Chapter 37: Wicked

Chapter 37: Wicked

"Tita, kain na po kayo," alok ni Veroxx kay mama mula sa tapat ng kwarto ng huli.

Hindi siya makakatok dahil hawak niya sa kanang kamay 'yong plato na may kanin, pansit, slice ng cake, at 'yong sandwich na ang tawag niya ay Monte Cristo. Sa kaliwa naman ay ang mangkok na may bulalo. Siya mismo ang nagsandok ng mga 'yon.

Natutuwa akong makita siyang inaasikaso kami. Tipong para kaming nasa fairytale! 'Yong kami nina mama at Jiro ang mga prinsesa't prinsipe tapos si Veroxx 'yong butler namin na pinagsisilbihan kami.

Joke lang!

Habang may iba pa siyang ginagawa, nilapag ko naman sa center table ng sala ang dalawang platito— may tag-isang slice ng cake rin.

Kakain na kasi kami dapat nito kanina matapos naming maghugas ng plato— oo, by pair na ang paghuhugas ng plato ngayon! Pero sabi ni Veroxx kanina, ayain na raw namin si mama na kumain, baka gutom na dahil pagabi na rin.

Sobrang sweet niya, 'no? Halatang hindi lang ako ang mahal niya kundi pati ang pamilya ko.

Papakawalan ko pa ba 'yan? Hell no!

Para akong nagtapon ng treasure of gold kung gagawin ko 'yon. At hindi 'yon mangyayari. Manigas sa kahihintay lahat ng nakapila sa kaniya!

Nabalik lang ako sa wisyo nang buksan na ni mama ang pinto. "Kahit mamaya—" Nahinto siya sa sasabihin nang mapatitig sa bitbit ni Veroxx. Nanlalaki pa nga ang mga mata niya eh.

Saktong pag-upo ko sa sofa, kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni mama. "Napakamaaalalahanin mo talaga!" tuwang-tuwa niyang papuri sa kaharap. Hindi pa nakuntento, talagang hinampas pa si Veroxx sa braso.

"Kapag mahal po kasi natin ang isang tao, hindi natin pababayaan," nakangiting sambit naman ni Veroxx na nagpatawa kay mama, halatang kinikilig at natutuwa dahil sa narinig.

Palihim akong napangiti at saka napailing.

"Naniniwala naman ako, aber," ani mama bago kinuha ang mga dala ni Veroxx. "Dahan-dahan po, baka mapaso po kayo," magalang na imporma ng huli. Medyo nakaalalay pa nga siya n'ong una.

Nang makapasok na ulit sa kwarto si mama, sandali akong tinignan ni Veroxx. Akala ko kung bakit, kikindatan lang pala niya ko bago siya dumiretso sa kusina!

Ang aliwalas, ah? Hitsurahang naka-pogi points na naman!

Nangingiting napahawak tuloy ako sa dibdib ko. "Ikalma mo 'yan, puso ko. Si babi mo lang 'yon..." Nakagat ko na lang ang ilalim kong labi habang unti-unting lumalapad ang ngiti ko.

Ilang sandali rin, lumabas naman agad si Veroxx bitbit ang food bowl ni Jiro na may lamang cat food. Ayon 'yong pasalubong niya n'ong nakaraan kay Jiro. Kaya mahal na mahal siya n'on eh!

"Ito pa po, tita. Para naman kay Jiro," nakangiting inabot ni Veroxx kay mama ang dala-dala niya.

Nang magkatapat na sila ulit, nahampas na naman ni mama si Veroxx sa braso.

Napailing na lang ako habang nangingiti.

Si mama talaga! Ang hilig manakit. Pero 'di mo sure, baka dinadama lang niya ang braso ni Veroxx, may muscles eh.

Joke!

"Salamat, future son-in-law," pabebe na saad ni mama. "Enjoy lang kayong dalawa. Ako na ang bahala sa hugasin, aber," paalala niya pa bago sinara ang pinto.

Ang hindi niya alam, malinis na lahat ng ginamit namin.

Napatitig na lang ako kay Veroxx habang naglalakad siya papunta sa tapat ko. He smiled first before kneeling in front of me.

Napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa pagtataka. "Bakit?" tanong ko.

"Massage kita..." malambing niyang sagot bago inangat ang kanan niyang paa. Bale, 'yong kaliwa na lang niyang tuhod ang nakatukod sa sahig.

Marahan niyang kinuha ang kanan kong paa para ipatong sa hita niya. Matik akong napangiti dahil sa ginawa niya.

"Mabaho 'yan," pagbibiro ko. I didn't expect to hear from him, "It's not. But if it was, I can take care of it," that made me smile even more. Okay na sana ang lahat eh, kinilig na ko, but not until he proudly told me, "Itik lang 'yon sa 'kin."

Napakunot ang noo ko n'ong una. Hindi ko kasi naintindihan.

Pero nang mag-sink in sa 'kin ang gusto niyang sabihin, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na matawa. Nabawi ko pa nga ang paa kong hawak niya sa lakas ba naman ng halakhak ko. Napakapit din ako sa tiyan ko, hindi ko kinakaya ang narinig!

He kept asking me why— kung may kiliti raw ba ako sa paa. Pero kahit anong gawin kong kurot sa hita ko, ayaw tumigil ng tawa ko.

It took me a minute or two before calming down. Medyo naiyak pa nga ko dahil sa lakas at tagal ng tawa ko.

Dahan-dahan kong pinunasan ang ilalim ng mga mata ko bago ko siya tinignan.

His face was filled with curiosity. Medyo kunot ang noo habang ang mga mata'y nahihiwagaan.

"Alam ko namang mali na matawa sa pagkakamali ng iba," medyo natatawa ko pa ring panimula. "Pero hindi kasi 'yon itik, babi. Sisiw 'yon. Maiintindihan ko pa kung sinabi mo na lang na chicken eh." Kinurot ko ulit ang hita ko dahil sa nagbabadya kong tawa.

I saw how his lips formed an 'O' as his forehead finally flattened. "What's itik, then?" nagtataka niyang tanong.

Umayos ako ng upo't sinandal ang likod sa backrest ng sofa. Pilit na nagseseryoso kong sagot, "Duck. Pato na kulay itim. Kapag kulay puti naman, bibe ang tawag d'on."

He nodded his head with amazement on his face. Para tuloy akong nakonsensya sa pagtawa ko. I can't help but bit my lower lip in shyness.

Kapag ako ang walang alam, Veroxx will come to the rescue with no hesitation. Tapos ako, pinagtatawanan ko siya agad?

Grabe ka, Yumi!

"Don't feel guilty for laughing," he told me out of the blue with a small smile on his face. Para bang alam na alam niya kung anong pumapasok sa isip ko.

Napangiti na lang ako nang maingat niya muling kunin at isandal sa hita niya ang kanan kong paa. Dahan-dahan niya 'yong minasahe.

I placed both of my hands on top of my lap. I told him while still feeling embarrassed, "Sorry for laughing over your mistake, babi..."

Inangat niya ang tingin sa 'kin na may nahihiwagaang mga mata. "That's no big deal to me, babi." Nagkibit-balikat siya. "Kahit tumawa ka kapag nautot ako, hindi ako magagalit."

Matik na naman akong natawa dahil sa narinig.

"Sabi mo 'yan ah..." pagbibiro ko pa na ikinangiti niya lang.

After massaging my right foot, sinunod naman niya ang kaliwa kong paa. May bonus pa nga eh, kinantahan niya pa ko ng theme song namin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya habang busy siya sa pagmamasahe at pagkanta.

Napaka-all in one naman kasi nitong manliligaw ko. Buti na lang, sa bilyon-bilyong babae sa mundo, ako ang nanampal sa kaniya. Kaya ayan, mahal na mahal ako!

Huwag lang mababagok, baka magising sa realidad eh.

Joke ulit!

Nang matapos siya sa ginagawa, marahan niya ng binaba ang paa ko. Nakangiti siyang tumayo at saka tumabi sa 'kin.

Kinuha ko naman ang napapagitnaan naming tote bag ko. Binaba ko 'yon sa sahig para walang nakaharang. Abala sa lambingan eh!

"Hugas ka kaya muna ng mga kamay mo?" suhestiyon ko nang makitang kinuha na niya ang platito. "Nakakapasma 'yon, babi," kontra naman niya. Walang lingon-lingon, sumubo na siya ng cake.

Napatango-tango ako; hindi ko kasi alam 'yon.

Kinuha ko na rin ang platito ko at saka kumain. Dahil moist chocolate ang flavor nito, manamis-namis talaga. Pero type na type ko 'yong kapal ng chocolate fillings! "Matrabaho sigurong gawin 'to..." hula ko. "Ang sarap! Halatang hindi tinipid sa ingredients," papuri ko pa.

Paglingon sa 'kin ni Veroxx, kitang-kita ko ang mas matamis pa sa cake na ngiti niya. "Hindi ka kasi dapat tinitipid," banat niya na ikinatawa naming pareho.

Napailing-iling na lang ako. "Buti na lang, nag-sandwich pala muna tayo kanina. Kahit matamis, nagko-complement sa alat. Bagong favorite ko na nga eh!"

Halos kuminang ang mga mata niya sa sinabi ko. Ganiyan din ang reaction niya kanina nang puriin ko siya habang kumakain kami. Sa sobrang lapad nga rin ng ngiti niya, ang lalim na ng dimple niya eh.

"Ang sarap mo namang lutuan..." bulong niya na nagpataas ng kilay ko. "Akala ko, ang sarap ko na eh," natatawa kong saad. "Hindi mo pa nga pala natitikman," biro ko pa.

Kita ko ang pagpula ng mga pisngi niya kaya agad siyang umiwas ng tingin. Bumalik na lang siya sa pagkain kaya natatawang ginaya ko na lang siya.

Matapos kong kumain, binaba ko na sa center table ang hawak. Bahagya akong tumagilid para makaharap siya.

"Nasabi ba ni mama kung ba't 'di siya pumasok ngayon?" mahina kong tanong sa kaniya, kahit hindi sabihin ay bakas ang pagtataka sa boses ko.

Inangat niya naman ang tingin sa 'kin. Nilunok muna ang kinakain bago sumagot, "Yes. Because it's your birthday, babi."

Sandali akong natulala sa kaniya dahil sa sinabi niya. Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko maiwasang makagat ang ilalim kong labi.

I unknowingly intertwined my fingers as I squeezed my own hands.

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap nang maayos ni mama, hindi katulad ng dati, pero kahit gan'on, iniisip niya pa rin ako...

Nasa tabi ko pa rin siya para i-celebrate ang birthday ko...

"She volunteered to make your favorite spaghetti," bulong ni Veroxx na nagpabalik sa 'kin sa wisyo. Binaba niya muna sa mesa ang platito na wala ng laman bago tumagilid para humarap din sa 'kin. "But I requested to be in charge of the kitchen," he smilingly added.

Inabot niya ang mga kamay ko at saka 'yon pinisil-pisil. Binaba niya ang mga kamay namin sa hita niya kaya napasunod d'on ang tingin ko.

Umangat lang ang ulo ko nang maingat niyang sabihin, "Hoping that you'd be ready to listen to her one day..."

I felt pain and joy at the same time.

Pwede pala 'yon, 'no?

Masakit dahil bumalik sa isipan ko ang pagiging anak ko sa labas at sa pagkakasala. Masaya naman dahil hindi man sabihin ni Veroxx, alam kong may pakialam siya sa pamilya namin. But it's good to know na hindi niya pinagpipilitan ang sarili niyang opinyon sa 'kin.

Simple ko lang siyang nginitian. Mukhang naintindihan niya naman ang ibig sabihin n'on. Pinisil niya lang muli ang mga kamay ko.

Maya-maya rin, sinarado na niya ang natitirang distansya namin. Napaayos tuloy ako ng upo nang wala sa oras. And when his left hand landed on my lower waist, it automatically brought butterflies to my stomach.

Napakagat-labi ako sa kiliti at kilig na nararamdaman.

Habang nakahawak pa rin ang kanan niyang kamay sa 'kin, sinandal naman niya ang ulo niya sa may balikat ko. Matik akong napalingon sa ulo niya at saka pinikit ang mga mata ko.

Ang bango talaga! I won't surely get enough of his smell.

"Babi... I need your permission on something," he opened up in a low tone of voice. Tanong ko naman, "Para saan?"

Idinilat ko ang mga mata ko at saka marahang umayos ng upo. Sinandal ko ang ulo ko sa ulo niya.

Simple lang. Magkatabi lang kami. But I feel at ease, happy, and at peace all at once.

"A senior writer approached me yesterday. She's asking if she can have me as the leading man in her upcoming movie..." Napahinto siya bigla, para bang naghe-hesitate siyang magpatuloy.

I even felt how he took a deep breath before continuing, "But... it has kissing scenes and light physical intimacy. Would that be fine with you?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Parang nahigit ko ang sarili kong hininga sa narinig.

Mariin akong napapikit nang maalala bigla ang huling palabas na nasaksihan ko bago ako huminto sa panonood— palabas nina Tres at Rizzi.

"Won't it trigger... the trauma you got from your ex?" nag-aalala pang tanong ni Veroxx. Ramdam ko ang medyo pagdiin ng hawak niya sa kamay ko.

Lakas-loob akong dumilat at saka huminga nang malalim.

Pilit kong kinukumbinse ang sarili, 'Yumi, magkaiba sina Tres at Veroxx. Hindi mo pwedeng isipin na gagawin ni Veroxx ang ginawa ni Tres. Si Satanas ang ex mo. Malayo sa anghel mong manliligaw'. Yet, I can't help myself but overthink...

What if... what if masaktan lang ulit ako sa huli? Maagawan na naman? Mapagtaksilan lang?

I bit my lower lip out of frustration.

Kalma, Yumi. Kalma.

"Go lang," pagpayag ko, pilit na ginawang masaya ang boses ko. Pero, hindi ata umubra kay Veroxx 'yon. He asked me with full of concern, "You sure you're comfortable? Your mother and I are worried of you..."

Napakunot-noo ako. "Alam na ni mama?" He nodded a few times before answering, "Yes. She was the first person I broke the news to."

Inalis ko ang ulo ko sa pagkakasandal sa ulo niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto ng kwarto ni mama. "Anong... anong sabi niya?"

"She doesn't want me to do it but she approved of it anyway." Inalis na rin ni Veroxx ang ulo niya sa balikat ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa 'kin. Para bang ine-examine niya ang reaction ko.

I did my best to smile before turning my head at him. "Trabaho mo 'yan, babi. Go lang," pilit kong pag-sang-ayon.

Napakunot-noo naman siya. Para siyang nagtataka na hindi malaman.

"I'm an actor, babi, not a kissing monster..." He tilted his head to the right. "I didn't sign up for kissing or sexual lessons."

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya, tila hindi kinabahan kanina lang.

Kasi naman! Required ba talaga 'yong mga gan'ong eksena sa palabas? Nakaka-trauma kaya!

Tandang-tanda ko pa nga 'yong araw na nakita ko sina Tres at Rizzi na naglalampungan sa parking lot. 'Yong araw na nakipag-break ako sa kaniya...

"Nagpa-practice lang kami."

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong narinig ang mga salitang 'yon sa tainga ko.

Mapakla akong napangiti.

May kaunti pa ring sakit, oo. Pero sakit pa ba 'yon? Parang lungkot na lang na, ayos na eh, tanggap ko naman na.

Marahang gumalaw ang kaliwang kamay ni Veroxx mula sa beywang ko papunta sa likod ko.

Napatitig ako sa mga mata niya— they are filled with concern and are sorry at the same time.

"If declining it will make you comfortable, I'll do it, then..." bulong niya at saka inihawak sa ulo ko ang kanan niyang kamay.

He lightly pulled me to his chest, kinulong niya ko sa mainit niyang yakap.

"Babi..." pagtawag ko sa kaniya, bahagyang hindi sumasang-ayon sa desisyon niya.

Artista siya eh. P'ano kung mabawasan ang projects niya? Ang nagtitiwala sa kaniya? Ang fans niya? P'ano ang career niya?

"Fans are everywhere whether I kiss an actress or not. Projects will come to my door though I have to turn down one..." he assured me.

Pero kahit gan'on, hindi ko mapigilan na mag-alala para sa kaniya.

I closed my eyes as I embraced him around his waist.

"Sayang kasi 'yong oportunidad, babi," sambit ko sa nasasaktang tono.

P'ano 'yan papayag, Yumi, kung masyado mo ring pinaparamdam na ayaw mo? Sige nga, isipin mo.

Bahagya niyang binaba ang ulo niya sa gilid ng tainga ko. Bulong niya, "If it won't happen, then it wasn't an opportunity to count in the first place. It was meant to pass through me."

Humigpit ang yakap ko kay Veroxx kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Ramdam ko pa nga ang pangingilid ng luha ko eh.

Bakit ba ganito siya ka-considerate sa nararamdaman ko? Na kahit masagasaan na ang trabaho niya, basta ikakapanatag ng loob ko, ako pa rin ang pipiliin niya...

Ang sarap namang mapili!

Natigil lang kami sa paglalambingan nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Napakunot-noo ako. Sino naman kasing lapastangan ang tatawag ng ganitong oras?

Marahan ko munang kinapa ang mga pisngi ko, baka may luha na pala eh. Buti na lang, wala naman.

"Wait lang, babi ah..." paalam ko kay Veroxx nang kumalas ako sa yakap namin.

Humiwalay rin naman siya sa 'kin at saka nagbigay ng distansya. Matik tuloy akong napangiti. Para kasing binibigyan niya ko ng privacy.

Bahagya akong yumuko para makuha ang cellphone ko sa tote bag na nasa sahig.

Umayos din naman ako ng upo nang makuha na 'to.

Si Satanas 'to

Kusang tumaas ang kaliwa kong kilay nang makita kung sino ang nag-missed call.

Lapastangan nga ang tumawag. Ano namang kailangan niya ngayon? Hanggang sa birthday ko talaga, manggugulo siya?

Bwisit siya!

Kalma, Yumi. Kalma. Nasobrahan 'yan sa pagmamahal sa dami ng babae niya pero kulang lang talaga 'yan sa pag-iisip.

Kahit ayaw kong magpa-stress sa kaniya, tinignan ko na lang ang text conversation namin.

Pagsilip ko naman, walang bagong message.

Binuksan ko ang internet para sana pumunta sa Messenger pero, natigilan ako nang mag-notif sa 'kin na may new post si Tres sa Instagram.

I automatically pressed my lips together. Several speculations came to my mind but I'm not as worried as I could if it happened a few months ago. Ang hindi ko nga maiwasang isipin, bakit naka-follow pa ko sa kaniya?

Ah! Kaya siguro hindi ko na-unfollow 'tong si Satanas dahil nawala na siya sa isip ko, 'di ko na napapansin pa, lalo na't 'di naman siya active sa IG.

Pinindot ko na lang 'yong notification na masasabi kong isa sa pinakamaling desisyon na ginawa ko sa buhay ko. It was a plain blue photo posted on his Instagram with a lengthy caption.

Habang nagbabasa, unti-unting dumidiin ang kapit ko sa cellphone ko dahil sa inis na nararamdaman. Pati ang paghinga ko, lumalalim at bumabagal din.

arevalo3 Matagal na rin akong nananahimik. Panahon na rin para ipagtanggol ko ang babaeng mahal ko.

Para sa kapatid ni Yumi na si Ckaye, huwag mo ng guguluhin si Yumi. Wala siyang alam sa mga nangyari. Napakabuti ng babaeng mahal ko. Kung nalaman niya lang ito agad, siya mismo ang lalapit sa inyo para humingi ng tawad.

Para sa mga tagahanga ni Veroxx na sinasaktan si Yumi, magbagong-buhay na kayo. Patapos na ang taon. Wala kayong alam sa nangyari.

Para kay Yumi, kahit naghiwalay na tayo, ikaw lang ang laman ng puso ko.

7 minutes ago

Nagtatangis ang bagang ko matapos magbasa. "Such bullshit," mariin kong saad. I can't help but click my tongue out of anger. "Ang kapal talaga ng mukha niya!"

"What's happening, babi?" nag-aalalang tanong ni Veroxx bago siya gumalaw pabalik sa tabi ko. "Please, tell me what it is," pagmamakaawa niya pa bago hinawakan ang magkabila kong braso upang marahan na iharap sa kaniya.

Nanlilisik ang mga mata ko't nanginginig din ang mga kamay ko sa galit.

"Try to breathe in and out, babi..." Veroxx instructed me while demonstrating to me what to do.

Sinunod ko naman siya. Sabay kaming nag-inhale at nag-exhale para kumalma ako.

Nakatulong naman 'yon pero nag-aalab pa rin ang puso ko sa galit.

I closed my eyes to count from one to ten.

Kaya mo 'to, Yumi. Kaya mo 'to.

Pagdilat ko, medyo kumalma na ko. Sumalubong din sa 'kin ang mga nag-aalalang mata ni Veroxx na halatang hindi alam ang nangyayari.

"How can I help you?" he calmly asked. "May I see what's bothering you?"

Inabot ko sa kaniya ang hawak kong cellphone na kinuha naman niya agad. While holding it using his right hand, pinatong niya naman ang kaliwa niyang kamay sa mga kamay kong nasa hita ko na ngayon.

I focused my attention on our hands to divert my attention. Pero, hindi gumagana, tanging nagawa lang nito ay bawasan ang panginginig ng mga kamay ko.

Leche talagang Tres 'yon!

"Tres won't do this for nothing," nagtatangis-bagang kong kumento habang nakayuko pa rin. "For no personal intentions. Mahal na mahal niyan ang career niya eh." Napangisi ako nang banggitin ang huli.

Nanlilisik na naman ang mga mata ko pero agad 'yong naglaho nang ibaba ni Veroxx ang cellphone ko sa gitna namin. Inihawak na rin niya ang isa niya pang kamay sa pareho kong kamay at saka pinisil ang mga 'yon.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Promptly, he gave me an assuring smile when he guaranteed me, "He can't hurt you as long as I am here, babi."

Inabot niya ang ulo ko para haplos-haplusin ito. Pati puso ko, parang hinaplos niya dahil sa gestures niya.

"He might have ruined five minutes of your life but he can't do it for the entire night." Tumigil siya sa ginagawa niya at saka ako niyakap. Pakiramdam ko, mayroon at mayroon akong kakampi sa kaniya. "Let's enjoy the rest of the night, babi..."

Those were the last words of Veroxx before we both tried to shoo away the negative energy from Tres.

We did. And I am thankful to him for doing everything for me.

I did enjoy my birthday without letting anyone destroy my happiness. Pinatay ko ang cellphone ko at ginugol ang natitirang oras sa kwentuhan at tawanan kasama si Veroxx.

Parang walang nangyari. Parang walang problemang gustong guluhin ang buhay ko.

No. They can't easily make me cry starting today. Hindi na ko basta-basta magpapaapekto sa mga kagagahan nila.

But... I am decided to finally put an end to what must have already ended before. Sisiguraduhin kong wakas na ang episode ng buhay ko na may bakas pa ni Satanas.

"Tres," bungad ko sa kaniya pagkabukas niya ng pinto ng unit niya.

Gulo-gulo ang buhok, topless, at halatang inis ang mga mata. Pero nang mapagtanto niya kung sino ang nasa harap niya, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

Pilit siyang ngumiti bago sinubukang bumalik sa loob. Agad ko siyang pinigilan, "Huwag na. Mag-uusap tayo. Ngayon. Din." May diin at finality sa boses ko.

Mukhang napansin naman niya 'yon kaya sandali niya kong tinitigan.

Napababa ang tingin ko sa sahig ng unit niya, sa gilid ng couch ay tanaw ko ang isang lipstick. First time kong makita ang kulay at hitsura n'on. Imbes na masaktan, napailing-iling na lang ako.

A cheater never learns his lessons.

Nang isara ni Tres ang pinto ng unit niya, roon lang umangat ang tingin ko sa mukha niya.

"So, para saan 'yong post mo?" matapang at diretso kong tanong, walang kahit anong reaksyon na pinapakita sa kaniya.

But instead of answering me, he tried to reach for my cheeks. Agad kong hinampas palayo ang kamay niya. Inis na pag-uulit ko, "Para saan nga?"

Sumandal siya sa pinto at saka napabuntong-hininga. "Hindi ko alam kung s'an nanggagaling 'yang sinasabi mo, Yumi. Hindi ako nag-post para makipag-away sa 'yo. Gusto ko lang na malaman mo na mahal pa rin kita."

"Tres," seryoso kong tawag sa kaniya. "Huwag na tayong maglokohan dito. Para saan nga 'yon? Anong motibo mo?"

Tumingin-tingin siya sa paligid, tila pinagmamasdan kung may nakakakita o nakikinig ba sa 'min.

Nang ibalik ang tingin sa 'kin, napahinga na lang siya nang malalim. Para bang pinipigilan niyang huwag mainis sa harap ko.

Wow? Talaga ba? Parang hindi naman niya ko sinisigaw-sigawan noon.

"Pag-usapan natin 'to nang maayos mamaya," pagpupumilit niya na nagpakunot sa noo ko. "Basta seryoso ako, mahal pa kita, Yumi. Wala ka bang tiwala sa 'kin? Sobrang sama ko ba talaga sa paningin mo? Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan." Para pang nalungkot ang boses niya pagkasabi sa huli.

Unti-unti na kong napipikon dahil sa katigasan niya. Mariin kong kinuyom ang kamao ko. Ayaw pa talagang umamin!

Masyado naman niyang isinasabuhay 'yong pagiging artista niya? Kahit sa likod na ng kamera, masyado pa ring mapagpanggap.

Napapikit ako para pakalmahin ang sarili. Unang pumasok sa isip ko ang video na nakita ko sa files ng phone ko kaninang umaga.

The video that I unknowingly saved two months ago— n'ong nasa parking lot kami ng condo na 'to. Nasa harap ko sina Tres at Rizzi na naglalampunangan.

Practice.

Napailing na lang ako bago dumilat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top