Chapter 7: Treat

Chapter 7: Treat

My quick nap only got disturbed when I heard my phone ringing.

Promptly, napakunot ang noo ko bago idinilat ang mga mata at inangat ang ulo. Umayos na rin ako ng upo at saka hinanap sa table ang cellphone ko.

Nang makita ito, dali-dali kong tinignan kung sino ang tumatawag. Ang kaso, mas lalo lang kumunot ang noo ko nang makitang mula sa unknown number ang tawag.

"Hello?" mahinahon kong sambit pagkasagot nito.

Kung si Trisha lang 'to, siyempre ang bungad ko ay, 'bakit ka na naman tumatawag?'

"Lalamove delivery po, ma'am! Nasa tapat na po ako ng gate 3," masiglang pag-iimporma sa 'kin ng nasa kabilang linya.

Pero kung anong saya niya, ayon naman ang lalong pagkunot ng noo ko. Matik din na bumilis ang tibok ng puso ko. Napakagat na nga rin ako sa ibaba kong labi.

Sino bang kakalma sa sitwasyon ko ngayon?!

"Kuya, na-prank po ata ako," kinakabahan kong sambit. Halos mautal-utal na.

Kapag nalaman 'to ni mama, yare pa ko!

"Magkano po ba 'yan? Nakakainis naman! Buti na lang talaga at may sweldo na ko," hindi mapakali kong saad.

Hahanapin ko na sana 'yong wallet ko nang biglang matawa ang nasa kabilang linya. "Bayad na po, ma'am. Kayo po si Mayumi Madama, tama po, ma'am?"

Napaawang ang mga labi ko kasabay ng paghinto ko sa dapat na gagawin. Nawala na rin 'yong pagkakakunot ng noo ko at 'yong bilis ng tibok ng puso ko kanina.

Pero ang tanong... "Sino pong nagpadala?"

Sobrang nakakapagtaka naman kasi. Hindi naman ako papadalhan ni mama ng pagkain. At mas lalong hindi 'yon gagawin ni Trisha! Si Theta naman, ang layo-layo niya at busy 'yon sa law school.

"Tres Arevalo po 'yong nag-book," sagot niya. "'Yong artista po ata 'yon, ma'am."

Imbes na matuwa, napasimangot at napairap na lang ako.

Ano na namang ganap niya? Hindi pa ba siya tapos manira ng araw?!

At wow ah? Kailan pa siya nagkainteres na tignan ang schedule na na-send ko sa kaniya noon? Parang dati, kahit pasok ko, hindi niya alam!

"Sige po, kuya. Bibilisan ko po ang pagbaba! Thank you po," nagmamadali kong sambit.

Pagkatayo at dampot ng 100-peso bill, takbo-lakad ang ginawa ko paalis ng faculty.

Medyo malayo pa naman ang building sa gate 3 kaya natagalan ako. Nasa east side kasi ito ng school pati ang gate 4.

Pagkalabas ng university, nakita ko naman agad 'yong Lalamove driver na nakasandal sa motor niya. Kahit naaasar ako kay Tres, ginawa ko 'yong best ko para ngitian ang driver nang lapitan ko siya.

"Magandang tanghali, ma'am," nakangiti niyang bungad sa 'kin.

Glancing at his facial features lightly covered by his helmet, it looks like he is in his 40s already.

"Magandang tanghali rin po. Ang init-init, kuya. Nag-meryenda na po ba kayo?" tanong ko naman sa kaniya.

Napakamot lang siya sa batok dahil d'on. "Mamaya na po siguro, ma'am. Trabaho muna!" natatawa niyang sagot na tinanguan ko lang.

Binuksan niya agad ang insulated box at marahang kinuha ang malaking brown na supot mula r'on.

Nang iabot niya na sa 'kin ang order, mabilis kong nilagay sa kamay niya 'yong tip.

"Pang-meryenda po," nahihiya kong saad.

Nakakakonsensya kasi na pinaghintay ko siya sa tanghaling tapat. Kasalanan kasi 'to ni Tres! Bakit wala kasi siyang pasabi kung magbigay ng pagkain?

Nabigla lang ako nang tuwang-tuwa niya kong titigan. "Salamat, ma'am. Ibibili ko 'to ng meryenda ng mga anak ko!"

Hindi ako nakaimik. Nginitian ko lang siya bago tumalikod at naglakad papasok ng university.

Naiiyak akong hindi ko alam. Parang biglang bumigat 'yong loob ko.

It was nice to hear— na kahit pagod siya, anak niya pa rin ang unang naiisip niya. Siguro... hindi ko lang maiwasang itanong; naiisip kaya ako ng tatay ko?

Kadiri ka, Yumi! Huwag mo ngang isipin ang walang halang na 'yon.

Ikaw? Iisipin n'on? Asa! Hindi nga niya naisip na maling makipagtalik kung ayaw ng tao! At hindi niya rin inisip 'yong magiging resulta at epekto n'on kay mama para lang makapagpasarap.

Such bullshit.

"Dahan-dahan po, ma'am. Baka masira ang scanner," natatawang ani ng guard.

Nanlalaki ang mga mata ko nang iangat ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko na napansin na napalakas pala ang paglapat ko ng ID sa scanner.

"Sorry po," nahihiya kong sambit.

Nang makalagpas sa card reader security gate, dali-dali akong umalis. Pumunta na ko agad sa building na nasa kanan paakyat sa second floor.

Nakakahiya ka, Yumi! Pati mga walang kamuwang-muwang na bagay, pinagdidiskitahan mo ng galit.

Sa tingin ko, kailangan ko 'tong baguhin sa sarili ko. May mga panahon kasing hindi ko na napapansin 'yong kinikilos ko kapag naaasar ako.

Napahinga na lang ako nang malalim at saka niyakap ang bitbit. Ang bigat kasi. Parang ang daming laman. Pero ang bango ah!

Nang makapasok na sa food court ng university, napansin ko agad na hindi matao ngayon sa loob. Exams kasi. Siguradong nasa library ang mga estudyante.

Kahit wala masyadong tao sa bandang unahan kung saan puro couch ang upuan, nilagpasan ko lang 'yon. Gusto ko kasi 'yong high stool sa dulo.

Oo, mapili ako sa upuan. Mapili rin ako sa binoboto ko. Ang hindi ko matanggap ay 'yong pagpili ko kay Tres. Ang tanga lang, Yumi!

Nasa bandang gitna na ko ng food court nang mapahinto ako. Nakita ko kasing nakapila si Ashley sa bilihan ng dim sum sa may kaliwa ko.

Estudyante ko siya sa isa sa mga section ko tuwing Wednesday. She's a full scholar of the university at galing siya sa mahirap na pamilya. Kaya ayan, panay pagtitipid ang ginagawa. Puro unhealthy food ang pumapasok sa katawan.

Napahinga ako nang malalim. I was contemplating whether to approach her or not when I found myself in front of her.

"Hello," nakangiting bati ko sa kaniya.

Mabilis siyang napalingon sa gawi ko kaya agad din siyang napangiti.

"Hi, miss! Bibili rin po kayo?" energetic niyang tanong bago tinuro ang stall sa harap.

Nahihiya akong napailing. Iniisip ko kung paano ko siya mapapaalis sa pila.

"Pwede mo ba kong samahan? Doon sa dulo," I shyly asked, silently hoping she'd say yes.

Nakita kong nag-aalangan ang mga mata niya nang mapatingin sa pila sa unahan. Kaunting kembot na lang kasi, siya na ang kasunod.

Pero nang lingunin niya ko ulit, she gave me a sweet smile as she agreed, "Tara po, miss!"

Pinilit niya pa kong tulungan sa bitbit ko pero hindi ko siya hinayaan.

Nang makarating sa dulo, pinatong ko muna sa mahabang mesa ang dalahin.

"Upo ka na," paanyaya ko sa kaniya.

Kahit nagtataka, nilapag niya na 'yong bag niya sa mesa. Sabay na rin kaming umupo sa kaniya-kaniyang high stool.

Medyo nanginginig pa nga ang mga kamay ko habang binubuksan ang supot.

Malay ko ba kasi kung anong klaseng pagkain ang binili ni Tres! Never niya kong pinadalhan noon kaya wala akong clue.

Sana naman huwag akong mapahiya sa kasama ko, 'no?

Mabilis na lumapad ang ngiti ko nang makitang Korean food set pala ang nasa loob!

Dali-dali kong nilabas lahat ng lalagyan.

May sweet and spicy pork bulgogi, beef bulgogi, japchae, lettuce, kimchi, gimbap, haemul pajeon, at iba't ibang sauce!

The smell and the sight of the mouthwatering food are already enough for me to forget about my irritation over Tres.

"Kain na," ngiting-ngiti kong aya kay Ashley.

Ginilid ko na rin 'yong supot nang makuha na ang utensils mula sa loob.

Nang mapansing hindi siya kumukuha, napatingin ulit ako sa kaniya.

"Kain na," pag-uulit ko. "Pili ka na kung anong gusto mo," nakangiti ko pa ring saad.

Hindi siya nakasagot. Napakagat-labi lang siya habang nakatitig sa pagkain. She is also fiddling with her fingers which I understood the meaning after a while.

Parang gusto kong sampalin ang sarili dahil 'di ko kaagad naisip na nahihiya siya!

"Treat ko 'to sa 'yo kasi naka-perfect ka sa last essay," pagsisinungaling ko na mukhang effective naman. Pero totoo namang naka-perfect siya, hindi lang ang naunang sinabi ko.

Mabilis niyang inangat ang tingin niya sa 'kin. Kita ko pa ang pagkinang ng mga mata niya kasabay ng paglapad ng ngiti sa mga labi. Parang hinaplos tuloy ang puso ko.

"Talaga, miss?" hindi niya makapaniwalang tanong. Saglit pa niyang sinilip ang mga pagkain sa harap. "Thank you po! Hindi na ko tatanggi ah," natatawa niyang saad na nagpangiti lalo sa 'kin.

"Hindi naman talaga dapat tinatanggihan ang biyaya," pagbibiro ko na bahagyang nagpatawa sa kaniya. "Lalo na't deserve mo naman 'yan!" pahabol ko pa.

Nakita ko 'yong pamumula ng mga pisngi niya bago kinuha ang beef bulgogi. "Okay lang po ba kung ito ang sa 'kin?" nahihiya niyang hiling.

"Oo naman!" mabilis kong sagot. Kinuha ko rin 'yong japchae at kimchi para ilagay sa harap niya. Favorite ko ang mga 'yon pero kaya ko namang bumili sa sariling pera. "Kainin mo rin 'tong mga 'to. Masarap 'yan at may gulay pa!"

Tahimik lang kami nang magsimula ng kumain. Napahinto lang ako sa pagsubo nang naisipan kong pasalamatan si Tres.

Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa at bumungad sa 'kin ang text niya.

Si Satanas 'to

Pakabusog.

Tignan mo 'to! Hindi ko alam kung nanghihinayang ba siya sa binili niya o normal lang talaga na ganito siya mag-text.

Napangiwi na lang ako.

Naki-connect muna ko sa Wi-Fi rito sa food court bago pumunta sa Messenger. Dito kasi ako magre-reply sa kaniya. May 10 pesos load pa naman ako pero kahit na! Hindi ko sasayangin 'yon sa pagre-reply kay Tres, 'no.

Buti na nga lang at may private account 'yon sa Facebook. Gan'on naman ata talaga ang karamihan sa mga artista.

Arevalo Tres

Ok, thanks. Pinamigay ko na. Baka may lason eh.

Napakagat ako sa ibaba kong labi habang binabasa ang na-send kong message. Pinipigilan ko 'yong tawang gustong kumawala mula sa bibig ko.

Feeling ko, lumalakas ako tuwing naaasar ko siya. Makaganti man lang ako, 'no!

Papatayin ko na sana 'yong phone ko nang biglang lumabas sa notification ko 'yong pangalan ni Veroxx.

Biglang kumalabog 'yong puso ko. Nanginginig pa ang mga daliri ko nang silipin kung ano 'yon.

I saw that he sent me a message on Instagram.

Mabilis akong napangiti at saka tinignan 'yon.

thekjford

Just finished filming

Will eat in a few

Kumain ka na ba?

I unknowingly frowned at what I read.

Kakatapos niya lang mag-film?

Siguradong nagsimula 'yon ng gabi o madaling-araw. Kawawa naman siya. Masyado talagang overworked ang mga artista rito sa bansa!

Kahit nakaramdam ng inis, ilang sandali rin, para akong gaga na napangiti na lang ulit nang mag-send siya ng GIF ng pusang kumakain.

Mabilis akong nag-reply sa kaniya.

thekjford

Kumakain na rin!💜💜💜

I quickly took a photo of what I'm eating to send it to Veroxx. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako nakangiti habang kinukuhanan ng litrato ang pagkain. 'Di naman ako kita.

Parang gaga ka talaga, Yumi! Kanina ka pa.

Napailing na lang ako habang nakangisi.

Ilang segundo na kong nakatitig sa chat box namin ni Veroxx pero wala siyang reply. Namatay na nga lang nang kusa 'yong phone ko dahil 'di ko 'to ginagalaw.

Nang may lumabas sa notification ko, dali-dali kong tinignan 'yon.

Napasimangot ako nang makitang si Trisha lang pala. Pinatay ko na 'yong Wi-Fi ko at kumain na ulit.

It was already 1:15 in the afternoon when I left the university. Maaga kasi akong natapos magpa-exam sa last handled section ko ngayon.

Nang nasa tapat na ko ng gate 2 sa may west side ng university, patingin-tingin pa ko sa paligid bago tuluyang lumabas. Baka kasi nandoon pala ang kotse ni Tres. Mahirap na!

"Pero ba't naman kasi sumagi sa isip mong susunduin ka niya, Yumi?" natatawa kong tanong sa sarili. "Once is enough, twice is too much. Imposibleng mag-effort ulit 'yon," naiiling kong bulong.

Hindi ako disappointed ah! Natutuwa nga ko eh. Ayaw ko ng makita pa 'yong pagmumukha niya, 'no! Nakakaasiwa kaya.

Nang masiguradong wala talaga si Satanas sa paligid, naglakad na ko papuntang Recto Station sa may LRT 2.

Medyo nagda-dalawang-isip pa nga ako kung tutuloy ba ko o hindi. Natatakot kasi akong pumunta-punta sa mga mall simula n'ong nag-trend ako.

Ang kaso, paubos na 'yong tinta ng last stock kong ballpen. 'Yong favorite brand ko pa naman, hindi nabibili sa labas.

Kung online, natatakot naman akong mag-risk, baka kasi mga walang tinta pagdating sa 'kin! Hassle naman kung ibabalik.

Pagdating sa SM City Sta. Mesa, dumiretso na ko sa National Book Store. The store is bigger compared to its other branches I've been to.

Walang patumpik-tumpik kong in-aproach ang salesman pagpunta ko sa area ng mga ballpen. Nagpakuha ako ng isang box ng black ballpen sa favorite brand ko. Babayaran ko na sana sa counter kaso naisip kong bumili na rin ng art materials.

I grabbed a few pastel highlighters, a violet notepad, and a set of colored pens.

Naglalakad na ko papuntang counter nang mapahinto ako sa gilid ng bookshelves.

Bibili o hindi?

Ilang beses akong nag-isip pero inunahan na ko ng mga paa ko. Nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng mababangong libro.

I scanned through the romance novels, searching for the newly released book of my favorite author, MoshieBabes07.

Nang makita ang pakay, mabilis akong napangiti. Nakakatuwa kasing may stock pa rito! Sa ibang branches kasi, nagkakaubusan na. Gan'on 'to kabili!

Who wouldn't get a copy of this book anyway? By simply holding it already gives me a different kind of fulfillment.

Imbes na umuwi na talaga pagkatapos mahanap ang gustong libro, nakuha ko pang mag-ikot-ikot muna sa ibang shelves.

Napadpad ako sa historical section nang may nakitang lalaking nakaupo sa sahig sa may dulo. He's reading a book while sitting crossed-legged.

He is wearing an all black outfit from cap, V-neck shirt, pants, to sneakers. At kahit nakaupo siya, sigurado akong matangkad siya. May kalakihan din ang katawan niya.

Hindi ko na napansing napahinto na pala ko sa paglalakad habang nakatitig sa kaniya.

I don't know why I acted like that, especially when I suddenly feel excited over something that is unknown to me.

Napansin niya ata ang presensya ko dahil inangat niya ang tingin niya sa 'kin. And instead of looking away, matapang kong sinalubong ang mga titig niya.

Those almond-shaped eyes and thick eyebrows are too familiar to me. It was quick for my heart to react out of the blue— it started beating so fast.

Is it him?

"Mayumi," magiliw niyang tawag sa 'kin sa tonong medyo nabigla pa. His eyes sparkled as though he saw a long time friend.

Mabilis siyang tumayo bago ibinalik sa shelf ang hawak na libro.

Nang makalapit siya, kinailangan ko pang tumingala para tignan ang mga mata niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang itim na face mask. Bumungad sa 'kin ang matamis niyang ngiti at malalim na dimple sa kanang pisngi. Binalik niya rin naman ang pagkakasuot n'on. Takot sigurong makilala at dumugin ng mga tao.

Napangiti agad ako nang makumpirmang siya nga. Lalo pang lumala 'yong kakaibang excitement ko. "Mahilig pala magbasa ng libro ang isang Veroxx Ford?" mahinang pagbibiro ko, baka may fans siya rito eh!

Bahagya siyang natawa. "Not totally."

Tumingin siya sandali sa likod kung saan ibinalik ang libro. Pagkabalik niya ng tingin sa 'kin, I can see through his eyes that he is interested on something.

"I only got curious about a certain part in the Philippine history," aniya.

"Kaya ka nandito?" pagka-klaro ko na tinanguan niya. Napangiti na lang ako. "Pero interesado ka sa history?" tanong kong muli.

Bahagyang nagsalubong 'yong mga kilay niya nang mag-isip. Parang ang tali-talino niya tuloy kung tignan.

Saglit lang din, natatawa niya kong sinagot, "In between."

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong, gustong-gustong malaman ang isasagot niya sa hindi malamang dahilan.

"The way humans communicate and pass messages is untrustworthy," he opened up in a little hesitant tone. Gumilid din muna siya, halos mapasandal na sa shelf. "It is inevitable for us to add or remove a certain detail, depending on personal biases and preferences."

He raised his index finger as though preventing me to comment. "But..." mariin niyang sambit. "Learning is an essential part of growing. Hence, I keep on reading different information. I also try analyzing the gaps in between."

Napatango-tango ako habang nakikinig sa kaniya. Hindi ko mapigilang ma-amaze kung paano niya nakikita ang mga bagay-bagay.

"That's my opinion," natatawa niyang sambit bago humakbang ulit papalapit.

I can already smell his pleasing fragrance— not too strong but not a lightweight either. It will surely leave a trace wherever he has gone by but it's pleasing to the nose.

"Let me help you," alok niya pero hindi na hinintay ang sagot ko. Mabilis niyang kinuha ang mga bitbit ko.

Hindi na ko nakapag-protesta pa. His friendly aura tells me to trust him on this one.

"Uuwi ka na ba o—" I quickly cut him off.

"Uuwi na," natataranta kong sagot na hindi ko rin alam kung bakit.

Tinanguan niya lang ako bago nagsimulang maglakad. Akala ko nga mauuna na siya pero hinintay niya muna ko. Sinabayan niya rin 'yong lakad ko hanggang makapila kami.

Although he is covered with his cap and mask, women couldn't help but stare at him for a couple of seconds.

Iba kasi 'yong dating niya eh. Kahit hindi makita 'yong buo niyang mukha, alam mong gwapo siya. Pero kahit tignan mo lang siya habang nakatalikod, makakaramdam ka ng comfortability.

Habang pina-punch na ng cashier ang items ko, may bigla akong naalala. Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya na nasa gilid ko.

"'Yong panyo mo pala, hindi ko pa nababalik," I shyly reminded him.

Bigla siyang natawa kaya napakagat ako sa ilalim kong labi.

"That's now yours," saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. "But if you're uncomfortable, you can give it back to me."

Natameme na lang ako dahil sa narinig.

Busy pa kong mag-isip ng sasabihin ko nang may iabot siyang paper bills sa cashier.

Kaya tumango-tango na lang ako as a response.

Nang mag-sink in sa 'kin kung para saan 'yon, agad na nanlaki ang mga mata ko. Napatitig ako sa kamay ng cashier nang wala sa oras.

Parang gusto kong hablutin mula sa babae ang pera para ibalik kay Veroxx! Pero para naman akong gaga kung gagawin ko 'yon.

"Uy, ano ka ba, ako na," natataranta kong saad pero huli na ang lahat. Naipasok na ng kahera sa money drawer niya ang pera ni Veroxx.

Nahihiya kong ibinalik ang tingin sa katabi. "Babayaran na lang kita. May dala naman akong pera," tuloy-tuloy kong saad. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Inangat niya lang ang kamay niya para bahagyang guluhin ang buhok ko. Kuminang pa 'yong mga mata niya hudyat na nakangiti siya.

"It's my treat," he mumbled before putting down his hand and turning his gaze to the woman in front.

Kinuha niya 'yong paper bag bago inilagay sa wallet ang sukli. Hahablutin ko pa lang sana 'yong bitbit niya nang maglakad na siya paalis sa pila.

Dali-dali ko naman siyang sinundan. Pero hindi ko naman siya kailangang habulin dahil kusa siyang huminto sa gilid para hintayin ako.

"Bakit mo naman ako iti-treat?" nag-aalangan kong tanong.

It made him tilt his head to the right. "Para makabawi," diretso niyang sagot.

Naintindihan ko naman agad 'yong gusto niyang sabihin pero hindi pa rin ako mapakali.

"Hindi mo naman 'yon kailangang gawin," I countered as a matter of fact. "Wala ka namang maling ginawa. Kung may mali rito... ako 'yon." Humina ang boses ko pagkasabi sa huli.

Ramdam kong nag-iinit ang mga pisngi ko. Hiyang-hiya kasi akong aminin 'yon sa harap niya pero dapat lang naman na malaman niya ang totoo. Na wala siyang ginawang masama sa 'kin.

Dapat nga magpasalamat pa ko sa kaniya eh! Sa ilang encounters namin, palaging siya ang may ginagawang mabuti.

"Let's say that this is an eraser," sambit niya. "Buburahin nito 'yong masamang alaala natin sa mall."

Matik na natawa ako dahil sa sinabi niya. Napahawak pa ko sa tiyan dahil hindi ko magawang huminto sa pagtawa.

Nang kumalma na, sinalubong kong muli ang titig niya. Pinapaypayan ko ang sarili gamit ang mga kamay nang magdesisyong sumuko na, "Okidoks. Isipin na lang nating eraser 'to."

He looks satisfied upon hearing that. Napailing na lang ako.

Sasabihin ko pa lang sana na kukunin ko na ang gamit ko nang magsalita siya ulit.

"Kumain ka na ng tanghalian, 'di ba? Gusto mo bang mag-meryenda?" pag-aaya niya.

Kusa akong napangiti dahil sa narinig. Sobrang lapad pa nga at halos mapunit na ang mga labi ko.

"Part two ng treat ko," aniya sa tonong nag-aalangan. "This is rare to happen. If I were you, I'll grab the chance," pangungumbinsi niya pa na nagpailing sa 'kin habang nakangisi.

Sa huli, hinayaan ko na lang siya. Ito ang trip niya eh. Sayang naman ang blessings, 'no!

Naglakad din kami agad papunta sa kung saan. Akala ko nga magiging awkward ang moment na 'yon pero panay ang kwento niya— mahilig daw siya sa Italian food, sa mga gamit na itim pero yellow ang favorite color niya (parang si mama), at kung ano-ano pa.

Tinatanong niya rin naman ako, tulad ng paborito kong ulam, kulay, pagkain, at sports. Siyempre na-kwento ko kung g'ano ko kagusto ang burger, fries, at palabok.

Kaya nang mapadpad kami sa isa lang namang kilalang burger restaurant, pumasok siya agad d'on. Nagulat nga ko kasi ang attentive niya sa kinu-kwento ko. Hindi ko maiwasan ang malapad na pag-ngiti.

Siya na ang nag-order pero nilagay niya muna sa mesa sa tapat ko ang mga binili kanina. Pagkaupo, tamang masid lang ako sa mga tao sa paligid.

Hilig ko 'tong gawin— kinikilala sila by observing their gestures and facial reactions.

"Hatid na kita?" Mabilis akong napalingon sa lalaki sa gilid.

Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Hindi ko rin napansin na ilang minuto na pala ang lumipas.

Mabilis kong tinanggihan 'yong alok niya. "Huwag na! You've done more than enough, Veroxx. Sapat na nga 'yong pag-aayos mo ng problema ko."

Matapos ang ilang kumbinsihan moments, hinayaan niya na ko sa gusto ko.

Pero ayon, hindi talaga nagpatinag! Sinamahan niya pa talaga muna ko hanggang labas. Para daw mapanatag siya na makakauwi ako nang matiwasay.

"Huwag kang mag-alala! Batang Maynila ako, hindi ako mawawala o maki-kidnap dito," I assured him that makes him laugh.

Nang iabot niya sa 'kin ang dalawang supot, tatalikuran ko na sana siya pero napatigil ako nang kawayan niya ko. Matik akong napangiti dahil sa inakto niya. Nakaka-hipnotismo naman ang isang 'to!

Bigla siyang napatigil nang tila may naalala siya. Inabutan niya ko ng paper bill sa kamay bago kumaway ulit.

He is... too precious to be true.

Kahit gusto ko siyang kawayan pabalik, may bitbit na ang pareho kong kamay.

Tumalikod na ko at dumiretso sa sakayan.

Hirap na hirap akong i-contain 'yong saya ko sa hindi malamang dahilan. Kagat-labi tuloy ako habang nakatungo para hindi mahuli ng ibang pasahero na nakangiti.

Malapit lang naman 'yong bahay namin sa SM City Sta. Mesa kaya hindi rin nagtagal, nakauwi na ako sa 'min.

Pero saktong nasa tapat ako ng gate nang may mapansin. Napahinto ako bigla sa paglalakad.

"Inabutan ako ni Veroxx ng pera?" nag-iisip kong tanong sa sarili. "At tinanggap ko naman?!" hindi ko makapaniwalang tanong muli.

Napatawa na lang ako sa kagagahan ko.

Bakit ba ngayon mo lang napansin 'yon, Yumi? Hindi ka rin tuloy nakapagpasalamat nang maayos!

Pagpasok ko sa loob, ngiting-ngiti kong hinanap sina mama at Jiro.

"Saya mo atang bata ka? Nanalo ka ba ng isang milyon?" bungad ni mama pagkalabas niya ng kwarto.

Napatawa na lang tuloy ako.

Nakakapanibago ba na ganito ako kasaya? Baka naman OA lang talaga si mama!

Nilapag ko na 'yong supot ng art materials at bag ko sa sala bago dumiretso sa kusina.

Pagkalapag ko pa lang sa mesa ng supot ng pagkain, binuksan agad 'yon ni mama.

"Nanalo ka nga ata ng isang milyon," nangingiti niyang kumento habang nilalabas na ang mga pagkain. "Kakain pala muna ko bago pumasok."

"Baka ma-late ka, ma," pagbibiro ko na ikinairap niya.

"A las tres pa ang pasok ko! May isang oras pa, aber," singhal niya na nagpatawa sa 'kin.

Nang malabas na niya lahat ng pagkain, napatigil ako bigla. Nanlalaki rin 'yong mga mata ko habang tinititigan ang sobrang daming pagkaing binili ni Veroxx.

Kaya pala ang bigat n'on habang bitbit ko!

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Hindi lang swerte... supper blessed talaga ng mapapangasawa niya. He's a rare kind of a man.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top