Epilogue
Epilogue
Warning: Light sexual scene is included in this part which may not be advisable for 17 years old and below to read. May magaan na sekswal na eksena ang parte na ito na maaaring hindi angkop sa mga menor de edad.
"Tama ba 'tong address na binigay ni mama?" kunot-noo kong tanong sa sarili pagkababa sa sinakyang motor. Sandali kong pinagmasdan ang paligid pero magkakamukha talaga ang mga gate.
Nagpasya akong tanggalin na lang muna ang helmet ko sabay abot nito sa driver kasama ang bayad ko. "Salamat po! Ingat po kayo."
Ngumiti lang siya bago nagpaalam. Ibinalik ko rin naman agad ang tingin ko sa bahay na nasa tapat ko. Kinuha ko ang papel na nasa bulsa ng jeans ko para ikumpirma kung ito nga 'yong hinahanap ko.
Black gate, three-storey modern house in white and gray color, and a flat yard.
Hindi kalakihan ang bakuran pero malinis naman at marami ring halaman. Mataas ang bahay pero hindi ko maiwasang makaramdam ng vibes na parang... ang lungkot, gan'on.
Para ngang walang tao sa loob eh. Tipo ng bahay na pinatayo lang para gawing bakasyunan.
Naglakad na ko palapit sa gate at saka nag-doorbell.
Hindi naman nagtagal, may lumabas din na sa tingin ko ay kasambahay dahil sa kulay asul niyang uniform.
"Nandiyan po ba si Lenard Eduardo Vizconde?" magalang kong tanong. At sa pagbanggit ng pangalan niya, nalasahan ko ang pait sa dila ko.
Imbes na sagutin ako ng babae, ilang segundo rin siyang natulala sa 'kin. Bahagya pa ngang nanlaki ang mga mata niya. Mukhang naiintriga na hindi malaman.
"Ah, hello po?" naiilang kong sambit at saka pilit na ngumiti.
Bumalik din naman siya sa ulirat at saka ako nginitian. "Kamukhang-kamukha niyo po si sir," aniya, iyong mga mata'y halatang gustong mang-usisa. "Kamag-anak niya po ba kayo?" tanong niya pa bago ako pagbuksan ng gate.
Napangiwi ako pero sagot ko pa rin, "Opo..." Alam ko naman kasi na ang nasa isip niya ay kung anak ba ako ng lalaking 'yon.
Hinayaan ko na lang. Sinamahan naman niya ako papasok sa loob ng bahay.
Habang naglalakad nga lang kami, hindi ko maiwasan ang panlalamig ng mga kamay ko't pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. Pero desidido na ako bago pa ako pumunta rito. Kaya wala dapat biglang tatakbo paalis, Yumi!
Hinigpitan ko na lang ang hawak sa tote bag ko habang ikinuyom ko naman ang isa kong palad.
Pagpasok sa loob, sumalubong sa 'min ang malawak na sala. May TV na nakadikit sa pader tapos tatlong sofa na magkakaharap ang pwesto. Sa gitna ng mga 'yon ay may glass center table.
Kulay abo ang pintura ng paligid at may ceiling fan sa taas na may built-in lamp sa paligid. Pabilog ang disenyo n'on unlike sa usual ceiling fan.
"Upo muna kayo, ma'am," paanyaya sa 'kin ng babae na sinunod ko naman.
Humalukipkip ako sa gilid at saka pinatong sa lap ko ang tote bag na dala.
Mabilis lang 'to, Yumi. Makakaalis ka rin maya-maya. Pagkatapos nito, hindi mo na sila kailangan pang harapin.
Bago kasi matapos ang taon na 'to, gusto ko ng maputol ang koneksyon ko sa ibang tao— 'yong mga toxic sa paligid ko at hindi ko na gustong makita pa.
December 30 pa lang naman pero mas mabuti ng ngayon kaysa ipagpabukas ko pa 'to. Pupunta kaya kami kina Veroxx bukas! Gusto ko, sa araw na 'yon, wala na kong dalang negative energy.
Thankful nga ako kay mama na kahit ang hirap niyang papayagin, sa huli, hinayaan niya pa rin akong pumunta rito ngayon.
Sinabi ko rin 'to kay Veroxx. Gusto pa nga niya kong samahan pero tumutol na ko. He's already a part of our family but I want to fix this kind of issue... on my own.
"Anak?" mahinang tawag sa 'kin ng isang lalaking may baritonong boses.
Inangat ko ang tingin ko papunta sa direksyon niya. And true to what mama told me, para nga kong nananalamin sa lalaking 'to kapag personal.
Nakagat ko ang ilalim kong labi at muling naikuyom ang mga palad ko. Kasabay ng pagbagal ng hininga ko ang kirot na naramdaman ko sa puso ko.
Siya pala... siya pala ang walanghiya kong tatay.
Patalim nang patalim ang titig ko sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko. Pero kahit gan'on, hindi ko maiwasang pansinin ang facial features niya— a classic side haircut, brown eyes, thick eyebrows, and long lashes. His nose is sharp and his lips are pinkish.
He also has a strong jawline and a masculine body that makes him look intimidating.
Mukhang aalis siya. Naka-suit siya na kulay black at may bitbit pang briefcase.
Kalma, Yumi. Kalma. Wala ka rito para makipagsigawan o manumbat. Sabi nga ni mama, ang kamalditahan ay iniiwan dapat sa bahay.
"What brought you here?" nangingiti niyang tanong ngunit kita ang pagtatataka sa mga mata niya. "Shall we talk outside?"
Iminuwestra niya ang kamay sa pinto na agad kong tinutulan. "Hindi naman po ako magtatagal..." Tumayo na ko at pilit na ngumiti sa harap niya.
"What are you doing here, bitch?!" sigaw ng babaeng may matinis na boses.
Tinignan ko siya habang pababa siya ng hagdan. May kasunod siyang babae na sa tingin ko ay ang nanay niya.
So this is how Ckaye looks like in person?
Ang tanging magkapareho lang kami ay ang kulay ng mga mata namin at ang matangos na ilong. Malapad ang noo niya, maninipis ang kilay at labi, at mahaba ang baba. Mas matangkad din siya sa 'kin at straight na straight ang buhok.
Kahawig niya ang mama niya. Pareho pa nga silang naka-night sleepwear na kulay itim. Para silang sasayaw sa Christmas Party sa school, gan'ong level.
"You bitch, go out of this house!" sigaw niyang muli sa 'kin paglapit niya at saka ako dinuro-duro.
Hahakbang pa sana siya nang pumagitna agad sa 'min ang tatay niya na tatay ko rin. Ay, basta! Inirapan ko lang siya para lalo siyang manginig sa galit.
"Behave, Ckaye. Show some manners," mariin na saway sa kaniya nitong tatay namin.
Sinukbit ko na ang tote bag sa balikat ko at saka kinalabit ang nasa tapat ko. Umikot naman siya para harapin ako.
Huminga muna ako nang malalim para makakuha ng lakas ng loob. Seryoso kong pag-iimporma sa kaniya, "Pumunta lang po ako para sabihing hindi ko kailangan ng kahit ano."
"As you should," his wife muttered from his back.
Parang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Napalingon tuloy ako sa gawi niya, magkatabi sila ni Ckaye. Mukha silang mga kampon ng kadiliman. Umirap pa nga siya sa 'kin; ang sarap dukutin ng mga mata niya ah!
"Anak, doon na nga lang ako makakabawi sa 'yo..." pangungumbinse ng tatay ko. Nabalik ang tingin ko sa kaniya.
Kita sa mga mata niya ang pagmamakaawa at disappointment na rin. Akma pa niya kong hahawakan sa mga braso ko nang humakbang ako patalikod.
Hindi ko maiwasang mainis. Matik ngang nagtangis ang bagang ko.
Hello? Hindi ko gustong hawakan niya at mas lalo na ang tawagin niyang anak!
Anong klaseng lalaki ba siya? 'Di ba dapat ang una kong maririnig ay 'sorry'? Sorry kasi niloko niya si mama? At sorry dahil ang kapal ng mukha niyang mambuntis ng ibang babae habang may pamilya na siya?
Nanlilisik kong sinalubong ang titig niya.
Pilit kong pinababa ang nanginginig na sa galit na boses ko, "Hindi ko naman po kailangan ng kahit singko mula sa 'yo. 'Di ko rin po kailangan ng tatay. Kahit maging mabuting ama at asawa ka lang sa pamilya mo, ayos na ko." May diin nang bigkasin ko ang 'pamilya'.
Pinilit kong ngumiti, inaalis ang inis sa mukha ko at pinapakita ang katatagan ko. "Lumaki po akong may mother and father figure kay mama, higit pa po 'yon sa sapat." Seryoso ko namang tinignan ang dalawang babae sa likod niya. Kulang na lang, patayin nila ko sa titig.
Tinaasan ko sila ng kaliwang kilay. Mariin ang boses ko't matalim din ang tingin nang isaksak sa kukote nila, "Hindi kabit ang nanay ko. Niloko at pinaasa lang siya nitong lalaki sa harap ko. Stop telling the world that she's a mistress because she's not. Huwag niyo na kaming idamay pa sa gulo ng pamilya niyo."
Agad akong tumalikod at naglakad na papunta sa pinto. Pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila.
At bago makaalis sa semi horror house na 'to, nilingon ko muna ang tatay ko.
I saw pain through his eyes but I don't care anymore.
Mapait akong ngumiti sa kaniya, "Please, do me some favor, mister. Disown me, leave my mother alone, and never give us your money starting today."
Hindi na ko nag-abalang mag-explain o magsabi pa ng iba. Basta't naglakad na ko palabas ng bahay nila.
Narinig ko pa nga siyang isinigaw ang pangalan ko habang ang mga yabag ay tila sinusundan ako. Natigil lang siya nang sumigaw ang asawa niya, "Lenard! Bigyan mo naman kami ng kahihiyan."
Napailing na lang ako.
Nang makalabas na ko ng gate, roon ko lang naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko. Pati nga ang mga kamay ko, nanlalamig na pala.
Nag-shake-shake ako ng mga braso ko at saka in-extend-extend ang mga paa ko. At hindi naman nagtagal, bumalik din sa normal ang lahat.
Marahan akong tumingin sa langit.
Hindi pa mataas ang sikat ng araw dahil siguro'y maaga pa. Kalat-kalat din ang mga ulap doon. Habang ang hangin naman ay malamig ang hampas sa balat ko.
I closed my eyes as I tried my best to smile. "Thank You," bulong ko sa sarili.
Sa wakas, maiiwan ko na lahat ng sama ng loob at taong hindi ko gusto sa taon na 'to.
Siguro, 'yong iba, kaaawaan pa ang tatay ko dahil kahit papaano, sinustentuhan niya pa rin ako. But... he didn't man up. Neither in my 26 years of existence did he ever make a single step to apologize for his mistakes.
And from the very beginning, he never had a genuine intention, especially to my mother and his family. Parang wala nga kong nadamang konsensya at imahe ng tatay sa kaniya eh.
So, no... he doesn't deserve my sympathy as his daughter. He doesn't deserve us; hindi siya karapat-dapat sa buhay namin.
The year 2023 might not be my year again or might have full of surprises for us, basta ang importante, this is the right year to start over again.
Ibinukas ko na ang mga mata ko at saka umayos ng tayo.
Naglakad lang ako palabas ng village. Hindi na nga rin ako nag-abalang mag-book ng private vehicle nang nasa labasan na. Kahit maraming tao sa paligid, nag-commute na lang ako.
I took a bus going to Greenhills Shopping Center. Saktong-sakto, mukhang katatapos lang ng rush hour.
Pagdating sa mall, sumalubong sa 'kin ang kalat-kalat na stalls at napakaraming stores. Kumpol-kumpol din ang mga tao. Halo-halo na ang amoy sa loob— amoy bagong mga damit, pagkain, pabango, at kung ano-ano pa.
Naglakad-lakad na lang muna ako para magtingin-tingin. Wala pa naman kasi talaga akong naiisip na bilhin.
Ang balak ko lang talaga ay magregalo para sa pamilya ni Veroxx pati na rin kina Jiro at Natasha. Si mama? Matik namang pera ang kaniya! Para namang hindi ko kilala 'yon...
Napangisi at iling na lang ako.
Oo, reregaluhan ko sila. May sobra naman akong ipon at 'yon ang gagamitin ko; hindi nga lang malaki pero sapat na. At saka, minsan lang naman! Si Tres nga noon, pinagkagastusan ko, mga tamang tao at mga mahal ko pa kaya?
Ilang minuto rin akong nag-ikot-ikot bago ako napadpad sa store na puro gamit panlalaki. Napatigil ako sa tapat nito at saka napabulong sa sarili, "Ano pa kayang gamit ang wala si Veroxx?"
Pero kahit anong halukay ko sa utak ko, wala akong mahanap-hanap.
Napasimangot ako at saka gumilid.
Pwede bang sagutin ko na lang siya? Matuturing na bang regalo 'yon? 'Yong sarili at pagmamahal ko na mismo?
Baka sabihin, tinitipid ko lang siya!
Eh anak? Baka gusto niya?
Natatawang nakagat ko na lang ang ibaba kong labi.
Talaga ba, Yumi? Namumula nga 'yon agad maglapit pa lang ang mga mukha niyo.
He's a real gentleman. Hindi pa raw kasi kami eh. Anong magagawa ko? At saka hello, joke lang! Hindi pa ko ready, 'no.
Naglakad na lang ako sa loob para magtingin-tingin.
Pero ang hirap talagang mamili ng ireregalo sa lalaking lahat naman ata, kaya niyang bilhin! Sa yaman, impluwensya, at sikat ba naman niya? Baka nga nabigay na ng fans niya lahat ng pwede niyang hilingin.
"Ma'am, naghahanap po ba kayo ng regalo para sa boyfriend niyo?" tanong ng saleslady sa 'kin.
Napalingon naman ako sa kaniya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa narinig.
Sinagot ko naman siya ng, "Oo eh. Ano kayang pwede? Parang lahat na kasi, nasa kaniya na."
Natawa siya dahil sa sinabi ko. Pero ang sagot niya, "Mayroon pa 'yan, ma'am! Halika po rito..."
Inaya niya ko sa bandang dulo ng store kung nasaan ang mga wallet.
"Pili lang po kayo tapos pwede nating palagyan ng pangalan niya sa unahan. Mura lang 'yan, ma'am," pag-iimporma niya sa 'kin na nagpasilay ng ngiti sa mga labi ko.
A great idea came to my mind!
Pinili ko iyong kulay black at saka inabot sa saleslady. Sinabi ko rin kung anong ilalagay sa bottom right corner.
Nang matapos, tuwang-tuwa ko 'yong tinignan. "Ang ganda," namamangha kong sambit.
Hinawakan ko pa iyong nakasulat sa gilid. Ang classy ng pagkaka-cursive.
Babi.
Binayaran ko muna 'to. 500 lang naman pero feel ko, magugustuhan niya na 'to!
Nilagay ko muna 'yon sa tote bag ko at saka nagtingin naman ng para sa daddy niya.
Napukaw ng atensyon ko ang hilera ng mga necktie.
Dinampot ko 'yong coffee beige necktie na may strip ng white and brown colors. Ito na ang inabot ko sa saleslady.
Napangiti ako nang makitang may mahabang box pala 'yon. I can't help but clasp my hands together.
Pagkabayad at lagay ko nito sa tote bag, lumabas din agad ako.
Another series na naman 'to ng paglalakad ko!
It was already 11 a.m. when I found an eye-pleasing shop. Light brown ang kulay ng pintura sa loob at glass ang labas. The dark brown shelves are neatly arranged which instantly caught my attention.
Pumasok ako sa loob at sumalubong sa 'kin ang relaxing na aroma ng mga kandila. Iba-iba man ang amoy pero nakakatanggal talaga 'yon ng pagod.
May iba-iba pa ngang designs eh. Sobrang daming pagpipilian!
Nangingiti akong naghanap ng pwede para sa mommy ni Veroxx.
In the end, I have chosen two different scented terrarium candles in geometric-shaped glasses. Inabot din 'yon ng 1,700 pesos pero okay na rin! Ang ganda eh tapos ang bango pa. Pwede 'tong ilagay sa CR o kaya sa sala. Sakto, puro pa naman sila bulaklak at halaman.
Masaya akong lumabas ng shop at saka naghanap ng store na pampusa naman.
Sa may gitnang bahagi ng mall, nakakita ako ng isa.
"Hala! Ito 'yong nakita ko sa online," nangingiti kong sambit pagkadampot sa banana-shaped bed.
Naghanap ako ng dalawang malinis na gan'ong higaan at saka inabot sa cashier.
"Palagay na lang po sa eco bag," request ko dahil halata namang hindi na kasya ang mga 'yon sa tote bag ko.
Nang matapos din sa pakay, nagpasya akong sa bahay na lang magtanghalian. Sayang eh, hindi pa naman ako gutom.
Napatigil ako bigla nang kumulo ang tiyan ko.
Napangiwi tuloy ako. Hindi nga sabi ako gutom eh!
Paglabas ng mall, nag-book na lang agad ako ng motor pauwi. Hindi ko na kakayanin ang pagod kung mag-LRT lang ako sa Gilmore Station papuntang Recto. At mas lalong hindi kakayanin ng bulsa ko kung four wheel vehicle ang ibu-book ko.
Hindi naman ako si super girl ni super rich, 'no! Ako lang 'to, si babi— ang mahal ni Veroxx...
Nangingiti akong napailing sa naisip.
At 12 noon, nakarating na rin naman kami sa tapat ng bahay.
Napansin ko agad 'yong kulay blue na Toyota sa harap ng gate namin pero hinayaan ko na lang 'yon.
Bumaba na ko sa motor. Hinawakan naman muna ng driver ang eco bag ko para matanggal ko ang helmet.
Nang matapos, nagpalit din agad kami ng bitbit at saka ako nagbayad. Sinobrahan ko na rin kahit pap'ano, magnew-New Year naman na, para pandagdag ng pamilya niya sa handa nila.
"Salamat, ma'am!" ngiting-ngiti niyang sambit bago ako nagpaalam.
Habang nananalangin na sana mali ang naiisip ko, diretso lang ang lakad ko papunta sa gate. Pero hindi ata narinig ng mga anghel ang dasal ko nang lumabas ang taong ayaw kong makita mula sa Toyota Vios.
Naiirita ko siyang nilingon. He's wearing a black jacket, white shirt, and chino shorts.
"Ang kapal ng mukha mo," kunot-noong bungad ko sa kaniya. "Tirik na tirik na nga ang araw, paiinitin mo pa ata ang ulo ko."
I clicked my tongue in annoyance.
Huminto siya sa tapat ko at akmang hahawakan ako. Dali-dali ko namang iwinasiwas ang eco bag na tumama sa kamay niya.
Thankfully, hindi na siya lumapit pa. Dapat lang! Huwag niyang hintaying manakit ako rito bigla at kalimutang hindi na nga pala ko nananakit.
"Yumi... tungkol sa anak ko," sambit niya na halos magmakaawa sa harap ko. Nangungusap ang mga mata niya habang ang mga palad ay magkadikit.
Napataas ang kaliwang kilay ko. "Ano? Mangungutang ka?" naiinip kong tanong.
Bumuntong-hininga siya. "Hindi. Gusto kong magpaliwanag..."
Lalong kumunot ang noo ko.
Ang haba ng hair ko ah? Bakit ba ang daming nagmamakaawa sa 'kin today? Kung kailan sinabi ko na ngang ayaw ko na?
"Tres," mariin kong sambit at saka tumayo nang maayos, hudyat na hindi ako interesado sa kung anong ino-offer niya. "Huwag na. Hindi ko kailangan, okidoks?" Tinaasan ko siya ng parehong kilay habang naghihintay ng pag-sang-ayon niya. Pero dahil makapal ang mukha ni Satanas, kinulit pa rin ako.
"Ayaw kong matapos ang taon na may galit ka sa 'kin," aniya.
Nagtaka naman ako. Kumunot talaga nang mas todo pa sa todo ang noo ko.
Gusto ko sanang isumbat sa kaniya na hinayaan niya ngang puro sama ako ng loob sa halos limang taon na magkasama kami. And guess what? Ngayon pala dapat ang anniversary namin.
Kita niya? Naalala ko lang dahil nagpakita siya.
Huminga ako nang malalim at saglit na pumikit.
Dumilat din ako nang bahagyang kumalma na. "Kung may reaksyon man ako n'ong nalaman kong nagkaanak ka habang tayo pa, disappointment lang, Tres. 'Yon lang."
Kita ko ang unti-unting inis na sumisilay sa mga mata niya. Halos tumalim pa nga ang titig niya sa 'kin.
"Naiinis pa ko sa 'yo, oo," pag-amin ko. "Pero tinatamad na kong magalit, Tres. Parang wala na 'yon sa isip ko. Alam mo kung bakit?" I raised my left brow at him. "Kasi wala na kong pake kahit ano pang malaman ko tungkol sa 'yo." Napangiwi ako bago sabihing, "Kung pwede nga lang na wala na kong balita sa 'yo eh..."
Tinalikuran ko na siya at papasok na sana sa loob nang hawakan niya ko sa braso. "Leche, Tres!" hiyaw ko.
Nanlilisik ang mga mata ko at kunot na rin ang noo ko nang lingunin ko siya. Pilit kong winawasiwas ang braso kong hawak niya pero wala. Masyadong mariin ang kapit niya.
"Nasasaktan ako," mariing reklamo ko.
"Bakit ba ayaw mong makipagbalikan sa 'kin, Yumi, huh? Dahil sa Veroxx na 'yon?" Nagtatangis ang bagang niya't lalo ring humihigpit ang hawak niya sa 'kin.
Napangiwi ako sa sakit. Unti-unti rin akong kinakabahan at nanlalamig sa takot. Baka... baka kung anong gawin niya sa 'kin this time.
"Ano bang gusto mo? Pera? Ibibigay ko! O baka gusto mo... sa kama natin 'to pag-usapan?" Bigla siyang ngumisi at saka nilapit sa 'kin ang mukha niya.
Ang bastos! Such bullshit.
May anak na siya't lahat-lahat sa ibang babae, naaatim niya pang sabihin ang mga salitang 'yon sa harap ko?
"Kadiri ka, Tres! Tantanan mo nga ko," sigaw ko at saka pilit na kumakawala sa kaniya.
Nabitawan niya lang ako nang may malakas na bumusina sa 'min. Halos matumba nga lang ako sa lakas ng pwersa niya.
"Akala mo ba santo 'yon? Hindi mo siya kilala, Yumi!" bulyaw pa rin ni Tres.
Inayos ko ang pagkakatayo ko at saka ko siya kunot-noo na hinarap. Nanggigigil kong saad, "Kung anumang nagawa niya noon o kung anuman 'yang sinasabi mo at kahit ano pang mangyari sa 'min, labas ka na r'on. Ikaw nga, ilang taon kitang nakasama pero parang hindi naman kita nakikala."
May sasabihin pa sana siya nang itaas ko ang kamay ko para patigilin siya. "Mahal ko si Veroxx at mahal niya rin ako."
"Babi..." tawag ng isang malalim na boses sa 'kin. Sa sobrang pamilyar, kusang kumalabog ang puso ko.
Agad akong lumingon sa likod ko at kita ko ang nagja-jog na si Veroxx papunta sa 'min. Sa tapat na ng bakuran ng kapitbahay namin niya nai-park ang kotseng dala.
"Babi!" mahabang tawag ko rin sa kaniya at saka nagpaawa. Naglungkot-lungkutan talaga ako sa harap niya.
Nang huminto siya sa tapat ko, dali-dali niyang sinilip ang braso kong hawak ni Tres kanina.
"Are you fine?" nag-aalala niyang tanong. Kitang-kita ko ang mabilis niyang paghinga.
Tumango naman ako bilang sagot at saka humarap kay Tres.
Naramdaman kong ipinulupot ni Veroxx ang kaliwa niyang braso sa beywang ko at saka ako marahang hinapit sa tabi niya. Dikit na dikit na ang mga balat namin. Lihim naman akong napangiti sa ginawa niya.
"Do we have to settle this in a legal way?" tanong ni Veroxx kay Tres. Kahit kalmado, halata sa boses niya ang diin at inis. "Sa susunod na makita kitang malapit kay babi, hindi ako magda-dalawang isip na ipakaladkad ka sa pinakamalapit na istasyon."
Ilang segundo ring nakipagmatigasan at titigan si Tres kay Veroxx. Pero sa huli, umalis din siya.
Padabog niyang sinara ang pinto ng kotse niya at saka 'yon pinaharurot.
Ang baho ng usok! Halatang mumurahin ang gas. Tapos sasabihan niya kong bibigyan niya ko ng pera? What a bullshit.
Iba-block ko na talaga 'yan mamaya sa lahat ng social media platforms. Isasama ko na rin pati sina Ckaye at Gel! Mga panira ng araw.
"Kumusta, babi?" malambing na tanong ni Veroxx, tila hindi nagalit kay Tres kanina lang.
Napangiti ako at saka yumakap sa beywang niya. Tumama nga lang sa likod niya ang bitbit kong eco bag na nagpatawa sa 'min.
"Buti na lang, hobby mong pumunta rito," pagbibiro ko na ikinalakas ng tawa niya.
That laugh— parang anghel. Ang sarap sa tainga pakinggan.
"At may pasalubong ako," masayang bulong niya, halatang excited sa ipapakita niya.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at saka sinabing, "Sige na, kunin mo na. Pasok na muna ko sa loob. Baka makita mo pa ang regalo ko para sa 'yo eh. Bukas pa 'yon..."
Matik na kumislap ang mga mata niya pagkarinig n'on. Dapat pala, hindi ko na sinabi!
At bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya, "Ops! Bukas pa. Huwag mo kong kukulitin." Pabiro ko pa siyang pinanliitan ng mga mata.
"Fine, fine," nangingiting pag-sang-ayon niya.
Hinaplos niya muna ang nakalugay kong maigsing buhok bago kumalas sa yakap.
Nakangiti ko siyang tinalikuran at saka nagtatatakbo papasok sa loob.
"'Ma!" mahaba kong tawag kay mama nang nasa sala na.
Lumabas naman siya agad mula sa kwarto niya. "Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Patago naman po ng mga 'to riyan sa loob para hindi makita ni Veroxx," nagmamadali kong pakiusap. Nilapitan ko siya sabay abot ng tote bag at eco bag na bitbit ko.
Kahit hindi niya maintindihan ang nangyayari, kinuha niya ang mga 'yon at saka nilagay sa loob.
"Mga regalo?" naguguluhan niyang tanong na sinagot ko naman ng, "Opo. Para pagpunta natin sa kanila, may dala naman tayo."
"Anong para sa 'kin dito?" tanong niya. Pagharap sa 'kin, nakataas ang kilay niya't nakapameywang pa.
"Sama ng loob," seryoso kong sambit na nagpakunot ng noo niya. "Araw-araw mo naman 'yang binibigay sa 'kin eh!" reklamo niya na nagpatawa sa 'kin.
"Bukas, bukas!" I assured her before going inside my room.
Kumuha lang ako ng T-shirt at shorts pati ibang gamit.
Paglabas ko, nasa sala na si Jiro. Kinawayan ko siya bago dumiretso sa CR.
Nang matapos sa pakay, lumabas din naman agad ako. Sakto, nakaupo na sa sofa si Veroxx habang nasa lapag lang si Jiro, nagpapahinga.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko. Ang sarap lang nilang tignan.
Paglapit ko, matik na sinalubong sa 'kin ni Veroxx ang nakabukas niyang mga braso. Dali-dali akong umupo sa tabi niya at saka yumakap.
Ilang minuto lang kaming gan'on at masasabi kong masaya na ko rito. Napapikit pa nga ako nang haplusin niya ang buhok ko.
Nang kumalas kami sa isa't isa, may kinalikot siyang kung ano sa mesa.
Nang buksan niya, agad akong napabulalas ng, "Wow! May pa-cupcake ang babi ko." Halos umapaw talaga ang saya sa puso ko. Ngiting-ngiti pa nga ako eh!
P'anong hindi? Apat na layer 'yon ng tig-anim na cupcakes, iba't iba ang kulay at disenyo. May nakasulat na letra sa ibang cupcakes na binubuo ang, 'I love you, babi'.
"I love you, babi..." bulong ko habang umaayos siya ng higa. Saktong pagpatong niya ng ulo sa mga binti ko, kumunot ang noo niya. Para siyang nagtataka kung tama ba ang narinig niya.
Pag-uulit ko sa napakalambing na tono, "I love you, babi," at saka ko hinaplos ang pisngi niya.
Sandali akong tumigil para humugot ng lakas ng loob sa sunod kong sasabihin.
Matamis akong napangiti. Wala namang rason para patagalin pa ang lahat. "Sinasagot na kita..."
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagpula ng mga pisngi niya.
Babangon sana siya pero agad ko siyang hinawakan sa may dibdib niya para pigilan. Dahan-dahan akong yumuko palapit sa mukha niya. Medyo tumama pa nga sa pisngi niya ang ilang hibla ng buhok ko pagkadampi ng mga labi ko sa mga labi niya.
Matik na nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. May kung ano ring kumiliti sa puson ko.
Napapikit na lang ako at saka dinama ang init ng mga labi niya.
Pigil na pigil ang hininga ko. Ilang segundo rin kaming nasa gan'ong posisyon. Ni hindi siya nakagalaw hanggang sa makaayos na ko ng upo.
Pareho kaming mabilis ang paghinga. Pero siya, natulala na lang sa 'kin. Napangisi tuloy ako.
"Sabi ko, I love you, babi..." panunukso ko sa kaniya.
Agad siyang bumangon na halos ma-out of balance pa dahil sa pagmamadali. Mahina tuloy akong natawa.
Gulat pa rin ang mga mata niya nang harapin niya ko bago hawakan ang kaliwa kong pisngi. Iyong isa niyang kamay ay marahan niyang pinatong sa batok ko.
Kung kanina'y gulat ang mga mata niya, ngayon ay nag-aalab na ang mga 'to. Kitang-kita ko ang init ng pagmamahal sa mga 'yon. Para siyang gutom na ready nang kumain.
"Giving you back what you have given me," nakangisi niyang saad bago inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Napapikit na lang ako habang damang-dama ang init ng katawan ko. At nang dumampi ang malalambot niyang labi sa 'kin, parang nahigit ko ang sarili kong hininga.
Napakapit ako sa magkabila niyang braso at sinundan ang galaw ng mapupusok niyang labi. Nalilito pa ako n'ong una ngunit sa hindi malamang dahilan, napasabay na lang ako sa galaw niya.
Nanlalambot ang mga tuhod ko't nanginginig ang mga kamay ko. Habang ang kapit niya sa 'kin ay mas dumidiin pa pero wala namang sakit na mararamdaman dito.
Nabigla nga lang ako nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko na sinalubong ko naman ng akin. Matik na may kung anong parang tumibok o anuman 'yon sa pagkababae ko.
Habang mapusok na naglalaro ang mga dila namin, I can already taste his saliva and feel his breathing. Although this is new to me, I love it. I love doing this with him.
Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko pero masarap at nakakaengganyo ang bawat galaw namin.
Ganito pala. Ganito pala...
Nang humiwalay siya sa 'kin. Halos habulin namin ang mga hininga namin.
Nakagat ko nga lang ang ilalim kong labi nang maramdamang nabasa ang panty ko. Hindi ko napansin na nilabasan na pala ko.
Wow, Yumi? Ang bilis ah...
Marahan niyang pinadausdos ang pareho niyang kamay sa magkabila kong braso pababa sa mga kamay ko.
"I love you, babi..." he whispered with full of intensity through his voice. His eyes are the same as they were a few minutes ago— I can see the burning lust on them as well as pleasure and admiration.
"I love you, babi..." malambing kong sagot bago ko siya nginitian.
He leaned towards my ear as he seductively whispered to me, "You have a potential..."
Agad ko siyang nahampas sa dibdib niya na pareho naming ikinatawa.
"Next time, iba naman," pagsakay ko sa trip niya na ikinapula ng mga pisngi niya.
Natatawang napailing na lang ako.
Akala niya ah? Ako pa? Mas magaling akong mang-asar!
Dahan-dahan siyang tumayo at saka tumingin sa malayo. Akala ko kung ano ng gagawin niya! He only moved his right knee upwards. Parang tatlong beses niya ring ginawa 'yon bago umupo ulit sa tabi ko.
Nagtataka kong tanong, "Ano 'yon? Para saan 'yon?"
Imbes na sagutin, namula na naman ang mga pisngi niya pagtingin niya sa 'kin. Nase-sense kong kinakabahan siya na nate-tense for an unknown reason.
Pag-aaya ko na lang sa kaniya, "Kain na tayo." Sabay ngiti ko.
"Ng?" nagtataka niyang tanong, nabawasan na ang pamumula ng pisngi niya.
Kinuha ko 'yong cupcakes na may letter I tapos U. Nangingiti kong inabot sa kaniya ang may letter I.
"Cupcake," natatawa kong sagot.
Napangisi siya bigla. "Bakit I ang binigay mo sa 'kin?" Tinaas-baba niya pa ang mga kilay niya na nagpailing sa 'kin. Halatang iba ang iniisip niya!
Parang kanina lang, siya 'tong mukhang nahihiyang kamatis ah...
"Ako 'yan at ang pagmamahal ko!" naiiling kong sagot.
Tinitigan niya ko, sa hitsura pa lang ng mga mata niyang napupuno ng pagnanasa, sigurado akong kung ano-anong tumatakbo sa isip niya ngayon.
"Pwede naman... next time," pabulong na pagpayag ko, lihim na napangiti.
"I heard it! And I won't take it as a joke," he exclaimed. Napasuntok pa ang isa niyang kamao sa hangin. Sana'y hindi siya narinig ni mama...
Susubo na sana ko ng cupcake nang bigla niya kong yakapin sa beywang at saka hinalik-halikan sa pisngi at ulo. Nang tumapat siya sa bandang tainga ko, masaya niyang bulong, "Wala ng bawian, babi. You are now my beautiful girlfriend and I am your loving boyfriend..."
Natawa na lang ako sa kakulitan niya. Hindi ko akalaing may ile-level up pa ang pagiging pa-baby ni Veroxx!
The whole day has been filled with laughter with him. Gan'on naman talaga kapag kasama ko siya. Hindi na nga namin namalayan ang oras habang nagku-kwentuhan.
Natatawa naming tinignan 'yong iba't ibang entertainment articles tungkol sa IG post niya n'ong isang araw— 'yong photo na ipinagpaalam niya sa 'kin.
thekjford Introducing the love of my life, the woman of my dreams, my home, my beautiful babi.💜💛 I'm sure when I met her, I'm God's favorite child.
PS If there is no good thing to say, if you wouldn't mind, keep your words with you. We're happy together and negativity is not needed.
December 28
Gulat na gulat ang buong Pilipinas eh! Bahang-baha na nga ng articles, yanig pa sa likes, comments, at shares ang bawat post tungkol d'on. Buti na nga lang, puro positive vibes lang ang nakuha namin. Thankfully talaga!
Bukod d'on, sabay na rin kaming nag-block kina Tres, Gel, at Ckaye sa social media. Effortless kay Veroxx dahil IG lang naman ang mayr'on siya.
Tapos, I also told him my plans— to go to graduate school and resign at my current job this coming June 2023. Desidido na kasi akong lumipat sa state university. Kinakabahan pero excited na matuto kasama nila.
N'ong umuwi kasi kami sa Laguna nina mama at Jiro, parang ang puso ko, at home na at home roon.
"Follow your heart, babi..." nakangiti niyang kumento habang nakahiga sa sofa at nakapatong ang ulo sa mga binti ko.
Nakahawak ako sa pisngi niya— hawak niya rin ang kamay ko na 'yon.
Medyo kinakabahan kong tanong, "LDR tayo n'on..." Napakagat ako sa ilalim kong labi.
"LDR?" kunot-noo niyang tanong. "Says who? I'll buy a house near your place."
Matik na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng mga labi ko. "Seryoso ka, babi?!" gulat kong tanong.
Grabe! Bibili agad ng bahay?
"Yes. No joke," nakangiti niyang sagot. "My parents will definitely approve of it," pagmamalaki niya pa.
I can't help but clasp my hands out of happiness. Pero nalungkot din nang maalala, "Eh p'ano ang trabaho mo?"
Bahagya siyang natawa. "It's only a few hours away, babi. You have nothing to worry about," he assured me.
Bumalik ang sigla ko kasabay ng paglapad ng ngiti ko.
Tuwang-tuwa kong hinaplos ang pisngi niya.
"I'll do everything to be with you," malambing niyang bulong. "I'm sure about you and I want nothing but marry you, babi. Hindi ko hahayaang mawala ka sa 'kin... you are my greatest gift."
Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Halos maiyak pa nga ako sa sobrang saya.
Bakit ba ganito ka-sweet at kabuti ang babi ko?
Ikaw na talaga, Yumi! Ikaw na ang pinagpala sa lahat.
Kaya n'ong binanggit niya sa post niya na siya ang God's favorite child? Napaisip ako. Parang... mali ata. Kasi, akin talaga 'yong title na 'yon!
Oo, maraming problema pero more than enough na ang mapaligiran ng mga mahal ko sa buhay.
I just admiringly stared at him.
This angel right before me led me to the right path. If it wasn't for him, I might have continued loving Tres and that Satan won't surely realize my worth.
This shining star was also the light in my darkest days. I wasn't asking for his help but he took the initiative to extend his hands to me.
People say that we need to be independent in this life. But Veroxx taught me that it's okay to be dependent and independent at the same time. Because, admit it or not, having sincere people around us, who choose to stay beside us every day, gives us more reasons to keep fighting.
And without Veroxx' knowledge, he effortlessly made me fall for him.
Minahal ko siya hindi sa kung anong mayroon siya. Minahal ko siya kung sino at ano siya... minahal ko siya dahil nakita niya ang halaga ko noong mga panahong nahihirapan na akong magtiwala sa sarili ko.
"Thank you for loving me, babi." Nginitian ko siya bago hinaplos-haplos ang mukha niya. "Sasamahan kita kahit saan. Pipiliin kita araw-araw."
I leaned towards his face to plant a kiss on his forehead that made him close his eyes.
Umayos ako ng upo habang nakatitig sa maamo niyang mukha.
I whispered, "I'll be the car and I'll entrust you the driver's seat... I am at ease that with you, we can maneuver smoothly throughout this long and edgy road of life."
Pareho kaming napangiti. Pagdilat niya, kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya.
I can't help but be thankful that in the vastness of this universe filled with deafening sounds of madness, I met Kyle Jiro Ford and found myself being driven by the star.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top