Chapter 34: Signs and surprises
Chapter 34: Signs and surprises
"Hala! May nakalimutan pala ko." Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko si Trisha sa driver's seat. Matik namang kumunot ang noo niya.
Nang sandali niya kong lingunin, halatang iritado ang mga mata niya. Nanlilisik ba naman eh! Tipong kung pwede niya lang akong itulak palabas ng kotse ngayon, ginawa niya na.
"Ano naman 'yarn, 'te? Malayo-layo na tayo sa baler niyo!" reklamo niya nang ibalik ang tingin sa kalsada. Hindi pa siya nakuntento, she also snorted beside me. Panakot pa nga niya, "Waley born day-born day sa 'kin, 'te! Mag-alay lakad ka riyan pauwi."
Napangiwi na lang ako dahil sa narinig. Grabe siya sa 'kin ah!
Imbes na makipagbangayan sa kaniya, agad kong nilingon 'yong tote bag ko sa may kanan. Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko na halos malaglag ko pa nga dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
P'anong hindi ako kakabahan? Nakakahiya ang pagiging makakalimutin ko!
"Hindi ko kasi nasabi kay Alejandro na ikaw ang maghahatid sa 'kin..." nahihiya kong bulong habang hinahanap sa Messages ang conversation namin. "Baka nasa bahay na 'yon," nag-aalala ko pang dugtong at saka nakagat ang ilalim kong labi.
"Akala ko naman kung ano!" she exclaimed as she snorted once again. Natigilan tuloy ako sa ginagawa ko. Kunot-noo kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Nagtataka kong tanong, "Bakit?"
Sandali niya kong tinignan at hindi nakalagpas sa paningin ko ang ngisi niya.
"Problem solved, 'te! Nasabihan ko na siya bago mo pa ma-think ang lahat," pagmamayabang niya habang ang mga mata'y pokus na ulit sa pagmamaneho.
"Huh? Nag-uusap kayo?" naguguluhan kong tanong, mas lalo pang kumunot ang noo ko.
Promptly, nawala ang ngisi sa mga labi niya. Kitang-kita ko pa nga ang paghigpit ng hawak niya sa manibela eh. And instead of answering me, she awkwardly laughed as though I accidentally heard a secret.
"Ano nga?" naiinip kong tanong.
"Na-love at first sight si akes! K ka na?" pasigaw niyang pag-amin. "Sa IG lang kami may convo, huwag kang OA, baka mabati mo pa ang future love life ko eh," pagbabanta niya sa 'kin nang hindi ako nililingon. Pero nagawa niya pa rin akong panlakihan ng mga mata.
I can't help but press my lips together as I turned my body to the left to properly face her.
Kunot-noo pa rin ang noo ko nang usisain ko siya, "Kailan pa?" na nagpairap sa kaniya.
Ang tapang-tapang ah? Pero nagsi-secret naman!
Wow, Yumi, coming from you? Na hindi pa sinasabi sa mama mo o sa mga kaibigan mong nililigawan ka na ni Veroxx?
Napangiwi tuloy ako dahil sa naisip.
Sasabihin ko naman, but not now. May bumubulong kasi sa 'kin na huwag muna.
Alam ko namang magkaibigan kami ni Trisha at dapat, pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa. Pero may mga bagay lang talagang kailangan ding gawing private. At part 'yon ng pagtitiwala— we trust each other that nothing will change even though we have to keep secrets at times.
"Simula n'ong nag-f4f kami," napipilitan niyang sagot habang nakasimangot. "F4f?" naguguluhan ko namang tanong at saka napaisip.
Pero kahit anong isip ko, hindi ko mahalukay sa utak ko 'yong ibig sabihin n'on.
Iritado siyang huminga nang malalim bago sumagot, "Follow for follow, 'te! S'ang mundo ka ba galing? Dami pang explanation ah. Ano akes, teacher? Teacher ng isang lecturer?"
Hindi ko naiwasang pagtaasan siya ng kaliwang kilay. "Ang dami mo namang sinasabi! Isa lang kaya ang tanong ko," bwelta ko at saka napairap. Inis ko pang bulong, "Birthday na birthday ko... 'yan ata ang secret gift mo sa 'kin— ang i-stress ako."
Nagkibit-balikat siya, halatang nakokonsensya pero labas sa ilong niyang sabi sa mababang tono, "Sorry naman. Ganda lang." Huminto siya bago ako saglit na sinilip. "Ikaw kasi eh..." paninisi niya pa na nagpasapo sa 'kin sa noo ko gamit ang kaliwang kamay.
Napailing-iling na lang ako at saka ibinalik ang atensyon sa cellphone ko.
I clicked the back button before placing it back in my tote bag.
"Parang n'ong nakaraan lang, drama-dramahan ka pa dahil d'on sa nang-ghost sa 'yo," naiiling kong bulong bago ko ibinalik ang tingin sa kaniya. Kita ko naman ang pag-irap niya. "Tapos ngayon? May pa-love at first sight ka na kay Alejandro?"
I can't help but hiss. Baka masyado lang kasi siyang nagpapadala sa emosyon niya.
"Why? Nasa 10 Commandments ba na umiyak nang umiyak kapag nag-fly away ang ka-fling?" pabalang niyang tanong nang hindi ako nililingon. "Uso mag-move forward, 'te! Papangit lang ang feslak ko kaka-throwback sa memories namin. Pwede namang mambingwit ng bagong pogi eh," mariin niyang dugtong, in-emphasize pa ang 'move forward'.
Napailing na lang ako.
Pero aaminin ko, may point naman siya eh. Hindi ko lang maiwasang makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya.
Seryoso ko siyang tinitigan. "Sigurado ka bang ready ka na ulit na mag-commit sa isang relasyon? Baka kasi masyado ka lang mapusok at marupok. Pwedeng friendship lang pala ang offer sa 'yo tapos binibigyan mo ng ibang kahulugan."
"Shocks!" nanlalaki ang mga mata niyang react. "Ang sakit sa bangs! Gusto ko lang namang maramdaman na buhay akes," pagkontra niya sa sinabi ko.
Napahinga na lang ako nang malalim.
"Ikaw... buhay mo 'yan eh," pagsuko ko. "Nawa'y makatagpo ka ng lalaki na hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo. 'Yong mamahalin ka sa araw-araw..."
Paalala ko rin sa kaniya, "Pero tandaan mo, hindi mo naman kailangang magkar'on ng jowa para masabing buhay ka at masaya. There are times that staying single is better than being in a relationship— the more kasing pinipilit, the more na nagkakamali."
Marahas siyang napabuga ng hininga.
She was tapping the steering wheel using her index finger when she gave me a wistful smile. "Kapag na-hurt, eh 'di ouch now, next later..."
Dagdag pa niya sa mausisang tono, "In fairness, ah? Lakas ng hugot mo! Baka may hindi na ako knows sa current happenings mo..."
Napangiwi na lang ako. Curious kong tanong para maiba ang usapan, "Alam na ba 'to ni Theta?"
Agad siyang umiling. "Busy si bakla sa law school. Waley akong balak abalahin siya. Makakapaghintay naman ang love life namin ni bebe Alejandro." Ngumisi pa siya pagkasabi ng huli, she looks optimistic about it. Ang kulit talaga!
Napailing na lang ako.
Kung nandito si Theta? May kakampi pa siya niyan. Nakaka-miss tuloy 'yong college life namin na puno ng asaran at kwentuhan. Pero gan'on talaga, we will all walk towards different paths. Kaya hanggang magkakasama pa, savor the moment together.
Sa sobrang busy nga ni Theta, simpleng birthday text message na lang ang na-send niya kanina. But I'm more than thankful that she allotted time for me.
Tumingin na lang ako sa labas para tanawin ang lugar. May ilang jeep, auto rickshaw, at nagtitinda sa gilid-gilid. Marami ring naglalakad, lalo na mga estudyante.
Malapit na kami sa Recto. Ibig sabihin, malapit na kami sa university.
Pareho lang kaming tahimik at nao-awkward ako sa ganitong sitwasyon— hindi kasi ako sanay na ganito siya.
Nasaktan ko ba siya sa mga sinabi ko? Gusto ko lang namang iuntog ang ulo niya sa katotohanan eh.
True friends do not tolerate the wrongdoings of their friends. At patuloy kong paninindigan 'yon hanggang alam kong naliligaw siya ng landas.
I was glancing at the busy street of Doroteo Jose when something came to my mind. Matik akong napangiti dahil d'on bago ako humarap kay Trisha. Excited kong tanong, "Nagvi-video call ba kayo ni Alejandro? Nakita mo na ba 'yong beard niya?"
I was expecting to see her smile from ear to ear pero iba ang natanggap ko. Mahaba niyang tili, "Ate!" Muntik pa nga siyang mapa-preno, halatang gulat na gulat siya sa nabanggit ko.
Kumunot tuloy ang noo ko. Anong problema niya?
Pinaypay-paypayan niya pa ang sarili gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nasa manibela. Mukha siyang nate-tense na natatae, gan'ong level.
"SPG ka, 'te! Ano namang tingin mo sa 'min? Nagfo-phone sex?!" nanlalaki ang mga mata niyang depensa sa sarili.
Lalo tuloy kumunot ang noo ko. Napatingin pa ko sa bandang taas ng kotse at saka inalala kung anong tanong ko.
Nang maintindihan ang naiisip niya, napabulalas na lang ako ng tawa. At habang tumatagal, lalong lumalakas ang halakhak ko. Napahawak pa nga ako sa tiyan ko eh. Hindi ko kinakaya ang pumapasok sa isip niya!
Kung si Veroxx ay green flag, si Trisha ay green-minded.
Nang kumalma kahit pap'ano, binalik ko na ang tingin ko sa kaniya. Kita kong kunot na kunot na ang noo niya. Halos manlisik pa nga ang mga mata niya eh.
"Beard! As in 'yong balbas at bigote niya, Trisha," nangingisi kong pagkaklaro na bumura sa reaksyon niya. "Ano bang beard ang nasa isip mo? Ikaw ang malaswa eh," naiiling ko pang dugtong.
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Wala siyang imik hanggang makarating kami sa tapat ng gate 3.
Natatawa-tawa akong nagpaalam sa kaniya. "Katoliko ka, 'di ba? Maligo ka sa Holy Water ah..." pang-aasar ko sa kaniya bago sinara ang pinto't naglakad na papasok sa university.
The day has gone by so fast. Ganito ata talaga kapag masaya, hindi na namamalayan ang oras.
P'ano ba naman kasi, panay ang greetings na natatanggap ko mula sa fellow faculty members ko pati sa mga estudyante ko. I feel special but at the same time, medyo nahihiya na nao-awkward ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko!
Happy birthday rin? Salamat? 'Hehehe'?
Ang hirap kaya! Buti sana kung sa chat lang 'to, may choice na pusuan ang message o i-copy and paste na lang ang reply.
Nangingiting napailing na lang ako bago pumasok sa second and last class ko. But promptly, nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bumungad sa 'kin ang sabay-sabay nilang hiyaw, "Happy birthday, Ms. Mayumi!"
May pa-confetti pa sila na nagpatawa sa 'kin sa sobrang kilig. They also gave me chocolates and gifts that made me emotional.
"Grabe! Nagpapaiyak kayo ah," tanging nasabi ko bago itanong, "Ano, gusto niyo pa bang magklase?" Napuno ng tawanan ang silid dahil d'on.
When the clock turned 12 noon, nakapag-time out na ako n'on.
Naglalakad na ko ngayon papuntang gate 3 sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Marami ring estudyante na naglalakad sa paligid— nagtatawanan, nagmamadali, at mayroon ding mukhang stressed na.
Malapit na kasi ang final exams, malamang ay tambak na sila ng assessments at may paparating pang iba.
Nalungkot tuloy ako bigla para sa iba. Hindi ko maiwasang mapahinga nang malalim.
Kaya ako? As much as I can, hindi ko na pinapahirapan pa ang students ko— pinapagawa ko lang 'yong mga bagay na kahit ako ay kaya ko at sigurado akong magagamit nila in the work field.
Nang mai-tap ko na ang ID sa scanner, diretso na ang lakad ko palabas ng gate 3.
Huminto ako sa may gilid kung saan matayog ang kulay kremang pader ng university. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag at saka nag-book ng private vehicle.
It only took me five minutes to do so. At paglabas na paglabas ng details, agad akong nag-compose ng text kay Veroxx.
Babi
Ayan na ang details, babi! Pauwi na ko sa 'min. Kain ka na ng tanghalian mo ah!💜💜💜
Kinikilig at nangingiti ako nang tignan ko ang contact name ni Veroxx.
Kanina ko lang 'yan pinalitan eh. Hindi ko tuloy maiwasang isipin, ano kayang contact name ko sa kaniya?
Napangiti na lang ako.
Hindi ko na hinintay ang reply ni Veroxx, binalik ko na agad ang phone sa tote bag ko. Baka manakaw pa eh, kasing kapal pa naman ng mukha ni Trisha ang mga snatcher dito. Kahit nasaan ka, mawawalan at mawawalan ka ng gamit!
Natigil lang ako sa iniisip nang mapalingon ako sa tatlong magkakaibigan sa may kanan ko.
Umiiyak ang isa na mukhang nag-aaral sa state university, batay sa kulay pula niyang lanyard at sa suot niya dahil hindi naman siya naka-uniform. Habang 'yong dalawa pang dilag na nag-aaral sa university namin, yakap-yakap lang 'yong babae— hinahagod nila pareho ang likod niya.
"Ginawa ko naman ang lahat, mga bebs eh. Halos hindi na nga ko natutulog, makapag-review lang para sa course na 'yon. Tapos babagsak pa rin ako? Dahil sa mababa niyang pagge-grade sa project ko? Ang sakit... hindi ko matanggap," emosyonal niyang litanya sa gitna ng mga hikbi niya.
Walang masabi 'yong dalawa niyang kasama na malamang ay mga kaibigan niya. Ipinatong na lang ng isa ang ulo n'ong umiiyak na babae sa balikat niya at saka hinimas-himas ang ulo ng kaibigan.
Para tuloy naantig ang puso ko— ang sakit, nakakaawa. Pero wala naman akong magagawa eh.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka mariing naikapit ang kanang kamay sa tote bag ko.
Garalgal at mahina na ang boses ng babae nang aminin, "Hindi ko alam kung p'ano sasabihin kina nanay at tatay na bumagsak ako... wala naman kaming binabayarang tuition pero ang hirap pa rin ng sitwasyon."
Napaiwas na lang ako ng tingin nang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Napakagat-labi ako habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat ng hirap ko n'ong nasa kolehiyo pa lang ako. Sa state university rin kasi ako nag-aral.
Maraming magaling na professors. Walang iniisip na matrikula. Pero nand'on pa rin 'yong hirap sa pagpasa, nambabagsak na prof sa hindi malamang dahilan, at baon o pamasahe na pasakit sa araw-araw.
Akala kasi ng iba, kapag nag-aaral tayo sa public school o state university, wala ng problema dahil wala namang tuition at miscellaneous fees na kailangang bayaran. Pero ang hindi nila alam, hindi naman natatapos ang lahat d'on— napakarami pang pasanin na kailangang iraos.
Napahinto ako sa pag-iisip nang matanaw ko na ang kotseng na-book ko kanina. Malapit na 'yon mula sa kinatatayuan ko.
Malungkot kong nilingon sa huling sandali 'yong babaeng umiiyak. As much as I want to comfort her and help her financially, wala akong sapat na dala ngayon...
Napahinga ako nang malalim at saka dumiretso sa backseat ng kotseng kakahinto lang sa tapat ko. The last thing that came to my mind— what if lumipat ako sa state university? Para doon magturo?
Parang... may bumubulong kasi sa 'kin na mas kailangan ako ng mga estudyante r'on. Pero kasi... masaya naman ako rito sa work place ko ngayon. Ito nga ang pangarap ko eh.
Naipikit ko na lang ang mga mata ko at saka isinandal ang likod sa backrest ng kinauupuan.
It was already one in the afternoon when I arrived in front of our house.
"Thank you po," nakangiti kong sambit pagkaabot ng bayad sa driver na masigla niyang sinagot ng, "Salamat din po, ma'am!"
Binuksan ko na ang pinto sa gilid ko at saka isinukbit sa balikat ang mabigat na tote bag. Dami ba namang laman na regalo eh!
Pagkababang-pagkababa ko, dumiretso na ko sa gate namin.
Kumunot nga lang ang noo ko nang pagpasok ko, sumalubong sa 'kin si Jiro. "Pinalabas ka ng ganitong oras?" nag-aalala kong tanong sa kaniya, may kaunting bahid ng inis ang boses.
Sinagot naman niya ko ng 'meow' na para bang nagkakaintindihan kami.
"Ni hindi ka man lang binantayan? P'ano kung na-dehydrate ka? Kung umalis ka?" sunod-sunod kong tanong sa mas mababang tono.
At tulad kanina, nag-'meow' ulit sa 'kin si Jiro.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Kapag ikaw, nawala? Hindi ko kakayanin, Jiro..."
Gustong-gusto ko siyang yakapin at himasin sa ulo pero dahil galing akong labas, hindi ko magawa.
Nginitian ko na lang siya at saka siya inayang pumasok na sa loob.
Napangiwi nga lang ako nang pagbukas ng pinto, saradong-sarado pa ang bahay. Anong oras na, nakasara pa rin ang mga bintana.
Kahit naiilang pa rin akong kausapin si mama, hindi ko mapigilan ang sarili na hanapin siya. "'Ma? Bakit niyo naman po pinalabas si Jiro ng ganitong oras?" tanong ko sa mababang boses, pilit tinatanggal ang inis dito.
Sinuyod ko ng tingin ang sala pero wala siya. Ibinaba ko muna ang tote bag ko sa sofa.
Dumiretso ko sa kwarto niya para kumatok pero walang sumasagot.
I decided to turn around to check the kitchen.
Hahakbang na sana ko pero matik akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ang nasa harapan ko. Napaawang ang mga labi ko. Halos mahigit ko pa nga ang sarili kong hininga kasabay ng pagkalabog ng puso ko.
"Happy birthday, babi..." malambing at nakangiting bati ni Veroxx mula sa tapat ng kusina. His arms are wide open, hudyat na gusto niya ng yakap.
Parang hinaplos ang puso ko sa nakita. I can't help but smile emotionally.
Alam niya?! Alam niyang birthday ko ngayon kahit hindi ko nasabi?
My eyes started to well up. Any minute, siguradong maiiyak na ko.
Sabik na sabik akong napatakbo papunta sa kaniya.
Wala na kong pakialam, idinamba ko talaga ang sarili ko sa kaniya. Bahagya akong tumingkayad at saka ipinulupot ang mga braso ko sa batok niya. I rested my head on his chest with my eyes closed.
Ang sarap sa pakiramdam.
Ito ang unang beses na nagkaroon kami ng physical touch. At gustong-gusto kong ganito kami kalapit sa isa't isa.
Nang maramdaman ko ang mga braso niya sa beywang ko, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.
I can feel the butterflies in my stomach and I can hear the loud beating of our hearts. Hindi lang ako ang masaya... pareho kami.
Matamis akong napangiti sa isiping 'yon. Nag-uumapaw ang kilig at tuwa sa puso ko.
"I missed you, babi..." emosyonal niyang bulong nang ipatong ang baba niya sa ulo ko. "I love you. I love you," he sweetly added. "Did you miss me too, babi?" tanong niya pa na matik na nagpalapad ng ngiti ko.
Tumango-tango ako nang hindi umaalis sa pwesto ko. Nakadilat na ang mga mata. I love it here. "Oo naman! Sobra-sobra pa nga eh." And it was my time to carefully ask him, "Komportable ka ba sa yakap ko?" Na agad niyang malambing na sinagot, "Yes. Finally, I'm home..."
"Miss na miss? Daig pa ang isang taon na hindi nagkita ah?" sarkastikong kumento ni Trisha mula sa kung saan.
Natatawa tuloy akong napakalas ng yakap mula kay Veroxx.
Akala ko, kakalas na rin siya pero nagulat ako nang luwagan niya lang ang yakap niya sa beywang ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang ang mga pisngi ko'y nag-iinit na.
I pretended that things are normal including my heartbeat. Pero hindi, nagwawala talaga ang puso ko sa loob-loob ko.
Kaya mo 'yan, Yumi. Kaya mo 'yan.
Marahan akong umikot para harapin si Trisha. But to my shock, nasa harap din pala namin sina mama at Alejandro. Talagang nanlaki na ngayon ang mga mata ko't hindi ko magawang ngumiti.
Inangat ko ang kamay ko papunta sa mga braso ni Veroxx para tanggalin ang mga 'yon sa beywang ko. Pero imbes na kumalas, hindi siya nagpatinag. Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi dahil sa kaba.
Hindi kasi nila alam na nasa ligawan stage na kami ni Veroxx. Kinakabahan ako sa kung anong pwede nilang isipin.
Magagalit ba sila? Magtatampo? Mang-aasar?
Nanliit ang mga mata ni Trisha nang makahulugan niyang sabihin, "Ang dami mong utang na chika, 'te."
Pinilit kong matawa dahil sa sinabi niya pero nagtunog awkward lang 'yon. Nakagat ko tuloy ang ilalim kong labi dahil sa pagkapahiya.
"Sa kwarto lang kami ni Jiro, aber," pagpapaalam ni mama kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko. "Nakapananghalian naman na kami..." She is smiling from ear to ear pero bakas doon ang pang-aasar. Lalo tuloy napadiin ang pagkakakagat ko sa ilalim kong labi.
May alam na ba sila? Hindi ko alam. Hindi ko sure.
Binuhat na ni mama si Jiro at saka pumasok sa kwarto niya.
"Una na kami, may kikitain pa kami eh..." nakangising imporma ni Alejandro sa 'min.
Itatanong ko pa lang sana kung bakit siya nandito pero huli na ang lahat. Hinawakan na niya sa palapulsuhan si Trisha at saka pinilit na lumabas.
Napangisi na lang ako nang makita ang pamumula ng mga pisngi ng kaibigan ko. Ang sarap tuksuhin! Kaso, baka kung anong iganti sa 'kin kapag nagkataon eh, so huwag na lang. Takot ko na lang talaga!
Bago nila isara ang pinto, sumilip muna si Alejandro para batiin ako, "Happy birthday, Mayumi!"
Natawa na lang ako at saka nagpaalam, "Salamat! Ingat kayo sa daan."
Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto, naramdaman ko naman 'yong pagsandal ni Veroxx ng noo niya sa kanang balikat ko. Parang may kumiliti tuloy sa bandang puson ko.
Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Pati ang hininga ko, lumalalim at bumabagal na rin.
Kalma, Yumi. Kalma. Mag-isip ka ng sasabihin mo ngayon. Madaldal ka, 'di ba?
Nakagat ko ang ilalim kong labi. Nagtataka ko na lang siyang tinanong, "Saan kayo nag-park? 'Di ko nakita 'yong mga kotse niyo sa labas."
Bahagya siyang natawa. Damang-dama ko ang hininga niya sa likod ko nang isagot niya, "It was planned. Alejandro and Trisha's car were parked at the streetcorner."
Marahan ko siyang nilingon. Bumalandra sa 'kin ang humahalimuyak niyang buhok. I automatically closed my eyes as I enjoy myself from sniffing his hair. Amoy bagong ligo. Amoy bulaklak.
Anong shampoo nito? Mas mabango pa sa buhok ko eh! Pwede na siyang mag-endorse ng shampoo ah...
"Does it smell good?" tanong niya, sigurado akong nangingiti siya dahil sa tono ng boses niya.
Napadilat naman ako at saka bahagyang yumuko. Saktong itinagilid niya pakanan ang ulo niya kaya nagtama ang mga mata namin.
Parang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa titig niya't matamis na ngiti. Isama pa ang paghigpit niya ng yakap sa beywang ko.
Napangiti na lang ako at saka ikinapit ang kaliwa kong kamay sa braso niya para kumuha ng lakas.
Ganito pala ang feeling na makipag-cuddle? This is so new to me pero ang sarap-sarap sa pakiramdam...
"Oo," malambing kong sagot sa tanong niya. Pero napakunot din ang noo ko nang may ma-realize. "Ba't 'di ka nagmo-model para sa brand ng shampoo?" nagtataka kong tanong.
Pero naglaho rin 'yong pagtataka na 'yon nang bahagya akong matawa dahil sa pag-pout niya!
Para talagang baby ang isang 'to kapag nasa tabi ko eh. Siya ba talaga ang sikat na sikat na si Veroxx Ford?
"Offers were given to me but we have to decline," kwento niya bago inalis ang ulo niya sa balikat ko.
Palihim akong napasimangot dahil sa disappointment. Gusto ko pa ng lambing niya eh! Gusto kong nasa balikat ko lang ang ulo niya...
I looked in front of us as I completely frowned.
"They want me to undress in front of the camera with only boxers left with me," dagdag niya sa naunang kwento na matik na nagpalaki sa mga mata ko.
Kunot-noo ko siyang nilingon, sakto namang nakatingin din siya sa 'kin. Medyo inangat ko ang ulo ko dahil sa height difference namin.
"Grabe naman 'yon!" hindi makapaniwala kong kumento, disgust is evident on my voice. "Nakakaasar ang gender stereotypes nila ah! Kapag lalaki, kailangang kita ang katawan? Hello? Shampoo ang product nila, hindi sabon o boxer!" sarkastiko kong litanya.
I can't help but click my tongue in disbelief. But instead of getting annoyed with me, napuno ng tawa ni Veroxx ang bahay.
Matik na nabura ang inis sa mukha ko dahil sa mala-anghel niyang tawa. Pati tuloy ako, napangiti na lang.
When he calmed down a little, he smiled from ear to ear as he laughingly uttered, "Your anger is radiating too much..."
Nanlaki tuloy ang mga mata ko. "Sobrang OA ba?" nahihiya kong tanong sa sarili na naibulalas ko pala. Agad kong nakagat ang ilalim kong labi dahil sa nangyari.
Ano ba 'yan, Yumi! Nakakahiya ka ah.
"No!" dali-dali niyang sagot na sinabayan niya pa ng pag-iling-iling. Napangiti tuloy ako na parang hindi napahiya. "Your concern is well appreciated, babi..." malambing niya pang dugtong na humaplos sa puso ko.
Dahan-dahan niyang inalis sa beywang ko ang mga braso niya. Sandali akong nakaramdam ng lungkot dahil d'on. Masyado akong nahuhumaling sa haplos niya na parang gusto ko, ganito na lang kami palagi.
Wow, Yumi? Napaghahalataang first time ah? Sarap na sarap lang? Enjoy kung enjoy?
Porque birthday mo ngayon, umaabuso ka na, Yumi!
Nang matamis niya kong ngitian, matik na naglaho ang lungkot ko.
Hinarap ko siya at sakto namang inilahad niya ang kanan niyang kamay sa tapat ko. Iyong kaliwa niya namang braso ay inilagay niya sa likod niya bago bahagyang yumuko.
He jokingly cleared his throat as he asked me in a deep and manly tone, "Mind if I take you to my palace, my beautiful lady?"
Kilig na kilig akong natawa. Napailing-iling pa nga ko bago marahan na ipinatong ang kaliwa kong kamay sa kaniya. "Yes, my babi..." I sweetly answered that made him look at me directly.
It was the first time I called him in our endearment face-to-face and it doesn't feel awkward. Gustong-gusto ko 'yong bigkasin, sa totoo lang.
"I love that," nakangisi niyang kumento.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top