Chapter 5: Captions

Chapter 5: Captions

Kung may magtatanong lang kung anong nakaka-stress sa buhay ko... napakadali lang ng sagot.

Lahat.

Napatitig na lang ako sa kisame habang yakap ang unan ko.

Hindi ko na alam kung ilang beses ako bumuntong-hininga simula nang magising ako kanina.

Ang original plan kasi, sulitin ang Sabado dahil magiging busy na ko today. Pero ang nangyari? Na-drain lang ako kahapon at tamad na tamad akong kumilos ngayon.

Itutulog ko na lang sana ulit lahat ng stress ko nang biglang tumunog 'yong phone ko. Matik akong nagpasimangot dahil sa inis.

Panira kasi ng moment! Ayon na eh... ipipikit ko na 'yong mga mata ko. Tapos biglang may eepal?

Naiinis akong bumangon at saka hinanap ang phone ko. Nang makita rin, agad kong tinignan ang screen nito.

The girl with megaphone

Mabilis na kumunot ang noo ko.

Ano naman kayang kailangan niya sa ganito kaagang oras?

Hinanda ko muna ang sarili ko sa ingay at init ng ulo na kakaharapin. Nakailang hinga ako nang malalim bago sinagot ang tawag. Pero sinigurado ko munang hindi malapit ang phone sa tainga ko. Mahirap na...

"Ate!" mahabang tili ni Trisha mula sa kabilang linya.

Mabilis akong napangiwi dahil sa ingay na ginawa niya.

Oh, 'di ba. Buti na lang at prepared ako!

"Ang aga-aga, ang taas-taas ng energy mo," natatawa kong kumento.

Kahit masakit sa tainga ang boses niya, she has the capability to make me feel better. Always.

"Kilig na kilig kasi si bakla, 'te!" humahagikhik niyang kwento. "Na-sight mo na ba ang bagong trending?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ng huli niyang sinabi. Matik din na bumilis ang kabog ng puso ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko.

"Ano na namang nangyari?" halos mautal-utal kong tanong dahil sa kaba.

"No need ma-orkot, 'te!" aniya habang natatawa. Pero mas tumaas pa ang energy niya nang sunod-sunod na sabihing, "It's a soaprice! Si papa mo Veroxx, pinagtanggol ka. Sight mo na dali! Kapag hindi ka kinilig, iuuntog kita sa pader."

Napaawang ang mga labi ko dahil sa ibinalita ni Trisha. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat.

So he was telling the truth when he mentioned to me yesterday that he's fixing things?

Hindi ko tuloy alam kung anong una kong mararamdaman. Basta... halo-halo ang emosyon ko.

"Where na you? Nagpunta ka na ba sa Instagram?" naiinip na tanong ni Trisha na nagpabalik sa 'kin sa wisyo.

"Ano bang username niya?" kinakabahan ngunit mahina kong tanong sa kaniya.

"Search mo, 'thekjford'. Tapos sight mo rin ang DM ko sa 'yo ah! Kagabi pa 'yon," nagtatampo niyang bilin na tinanguan ko na lang kahit 'di niya nakikita.

"Okidoks. Salamat," nagmamadali kong sambit bago pinatay ang tawag.

Nanginginig ang mga daliri ko habang kini-click ang Instagram app ko. Dali-dali kong tinipa ang sinabing username ni Trisha.

Pagkapunta na pagkapunta ko sa profile ni Veroxx, mas bumilis pa ang kabog ng puso ko.

Una kong nakita ay 'yong latest post niyang plain violet na photo. Hindi ko alam kung ilang segundo lang akong nakatitig d'on bago nagpasyang pindutin na 'yon.

The caption of the post is a little lengthy.

Hindi ko pa nababasa pero agad nanlamig ang mga kamay ko. Napahigpit na nga rin ang hawak ko sa cellphone ko.

Kaya mo 'to, Yumi. Good news naman siguro 'to? Hindi naman kikiligin si Trisha kung bad news 'to, 'no.

I closed my eyes for a minute.

Nang dumilat, agad kong binasa ang caption.

thekjford Hello. How are you doing? To everyone who has been worried about me since the incident in the mall, I'm sorry. But I'm beyond sorry to the woman who gets dragged into this stressful situation. You don't deserve the hurtful comments you've been receiving. You don't deserve this.

There's nothing to worry about because I know her, not just her name. The incident that you keep seeing online is a result of a misunderstanding. But you took it the wrong way. She's not at fault. I was the one to blame for why she acted like that. As much as I want to assure you that I'm okay, my beloved fans, I would only like to ask for a favor. Let the two of us resolve our problem.

I'm pleading with everyone to avoid hurting her further. If there is no good thing to say, if you wouldn't mind, keep your words with you.

27 minutes ago

Mas nanginig pa ang mga nanlalamig kong kamay pagkatapos basahin ang caption niya. Hindi ko na naiwasang mapaiyak dahil sa overwhelming na saya.

So this is the tears of joy that people talk about?

Para akong gaga na natawa na lang nang ibaba ko na ang phone sa kama.

Pinadausdos ko ang likod ko sa headboard hanggang sa makabalik sa pagkakahiga.

Panay punas lang ako sa magkabila kong pisngi habang nakangiti't nakatitig sa kisame.

He has gone so far as to clear my name although nameless naman ako? It feels as though he is protecting me from all his fans.

Nakakagulat at sobrang nakakataba ng puso. Hindi naman kasi siya obligado na gawin 'to eh, lalo na't hindi naman siya dehado sa issue. Pero ginawa niya pa rin.

To think, nakailang sorry na rin siya although he doesn't need to say that word. I was the one at fault. Pero sinabi niya pa rin.

Sa dinami-dami ng mga hulog ng langit sa paligid ko, bakit ba isang sugo ng impyerno ang minahal ko?

With my realizations, hindi ko tuloy naiwasang masaktan. Promptly, naglaho ang ngiti sa mga labi ko.

Sobrang buti ni Veroxx sa 'kin. Pero ako? Ano bang ginawa kong mabuti sa kaniya?

Ang dami ko pa namang accusations sa kaniya. Tapos sa dalawang beses na nagkita kami, pisikal ko pa siyang nasaktan!

Nakakainis ka, Yumi, alam mo 'yon? Masyado ka kasing nauunahan ng emosyon mo minsan. Bakit ba hindi gumagana nang maayos ang utak mo kapag kailangan?

Napahinga na lang ako nang malalim bago tumagilid ng higa. Niyakap ko rin ang unan ko bago napabuntong-hininga.

I couldn't help but bite my lower lip while staring into space.

When an idea crossed my mind, I quickly took a sit as I searched for my phone.

Pagkahanap at pagkabukas nito, mabilis kong pinindot ang message button sa profile ni Veroxx.

I found myself getting too nervous while thinking of the right words to type. I want it to be true, sincere, and kind as much as possible.

thekjford

Thank you for being true to your words. Thanks to your manager and your conscience for being a big help. You do not need to do that but you still did it anyway. But I hope to not meet you again to avoid issues hahaha.

Bahagya akong napangiti nang makita ang message ko. Kusa na nga lang namatay ang phone ko dahil sa tagal ng titig ko rito.

Sa wakas, I feel at ease.

At ayan ah! Hindi na ko makokonsensya sa mga nagawa ko. Pero dapat din ba kong mag-sorry? Kaso baka maging OA naman!

Baka sabihin niya na porket nag-sorry siya, magso-sorry din ako. Ano 'to, Sorry Party? Tamang exchange sorrys?

Mabilis na naagaw 'yong atensyon ko nang umilaw 'yong phone ko.

Pagkakita na nag-reply si Veroxx, matik na bumilis muli ang kabog ng puso ko.

Sa dinami-dami ng fans niya, napansin niya pa 'yong DM ko?

Dali-dali kong binuksan ang message niya at kusa na lang akong napatawa dahil sa nabasa.

thekjford

How about my handkerchief?

He also sent me a GIF of a cat whose paw is placed under the chin, looking so serious while thinking.

Naaliw ako sa nakita kaya napailing na lang ako habang nakangiti pa rin.

thekjford

Ay! Akala ko akin na 'to? May pagbawi na nagaganap?

Papatayin ko na sana ang phone ko dahil sa isiping hindi na siguro 'yon magcha-chat. But different to what I expected, he replied.

thekjford

JK!

Keep it

Take care, Mayumi

He sent another GIF and now, it's a smiling cat who is waving.

Lalo tuloy lumapad ang ngiti ko dahil d'on. And out of nowhere, my heart beats faster than it was already.

I was enjoying a sweet smile when I double tap on the GIF.

After reacting heart on his last message, naagaw ng message ni Trisha ang atensyon ko.

Mabilis na bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Pero ngiting-ngiti pa rin ako nang tignan na ang chat ni Trisha.

trishaganda00

ANUENA, BAKLAAAA?

Natawa agad ako dahil rinig na rinig ko ang boses niya through screen! Siguradong inip na inip na 'yon kakahintay sa sagot ko.

Nag-scroll up muna ko bago pinindot ang nabanggit niyang nai-send niyang screenshot kagabi. It shows her comment in a posted article on Facebook yesterday.

Trisha Ganda There are already various problems in this world, so why keep yourselves stuck on issues like this, that in the first place should have NOT been regarded as an ISSUE? STOP BASHING someone you do not know! STOP putting NEGATIVE ENERGY on other people because you do not know how it can affect their mental health. What you see online is just a shred of information that you have no idea whether true or false! AND whether she did it on purpose or not, it is not your business to meddle.

Tawang-tawa ako pagkatapos kong basahin 'yong comment niya. Nakita kong umani 'yon ng higit 100 reacts.

Hindi naman halatang gigil siya sa comment niya ah? Ang dami ba namang naka-caps lock na words!

Ngiting-ngiti ako nang mag-back button mula sa picture. Sunod kong ginawa ay ang magtipa na ng reply ko sa kaniya.

trishaganda00

Bongga! Hahaha. Salamat.

Napailing na lang ako habang tinitignan 'yong naunang salita sa reply ko. Nahahawa na talaga ko minsan sa vocabulary ni Trisha!

Mabilis na dumako 'yong paningin ko sa baba nang mag-reply na siya. Napataas pa ang mga kilay ko nang makitang nagtampo siya sa chat ko!

trishaganda00

AYAN LANG ITE-TELL MO?

WALA KA BANG SAY SA BRAIN KO?

WALA KA RING SAY SA POST NI PAPA MO VEROXX?

Salamat, Trisha ganda.💜💜💜 At huwag kang mag-alala, nagpasalamat na rin ako kay Veroxx.

VERY GOOD KA RIYAN, 'TE!

SUPER GOOD BOY NIYA, TAMA VINE?!

Tamaaaaah!

Sinigurado kong hindi na siya magtatampo sa last reply ko. Ginawa ko ng lively 'yon katulad ng isa sa mga favorite line niya ah!

I clicked the back button of my phone again to see my inbox. Wala sa sarili kong pinindot 'yong display profile ni Veroxx para ma-direct sa profile niya.

Bigla na naman akong nakaisip ng ideya.

Ngiting-ngiti kong pinagla-like ang posts niya. I was smiling while doing that... kahit sobrang dami niyang post!

Nang matapos, binitawan ko na rin 'yong phone ko.

Humiga ako nang maayos bago kinuha ang unan ko. Napangiti na lang ako na parang gaga habang nakatingin sa kawalan. Halos mapunit na nga ang mga labi ko sa sobrang lapad ng ngiti na 'yon.

Sobrang saya ko, ayon ang sigurado ako.

Imbes nga na magmukmok sa kwarto ko dahil sa naubos na energy kahapon, 'di ko na napansin na dinapuan na pala ko ng inspiration para kumilos ngayon.

Nakangiting lumabas ako ng kwarto para dumiretso sa kusina. Pero pagpasok ko r'on, ang naabutan ko lang ay si Jiro. Wala si mama.

"Wala naman siyang trabaho ngayon, nas'an kaya siya?" nagtatakang bulong ko sa sarili.

Umupo ako sa gilid ng mesa para mapantayan si Jiro.

I smilingly asked him, "Nasaan si mama, Jiro?"

At ang mabait na pusa? Nag-'meow' naman sa 'kin! Hindi ko tuloy naiwasang matawa dahil sa cuteness niya.

Hinimas-himas ko siya sa tiyan pati sa baba niya na sobrang nagustuhan niya. Napahiga pa nga siya sa sahig eh!

"I love you, Jiro," malambing kong bigkas na nagpapikit sandali sa mga mata niya.

Tumayo na ko at napagdesisyunan ko ng kumain ng tinapay. Pero siyempre, inuna ko munang tignan kung nakapaglaga na ba ng chicken si mama para kay Jiro.

Nang masilip ang maliit na kaserola na nasa stove, nakumpirma kong may lutong chicken na.

Inisip ko na lang na baka may importanteng ginagawa si mama kaya wala siya ngayon dito. She's a sales associate in a cosmetics and skincare company. Baka nagre-research siya ngayon about sa new products nila.

Nang matapos kumain at magligpit, nakangiting bumalik ako sa kwarto kasama si Jiro.

Pinaupo ko siya sa kama sa tabi ko.

"Behave lang muna ang Jiro ko ah," malambing kong pakiusap sa kaniya na kaagad niyang sinunod. Lalo tuloy lumapad ang ngiti ko dahil sa pagiging masunurin niya.

Inspired na inspired ako nang magsimula na ko sa trabaho.

Nakapatong ang laptop ko sa mga binti ko habang naka-Indian sit ako.

Dumiretso na ko sa Canvas para mag-check ng outputs. Napatigil lang ako nang may mapansin.

Kanina pa ko nakangiti na parang gaga ah?

Hindi ko alam kung may nakakatuwa ba o sadyang ang tagal lang ma-expire ng happiness ko.

Napailing na lang ako dahil sa weird na inaakto ko.

It was already one in the afternoon when Jiro stood in front of me. Pagtingin ko sa mukha niya, parang hinaplos ang puso ko.

Mukha na kasi siyang gutom.

"Sandali na lang, Jiro, ah?" nanlalambing na hiling ko sa kaniya para maghintay pa.

Dali-dali siyang dumapa ulit kaya minadali ko nang basahin ang output ng estudyante ko. Sinigurado ko pa rin namang wala akong nami-miss na detail.

After checking, I gave a grade of 95 to my student's argumentative essay, equivalent to an A. I also left feedback in the comment section.

Wala eh, bukod sa ginalingan niya, masaya ako today! Kaya ayon, mas generous ako mamigay ng grades.

Pagkapatay ng laptop, nag-inat muna ko bago tumayo at lumabas ng kwarto. Nakasunod naman si Jiro sa 'kin kaya hindi ko na siya kinarga.

Didiretso na sana ko sa kusina pero naisipan kong i-check muna si mama sa kwarto niya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago pumasok sa loob.

"Ma—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mapansing wala siya sa loob.

Isasara ko na sana ulit ang pinto nang tumunog ang cellphone niya. Nanggagaling 'yong tunog at ilaw n'on mula sa kama.

Napakunot ang noo ko habang nagda-dalawang-isip kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. But in the end, I found myself walking inside her room.

Baka importante kasi. Wala namang mawawala kung sasagutin ko.

Ang kaso, pagkahawak ko sa phone niya, namatay na rin ang tawag.

Sinilip ko kung sino pero unknown number. Unregistered.

Napangiwi tuloy ako. Importante ba talaga 'to? Baka wrong number nga lang eh.

Ibababa ko na sana ang cellphone pero biglang may dumating na text mula sa e-wallet app ni mama.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 5-digit number dito. May nag-send sa kaniya ng 20,000 pesos!

Hindi pa ko nakaka-recover sa pagkagulat nang may dumating na namang text. It was from the same unknown number a while ago.

From the preview, I was able to read, This is Lenard Eduardo Vizconde. My new number...

"Lenard Eduardo Vizconde?" nagtatakang tanong ko sa sarili.

Pilit kong hinahalukay ang memorya ko kung sino 'yon. Pero kahit anong gawin ko, wala akong maalala. Hindi siya pamilyar.

"Yumi?" Napalingon ako sa may pintuan kung saan nanggaling ang boses.

Mabilis na nawala ang pagkakakunot ng noo ko nang magtama ang mga mata namin ni mama. Nakabistidang pambahay siya tulad ng suot niya palagi.

"Sasagutin ko po sana 'yong tawag, kaso namatay na," pagbibigay impormasyon ko bago naglakad palapit sa kaniya.

Inabot ko kaagad 'yong phone niya na kinuha niya naman.

"Tapos may natanggap ka pong dalawang texts," I continued almost whispering. Bigla kasi akong kinabahan na hindi ko maintindihan.

Ano namang nakakakaba? Wala naman akong masamang ginawa!

"May natanggap kang 20,000 tapos message mula sa Lenard daw. Sino 'yon, ma?" pag-uusisa ko sa kaniya at saka napanguso.

Hindi nakalagpas sa paningin ko 'yong paglaki ng mga mata niya. She looked shocked with what I mentioned. Pero mabilis din 'yong naglaho nang mawalan ng ekspresyon ang mukha niya.

"Si Lenard? Aber, ayon 'yong nangutang sa 'kin n'ong nakaraan. Nanganak kasi 'yong asawa niya. Unang baby nila," kalmadong sagot ni mama sa tanong ko.

Pero ako, matik na nabura sa bokabularyo ko ang salitang kalmado. Parang nagpantig ang mga tainga ko dahil sa narinig. Mabilis ding kumunot ang noo ko kasabay ng pagkulo ng dugo ko.

Nanggagalaiti kong tanong, "Ibig sabihin, hindi sila handa?"

"Ewan ko, Yumi, ba't ako ang tinatanong mo?" taas-kilay niyang tanong pabalik sa 'kin na nagpasimangot sa 'kin

Lumabas na siya ng kwarto kaya sinundan ko siya.

"Magpapakasarap sila sa kama tapos wala naman palang family planning," sarkastiko kong sambit. "Kaya ang daming mga batang hindi nabibigay 'yong pangangailangan nila eh. Akala kasi ng iba, basta may kakayahan kang magpakain ng tatlong beses sa isang araw, okay na!" I suddenly snapped.

Napahinto si mama sa paglalakad at saka niya ko hinarap. Napahinto rin tuloy ako pero hindi pa rin nawawala ang inis ko.

"Ano bang gusto mong sabihin, aber?" kunot-noo niyang tanong at saka ipinagkrus ang mga braso.

"Nakakaasar kasi! Kung inutang niya ang pampaanak ng asawa niya, ibig sabihin, wala siyang ipon. Paano 'yong gamit ng baby?! Pampaaral? At siyempre marami pang pangangailangan 'yon!" Pataas nang pataas ang boses ko. Pati puso ko, ang bilis na rin ng tibok dahil sa galit.

I know that I am not involved in their lives and I have no right to comment but it really makes me so disappointed. Naaawa ako sa anak. It's hard to have parents who are not ready to be "parents" yet.

Akala ko may sasabihin pa si mama pero iniwasan niya lang ako ng tingin bago pumasok sa kusina.

The day passes by so fast.

Iniligo ko na lang ang init ng ulo ko dahil kay Lenard, kung sino man siya. Nagsuot na lang din ako ng spaghetti sando at shorts para presko.

So far, so good. I was able to check as many papers as I can. Natapos ko naman 'yong mga papel ng isang section kahit pap'ano.

It was already nine in the evening when I decided to turn off my laptop. Maaga pa ko bukas eh.

Nag-inat-inat muna ko bago ipinagpahinga sandali ang mga mata ko.

Out of nowhere, biglang sumagi sa isip ko na magbukas ng Instagram.

Kailan pa ba ko nahilig sa app na 'yon?

Ewan ko.

In the end, I looked for my phone beside me. Upon holding it, I quickly opened my Instagram app.

"Leche," nanggigigil na sambit ko pagkakita sa comments ng mga tao sa recent post ni Veroxx.

Nagtatangis ang bagang ko nang isandal ko ang likod sa headboard habang nagbabasa ng comments.

veronicachixx BAKA NAMAN EX NIYANG NABONTIS YAN TAS AYAW PANAGUTAN!!!

realjeremiah pahinging proof na she's not at fault????🙄🙄

aprilchloe12345 bka kamag anak n d pina utang

Ilang beses akong huminga nang malalim para lang kumalma pero hindi nagwo-work.

Umalis na lang ako sa profile ni Veroxx. Sobrang nakakaasar makakita ng gan'ong comments!

Unang-una, hindi nila alam ang totoo. Pangalawa, hindi nila buhay 'yon para mangialam. At pangatlo, wala ba silang ginagawa sa buhay nila? Daming time mang-hate comment ah? Perfect? Perfect?

Kung may pangit silang opinyon, kanila na lang. 'Di na need ipagsigawan sa mundo!

Ibinaba ko muna ang phone ko para hilutin ang magkabilang sentido sa noo.

Ilang sandali lang, naging okay na rin ako kahit papaano. Pero nakasimangot pa rin ako nang kunin kong muli ang phone ko.

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Veroxx. Hindi niya kasi deserve 'to. Kung hindi siya nag-post para ipagtanggol ako, hindi siya makakatanggap ng hate comments.

Napahinga ako nang malalim. I couldn't help but to feel hurt for him.

Lukot na lukot ang mukha ko nang pumunta ko sa inbox ko. I was thinking of sending him an encouraging message when I saw his message late morning.

Biglang naglaho ang galit sa mukha ko at halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa nakita.

Dali-dali kong pinindot 'yong message niya. Matik akong napangiti nang mabasa ito.

thekjford

Thanks for the flood likes : )

Thanks for noticing me idol!💜💜💜

Para akong gagang napahagikhik habang nakatitig sa screen ng phone ko. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mag-reply siya.

Grabe! Active talaga siya sa social media, 'no? I wonder, nabasa niya na kaya 'yong comments? If yes, nakaka-proud na hindi niya pinapatulan ang mga 'yon. Such an unbothered good boy!

thekjford

Idol mo pala ko ah

I'll expect a fan gift, then

Nag-send pa siya ng GIF ng animated cat na tawang-tawa. Nakangiting napailing na lang tuloy ako.

Mahilig ba siya sa pusa? Eh 'di... pareho pala kami?

Eh ano naman ngayon, Yumi?

Napailing na lang ako at saka napatingin sa chat box namin.

Bakit kaya ang pangit ng username niya? Kill joy ba siya sa totoong buhay? I mean... sa personal talaga?

Nagkibit-balikat na lang ako. Nakangiting nagtipa ako ng mensahe bago matulog.

thekjford

Sleep on it. Puyat lang 'yan! Hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top