Chapter 9: Invitation

Chapter 9: Invitation

Hindi ko alam kung nag-dilang anghel lang ba ang magaling na si Trisha o consistent lang si Tres sa pagiging inconsistent. Pero sa one week na nagdaan, wala na kong balita sa kaniya.

Buti pa ang espirito, nagpaparamdam. Pero si Tres? Naligaw na ata sa purgatoryo.

Sabagay, 'di naman siya espirito dahil siya si Satanas. At sabagay ulit, sobrang okay nga 'to kaysa maasar ako nang maasar tuwing nakikita ko siya.

Sobrang nakakagaan lang ng loob na sa wakas, tahimik na ang buhay ko.

Bukod kasi sa MIA na si Tres, unti-unti na ring nawawala ang atensyon ng mga tao sa pananampal issue ko. Pati iyong Instagram post ni Veroxx, hindi na rin gaanong pinapansin.

Buti naman at naisipan din ng mga tsismoso, malisyoso, at pakialamerong mga tao na tigilan na kami ni Veroxx, 'no?

Laking tulong din kasi ng pagtatanggol niya sa 'kin. Sobrang laking pasasalamat ko talaga sa kaniya!

Pero kahit wala na masyadong negativity online, sinusubukan ko na lang ding huwag magbasa-basa ng comments sa previous articles tungkol sa issue.

Hindi naman kasi talaga natin makokontrol ang sasabihin ng iba pero pwede nating kontrolin kung ano lang 'yong pumapasok sa buhay natin.

Huling nabasang comment ko na ata ang:

tingtingcutie am i the only one?😩😩 why does he sounds like her boyfriend? what if the misunderstanding that he mentioned is like their lq?😗😗

Napapailing na lang talaga ako sa lawak ng imagination ng mga tao! Marami talagang nagpapakain na sa sistema ng social media.

Kaya mabuti talagang hindi ko na lang sila pinapansin. Nakakaloka na, nakakaasar pa! At mas mabuting hindi ko sila hinahayaang maapektuhan ako.

Sobrang importanteng pangalagaan ang mental health. Taking good care of it is the key to genuine happiness and peaceful life.

"Thank you to all our faculty members as well. Have a good day," pahuling salita ni Ms. Leialyn Fulache, 'yong department chair namin.

Pagkarinig n'on, dali-dali akong tumayo at sinukbit ang strap ng backpack ko sa balikat para makaiwas sa kwentuhan. Kung may after-party kasi, sa department naman namin ay may after-chikahan.

Sinigurado kong walang nakapansin sa 'kin n'ong umalis ako sa pwesto ko. Para hindi naman nakakahiyang bigla akong sumibat, 'no! At saka para hindi naman ako magmukhang bastos.

Kailangan ko na kasing umuwi dahil kung hindi, maaabutan ako ng traffic. Monday pa naman ngayon, iba ang hagupit ng trapiko!

Pagkalabas ng mini auditorium, nag-desisyon akong maghagdan na lang. Nasa third floor lang naman 'to, para ma-exercise-exercise naman ako kahit pap'ano.

Habang naglalakad, nakaramdam ako bigla ng pagod.

Marahan ko munang minasahe ang likod ko gamit ang kaliwang kamay. Sunod kong ginawa ay saglit namang inikot pakaliwa ang ulo.

Four hours straight ba naman ang meeting. Kaya kahit nakaupo at pasalita-salita lang ako minsan d'on, sobrang nakaka-drain pa rin.

May mga importante kasing na-discuss at na-analyze kanina, tulad ng cheating incidents, plagiarism, difficulties of students, concerns of the faculty, and a lot more. Kaya ang utak ko, halos maubos ang storage capacity.

Buti na nga lang at na-notify ko na ang mga estudyante ko last week na wala kaming pasok. Next week na ulit kami magkikita-kita. Kaya magpapahinga na lang muna siguro ako mamaya pagkauwi.

Pero mas beneficial naman 'to sa students ko— makakapag-relax sila bago salubungin ang last half ng first semester. After all, they deserve it.

Pagkalabas na pagkalabas ng building, kumaliwa na ko papuntang gate 4.

Kitang-kita rito ang mapunong paligid sa gitna ng matataas na establisyamento kaya bigla akong na-relax. Idagdag pa na makulimlim ngayong tanghali kaya malamig ang hampas ng hangin sa balat ko.

Wala rin masyadong tao dahil walang klase kaninang umaga. May meeting din kasi ang ibang department bukod sa 'min.

Pagka-tap ng ID sa scanner, pansin na pansin kong maraming mga nakatambay sa tapat ng food stalls sa labas. Maraming nagtatawanang mga estudyante habang kumakain.

Patago akong napangiti. Hindi ko kasi maiwasang maalala 'yong college life ko kasama sina Trisha at Theta mula umaga hanggang hapon.

Saktong nag-green ang traffic lights kaya tumawid na ko.

Marami akong mga nakasabay na naka-uniform pero iba-iba ang pinapasukang university at trabaho. Kaniya-kaniya silang kwentuhan mula rants hanggang chika ng perfect scores nila.

Ang iba naman, katulad ko, mag-isa lang... ay, bakit parang ang drama ko naman?

Napangiwi at iling na lang ako.

Nang mapadpad sa kabilang dulo, kumanan na ko papuntang Morayta Footbridge.

Pagkababa, dumiretso na ko sa P. Campa para sumakay ng jeep. Pagkaupo sa gitnang parte, nagbayad na rin ako.

Two days from now, simula na ng grade encoding na hanggang Biyernes lang ang itatagal. Nako-consume talaga ang oras ko these days sa pagche-check ng outputs ng students ko. Pero n'ong Linggo, siningit ko muna si Jiro sa sched ko para dalhin sa vet.

Nagpa-consult kasi kami kung pwede na ba siyang ipakapon. Kaso kahit napa-deworm at vaccine na namin siya a month ago, advised pa rin ng vet na huwag munang ikapon dahil medyo maliit si Jiro para sa eight months.

Tungkol naman sa IG Story ni Veroxx, hindi ako dinapuan ng lakas ng loob para itanong sa kaniya kung para s'an 'yon. Pero siyempre, it made me happy seeing other people displaying me on their social media accounts.

Pero simula n'ong araw na 'yon, palagi na kaming nag-uusap. Parang bigla na lang kaming naging sobrang komportable sa isa't isa.

Paulit-ulit lang naman ang chat namin minsan tulad ng:

thekjford

Kumain ka na ba?

Yes!💜💜💜 Ikaw? Kain ka na.

Maybe, later

I'm on standby for the next scene

Eat well, beautiful lady

At oo, palagi niya na rin akong sinasabihang 'beautiful lady'. Hindi ko alam kung gan'on lang ba talaga siya pero kinakabahan ako... baka maging GGSS ako dahil sa kaniya!

Minsan naman ang chat namin:

thekjford

It's already late night

Why u still online?

May tinatapos lang na trabaho.😔 Ikaw ba?

We'll shoot in a few

Take a rest

Good night

Good mornight siguro sa 'yo? Hahahaha.

Pero minsan, hindi kami nag-uusap kasi hindi siya nakakapag-online. Mukhang sobrang busy ang isang 'yon sa sandamakmak ba naman niyang projects.

Napanood ko pa nga sa isang news na nagte-taping din pala siya para sa isang movie. Mukhang sobrang yaman talaga niya kaya kayang manlibre kahit g'ano kamahal ang ibabayad!

But I don't feel obligated sending him DMs. It naturally happens at komportable naman akong kausap siya. Sobrang friendly niya kasi at nakakatuwang kausap! Sino ba naman ako para i-snob siya, 'no?

Kapag wala siyang chat, eh 'di wala.

After half an hour, nakauwi na rin ako sa bahay.

Naghilamos muna ko, linis ng mga kamay at paa, bago nagpalit ng spaghetti sando at shorts. Nilugay ko na rin ang mahabang buhok para ma-refresh naman ako.

Paglabas ng CR, hindi ko na nakita si mama sa sala; baka tulog na. Wala siyang pasok ngayon kaya nagpapahinga siguro.

Umupo ako sa sofa at mabilis na kumandong sa 'kin si Jiro. Napangiti na lang ako sa sobrang sweet niya.

"I love you, Jiro," paglalambing ko sa kaniya sabay himas sa likod niya.

Kinuha ko na rin ang remote sa gilid ko para buksan ang TV.

Pero matik na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita sa patalastas sina Tres at Rizzi. Gustong-gusto kong magsisi sa ginawa ko.

Dapat kasi nanahimik ka na lang sa kinauupuan mo, Yumi!

Pero bakit naman kasi sa pitong araw sa isang linggo, anim na araw pinapalabas 'tong walang kwenta nilang palabas? At bakit ba puro 'yon ang laman ng commercial?

Magkasalubong ang kilay ko ng ilipat ang channel. Halos manggigil pa nga ko sa pagpindot sa remote button.

Pero pinatay ko na rin naman agad ang TV. Nilipat ko lang talaga sa ibang channel para naman hindi napipirme sa istasyon nila 'to.

Makakadagdag lang kami sa viewers nila eh. And that's a hell no!

Kahit gusto kong padabog na ibaba ang remote, magugulat lang si Jiro. Oo, hindi dahil masisira 'yon. Kaya dahan-dahan ko 'yong nilagay sa gilid ko.

Pero kahit napatay ko na ang TV, hindi ko pa rin maiwasang mapairap nang malala. Nakakapanggalaiti kasi talagang makita 'yong dalawa na 'yon.

After what they've done to me? Parang walang nangyari!

Napapaisip tuloy ako.

Susuportahan pa kaya ng mga tao sina Tres at Rizzi kung malalaman nila kung g'ano kasama ang ugali ng dalawang 'yon? Kung p'ano sila manakit ng damdamin ng iba behind the camera?

Oo, naturally flawed tayo pero hindi 'yon dahilan para mang-tolerate ng ugali. May ibang fans kasi na gan'on, 'mahal ka kahit sino ka pa'. Na kesyo, 'okay lang dahil as an actor naman namin sila nagustuhan'.

Excuse me? 2023 na in a few months! Uso kaya ang magbago at pwede ring tumigil na sa kaka-embrace ng toxic attitude.

When Friday morning came, napilitan akong magbukas ng social media account.

Palagi ko kasing hindi naaabutan 'yong weather update sa balita. Eh ilang araw ng umuulan nang malakas kaya nababahala na ko. Huwag naman sanang bumaha rito sa 'min.

Saglit ko munang inayos ang kumot namin ni Jiro gamit ang isang kamay. Lumakas kasi 'yong ihip ng hangin na pumapasok sa nakabukas na mga bintana. Nanginginig ako sa lamig kaya naisip kong baka gan'on din si Jiro.

Ito lang siguro ang maganda kapag maulan, 'no? Hindi magastos sa kuryente. Para ngang brownout dahil patay ang ilaw at electric fan. Liwanag lang mula sa cellphone ko ang source of light.

Napatingin ako sa mga kurtina na malakas na nililipad ng hangin. Mahaba pa naman ang mga 'yon kaya halos maabot na ang kama ko rito sa gitna ng kwarto.

Maya't maya rin ang kulog kaya minsan-minsang nakakadagdag ng liwanag 'yon sa madilim kong kwarto.

Ilang saglit din, binalik ko na ang atensyon sa cellphone ko.

Inuna ko munang tignan 'yong huling Facebook live stream ng isang newscast.

"May bagyo pala," nag-aalala kong sambit pagkarinig sa weather forecaster.

Dali-dali kong tinignan 'yong page ng barangay namin. Makikibalita lang kung may binabaha na ba.

After a few more scrolling, I saw that some areas are already flooded. Bigla akong kinabahan para sa 'min at naaawa rin para sa iba.

Napakagat ako sa ilalim kong labi. Uneasiness is covering my heart.

"May GO bag na ba tayo, Jiro?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

Napatango-tango lang ako nang maalalang naayos ko na nga pala ulit 'yon last week.

Papatayin ko na sana ang phone ko para matulog na lang sana nang bigla kong makita si Veroxx sa notif ko.

Matik na napangiti ako na parang hindi ako nag-aalala kanina lang. Kumalabog din ang puso ko habang iniisip kung titignan ko na ba kung message ba 'yon o ano.

Pero dahil epal ang malakas na kulog at ginulat ako, my phone has almost slipped from my hand. "Ano ba 'yan!" hiyaw ko.

Wala sa oras tuloy akong napatingin sa kaliwa ko kung nasaan si Jiro.

I felt at ease after seeing him still in his deep sleep. "Buti at hindi nagising," bulong ko sa sarili.

Binalik ko na ang tingin sa cellphone ko. Pero mabilis na nawala ang pagkakalma ko nang makitang chat box na namin ni Veroxx ang nasa screen.

"Bwisit!" impit kong sigaw dahil sa inis.

I harshly pressed my lips together as I clenched my left fist in the air. Nanggigigil pero pinipigilan na makagawa ng ingay o galaw dahil sa katabi.

P'anong hindi kasi ako maiinis? Hindi pa ako nakakabwelo, na-seen ko na ang DM ni Veroxx!

I tried to compose myself by closing my eyes and placing my left hand on my chest. "Kalma, Yumi. Kalma."

Idinilat ko na ang mga mata nang maramdamang ayos na ko.

But I automatically smiled from ear to ear nang mabasa ko ang sunod-sunod na messages ni Veroxx, lalo na nang makita ang pusang kulay itim na GIF sa dulo.

thekjford

Hello?

It's raining heavily

Hope u're fine

Would like to take this opportunity as well to invite u in our show's upcoming mall tour next month

Matagal pa naman hahahgahahahag

Pero baka gusto mo? : )

It's fine if u have prior commitments

Nagulat na lang ako nang mapagtantong humahagikhik na pala ko.

Para namang gaga, Yumi. First time ma-invite? First time?

Pero first time lang naman talaga! I have never had the chance to join the crowd of Tres during his mall tours.

Palagi niyang sinasabing huwag na dahil nagkaka-stampede raw minsan. O kaya sasabihin niyang itulog ko na lang para makapagpahinga ako.

I wanted to show him my support through that way but I wasn't able to do so.

Ano kayang ginagawa sa mga gan'ong event?

Ngiting-ngiti ako habang nagta-type ng ire-reply. May kasama pa ngang nginig ang mga kamay ko sa hindi malamang excitement.

I already typed in, 'Oo naman! Aarte pa ba ko? Hahahaha', but I decided to delete it.

Napakagat ako sa ilalim kong labi habang palapad nang palapad ang ngiti ko.

"Masyadong excited pakinggan ang reply mo, Yumi," nakangiti kong saway sa sarili.

Baka isipin naman ni Veroxx, hindi ako busy dahil go agad ako sa aya niya.

Napatango-tango ako bilang pag-sang-ayon sa naisip. Having that on my mind, I decided to click the home button of my phone.

I quickly go to my alarm app to set it at 11:00 a.m. which is 20 minutes away from now.

Para naman magmukhang nag-check ako ng sched ko, 'no!

Nakangiting binaba ko na ang phone sa may gilid ko sa bandang beywang sa kanan.

Hinawakan ko ang kumot at saka ito itinaas hanggang sa may bibig ko.

Para akong sirang nakangiti nang malapad habang nanginginig ang mga kamay. Sobrang humigpit pa nga ang hawak ko rito.

Parang gaga ka talaga, Yumi! Giniginaw ka na pero masaya ka pa?

Nag-desisyon akong umidlip na lang muna habang hinihintay ang alarm. Nakapikit na talaga ko't lahat-lahat nang ma-bother ako.

Parang may sariling buhay ang mga kamay ko nang silipin ang phone ko kung anong oras na. At gan'on lang ang nangyari sa mga sumunod na minuto— paulit-ulit akong pipikit pero didilat at titingin muli sa cellphone ko.

My heart is also not on its regular rhythm. In the middle of the loud rainfalls and thunderstorms, I can clearly hear its loud beating that keeps me wide awake.

Sakto pagtungtong ng 11:00, inunahan ko na ang alarm ko. Pinatay ko agad 'yon at saka dumiretso sa Instagram ko. To be exact, sa chat box namin ni Veroxx.

He is still online, so I quickly typed in my reply.

Sure, thanks!💜💜💜

Pero agad kong binura 'yon kasi ang lamya kahit may heart emojis.

Wow! Thank you so much. Excited about it!

"Masyado namang pormal," nakangiwi kong kumento.

Hi! When is it exactly? And where will it be held?

"Tunog naman 'tong email ko sa colleagues ko," sarkastiko kong sambit sabay irap.

Bakit kasi gan'on? "Para naman kasing hindi ako 'yong nagcha-chat," nakasimangot ko pang pang-aaway sa sarili.

Yumi vs Yumi lang?

Pinikit ko muna ang mga mata at saka huminga nang malalim.

Magre-reply ka lang, Yumi. Kailan ka pa ba nag-isip nang todo bago mag-chat? At ano pa ba kasing ikinatatagal mo riyan? Reply lang, Yumi! Oo o hindi lang 'yan.

Dumilat na ko at saka nakipagkasundo sa sariling ise-send ko na talaga ang sunod kong iko-compose na message.

Ngumiti ako nang pilit at saka nagsimulang mag-type.

thekjford

Totoo ba 'to?😱 Salamat, Veroxx!💜💜💜 Expect my presence. Let me know the details. •

I ended up smiling widely while reading my reply. "Ayan, Yumi. Ganiyan!" natatawa kong saad.

Pero mabilis na naglaho 'yong ngiti ko nang mapansin ang dot sa gilid ng message ko. Agad ding kumunot ang noo ko.

I hurriedly swiped the message to the left at halos gusto kong murahin ang ulan nang may mapansin.

"Walang internet!" I shouted in greeted teeth. "Bwisit naman oh!" dagdag ko pa, hindi na talaga napigilan ang sarili.

Nagmamadali kong tinignan 'yong load balance ko. Hindi ko pa naman kasi nagagamit 'yong...

"Nakain 'yong load ko?! 10 pesos na nga lang, ninakaw pa. Patay gutom na network provider naman oh!" tuloy-tuloy kong reklamo na halos hindi na huminga.

Padabog kong binagsak ang phone sa kanan at saka ipinagkrus ang mga braso.

Sobrang nakakagigil talaga. Magkakaroon na ata ako ng wrinkles dahil sa kakakunot ng noo ko!

Natauhan lang ako nang marinig ang malambing na 'meow' ni Jiro sa may kaliwa ko.

I apologetically looked at him who is still lying down on his right side. "Tulog ka na ulit, Jiro. Na-bwisit lang si ate sa ulan," mahinahon kong kausap sa kaniya.

Pumikit naman siya agad kaya tumayo na ko at lumabas ng kwarto.

Kahit nangangati ang kamay kong padabog na isara ang pinto, hindi ko 'yon ginawa. Hinayaan ko na lang na nakabukas 'yon para kay Jiro.

Nagpalinga-linga ako para hanapin si mama.

Madilim sa sala at sa kusina lang mayroong dim lights. Mukhang walang kuryente dahil sigurado akong gamit lang ni mama ay flashlight.

Dumiretso ko r'on at nakita siya sa may tapat ng lababo. Kahit nakatalikod siya ay agad ko siyang tinawag. "Ma! May load ka po ba?"

Kita kong medyo nagulat siya dahil napataas ang pareho niyang balikat. "Ano ka ba namang bata ka! Bigla-bigla kang sumisigaw," inis niyang baling sa 'kin.

Tinabihan ko siya at nakitang binabanlawan niya pala iyong parte ng ulo ng electric fan.

Naabutan siguro siya ng brownout habang may ginagawa.

"So may load ka po ba?" inip kong pag-uulit ng tanong nang iangat ko ang tingin sa kaniya.

Agad akong napasimangot nang sabihin niyang, "Wala. At ano bang iniingay mo riyan, aber?"

Bumalik na siya sa paglilinis kaya tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa mesa. Padabog kong inokupa ang isang silya.

Pabulong ngunit naiinis kong saad, "Ano ba naman 'yan, ma. Ang poor naman."

Nanlalaki ang mga mata niya nang lingunin niya ko sandali.

Sa lakas ng ulan at sa hina ng boses ko, narinig pa rin niya ata ko.

Sarkastiko niyang banat, "Bakit, ikaw mayroon ka ba?"

Napangiwi tuloy ako dahil sa narinig. Naiinis kong tinitigan ang likod niya nang bumalik na ulit siya sa ginagawa.

Pilosopo kong sagot, "Wala po. Kaya nga nagtatanong ako sa 'yo eh."

"Ang init ng ulo mo," kumento niya. "Magkakaregla ka na ba?" natatawa niyang tanong ulit. "Tinalo mo pa ang init ng ulo ko, aber! Ako nga 'tong namatayan ng ilaw habang naglilinis."

Bigla akong napaisip dahil sa nauna niyang tanong. Napahawak pa nga ko sa baba ko.

"Siguro nga magkakar'on na ko?" kalmado kong tanong pabalik. "Parang ang moody ko ngayon eh," dagdag ko pa.

"Umalis ka na rito. Baka mainis lang ako dahil sa init ng ulo mo. Wala ka namang ambag sa ginagawa ko," mariin niyang utos sa 'kin na nagpasimangot na naman sa 'kin.

Tumayo na ko at lumabas ng kusina.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang inis na mapabulong-bulong. "Kung hindi umulan at nawalan ng kuryente, hindi naman iinit ang ulo ko!"

Maingay ang bawat hakbang ko dahil sa padabog kong lakad. "Leche na bagyo kasi 'yan! Nawalan tuloy ng kuryente. Kawawa rin 'yong mga walang masilungan tuwing maulan ah?! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng araw, ngayong linggo pa pumasok 'yon?"

"Ang ingay-ingay mong bata ka!" rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina.

Lalo lang akong napasimangot dahil sa narinig. Pagkapasok sa kwarto, sinara ko na ang pinto. Dahan-dahan lang kahit umaakyat na ata lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top