Ikalawang Patak

Kailan mananatili ang tatag?
Pamilya, ay tila natibag
Matagal na, mahirap na
ibalik ang lahat sa nakaraan

-Ikalawang patak
(Wasak)

Raine

KUNG AALAHANIN ko lahat ng nangyari, hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagsabay ni Kester sa akin pauwi. I have no idea. Ang naaalala ko lang matapos ko siyang makausap sa gitna ng ulan ay ro'n na nagsimula ang lahat. Nakikita ko siya sa labas ng eskwelahan namin, at doon, kinakausap ko siya.

He was so silent back then at sobrang sungit to the point na maiinis ka na rin but I didn't mind, I often do this to those people who seemed so tired and helpless. Iyong 'pag may nakikita akong umiiyak ay dinadamayan ko kahit na hindi ko sila kilala. Malay mo suicidal pala iyon at dahil kinausap o dinamayan ko man lang ay hindi niya maisipang magpakamatay, by any means ay nakatulong ako kahit papaano.

"Hindi pa huli ang lahat. You know if she left you, you still have your family and most importantly you have Him," sabi ko at tumingala sa langit.

"Gusto ko sanang umupo kaso mahirap dahil naka pencil skirt ako." Inis kong pinangko ang skirt ko para sana umupo sa tabi niya pero alam kong mahihirapan pa rin ako kahit gawin ko iyon.

Narinig kong bahagya siyang natawa. Basta na lang siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa gutter.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong ko at agad siyang sinundan.

'Wag niyang sasabihin na magpapasagasa siya?

"Please, 'wag─" Agad akong napatigil sa sasabihin ko nang makitang umupo siya sa bleacher sa bandang gilid ng gate. Akala ko magpapakamatay na 'tong mokong na 'to.

Umupo siya roon at tinitigan ako habang nakataas ang kilay. "Ano pang hinihintay mo? Gusto mong umupo diba?"

Tumango ako at umupo sa tabi niya. "Makikipag-usap ka na ngayon sa akin?"

"You're crazy."

"Ano? Hindi ako baliw!"

"Bakit nakikipag-usap ka sa hindi mo kilala?"

Ngumiwi ako sa kanya at huminga nang malalim. "Kasi kailangan nila ng kausap?"

"Silly..." Umiling-iling siya at hinarap ako.

Tumikhim ako.

"Don't get me wrong. I mean yes, kinakausap ko ang mga taong sa tingin ko nangangailangan ng kausap. O kung minsan ay tinatabihan ko na lang sila tapos ngingitian. Alam ko kasi na kung may mabigat kang nararamdam, medyo gagaan 'yon kung alam mong hindi ka nag-iisa. So, kapag tinabihan ko sila, hindi nila mararamdaman na mag-isa sila. Kase 'di ba katabi nila ako?"

Tumawa siya. Nanliit ang mga mata ko at gulong-gulo na pinakatitigan siya.

"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?"

"Wala," aniya pero panay pa rin ang hawak sa kanyang t'yan dahil sa walang tigil na pagtawa.

Hinayaan ko lang siya sa pagtawa hanggang sa tuluyan na iyong malusaw. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang medyo mahabang buhok at umayos nang upo. Pagkatapos ay bahagya niyang hinila ang cord ng suot-suot kong identification card.

"Lorraine Vaeis Reyes," sabi niya at tumango-tango.

Ipinakita niya sa akin ang I.D niya, na parang FBI na ipinakita ang professional I.D para hindi na magawang magpaliwanag pa. "Lei Kester Monteiro," aniya at agad na nag-iwas ng tingin.

Ibang klase magpakilala.

Tumango-tango na lang ako.

"Hinihintay mo siya?" tanong ko, ilang saglit ang lumipas na agad naman niyang naintindihan.

Sinagot niya lang ako ng isang tango.

Kahit na hindi ko kilala iyong babae, alam kong siya ang hinihintay niya. Tumango rin ako pabalik, sumandal sa sandalan ng bleacher at tinanaw ang pulang gate kung saan rin siya ngayon nakatingin.

Ang pag-uusap na iyon ay nasundan pa, at nasundan pa hanggang sa naging routine ko na ang makipag-usap sa kanya araw-araw bago ako umuwi. He's still there waiting for the girl. Iba nga naman 'pag napana ka talaga ni kupido o.

Palagi kong tinatanong kung ano'ng pangalan ng babae pero hindi niya sinasabi. Minsan naman ay inaalok ko siyang pumasok sa campus at puntahan na lang niya pero hindi pa rin siya pumayag kaya ayon, nanatili akong nakaupo sa tabi niya.

Minsan ay tahimik lang. Pero kadalasan ay kausap ko siya hanggang sa hindi na namin namamalayan ang oras.

And that's when I realized, it wouldn't take long for a stranger to become your friend... or even more than that.

Sa araw-araw naming pag-uusap, unti-unti na naming nakikilala ang isa't-isa.

"Ngayon, alam ko na hindi ka pala suicidal," saad ko.

"Do I look like one?" nakakunot noo niyang tanong. Bahagyang nakalukot ang mukha pero kitang-kita ko pa rin ang makapal niyang kilay na nagdedepina sa mapupungay niyang mga mata.

I shook my head. "Di naman. Pero malay natin baka magaling ka lang magtago ng totoo mong nararamdaman."

Tinitigan niya ako, may ngiti sa mga labi. Then I saw him shrugged his shoulders. "Pagabi na, 'di ka pa uuwi?"

"Mamaya na, hinihintay ko pa kasi ang kaibigan ko."

"Ikaw'ng bahala," sabi niya at ibinigay sa akin ang isang cup ng kape na dala-dala niya kanina pa.

"Para sa 'kin?"

"Alangan namang para kanino," sagot niya na nagpalapat sa mga labi ko.

Mas lalo lang siyang natawa. "That's for you, Raine. A treat."

Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. But after seconds of suppressing a smile, I conceded. "Aba't nagiging galente ka ata ngayon, Kester. May sinat ka?"

Natawa siya sa inasta ko. Kitang-kita ko kung papaano nanliit ang mga mata niya na hindi ko namamalayang kanina ko pa pala tinititigan. "Masaya lang ako kaya gusto kong manlibre."

"That's great. Then you should be always happy. Pwede akong umambag ng kung ano para sumaya ka. Kasi, nanlilibre ka e, ibang level na swerte rin 'yon." Agad kong natutop ang bibig dahil sa nasabi─absentmindedly.

Narinig ko siyang marahang humalakhak. "Pwede rin. You can start thinking of ways to... make me smile. Isang ngiti, isang kape."

Aba't sumasabay pa ang loko!

Oo na, siya na ang may maraming perang pwedeng ipanglibre.

"Joke lang 'yon. Naniwala ka naman agad," sabi ko pero naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

Natigilan ako nang maramdaman ang biglaan pagtambol ng puso ko. Napailing-iling na lang nang maisip kung ano itong nararamdaman ko ngayon.

Natahimik naman siya sa tabi ko pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo nang maaninag ko na ang kaibigan ko na palabas ng gate.

"Sei!" tawag ko. Nangunot ang noo ko nang tumayo rin si Kester at napatingin sa kaibigan kong kalalabas lang ng gate.

Titig na titig si Kester kay Seirra. At parang natuod ako sa kinatatayuan nang may mapagtanto. Kaya pala pamilyar iyong likod ng babae na kausap ni Kester noon dahil si Seirra iyon.

Ang babaeng hinihintay niya buong pagkakataon ay kaibigan ko pala.

"Anak, nakauwi ka na pala. Ano'ng ginagawa mo dyan sa labas? Ba't hindi ka pumasok?"

Agad akong napakurap-kurap at napatigil sa pag-iisip sa mga nangyari noong nakaraang buwan nang marinig ko ang boses ni Mama. Nakita ko siyang papalapit na sa akin at ngayo'y binubuksan ang maliit na gate ng bahay namin.

"Tulala ka dyan sa labas. May problema ba?"

Umiling-iling ako bilang sagot. "Wala po, Ma. Ayos naman po ang lahat." Lumapit ako sa kanya at magmano.

"Mabuti naman kung ganoon. Pumasok ka na, may bisita ka sa loob."

Tumango ako pero nangunot ang noo. "Sino po?"

"Pinsan mo. Pinapasundo ko raw ng Papa mo," sagot ni Mama.

Huminto ako sa paglalakad at nagdalawang isip sa pagpasok sa loob.

Mabilis akong umiling. "Ma, hindi po ako pupunta."

Alam ko na ang kailangan ng pinsan kong si Darius. Alam ko, at hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.

"Kailangan mong pumunta anak."

"Pero po─"

"Shh, pupunta ka, Raine," saad ni Mama at wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntung hininga at sumunod sa kanyang sinabi.

Ganito naman na palagi.

Siguro mabuti na rin. Mabuti nang masanay ako sa sakit at hirap. Sabi nga nila, feel the pain until it hurts no more.

So, I'll taste every pain and savour every tip of its bitterness. That's how I'm gonna face these damn shits in my life.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Darius sa sasakyan. Ako naman ay nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas. Tahimik sa loob, walang nagsasalita hanggang sa naisipan kong magtanong.

"Bakit kailangan kong pupunta?"

"Raine, hindi ka na dapat nagtatanong, you know you should be there. Doon ang bahay mo."

"Hindi ko 'yon bahay, Darius. Alam mo 'yan."

"Let's not fool ourselves. Bahay ng Daddy mo 'yon. Mas may karapatan ka pa nga dahil nakikitira lang kami ni Mommy."

"Kapatid niya ang Mommy mo," matigas kong sabi.

"At anak ka niya, Raine," may riin din niyang sabi kaya napatigil ako sa pagsasalita. Nagtaas ako ng isang kilay. Oo, anak niya ako. Anak na binalewala.

"Wala namang saysay kung pupunta man ako, Darius."

"Please, Raine, kahit ngayon lang. Gusto kang makita ni Tito."

"Ayaw ko siyang makita," walang pag-aalinlangan kong sabi.

Natahimik siya. Nakita kong nagdilim ang mga mata niya. "Dadalhin kita do'n sa ayaw at sa gusto mo."

Ibinuka ko ang bibig ko pero inilapat niya ang isang kamay sa ulo ko bago umiling-iling.

"Let's close this argument, insan."

Mabilis kaming nakarating sa mansyon dahil mabilis ang pagmamaneho ni Darius. Dalawang katulong ang agad na lumapit sa kanya pagpasok namin sa loob.

"Good evening, Sir," bati nila at kinuha ang mga gamit nito.

Binalingan sila ng tingin ni Darius. "Batiin ninyo si Raine."

Pero hindi sila kumibo, napatitig lang sila sa akin sabay yuko.

"Sabi ho ni Madame Meredith ay huwag daw po─"

Inis na nagbuga ng hangin si Darius bago tinalikuran ang mga katulong at humarap sa akin.

"'Wag mo na lang pansinin ang mga sinabi nila, Raine."

Umiling ako. "Sanay na ako na ganyan sila."

Bumukas ang double doors ng mansyon at nakita ko kaagad ang engradeng hagdanan sa harapan at ang mamahaling chandelier sa ceiling. Ang mga katulong na nasa bawat gilid ay nakayuko habang hinihintay kaming tuluyang makapasok sa loob.

Lumiko kami para makarating sa dining area. Nakasunod lang ako kay Darius habang panay ang paglingon niya sa akin.

"Hulaan ko, nandito si Meredith."

"Nangako siya na hindi ka niya pakikialaman," sagot niya, pinaparamdam sa akin na hindi dapat ako mag-alala.

Nang nakarating kami ay agad niyang binitiwan ang palapulsuhan ko at naaninag ko ang mukha ng kinaiinisan kong tao sa buong buhay ko.

"Lorraine Vaeis, I'm glad you came," sarcastic niyang sabi. May malaking plastik na ngiti sa kanyang mga labi. Mapang-alisputa niya akong tinitigan.

"Meredith," saway sa kanya ni Tita Michelle at ngumiti ito sa akin.

"Hija, masaya kami na nakarating ka. Why don't you sit and join us? Paparating na ang Papa mo." Malumanay ang kanyang boses.

Unti-unti akong ngumiti sa kanya. Tita Michelle is so kind. Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabait sa akin at kay Mama.

Magalang akong nagsalita. "Hindi na po, Tita. Hindi rin naman po ako magtatagal dit─"

"─bakit hindi ka magtatagal?"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang boses na iyon. Parang nanigas ang buong pagkatawan ko.

Nilingon ko ang taong nagsalita.

"Raine, kaarawan ko ngayon. Maaatim mo ba na hindi pagbigyan ang iyong Papa sa mismong kaarawan niya?"

Napatingin ako sa kanya habang nakikita ko siyang umuupo sa gitnang upuan sa hapag.

I cleared my throat. "Mag-isa po si Mama sa bahay. Pasensya na po pero kailangan ko nang umuwi. Maligayang kaarawan po," sabi ko habang nakayuko. Hindi man lang ako tumitingin sa kanya.

"Kung ganoon ay bakit hindi natin siya papuntahin dito? Darius, tawagin mo si Roland at ipasundo mo si Mellissa sa bahay nila," maagap niyang sabi. Nakita ko kung paano nagpanic ang nakaupong si Meredith.

"W-what? You're letting your ex-wife be here and join us in our celebration? She isn't part of this family. How can you do that, George?!"

Nagtagis ang panga ko dahil sa sinabi ni Meredith. Ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan ng ganyan ang Mama ko e kabit lang siya. Siya ang hindi parte sa pamilyang ito. Sampid na pumapapel.

"Meredith, Mellissa is part of the family and she'll always be one," ani Tita Michelle.

Kumuyom ang mga kamao ni Meredith. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa kanya. Siya ang dahilan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin. Isa siyang ahas na handang tuklawin kahit sino. At isa na doon ang Nanay ko.

"Kailangan ko nang ayusin ang mga papeles para sa annulment ninyo, George. What's taking it so long? Kailangan ba ng pera? I'll call our attorney, this needs to─"

"Shut up, Meredith. Can you stop thinking about the annulment? Atleast for this time? Hiwalay na kami ni Mellissa and even if I'll let her be in this celebration it doesn't mean that I'll be hooking up with her again. Hindi na ako magpapaloko sa kanya," sabi ni George.

He's my father but I refuse to acknowledge that.

Malalim ang naging buntung hininga ko. "Hindi manloloko ang Mama ko," matigas kong sabi.

Tinitigan ako ni Tita Michelle. "I'm sorry if you've to hear that, Raine─"

"Hindi po manloloko ang Mama ko," pag-uulit ko.

Tumikhim si George. "I-I'm sorry anak."

Matalim ang mga titig ko sa kanya. "Kailangan ko nang umuwi," saad ko at agaran na tumalikod sa kanila.

Humakbang ako paalis pero pinigilan ako ni Darius.

"Raine..."

Agad akong umiling. Ayoko nang marinig ang harap-harapan nilang pang-iinsulto sa Nanay ko.

Nilingon ko si Tita Michelle. "Una na po ako, Tita."

Nakita ko ang pagtango niya. "Hindi ka ba magpapaalam sa Papa mo?"

Nilingon ko ang taong tinutukoy niya. Unti-unti kong naramdaman ang galit na matagal ko na sanang pilit ibinaon sa limot.

Papa? He's not my father anymore.

Agad kong iniwas ang paningin ko mula sa kanya at naglakad palayo. Hindi na ako lumingon ulit. Pero kahit malayo na ako ay rinig na rinig ko pa rin ang pang-aalipusta ni Meredith.

"Tingnan mo kung gaano ka-walang modo ang anak mong iyon, George! Nagmana talaga sa Nanay niyang manloloko at sinungaling. Ano nga naman ang a-asahan mo? Kung masangsang ang ugali ng Nanay gano'n din ang anak."

"Tumahimik ka, Meredith. Baka nakakalimutan mo anak ko pa rin si Lorraine. Walang kinalaman ang naging kasalanan ng Nanay niya sa kanya."

"Meredith, calm down. This is not the time to talk about that." Narinig kong sabi ni Tita Michelle.

Tuluyan akong tumalikod sa kanila. I didn't even bother to say goodbye to my own father. Kung hindi niya binigyan ng respeto ang Nanay ko sa harapan ko mismo, hindi ko rin siya rerespetuhin.

I would never forget how he had disposed us like we're the lowest of all the lows and we're the stinkest among all the garbage found on earth. He left us and chose to be with his bitch.

Tapos ito? I-imbitahan niya ako sa birthday niya na parang walang ganoong nangyari? At kasama pa talaga ang kabit niya. Ang galing.

Lakad takbo ang ginawa ko makalabas lang ng mansyon. Naririnig ko ang pagtunog ng luma kong 2 inches-heeled na sapatos na lumalapat sa makintab na tiles na sahig.

Nasagi ng paningin ko ang family picture namin na nakasabit sa gitna ng magarbong hagdanan. Kitang-kita ko ang mga ngiti namin. Nakita ko ang seven-year-old na sarili ko na nakangiti sa gitna ni George at ni Mama.

Malaki rin ang ngiti ko at kitang-kita na umaabot iyon sa mga mata. Napatigil ako para mas titigan iyon. Ito 'yong mga panahon na maayos pa ang lahat. Mga panahon kung saan buo pa lahat.

Pero agad akong napaiwas ng tingin nang makita ko ang isa sa mga maids na lumapit doon sa naka-wooden frame na family picture namin. Kinuha nito iyon para palitan ng mas malaking picture ni George at ng bruhang si Meredith. Mas malaki iyon kumpara sa family picture namin at may golden carvings pa sa bawat gilid.

Nakayuko ang maid habang isinasabit ang picture sa dingding dahil alam niyang nakatingin ako. Bago siya tuluyang umalis ay nakita ko pa siyang sumulyap sa huling pagkakataon pero agad naman niya itong binawi.

Bumuntong hininga na lang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng mansyon. Agad namang binuksan ng guard ang gate nang nakitang papalabas ako.

"Balik po kayo, Ms. Raine," sabi nito.

Napakunot ang noo ko nang maaninag ang hindi pamilyar na mukha ng security guard. Mukhang kakahire lang nito.

Hindi ako umimik. Mas mabuti na sigurong hindi na lang ako magsalita. Wala rin namang makakaintindi sa sitwasyon at nararamdaman ko ngayon.

Naglakad ako palabas ng gate.

"Ang sungit, kaya siguro iniwan ng Tatay dahil sa ugali. Nagmana talaga sa Nanay niyang sinungaling na, manloloko pa," mahinang bulong nito pero rinig na rinig ko.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. May mga tao talagang mapanghusga kahit hindi naman nila alam ang totoong kwento.

Bumuntung hininga ako bago pumara ng taxi. Pinahiran ko ang luhang basta na lang tumulo mula sa mga mata ko. Tanggap ko naman na pero bakit kapag ipinamumumukha sa akin at bumabalik sa alaala ko ang lahat ay nasasaktan pa rin ako?

At the age of 17, I was able to taste the pain and bitterness of reality.

Buong pamilya? Wala ako no'n. Wala. Dahil nawasak na at hinding-hindi na mabubuo ulit.

#DOR-Wasak
-shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top