Chapter 4: Red and green

Chapter 4: Red and green

My heart started beating abnormally when I reached the donut shop.

Pero sa dinami-dami ng nararamdaman kong emosyon, nangingibabaw ang sakit, takot, at pag-aalala.

Hindi naman sa marupok ako kaya ako nandito ngayon. Concern lang talaga ko sa kaniya, 'no! Pero in the first place, bakit nga ba ko concerned sa Satanas na 'yon?

Siguro kasi isa akong mabuting tao. Mamaya may nangyari pala sa kaniya. Tapos kapag hindi ako nakapunta, eh 'di kargo de konsensya ko pa siya?!

Napahinga na lang ako nang malalim nang napagdesisyunan kong buksan na ang glass door. Medyo nanginginig na nanghihina pa nga 'yong kamay ko pagpasok.

Parang gaga naman talaga oh!

Huminto muna ko sandali sa may gilid para magpalinga-linga. Imbes na mahanap ang pinunta ko rito, sumalubong sa 'kin 'yong mabangong aroma ng shop.

Humahalo 'yong nutty and smoky na amoy ng kape sa freshly-baked and sweet fragrance ng donuts. Ang sarap tuloy suminghot-singhot nang pasimple.

Napatigil lang ako sa ginagawa nang bigla kong narinig 'yong boses ni Trisha sa utak ko.

Graduate ka na sa pagiging tangangers kay Tres, 'di ba?

Bahagya akong napangiwi. Kahit wala si Trisha rito, sinusundan pa rin talaga ko ng mga pangaral niya na parang lait na rin.

But promptly, para akong kinonsensya n'on. As a response, I drastically shook my head to awaken myself. My loose long and wavy hair made waves because of my movement.

Ikaw, Yumi, gawin mo na 'yong pakay mo rito nang hindi ka na magtagal pa. Tapos umuwi ka na agad. 'Yon lang; nothing more, nothing less.

Matik na nawala 'yong takot at pag-aalala sa puso ko. Tanging natira na lang ay ang sakit na iniwan ni Tres sa 'kin.

Ayan, tama 'yan, Yumi.

Naglakad na ko papunta sa may dulo ng shop.

Hindi naman kalakihan ang lugar kaya mabilis akong nakarating sa dulo. Inokupa ko 'yong isa sa magkatapat na orange single couch sa gilid ng round windows.

I immediately grabbed my phone to dial the number of Tres.

At dahil 10 pesos lang ang regular load ko, pinatay ko rin agad 'yon. Baka masagot pa eh, hindi naman ako yayamanin sa load!

Alam naman na niya 'yong ibig sabihin ng missed call ko. Gawain ko na 'to noon pa... noong kami pa.

Ibabalik ko na sana sa pocket ko 'yong phone nang may maalala. Dali-dali ko 'tong binuksan ulit para gawin ang naisip.

Saktong pag-click ko ng done, tumawag na rin ang magaling na Tres.

Napangisi na lang ako nang makita ang caller's name.

Si Satanas 'to

Medyo pinatagal ko muna 'yong tawag bago ko sagutin. Para naman mainis-inis din siya, 'no! Hindi 'yong ako lang ang nanggagalaiti sa aming dalawa.

"Nasaan ka?" singhal ko sa kaniya pagkasagot.

I wanted to keep my mad and cold approach towards him but to my shock, I felt something different when he has spoken up.

Tamad niyang sagot, "Parking lot."

Napaka-walang kwenta ng sinabi niya pero sapat na 'yon para dumagundong ang puso ko. Kasabay n'on ang paglaho ng matapang na reaction ng mukha ko.

I attempted to say something but I ended up pressing my shaking lips together. Sinabayan pa 'yon ng luhang nagbabadyang pumatak.

Bakit gan'on? Bakit miss na miss ko 'yong boses niya? Na parang any minute, bibigay ako at sasabihing mahal ko pa siya?

Leche naman oh!

"Yumi? Sabi ko antayin kita rito. Bakit 'di ka sumasagot diyan?" inip na may halong angas niyang tanong mula sa kabilang linya na nagpabalik sa 'kin sa wisyo.

Huminga muna ko nang malalim para makabwelo. Ang kaso, sa dinami-dami ng sama ng loob at murang pwede kong ibato sa kaniya, ang nasabi ko lang?

"Okidoks," malumanay kong sagot bago niya pinatay ang tawag.

Dahan-dahan kong ibinaba 'yong phone sa binti ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Natulala na lang ako sa katapat na couch.

Memories came rushing back to my mind. The times we spent together in this donut shop. Those moments when we shared laughter over a movie.

Pero hindi nagtagal, bumalik din 'yong alaalang nagbigay tuldok sa relasyon namin.

Mapait akong napangiti kasabay ng marahas kong pagpunas sa magkabila kong pisngi.

You're done crying over what happened, Yumi. Ano na naman 'to? Tama na, please lang.

Huminga ako nang malalim at muling pinunasan ang mga pisngi gamit ang sariling kamay. Sinigurado kong walang bakas na maiiwan ang pag-iyak ko.

Maya-maya, binulsa ko na rin 'yong phone ko bago nagpasyang tumayo.

Pagpunta ko sa parking lot, mabilis ko namang nakita 'yong blue Toyota Vios Batman ni Tres. Dahan-dahan akong lumapit papunta r'on.

Nang nasa tapat na, dali-dali kong kinatok 'yong window sa may driver's seat. Bumaba naman agad 'yong salamin pero hanggang kalahati lang.

The moment I saw his face and his jaw-dropping top knot, I was able to confirm that I am not over him yet.

Kung mabilis na 'yong tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya kanina, dumoble pa 'yong bilis nito ngayong nasa harap ko na siya.

Although he's not looking in my direction, I can see clearly his arched eyebrows, deep eyes having the darkest shade of brown, button nose, and heart-shaped lips on his round face.

Kung may perfect man akong na-memorize, 'yon ang mukha ni Tres.

Kinuyom ko 'yong pareho kong kamay na nanlalamig. I need to compose myself. Kahit maliit lang ang storage ng utak ko, kailangan niya ngayon na mag-rule over sa puso ko.

"Pasok ka," authoritative niyang utos sa 'kin bago iminuwestra ang katabing upuan.

Bigla tuloy nagpantig 'yong mga tainga ko dahil sa narinig.

That's bullshit.

Pinapunta niya ba ko rito para utusan lang na pumasok sa kotse niya? Ni hindi man lang niya magawang tumingin sa 'kin?

Hindi ko naiwasang mapangisi. Mas dumiin din 'yong pagkakakuyom ko sa mga kamao ko.

What would I expect from Tres? He has always been like this towards me. Para siyang hiyang-hiya palagi tuwing kasama niya ko.

Ay... hindi lang pala "parang", hiyang-hiya talaga siya. Kaya nga sobrang dalang lang namin mag-date, 'di ba? Palagi pa siyang taklob na taklob na akala mo may virus na iniiwasan.

Bakit ba for a moment, nag-alala ako sa kaniya? Bakit ba iniyakan ko ulit 'tong lalaki na 'to?

"Ikaw 'yong may kailangan sa 'kin, Tres. Baka nakakalimutan mo lang naman," matapang kong pagpapaalala sa kaniya.

Promptly, nilingon niya ko habang kunot na kunot ang noo. Halos manlisik pa nga 'yong mga mata niya pero hindi ako nagpatalo.

Binigyan ko siya ng pilit at mapang-asar na ngiti. Madiin at seryoso ko pang sambit, "It's either we'll talk inside the shop or I'll go home."

He was about to say something when I quickly turned my back at him.

At mas mabilis pa sa a las cuatro nang bumalik ako sa loob ng shop. Sakto naman at wala pa ring nakaupo sa pwesto ko kanina kaya binalikan ko 'yon.

Dapat na ba kong mag-"sana all binabalikan"?

But knowing Tres? Mukhang hindi ko 'yon kailangang sabihin. Makukuntento na lang ako sa kung anong mayroon ako ngayon, 'no. Kaysa naman mabuhay ako kasama ang Satanas na 'yon.

Dapat sa kaniya, magsama sila ng tatay kong walang halang.

Padabog akong umupo. Damang-dama ko 'yong panginginig ng kalamnan ko dahil sa galit.

Sino ba namang hindi manggagalaiti dahil kay Tres?

Leche siya.

Ilang sandali rin, dumating na ang magaling na moreno at higanteng Satanas. Nangingibabaw siya sa light gray na shirt na pinatungan ng jacket. Tinernuhan niya 'yon ng chino shorts. Unlike kanina, naka-cap at shades na ang loko.

Nang makita niya ko, dumiretso siya agad sa pwesto ko para maupo sa harapan ko.

Napailing na lang ako dahil sa hitsura niya. Pero mabilis din akong nagulat nang padabog niyang ibinaba 'yong phone niya sa mesa.

Para kong nahigit 'yong hininga ko sa malakas na ingay na nagawa niya. Napaayos tuloy ako ng upo bago tinabunan ng tingin ang phone niya.

I saw a familiar article from the screen and promptly, my eyes started to widen and my heart beats faster than it was already... but that's because of nervousness. At kahit thumbnail palang ang nakikita ko, sigurado na ako kung ano 'yon.

Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize ko kung ano talaga ang pakay niya.

Dahan-dahan kong pinatong ang pareho kong mga kamay sa mga binti ko. Panay ang kuskos ko ng mga 'yon sa pantalon ko para pakalmahin ang sarili.

Napaangat lang ako ng tingin nang magsalita na si Tres.

Mahina ngunit mariin ang boses niya nang tuloy-tuloy na itinanong, "Ano 'to, Yumi? Threat? Ginagamit mo ba 'yong break-up natin para gumanti? O gusto mo lang na mapansin kita?"

Napatigil ako sa pagkuskos ng mga kamay ko sa pantalon. Bahagya pang napaawang 'yong mga labi ko kasabay nang sandaling paghinto ng puso ko.

Did I hear him correctly?

Kusang kumunot ang noo ko nang mabalik sa ulirat. Hindi makapaniwala kong sambit, "You're out of your mind."

Bahagya siyang sumandal sa mesa bago ipinatong ang mga braso rito. I saw how he intensely rubbed his tongue against his cheek in circles.

"Ako pa talaga, Yumi?" maangas niyang tanong sa mahina pa ring boses. "Aminin mo na lang— na ginagawa mo 'to para sirain ang career ko. Tama ba?" Tinaas-baba niya pa 'yong mga kilay niya pagkasabi n'on.

I clicked my tongue in annoyance and disbelief.

Kung kanina ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, ngayon ay dahil na sa galit.

Parang gusto ko na lang itaob 'tong mesa kasama 'tong tao sa harapan ko.

"Career mo lang talaga ang importante sa 'yo, 'no?" sarkastiko kong tanong pabalik sa kaniya.

Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang tiyan bago ibinalik ang atensyon sa mukha niya.

Mariin ang bawat bigkas ko sa mga kasunod na sinabi, "Sabagay, napapakain ka ng career mo eh. Ano pa nga bang hihilingin mo? Kaya nga hindi ka marunong magbigay ng importansya sa taong mahal ka."

Kahit gusto kong sampalin ang sariling bibig dahil sa huling sinabi, wala na eh. Nasabi ko na.

Pero ano naman ngayon? At least ako, totoo ko siyang minahal. He's my first love and my first boyfriend. Pero siya? Hindi marunong makuntento sa isa! Akala mo bulsa ni Doraemon ang puso niya sa sobrang daming taong napagkakasya sa loob.

Umurong siya ng upo para sumandal sa backrest ng couch. Unlike kanina, mas mahinahon na ang boses niya nang sabihing, "Importante ka rin sa 'kin, Yumi. Kahit hindi ka naniwalang walang namamagitan sa 'min ni Rizzi."

Marahas akong napailing.

Hindi pa rin talaga siya tapos sa mga kasinungalingan niya, 'no?

"Kahit na ginawa mo 'to," nagtatangis-bagang niyang sambit sabay turo sa cellphone na nasa mesa pa rin. "Alam mo ba kung anong reaksyon ko n'ong nakita ko 'to?" pabitin niyang tanong bago ibinagsak ang kuyom na kamay sa mesa. "Galit na galit ako, Yumi!"

Hindi ko naiwasang maibulalas ang tawang kanina ko pa pinipigilan. 'Yong tawang nanggagalaiti at pikon na pikon na.

Pero deep inside? 'Yong puso ko? Durog na durog na.

Nanlalabo na 'yong paningin ko dahil sa namumuong mga luha nang sarkastikong sabihin, "Hindi ako pinanganak kahapon, Tres. Pinanganak ako n'ong December 1, 1996."

Mabagal at mabigat ang paghinga ko nang tiim-bagang na idinugtong, "Kaya pwede ba, huwag mo ng bilugin ang ulo ko. Kung ayaw mong umamin sa panloloko mo sa 'kin, kahit huwag mo na lang sabihing minahal mo ko. Kasi alam ko naman... alam kong hindi!"

Mabilis na kumunot ulit ang noo niya nang sumandal siya pabalik sa mesa. Kahit hindi ko kita ang mga mata niya dahil sa shades niya, tinitigan ko pa rin siya nang matalim.

"Hindi ko alam kung s'an nanggagaling 'yang mga sinasabi mo," pagmamaang-maangan niya. "Mahal kita, Yumi, alam mo 'yan. Hindi kita niloko," masama ang loob na aniya sabay turo sa 'kin. "Baka nga ikaw pa ang nagloloko. Si Veroxx, anong koneksyon mo sa kaniya?"

Nagpantig na naman ang mga tainga ko dahil sa narinig. Parang tuluyan ng umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa sobrang galit.

Handa na kong sampalin siya nang tumigil sa ere ang kamay ko. Realization and fear stopped me.

Leche naman, Yumi. Baka ma-trending ka na naman ng wala sa oras niyan eh! Kahit naka-cap at shades 'yan, mahirap na.

Naikuyom ko na lang ang kamay sabay hampas nito sa mesa. At sa sobrang lakas, gusto ko na lang dumaing sa sakit.

Pero ang una niyang ginawa? Kinuha ang cellphone niyang muntik nang malaglag mula sa mesa.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Tres?" nanggigigil na tanong ko sa kaniya. Mababa ang boses ko n'ong una pero sa sunod na mga sinabi, hindi ko na napigilang mapasigaw. "Stop manipulating me, you piece of bullshit!"

Halo-halo na ang emosyon ko. Ilang beses kong kinailangan na huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili at pahintuin ang kanina pang nagbabadya na luha.

Not now, please. Not now.

Hindi ko napansin ang reaction niya pero alam kong nagulat siya sa sudden outburst ko. Mabilis siyang nagpalinga-linga sa paligid na mukhang takot na takot makakuha ng atensyon ng mga tao.

"Tapos na tayo, 'di ba? Ano pa bang kailangan mo? Tantanan mo na ko, Tres, please naman. Lalo na kung wala namang magandang lalabas diyan sa bibig mo!" tuloy-tuloy kong litanya na halos hindi na humihinga.

Tumingin siya ulit sa direksyon ko kasabay ng pag-igting pa lalo ng panga niya.

"Kung ayaw mong maniwala... huwag," mariin na aniya. "Pero siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay sa issue na 'to, Yumi," seryosong pagbabanta niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

"Leche na issue 'yan, Tres!" galit na galit kong sigaw.

He attempted to reach for my mouth pero mabilis kong iwinasiwas ang kamay niya.

Aniya sa tonong nananakot, "Kumalma ka—" But I immediately cut him off.

My teeth are grinding when I continuously asked him, "Akala mo ba ginusto ko 'yan? Bakit kung pagsalitaan mo ko, parang sinadya kong mangyari ang lahat?! Hindi mo ba muna ko kukumustahin? Hindi mo ba itatanong kung kinakaya ko pa bawat masasakit na salita ng mga tao?!"

Padabog akong tumayo at saka tumakbo paalis. Hindi ko na hinintay 'yong sasabihin niya dahil ayaw ko ng masaktan pa. Ni hindi ko na siya nilingon pa dahil tama na... sapat na 'yong inakto at mga sinabi niya.

Sobrang gaga ko naman kung pagkatapos nito, mahal ko pa rin siya.

Such inconsiderate bullshit.

The moment I stepped my feet outside the donut shop, my tears started to roll through my cheeks.

Panay lang ang punas ko sa magkabila kong pisngi habang tumatakbo. Hindi ko na nga makita nang maayos kung anong nadadaanan ko at kung saan ako papunta.

Ang alam ko lang, durog na durog 'yong puso ko. Sobrang talented naman kasi ni Tres eh, sobrang galing manakit ng damdamin!

I just want to be out of this place— away from him. Away from all the memories that the shop holds of Tres and me.

"Aray," daing ko nang mabangga ako sa kung saan. Hinimas-himas ko pa 'yong noo kong tumama roon bago kunot-noong itinaas ang paningin.

Nang makitang tao pala ang nabangga, mabilis na lumabas ang sunod-sunod na salita mula sa bibig ko. "Sorry po! Sorry talaga," kinakabahan na nag-aalala kong sambit.

Bakit ba naman kasi hindi ko siya napansin?

Itim na itim kasi ang suot niya! Dapat kasi, tumatabi rin siya sa daanan, lalo na kung alam niyang mababanga siya.

Bigla niyang inangat 'yong kanang kamay niya kaya nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Akala ko sasampalin niya ko pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Marahan niyang hinaplos 'yong kanan kong pisngi para punasan ang luha ko.

I wasn't able to notice that the moment he touched my cheeks, my tears stopped falling.

Wala sa sarili akong napaisip ng mga scenario.

Sa itim niyang V-neck shirt, pantalon, cap, at shades, mukha siyang holdaper. Wait. 'Yong phone ko?!

Dali-dali kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa. Nakapa ko pa naman 'yon kaya bahagya akong kumalma.

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kaniya at saka humakbang patalikod. Winasiwas ko rin 'yong kamay niya palayo sa 'kin.

Ngayon ko lang napansin na ang tangkad pala niya at ang laki rin ng katawan niya, parang kaya niya kong ibalibag nang basta.

Nanginginig ang boses ko nang pagbantaan siya, "Huwag kang gagawa—"

Napahinto ko sa pagsasalita nang marahan siyang napatawa. It was an angelic laugh that shooed away all my fears.

Nang mapansin niya ang reaction ko, mabilis siyang umayos ng tayo at saka napahawak sa batok. He even gave me an assuring smile for who knows why. Pero ang napansin ko ay 'yong malalim niyang dimple sa kanan niyang pisngi.

Ilang segundo akong napatitig d'on bago umangat ang tingin sa bandang mga mata niyang natatakpan ng shades.

"It's me, Mayumi... Veroxx Ford," he spoke in a manly yet gentle tone that left me dumbfounded. He then playfully smiled when he continued, "Oh! Huwag mo kong sasampalin ah?"

That very sentence made me remember the hate comments I am receiving, including the threat of Tres.

I unknowingly cried again as I started punching him on his chest. Hindi ko na alam kung napapalakas na ba 'yon o hindi. Basta binubuhos ko sa bawat suntok 'yong galit, sama ng loob, at sakit na nararamdaman ko.

Inis na inis ako at gusto kong ibunton lahat ng 'yon sa kaniya.

"Kasalanan 'to ng fans mo eh! Kasalanan nila kung bakit stress na stress ako sa lahat ng masasakit na salitang natatanggap ko. Kasalanan nila kung bakit ako nasasaktan!" panunumbat ko sa kaniya habang nakatingin lang sa dibdib niyang ginagawa kong punching bag.

Ang kaso, imbes na dipensahan ang sarili, ang tanging nasabi niya lang ay, "I'm sorry, Mayumi."

Kusa akong napatigil sa ginagawa. Naglaho rin 'yong galit sa mukha ko. Napababa na lang ako ng mga kamay ko at saka hiyang-hiya na ikinuyom ang mga 'to.

Pero kahit anong gawin ko, ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak.

Kahit balot na balot siya ng itim na outfit, ramdam kong sincere siya nang ibinulong, "I'm trying my best to fix things but it's taking too long. I'm sorry, Mayumi."

He took a step forward as he caressed my cheeks again. Para niyang nahigit ang hininga ko, especially when he keeps on wiping away the tears that finally stopped from falling.

I forgot about everything else. I can only see him and hear only his voice.

He then informed me, "But I'm not sorry for telling you the truth about Tres."

He even tried to lighten the mood by laughing a little that showed off his deep dimple again.

Tiklop na tiklop ako nang mapayuko ako at mapatingin na lang sa mga paa ko.

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya kahit may nakatakip d'on. But when questions crossed my mind, lakas-loob akong nagtanong nang hindi siya tinitignan.

"Paano mo ba talaga ko nakilala? Paano mo nalaman 'yong ginagawa ni Tres?" nahihiya kong tanong.

I expected him to take a long time to answer but it did not happen. It was too quick for him to tell me in a low tone of voice. "My manager was a long-time friend of his former manager. They kinda knew each other's talents' secrets, and let's just say..."

Bigla siyang napahinto kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Nakatanggal na ang shades niya ngayon at diretso ang tingin niya sa 'kin. I can't see judgment through his eyes... like the first time we met.

"Conscience is not making me sleep at night whenever I get to know his dirty secrets," pagtatapos niya sa naunang sinabi.

Para akong malulunod sa paraan niya ng pagtitig sa 'kin. Pero wala akong magawa kundi ang matulala dahil sa pagkagulat.

Hindi ma-process ng utak ko lahat ng sinabi niya. Biglang gumulo ang utak ko at lalo lang dumami ang mga tanong ko.

Nginitian niya lang ako bago bahagyang ginulo ang buhok ko. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Ilang sandali rin, umalis na siya sa harap ko kaya nakahinga na ko nang maluwag.

Kanina pa ba pigil na pigil ang paghinga ko?

Dali-dali kong pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Pero mabilis akong napahinto nang bumalik si Veroxx sa harapan ko.

Nagtataka ang mga mata kong tumitig sa kaniya. Naiwan na sa ere ang mga kamay kong pinapaypayan ang sarili kanina.

"You cry a lot," he whispered with a small smile on his face.

Dahan-dahan niyang nilagay ang itim na panyo sa isa kong kamay. Isinara niya na rin 'yong mga daliri ko bago ibinaba ang kamay na hawak.

Kagat-labi kong ibinaba na rin ang isa pang kamay. Pero ang utak ko... busy lang sa pag-iisip kung naramdaman rin ba ni Veroxx 'yong... parang kuryente.

He softly uttered, "Maybe... you need this more than I do."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top