Chapter 29: Fruit of sin
Chapter 29: Fruit of sin
Warning: Triggering theme and language are included in this part which may not be suitable for all audiences. May tema at lengguwahe na pwedeng makaapekto sa emosyonal na estado ng tao ang parte na ito na maaaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa.
Umalis ako sa university na walang binibitawan na kahit anong salita.
Ang tanging pumapasok lang sa isip ko, kailangan kong malaman kung anong totoo. At 'yong totoo na 'yon, si mama lang ang makapagbibigay sa 'kin.
"Bayad po," garalgal kong sambit sabay abot ng paper bill sa driver. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagpatak.
Nakita kong sinilip niya muna ako sa rearview mirror. Akma siyang magsasalita pero sa huli, tinikom niya na lang ang bibig niya. Pagkakuha niya ng pera, hindi ko na hinintay pa ang sukli— dinampot ko sa gilid 'yong bag ko at dali-dali akong lumabas mula sa backseat ng taxi.
Pero pagkatayong-pagkatayo ko, muntik na kong matumba dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Buti na lang, nakakapit kaagad ako sa pintuan ng sasakyan.
"Miss? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng driver mula sa loob.
Kahit gusto kong sumagot, hindi ko na nagawa. The lump on my throat is still there; hindi ko mahanap ang boses ko.
Walang lingon-lingon, tinanguan ko na lang siya bago isinara ang pinto. Umalis din naman siya kaagad.
Kaya mo 'to, Yumi. Kaya mo 'to.
Pilit kong pinalakas ang loob ko.
I stood still right before our house's gate for a minute or so before taking a deep breath. Kahit pap'ano, nakatulong 'yon para mai-compose ko ang sarili.
Matapang akong naglakad papasok ng gate.
Pero habang mas lumalapit ako sa bahay, mas lalong bumibigat ang loob ko at bumilis din ang tibok ng puso ko. Kahit luha ko, mas rumaragasa na rin ngayon sa mga pisngi ko.
Takot na takot ako sa kung anong makukuha kong sagot.
No. Hindi 'yon totoo, Yumi. Wala kang dapat ikatakot. Victim nga ng isang lecheng rapist si mama, 'di ba? Trust in her. Believe in her. Wala naman siyang sapat na rason para magsinungaling eh...
Alam kong mahal ako ni mama. Hindi naman niya ako paaabutin sa ganitong edad na naniniwala lang sa gawa-gawa niyang kwento... 'di ba?
Hindi ko alam kung ilang beses kong kinumbinsi ang sarili para lang mapanatag. But for an unknown reason, my heart keeps aching and my mind keeps overthinking.
Marahas kong pinunasan ang magkabila kong pisngi. Pilit kong pinigilan ang luha sa patuloy nitong pagtulo.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, hinanap kaagad ng mga mata ko si mama.
Wala siya sa sala. Wala rin sa kusina. At mas lalong wala sa CR.
Dumiretso na ko sa tapat ng kwarto niya. I quickly reached for the door knob pero napabitiw rin nang marinig ko ang galit ngunit garalgal na boses ni mama. "Ayusin mo 'to, Lenard! Pagsabihan mo 'yang anak mo."
Agad kong naitakip ang mga kamay ko sa bibig ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa muli nitong pagbuhos. And this time, pati hikbi ko, hindi na nagpatinag— malakas at sunod-sunod ito.
Dahil sa narinig ko, parang hindi ko na kailangan ng sagot eh.
Bullshit. A bullshit life filled with lies.
Ano pa? Sino pa? Ilabas na nila lahat! Masaya ba? Masarap ba kong saktan?!
Nanginginig na ang buo kong katawan habang patuloy ako sa pag-iyak. Sa panlalambot ng mga tuhod ko, tuluyan na kong bumagsak sa sahig.
Hindi ko ininda ang sakit. Itinukod ko lang ang kaliwa kong kamay sa sahig upang makakuha ng suporta. Habang nakayuko, panay ang iling ko.
Hindi. Panaginip lang 'to, 'di ba? Hindi 'to totoo!
"Yumi?" Rinig kong nag-aalala na naaalarmang tawag sa 'kin ni mama pagkabukas ng pinto sa harap ko.
Parang mas lalo akong nanghina ngayon dahil sa presensya niya. Hindi ko magawang magsalita o kahit tignan siya.
Tuluyan ng nanlamig ang buo kong katawan. Mas... natatakot ako ngayon. Natatakot ako na 'oo' ang magiging sagot niya.
"Yumi, anak..." naiiyak niyang tawag sa 'kin.
Hindi ko magawang iangat ang tingin ko. Lalo lang din akong naiiyak dahil unti-unti, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng tawag na 'yon.
Lumuhod siya sa harap ko sabay hawak sa magkabila kong balikat.
"Tignan mo ako, Yumi..." pagmamakaawa niya pa sa 'kin sa garalgal na boses.
Hindi ko siya sinunod. Tulala lang ako sa sahig. Wala ng ibang pumapasok sa isip ko.
Sa huling hikbi ko, natanong ko na lang sa nanginginig na mga labi, "Totoo po ba? Totoo ba, 'ma?"
Kahit takot na takot ako, naglakas-loob pa rin akong tignan siya. Pero imbes na sagutin ang tanong ko, mariin siyang napapikit sabay bulong, "Patawad, Yumi..." at sunod-sunod na ang naging paghikbi niya.
Natameme na lang ako. Pinanood ko ang bawat pagpatak ng luha niya.
Hindi ko maintindihan. Bakit sa maling kwento niya ako minulat na para bang maliit na bagay lang ang lahat ng 'to?
All this time... paano niya ako nagawang titigan sa mga mata at kausapin sa paraan na parang totoo ang lahat— na para bang wala siyang tinatago sa likod ko.
"Patawad, Yumi. Patawarin mo ako, anak..." Ilang ulit niyang binitawan 'yon habang nakapikit pa rin. Sa sobrang paulit-ulit, nabibingi ako.
Marahas akong napailing-iling.
Hindi. Hindi!
Imbes na maawa sa kaniya o mahabag sa paghingi niya ng tawad, unti-unti, mas nangingibabaw na ang galit sa puso ko kaysa sa sakit.
Diretso at nanlilisik na ang tingin ko sa kaniya.
Sarkastiko akong natawa. "Eh 'di, totoo?" I can taste bitterness in my tongue as I harshly pressed my lips together.
Napayuko lang siya kasabay ng pagbaba ng mga kamay niya sa mga kamay ko. Hinayaan ko siyang kunin ang mga 'to. She keeps pressing my hands using hers.
Pero kahit anong hintay ko, wala man lang akong nakuhang salita mula sa kaniya.
At 'yong silence na 'yon? Ayon mismo ang sumampal sa 'kin ng katotohanan.
Kusa na lang tumigil ang luha ko sa pagbagsak.
Nanlulumo kong binawi ang mga kamay ko na ikinabigla niya. Agad siyang napatingin sa 'kin; nakabukas na ngayon ang mga nangungusap niyang mata.
"It's all over the internet," nakangising bulong ko, bakas ang pait dito. "Doon niyo po ba nalaman? O... sa iba?" Makahulugan ang tingin na ibinigay ko sa kaniya.
Napaawang ang mga labi niya. Ang mga mata niya rin ay bahagyang nanlaki.
Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko— pinipigilan na mapasigaw dahil sa galit.
Binigyan ko siya ng isa, dalawa, o baka nga limang minuto pa para lang mag-explain eh. Pero, wala talaga...
Out of impatience, I decided to heavily close my eyes to count from one to ten. At kahit pap'ano, nakatulong 'yon para pakalmahin ako.
Pagdilat ko, ako pa ang nagmakaawa sa kaniya. "'Ma... bigyan mo naman po ako ng sagot oh..." Pinilit ko pang ngumiti ngunit nangibabaw lang dito ang pait.
Kahit nanginginig na rin ang katawan niya sa kakaiyak, inayos niya muna ang pagkakaluhod niya bago inihawak ang mga kamay sa magkabila niyang tuhod na natatakpan ng bestida.
She slowly looks down while her tears keep falling on the floor. Nauutal niyang sagot, "Hindi totoong na-rape ako, Yumi. Sinabi ko lang 'yon dahil, ano... dahil ayaw kong mandiri ka sa 'kin," na tuluyang nagpaguho sa mundo ko.
Bumagsak na lang ang balikat ko. Parang... it's game over.
"Baka mandiri ako sa 'yo?" pagkukumpirma ko, sobrang bigat ng loob ko.
When she didn't respond, I automatically clicked my tongue in disbelief.
"Gan'on po ba kababaw 'yong tingin mo sa 'kin?" sarkastiko kong tanong. "Mukha ba kong hindi marunong umintindi? Ah..." napatango-tango ako, "Kasi nga pala may pagka-bobo ako, 'no?" I heavily clenched my fists. "Kaya mas ayos na hayaan na lang akong magalit all these years kaysa magsabi ng totoo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sa huli.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit, yet I can clearly feel the pain enveloping it.
Naiangat niya ang ulo niya. Agad siyang umiling-iling bilang pagtutol. "Hindi gan'on, Yumi. Ayaw lang kitang masaktan—"
"Masasaktan at masasaktan lang din naman ako, 'ma!" singit ko sa sasabihin niya sa nag-aalab na damdamin. Parang umakyat na lang bigla lahat ng dugo sa ulo ko. "Pero alam niyo po ba kung anong mas masakit?" tanong ko sabay angat ng mga kilay. "'Yong hindi ka nagtiwala sa 'kin. I feel betrayed, 'ma. Feeling ko, puro kasinungalingan ang buhay ko!"
Itinuloy ko pa ang pagsasalita, "Ang sakit-sakit lang po kasi... dahil ako? Nagtiwala ako sa 'yo, 'ma, at hindi ako nagduda. Kaya bakit humantong pa ako sa ganitong edad, na parang wala ka talagang balak na sabihin ang totoo tungkol sa buhay natin... at sa mismong pagkatao ko?"
Kahit nanginginig at nanlalamig sa galit ang katawan ko, pinilit kong tumayo. Muntik pa nga akong bumagsak. Naiwan na lang sa sahig 'yong bag ko.
She attempted to reach for my feet pero agad akong humakbang patalikod.
"'Ma..." bulong ko kasabay ng pagtulo na naman ng luha ko. Kahit garalgal na ang boses ko, tuloy-tuloy ko lang na sabi habang nagtatangis ang bagang, "Imagine the pain of his family? 'Yong asawa niya? Anak niya? Tapos kilala pa nila ko? Imagine 'yong reaction nila nang malaman nilang may anak sa labas 'yong walanghiyang lalaki na 'yon!"
I took a pause for a while to breathe. Mabilis, mabigat.
Mas mahigpit ko pang naikuyom ang mga palad ko.
At the end, I can't help myself but snap, "Nanira tayo ng pamilya, 'ma! Nanira tayo ng buhay ng iba..." Tuluyan na kong pumiyok sa huli kong sinabi. At sa sobrang iyak, nanlalabo na ang mga mata ko.
Marahas kong pinunasan ang magkabila kong pisngi.
Tanging naririnig ko na lang ay ang mga hikbi ni mama habang nakatakip ang mga kamay niya sa kaniyang mukha.
I heavily bit my lower lip before taking a walk towards my room.
Nang nasa tapat na, huminto ako. Walang lingon-lingon, sarkastiko akong natawa sabay sabing, "Shame on me." I slowly shook my head. "Palagi ko pa pong ipinapanalangin na sana, magkaroon ng hustisya para sa 'yo. Nag-alala pa ako na baka silently, nagsa-suffer ka dahil sa trauma..."
Mapakla akong napangisi.
"Worst? I prayed to Him to make that bullshit rapist live in hell. Para naman magbayad siya sa kasalanan niya, 'di ba?" Sarkastiko na naman akong natawa sabay harap sa kaniya na nakatingin na sa direksyon ko.
"But look at me..." I placed my hand below my chin as though presenting myself. "Ako pala ang anak sa pagkakasala." Napahinto ako bigla nang tila saksakin ang puso ko ng napakaraming kutsilyo.
Naibaba ko ang nanghihina kong kamay. "Tayo pala ang dapat na magbayad sa lahat ng sakit na idinulot natin sa pamilyang nananahimik sa tabi, ginulo natin."
Iniwas ko ang tingin ko. Ipinokus ko ito sa pinto. Sarkastiko kong sambit, "I can't believe myself... the audacity, right?"
"Yumi, anak, pag-usapan natin 'to..." pagmamakaawa niya sa gitna ng mga hikbi niya. Pero mas pinili kong buksan ang pinto ng kwarto ko. Naramdaman ko na lang ang pagpasok din ni Jiro sa loob.
Kahit gusto ko siyang bitbitin, feel ko, ubos na ubos na ko.
Bago ako pumasok sa loob, nagmakaawa ako sa kaniya, "Please, 'ma, huwag ka na pong tatanggap ng pera mula sa kaniya. Kahit... kaunting kahihiyan naman para sa 'tin."
Humakbang na ko papasok sa kwarto, huli kong pakiusap, "At, 'ma, please po. Huwag niyong gagamitin ang katagang 'rape' para sa kasinungalingan. Wala po tayong alam sa pinagdadaanan nila kahit katiting."
Nang matapos sa sinasabi, padabog kong sinara ang pinto.
Diretso ang lakad ko papunta sa kama. Ni hindi ko na nagawang maglinis o kahit magpalit ng damit sa sobrang draining ng mga pangyayari.
I feel... lost.
Nasa bahay lang naman ako pero pakiramdam ko, nasa gitna ako ng isang magulo, maingay, at abalang kalsada ng Maynila. Tapos... tapos... nawawala ako.
Dumapa ako sa kama at saka ibinaon ang mukha ko sa unan.
I let myself cry hanggang sa wala na kong luhang maiiyak; hanggang maramdaman ko na lang din na unti-unti na kong kinukuha ng antok.
Minaliit.
Niloko ni Tres.
May pananampal issue.
Ilang beses na pinag-piyestahan online.
Tapos ngayon, malalaman ko na hindi na-rape si mama?
Na ipinagsisigawan sa mundo ng totoong anak ng tatay ko na 'yong brutal na babaeng nanampal bigla ay anak ng isang kabit?
Bullshit.
Deserved naman pala lahat ng sakit eh. Gumaganti lang sa 'kin ang mundo— pinapadama sa 'kin 'yong sakit ng panloloko.
Naalala ko tuloy bigla, galit na galit si mama n'ong nalaman niyang niloko ako ni Tres, 'di ba? How ironic.
Napangisi na lang ako.
Ang sakit-sakit lang. Sana alam ng mundo na hindi ko naman 'to ginusto. At mas lalong hindi ko piniling mapunta sa ganitong sitwasyon.
Kung pwede ko lang sabihin na ibalik ako sa pagiging sperm cell, 'di ba? Tapos hindi ako lalangoy palapit sa egg cell...
Pwede ko bang sabihin na, 'Anak lang naman ako... anong malay ko sa kataksilan na 'yon?'
But it seems like... I also need to pay for the mistake that my mother did.
Ayaw ko ng malaman kung p'ano na naman ako iba-bash online. Please naman, pagod na pagod na kong saktan nang paulit-ulit ng mga tao eh.
Tama na...
Napahinto ako nang kumirot na naman ang puso ko.
Bahagya kong inangat ang magkabila kong kamay at saka mariing kumapit sa mattress.
Napaangat lang ang ulo ko nang maramdaman ko ang paw ni Jiro sa kamay ko. Parang hinaplos ang puso ko nang makita ko siyang nakahawak sa 'kin.
Unti-unti, napabitiw ako sa mattress at saka patagilid na inihiga ang ulo ko sa may unan.
"Four more days... happy birthday to me?" Mapakla akong napangiti.
Habang nakatitig sa kaniya, tuluyan na kong nakatulog.
Sana paggising ko, panaginip lang pala ang lahat ng ito. O kaya, paggising ko, malalaman kong nasa isang prank show lang pala ako...
https://youtu.be/R4GJo2pZqWc
"Lord, bring your light to the darkening life of Mayumi. Keep the pain away and calm the raging waves. Please, restore her and fill her life with hope and strength from you." Unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa boses na bumubulong mula sa gilid ko.
Kahit gusto kong dumilat, mariin pa ako lalong napapikit dahil sa liwanag na nakatutok sa 'kin. Ang sakit sa mata.
Hindi kaya... namatay ako habang natutulog?! At itong nagsasalita sa tabi ko ay isang Grim Reaper?
Wait! Hindi naman 'yon ang hiniling ko bago ako natulog ah?
Natigilan ako nang maramdaman ang paghaplos ng daliri ng kung sino sa gilid ng kamay ko. Ngayon ko lang napansin na mariin niya palang hawak ang mga kamay ko.
"I am letting you to take good care of all her worries and problems. Drive her to the right path. Let everything fall into place. Amen." Ayon na ang huli niyang mga ibinulong bago binawi ang isang kamay.
Dahan-dahan kong idinilat ang makikirot kong mata.
Sakto, paglapat ng tingin ko sa taong nasa tapat ko, naabutan ko siyang nagsa-sign of the cross.
Pagdilat niya rin ng kaniyang mga mata, matik na nanlaki ang mga iyon pagkakita niya sa 'kin. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapahawak sa batok niya at mapakagat-labi, mukhang nag-aalangang magsalita.
But when he gained up the courage to speak, he anxiously asked me, "Did I wake you up?"
Napangiti na lang ako kahit pap'ano.
Nakatagilid ako ng higa. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang bukas na bukas na pinto. Doon pala nagmumula 'yong liwanag.
Sa tapat ko ay si Veroxx na nakaluhod sa sahig. Nakaharap siya sa 'kin habang hawak pa rin ang magkabila kong kamay gamit ang kaniya. Sa ilalim ng mga braso ko ay nandoon si Jiro na tulog na tulog.
Kahit nahihirapang magsalita dahil sa nanunuyot na lalamunan, bulong ko, "Hindi..." na agad niyang sinagot ng, "Good," sabay ngiti.
Inangat niyang muli ang isa niyang kamay para pagitnaan ulit ang mga kamay ko. Parang hinaplos tuloy ang puso ko dahil sa gesture niyang 'yon.
Pero hindi ko itatago, hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang bigat at sakit sa puso ko.
Naglaho na lang na parang bula ang ngiti sa mga labi ko. Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko lahat ng problema ko. Out of the blue, tumulo na lang ang luha kong akala ko, ubos na.
Napayuko ako sabay bawi ng mga kamay ko mula kay Veroxx. Marahas kong pinunasan ang mga pisngi ko. "Sorry. Baka sabihin mo ang OA ko—"
"No," kalmado niyang singit na nagpatigil sa 'kin sa sinasabi't ginagawa ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya.
It was his cue to reach for my hands and remove them from my cheeks. Marahan niya 'yong ibinaba sa kama at saka inabot ang mga pisngi ko. He caressed my cheeks with both of his hands.
Nahigit ko na lang ang sarili kong hininga dahil sa ginagawa niya.
"Let your tears flow until you feel better. You can hold onto my hands until you fall back to sleep," he whispered with a small smile on his face. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang nag-aalala niyang titig.
Imbes tuloy na huminto ang luha ko, lalo lang akong naiyak.
Required ata 'to kapag may taong nagko-comfort sa 'tin eh? 'Yong lalong madama ang sakit at lalong maiyak...
"Totoo raw, Veroxx eh..." panimula ko sa nanginginig na mga labi. Patuloy lang siya sa paghaplos sa mga pisngi ko gamit ang pareho niyang hinlalaki. "Totoong kabit si mama at anak ako sa labas..."
Napahinto ako nang may bumara sa lalamunan ko. I can already taste bitterness in my tongue. Pero pinilit ko pa ring sabihin ang nararamdaman ko kahit garalgal na ang boses ko't nanghihina na, "Sobrang sakit, Veroxx. Hindi ko ma-imagine 'yong sakit na dinulot ko sa ibang tao nang ipinanganak ako..."
Napailing-iling ako kasabay ng paghinto niya sa paghaplos ng mga pisngi ko.
Akala ko, sasabihin niyang ayos lang 'yon o kaya ay tahan na yet, instead, he calmly and emphatetically told me, "I understand why you're feeling that way. Your emotions are valid."
Diretso akong napatitig sa kaniya. I felt the goosebumps all over my body.
"Inom ka muna ng tubig?" pag-aalok niya sa 'kin na tinanguan ko naman.
Pinunasan ko muna ang magkabila kong pisngi at saka bumangon. Because he is Veroxx, tinulungan niya pa akong makaupo't makasandal sa headboard.
May kinuha lang siya sa baba bago dahan-dahang tumayo. Pag-angat niya, hawak-hawak na niya ang bottled water.
Binuksan niya muna ito bago inabot sa 'kin.
Nanginginig ang mga kamay ko kaya nang kunin ko 'yon, nakaalalay siya sa ilalim ng bote.
Feel ko, kahit pap'ano, na-refresh ako pagkainom ng tubig.
Si Veroxx na ang nagsara at lapag n'on sa sahig pagkaabot ko sa kaniya.
Tinulungan niya rin akong makahiga muli. Pero tulad kanina, nakatagilid lang ako paharap sa kaniya. Lumuhod na rin siya ulit sa tapat ko.
"Ano kayang mas masakit? 'Yong malaman mong may anak sa labas ang tatay mo o 'yong malaman mong anak ka lang sa labas?" nahihiwagaan kong tanong.
He tilted his head before reaching for my hands. Ipinaloob niya ang mga ito sa kaniya. "Both are painful," sagot niya.
Napatitig ako sa kaniya.
He is really good in comforting other people. Palagi niyang pinaparamdam na valid ang masaktan sa kahit ano pang rason 'yan.
Malalim akong napahinga.
"Ang sakit-sakit, Veroxx. Parang hindi nauubusan ang mundo ng problemang ibibigay sa 'kin. Parang kakalma lang sandali tapos ayan na ulit, may panibagong problemang dudurog sa puso ko. Natatakot ako..." Napahinto ako nang mapaiyak ako't mapahikbi.
Binitawan niya ang mga kamay ko para punasan ang magkabila kong pisngi.
Napapikit na lang ako habang dinadama ang mainit niyang mga palad at ang kirot sa puso ko. "Natatakot ako na may mas isasakit pa pala 'to. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari..."
Napailing-iling ako sabay yuko at dilat muli ng mga mata ko. Pero kahit anong galaw ko, hindi niya binitawan ang mga pisngi ko.
"Hindi ako handang kaharapin lahat ng consequences, Veroxx. At hindi ko alam kung magiging handa ako sa hinaharap," pag-amin ko.
Normally, hindi ako nagku-kwento sa ibang tao, kahit malapit pa 'yan sa 'kin, tungkol sa personal kong buhay. But I told him everything that is hurting me right now— 'yong painful na mga pinagdaanan ko n'ong kami pa ni Tres, 'yong anxiety ko tuwing bina-bash ako online, 'yong takot kong mawalan ng trabaho, 'yong takot ko na hindi na pakinggan ng mga estudyante ko, at itong bagong problema.
Habang nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko, tahimik lang siyang nakikinig. Maya't maya niya lang pinupunasan ang mga pisngi ko. Kapag may pagkakataon, tumatango-tango siya para ipaalam sa 'kin na nakikinig siya at naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Nang mapagod, naipikit ko na lang ang mga mata ko kasabay ng pagtigil ng luha ko.
Inabot niya ang ulo ko. Marahan niyang tinanggal ang tali ko.
Pagkababa ng hawak sa kama, pinasa-pasadahan niya ng palad niya ang mahaba kong buhok. It feels good. Sobrang nakakaantok.
"Breathe and take a rest, Mayumi. There will be problems but you are deserving to be happy." Naramdaman ko ang pagsandal niya sa gilid ng kama ko. "We are here for you..."
Nang tumigil siya sa paghaplos sa buhok ko, ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at saka hinilot-hilot 'yon.
Doon ko lang napagtanto na sumasakit na pala ang ulo ko. Ni hindi ko na 'yon napansin sa sobrang bigat ng nararamdaman ko sa puso ko.
"Feel your emotions," kalmado niyang saad. "You don't have to fight your problems all day. Rest until you know that you are ready to face life. But if things won't go your way... I'm here..."
Natatandaan ko pang napangiti na lang ako n'on bago tuluyang lamunin ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top