Chapter 38: Confrontations

Chapter 38: Confrontations

Sumalubong sa 'kin ang ngiti ni Tres na hindi ko naman gustong makita. At makikita ko pa ba 'yan kung ipo-post ko online ang video nila? Malamang... hindi.

A part of me was telling me to do it. Pero na-delete ko na 'yon kanina pagkakita na pagkakita ko r'on.

Para saan pa kung ipo-post ko? Eh hanggang maaari nga, ayaw ko ng magkaroon pa ng kahit anong bakas ni Tres sa buhay ko.

Bahala na siya sa buhay niya. Sawa na kong mabwisit sa kaniya. At lalong ayaw ko ng putaktihin pa ng mga tao online.

Buti nga't sa post niya kagabi, wala namang nambash sa 'kin. Puro sa kaniya at kay Rizzi ang tanong. May ilang hurtful comments para sa kaniya pero, puro gustong maki-tsismis ang nasa comment section.

People. People and their uncontrollable and insensitive prying.

They don't care about the situation of the persons involved in an issue but only about the story. Para may mapag-kwentuhan na bubusog sa utak nila. Little do they know, consuming rumor-related content may give them short-term happiness but their irrelevant comments can leave a long-term bad impact on others.

Pilit akong ngumiti sa harap niya. Susubukan ko kung gagana sa kaniya ang technique na naiisip ko. Kalmado kong payo, "Be mindful of your actions next time. Buti't 'di ka masyadong na-bash, lalo pa't may loveteam kayo ni Rizzi."

Napakunot-noo siya, halatang hindi niya nagustuhan ang narinig. Tumindig siya ng pagkakatayo bago binigyan ng diin, "Alam ko ang ginagawa ko, Yumi."

Marahan akong napatango-tango. Pilit hinahanap ang mga tamang salita na makakapagpaamin sa kaniya kung ba't niya 'yon ginawa.

Kalmado pa rin ako nang ipaalala ko sa kaniya, "Sinasabi ko lang— iba na ang mundo sa online ngayon. Masyado ng dumarami ang mga taong ginagawang priority sa araw-araw ang paggamit ng social media platforms."

Kumunot lalo ang noo niya. Magsasalita sana siya nang dire-diretso kong litanya, "At ang dami rin nila na todo makakonsumo ng entertainment news at tsismis na content. Kaya ingat-ingat ka dahil marami sa kanila ang mahilig mangialam sa buhay ng may buhay. What if, sa susunod, ikaw na ang target nila?" I raised my left brow at him.

Napangisi siya bigla. Nanlilisik na rin ang mga mata niya. Sa puntong 'to, alam kong bibigay na siya.

He took a few steps towards me. Nang ilang dangkal na lang ang pagitan namin, huminto siya.

Halatang nanggagalaiti ang tono niya nang itanong, "Mukha ba kong bobo, Yumi? 'Di ko isusugal ang career ko kung alam kong dehado ako. Kita mo?" Inangat niya ang kamay niya na tila pinapakita sa 'kin ang taas niya. "Mas lalo akong sumikat. Pati followers ko, umangat."

Binaba niya ang kamay niya. I saw how he intensely rubbed his tongue against his cheek in circles. Maangas niyang bulong, "Alam ko ang ginagawa ko. At alam ko kung kanino ako didikit."

His last words gave me a hint. Wala ng patumpik-tumpik pa nang itanong ko, "Kanino?" challenging him to say the name.

Napangisi siya ulit. Mayabang niyang sagot, "Kanino pa ba? Sa manager ng gago mong kalandian."

Matik na kumunot ang noo ko. Nagpantig talaga ang mga tainga ko sa narinig.

Kalma, Yumi. Kalma. Huwag mong pairalin ngayon ang igsi ng pasensya mo.

Mariin kong kinuyom ang mga palad ko para kumalma. Nang sa gan'on, makakakuha pa ko ng impormasyon mula kay Tres.

"May connection ka kay Gel?" tanong ko, pilit inaalis ang inis sa boses ko.

"Siyempre! Ako nga 'yong nagbigay ng number mo sa kaniya," proud niyang sagot; agad sumagi sa isip ko ang isang bagay.

It reminded me as to why Gel was able to call me last time, to apologize on behalf of Ckaye.

And now that I got what I needed, hindi na ko magbabalat-kayo pa.

Nakangisi akong napailing-iling. "Hindi ka lang makapal, 'no?" Nagbilang ako sa mga daliri ko. "Makasarili, mayabang, masama ang ugali, at lahat-lahat na ng pangit na ugali, nasa sa 'yo na." Binuka ko pa ang pareho kong kamao sa ere na para bang nagpasabog ng fireworks bago ibinaba ang mga kamay. "Masyado mong ginagalingan," sarkastiko kong sambit.

Kita kong unti-unti siyang nanggigigil sa 'kin dahil sa galit. His jawline has tightly clenched.

"Yumi—" Inangat ko ang kamay ko sa ere para patahimikin siya.

"Hiyang-hiya si Satanas sa 'yo, Tres. Ang galing mong mang-agaw ng pwesto eh. At hiyang-hiya rin ako sa 'yo sa pagtawag mo ng landian sa namamagitan sa 'min ni Veroxx. Kung may malandi at gago rito? Ikaw 'yon!" Hindi ko naiwasan ang pagtaas ng boses ko pagkasabi ng huli.

Nagulat nga lang ako nang bigla niyang hawakan ang kanan kong braso. Masyadong mariin. "Ang sakit!" reklamo ko at pilit na kinakawag ang braso ko para bumitaw siya. Pero, lalo niya lang dinidiinan ang kapit sa 'kin.

Nilapit niya pa nga ang mukha niya. Halos lumabas na ang usok mula sa ilong niya.

Nagtatangis ang bagang niya nang mariing ipagsigawan, "Siya ang dahilan kung bakit tayo nag-break. 'Yang gagong 'yan ang may kasalanan kung bakit nahahati ang atensyon ng tao sa 'min! 'Di ako uupo lang, Yumi. Gaganti ako!"

Nagtindigan ang balahibo ko sa lakas ng sigaw niya. Pabilis na rin nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ni hindi na nga ko nakapagreklamo kahit pa tumalsik ang laway niya sa mukha ko. Mas dama ko na kasi ang takot sa kung anong pwede niyang gawin sa 'kin ngayon.

Nanlalamig na nga rin ang mga kamay ko. Masyadong nakakasindak 'yong namumula niyang pisngi dala ng galit.

Thankfully, may narinig kaming kaluskos. Sabay kaming napalingon ni Tres sa pinanggalingan ng tunog na 'yon.

Sa may bandang kanan namin, naroroon ang lola na papalapit sa 'min. Halatang nagtataka ang hitsura niya.

Bahagya akong nakahinga nang maluwag dahil sa presensya niya. Makakaalis ako rito, ayon ang sigurado ako.

"Magbihis ka nga, hijo! Condo 'to, hindi motel," saway niya kay Tres habang kunot na kunot ang noo. Tinuturo-turo niya pa nga ang Satanas na 'to. "Ano bang pangalan mo, huh? Ire-report kita! Ang laswa-laswa mo."

Naalarma ata si Tres dahil sa sinabi ng matanda, agad kasi siyang napabitiw sa braso ko. Wala ng patumpik-tumpik pa, kinuha ko ang oportunidad na 'yon para tumakbo paalis. Muntik pa nga akong matapilok dahil sa sobrang pagmamadali ko.

Nang nasa tapat na ng elevator, halos masira ko na rin ang button sa sobrang tagal bumukas ng pinto.

Salamat na lang talaga't hindi rin nagtagal, bumalandra din sa 'kin ang loob nito. Dali-dali akong pumasok at panay pindot sa close button na nasa harap ko. Narinig ko pa ngang sinesermunan ng lola si Tres hanggang sa sumara na ang pinto ng elevator.

Ngayon, nakahinga na talaga ako nang maluwag.

Napasandal na lang ako sa gilid at saka napahawak sa bakal. Para kasi akong matutumba sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Aminado akong mapurol ang utak ko pero sigurado ako sa naaalala ko... "Si Gel ang nagsabi kay Veroxx tungkol sa cheating incidents ni Tres... in the first place, ba't niya sasabihin 'yon kay Veroxx? What were her intentions? Dahil ba alam niyang hindi makakatiis itong isa na ubod ng kabaitan sa katawan?"

If that's the case, "Ibig sabihin, alam niyang ia-aproach at ia-aproach ako ni Veroxx? Pero... bakit at para saan?"

Kumunot ang noo ko. Napaisip ako lalo. "Eh ba't naman dumidikit si Gel ngayon kay Tres? Basta, kailangang malaman 'to ni Veroxx!"

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Halos malaglag pa nga eh. Kaso, sakto namang tumawag si Trisha kaya inuna ko na 'yong sagutin. "Baki—"

"Ate!" malakas niyang tili. "I told you, 'di bet ng katawang lupa ko ang Angeline na 'yon! Nilaglag na siya ng impokritang si Ckaye. Nag-post sa FB!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Napaawang ang mga labi ko't naibaba ko na lang ang kamay ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapangisi at iling. "Hindi talaga natin masasabi kung anong kayang gawin ng ibang tao. Anyone can be good... good in lying and pretending to be a friend."

Tapusin na ang lahat ng kailangang tapusin, Yumi. Putulin na ang koneksyon sa mga taong hindi naman dapat parte ng buhay mo.

"I warned you! Yet, what did you do? You disobeyed me. Gosh, you never made any useful decision in your life. You're a nuisance in my plan!" A big-bone woman had an outburst of anger.

Kahit nakatalikod siya mula sa 'kin, ramdam ko ang galit sa boses niya. Umalingawngaw ba naman sa lugar ang hiyaw niya eh.

Dahan-dahan lang akong naglakad papunta sa mesa niya. Walang ibang tao rito sa cupcakery bukod sa 'min at sa mga empleyado.

Hindi naman 'to kalakihan pero enclosed pa rin ang paligid ng glass. May bakery lang sa unahan tapos tables sa gilid. Punong-puno ng pastel pink, blue, at green ang paligid.

Amoy na amoy ko pa nga ang matatamis na pagkain. Nalalanghap ko rin 'yong yeasty aroma— nakakagutom pero hindi 'yon ang pinunta ko rito.

Hindi ako namasahe mula Makati hanggang Pasay para lang magpakabusog. Kahit mahilig ako sa tinapay, hinding-hindi ako kakagat kahit kapiranggot ng pagkain nila.

Hell no!

"I'm not a fan of loosers, Ckaye," sambit niya, sarkastikong natatawa. "Following my orders is not rocket science and so not acting dumb. Yet, again, what did you do?"

Huminto ako sa likod niya. Hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamao ko dahil sa galit na namumuo sa puso ko.

Kung pwede ko lang itaob 'tong lamesa niya, ginawa ko na.

Pero kalma, Yumi. Kalma.

Hindi mo hiningi kay Veroxx ang whereabouts niya para manakit. Graduate ka na riyan.

Oo, hiningi ko kay Veroxx 'yon kanina. Pero dahil sa pagmamadali, hindi ko na nagawang sabihin sa kaniya kung para saan.

"I'm hanging up. Talking to you gives me headache," pangmamaliit niya pa sa kausap bago pinatay ang call.

Padabog niyang binaba ang cellphone niya sa mesa. It was my cue to walk towards the chair opposite from her.

"What are you doing, woman?!" pasigaw niyang tanong sa 'kin na para bang ang gaga ko. Pero nang iangat niya ang ulo niya, natigilan siya sa susunod niyang sasabihin.

Mapakla akong ngumiti nang makaayos ako ng upo. I rested my back as I placed my hands on my lap.

"Normal ba sa owners na manigaw ng customer?" seryoso kong tanong ngunit madarama ang inis sa matatalim kong titig sa kaniya.

"Yeah." May diin sa boses niya. Kitang-kita ko ngayon ang nanlilisik niyang mga singkit na mata. "Tell me what you need. Surely, you're not here to exchange jokes with me." Napangisi ang maninipis niyang labi pagkasabi ng huli.

Hindi ko napigilang mapailing. Bahagyang nawala ang galit ko dahil sa pagkadismaya.

Mula sa Gel na una kong nakilala, sobrang layo niya sa nakikita ko ngayon. Parang I met a different persona of the same person— wala na ang maamo niyang mukha at palangiting mga labi.

Kung nakakapatay nga lang ang mga tingin, baka double dead na ko rito eh.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. I opened it and directly clicked my Photos. Pumunta ako sa huling screenshot ko kanina. It was Ckaye's post on Facebook that I read earlier while I was on my way.

Disappointing but not heartbreaking...

Ckaye Vizconde

Hoy, Angeline Zapanta! Ang kapal naman ng mukha mo para pagbalik-baliktarin ang kwento? How dare you blame me on air and block me from getting interviewed! Ngayon, si Tres Arevalo na ang target mo sa laro mo, am I correct? Bilib talaga ko sa taba mo at ng utak mo eh!

Fernandez. Can you still remember her? Ang dating manager niyang idolo niyong si Tres na inagawan ng fiancé ang first cousin ko. Do you think she will sit still without doing anything? Of course not! She knew from the start that Tres and Fernandez have had a child two years ago. Kaya hindi niya matanggap na iniwan pa rin siya ng ex niya para sa buntis na 'yan that time!

Kahit hindi sila nagkatuluyan, she's dying to get a revenge!!!!!

Ginawa niya ang lahat para mawalan ng trabaho si Fernandez. Sunod niyang gustong masira ay si Tres. Deceiving, am I correct?

Everything was planned. She can crash two more people at the same time which is what she is currently doing. They are Tres and his ex who's my dad's daughter from his mistress! Mayumi Madamba! We both hate her!!!!!

Kapal mo, Angeline! We know how dirty you are. Don't act clean and mighty because you're not! Pati nga mga alaga mo, iniisahan mo. Pineperahan mo!

Shame on you!!!!

Like Comment Share

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nabasa ko.

Nagkaanak si Tres dalawang taon ng nakalipas. Ibig sabihin, ilang taon niya na pala akong niloloko n'on.

Napailing-iling na lang ako at saka binaba ang phone sa mesa. Hinarap ko 'yon kay Gel at saka bahagyang in-slide sa tapat niya.

Sandali niya 'yong tinignan bago ibinalik ang tingin sa 'kin. Sarkastiko siyang natawa. "Do you think, I haven't read that?" tanong niya na nagpapantig sa mga tainga ko.

"Ewan," pagtataray ko.

Naiinis kong binawi ang phone ko at saka nilagay sa bulsa ko.

I composed myself. Walang mangyayari kung magagalit lang ako ngayon.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niya?" Pinatutukuyan ko si Ckaye.

Tinaasan naman niya ko ng kaliwa niyang kilay. Imbes na magmukha siyang masungit, mukha siyang elementary student na naghahamon ng away. 'Yong mga hindi pa masyadong tinutubuan ng buhok sa kilay, gan'on.

"What are you trying to do?" kunot-noo niyang tanong bago sumilay muli ang ngisi sa mga labi niya. "Record me and post it? Gawin mo! Try your luck, woman," she challengingly told me.

Naiiritang nakuyom ko ang mga nanlalamig kong palad. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka huminga nang malalim nang ilang beses.

Bakit ba hirap na hirap sumagot ng 'oo' o 'hindi' ang mga tao? Bakit ba ang hirap para sa kanila na magsabi ng totoo?

Nagbilang na lang ako mula isa hanggang sampu para pakalmahin ang sarili.

Nang umayos na, dumilat na kong muli.

"Planado mo ang lahat mula sa paglapit sa 'kin ni Veroxx, 'di ba? Bakit hindi mo na lang agad sinabi na may anak si Tres? Hindi ba't gusto mo naman akong saktan?" Itinaas ko ang kaliwa kong kilay sa kaniya.

Sarkastiko na naman siyang natawa at saka sinandal ang isang braso sa mesa. "What am I? A fool? Spitting everything at once won't make my plans happen. Good thing, pare-pareho kayong uto-uto."

I can't help myself anymore but click my tongue out of irritation.

Nakakapikon! Ang hirap sa ibang tao, sila na nga 'tong mali, sila pa 'tong mapagmataas. Hindi ba talaga nila kayang ibaba ang pride nila?

Wala akong mapapalala kung makikipag-usap pa ko sa kaniya. Sayang ang pamasahe ko. Bwisit siya!

Padabog akong tumayo.

Lalakad na sana ako paalis nang hamunin niya pa ko. "You want to taste my downfall? I'm telling you now, you won't. Hindi ka magwawagi sa paghihiganti mo."

Matik na kumunot ang noo ko at saka ko siya tinignan.

Wala na nga siyang magandang ginawa, pagbibintangan niya pa ako ngayon? Saan siya kumukuha ng lakas ng loob? Sa bilbil niya?

Ayan, nalait ko tuloy siya! Kasalanan niya 'to. Ayaw ko na ngang magsalita ng hindi magaganda, tini-trigger niya pa ko. Bwisit talaga siya!

Padabog akong umupo ulit. Wish ko lang na masira 'tong upuan ng cupcakery niya.

Tinignan ko siya mula mukha hanggang beywang bago itaas muli ang tingin. "Mayaman ka. May kapit. Successful. Pero alam mo kung anong kulang sa 'yo?" Nanlilisik ko siyang tinitigan. "Pakialam sa ibang tao."

Napailing-iling ako. Tumuro ako sa may sentido ko, "May utak ka," at saka sa dibdib ko, "May puso ka rin," bago ibinaba ang kamay. "Pero parang wala namang silbe ang mga 'yon. Uso gamitin. Kung ayaw mo, ipa-junk shop mo na lang para naman mapakinabangan."

Padabog ulit akong tumayo at pasimple pang sinipa ang paanan ng upuan.

Diretso kong saad, "'Wag kang mag-alala, hindi ako mag-e-effort na gumanti. Hindi mo ako katulad, ayaw ko ng gulo. At ayaw kong aksayahin ang oras ko sa mga bagay at taong wala namang kwenta."

Inirapan ko siya. Akma pa siyang magsasalita nang maglakad na ko paalis. Pero hindi pa ko nakakalayo, binantaan ko na siya. "Pero sa oras na guluhin mo ulit ang buhay ko, makikita mong 'di mo dapat ako kinakalaban."

Naglakad na ko palabas ng cupcakery. Nanlalamig ang mga kamay ko, nanlalambot ang mga tuhod ko, at mabilis din ang tibok ng puso ko.

Kinabahan ako sa huli kong line ah!

Nautal ba ko? Sana naman hindi para makatotohanan!

Kinuha ko na lang ang phone ko para mag-book na ng kotse pauwi. Baka ma-traffic pa ko't abutan ng gutom sa daan.

Napansin kong may missed calls si Veroxx pero mamaya na 'yon pag-uwi. Masyado na kong nai-stress sa mga nangyayari. Napapagod din kaya akong magsalita, 'no.

Hindi naman ako artista na may naka-ready ng dialogues at kakabisaduhin na lang! Kaya medyo hassle rin talagang mag-isip ng sasabihin. Grabe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top