Chapter 33: Greetings
Chapter 33: Greetings
Marami na kong narinig na kwento na sa aminan stage raw, hindi mawawala 'yong puyatan. Hindi naman required pero maraming gumagawa, gan'on!
Tipong tamang chat o video call lang hanggang madaling-araw. Kasi nga naman, nandoon 'yong kilig eh, isama pa ang 'craving' na makausap nang matagal si ka-MU o jowa.
Pero sa lahat ata talaga ng bagay, may exemption...
Nang maka-isang oras na kami ni Veroxx sa pagvi-video call kahapon, sinabihan ko na agad siyang magmaneho na pauwi.
Walang halong joke, ako talaga ang nagsabi n'on. Mahirap kayang abutan ng dilim sa daan!
Oo, aaminin ko, gustong-gusto ko pa siyang makita at makausap n'on. Pero mas nangibabaw kasi 'yong pag-aalala ko para sa kaniya. Hindi ko naman uunahin ang kaharutan ko kaysa sa safety niya, 'no.
As in, hell no!
Hindi gan'on kababaw ang pagkagusto ko kay Veroxx para unahin pa 'yon kaysa sa lagay niya. Gusto kong itrato siya sa paraan na deserved niya. At gusto kong ipakita sa kaniya na gusto ko siya hindi dahil sinabi niyang mahal niya ko.
I like him for who he is and I am thankful na nakilala ko siya sa mundong 'to— kung saan napakaraming mapanakit na tao. Pero, pinili niyang maging mabuti...
I can't help but smile while thinking of his kindhearted soul. Ako kasi? May stressed out soul lang! Sa totoo lang naman ah.
Marahan akong tumagilid ng higa dahil nasa bandang paanan ko si Jiro, natutulog. Baka magising eh, kawawa naman. Kumukuha pa naman 'yan ng lakas para mamayang madaling-araw, gigising at magha-hyper na siya.
Bahagya akong natawa dahil sa naisip at saka napailing-iling.
Totoo naman kasi, 'no! Normal ata sa mga pusa 'yon.
Maya-maya, inabot ko na lang ang unan ko at saka 'to niyakap nang sobrang higpit— hindi pa rin nawawala 'yong ngiti sa mga labi ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka dinama ang kilig sa puso ko dulot ni Veroxx and those simple things we did together.
Bukod sa video call namin kahapon, pagkauwi niya sa kanila at pagkatapos naming maghapunan pareho, nag-chat-chat na agad kami.
Kung ako ang tatanungin? Kating-kati na talaga ako n'on na makausap agad siya pagkauwi niya pa lang. Pero, nagawa ko namang magpigil at maghintay.
Achievement!
At totoo nga— the things that we patiently waited for are always worth it.
Sobrang saya ko n'ong gabing 'yon. Tipong halos makalimutan ko na lahat ng problema sa buhay ko habang kausap ko siya. Ni hindi nga ata nawala kahit isang segundo lang 'yong ngiti sa mga labi ko eh.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, para pala akong teenager kung kiligin...
Pero bakit ba? Wala namang age-age sa kilig at saya ah!
Ano, playground lang ang peg? Na mga bata lang ang pwede nito? O kiddie pool na pang-bagets lang din, gan'on?
Kikiligin ako kung kailan ko gusto! At walang makapipigil sa 'kin.
Napailing-iling na lang ako habang natatawa sa naiisip ko.
Pagtungtong ng 9 p.m. kahapon, nagdesisyon na kami ni Veroxx na magpahinga na.
Mutual decission 'yon ah! Walang pala-desisyon sa 'ming dalawa nang hindi nakakakuha ng approval mula sa isa't isa. Pareho kasi kaming may trabaho kaya ayon, alam naming kailangan na namin ng tulog.
At saka 'yang puyat-puyat na 'yan? Kapag nagkasakit kami? Lalo lang kaming hindi makakapag-usap! Ayaw ko namang mangyari 'yon, 'no.
Isa pang 'hell no' para diyan!
Baka kapag nagkasakit ako tapos puro pagpapatulog lang ang ipagagawa sa 'kin? Lalo lang sigurong sasama ang pakiramdam ko sa pagka-miss kay Veroxx...
Wow, Yumi ah? Ikaw ba talaga 'yan? Wala namang Veroxx dati pero gumagaling ka naman nang walang kausap. Grabe na ang kaartehan mo ngayon ah?
Napangisi na lang ako sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko.
Kaninang umaga pagkagising ko, mas maaga akong nag-alarm.
Bakit ba? Gusto ko munang makausap si Veroxx bago ako pumasok sa trabaho eh. Pampagana kaya 'yon! Mas effective pa kaysa sa vitamins.
Pero siyempre, naghilamos, toothbrush, at almusal muna ako bago ang lahat. Saktong-sakto pagkabalik ko sa kwarto, tumatawag na siya sa IG para makipag-video call.
Ang bungad nga niya sa 'kin kanina, "Did you dream of me?"
Marahan siyang umupo sa higaan niya at saka bahagyang inilayo ang cellphone sa mukha niya. Kita ko na ngayon ang suot niyang pantulog na kulay itim.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong pabalik habang nangingiti. Hindi ko kasi maintindihan kung seryoso ba talaga siya o magpi-pick up line lang siya.
"I dreamed of you..." he answered in a husky tone. Imbes tuloy na mapangiti dahil sa sinabi niya, mas kinilig ako dahil sa boses niya.
Ang gwapo kaya pakinggan! Ang sarap sa mga tainga...
Kung tuwing umaga ko siguro maririnig ang husky voice niya? Uwian na talaga! Baka mauna pa ko nito sa langit eh.
Ay, wait. Sa langit ba talaga, Yumi?
Napangisi na lang ako.
"Anong ginawa natin sa panaginip mo?" I curiously asked as I rested my back on the headboard of my bed.
Nag-date? Nag-night drive? Kumain sa labas?
Pero instead of giving me an answer, napaiwas lang siya ng tingin mula sa screen. I saw how his cheeks turned red as he held the back of his nape.
"Veroxx?" tawag atensyon ko sa kaniya pero hindi ko siya mapaharap. "Anong ginawa natin sa panaginip mo?" Pero kahit anong tanong ko, ayaw niya talagang sabihin. Ang damot, grabe! Ganito pala siya habang tumatagal?
Mas nakikita ko na ngayon ang tunay niyang kulay ah. Hindi pala puti.
Joke!
Imbes na sumagot, nag-open na lang siya ng panibagong topic. At in fairness, marami naman kaming pinag-usapan— ay, wait... mali pala. Marami pa lang tinanong si Veroxx! Normal naman siyang palatanong pero mas marami talaga kanina.
And I appreciate how he asked me about my other hobbies and passion. Ramdam ko na itong ligawan stage namin, getting to know phase talaga.
No pressure, no expectations, just quality time to familiarize ourselves with each other.
Nararamdaman ko na parang hindi lang basta romantic relationship 'yong mayroon kami eh. We are like... best friends— may kakaiba kaming bond na despite our differences, mas lalo kaming nagiging close, nagkakakilala, at nagkakaintindihan.
"How about we choose Home by Edward Sharpe & The Magnetic Zeros as our theme song?" he requested more so he asked with pleading eyes. Para pa ngang kumikinang-kinang 'yong mga mata niya eh.
P'ano ako makaka-hindi kung ganito siya ka-adorable, 'di ba?
This was new to me.
Hindi ko maiwasang alalahanin na n'ong kami pa ni Tres? Nothing. There was nothing. Call sign? Kanta? Couple shirt? Name it. Wala talaga.
Napangiti na lang ako— a small smile but filled with flowing happiness and emotions.
Sobrang... sarap sa pakiramdam na kahit nanliligaw pa lang siya, pinapakita niya na sa 'kin kung gaano niya ko kamahal. Feel ko, tine-treasure talaga ako ni Veroxx at kung anong mayroon kami. Kasi hindi naman niya maiisip 'yong small things kung hindi eh.
Small things always matter pa naman; dito pa lang, panalo na siya!
Ilang sandali ko pa siyang tinitigan habang hinihintay niya nang sobrang tiyaga ang sagot ko.
Ang sarap titigan! Ang gwapo na nga, amoy pulbo pa ang datingan.
"The one you sang to me?" pagkukumpirma ko habang inaalala 'yong isa sa mga kinanta niya sa 'kin n'ong dinala niya ko sa FEU Diliman.
"Yes," ngiting-ngiti niyang sagot.
Magsasalita na sana ako nang kantahin niya bigla ang chorus ng country folk song na 'yon. Kahit husky pa ang boses niya, ang sarap pa rin nitong pakinggan at ang ayos pa rin ng tono niya.
Natameme na lang ako sa kaniya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ang ganda talaga ng boses mo..." kusa ko na lang naibulong pagkatapos niyang kumanta. Hindi ko na napigilang mapangiti nang matamis.
Matik naman, I saw how his eyes sparkled upon hearing my words. Para tuloy hinaplos ang puso ko dahil sa nakita. Halatang-halata kung gaano niya pinapahalagahan ang bawat sinasabi ko... which is rare for a person.
"Thank you, babi. Is it... a yes?" nangingiti niyang tanong na may bahid ng pag-aalinlangan. Itinaas-baba niya pa ang pareho niyang kilay.
Hindi agad ako nakapag-react. Matik kasing kumalabog ang puso ko pagkarinig na naman ng 'babi' mula sa kaniya.
Who wouldn't? Ang sexy kayang pakinggan!
Pero, nakakapanibago pa rin, yet in a way that I'm happy hearing him call me that way. Bold and without hesitation.
Ilang sandali, tumango-tango na ko bilang sagot. Agad namang lumapad ang ngiti niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. Hiyaw pa nga niya, "Yes, yes, yes!" sabay suntok sa hangin gamit ang kaliwa niyang kamao.
Natawa na lang ako dahil sa reaction niya.
Ginalaw ko ang mga paa ko para makapag-Indian sit. Ipinatong ko ang kaliwa kong siko sa tuhod ko para isandal ang kaliwa kong pisngi sa palad ko.
Napatitig na lang ako sa kaniya.
Hindi ko lubos maisip kung anong ginawa ko sa buhay ko para ma-deserve ang napaka-genuine na si Veroxx...
At least siguro, kahit ang daming problema at sakit na baon ng mundo para sa 'kin, mayroon pa rin naman akong dalawang 'Jiro'. Si Kyle Jiro at si Jiro na pusa ko. They're more than enough. At sana... please naman... sana ay pangmatagalan na 'to.
"Any place in mind that you want to visit?" nangingiti niyang tanong nang mapag-usapan namin 'yong mga lugar na naging shooting locations nila sa iba't ibang palabas at pelikula. At ako naman 'tong parang gaga na tuwang-tuwa habang kinu-kwento sa kaniya 'yong mga dream destination ko.
Hindi kasi ako pala-gala masyado noon kaya wala pa ako masyadong napupuntahan na mga lugar. Isa pa, iniisip ko rin kasi 'yong expenses. Masyadong mahal eh.
At pangalawa, pinagsisihan ko talagang halos uminog ang mundo ko dati kay Tres. Tipong kung nasaan ako, gusto ko ay nandoon din siya. I want the both of us to experience things together. Habang siya? Iba pala ang nasa isip niya...
Bwisit na Satanas 'yon. Grabe talaga. What a walking bullshit.
"You love Philippine nature..." tumatango-tangong kumento ni Veroxx matapos kong magkwento.
At oo, puro sa Pilipinas talaga 'yong mga nasa bucket list ko. Sobrang nakakahanga kasi ang nature ng bansa, lalo na 'yong mga bundok, bulkan, tapos falls. Panalo talaga!
Kung may tinanong man si Veroxx na nanlaki talaga ang mga mata ko? Ayon 'yong, "Do I have a certain attitude that discomforts you?" Kita sa mga mata niya ang pag-aalala at takot.
"Wala 'no!" pagpapakatotoo ko, napalakas pa nga ang boses ko dahil sa gulat at pagtutol. Itinaas ko ang kaliwa kong kilay nang idagdag, "Palagi mo ngang iniisip 'yong comfortability ko. You set the bar so high— ay, mali... you're the standard, Veroxx." Mariin ang pagkakasabi ko sa huli at saka ko siya nginitian.
"Ina-assure ko sa 'yo, Veroxx... you are doing more than enough. Mabait, thoughful, gentleman, at lahat-lahat na!" Itinaas ko ang kamao ko at saka ito ibinuka sa ere na tila ba fireworks.
I saw how his face lightened up. Para pa ngang bituin na kuminang-kinang ang mga mata niya kasabay ng pagpapakita ng kaniyang dimple.
Ang gwapo! May gusto talaga 'to sa 'kin? Totoong-totoo 'to ah? Walang bawian!
Wait, sandali... ngayon ko lang na-realize. Ganito ba dapat ang buhay ng non-showbiz lover? Grabe, pwede naman palang hindi maramdaman na tinatago-tago lang!
"Thank you, babi. I love you," nangingiti niyang saad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Sa sobrang kilig, natawa na lang ako at saka ibinulong, "Gusto kita..." napahinto ako sandali para kumuha ng lakas ng loob. Huminga muna ako nang malalim at saka idinugtong, "...babi."
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Veroxx— talagang nanlaki ang mga 'yon. Namula pa nga ang mga pisngi niya eh, malamang ay hindi niya ine-expect na sasabihin ko 'yon. That was the first time I called him babi since yesterday.
Tukso ko sa kaniya, "Hello, babi?" na nagpabalik sa kaniya sa wisyo. Agad siyang napangiti nang sobrang lapad, talagang hindi na makita ang mga mata niya! Kita ko pa ngang lumalim ang dimple niya eh.
Sobrang saya niya ba?
Napailing-iling na lang ako.
If that makes him happy, huwag siyang mag-alala, uulit-ulitin kong tawagin siyang 'babi'.
Sa sobrang bilis ng oras, hindi ko na namalayang ang dami na pala naming napag-usapan. But what I appreciate the most is how he chose to not ask personal questions.
Pero at some point, napaisip tuloy ako...
"Alam niya kayang birthday ko na bukas?" nagtataka kong tanong sa sarili matapos ang video call namin. Pero inalis ko na lang din agad 'yon sa isipan ko. "Hayaan na..."
Kasi naman, kung hindi niya alam ang birthday ko, eh 'di hindi!
We've only known each other for two months. Anong ie-expect ko? Na marami na agad siyang alam tungkol sa 'kin? Ano siya, walking biography ko, gan'on? Ang alam ko lang... walking green flag si Veroxx.
Napangiti at iling ako dahil sa naisip.
Ang harot mo, Yumi ah! May paganiyan-ganiyan ka na ah...
Pagpasok ko naman sa university kanina, si Alejandro ulit ang naghatid sa 'kin na bagong tabas ang bigote't balbas.
Naiintindihan ko naman na busy si Veroxx kaya hindi niya ko napuntahan, tulad ng sabi niya. Hello? May sarili rin siyang buhay, 'no. At bago pa ko dumating, marami na siyang pinagkakaabalahan.
Higit pa r'on, hindi naman siya obligado na ihatid ako palagi sa university. From QC to Manila? Ang layo-layo! Eh diyan nga lang 'yong university. Ang lapit-lapit lang dito sa bahay! Hindi ko naman siya driver, 'no.
Mahal niya ko at gusto ko siya. Nasa sa kaniya na kung p'ano niya ipapakita ang sincerity niya.
Kaya kapag nag-e-effort talaga siyang pumunta rito? Kahit na ang busy niya dahil sikat siyang artista? Sobrang thankful na ako n'on. At 'yong maisip niya lang na papuntahin si Alejandro dito para sure na safe ako papasok? More than enough na 'yon...
We must learn how to appreciate everything that our loved ones are sacrificing for us. And we must know where the limits fall on. That's the key to a healthy relationship.
Bongga ng linyahan ko, 'di ba? Pang-Miss Universe eh.
Mayumi, 25, from Philippines, napunta na sa walking green flag!
Pag-uwi ko naman kanina, like the usual, naglinis at nagpalit agad ako tapos lambingan time na with Jiro. Oo, pusa ko muna bago ang lahat!
Nagvi-video call din naman kami ni Veroxx from time to time. Putol-putol nga lang whenever he needs to meet and talk to someone. Pagkatapos, tatawag din siya.
Isang beses nang bumalik kami sa pagvi-video call, kitang-kita ko talaga 'yong pagod sa mga mata niya. Tinitigan niya muna ako before he sweetly told me, "You feel like home, babi..."
Matik na kumalabog ang puso ko. Pero hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa problemado niyang hitsura.
I want to ask kung p'ano ako makakatulong pero baka sa trabaho lang kasi ang issue. At ayaw ko rin namang maging uncomfortable siya o mahiya kapag kinailangan niyang tumanggi.
Kaya hindi ko na lang 'yon pinansin. Mas pinaramdam ko na lang sa kaniya na ako ang 'home' niya gamit ang kung saan ako magaling— magdaldal. Ayon, napangiti ko naman siya!
Bago maghapunan, nagpaalam na ko sa kaniyang may gagawin pa ako. Bukod sa hindi talaga uso ang puyatan sa 'min, magche-check pa ko ng mga papel ng students ko.
Hindi pwedeng puro harot lang, 'no! Kailangan ding kumita ng pera para may maipangbili ng pagkain. Mabubusog ba kami sa video call? Hindi naman!
"I love you, babi..." the last words that came from his sweet mouth that fluttered my heart.
I wasn't pressured by him to say those words back kaya kumaway na lang ako bago sinabing, "Bukas ulit, babi!" At tulad kanina, natulala na lang siya na nagpatawa sa 'kin.
Ako na nga ang nagpatay ng call eh. Mukha kasing nawala na siya sa wisyo.
Nang maghapunan na, katapat ko si mama sa mesa habang nasa ilalim naman si Jiro't kumakain. Pero the usual, tahimik lang kami. May mapag-uusapan man, sobrang ikli lang.
"Papasok ka bukas?" tanong ni mama matapos uminom ng tubig na agad kong sinagot ng, "Opo."
Nang matapos magligpit ng pinagkainan, bumalik na kami ni Jiro sa kwarto.
Nilatag ko agad sa kama ang mga yellow paper ng students ko para magsimula na sanang mag-check.
Nakaupo na ko't lahat-lahat nang maka-receive ako ng tawag mula sa unknown number.
Matik akong napakunot-noo pagkadampot ng cellphone ko. Nanlamig pa nga ang mga kamay ko eh. I can't help but get a little anxious. Akala ko kasi... 'yong tatay ko ang tumatawag.
Pagkasagot ko, it was Gel.
She was so sorry for what Ckaye did to me online. She asked for my forgiveness and I felt relieved hearing her words.
Alam ko naman kasing mabuti talaga si Gel. Ramdam kong totoo siya sa mga sinasabi niya. Kaya wala akong dahilan para sumama ang loob sa kaniya.
Kahit nga siya, sumakit din daw ang ulo dahil kay Ckaye. "Gosh! That brat. Pagpasensyahan mo na ah?"
Natawa ako dahil sa narinig.
Kwento niya pa, "Anyway, I visited her today to scold her. Good thing, mukhang nakinig naman. Kapag ginulo ka, sabihan mo lang ako, gorgeous."
Matik akong napangiti dahil sa huling narinig. Doon sa part na magsabi lang ako sa kaniya ah! Hindi lang basta sa gorgeous...
"P'ano mo nga pala nakuha ang number ko? Kay Veroxx ba?" nagtataka kong tanong nang mapaisip kung s'ang lupalop niya napulot ang numero ko.
She stopped for a while before simply telling me, "From a person who's close to me..."
Matapos ang call, nagsimula na kong mag-check ng papers.
Ito, totoo na talaga!
Hindi ko nga lang alam kung ilang oras ang ginugol ko rito. But I had fun reading their works— ang dami ko rin kasing natututunan from different perspectives.
Napapangiwi nga lang ako tuwing nahuhuli kong may nangunguha lang ng info mula sa online. Hindi ko nilagyan ng grade para pagsabihan next meeting. Nakakapagod na para akong sirang plaka, but I need to be patient in reminding them about plagiarism and the consequences it holds.
Dahil kung hindi mako-correct ngayon ang pangunguha nila ng gawa ng iba? This could turn worst in the future...
Humiga ako nang maayos at saka ipinikit ang mga mata ko; yakap-yakap ko pa rin ang unan ko.
Sobrang haba ng araw na 'to, sa totoo lang. Pero kahit gan'on, masaya ako. Masayang-masaya ako na wala na kong nakukuhang bad vibes. Malaki rin talaga ang tulong ng pag-iwas ko sa social media.
Please naman, huwag na sanang madagdagan pa ang problema ko. Masyado na kong marami n'on, hindi ko na kailangang mag-avail pa.
Kinabukasan naman, nagising ako na maganda ang mood. Ganda ba naman ng tulog eh!
Na-bad trip nga lang ako nang ang bumungad sa 'kin pagtingin ko sa cellphone ko... text ni Tres. He sent his greetings at exactly 12 midnight.
Wow ah, ang effort naman? Kailan pa?
Si Satanas 'to
Happy birthday
Napasimangot na lang ako. I quickly clicked the back button para hindi ko na mabasa pa ang previous texts niya.
"Huwag mong hayaang masira niya ang mood mo, Yumi..." pagpapakalma ko sa sarili at saka tinapik-tapik ang dibdib ko.
The next thing I did, I checked Veroxx' messages.
"Tama ang desisyon mo, Yumi," nangingiti kong papuri sa sarili habang nakatitig sa good morning texts niya.
Very good boy
Good morning, babi
Hope u had a great sleep : )
Ingat ka palagi dahil marami pa tayong bubuuing memories!
Akala ko kung ano ng bubuuin eh! Pakaba 'to si Veroxx ah?
Natawa na lang ako sa naisip.
Pero seryoso na, mukhang hindi niya talaga alam na birthday ko ngayon pero dahil sa pagmamadali, hindi ko na nasabi sa kaniya.
Very good boy
Good morning din, babi! Kain ka ng almusal ah. At huwag mo ring kakalimutang gusto kita hehehe.💜💜💜 Ingat!
"Shogal naman magbukas, 'te," reklamo ni Trisha mula sa labas ng kwarto ko. Hindi pa siya nakuntento, talagang kumatok siya ulit ng higit sa tatlong beses.
Anong akala niya sa kwarto ko? CR? Para siyang natatae eh!
Kahit labag sa loob ko, nilagay ko na ang phone sa bag ko at saka dumiretso sa pinto. Padabog ko pa nga 'tong binuksan eh. Para dama niyang nakaabala siya.
Pero siya si Trisha. Magaling maka-spot ng pogi pero hindi magaling makaramdam sa inis ng iba. "Happy kapanganakan day, ate!" ngiting-ngiti niyang bati pagkakita sa 'kin.
Imbes na sumaya, napangiwi ako sa sobrang lakas at tinis ng boses niya. Ang sakit sa tainga! Pwede na siyang maging torotot sa bagong taon niyan eh.
"Thanks," maikli kong pagpapasalamat at saka siya nilagpasan; dumiretso ako sa kusina para mag-almusal na.
Akala ko nga, tatahimik na siya pero nang magsimula kaming kumain kasabay sina mama at Jiro, nagpa-live greetings pa siya!
Ibang klase talaga...
"Happy ang bakla na okay ka naman at healthy," emosyonal niyang panimula habang kunware'y pinupunasan pa ang invisible niyang luha sa ilalim ng mga mata niya. "Happy ako na lumaki kang maganda katulad ko. Kahit ang daming problema, kebs lang! Ang importante ay maganda tayo..."
Matik talagang napaangat ang tingin namin ni mama sa kaniya. Halos manlaki pa nga ang mga mata ko habang akmang isusubo ang Spanish bread eh.
"Kaya dikit ka lang sa 'kin, 'te, para mas maging pretty ka pa!" nakangiti niyang payo sa 'kin sabay turo sa direksyon ko at kindat.
Dahan-dahan ko na lang naisara ang mga labi ko at saka napailing.
Nahihiya akong hindi maintindihan dahil sa pinagsasabi niya. Mukhang ang greetings niya, puro naman papuri sa sarili niya.
No thanks.
Bumalik na lang ako sa pagkain. Takot ko na lang, baka ma-stress pa ako dahil sa kaniya. Birthday na birthday ko pa naman!
"Na-witness ko namang nagbago ka na, 'te. No more rupok! Stay ka lang na ganiyan, huwag kang kikilos," biro niya na siya lang din ang natawa. Hindi na ko nag-abalang tumingin pa sa kaniya.
I heard her make a sound similar to 'hmm' before suggesting, "Pweds ka rin pa lang magbago for a change! Less pikon, kasungitan, at overthinking. Para maging green flag ka rin, tulad ni pogi!"
Kunot-noo akong napatingin sa kaniya pagkasubo ng tinapay. Halos manlisik na nga ang mga mata ko habang nakatitig sa direksyon niya.
Pero hindi siya nagpatinag, tuloy lang talaga siya sa sinasabi niya.
Grabe ang kakapalan ah? Anong kahoy kaya ang ipinanggawa sa mukha niya?
"Waley munang regalo si ninang ah? Ang ambag ko lang ay ganda at pasayahin ka," pagbibiro niya pa na nagpangiti na sa 'kin. Pero agad akong sumimangot para mawala 'yon. Ang kaso, nang madrama niyang sabihing, "Mahal ka ni ninang maging sino ka man," hindi ko na napigilan ang tawa ko.
Sumandal ako sa backrest ng upuan at saka hinawakan ang mug ko. "Kahit wala kang present—"
"Importante ay ang presence ni akes?" ngiting-ngiti niyang singit. Lumapit pa siya sa mesa as she placed both her arms on top of the table.
Parang ewan!
Inirapan ko nga siya sabay sarkastikong sinabi, "Walang present o presence mo, parehong ayos lang."
Matik siyang napasimangot. Halos manlisik pa nga ang mga mata niya eh.
Bahagya siyang tumayo at saka dumukwang sa mesa para hampasin ako. Buti na lang, bumitiw agad ako sa mug at dali-daling umalis sa kinauupuan ko.
Ready na ko, 'no! Sanay na sanay na ko sa galawan niya eh. "Akala mo ah?" nakangisi kong pang-aasar bago inabot ang mug ko para simutin ang Milo ko.
Nang masipsip na pati ang maliliit na tinapay sa dulo, agad kong nilapag ang hawak sa mesa.
Nakatayo na siya't papalapit sa 'kin nang mapansin ko siya. Nagmamadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko at saka isinara ang pinto.
Natatawa akong huminto sa tapat ng damitan. Medyo hiningal ako kaya ilang beses akong nag-inhale and exhale.
When I felt better, naghanap na ako ng masusuot.
I chose a violet fitted tee partnered with jeans. Kumuha na rin ako ng iba pang gamit at saka lumabas ng kwarto.
Nang nasa sala na ko, huminto muna ko at saka tumingin sa paligid. Baka biglang mangdamba si Trisha eh! Mahirap na...
But to my luck, wala siya sa paligid.
"Lumabas," sambit ni mama mula sa kusina kaya napatingin ako sa gawi niya. Nasa may pintuan siya habang seryoso ang tingin sa 'kin. "Nagpa-load ako para 'di ka na labas nang labas, aber. Pa-birthday ko sa 'yo," mahina niyang sambit at saka napaiwas ng tingin.
Halata sa mga mata niya na nahihiya siya't naiilang. "Happy birthday," bati niya at saka naglakad papunta sa lababo.
Napangiti na lang ako dahil sa mga narinig. Parang nabawasan ng isang layer ang boundary sa pagitan namin.
"Thank you, 'ma," sambit ko nang may ngiti pa rin sa mga labi at saka dumiretso sa CR.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top