Prologue

Warning: Light sexual scene is included in this part which may not be advisable for 17 years old and below to read. May magaan na sekswal na eksena ang parte na ito na maaaring hindi angkop sa mga menor de edad.

Prologue

"'Do opposites attract?' 'Yan ang gustong malaman ng netizens matapos mag-trending ang Loving the Bachelor kagabi sa Twitter."

Napatigil ako sa paghahalo ng maíz con hielo dahil sa narinig.

Dalawang pangungusap lang 'yong binanggit ng host pero damang-dama ko kaagad 'yong kaba sa dibdib ko.

Kaba ba talaga? O... sakit?

Wala sa sarili kong inangat 'yong tingin ko sa flat screen TV ng restaurant.

Pati ang ibang waitresses, natuon na rin 'yong atensyon sa entertainment news. Wala naman kasing ibang customers ngayon kundi ako kaya wala pa silang inaasikaso. Patay na oras pa lang kaya bihira pa ang kumakain.

"Gulat na gulat talaga ang ating televiewers nang mapanood ang nag-iinit na tagpo nina Jayv at Liezl sa latest episode ng palabas! Sino ba namang hindi? Kakaiba talaga ang aktingan nina Tres Arevalo at Rizzi Ricaforte. Undeniable kung bakit ang daming taga-suporta ng dalawa!"

Seeing him on screen instantly made my heart skipped a beat. Pero 'yong makita siyang kasama ang ibang babae? On top of it ay kahalikan ang babaeng 'yon?

Ang sakit. Para nila kong winarak.

What more if I was able to watch the episode last night?

Hindi ko napigilan 'yong paghigpit ng hawak ko sa kutsara at glass ng maíz con hielo ko. Pain and anger are overpowering my emotions.

"Ang say ng masa? Baka may something sa pagitan ng tinaguriang "Television Bad Boy" at "Philippine Movie Duchess"! Masyado nga naman kasing intense ang eksena para sa magka-trabaho lamang."

Mag-katrabaho lamang. That rings a bell.

Mapait akong napangisi sa sariling naisip.

Napatitig na lang ako kay Rizzi.

She's the typical sexy woman that every man falls for. Idagdag pa na ang talented niya. Tipong n'ong nagpaulan ng blessings ang Diyos, nasa labas siya at naliligo.

I clicked my tongue in annoyance and jealousy. Pero tanging bitterness lang ang nalasahan ko sa sariling dila.

"Mas nagliyab pa ang umaapoy na speculation nang mag-post si Rizzi kagabi ng litrato nilang dalawa on set! May caption 'yon na, 'You judge'."

That's bullshit.

Tahimik akong napaluha habang tinitignan 'yong nag-flash na picture nila. Magkasabay silang kumakain d'on pero si Rizzi lang ang nakatingin sa pagkain. Tres was smilingly staring at her.

Wala akong ibang maisip. Ang alam ko lang, my heart is aching so bad.

"Sa kasalukuyan, wala pang kumento ang panig ni Tres. Kamakailan lang, bago matapos ang hit weekday show niyang Ikaw at Ako, na-rumor naman si Tres na karelasyon ang co-actor na si Mary Vidad. Gayunpaman, parehong nanahimik ang dalawang panig. Para sa latest chika, nandito ang, Ati, Pahinging Tea!"

I couldn't help myself but hiss.

Staying mum is his specialty. What's new?

Pero siyempre, ako naman 'tong si gaga, isang sabi lang ni Tres na wala 'yon, maniniwala naman ako. Gan'on ako katiwala sa kaniya eh.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka pinukol ang tingin sa dessert ko. I simply got back from stirring it.

As far as I remember, maíz con hielo ang order ko. Pero bakit parang ang leche-leche ng natanggap ko?

Bwisit na balita kasi 'yon!

I got interrupted when I felt warm tears escaping my eyes again.

Huminto ako sa paghahalo ng dessert at marahas na pinunasan ang magkabila kong pisngi.

Wala kang karapatang masaktan, Yumi. Nag-jowa ka ng artista. It's inevitable to see him being linked to various actresses.

At huwag kang umiyak diyan. Wala ka namang pruweba na totoo 'yon. Baka tsismis lang ulit 'yon for publicity purposes. Para mas sumikat silang dalawa, ano pa nga ba?

I slowly shook my head as I leaned my back on the chair's backrest.

Sige, Yumi, paniwalain mo lang ang sarili mong gaga ka.

Napatitig na lang ako sa in-order ko.

Iisa na nga lang 'tong binili ko, nawalan pa ko ng ganang kumain. Nakakainis talaga! Ang mahal-mahal pa naman nito. Kasing presyo na ng dalawang meal!

I leaned forward as I placed both of my elbows on the table. Sinandal ko 'yong noo ko sa pareho kong palad. I tried to massage my head to make myself feel relaxed but it didn't help.

Ang tanga mo, Yumi, alam mo ba 'yon? May pag-massage-massage ka pa sa ulo mo, hindi naman 'yan ang masakit sa 'yo.

Puso. 'Yong puso kong walang ibang ginawa ang magaling na Tres na 'yon kundi saktan, pakiligin, saktan, pakiligin, and the same cycle continues.

I closed my eyes to feel my aching heart.

Kumusta ka naman diyan, puso? Okay ka pa ba? Kaya mo pa ba?

Leche ka talaga, Tres. Bakit ba mahal na mahal kita? Ang tagal na pero hindi pa rin ako sanay sa ganitong set-up natin. Pero iba kasi ngayon eh... mas masakit.

He is now accepting daring scenes.

Pero hindi naman totoo 'yong balita, 'di ba? Just tell me, Tres, because the moment you deny it, maniniwala ako. Paniniwalaan kita. Kahit ano pang sabihin ng iba.

I got disrupted when I heard the restaurant's glass door opening. May bell kasi sa taas n'on kaya nakakaagaw talaga ng pansin.

Inangat ko na ulit 'yong tingin ko sa dessert ko at saka sumandal sa upuan. Wala na talaga kong gana kumain. I just crossed my arms and decided to do nothing.

"Mayumi? Mayumi Madamba?" an unfamiliar yet familiar manly voice softly called me.

Mabilis kong pinunasan ulit 'yong pisngi ko at agad na tinignan 'yong lalaki sa harap ko.

Napakunot ako ng noo. I can't recognize him.

He's tall in an all-black outfit. He has this raised but pointed nose, bow-shaped lips, a strong jawline, and a well-built body. At ang aga-aga, naka-cap, shades, sweater, at pants siya.

Kung nakasalubong ko siya sa kanto? Tatakbuhan ko siya. Mukha kasi siyang kidnapper.

Wala sa mood ko siyang tinaasan ng kilay pero hindi ata siya nakakaintindi ng nonverbal communication.

Nang hindi siya nagsalita, naiinip ko siyang tinanong, "Sino ka?"

He gave me a small smile but I can sense that he is hesitant. Kumunot tuloy lalo 'yong noo ko dahil sa nakita.

Naiinip kong sambit, "Kung wala kang sasabihin—"

"Tres is cheating on you," he cut me off.

Napaawang ang mga labi ko kasabay ng paglaho ng inis ko. Para niyang pinahinto ang mundo ko sa limang salita na 'yon.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. What I am sure of, pinabagal niya ang hininga ko at pinagulo niya ang isipan ko.

That's the least thing I want to hear. And coming it from a man I don't know? Parang nakakaloko na lang talaga.

Nang hindi pa rin ako makabawi sa katahimikan at pagkagulat, bahagya siyang yumuko palapit sa 'kin.

Dahan-dahan niyang tinanggal 'yong shades at cap niya na nagpabalik sa 'kin sa katinuan.

Bumungad sa 'kin 'yong nagulo niyang brushed up and layered tapered haircut. His eyes were full of concern too.

"Veroxx Ford," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

Veroxx Ford.

Now I know why he sounds familiar. With his fame and too much media exposure in the country, it's impossible for Filipinos to not know him.

Ano namang kailangan niya sa 'kin? Sino naman kayang demonyo ang nagpadala sa kaniya rito? If he's here to confirm my relationship with Tres, hindi niya ko mapapaamin.

Walang gana kong tinignan 'yong kamay niyang nakalahad bago binalik din agad ang titig ko sa mukha niya. Naiilang niya tuloy na binawi 'yon saka pinagpag sa pantalon niya.

I was impressed when he still managed to smile at me. Yet, I didn't smile back, I simply pressed my lips together.

Mahina lang 'yong boses niya nang ipaalam niya sa 'kin, "The rumors ain't rumors. All of those were true."

Biglang umakyat 'yong dugo ko sa ulo ko dahil sa narinig. Awtomatikong kumunot 'yong noo ko at napakuyom ang kamao.

I can see how concerned he is pero wala ako sa mood para sa mga ganitong klase ng prank o laro.

Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at saka dinampot 'yong tote bag ko.

I didn't say a thing when I started from walking away. Mabilis 'yong lakad ko paalis sa mesa.

Pero hindi pa ko nakakalabas ng restaurant, nahabol niya kaagad ako. Humarang siya sa daanan kaya lalo lang akong nairita sa presensya niya.

"Alam mo?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Sa dinami-dami ng araw na pwede mo kong bwisitin, ngayon pa talaga? Ang wrong timing mo eh."

Humakbang siya palapit sa 'kin para hawakan ako sa magkabila kong balikat. Kita ko 'yong pagkabalisa niya.

"Calm down, Mayumi," natataranta niyang saad na hindi ko pinansin. Instead, I looked down.

Natatakot ako.

There's a part of me that tells me it could be true but another part of me is telling me otherwise.

On top of all, pilit kong pinapaniwala 'yong sarili ko na baka pakana lang 'to ng mga nasa entertainment business. Tamang piyesta lang sa buhay nang may buhay.

For now, I just want to get out of here.

Marahas kong hinawi 'yong parehong kamay ni Veroxx at saka siya nilampasan.

Habang naglalakad palabas, pabigat na nang pabigat 'yong loob ko at palaki na rin nang palaki 'yong nakabara sa lalamunan ko. Parang isang pitik na lang sa 'kin, sasabog na talaga ko sa inis at galit.

As soon as I set foot outside the restaurant, siya na namang hawak ni Veroxx sa braso ko. There, he reached my limits.

Nanggigigil at naluluha ko siyang hinarap. "Leche ka, alam mo ba 'yon?!"

"Listen to me, please," pagmamakaawa niya. As much as he is frustrated, I have no interest in listening to him. "You don't deserve a cheating monster—"

"Mahal ako ni Tres!" galit na galit kong sigaw na nagpagulat sa kaniya.

Kahit ako, parang gusto kong magulat pero hindi dahil sa umalingawngaw kong boses kundi dahil sa mismong sinabi ko.

Really, Yumi? Tres loves you? Are you confident with that?

"Look," pagpapakalma niya sa 'kin. Hinawakan niya na rin pati 'yong kabila kong braso. "It wasn't my intention to ruin your relationship with him but you deserve to know the truth—"

"Lecheng truth 'yan!" galit ko na namang sigaw.

Natataranta siyang napatingin sa paligid. Most probably, because of the people piling up around us. I can also see them from my peripheral vision pero naubusan na ko ng pakialam sa iba.

Pilit kong winawasiwas 'yong mga braso ko para kumalas siya pero ang higpit-higpit ng kapit niya. It made me more infuriated.

Gusto ko lang namang umalis dito. Hindi ba talaga siya makaramdam?

Nang mapagod ako kakawasiwas ng mga braso ko, inis na tinitigan ko siya sa mga mata.

I counted from one to five in my mind to calm down myself. Then, I mumbled, almost pleading him, "Alam mo? Hindi ko alam kung p'ano mo nalaman na ako ang girlfriend niya. Pero ngayong confirmed mo na, please lang, umalis ka na sa harap ko. Bago pa magdilim nang tuluyan ang paningin ko."

He carefully and empathetically looked at my eyes. Wala akong makapang judgment sa mga titig niya.

Mas kumalma ako nang marahan siyang kumalas sa pagkakahawak sa 'kin at saka siya napakagat-labi.

Gagalaw na sana ko paalis nang bigla niyang ibulong, "Tres is just playing with you—"

Tuluyan niya nang nasagad ang pasensya ko dahil sa sinabi niya. Mabilis na umangat sa hangin ang kamay ko at nag-landing 'yon sa kaliwa niyang pisngi.

I can feel a big lump on my throat again while tears started to flow down my cheeks.

Pagbaba ng kamay ko, I quickly formed it into a ball.

He was shocked with what I did but it was the least thing on my priority now. Dali-dali ko siyang tinalikuran at saka tumakbo palayo. Ang blurry-blurry na ng paningin ko kaya halos mabangga ko 'yong ibang tao sa paligid na nagbubulong-bulungan.

Tulo lang nang tulo 'yong mga luha ko hanggang sa makalabas na ako ng mall.

Napahinto at napaigtad ako nang biglang kumulog nang malakas.

Kunot-noo akong napatingin sa langit. Walang ulan at medyo maaraw naman.

"Bwisit—"

Napaigtad ulit ako nang kumulog na naman.

Iritado akong bumalik sa pagtakbo hanggang sa mapunta ako sa sakayan ng jeep.

Agad akong nagbayad sa driver bago ako sumakay. Sakto naman dahil lumarga rin agad 'to.

Wala akong ibang maisip habang nasa biyahe kundi iyong sinabi ni Veroxx kanina.

Tres is just playing with you.

Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play 'yon sa utak ko.

Kahit anong punas ko sa pisngi ko, hindi maubos-ubos 'yong mainit na tubig na rumaragasa sa mga 'to. At kahit nakatitig na lang ako sa sahig, alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao.

Siyempre, people being humans, many love gossips as much as they love seeing others suffering.

Hindi ko na lang 'yon pinansin. May isang bagay lang akong gustong magawa ngayon at hindi 'yon ang makipag-away sa mga tao sa jeep.

After a while, huminto na rin sa wakas ang jeep sa napakapamilyar na mataas na building. Mabilis akong bumaba na halos ikatapilok ko na.

Takbo-lakad 'yong ginawa ko papasok sa condominium. Pero tulad ng laging paalala ni Tres, sa parking lot ako dumaan.

Papasok na sana ko sa elevator nang mapako ako sa kinatatayuan ko. Something from my right side caught my attention.

Napalingon ako r'on.

Sa gilid ng nag-iisang itim na van, kita ko 'yong petite na babae at lalaking naka-top knot na naglalampungan.

Mariin akong napahawak sa tote bag ko kasabay ng mas mabilis na pag-agos ng luha ko.

I was hurting and raging. I can feel my chest tightening and my breath shortening.

Ano, Yumi? Anong masasabi mo sa nakikita mo ngayon?

Bullshit. Mga demonyo.

Mabilis kong kinuha 'yong cellphone ko sa bag ko at saka kinuhanan ng video 'yong dalawang nasa harap ko.

Pero nanlulumo ko ring naibaba 'yong cellphone ko dahil sa sunod na nakita.

Ipinasok ng lalaki 'yong mga kamay niya sa loob ng loose shirt ng babae. They were kissing torridly with bodies arching.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang manghina ang mga tuhod ko.

Para saan pa ba 'yong pagvi-video ko kung talo naman na ko ngayon pa lang?

Para sirain 'yong reputasyon nila? Para ano pa? Para ako rin 'yong magdusa sa huli?

Hindi mayaman ang pamilya ko. Kung madadawit ako sa gulo, walang magba-back up sa 'kin.

Nasa law school pa lang 'yong best friend ko. Wala akong pambayad sa abogado kapag kinasuhan nila ko ng cyber libel.

Hindi ako pwedeng lumipad papuntang ibang bansa for a "new life, new me". Kahit isang beses nga, hindi pa ko nakakasakay ng eroplano eh.

At mas lalong hindi niya ko nabuntis dahil ni isang beses, never kaming naging intimate sa isa't isa. Wala akong habol sa kaniya.

Leche talaga.

Garalgal 'yong boses ko nang tawagin ko siya, "Tres."

Napatigil sila sa ginagawa nila. Kaagad na napalingon sa 'kin si Tres at kita ko 'yong pagkagulat sa mga mata niya. But he was able to quickly recover from that shock. Humiwalay siya mula sa babae at saka niya ko nginitian na para bang wala silang ginagawa kanina.

Kita mo 'tong impostor na 'to. Baka mahiya pa sa kaniya si Satanas at ibigay na nang tuluyan ang trono sa kaniya.

Nang maglakad siya papalapit sa 'kin, hindi ko naiwasan na lalong manggalaiti. Napadiin 'yong hawak ko sa cellphone ko.

"Tres!" pasigaw na tawag ng babae sa boyfriend kong soon to be my ex na.

Napalingon ako sa gawi ng babaeng 'yon. Kitang-kita ko 'yong inis sa mukha niya.

It's impossible that she doesn't know that I'm Tres' girlfriend, especially now that he left her hanging.

For someone who is a homewrecker, bagay talaga sila ni Tres. First lady ni Satanas.

Ganda nga, sikat pa, pero mas maliit pa sa kaniya 'yong utak niya.

Napangisi na lang ako sa sobrang galit habang patuloy pa rin 'yong pagtulo ng mga luha ko.

Nang huminto si Tres sa tapat ko, inangat niya 'yong kamay niya para sana hawakan ang pisngi ko pero mabilis akong nakaiwas.

"Kumusta?" mahina ngunit nanggagalaiti kong tanong. "Wala ka ng excuse na magagawa ngayon, Tres," I disappointedly informed him.

Say it, Tres. Say it.

"Nagpa-practice lang kami," seryoso niyang pagpapalusot. Walang bakas ng panginginig, takot, o pagkataranta.

Mas lalo akong napangisi dahil sa narinig.

Kita mo 'tong hayop na 'to. Nag-master in excuses and lying pala.

Malambing ngunit naiinis kong tanong, "Para saan? Sa palabas niyo?"

Diretso niyang sagot, "Oo."

I was taken aback. Hindi ako makapaniwala sa galing niya sa pagde-deny. No wonder kung p'ano at bakit niya ko nagawang bilug-bilugin sa apat na taon naming magkarelasyon.

"Yumi," tawag niya sa 'kin nang hindi ako nakapagsalita.

Hahawakan niya sana ulit ako pero mabilis kong hinampas 'yong kamay niya kaya nagulat siya.

Pinasok ko muna 'yong cellphone ko sa bag ko at saka inangat 'yong tingin ko sa kaniya.

Say it, Yumi. Say it now.

"Sa apat na taong magkarelasyon tayo, kahit isang araw lang, Tres, minahal mo ba ko?" malumanay kong tanong sa kaniya habang umiiyak.

I was expecting him to say that he loves me every day but to my disappointment, I didn't get any answer from him.

Parang inapakan niya 'yong puso ko dahil sa katahimikan niya.

Hindi ko na napigilan 'yong pagkawala ng mga hikbi mula sa bibig ko.

Nanghihina kong saad, "Bawat segundo ng buhay ko, minahal kita eh." Umakto pa kong nagbibilang habang sinasabing, "Mahal, crush, pangarap, name it, Tres. Lahat ng 'yon, ikaw lang." Inangat ko 'yong mga nakabukas kong palad at mabilis ding binaba. Tila ba fireworks na sumabog sa ere.

Kumunot 'yong noo niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. "Wala ka na bang tiwala sa 'kin? Trabaho lang 'to, Yumi. Ako ba, nagseselos ako kapag may kasama kang lalaki na katrabaho mo? Hindi naman, 'di ba? Kasi trabaho mo 'yon!" pilit niyang pagbibigay ng punto sa palakas nang palakas na tono.

Napailing na lang ako habang tinitignan 'yong Tres na minahal at mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon.

Marahan kong pinunasan 'yong luha ko dahil ako lang naman ang gagawa nito eh. Walang ibang magko-comfort sa 'kin kundi ako.

When I felt like I was finally calming down, I gave him a wistful smile. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon.

I uttered, "Ako pa pala ang walang tiwala sa huli. Parang ako pa 'yong may kasalanan at hindi makaintindi. Pero kahit isang beses ba, nakita mo 'yong halaga ko?"

Sarkastiko siyang napatawa. Pagmamaang-maangan niya, "Hindi ko alam kung s'an nanggagaling 'yang mga sinasabi mo."

Ang dami ko pang gustong sabihin pero wala na kong masabi pa. Parang unti-unti ko na lang talagang tinatanggap na talo na ko.

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Galit, awa sa sarili, sakit, o pagsisisi?

Thoughts keep on rumbling inside my head.

Nilingon ko 'yong babaeng nakasandal sa van.

Nakasimangot siya habang nakatitig sa 'kin. Instead of frowning back, I simply smiled at her that made her eyes roll heavenward.

"Kapag nangyari sa 'yo 'tong ginawa niyo sa 'kin, hindi ko alam kung s'an ka kukuha ng lakas ng loob para umirap," I told her in between my sobs. "Pero sana huwag, kasi hindi mo alam kung g'ano kasakit."

Binalik ko 'yong tingin ko kay Tres. Nakahawak 'yong mga kamay niya sa batok niya na parang siya pa 'tong nahihirapan sa sitwasyon namin.

I thought, being a non-showbiz girlfriend was fun not until he proved me wrong.

Pero alam ko na naman kasing hindi fairy tale ang relationship namin. Tamang pang-teleserye lang na minsan para pa kong kontrabida sa sarili kong buhay.

I conceded defeat when I declared, "Tapos na tayo, Tres. Wala kang babalikan."

Mabilis ko siyang tinalikuran at saka ako mabagal na naglakad palayo.

Akala ko hahabulin niya ko katulad ng mga napapanood ko sa palabas niya. Akala ko magmamakaawa siya pero iba 'yong narinig ko.

Mapagmalaki niyang sigaw, "Malalaman mo rin kung sinong sinayang mo!"

Napatigil ako sa paglalakad ko. Pati luha ko, napahinto na lang din sa pagtulo. Gulat na gulat ang pagkatao ko sa narinig.

Mapait na lang akong napangiti.

Walang lingon-lingon, pinaalala ko sa kaniya, "Ikaw 'yong nagloko, Tres. Wala akong ibang ginawa kundi mahalin at intindihin ka. Pero tapos na tayo. Suko na ko. Hindi naman sayang 'yong taong hindi dapat pinanghihinayangan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top