Chapter 35: Home

Chapter 35: Home

"Wow..." namamangha kong bulong, nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa mga paper bag at eco bag na nasa mesa.

Marahan kong nilingon si Veroxx sa tabi ko. Pagkukumpirma ko, "Seryoso, babi? Para sa 'kin lahat ng 'to?"

He lightly squeezed my hand as he gave me a proud yet sweet smile. "Yes, babi. Everything..."

Matik akong napangiti dahil sa narinig. At nang ibalik ko ang tingin sa harap, unti-unting lumapad ang ngiti na 'yon.

Binawi ko 'yong kamay ko mula sa kaniya. Excited kong nilapitan ang mesa at lumapit din siya rito para tabihan ako. Dahan-dahan niyang hinaplos-haplos 'yong naka-ponytail kong buhok.

Isa-isa kong hinawakan 'yong dalawang paper bags at tatlong hapit na hapit na eco bags.

Nakakatuwang sobra-sobra ang effort niya para lang sa araw na 'to. Pero at some point, hindi ko mapigilang mag-alala.

Baka kasi masanay si Veroxx na bigay nang bigay ng mga gamit sa 'kin. Naa-appreciate ko naman lahat ng 'to pero 'di naman niya kailangang maglagas ng pera para sa naglulumang bagay.

"Babi..." nag-aalangang tawag ko sa kaniya nang lingunin ko siya. Tinignan naman niya ko pabalik.

Medyo kinakabahan ako sa susunod kong sasabihin pero alam kong hindi naman namin 'to pag-aawayan. At the end of the day, we will only learn to understand and build a stronger relationship if we choose to have good communication from the very beginning.

Sinseridad kong pagpapasalamat, "Gusto kong malaman mo na thankful ako sa lahat ng regalo mo para sa 'kin. As in, sobrang thankful ako." Sandali akong huminto, hinahanap ang mga tamang salita. "Pero kasi... hindi naman ako materialistic na tao."

Nakagat ko ang ilalim kong labi. Kinakabahan ako sa kung anumang sasabihin niya.

Huminto siya sa paghaplos sa buhok ko at saka isinandal ang kanang kamay niya sa mesa. "I understand where you're coming from..." nakangiti niyang kumento.

I automatically felt at ease because of that. Nakakatuwa lang malaman na nagkakaintindihan kami. Dagdag pa nga niya, "After all, I don't want to prove my love to you through materialistic gifts that get damaged or become rusty over time."

Inangat niya ang kaliwa niyang kamay para ihawak sa batok niya. He was a little hesitant when he told me, "But those things are special to us. And the other three bags are only filled with food that you can share with tita and Jiro."

Matik na sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig. Halos manlaki pa nga ang mga mata ko eh. Basta, sobrang saya ng puso ko!

Akala ko kasi, as in para sa 'kin lang ang lahat ng 'to. Dapat sinabi niya agad na mayroon din palang para kina mama at Jiro!

Gustong-gustong maka-points ah? Pati pamilya ko, nililigawan na. Kung alam lang niya... quotang-quota na siya!

"Kaya gustong-gusto ka nina mama at Jiro eh!" kantyaw ko sa kaniya. Agad namang lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Malayo pa ang susunod na eleksyon, nakuha mo na agad ang boto nila," pang-aasar ko pa na nagpatawa sa 'ming pareho.

Pabiro akong umiling-iling. "Vote-buying pa rin 'yan ah! Pare-pareho kayong makakasuhan niyan," kunwareng pananakot ko na lalong nagpalakas sa tawa niya. Para tuloy may anghel na sobrang saya sa tabi ko. Ang sarap niyang tignan kapag tumatawa siya...

Masaya kong nilingon muli ang mga regalo niya na nasa mesa.

Nangangati na ang mga kamay kong buksan ang mga 'yon para silipin kung anong nasa loob. Pero, hindi. Ikalma mo 'yan, Yumi! Ang dumi-dumi mo pa. Galing ka kayang labas!

Nilingon ko siya ulit para magpaalam sa kaniya, "Maglilinis lang muna ako ng katawan, babi. Tapos magpapalit na rin ako ng pambahay." Agad siyang tumango at saka sinabing, "Sure. Take your time."

Inabot niya ang ulo ko para guluhin ang buhok ko. Failed naman siya dahil naka-ponytail ako. Bahagya na lang tuloy akong natawa sa ginawa niya. Hobby niya 'yan eh!

Inabot ko ang kamay niya gamit ang pareho kong kamay. Pinisil-pisil ko 'yon habang nangingiti. "Mabilis lang 'to," paninigurado ko pa na lalong nagpangiti sa kaniya. Lumalim tuloy ang dimple niya. "I can wait, babi," pabiro niyang saad na nagpatawa sa 'kin.

Halatang-halata bang ayaw kong umalis sa tabi niya? Kasi, 'yon naman talaga ang totoo.

Binitawan ko na ang kamay niya. Takbo-lakad akong umalis sa harap niya palabas ng kusina.

Pagdating sa sala, dali-dali akong pumasok sa kwarto— para akong natatae dahil sa pagmamadali't excitement ko.

Pagkabukas ko ng damitan, puro sando at spaghetti tops ang bumungad sa 'kin. Agad akong napangiwi.

Hindi naman sa nahihiya ako kay Veroxx at mas lalong hindi naman sa conservative ako. Pero kasi, hindi pa ko sanay na magsuot ng ganito sa harap niya.

Naghanap na lang ako ng T-shirt na kulay puti.

Pinili ko 'yong may design na Sagittarius na kulay violet— sakto sa paborito kong kulay. Binili ko 'to sa 100% Good n'ong sale eh. Kaya ayon, nasa 249 pesos lang 'to tapos ang ganda na ng tela. Sulit, 'di ba?

Sunod kong dinampot ay 'yong kulay itim kong shorts. May bulsa 'to sa magkabilang gilid kaya ang cute-cute.

Pagkakuha ko ng iba pang gamit, lumabas agad ako ng kwarto.

Bago pumasok sa CR, natanaw ko si Veroxx sa same spot kung s'an ko siya iniwan kanina. He's intently looking at me with a small smile on his face— admiration is evident through his eyes.

Huminto ako saglit para ngitian din siya. Natawa nga lang ako nang bigla siyang kumindat!

Kapag ako, namatay dahil sa kilig? Walang ibang may sala kundi si Veroxx!

Natatawang naiiling akong pumasok sa CR.

Wala ng patumpik-tumpik pa, nagsimula agad ako sa agenda ko. Habang naglilinis nga ako ng katawan, halos mahulog ko pa 'yong sabon dahil sa pagmamadali eh.

Kalma, Yumi. Kalma.

Wala ka namang deadline na hinahabol eh. Hindi naman mawawala bigla si Veroxx. Sobrang miss na miss mo lang ang babi mo, gan'on?

Napangiti ako nang marinig ang boses ni Trisha sa huli kong naisip.

Hindi naman nagtagal, natapos din agad ako sa ginagawa.

Pero bago lumabas, inabot ko muna 'yong wallet size na salamin sa unang layer ng shelf rack. Masinsinan kong tinignan ang sarili rito. Thankfully, wala naman akong napansin na muta at wala ring tira-tirang makeup. Malinis naman na ang mukha ko.

Hindi ko nga lang maiwasang mapangiti nang may mapansin. Parang... gumaganda ako.

Makakapal na kilay. Mahahabang pilik-mata. Matangos na ilong. At pinkish na mga labi.

I've never seen myself this beautiful before. Hindi ko alam... parang ang ganda-ganda ko sa paningin ko these days.

Blooming ba ko? Glow up ko ba 'to?

Tinignan kong maigi ang repleksyon ko. Pero kahit anong check ko, parang wala namang nagbago— same old Yumi.

Hinayaan ko na lang 'yon at saka binalik ang salamin sa lalagyan.

Nangingiti kong inayos ang pinaghubaran ko't bimpo bago lumabas ng CR.

"Hello," nakangiting bungad sa 'kin ni Veroxx pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Matik tuloy akong natawa.

"Hi," parang gaga na bati ko naman sa kaniya pabalik. "Video 'to, pwedeng gumalaw," pagbibiro ko pa. Ni hindi pa kasi siya umaalis sa pwesto niya simula kanina. May upuan naman. Allowed naman siyang okupahin 'yon...

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Hindi ko alam pero sa puntong 'to, siya lang ang nakikita ko.

"Shall we start?" nangingiti niyang tanong sabay tingin sa mga gamit na nasa mesa, hudyat na buksan na namin ang mga 'yon. Binalik din naman niya agad sa 'kin ang tingin niya. Sakto lang dahil nasa harapan na niya ko't huminto na sa paglalakad.

Sasabihin ko sanang 'hindi naman halatang pareho tayong excited' pero may nakaagaw kasi ng atensyon ko. Napatingin ako sandali sa suot niyang knitted sweater. Hindi ko 'yon napansin kanina. "Ang ganda ah! Bagay sa 'yo," namamangha kong saad.

Gusto ko pa nga sanang hawakan para kapain 'yong pattern pero nakakahiya naman. Baka sabihin niya, ibang 'physical touch' na 'yon.

"First time kitang makitang nagsuot ng hindi kulay black ah," puna ko. "O first time mo lang talagang nagsuot ng kulay dilaw?" tanong ko pa at saka inangat ang tingin sa mukha niya.

Kitang-kita ko 'yong paglapad ng ngiti niya. Pati nga mga mata niya, parang kumikinang na rin sa saya. He looks like a kid who's so excited about something.

"Can we now open this?" tanong niya pabalik at saka dinampot 'yong isang paper bag.

Bahagya namang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. At kahit hindi ko siya maintindihan, tumango na lang ako.

Inabot niya sa 'kin 'yong hawak niya na agad ko namang kinuha.

Kahit hindi ko alam ang laman nito, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang excited lang, gan'on!

Maingat kong inalis 'yong scotch tape na nasa tuktok. Kahit na sabihin nilang dapat daw sinisira ang balot para may magregalo ulit, mas gusto ko pa ring iniingatan ang pagbubukas ng nireregalo sa 'kin.

Nang matanggal ko na ang tape, dinikit ko na lang 'yon sa kabilang parte. Pagkasilip ko sa loob, agad na nanlaki ang mga mata ko't napangiti nang sobrang lapad sa nakita. "Terno tayo?!" tuwang-tuwa kong tanong.

Dali-dali kong hinablot ang kulay violet na knitted sweater mula sa loob. Basta-basta ko na lang ding pinatong sa mesa ang hawak na paper bag.

Ibinalandra ko agad sa harap ko ang sweater na para bang nagsusukat sa mall. Mukha akong batang hindi mapakali sa hitsura ko— panay ang tingin sa bawat gilid nito.

"Nagustuhan mo ba?" pagkukumpirma ni Veroxx na agad kong sinagot ng, "Hindi lang gusto. Gustong-gusto!"

Atat na atat kong sinuot ang sweater.

I can't help but feel overjoyed. Why wouldn't I? Lalo na't kitang-kita ko na Veroxx is paying attention to everything that I am telling him.

Na-kwento ko kasi n'ong nakaraan sa kaniya na favorite color ko ang violet. At nasabi ko rin sa kaniya na iisa lang ang jacket ko. Kaya siguro bumili ng sweater para may pang-salitan ako.

Nang matapos sa pagsuot nito, inayos ko muna ang buhok ko bago ko hinawakan ang laylayan ng damit.

"Ang comfortable sa balat," nakangiti kong kumento na halatang lalong nagpasaya sa kaniya. He looks satisfied with what he heard.

"I bought these from a student online for a friendly price," proud na kwento niya na nagpa-amaze sa 'kin. "Wow! Totoo ba?" And as a response, he quickly nodded at me.

"Tama 'yan, babi! Bukod sa napasaya mo na ko, nakatulong ka pa sa local entrepreneur," papuri ko sa kaniya at saka nag-thumbs up to show that I approve of his decision.

Para nga siyang bata nang kuminang ang mga mata niya. Hindi man halata pero pansin kong gustong-gusto ni Veroxx na naa-appreciate ang mga ginagawa niya. Sino ba namang hindi, 'no?

"Good to know, babi..." Inabot niya ang pareho kong kamay at saka hinaplos-haplos ang gilid ng mga 'to gamit ang pareho niyang hinlalaki. "The weather is shifting to cold season. This will surely come in handy," aniya.

Tumango-tango naman ako bilang pag-sang-ayon.

"Pero alam mo bang nagga-gantsilyo rin si mama?" pananakot ko sa kaniya. "Lagot ka kapag nakita niya 'to..." I made sure that my facial reaction is serious and easy to believe. Kaya nga saksi ang mga mata ko sa panlulumo niya.

Para siyang tinapunan ng malamig na tubig sa hitsura niya. Halos mamutla siya kasabay ng paglalaho ng ngiti niya! Nabitawan niya pa 'yong mga kamay ko at saka napakuyom.

Ang bilis ah? Parang kanina lang, ang saya niya pa...

"Should I buy one for her too?" pabulong niyang tanong, halos mautal pa. Halatang kinakabahan!

I can't help but burst into laughter because of his reaction.

"Joke lang 'yon, babi!" bawi ko sa sinabi sa gitna ng tawa ko. "Ang lakas-lakas mo kay mama! Ikaw pa ba? Hindi niya magagawang magalit sa 'yo, 'no!"

He sighed in relief upon hearing that. Para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. "Kinabahan ako..." Humawak pa siya sa bandang chest niya. "I'm afraid she'd reclaim her words that she likes me best over your ex."

Kumunot ang noo ko pero hindi ko napigilang matawa. "Textmate ba kayo ni mama?" pang-uusisa ko. At nang tumango siya bilang sagot, natulala na lang ako sa kaniya. "In fact, she calls me 'future son-in-law'," pagmamalaki niya pa habang nakangisi.

Matik na nanlaki ang mga mata ko. Pabulong kong tanong, "Alam na ba niyang nanliligaw ka sa 'kin?" na nagpakunot ng noo niya. Mukha siyang nagtataka. "Haven't you told anyone yet?" naguguluhan niyang tanong at saka niya nakagat ang gilid ng ilalim ng labi.

Dahan-dahan akong napayuko dahil sa hiya. I can't help but fidget my fingers together while finding the right words to say.

Pero dahil sa namumuong kaba sa dibdib ko, wala akong masabi...

Napaangat lang ako ng ulo nang marahan niyang haplusin ang buhok ko. Nang magtama ang mga mata namin, nakangiti na siya sa 'kin.

Para tuloy dinurog ang puso ko sa nakita. Lalo lang akong nalungkot.

Mukha kasi siyang proud na proud na sabihin sa iba na nanliligaw na siya sa 'kin. Pero ako? Wala pa kong nasasabihan kahit isa sa mga taong malapit sa 'kin tungkol d'on.

I was finding the right timing and waiting for his go signal. Artista kasi siya eh. Dapat careful ako sa bawat galaw at desisyon ko, 'di ba? Ayon ang nakasanayan ko. Hindi ko naman alam na... unlike my previous relationship with Tres, Veroxx can be this proud, excited, and happy to tell the world about our relationship status.

Para bang... mas pinapahalagahan niya ko kaysa sa sasabihin ng iba.

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

I opened my lips and was about to apologize when he assured me, "That's fine with me, babi." He took a few steps towards me to envelope his arms on top of my shoulders.

Sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya at saka siya niyakap sa beywang. I closed my eyes as my heart started to feel at ease with his embrace.

"Si tita ang una kong sinabihan n'ong gabi mismo na pumayag kang magpaligaw," aniya. Bigla akong nagtaka nang may mapansin sa sinabi niya. "Then, I shared the good news with my parents and my cousins too."

He pulled away from the hug but I didn't release my arms around his waist. Inangat ko lang ang ulo ko para tignan siya. Sakto namang sumalubong sa 'kin ang matamis niyang ngiti.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso at saka sinabing, "Including the management— I told them that I'm courting you. Good news? They aren't hindering me from talking about it publicly." Hinaplos niya ang mga braso ko. "But we'll take things in your pace..."

Kahit na namamangha ako sa pagiging proud niya sa kung anong mayroon kami, pati na rin sa pagiging considerate niya, hindi ko maiwasang itanong, "May napansin ako. 'Tita' na talaga ang tawag mo kay mama? Parang n'ong nakaraan... ma'am pa 'yon ah..."

Ang bilis talaga ng isang 'to.

Pero kung si Veroxx lang din naman, okay na okay 'yan! I'm just glad that no matter what his pace is, he doesn't force nor do I feel obligated to catch up immediately.

Agad siyang napaiwas ng tingin at saka yumakap ulit sa 'kin. Hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko. P'ano ba naman, namumula kasi ang mga pisngi niya! First time kong makita nang live na live 'yon.

Para hindi na siya mahiya, iniba ko na lang ang usapan, "So, ayos lang sa 'yo na sabihin ko sa mga kaibigan kong nanliligaw ka na sa 'kin?"

"Better than fine, babi..." pag-sang-ayon niya na nagpalapad ng ngiti ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa beywang niya para ipadama sa kaniya ang saya ko. "Thank you, babi. Thank you talaga!"

Ganito pala ang pakiramdam ng hindi kinakahiya sa publiko... ganito pala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top