Chapter 39: Revelations and learnings
Chapter 39: Revelations and learnings
It took me an hour before I got finally home.
Sa wakas!
Pagpasok sa loob ng bahay, winasi-wasiwas ko na lang ang paa ko para matanggal ang sandals. Gan'on din ang ginawa ko sa kabila.
Nang matapos, pagod na pagod kong tinumba ang sarili sa sofa. I extended my hand from both of my sides as I closed my eyes.
Makakapagpahinga na rin...
Makakapagpahinga malayo sa ingay ng mundo, mapanakit na mga tao, at mga kasinungalingan.
Kailan ba ko tatantanan ng mga mapagbalat-kayong tao? Hindi ko naman sila kailangan sa buhay ko. Please naman, huwag na silang mag-volunteer na makipag-friends. No thanks, malala.
"Sinabi na sa 'kin ni future son-in-law ang mga nangyari. Gusto mo ba ng yakap, aber?" kalmadong alok ni mama.
Kahit nakapikit, ramdam ko ang papalapit niyang yabag.
Nang tumigil siya sa paglalakad, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa 'kin ang nangungusap ngunit nahihiya niyang mga mata.
I suddenly missed her and her scoldings. Parang biglang lumambot ang puso ko't nangulila sa mga yakap niya.
I was too hesitant to open my lips but she still initiated to occupy the space on my right.
Inayos ko ang upo ko at saka ipinatong ang mga kamay sa hita ko. Tinagilid ko ang ulo ko para tignan siya.
Sinasabi ng puso ko na kausapin ko na siya pero ang utak ko, nahihiya't nagi-guilty pa rin sa mga nangyari. But my lips made a way to open on their own. "'Ma..." tawag ko sa kaniya sa mababang boses, tila nagsusumbong.
She opened her arms for me, hudyat na maaari akong yumakap.
This rarely happens but this is one of my favorite things in the world. Isang yakap mula kay mama na makakapagpagaan lahat ng hinanakit at sakit sa puso ko na dulot ng mundo.
I moved towards her to lie my head on her chest. Iniyakap ko ang mga braso ko sa beywang niya at saka pumikit.
Nang ipulupot niya ang mga braso niya sa taas ng balikat ko, nakaramdam ako ng mainit na pagmamahal. Para bang kusang nabawasan ang dala-dalahin ko.
I told her everything— lahat ng bagay na wino-worry ko pati mga nalaman ko lang ngayong araw. Sinumbong ko lahat ng taong makakapal ang mukha na sinaktan ako.
"Oh, anong ginawa mo?" tanong niya.
I took a deep breath and opened my eyes before answering, "Masyado na po akong pagod, 'ma. Sinabihan ko silang tantanan na ko. Sabi ko po kay Gel, kapag ginawa niya ulit 'yon at napikon ako, bahala siya't gaganti na ko."
"Ikaw ba talaga 'yan, Yumi?" hindi makapaniwalang tanong ni mama. "Baka kapag masyado ka ng bumait at naging pasensyosa, hindi na kita makilalang bata ka," pang-aasar niya pa bago ako pinagtawanan— 'yong may halong lait.
Napasimangot tuloy ako. Pero hindi ko itatago na natutuwa ako dahil nag-aasaran na ulit kami.
"Grabe ka talaga sa 'kin, 'ma! Mabait naman po ako ah..." Humina ang boses ko sa huli. Parang pati ako, hindi kumbinsido sa sinabi.
Tama na nga 'yan, Yumi. Baka imbes na ngayon ka na nga lang nakakabawi ng langit points mo, mabawasan pa lalo eh.
"Anak..." biglang pagseseryoso ni mama. Matik tuloy na kumalabog ang puso ko.
Napahigpit ako ng yakap sa kaniya at saka mariing naisara ang mga mata. Halos mahigit ko na rin ang hininga ko habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Patawad, anak, ah... alam ko namang mali ang ginawa ko. Pero maniwala ka sa hindi, kami na ng papa mo, wala pa siyang pamilya," pag-amin niya na nagpaawang sa mga labi ko.
Wala akong masabi. Pagdilat ng mga mata ko'y natameme lang ako.
Bumuntong-hininga siya.
Ramdam ko ang pag-angat niya ng ulo na tila iniiwasang maluha. Na, napatunayan ko naman nang magsalita siyang muli't garalgal na ang boses niya. "Pero mahirap lang kasi kami kaya inayawan ako ng mga magulang niya..."
Huminto siya sandali para huminga na naman nang malalim.
Pilit niyang pinasigla ang boses niya kahit alam kong umiiyak na siya dahil sa mahihina niyang hikbi. "Alam mo ba? Nakaladkad ako ng lola't lolo mo noon. Palabas 'yon ng resto— sa kitaan namin ni Lenard. Sumakit nga ang bunbunan ko n'on, aber."
Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko dahil sa narinig. Hindi ko inaasahang maririnig ko ang gan'ong klaseng revelation mula kay mama.
Imagine how much she cried when two people pulled her hair? Tapos palabas pa ng isang restaurant? Hindi lang physical pain, p'ano pa emotionally?
I can clearly taste the pain on my tongue and I can feel the lump on my throat.
Ang sakit. Naatim talaga nilang itrato nang gan'on ang ibang tao?
Bullshit.
Why can't these people who have no good intentions just keep themselves confined, away from destroying the peace in this world?
Wala sa sariling naikuyom ko ang mga palad kong nakayakap kay mama. Unti-unting namumuo ang galit sa puso ko para sa mga taong 'yon.
Ang kakapal ng mukha!
"Mahal na mahal ko ang papa mo kaya kahit pinaglaban niya ako noon? Mas pinili kong hiwalayan siya," kwento niya sa mapait na tono. Halata sa boses niya ang panghihinayang, na napilitan lang siya sa isang bagay na gusto niya pang isugal. "Siyempre, para makuha niya ang mana niya. Sayang kaya, aber!"
Pinilit niyang tumawa na lalong pumiga sa puso ko.
Hindi ko na alam kung anong una kong mararamdaman. Masasaktan ba ko? O magagalit sa mga taong umalipusta sa kaniya?
Sandali akong natulala sa kawalan.
Nabalik lang ako sa ulirat nang maramdaman ko bigla ang mainit na likidong dumadausdos na sa pisngi ko.
Mapakla akong napangiti sa alaala ko n'ong graduation ko— kung p'ano ako pandirihan ng mama ni Tres at kung p'ano ako hinayaan ni Tres na tratuhin lang nang gan'on.
Many people in this world are too cruel to us, huh? Masarap bang manakit ng mga taong mahihirap at walang laban? Masarap bang mag-feeling high and royal sa mga pwedeng apak-apakan?
Mariin kong nakagat ang ilalim kong labi dahil sa galit. Hindi ko na namalayang nanlilisik na pala ang mga mata ko.
"Ilang taon ang lumipas, nalaman kong hinanap niya ko. Pero nang balikan ko siya, 'yong araw na may nangyari sa 'min, doon ko lang nalaman na... na may pamilya na pala siya." Pumiyok na si mama sa pagbanggit ng huli niyang salita.
Pareho na kaming humihikbi habang umiiyak at magkayakap.
Leche na tatay ko 'yon! Napakalaki niyang bullshit. Sana alam niya 'yon. At sana alam niya ring napakawalang kwenta niyang malandi siya!
Deserved naman pala niya ang masisi at makasama si Satanas sa impyerno eh. Ang kapal naman ng mukha niyang anakan ang nanay ko nang may asawa't anak na siya? Ang kapal ng mukha niya na magpaasa ng babaeng minahal lang siya!
Nanlalamig at nanginginig na ang mga kamay kong nakakuyom pa rin. Kung pwede lang manapak ngayon ng isang Lenard Vizconde, gagawin ko eh.
Pero kalma, Yumi. Kalma. Iniiwasan mo nga 'yong ganiyan, 'di ba?
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Bakit ba... sa tuwing may nagiging kabit, unang sisi palagi ay sa babae?
Alam kong ang iba naman talaga sa kanila, aware sila sa posisyon nila. Pero may mga babae kasing walang malay. Pero sa huli, mga leche sila, palaging walang sisi sa mga haliparot na lalaki!
Ginusto nila 'yon eh. Hindi 'yon basta-basta na pagkakamali lang. Kasalanan din nila 'yon at hindi lang ng kabit!
Mga bullshit sila. Mga hindi marunong makuntento sa isa!
Pilit pinakalma ni mama ang sarili. She inhaled and exhaled a few times before apologizing to me again. "Patawad, anak, kung kinailangan kong tanggapin ang sustento ng tatay mo..."
Humigpit ang kapit niya sa 'kin. Halatang nahihiya siya nang aminin, "Kailangan ko kasing lunukin ang pride ko para magkaroon ka ng magandang buhay, Yumi. Hindi ko alam kung mapag-aaral kita ng ako lang. Kahit nga may natatanggap tayo mula sa kaniya, ang hirap pa rin. Paano pa kung wala pa, aber?"
Tumigil siya sandali nang sunod-sunod ang hikbing lumabas sa bibig niya. Seryoso niyang sambit, "Ayaw ko namang pagkaitan ka ng edukasyon, masasarap na pagkain, magagandang gamit sa school na ako... hindi ko nakuha noon. Ipararanas ko pa ba sa 'yo ang hirap?"
Mariin kong nakagat ang ibaba kong labi sa sobrang sakit na nararamdaman. Litanya pa nga niya, "Kung may bagay man na sinisisi ko ang sarili ko? Hindi man lang kita napag-aral sa private school, iisang anak na nga lang kita. Hindi ko man nasabi noon pero nalubog kasi ako sa utang, Yumi. Ang tagal kong nagbayad-bayad sa mga kinauutangan ko."
Sandali siyang huminto, hinaplos-haplos niya ang likod ko. Lalo tuloy bumilis ang pagpatak ng luha ko. "Lahat ng naipon ko mula sa kaniya at sa sweldo ko, ginamit ko para maipatayo itong bahay. Siyempre, para kahit anong mangyari... may masisilungan ka."
There, it hit me— kung gaano siya nahirapang palakihin ako at mabigyan ng magandang buhay nang walang katuwang na asawa. She carried all the pain to make sure that I will have the best life that she can give me. Mama is so brave.
Tumigil siya sa paghaplos ng likod ko at ibinalik ang mga braso sa pagkakayakap sa 'kin.
Bahagya siyang natawa, may halo iyong sakit na simple lang ding natatawa. "Nagbayad pa ko ng mga utang nina nanay at tatay. Hanggang ngayon... nagbibigay ako sa kanila dahil hirap pa rin silang kumita sa pangingisda, lalo na kapag may sakuna. Mga kamag-anak natin? Mga tita at tito mo? Buhay nga... hindi naman malapitan. Kahit 'yong mga magulang na lang sana namin..."
I can sense the disappointment in her voice when she took a deep breath. "Kung iwasan tayo, para tayong may nakahahawang sakit— kahirapan. Kaya 'yang ipon mo sa bangko? Ireserba mo lang, aber. Para sa oras ng kagipitan, may madudukot ka. Wala tayong ibang kakampi, Yumi..."
Wala akong masabi. Nasasaktan ako na nahihiyang hindi ko malaman.
P'anong hindi? Grabe kaya 'yong naging sakripisyo ni mama para sa 'kin. Pero ako bilang anak, anong ginawa ko?
Hindi ko siya binigyan ng panahon at oportunidad na i-eksplena ang sarili niya at ni hindi ko man lang napansin 'yong paghihirap niya throughout the years...
Oo, ang galing niyang itago lahat ng sakit sa pagbibiro, pamimilosopo, at mga sermon niya. But... I should have known better.
Nakakahiya ka, Yumi.
Ilang minuto rin kaming walang imik ni mama. Tanging hagulgol lang namin ang naririnig ko.
Bigla na lang sumagi sa isip ko na... ito na. Ito na 'yong opportunity para ako naman ang humingi ng tawad.
Marahan kong pinunasan ang mga pisngi ko bago humiwalay kay mama.
Hinarap ko siya at sumalubong naman sa 'kin ang namumula niyang mga mata. Basa ang kaniyang mga pisngi pati na rin ang itaas na parte ng bestida niya.
Huminga ako nang malalim at saka dahan-dahang pinunasan ang magkabila niyang pisngi.
She gave me a small smile while letting me wipe her cheeks.
Nang matapos, hinawakan ko ang mga kamay niya't tumitig sa mga mata niya.
Nanginginig ang mga labi ko't naluluha pa rin ako nang sabihing, "'Ma... sorry, 'ma. Sorry po kung hindi ako marunong makinig at makiramdam. Ako dapat 'yong una mong kaibigan at kasangga eh. Pero ako pa 'tong... ako pa 'tong nanghusga agad sa 'yo at halos nang-iwan na rin sa 'yo sa ere."
Huminto ako sandali nang magsunod-sunod ang hikbi ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para kumalma.
Mapakla akong ngumiti. "Hindi talaga sa lahat ng oras, tama ang pagmamahal, 'no?" Marahan siyang tumango-tango habang tuloy pa rin sa pag-iyak gaya ko. "Kaya po pala natakot kayong umamin. Pero, 'ma, dapat kasi nagpakatotoo ka na lang po n'ong una pa lang. Ang sakit po kayang... ang sakit kayang malaman pa sa iba na anak ako sa pagkakasala..."
Napayuko ako't mariing napapikit sa sobrang sakit ng nararamdaman. Parang binibiyak ang puso ko.
Nanlalambot na ko nang hawakan ni mama nang mariin ang mga kamay ko. She reached for my back. Dahan-dahan niya 'yong hinagod.
"Hindi ka kasalanan, Yumi... ikaw ang pinakamagandang regalo sa buhay ko kahit sa pinakamasakit mang paraan nangyari 'yon," pag-aalo niya sa 'kin na humaplos sa puso ko. Lalo tuloy akong naiyak. Palakas na nga nang palakas ang hikbi't hagulgol ko.
Nasasaktan ako para sa 'min. Nasasaktan akong kinailangan pa ni mama na makatagpo ng lalaking walang prinsipyo.
Nagyakapan kaming muli.
Panay ako bigkas ng, "Sorry, 'ma," "Mahal kita, 'ma," at "Hindi kita iiwan, 'ma. Magkakampi tayo." Na sasagutin niya naman ng, "Mas mahal kita, Yumi. Patawad. Patawad kung naging marupok ako sa pag-ibig."
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gan'ong pwesto. Nakatitig lang ako sa kawalan n'on. Basta, nakaramdam na lang ako ng antok nang pareho na kaming tumahan.
Bumibigat na ang mga talukap ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Medyo masakit na nga rin ang mga mata ko, malamang ay dahil sa pag-iyak.
Ipinikit ko muli ang mga mata ko. Naibaba ko na lang sa sofa ang mga kamay kong kanina ay yakap pa siya.
"May 'di ka pa sinasabi sa 'king, bata ka!" natatawang basag ni mama sa katahimikan. Sumisinghot-singhot pa nga siya. Ayan, nagkasipon na!
Bahagya akong natawa. "Ano po?"
Tila nagtatampo siya nang sabihing, "Nililigawan ka na ni Veroxx! Buti pa ang future son-in-law ko, nagbalita agad. Nanay mo ko ah, deserve ko naman sigurong malaman 'yon..."
Nakangiting napailing na lang ako. I jokingly clicked my tongue. "Ikaw po kasi, inaway mo ako eh. Nawala po tuloy sa isip kong magsabi."
Rinig ko ang tawa niya na hindi katulad kanina, wala ng bakas ng sakit. Nakapanakit na nga eh! Hampas-hampasin ba naman ako sa braso.
Napasimangot na lang ako. Tinatamad akong umalis sa pwesto ko. Baka matagalan pa ang sunod na yakapan namin eh.
"Oh siya, patatawarin na kita. Basta ba't huwag mong pakakawalan ang future son-in-law ko! Mapapalayas talaga kita kung nagkataon..." banta niya pa, mukhang seryoso na siya this time kahit para siyang nagbibiro.
Napasimangot ako lalo. "'Ma naman..."
Pinalo niya ulit ako sa braso na nagpadaing sa 'kin sa sakit. Saway niya pa, "Mama ka riyan! Pabebe..."
Sandali ulit kaming natahimik. Antok na antok na talaga ako.
Sumagi lang bigla sa isip ko ang isang bagay. Matik na napadilat ako't nanlaki ang mga mata ko.
Muntik ko ng makalimutan 'yon ah! Hala ka talaga, Yumi.
"'Ma, bukas na nga pala 'yong airing ng noon time show nina Veroxx! Baka makalimutan niyo po ah. Sabay tayong manonood," pag-aaya ko at saka ko siya tiningala.
Tinignan niya ko pabalik. Nanliliit ang nga mata niya, "Dapat lang, aber! Sinasabi ko sa 'yong bata ka. Kahit wala ka? 'Di ko 'yon palalampasin!"
Pareho na lang kaming natawa.
Binalik ko ang ulo ko sa pagkakapatong nito sa may dibdib niya. Pinikit ko muli ang mga mata ko.
Sa napakaikling panahon, marami na agad akong natutunan...
Sa social media, nalaman kong dapat lang na maging careful tayo sa mga sinasabi natin. Sa shared posts man 'yan o sa comments, pinag-iisipan dapat lahat ng bagay.
We can't take back what we have already stated. Made-delete pero kapag nakasakit na, wala ng bawian. Kaya nga natuto akong bawasan ang screen time ko sa mga socmed eh. Video call na lang namin ni babi ang pakay ko talaga r'on.
Ayos naman, mas nakikita kong ang dami palang pwedeng gawin sa buhay. 'Yong mga hindi ko nagagawa noon which are also good for healthy living. Less stress, less problema, less panlalait pa.
Ano pa ba?
Ah! Pagdating sa pananampal o anything that involves hurting other people physically, tinigil ko na 'yan. Maling-mali eh.
Kahit gaano pala tayo naiinis sa isang tao, hindi 'yon pass para sa 'tin na manakit. Imbes na saktan sila, use the energy to walk away.
Sinong nagsabing talunan ang pinipiling mag-walk out na lang sa usapang toxic na? Hindi 'yon totoo! Bravery 'yon. Kasi kahit galit na tayo, mas pinili nating manahimik na lang at huwag ipagsigawan 'yong inis natin.
Wait, mayroon pa eh.
Natutunan ko ring huwag maging color blind. Kita naman, from red flag na Tres to green flag na Veroxx. Isa sa mga magandang desisyon ko 'yon sa buhay...
Sa lahat ng naranasan kong sakit at sa mga bago kong nakilalang tao, hindi ko lang basta nalaman kung anong klaseng tao sila. Natutunan ko rin kung sino-sino ang dapat kong layuan.
Pinakamahalaga sa lahat? Nakilala ko ang sarili ko— kahinaan ko, mga hindi magandang ugali ko, pero siyempre 'yong sides ko rin na kahit ako ay mamahalin ko.
Too short-tempered, easy to judge and trust people at the same time, lacked confidence, and so on.
Nakalimutan kong tao tayong lahat na may flaws— dapat kong kilalanin muna ang bawat taong dumarating sa buhay ko bago manghusga o bago sila papasukin.
At... nakalimutan ko ring mahalin ang sarili ko. Kaya siguro ang dali para kay Tres na saktan at bilugin ako, 'no?
Masyadong kalas-kalas 'yong pagkatao ko dahil hindi ko nagawang mahalin agad lahat ng parte ko. To the point na naging madali na lang sa iba na bilugin ako na parang laruang clay.
Hindi naman siguro masamang maging clay, 'no? Kung ang usapan ay ang kakayahan kong buuin ang sarili't pagtagpi-tagpiin ang bawat parte. Magiging masama lang 'yon kung mananatili akong clay sa buhay ng iba. Na kinakaya-kayang hulmahin ayon lang sa gusto nila.
Buti na lang ngayon? Nakita ko na ang sarili ko at ang halaga ko. Thanks to those who stayed beside me. At hindi ako magte-thank you sa mga nanakit sa 'kin. Hell no. Kapal nila!
The damage they caused me has nothing to do with my growth. All of the good things that happened after them messing with my life is my own choice— my own will to learn and rise again.
Simula ngayon, sarili ko muna bago ang iba. Para kahit magmahal ako, hindi na ko mawawala sa maingay at magulong mundo. At siyempre, iwas toxic relationship na rin kahit kanino!
Napahikab na lang ako bago tuluyang kainin ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top