Chapter 32: Babi
Chapter 32: Babi
Mag-isip ka, Yumi. Mag-isip ka...
"Mayumi?" tawag atensyon sa 'kin ni Veroxx na nagpabalik sa 'kin sa wisyo. Compared kanina, mas nag-aalala na ang boses niya this time. Sobrang lapit pa nga ng mukha niya sa screen eh, para niyang chine-check kung kumusta ako.
Pero hanggang ngayon, nakatunganga pa rin ako sa cellphone ko— kinakabahan at walang maisip na sasabihin. Idagdag pa na ang gulo ni Jiro sa may dibdib ko. Ayaw ba naman kasing tantanan 'yong buhok ko! Nadadala na nga niya ang ulo ko sa higpit ng kapit at lakas ng hatak niya. Parang hindi maliit na pusa eh!
Lalo tuloy akong hindi makapag-isip nang mabuti. Hindi ko alam kung anong ipapalusot ko kay Veroxx kung bakit ako napatawag.
"Are you fine? Shall I go to your place now?" tuloy-tuloy niyang tanong na nagpataranta sa 'kin. Talagang nanlaki nang husto ang mga mata ko!
Tingin kay Veroxx, tingin sa sarili ko, at tingin kay Jiro ang sunod-sunod kong ginawa. Nang maibalik ko ang atensyon kay Veroxx, napansin kong mukhang naglalakad na siya ngayon. Bumilis tuloy lalo ang tibok ng puso ko.
Ang nakikita ko na lang ay 'yong angle mula sa baba niya. Hindi ko alam kung nas'an siya pero mukhang nasa loob siya ng isang building.
I bit my lip out of frustration.
Yumi, mag-isip ka! Anong gagawin mo ngayon? Anong sasabihin mo?!
Kapag sinabi ko kasing napindot ko lang accidentally ang call button, parang masyadong unrealistic! Tipong para akong katulad ng ibang kabataan na para-paraan mapansin lang ng crush nila sa social media, gan'on.
Nagdesisyon na lang akong damputin ang cellphone ko. Muntik ko pa ngang mahulog dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
Habang nag-iisip ng sasabihin, madaling-madali kong inayos ang buhok ko. Nakikipag-agawan pa nga si Jiro. Ang kulit! "Ano, Veroxx..." natataranta kong panimula. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o magpapalusot na lang.
Sa huli, nakagat ko lang ulit ang ilalim kong labi dahil sa kaba.
Huminto si Veroxx sa paglalakad at saka tumingin sa 'kin. Para ko tuloy nahigit ang sarili kong hininga. Dali-dali kong inangat ang cellphone ko para tanging mga mata pataas na lang ang kita niya sa 'kin.
Ano ba 'to! First time na nga lang naming mag-video call, epic failed pa. Si Jiro kasi talaga eh!
"What's happening, Mayumi? Please, tell me..." pagmamakaawa ni Veroxx. Kunot ang kaniyang noo at mukhang frustrated na rin base sa emosyon ng mga mata niya. "Are there reporters outside your house? Is there someone trying to mess with you? Tell me, Mayumi..." Humina ang boses niya sa huli. Kita ko pa ang pagkagat niya sa gilid ng ilalim niyang labi.
Napatungo ako. Sobra akong nakaramdam ng pagkakonsensya.
"I'll talk to you later. Something more urgent came up," seryoso niyang saad na parang hinigit ang hininga ko.
Inangat ko agad ang mga mata ko but only to see that he is facing sidewards, mukhang may kausap siyang iba. I even heard a voice of another person, a man to be exact, answering him, "Call me ASAP."
Sinagot naman 'yon ni Veroxx ng, "Sure," at saka binalik ang tingin sa 'kin.
Hindi ko kayang salubungin ang titig niya kaya napatungo na lang ulit ako. Si Jiro, bumaba na sa gilid ko.
"Sorry kung pinag-alala kita, Veroxx," nahihiya kong bulong sabay kagat sa ilalim kong labi.
Sabihin mo na lang ang totoo, Yumi. Para matapos na 'tong kahihiyan mo at pag-aalala n'ong tao...
"Hindi ko alam na... na natawagan pala kita," pagpapakatotoo ko at saka inangat ang tingin sa kaniya.
Inilayo ko rin nang bahagya ang cellphone ko para mas makita niya ang hitsura ko. Para makita niyang I really feel sorry for pestering him at this time of the day; hindi para makita niya ang gulo-gulo ko pa ring buhok ah!
Napahinga siya nang malalim at saka napapikit. Bahagya akong kinabahan at natakot. Akala ko, nagtitimpi siya ng galit niya but I was wrong when he uttered, "Thank God..."
Nakagat ko ang ilalim kong labi kasabay ng pagdilat niya. "I thought, there was a problem," kalmado niya pang dagdag.
Wala sa sarili kong ipinatong ang isa kong kamay sa binti ko at saka 'yon kinuskos d'on. I feel bad and anxious. Mukhang busy pa naman siya. Inuna niya pa 'to kaysa r'on sa kausap niya. P'ano kung ayon talaga ang urgent? Eh itong ganap ko, hindi naman talaga urgent. Pinag-alala ko pa siya!
Tahimik lang ako habang naglalakad siya. Nakita ko na lang na parang nasa parking lot na siya.
He will glance at me from time to time tapos matamis siyang ngingiti. "Would you like me to go to your place?"
Matik na nanlaki ang mga mata ko at saka naikaway-kaway sa hangin ang isa kong kamay, hudyat na huwag na. "Hala, Veroxx! Huwag na. Nakakahiya na nga 'yong ginawa ko tapos aabalahin pa kita. Wala namang nangyaring hindi maganda eh," tuloy-tuloy kong pagpigil sa kaniya, halos mapasigaw pa nga ako sa sobrang taranta.
Saktong pagbaba ko ng kamay ko sa binti, he stopped from walking as he looked at me directly. "Sure?" pagkukumpirma niya sabay angat ng mga kilay. "Hindi ka naman abala," dagdag niya pa at saka itinaas-baba ang mga kilay.
Napangiti tuloy ako dahil sa narinig. Parang hinaplos ang puso ko sa simpleng assurance na 'yon.
"Sorry talaga ah," sambit ko sabay ngiwi. "Sinilip ko kasi 'yong chat box natin kaso biglang tumalon si Jiro sa 'kin. Kaya ayon, nalaglag 'yong phone ko," pagsasabi ko ng totoo sa malumanay na boses.
His lips formed an 'O' as though he realized what truly happened. "Nilalambing ka?" tanong niya at saka natawa.
Nagsimula na siya ulit maglakad. "Oo," sagot ko. "Ginulo pa nga ang buhok ko!" sumbong ko pa na pareho naming ikinatawa.
Ilang saglit din, pumasok na siya sa loob ng kotse niya. And while I was staring at him, I can't help but feel at ease and happy.
Ang sarap-sarap titigan ni Veroxx at parang kahit ilang oras ko pa ata 'tong gawin, hindi ako magrereklamo eh.
Dapat pala n'ong nagtanong siya kanina, um-oo na lang ako na pumunta siya rito, 'no? Kung hindi lang kasi talaga nakakahiya na nakaabala ako... sayang 'yong chance, Yumi!
"Was there something bothering you?" biglang tanong niya bago isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Natigilan naman ako. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Kaya ka nasa chat box natin?" dugtong niya na nagpaklaro sa isipan ko.
Naikuyom ko naman ang isa kong kamay. Nagda-dalawang-isip ako kung itatanong ko na ba ngayon 'yong gumugulo sa isip ko.
At dahil siya si Veroxx, he always makes me want to be true to myself and honest at the same time. "Tell me if you're comfortable," pag-uudyok niya pa sa napaka-manly ngunit sweet na tono.
Napahinga na lang ako nang malalim bago ko siya nahihiyang tinanong, "Nabalitaan mo na ba 'yong interview ni Gel?"
Titig na titig ako sa kaniya, abang na abang sa sasabihin niya.
Kita ko 'yong pag-ngiti niya na may bahid ng lungkot. "Yes, saw it the very moment the news was released. Does it bother you?" nag-aalala niyang tanong. Kitang-kita sa mga mata niya ang sinseridad na kahit minsan, hindi ata nawala sa mga 'yon.
Marahan akong napatango bilang pag-amin. "Oo... hindi ko maiwasang isipin na ano," nakagat ko ang ilalim kong labi. Attentive lang siyang nakikinig sa 'kin. "Na baka may kinalaman si Gel sa lakas-loob na pagpapa-interview ng... ano... ni Ckaye."
Parang kumirot ang puso ko sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya. Ni hindi ko nga siya matawag na kapatid ko sa ama. Parang... mas masakit 'yon.
Nakita kong tumango-tango si Veroxx, mukhang naghihintay pa siya ng sasabihin ko.
Si Trisha kasi 'yon eh! Siya ang dahilan bakit nag-o-overthink ako nang ganito. Nilalason niya ang utak ko ah!
"Tapos ano," nahinto ako sa pagsasalita at saka nakagat na naman ang ilalim kong labi. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin 'yon pero I did it anyway, "Na sa huli, baka may kinalaman ka rin d'on... o baka may hint ka sa mga galaw nila."
My eyes started to well up as I think of the last thing I am about to say. "Baka these are all for publicity at baka saktan mo lang din ako..." Matik na may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Napatingala na lang ako, pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
I heard Veroxx taking a deep sigh before sincerely apologizing to me, "I'm sorry for making you feel that way, Mayumi."
Naibalik ko ang tingin ko sa kaniya at mabilis na napailing-iling. "Hindi, Veroxx, hindi. Sorry, nag-o-overthink lang kasi talaga siguro ako," emosyonal kong sabi. Nanlalamig na ang mga kamay ko at para na ring pinipiga ang puso ko.
Natatakot ako... natatakot akong baka bigla na lang akong iwasan ni Veroxx pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yon.
Gusto kong mag-sorry at bawiin lahat ng sinabi ko. Naibuka ko na nga ang mga labi ko pero naisara din nang mas dapuan ako ng takot, na baka mas maging dahilan 'yon ng pag-iwas niya.
Napailing-iling ako.
No, please, no. Ayaw kong mawala si Veroxx sa buhay ko!
Kahit kaibigan, masaya na nga ako r'on eh. Basta, rito lang siya sa tabi ko...
"You have all the reasons to doubt me, Mayumi. Your emotions are valid and I understand why you feel that way," kalmado niyang sambit.
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig. Unti-unti na namang namumuo ang luha sa mga mata ko.
"But remember one thing, Mayumi... you have my loyalty. Wala akong kinalaman sa interviews nina Gel at ng pinsan niya. At kapag may nalaman ako? Ikaw ang una kong sasabihan," he assured me as he flashed a sweet smile. Kitang-kita ko ang dimple niya dahil sa ngiting 'yon.
I pressed my lips together as I hold in the tears wanting to escape my eyes. Para kasing mas naging emosyonal ako sa napaka-sweet at thoughtful na sinabi ni Veroxx.
Bakit ba ganito kabuti ang isang 'to?
Kaya... kaya... lalo ko siyang nagugustuhan eh. Kaya... pipiliin at pipiliin kong manatili siya sa tabi ko kaysa sa kung sinong lalaki. Pero sa totoo lang, hindi ko inakalang darating pala ako sa ganitong punto. Malala ka na, Yumi!
Marahan kong inangat ang mga binti ko at saka ipinagdikit ang mga ito. I placed my other arm on top of my toes as I rested my chin on my arm.
Seryoso ngunit kalmado pa rin siya nang idugtong, "Hurting you will never come to my mind, Mayumi. 'Til my last breath, I'll choose to treat you well because you deserved it. I am not doing all these for publicity. Please, remember that..."
Matik na kumalabog ang puso ko. Napangiti na lang din ako dahil sa lahat ng assurance na binibigay sa 'kin ni Veroxx.
Dinagdagan niya pa nga 'yon ng, "And, you're not a mere publicity tool... you are way more important to me than you can ever think of." Wala na! Uwian na talaga.
Hindi ko masisisi ang puso ko sa mabilis na kabog nito ngayon...
I appreciate how he keeps on reminding me that he's more than what I can think of him. At iba siya sa mga nananakit sa 'kin.
Bakit ko ba naman kasi naisip 'yon?! Ayos ka lang, Yumi?
"Mayumi," marahan niyang tawag sa pangalan ko, napakalambing at sarap pakinggan. "Hmm?" nakangiti ko namang tanong.
Ilang saglit siyang tumahimik pero pansin kong mas nagiging intense ang titig niya sa 'kin sa bawat segundong lumilipas. Tila nagsusumamo ang mga mata niya, halatang-halata na may gusto siyang sabihin.
I gave him enough attention para alam niyang nakikinig lang ako.
Mas marahan ang boses niya ngunit mas malambing din nang banggiting, "Ginagawa ko lahat ng 'to kasi... mahal kita, Mayumi... at wala akong balak na saktan ang taong mahal ko..."
Matik kong nahigit ang sarili kong hininga kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. At nang mabagal niyang ulitin ang sinabi, "Mahal... na mahal... kita... Mayumi," hindi ko na napigilan ang lalo pang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Pati ang mga kamay ko, nanlamig at nanginig na lang din dahil sa pagkabigla.
Ano raw? Tama ba 'yong mga narinig ko? Hindi ba ko nananaginip lang nang gising? 'Di ba? Sinabi niya talaga? Na mahal niya ko? Inulit pa nga eh!
Hindi ko alam kung ilang segundo akong natameme pero sigurado akong buong katawan ko na ang nanlalamig dahil sa nalaman. Mariin ko na nga ring naikapit ang kamay ko sa tuhod ko para lang kumuha ng lakas.
Ano, Yumi? Ano na? Mahal ka ng taong gusto mo! Bakit walang lumalabas diyan sa madaldal mong bibig ngayon?
Hala, sandali! Ano bang uunahin ko? Kiligin? Magtatalon? O magbigay na ako ng response ngayon sa kaniya?
Grabe naman, hindi ako prepared para dito!
"Ginulat ba kita?" natatawang tanong ni Veroxx. Halatang nahihiya siya nang umiwas siya ng tingin. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng mga pisngi niya.
Unti-unti, napangiti na lang ako nang sobrang lapad. P'anong hindi? Ang adorable niya kaya! Mas lalo akong... kinikilig. P'anong hindi? Para siyang nahihiyang bata na umamin sa crush niya!
Napahawak pa siya sa batok niya nang mahinang sabhin, "I can't help but be true about my feelings... to assure you that there's nothing to worry about."
Humarap siya ulit sa 'kin at gan'on pa rin ang pisngi niya, kitang-kita pa rin ang pamumula sa mga 'to. "I could have been honest with my feelings with you a long time ago but I don't want to take advantage of your weakest point— when you're experiencing darkness in your life. But I also don't want to lose you by letting you doubt me and my intentions..."
Ibinaba niya muna ang kamay niya mula sa batok bago seryosong sabihin, "I got you and you will always have my loyalty, Mayumi." At dahan-dahan niyang sinabi habang ang mga mata'y tila kumikislap, "You make me fall for you every day, beautiful lady."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang lumapad nang sobra ang ngiti ko. Para akong gaga na natawa pa sa sobrang kilig. Gustong-gusto kong tumili pero ayon ang pinipigilan ko.
Ikalma mo 'yan, Yumi. Ikalma mo!
Napatingin na lang ako sa gilid ko at saka naipikit nang mariin ang mga mata. Damang-dama ko ang kilig na nanalaytay sa dugo ko. Ganito pala mapunta sa tamang tao?
"You don't have to say anything, Mayumi. Naiilang ka ba?" malungkot na tanong ni Veroxx. Agad tuloy akong napadilat, tipong nanlalaki talaga ang mga mata ko, at saka ko siya nilingon.
Kitang-kita kong sobrang lungkot ng mga mata niya kahit nang subukan niyang ngumiti.
Hala! Anong ginawa ko?
He tilted his head to the left and continued asking me, "Hindi ka ba komportable? Pwede naman nating—"
"Hindi!" malakas at mabilis kong tutol. Kunot na ang noo ko.
Anong hindi, Yumi? Parang gaga naman oh!
"Ano..." Napaisip ako bigla. Sabihin ko na rin ba?
Inalis ko na 'yong baba ko sa pagkakapatong nito sa braso ko at saka humalukipkip.
With my eyes open, I counted from one to five.
Say it, Yumi. Say it or regret it forever.
Tinapay na, hahayaan mo pa bang maging bato?
Nanginginig ang mga labi ko nang mabagal at mahinang sabihing, "Gusto kita, Veroxx..."
His face suddenly lightened up upon hearing what I said. Nanlaki pa nga ang mga mata niya, halatang gulat pero sobrang saya ng hitsura niya!
Sobrang lumapad pa nga ng ngiti niya when he leaned forward. "Totoo, Mayumi?!" pagkukumpirma niya. First time kong marinig na lumakas ang boses niya.
Para siyang bata na sinabihan ng nanay niya na isasama siya sa mall, gan'nong level ang saya niya! Hindi ko tuloy napigilang matawa.
Pero hindi naman siguro niya iisipin na napilitan lang ako dahil masyado siyang mabait to turn down, 'di ba? Bakit naman kasi 'yan lang ang nasabi ng madaldal mong bibig, Yumi?!
"Oo nga... ayaw mo ba?" pagbibiro ko na agad niyang ikinailing pero ngiting-ngiti pa rin.
Kasi ako, gustong-gusto ko. Veroxx Ford the walking green flag na 'yan, oh!
"Can't I really go to your place now?" tanong niya sa sabik na sabik na tono.
Gusto kong sabihing 'sige na nga' pero I want to be firm with my decision. Kahit gusto ko rin siyang makita nang personal at mayakap nang sobrang higpit, kailangan niya ng umuwi't magpahinga.
"Uwi ka na sa inyo. Matulog ka," pagtanggi ko habang nangingiti pa rin. Para kaming mga sira na sobrang lalapad ng ngiti.
Bigla siyang nag-pout na ikinalaki ng mga mata ko. Talagang naglaho ang ngiti sa mga labi ko sa sobrang gulat. "Uy! Ano 'yan?" tanong ko at saka napabulalas sa tawa.
May ganitong side pala si Veroxx?! Ang blessed ko naman para makita 'to...
"Can we do a video call tomorrow instead? I have a prior commitment the whole day tomorrow. I won't be able to come to you," nanlulumo niyang saad na nagpatawa na naman sa 'kin.
Ang haba-haba naman ng hair ko! Grabe, Mayumi, ikaw na talaga ah. Si Veroxx, atat na atat kang makita? Wow na wow talaga!
Because... same. "Gusto rin kitang makita pero sure! Video call na lang muna tayo," nangingiti kong pag-sang-ayon, halos mapunit na nga ang mga labi ko sa sobrang lapad nito!
Mabilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi sobrang bilis. 'Yong, sakto lang. Kinikilig na sobrang saya.
Kita ko pang napangiti na ulit si Veroxx dahil sa sinabi ko.
Akala ko, magmamaneho na siya pauwi pero hindi ko talaga kinaya nang magdaldal pa siya nang sobrang bongga! Mas madaldal pa sa normal na madaldal na Veroxx. Natatawa-tawa na lang tuloy ako.
"Can I suggest our endearment?" excited na tanong niya na nagpakunot ng noo ko at saka ako natawa. "Why?" naguguluhan naman niyang tanong.
Hala, ang bilis n'on ah! Ayaw na ayaw lang ako mawala, gan'on? Joke!
"Hindi pa naman tayo ah?" naguguluhan ko rin tuloy na tanong pabalik habang nangingiti at medyo kunot pa rin ang noo. Pati si Veroxx, napakunot na rin ang noo nang inosenteng itanong, "Is it exclusive to couples? I love you and you like me, why can't we have an endearment?"
Parang nahigit ang hininga ko dahil sa pagiging straight forward niya. Natameme talaga ako sa kaniya dahil sa narinig ko.
Nabalik lang ako sa wisyo nang tawagin niya ko, "Babi..." Napaawang ang mga labi ko nang titigan ko siya. Ngiting-ngiti na siya ngayon habang ang mga mata'y nanliliit ngunit kumikinang. "Do you like it? Babi?"
At ang leche kong puso, hindi marunong maki-cooperate! Bigla na lang bumilis nang sobra ang tibok nito.
Kung iisipin, parang mga pambata 'tong endearment-endearment. Pero bakit n'ong si Veroxx na, ang ganda pala sa pandinig?!
I bit my lower lip to calm myself pero hindi epektibo. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang mahina akong mapatili.
"Gusto! Gusto ko, okidoks?" natatawa kong pagpayag nang ibalik ang atensyon kay Veroxx. Halatang-halata ang kilig ko, lalo na nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. P'ano ba naman, sobrang saya niya rin kasi. Narinig ko pa nga siyang napasigaw ng, "Yes! Thank you, babi," sa sobrang satisfied at tuwa niya.
Ilang segundo pa, mukhang napaisip siya bigla. Napaangat sa itaas ang tingin niya at nagseryoso na lang bigla.
Anong mayr'on? May mali ba? Sasabihin niya bang 'ay, ayaw ko na pala'?
Pati tuloy ang ngiti ko, nawala na rin. Unti-unti na nga kong kinakabahan pero naglaho rin 'yon nang mapabulalas ako sa tawa dahil sa sunod-sunod niyang tanong, "How about HHWW? Putting my arm accross your shoulder? Holding your knees? Or other intimate touches, can we do that, babi?"
Nabitawan ko na talaga ang cellphone ko sa sobrang kakatawa ko. Napahiga na nga rin ako sa kama at saka napahawak sa tiyan ko.
He kept calling me, "Babi?" pero lalo lang akong natatawa dahil natatawa ako at dahil kinikilig ako.
Parang gaga!
Nang kumalma, tumagilid ako ng higa at saka dinampot ang cellphone ko.
"Glad you're back," bulong niya. He looked at ease seeing me back on the screen.
Medyo natatawa pa rin ako nang itanong, "Nagpapaalam ka talaga? P'ano kung..." Hininaan ko ang boses ko at saka huminto para may thrill. "... ayaw ko?" Itinaas ko ang isa kong kilay at saka nagseryoso.
But different to my expectation, nag-pout na naman siya sa harap ko! Imbes na magseryoso, napangiti na lang ako nang sobrang lapad. "That would be fine with me. I'll respect your decisions."
Nangingiti ko siyang tinaasan ng kilay. "Eh ba't parang masama ang loob mo?" tanong ko na matik na ikinalaki ng mga mata niya. Kita ko rin ang pamumula ng mga pisngi niya.
"No! I'm not," pagtutol niya na mahina kong ikinatawa. "Kind of sad but seriously speaking, your decision will be respected at all times."
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig. Pero mas na-touch ako nang seryoso niyang sabihing, "I love you and I want to know my limits that's why I asked you. But you know... I will do all possible things to make you feel loved, worthy, and assured."
Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko kaya agad kong iniwas ang cellphone ko. Baka kung ano pang isipin ni Veroxx eh!
Sobrang na-touch lang kasi ako sa narinig. I never heard any of those things until Veroxx came to my life... ultimo itong mga ganitong bagay na kino-consider niya talagang tanungin muna ako... ang sarap lang talaga sa pakiramdam!
Marahan kong pinunasan ang magkabila kong pisngi. Pinaypayan ko pa ang sarili para kumalma.
Nang ayos na, hinarap ko ulit sa 'kin ang cellphone ko. Pero sakto naman nang malambing niyang itanong, "Can I prove to you how important you are in my life? Can I court you, babi?"
Napangiti na lang ako dahil sa narinig.
Veroxx is that kind of man who is gentlemanly and can be private with his life around other people but he can also be sweet, a little territorial, and a hundred percent assurance giver to me in his gentlemanly ways.
"Oo naman," nakangiti kong sagot. "Bakit naman kasi hindi, 'di ba?"
Bigla na lang naging blurry si Veroxx na ikinatawa ko. Parang umaalog-alog 'yong cellphone niya at ang tangi ko na lang naririnig ay ang, "Yes! Yes. Thank you, babi!"
Sa napakaraming problemang dumating sa buhay ko at sa bawat sakit na naramdaman ko, totoo ngang may mga darating pa rin sa buhay ko na magpapasaya sa 'kin. 'Yong sayang hindi ko kinakailangang hingiin o ipagmakaawa dahil kusa 'yong ibibigay...
When he calmed down, he faced me again while smiling from ear to ear. He swore to me, "I'll keep telling and showing you how to be treated right. Every day, babi. Every day I will."
Hindi ko mapigilang mapasabi ng, "Thank you, Veroxx. Thank you for coming into my life." Na agad niyang sinundan ng, "It's thank you, babi. For trusting me and giving me your heart. I'll take care of it the way I take care of you."
Bago magkalimutan, pinanliitan ko siya ng mga mata at saka biniro, "'Yong tanong mo kanina sa HHWW at kung ano-ano pa, yes ang sagot ko r'on ah!" na pareho naming ikinatawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top