Chapter 28: Truth

Chapter 28: Truth

Simula n'ong nanggulo si Tres sa bahay, mas ipinaramdam pa sa 'kin ni Veroxx na hindi niya ko pababayaan.

Talagang hinahatid niya ko sa umaga papasok sa university. He'll drive from QC to Manila to pick me up and send me off to my workplace... he initiated to do it and does it with no complaint.

Something unusual to me yet... it feels unexpectedly good.

Ako na nga lang ang nahiya kaya nagsabi ako sa kaniya na hindi niya na ko kailangang hintayin kapag uwian. Nagsabi ba naman na ibu-book niya na lang ako online?! Todo tutol na ko n'on.

Baka naman kasi mapansin din ng family niya tapos sabihin nila na feeling 'prinsesa' ako. Joke! Alam ko namang hindi sila gan'ong tipo ng tao.

Kaya para lang mapanatag siyang hindi ako guguluhin ni Tres o walang manggugulo sa 'kin na media man o fans, ako na ang nagbu-book para sa sarili ko. Tapos, ise-send ko 'yong screenshot ng details ng driver sa IG account niya.

Pero may mga panahong sobrang busy niya talaga sa taping. Kaya ang ginagawa niya? Papapuntahin niya si Alejandro sa bahay para ihatid ako sa university.

Oo, aaminin ko, nakakahiya talaga kay Alejandro na naaabala pa siya. Pero parehong sinabi ng magpinsan na walang kaso 'yon sa kanila.

Pakiramdam ko tuloy, ka-level ko 'yong kababata ni CA na hatid-sundo rin nila. Sino nga ulit 'yon? Alliah? Alya? Alliyah?

Basta 'yon na 'yon! At in fairness, grabe naman ang haba ng hair ko, 'no?

Thankfully, that kind of setup is working for both of us. And thankfully rin, hindi na umaaligid si Tres bukod sa panay text niya na hindi ko naman binabasa. Manginig siya sa galit!

Love language ba 'yon ni Veroxx? 'Yong protektahan at all cost ang mga tao sa paligid niya?

Love language niya nga rin ata ang maging consistent sa pagche-check sa 'kin through texts eh. Isama pa 'yong pagbibigay niya ng pagkain sa 'min!

Pero hindi ko naman pinapaasa ang sarili ko. Love language can be shown to friends, family members, and others, not just to a lover.

Napangiti na lang ako.

Bahagya akong umayos ng upo paharap kay Veroxx.

He is wearing a black V-neck shirt and skinny jeans. Dapat pala, nag-jeans lang din ako, nag-peach suit kasi ako eh. Partners sana kami. Sayang...

Joke!

Pinagmasdan ko pa nang husto ang kamang-manghang lalaki sa tabi ko.

Kahit seryoso siyang nagmamaneho, ang gwapo-gwapo niya pa rin. Ang bango-bango pa nga eh! Kaya pati kotse niya? Amoy gamit na bagong bili sa mall!

Magkasama kami ngayon because today is November 27. Last day ng two-day annual summit sa university na parte ako. At ngayon din 'yong na-move ng isang linggo na supposed-to-be mall tour nina Veroxx. Para 'yon sa upcoming Sunday noon time show nila sa isang estasyon.

Pero, as requested by the public, instead of holding it in a mall, sa Araneta na raw. Bongga!

Pero kahit maaga ang call time nila sa Araneta? Nakakataba ng puso na talagang dinaanan pa rin ako ni Veroxx para ihatid sa trabaho. Kung tutuusin, napalayo pa siya!

Parang hinaplos ang puso ko sa isipin na 'yon. Mas lalo kong nararamdaman 'yong sincerity and pure intentions niya.

Ang swerte-swerte ko nga naman sa walking green flag na 'to. Tipong nagma-match talaga 'yong words sa actions niya!

Pero kung sasabihin ko 'yong thought ko na 'to sa kaniya? Malamang, sasabihin lang niya na hindi 'yon pagiging maswerte dahil 'yon naman talaga ang deserve ko— which isn't something I can get out of luck, and that it's not luck but a blessing.

"Salamat..." mahinahon ngunit nakangiti kong sambit.

Halatang nabigla siya sa pagsasalita ko out of the blue. Kita 'yon sa nagtataka niyang mga mata nang saglit niya kong lingunin.

"For what?" tanong niya sabay tilt ng ulo pakaliwa, diretso lang ang tingin niya sa kalsada.

I placed both of my hands on my lap. I was finding the right words to say when my heart started beating fast.

Kaya mo 'yan, Yumi. Kaya mo 'yan.

I formed my hands into a ball to gain courage.

Nahihiya ngunit lakas-loob kong sagot, "Sa lahat ng ginagawa mo para sa 'kin kahit hindi naman kailangan. Kumbaga, 'di naman sinabi o kahit pina-require ng teacher pero nag-initiate kang gawin..."

Napangiti siya bigla na nagpalabas ng dimple niya. Matik tuloy akong kinabahan.

Ano kayang iniisip niya? Sa tingin niya ba, ang OA— "Those are the least things that I can do for you," he softly countered while still smiling.

Saglit niya ulit akong nilingon at saka niya ilang beses na itinaas-baba ang mga kilay niya. Halos umawang tuloy ang mga labi ko!

Buti na lang at bumalik din agad ang atensyon niya sa kalsada. Kung hindi, makikita niya 'yong nag-iinit kong mga pisngi.

Agad din akong lumingon sa harap. Para hindi niya ko mahuli, 'no!

Kalma, puso. Kalma.

"Ginagawa ko lang ang dapat, Mayumi. You deserve to be treated right," he added in a serious yet soft tone.

Tuluyan ko nang naisara ang mga mata ko. Para kong nahigit ang sarili kong hininga.

Maghunos-dili ka, Yumi. Ikalma mo 'yan!

I counted from one to ten until my breathing and heartbeat got back to normal. Dumilat na kong muli at saka iniba ang usapan. "Stylist niyo ba 'yong nag-prepare ng mga susuotin niyo mamaya?"

Nang lingunin ko siya, kinilig na lang ako bigla na parang gaga. Pero nilabanan ko 'yon at hindi ipinahalata sa kaniya.

"Yes," mabilis niyang sagot. Ngiting-ngiti pa siya nang magsimula siyang magkwento tungkol sa theme nila, dress code, guests, at kung ano-ano pa.

I carefully listened to him. Parang ang saya-saya niya kasi at mukhang enjoy na enjoy talaga siya sa ginagawa nila.

Pero sa totoo lang, gusto ko talagang isingit 'yong mga tanong ko— kung p'ano niya nasabi na 'those are the least things that I can do for you' at bakit siya ganito kabait. But I didn't dare to ask him those things.

Natatakot kasi akong mag-expect o umasa. At mas natatakot akong baka masyadong mapusok 'yong tanong ko. Baka mamaya, bigla na lang siyang lumayo sa 'kin... which I do not want to happen.

Friends love each other, Yumi. Friends.

It's normal... it surely is for him, the way that it should really be in the first place.

"Back in the days when I was starting, I do all sorts of things," kwento ni Veroxx. He is wearing a small smile; tamang balik-tanaw lang. "Patience is the key to stay in the industry."

Marami raw kasi na after five years tapos hindi pa rin sumisikat, nagche-change career na lang. Hindi naman daw kasi niya masisi 'yong mga 'yon dahil marami rin sa kanilang may binubuhay na pamilya.

"Their love was not enough to pursue their passion. Because there are people who are depending on them; they have to make a decision. Either do what they love or let it be a dream to sustain the needs of their families." Malungkot siyang napatingin sa 'kin.

Nakapula ang traffic lights kaya nakahinto ang kotse.

Habang magkatitigan kami, mas lalo kong nakikita 'yong emosyon sa mga mata niya. At damang-dama ko 'yong kabutihan at sympathy sa mga 'yon.

Sabi niya, hindi lang daw 'yon ang reason kung bakit may mga umaalis. May mga napapagod, may mga pinagkakaitan lang talaga ng oportunidad, mayroon ding nagkakasakit na dahil sa workhours at exposure sa ulan at araw, at marami pang iba.

"There was a time when I waited for six hours to take my less than a minute scene," natatawa niyang chika. Pero ako? Nakaramdam na lang ng lungkot. "Grabe naman 'yon?" nakangiwi kong kumento.

"My parents said the same thing," sambit ni Veroxx sabay taas-baba na naman ng mga kilay niya.

Nakakainis 'to! Masyadong gwapo...

Nag-green na 'yong traffic lights kaya pokus na siya ulit sa pagmamaneho.

Sabi niya, dumating daw siya sa point na pinapatigil na siya ng parents niya kasi naaabuso na raw 'yong katawan niya. Naisip pa nga raw ng dad niya na gamitin ang power and wealth nila but he didn't let them do that.

Thankfully, a few more months, nabigyan na siya ng mas mahabang screen time. Kaya ayon, binuhos niya raw talaga ang best niya.

Then, he was chosen to take the role of a protagonist's best friend in a film. It was a box office that led him to get more projects. Nagkaroon na rin siya n'on ng manager from Grye Entertainment.

Kaso, ang dami raw bawal. "Replying to fans' messages, posting photos with women, and 'dating a non-showbiz woman' are among of the few prohibited things in the contract."

Matik akong napangiwi dahil sa narinig, lalo na n'ong in-emphasize niya pa 'yong panghuli. "Masyado namang nakakasakal 'yon!" kumento ko na tinanguan niya.

Pero n'ong i-kwento niyang pinilit pa nga raw siyang maging sweet sa onscreen partner niya for a couple of months, kumunot na talaga ang noo ko. "Ang OA ah!" singhal ko na ikinatawa niya.

"But I needed to follow them to avoid breach of contract," sambit niya sa gitna ng pagtawa niya. Napasimangot na lang ako.

"After a year or so, people started to recognize my presence," humble niyang kwento na nagpawala ng inis ko. Napangiti na lang ako bigla.

N'ong contract renewal niya raw, sumama na talaga ang parents niya with their lawyers. Napaawang talaga ang mga labi ko!

They had to pull some strings for him to get an exclusive contract. After a series of dialogues with the higher management, his manager named Angeline, and other involved individuals, naging successful naman daw.

But what I liked about it is when he said that he never takes that for granted. He always does his best to make things work for everyone.

"They once offered me to record a song," natatawa niyang chika na nagpataka sa 'kin.

Anong nakakatawa? "You have a good voice," prangka kong kumento. Matik tuloy siyang napatingin sa 'kin pero ibinalik niya rin ang mga mata niya sa kalsada.

He bit the side part of his lower lip before carefully saying, "It's not enough. There are more singers with potential. And they deserve to be heard."

Talagang lumapad ang ngiti ko dahil sa narinig!

"Deserved mo talaga 'yang kasikatan mo eh, 'no," nangingiti habang naiiling kong saad. Bahagyang kumunot ang noo niya, malamang ay nagtataka kung bakit ko 'yon nasabi.

"Ang patient-patient mo, may work ethic, masipag, matiyaga, humble, tapos good role model ka pa sa fans mo. Nakita ko kung p'ano mo iniiwasan na i-tolerate ang fans mo sa fan wars, gan'on," litanya ko.

Napatango-tango naman siya, hudyat na naiintindihan niya where I am coming from with my claim earlier.

"Isn't that the standard?" nagtataka niyang tanong. "The right things to do?"

Matamis akong napangiti.

Masasabi ko talagang lumaki siya nang maayos.

Hindi lang 'yong struggles and stories niya sa journey niya sa industry ang inspiring eh, kundi pati 'yong attitude and way of thinking niya.

Ayon ang sana all!

Parang ang sarap tuloy maging mabait dahil kay Veroxx. Ako na lang kasi talaga ang mahihiya kapag nagmaldi-maldita pa ako. Ang galing kaya ng pag-handle niya ng mga gan'ong encounter namin noon!

Gusto kong matawa sa naalala pero pinigilan ko na lang. I bit my lower lip to supress my laugh.

Nang malapit na kami sa university, nag-suggest siya na sunduin niya raw ako mamaya after ng summit. Pwede naman daw siyang umalis saglit sa Araneta. Nanlaki talaga ang mga mata ko. "Hala!" hindi ko mapigilang react. "Huwag na! Focused ka na lang d'on, mapapagod ka pa niyan eh. Kaya ko naman nang mag-isa," pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Alejandro can pick you up—" Natawa na lang ako na nagpatigil sa kaniya.

"Kaya ko na 'to, Veroxx," I assured him in between my little laughs. "Alam kong nag-aalala ka lang..." Napahinto ako bigla nang ma-realize ang sinabi. Pero mabilis ko 'yong sinundan ng, "Dahil isa kang dakilang concerned citizen. Pero kaya ko na 'to, okidoks?"

Tinaasan ko siya ng kilay para makahingi ng response. Saktong tumigil na ang sasakyan sa tapat ng gate 3 kaya napipilitan niyang sabi, "Fine... I trust you." Napangiti na lang ako. "Thank you, Veroxx. Maayos akong makakarating mamaya."

The whole day has been productive for me. Nakakapagod 'yong sched na 8 a.m. to 12 noon tapos saka lang nakapag-lunch break. Pinabalik din kami ng 1 p.m. at hanggang 4 p.m. na 'yong sched. Pero, worth it naman!

Engaging ang summit at napuno talaga ng insights and discussions.

Pero kahit masaya ako, medyo nainip ako. Atat na atat ba namang makapunta sa Araneta eh! First time kasi kaya nangangati na ang mga paa kong dumiretso r'on.

After a few, nagko-closing remarks na ang hosts. At dahil busy naman ang mga tao sa table namin, nag-cellphone na lang ako to check some updates regarding the event later.

I used a certain hashtag to see related posts on IG.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang dami ng taong nakapila! "Wow," namamangha kong kumento.

Ang dami ko pang nakita. May iki-click sana akong photo pero accidentally kong napindot ang home button.

Napangiwi na lang ako.

May isang nag-load na post na hindi ko alam kung bakit pero may kung anong humahatak sa 'kin na basahin 'yon.

Black lang ang background n'on tapos may iba't ibang captions per photo, tulad ng:

Instead of flowers, he gives you and your family some food.

A man who makes sure you get home safely.

Asks if you have eaten already.

Never raises his voice at you or anyone else.

Chooses to listen carefully before saying anything.

Napatigil ako bigla sa pag-swipe. Napangisi kasi ako. P'anong hindi, si Veroxx 'tong tinutukoy rito eh!

Remembers every detail about you, your likes and dislikes, and the random things.

Reminds you of your worth.

Someone who will allocate time to check on you no matter how busy he is.

Someone who says, "I got you!"

May isa pang photo na natitira. Pagka-swipe ko, natigilan na lang ako bigla. Napaawang ang mga labi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

We did not say a name but there's one man who popped up on your mind. If that man is in your life now, don't let him go. #GreenFlag

Parang bigla akong nawala sa sarili.

Nabalik lang ako sa wisyo nang may magpalakpakan.

Napaangat ang tingin ko sa harap. Binibigay na pala 'yong certificates for guest speakers.

Napahinga ako nang malalim bago ibinalik ang tingin sa cellphone.

Nakita ko ulit 'yong post at hindi ko maiwasang mapaisip... ano ba talaga 'tong nararamdaman mo, Yumi?

Napakagat-labi ako habang dinadama ang tibok ng puso ko. Wala naman akong mahalukay na sagot sa isip ko kaya hinayaan ko na lang 'yon.

I am happy with the relationship that I have with Veroxx. Okay na 'yon. Nothing more, no expectations.

Hinayaan ko na lang 'yon. Umalis na lang ako sa home page. I brought myself to the search button para hanapin 'yong for news related na account ng station kung s'an kabilang si Veroxx. Baka lang may iba pang updates eh.

Pagkadiretso rito, matik na kumunot ang noo ko nang mapansin ang bagong post. Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

https://youtu.be/AnJHA-zvvBY

Stylist Ckaye Vizconde reveals university lecturer who slapped Veroxx Ford as daughter of his father's mistress.

Parang nahigit ko ang hininga ko. Nanginig na lang ang mga kamay ko kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ko. Pati lalamunan ko, unti-unting nanunuyot.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Nablangko na lang ako bigla.

I was hesitating to click the post but I did it anyway. At doon ko nakumpirma... ako nga ang tinutukoy...

Hindi na ko nangahas na basahin pa ang comments ng netizens. I quickly clicked the stylist's account na naka-tag sa post.

Sa hindi malamang dahilan, she sounds familiar to me...

Agad akong nagtingin-tingin sa following niya. Nahinto lang ako nang makita ang pamilyar na pangalan— Lenard Eduardo Vizconde.

Parang biglang huminto ang mundo ko. At sa dinami-raming oras na pwedeng maging matandain... ngayon pa talaga.

Leche naman oh. Leche talaga!

Ano na, Yumi?! Makakalimutin ka, 'di ba? Mahina ang memorya mo, 'di ba?

Pero bakit... bakit...

Memories came rushing back to my head. 'Yong texts at perang natanggap ni mama...

Unti-unti na kong naiiyak. Parang may kung anong sumasaksak sa puso ko. Nanlalamig na rin ako na hindi maintindihan.

Pero, nagpakatatag ako. Tinignan ko 'yong account ng lalaki to check his photos. I saw... I saw his face and his features which are undoubtedly the same as mine.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Kabit? Si mama?

Anak sa labas? Ako?

Nagtindigan ang mga balahibo ko dahil sa sakit at namumuong galit sa puso ko. Tears also started flowing on my cheeks.

Marahas kong kinagat ang ilalim kong labi. Napayuko na lang ako at saka dahan-dahang napailing-iling.

Hindi. Hindi 'to totoo!

Nagpapasikat lang 'yon 'di ba? Gusto niya lang manira ng buhay ng iba? Gusto niya lang makilala ng publiko? Gusto niya lang makisawsaw sa issue kasi kinakagat ng mga tao?

Hindi. Hindi talaga eh! Hindi 'yon totoo.

I know my mother. Hindi niya 'yon magagawa. Siya nga ang biktima, 'di ba?

Leche sila! Bakit ba nila ginagawa 'to?

Mas naging mabilis ang pagragasa ng luha ko sa magkabila kong pisngi.

Naipikit ko na lang ang mga mata ko at mariing napahawak ang mga kamay sa cellphone ko.

Hindi magsisinungaling si mama sa 'kin. She was raped! Ayon ang totoo.

Nanginginig ang mga labi ko. May mga hikbi na nagbabadyang kumawala sa bibig ko. I heard people asking if I'm fine.

Fine? Fine?!

Bullshit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top