Chapter 8: Story
Chapter 8: Story
The second day of exam week has gone by so fast.
Isa lang naman kasi ang hawak kong section tuwing Tuesday, kaya ito, pauwi na ko ngayon.
Tinignan ko muna ang sarili sa maliit na salamin na nasa desk ko.
Napangiti ako nang masiguradong maayos pa naman ang pagkaka-ponytail ng buhok ko. Sunod kong ginawa ay ang pagsukbit ng strap ng backpack ko sa balikat.
Pagkatayo, nagpaalam na ko sa ibang faculty members. "Una na po ako, mga ma'am at sir!" masigla kong sambit na tinugunan naman nila ng kaniya-kaniyang pamamaalam.
Nakangiti akong lumabas ng faculty room.
Nang nasa tapat na ng pinto, nag-time-out muna ko sa biometric-based attendance.
Maglalakad na sana ulit ako nang mag-ring ang phone ko mula sa bag.
Matik na kumunot ang noo ko. Nakakapagtaka kasi kung sino namang tatawag sa 'kin ng ganitong oras.
Alam naman ng mga malalapit na tao sa 'kin na may pasok ako ng Monday to Thursday. It's unusual to receive a call during the daytime.
Pinaharap ko 'yong bag ko at saka kinuha sa loob ang phone. Pagkasara ng zipper, tinignan ko agad sa screen kung sinong tumatawag.
The girl with megaphone
Napataas ang pareho kong kilay.
"Ano naman kayang kailangan ni Trisha ngayon?" nagtataka kong bulong sa sarili.
I pressed my lips together while thinking of the possible reasons.
Sa huli, nag-desisyon na lang akong sagutin ang tawag. Pero tulad ng nakagawian, nilayo ko muna sa tainga ko ang hawak na cellphone.
"Soaprice, bakla!" matinis niyang tili mula sa kabilang linya.
Mahina akong napatawa nang marinig ang boses niya.
"Waley ka ng kawala. Anditey na akes sa gate 3! Bye," tuloy-tuloy na sambit niya at dinig ko pa na nag-flying kiss siya.
May sasabihin pa sana ko kaso pinatay niya na agad ang call. Kaya ayon, nakangiting napailing na lang ako.
Nagsimula na kong maglakad palabas ng building dahil baka mainip pa siya. Nakakahiya naman sa kaniya, 'no!
Pero hindi ko maiwasang maisip, nagta-trabaho pa ba si Trisha? Para kasing palagi siyang nasa galaan at walang ginagawa.
Pero sabagay... sariling business nila ang inaasikaso niya.
They have this growing restaurant with branches located in Taft Avenue, Ayala Avenue, and Recto– where she's the manager.
Napangiti na lang ako dahil low-key proud ako sa kaniya. Soon enough, siya na siguro ang magha-handle n'on knowing that her sister ain't business-minded.
Napatingin ako sa paligid nang mapadaan sa Freedom Park sa bandang gitna ng university. Like the usual exam week, the place is not surrounded by students. Puro puno at bakanteng benches lang ang makikita.
It's only 1:30 in the afternoon kaya malamang, nag-e-exam pa ang mga estudyante o nagre-review.
Diretso lang ang lakad ko hanggang mapadpad sa gate 3.
Pagka-scan ng ID sa may card reader security gate, bumungad agad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Trisha sa labas. May pagkaway-kaway pa siyang nalalaman na nagpatawa na lang sa 'kin.
She's on her dark short-sleeved drape crew neck shirt tucked in on a corduroy skirt.
Dali-dali ko siyang nilapitan na pinagsisihan ko rin agad.
P'anong hindi? Eh hampasin ba naman ako sa braso! Ang bigat-bigat pa naman ng kamay niya.
"Ang sakit ah," reklamo ko na tulad ng dati, tinawanan niya lang.
"Ikaw kasi! Wis mo sinasagot ang chats ni bakla kahapon," nagtatampo niyang sambit.
Napakunot naman ako ng noo habang iniisip kung bakit hindi ko nabasa 'yong mga chat niya. Nang magsimula siyang maglakad, sinabayan ko naman siya papunta sa kabilang block.
"Hindi ko naman alam na nagcha-chat ka," pag-amin ko habang diretso ang tingin sa daan, nawala na ang pagkakakunot ng noo.
"Ganern ba? K! Basta kailangan mong i-chika ang lahat ng ganap mo sa life, ate," pagbabanta niya na ikinailing ko na lang.
Diretso kong sagot, "Wala naman akong dapat i-kwento."
I heard her snorting beside me that made my forehead crease again. Saglit ko siyang nilingon at nakita kong simangot na simangot na siya ngayon.
"Para kang sisiw riyan na hindi binalikan ng inahen," natatawa kong pang-aasar sa kaniya na lalong nagpasimangot sa kaniya. At hindi pa siya nakuntento ah, inirapan pa ko!
Habang naglalakad, d'on ko lang naalala na may kasalanan nga ko sa kaniya. In-snob ko nga pala kahapon ang chat niya n'ong nasa food court ako!
Napangiwi ako bigla.
Importante ba 'yong sinabi niya? 'Di ko rin naman kasi alam ba't ako naasar bigla n'ong oras na 'yon.
Kinabahan naman tuloy ako!
Pero knowing Trisha? Hindi naman tumatagal ang tampo niyan.
Pagpasok namin sa paboritong yogurt shop, kaunti lang ang tao sa loob. Exam week din kasi sa ibang katabing university kaya wala sigurong masyadong tambay ngayon.
Inokupa namin ni Trisha iyong two-seater table sa dulo. Pinatong ko agad sa mesa ang bitbit na bag bago inayos ang pagkakaupo.
Ilang saglit din, inangat ko na 'yong tingin ko sa kaniya. Halos nakapikit na siya habang pinanliliitan niya ko ng mga mata.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
Hindi ko kasi maintindihan ang kinikilos niya. Napaisip tuloy ako nang malala kung may iba pa ba akong nagawa. Todo alala rin ako kung ano bang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Dahil mababa lang ang capacity ng utak ko, halos sumakit na ang ulo ko sa kakaisip.
"Sabihin mo na lang kaya kung anong nasa isip mo. Maawa ka naman sa utak ko, 'no!" reklamo ko sa kaniya.
"Shocks, bakla," naiinis niyang saad sabay paypay sa mukha gamit ang parehong kamay. Nang tumigil, pinatong niya ang magkabilang braso sa mesa. "Why akes maaawa sa girlalush na may jowawers na ulit?!"
Sobrang napalakas ang boses niya kaya nahihiya akong napatingin sa paligid.
Nakita kong napunta sa gawi namin 'yong atensyon ng isang estudyanteng nagre-review. I gave her an apologetic smile before looking back at Trisha.
Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Anong sinasabi mo riyan?" hindi makapaniwala kong tanong. "Pumunta sa 'min si Tres kahapon ng umaga pero klinaro ko sa kaniyang hindi ko na siya gusto! Nagpadala rin siya ng pagkain pero hindi ko sinabing kinain ko, 'no," tuloy-tuloy kong pagpapaliwanag na halos hindi na huminga.
Nang pareho kaming matigil at mapatitig sa isa't isa, doon ko lang napagtanto ang nasabi ko.
Both of our faces lightened with a few more realizations.
"Pumunta 'yong isang red flag na binudburan ng taong Tres na 'yon sa baler niyo?!" gulat na gulat niyang tanong sa matinis na boses. Her small eyes are also wide-awake with her mouth literally forming an 'o'.
I quickly shushed her because of her loud voice. Baka mapaalis kami rito nang wala sa oras eh!
Tinikom naman niya ang mga labi pero hindi niya inalis ang naiinip niyang titig sa 'kin.
"Oo, kahapon," kinakabahan kong sagot sabay patong ng mga kamay sa binti. I couldn't help but fiddle my fingers together.
Bakit kasi siya nanggigisa? Hindi naman ako gulay para igisa niya!
"And?" kunot-noo niyang tanong, halatang naiinip.
Napahinga ko nang malalim bago sinabing, "Gusto niya lang naman makipag-usap—"
"Shocks!" singit niya sa sasabihin ko. "Sa mga nawa-watch kong K-drama, ang meaning ng 'let's talk' ay iba!"
Napangiwi na lang ako sa sobrang lawak ng imagination ni Trisha. At talagang ginaya niya pa 'yong tono ng Koreano sa pagsambit ng 'let's talk'.
Tinigil ko ang paglalaro sa mga daliri at saka inihawak 'yon sa mga binti ko.
"Huwag kang mag-alala, nagtalo lang kami at pinamukha ko sa kaniyang 'di ko na siya babalikan talaga," malumanay kong sambit sabay sandal sa backrest ng upuan. I also crossed my arms as I continued, "Hinatid niya ko pero hindi kami nag-usap kasi nag-earphones ako. N'ong vacant ko, nagpadala siya ng pagkain pero sinabi kong hindi ko kinain."
Pareho kaming ilang saglit na natigilan.
Nakataas ang pareho kong mga kilay nang itanong, "Okidoks na?"
Nagulat ako nang ngiting-ngiti siyang dumukwang sa ibabaw ng mesa para hampasin ako sa kanang braso. "Ang long, long, long naman ng hair ni bakla! Ang ganders talaga," natatawa niyang kumento.
Mabuti na lang at this time, hindi naman ako halos magkandahulog sa kinauupuan ko dahil sa hampas niya pero masakit pa rin!
Inirapan ko na lang siya. "Grabe ka makapanakit ah! Nakakahalata na ko," reklamo ko sa mababa ngunit mariing tono.
Nang makaupo siya nang maayos, agad siyang napahagikhik. "Isang red flag na naghahabol, isang poging bagong dating," makahulugan niyang saad. "Sinetch ang mas angat? Sinetch ang mas sikat?!"
Aliw na aliw siya sa sariling pinagsasasabi at talagang napapalakpak pa siya nang todo.
Napailing na lang ako.
Hindi ko na alam kung anong sinasabi niya. Siya na lang ata ang nakakaintindi sa sarili niya.
Nang mapansin niyang wala akong kibo, napatahimik siya bigla at napaayos ng upo. Titig na titig siya sa 'kin.
"Waley ka ba talagang balak i-chika ang na-sight ko sa IG ni papa mo Veroxx?" mahina niyang tanong na ikinakunot ng noo ko.
"Anong mayr'on sa IG niya bukod sa post niya n'ong nakaraan?" naguguluhan kong tanong habang nag-iisip din.
"'Yong Story ni pogi!" hiyaw niya na mukhang na-conscious naman siya dahil bigla siyang napatakip sa sariling bibig.
Napairap na lang ulit ako. Kaunti na lang talaga, masisigawan na kami rito.
"Anong mayr'on? Diretsuhin mo na lang kaya ako," naiinis kong utos sa kaniya.
Ang dami kasing pasikot-sikot! Akala mo, kalye ng Intramuros.
"Bakla! Sumasakit ang bangs ko sa 'yo," reklamo niya sabay hawak sa noo. "Waley ka bang kaalam-alam o ayaw mo lang i-chika?"
Hinilot-hilot niya pa muna ang ulo niya habang nakapikit. Para bang pinasakit ko nang husto ang ulo niya kahit wala naman akong ginagawa.
"Wala kang bangs," walang emosyon kong kumento. "At wala rin akong alam sa sinasabi mo."
Mabilis siyang napadilat at saka nag-lean forward. Pinatong niya ang mga braso sa mesa at nanlalaki ang mga mata nang itanong, "True? Waley kang na-sight?"
Mukhang pinagdududahan niya pa ko pero dali-dali lang akong umiling bilang sagot.
"May IG Story kasi si papa mo Veroxx kahapon," bulong niya na lalong nagpamukhang tsismosa sa kaniya. "Nasa restaurant ang pogi tapos ang nasa pic ay nakatalikod na girlalush. Sure akes na ikaw 'yon, Mayumi Madamba!" tuloy-tuloy niyang kwento sa papataas na boses.
Pero bigla siyang sumimangot nang sabihing "Sure akes dahil 'yong damit ni girlalush ay katulad n'ong gusto kong partners tayo kaso ayaw mo."
Sa dinami-dami ng sinabi niya, isa lang ang tanong ko... bakit naman ako ilalagay ni Veroxx sa IG Story niya?
Matik na kumalabog ang puso ko at kusa akong napakagat sa ilalim kong labi.
No calm— ayan ang sigurado ako ngayon.
I was about to say something when I ended up pressing my trembling lips together.
Umayos ka nga, Yumi! Para kang gaga. Nalagay ka lang sa Instagram Story n'ong tao, ba't ka nagkakaganiyan? Malay mo nga napindot lang pala 'yon.
Pero nagkakaganito ako dahil siguro... this is the first time that a man displayed me on his account. Palaging sina Trisha at Theta lang ang nagbabalandra sa 'kin online. Pwede na rin si mama tuwing birthday ko.
Huminga ako nang malalim para mawala ang mabilis na tibok ng puso ko. Pero imbes na kumalma, unti-unti pang nanlamig ang mga kamay ko.
Wala sa wisyo kong pinatong ang mga 'to sa hita ko. Kinuskos ko rin agad ang mga palad sa pantalon para kumuha ng init.
Pero... ayaw talagang tumalab.
"Ano na?" naiinip na tanong ni Trisha na pinahaba pa ang bigkas sa huling salita.
Dapat ba kong may sabihin? Ano namang sasabihin ko kung gan'on?
"Baka friend na ang turing niya sa 'kin?" sagot ko sa patanong na paraan na parang 'di rin sigurado sa sinabi.
Nang mapansing hindi kumbinsido ang kausap, nag-desisyon na kong i-kwento 'yong mga nangyari. Mahina ang boses ko nang magsimula. "Coincidence na nagkita lang naman kami sa bookstore. Tapos ayon, siya na ang nagbayad ng pinamili ko. Nilbre niya rin ako sa restaurant as a treat and eraser. Para daw burahin 'yong pangit na memory namin sa mall."
Agad-agad na napahagalpak sa tawa si Trisha pagkatapos kong magsalita. Nakailang palakpak din siya bago ipinatong ang kamay sa dibdib.
"Shocks, Mayumi Madamba! May pa-eraser pa kayong dalawa," she said in between her laughs, showing disbelief through her tone.
Nakagat ko ulit tuloy 'yong ibaba kong labi at saka naikuyom ang mga kamao.
Kahit kabado, pinilit kong magkunwaring naiinis. "Ano bang gusto mong sabihin?"
She leaned forward once again. Mapanuri ang mga mata niya at mapang-asar ang mga labi nang itanong, "Ikaw na ang wrong, siya pa ang nag-sorry? Ayern lang ba ang reason why ka niya nilibre?"
Napairap na lang ako at saka ipinagkrus ang mga braso.
Sarkastiko kong sambit, "Alam mo, ipa-reformat mo na 'yang utak mo. Grabe na ang bug eh!"
Nakangising tumango-tango lang siya. Halatang ayaw niyang magpatalo at mas pinapaniwalaan pa rin niya ang sariling haka-haka.
Makahulugan at mahina niyang litanya, "Binayaran ang pinamili as a friend? Nilibre ng pagkain as a friend? Na-IG Story as a friend?" Huminto siya sandali at mas lalong umangat ang sulok ng labi. "K. Sanaol friend!" sabay dinugtungan ng, "Friend ka lang niya pero friend din ba ang turing mo sa kaniya?"
"Oo," maigsi kong sagot para matapos na ang lahat.
Nakita kong gagalaw na ang mga labi niya para magsalita na naman kaya mabilis akong nag-isip ng sasabihin. Para naman matigil na 'tong ipinagpipilitan niya.
When I remembered something, dali-dali ko siyang inunahan. "Nakipagkita ako kay Tres n'ong umalis ako sa inyo n'ong Sabado."
Mabilis na nanlaki ang mga mata niya na agad ding nanlisik. "I knew it!" she exclaimed but with disapproval in her tone. Napahampas pa nga siya sa mesa gamit ang isang kamay.
Pero kahit bahagya akong nagulat dahil sa ginawa niyang ingay, napabuntong-hininga na lang ako dahil sa reply niya.
Buti naman at nawala agad sa isip niya ang ipinipilit kanina.
Kahit pap'ano, nawala na ang panlalamig ng mga kamay ko. Pati 'yong puso ko, unti-unti na ring bumabalik sa tamang rhythm.
Sumandal si Trisha sa backrest at saka hinilot-hilot ang magkabilang sentido. Nakapikit ang maliliit niyang mata nang nagtitimpi akong utusan, "I-chika mo na ang lahat bago ko pa masugod 'yang red flag mong ex."
Napangiwi ako sa inasta niya. Hindi naman halatang galit na galit siya kay Tres, 'no?
Tulad ng gusto niya, nag-kwento na lang ako. Lahat ng sinabi ni Tres na naaalala ko pa, nai-kwento ko na.
Pero pagkatapos na pagkatapos ko magsalita, nahampas na naman niya ang mesa pero gamit na ang magkabila niyang kamay. Hindi ko na na-contain ang gulat nang bahagya akong mapaangat sa kinauupuan ko. Nahihiya akong umayos ng upo habang nakatitig sa kaharap.
Her teeth are grinding and her hands are intensely shaking. Nanggigigil niyang sigaw, "Pigilan mo ko, bakla, wawarlahin ko 'yan kahit nasaang lupalop man siya ngayon!"
"Kalma ka lang," nangingiwi kong sambit. "At saka sabi ko naman sa 'yo kanina, klinaro ko na sa kaniyang ayaw ko na siyang makita."
Bago pa siya makapagsalita, tumayo na agad ako. "Libre na kita ng yogurt smoothie. Para lumamig naman ang ulo mo," I mumbled before grabbing my bag with me.
Dali-dali rin akong naglakad papunta sa counter sa gilid.
Lecheng Tres talaga na 'yon! Mapapagastos pa tuloy ako. Masyado siyang perwisyo sa buhay ko!
Nang makabili na at makabalik sa table namin. Nakalimutan na ni Trisha ang galit niya kanina.
Nag-kwentuhan lang kami saglit.
When the clock turned two in the afternoon, inaya ko na siyang umuwi dahil may pasok pa si mama ng three. Dapat nakauwi na ko ng gan'ong oras para 'di maiwan si Jiro na mag-isa sa bahay.
Walang dalang kotse si Trisha kaya nag-commute na lang kami pauwi.
Pagkasakay sa jeep, inokupa namin iyong upuan na nasa bungad lang pero pinili namin na umupong magkatapat sa isa't isa. Siya na raw ang magbabayad kaya napangiti naman ako.
Pero parang gusto ko siyang ihulog sa jeep nang isigaw niyang, "Bayad po! Pasuyo na lang. Isang tanga at isang maganda." Nangingiti niya kong nilingon nang may umabot na ng pera niya. "Akes 'yong maganda."
Nagtawanan 'yong ibang mga pasahero dahil sa sinabi niya. Habang ako, ang sama-sama na ng tingin ko sa kaniya.
Kinuyom ko na lang ang mga kamay ko para pigilan ang sariling mahampas ang kaharap. At ang gaga? Tinawanan niya lang ako kaya 'di ko na siya pinansin buong biyahe.
Ilang minuto pa ang lumipas, malapit na ko sa bababaan ko. Nag-bwelo na ko para sa pagpa-para. Iniisip ko na rin kung g'ano ba dapat kalakas ang boses ko. Nahinto lang ako sa pagpa-practice nang kunin ni Trisha ang atensyon ko.
Tinabunan ko siya ng naiinis pa rin na tingin nang seryoso niyang ibulong, "Knows mo naman na today lang magpapakilig ang red flag na 'yon, tama vine? Kasi tomorrow, bye-bye na ulit 'yan."
Matik na napabuntong-hininga ako kasabay ng pag-alis ng inis ko. As a response, napatango-tango na lang ako sa kaniya.
Nang makapagpara na, dali-dali akong naglakad pauwi sa bahay.
Pagtungtong sa loob, saktong paalis na si mama nang magkita kami. Nagmamadali siyang nagpaalam sa 'kin at saka lumabas ng bahay.
Maglalakad na sana ko papasok sa kwarto ko nang lumapit sa paanan ko si Jiro.
Mabilis akong napayuko at napangiti dahil sa paglalambing niya. "Bawal muna tayo mag-hawak-hawak, Jiro. Galing ako sa labas," pagpapaalala ko sa kaniya.
Mukhang naintindihan naman niya 'yon dahil umupo na lang siya sa sofa. Lumapad tuloy lalo ang ngiti ko na tila nakalimutan na ang nararamdamang inis kanina.
Pagpasok ko sa kwarto, kukuha na sana ako ng damit pamalit pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko. Nakita ko na lang na nakuha ko na ang phone ko mula sa bag.
Binaba ko muna ang backpack sa sahig at saka binuksan ang Wi-Fi. Dumiretso ako sa Instagram at matik ang pagbilis ng kabog ng puso ko.
My lips are trembling and so are my hands for an unknown reason.
Hinanap ko na ang profile ni Veroxx at nagda-dalawang isip kung sisilipin ko ba ang Story niya. Hindi kasi siya naka-follow sa 'kin at hindi rin ako sa kaniya. Baka ang weird naman kung makikita niyang nag-seen ako?
Pero makikita niya pa ba 'yon? Sigurado namang thousands ang profiles sa viewers list ng Story niya.
Hindi pa ko nakakapag-desisyon nang makita ang sariling napapindot na r'on.
Iisa lang ang Story niya at malapit na ring ma-expire.
Walang isip-isip akong nag-screenshot muna bago binaba ang tingin sa picture. Pero matik na paglapat ng mga mata ko r'on, lalong dumagundong ang puso ko.
Kita sa photo ang kamay niya sa bandang right corner na may hawak ng supot— 'yong binili niya para sa 'kin. Tapos sa left naman ay kita ang likod ko. Sa baba n'on ay may added text siya na, 'Eat well, beautiful lady'.
Napaawang ang mga labi ko dahil sa nakita.
He called me... beautiful?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top