sa loob. Sumunod ka na lang, Anak."

Tumango ako. "Opo, Ma."

Agad na pumasok si Mama sa loob ng bahay at iniwang nakabukas ang gate. Mabilis naman akong bumaling kay Kester at hinarap siya.

"Gusto ko sanang pumasok," maktol niya.

"Wala kaming juice at pagkain sa loob, magugutom ka lang."

Pinanliitan niya ako ng mata at bumuntung hininga. "You don't want me there."

Napayuko ako pero nagpatuloy pa rin sa pagsalita. "Sorry."

"Right, you still don't know me that much," he said. "How about we grab some cup noodles? Nang makapag-usap. May convenience store sa susunod na kalye. Tara punta tayo."

I know what store he's talking about. Hindi naman masyadong malayo iyon pero sapat na para mapagod ka sa paglalakad.

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. "Are you damn serious? Bakit biglaan kang naging hayok sa usapan?"

"Para mas makilala mo ako, Raine."

Nangunot ang noo ko. "Bakit? Kailangan ba iyon?"

Sa totoo lang ay hindi ko naman iniisip kung malayo ba convenience store. Ang iniisip ko ay kung bakit handa niya akong yayaing kumain ng cup noodles para lang makapag-usap kami at mas makilala ko siya.

"Gusto mo akong mas makilala 'di ba? Tara, simulan na nating kilalanin ang isa't-isa ngayon."

This guy is so...

"You know, we can grab a cab if you want but we would have a lot more time to talk when we're walking."

"Seryoso ka talaga?"

Tumango lang siya.

Natawa naman ako. "Gaano mo ba ka-gustong makilala kita nang lubusan?"

Pinasadahan niya ng mga daliri ang medyo may kahabaan niyang buhok. Pagkatapos ay hinuli niya ang mga mata ko.

"Gustong-gusto," maharan at seryoso niyang sagot. Napalunok ako nang maramdaman ang nagsisimulang pagtambol ng puso ko. Napatitig ako sa mga mata niya at hindi nakapagsalita. It's like I was completely mesmerized by how beautiful his eyes are.

Gusto ko na lang tumitig sa kulay tsokolate niyang mga mata habang nakatitig din siya sa akin pabalik.

Pero sinita ko ang sarili ko.

I exhaled a sigh of defeat. Wala na akong magagawa. Isa pa, his offer is very tempting. I'm actually craving for cup noodles.

"Magpapaalam lang ako," mabilis kong sabi at pumasok na sa loob ng bahay para magpaalam kay Mama na sasamahan ko lang saglit si Kester. Hindi naman siya umangal at umu-oo lang basta ba ay 'wag lang daw akong masyadong magpagabi sa pag-uwi.

Lumabas ako ng bahay at agad na naaninag si Kester na panay ang tingin sa paligid na tila kinakabisa ang bawat daanan at paligid ng bahay para 'di niya makalimutan.

Pinangunutan ko siya ng noo. Nang nahagip niya ako ng tingin ay agad siyang umayos ng tayo. Awkward siyang ngumiti na parang may kung ano'ng kalokohan siyang ginawa at nahuli ko siya sa akto.

Napailing-iling na lang ako. Hindi ko alam kung bakit panay ang ngiti ko habang napapansin ang maliliit na bagay na ginagawa niya. More often, I tend to notice even his slightest reactions on certain things. Grabe na talaga 'to.

Inilock ko na ang gate ng bahay namin at nagsimula na kami sa paglalakad papunta sa convenience store na sinasabi niya.

"Mahilig akong sumayaw." Nabigla ako nang bigla siyang nagsalita. Pero mas lalong napakunot ang noo ko nang magsimula siyang magsalita tungkol sa mga gusto niya at sa sarili niya. "Mahilig din ako sa mga bagay na may kinalaman sa criminal cases."

"I am not really a good speaker but I could be a good listener," pagpapatuloy niya pa.

"I'm 18, a grade 12 Science, Technology Engineering and Mathematics student in Ateneo. Kita mo naman sa uniporme 'di ba?"

Tumango-tango ako. Narinig ko ang mahina niyang mura kaya natigilan ako sa paglalakad. "Shit, it's hard to speak about yourself while doing your best to impress someone."

"You're trying to impress me?"

"Hindi halata?"

Napapikit ako. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Kester?

"Hindi ako nadadala sa ganyan."

"I know, that's why I'm doomed."

Huminga ako nang malalim. "You know, knowing someone would take time. Hindi iyong kapag nagpakilala ka na, sinabi mo na kung ano'ng mga gusto at hindi mo gusto ay magkakilala na kayo. It's not like that. You need to know that person better first, you need to know that specific person deeper."

Tinitigan niya ako nang sabihin ko iyon. It's the truth. That's how it really works. Hindi iyong pakikipagkilala na ngayo'y ginagawa niya. Though it is one of the steps to get to know a person better.

"You're right," pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "But I'm definitely right too."

Nilingon niya ang convenience store na ngayon ay nasa harapan na namin.

Humakbang siya papasok at sumunod naman ako. Agad akong naghanap nang mauupuan habang siya ay nagtungo na sa mga stalls.

Umupo ako sa upuan na napili ko, malapit sa glass wall ng convenience store para makita ko ang nangyayari sa labas. Gustong-gusto ko ang pwestong 'to.

Napatitig ako sa mga tao sa nasa labas na may kanya-kanyang ginagawa. Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na si Kester na papalit sa akin. Dala-dala na niya ang noodles naming dalawa.

Agad akong nag-abot ng pera sa kanya para pambayad.

"Libre ko ulit, " sabi niya at hindi iyon tinanggap.

"Masaya ka na naman."

"Ano'ng mali do'n?"

"Palagi mo na lang akong nililibre, baka sabihin mo sinasamahan lang kita dahil nililibre mo 'ko palagi. 'Di naman ako namumulubi no."

Nangiti siya dahil sa sinabi ko. "Saan naman galing 'yan? I guess you're the one insane in here, Raine and not me."

"Wow lang ha," komento ko at ngumiwi. "I'm just being realistic."

"Really?" may pag-aalinlangan niyang tanong sa akin. "I think, this is much a realistic one."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano─"

Nakita ko siyang napalingon sa glass wall sa tabi namin at doon ko nakita kung papaano nagsimulang magtakbuhan ang mga tao dahil nagsimula nang bumuhos ang ulan.

Nakita ko ang dahan-dahan na pagpatak ng ulan mula sa makulimlim na langit. It's starting to rain and I guess it'll be raining hard.

Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Kester pagkatapos naming tumingin sa labas. Umiling-iling siya, bahagyang napangiti at agad na humigop sa kanyang cup noodles.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti rin. Nagsimulang manghina ang tuhod ko at hindi na ako mapalagay sa inuupuan ko.

Sinimulan kong haluin ang noodles ko at mahigpit na hinawakan ang cup. I took a sip. Napatingin ako sa kaharap kong si Kester na nakatingin pa rin sa akin. Kitang-kita ko ang walang tigil na pagbuhos ng ulan sa peripheral vision ko.

Dahan-dahan akong napapikit.

Ngayon ay hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang ibaling ang atensyon ko sa iba ngayong nararamdaman ko na ginagawa niya ang lahat para mabaling ang atensyon ko sa kanya.

#DOR-Ibabaling
-shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top