Chapter 27: End and beginning
Chapter 27: End and beginning
Natataranta ko silang nilapitan. Kahit nanginginig ako, dali-dali kong hinawakan ang mga kamay ni Tres na nakakapit pa rin sa kwelyo ng shirt ni Veroxx. Pero kahit anong gawin ko, masyadong mahigpit ang hawak niya.
Nakaka-frustrate, nakakaasar, at natatakot na talaga ko.
Kunot-noo kong hinarap si Tres. Mariin kong awat sa kaniya, "Bitawan mo na si Veroxx, Tres! Please naman, tumigil ka na. Wala ka ng ibang ginawa kundi maging isang malaking bullshit. Punong-puno na ko sa 'yo!"
Pero kahit anong salita o hatak ko paalis ng mga kamay niya sa kwelyo ni Veroxx, ayaw niya talagang magpatinag.
I am getting more pissed at him. Tears started to well up in my eyes.
"Mayumi," kalmadong tawag sa 'kin ni Veroxx pero hindi ko siya magawang lingunin. Napayuko na lang ako.
Nahihiya ako sa kaniya dahil sa inaakto ni Tres. At natatakot akong baka tuluyan na kong maiyak kapag tumingin ako sa mga mata niya.
"I'm fine. You have nothing to worry about," pagpapakalma niya sa 'kin.
Inangat niya ang mga kamay niya para tanggalin ang mga kamay ko mula sa pagkakakapit ko kay Tres. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa maibaba niya ang mga 'to.
Kahit pap'ano, nabawasan ang galit at pagiging emosyonal ko dahil sa ginawa niya. He even caressed the sides of my hands which touched my heart.
Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi.
"Don't make a scene. If you can't respect Mayumi, respect her mom instead," kalmado pero may diing kausap ni Veroxx kay Tres.
Inangat ko ang tingin ko sa huli.
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang lalong pagkunot ng noo niya. Humigpit din ang hawak niya sa kwelyo ni Veroxx.
"Manahimik ka. Huwag mo kong mandohan." Nilipat niya ang tingin sa 'kin sabay sabing, "Mag-uusap tayo, Yumi."
I can't help but smile bitterly at him.
Saan niya nakukuha 'yong lakas ng loob para sabihin 'to? At para utusan ako na para bang hanggang ngayon, siya pa rin ang kailangang masunod? Na kahit noon pa man, hindi ko na dapat hinayaan.
Mas lalo niya lang akong binibigyan ng rason para burahin siya nang tuluyan sa buhay ko.
Such bullshit.
Huminga ako nang malalim para pigilan ang nagbabadyang luha ko. Emosyonal ngunit mahina kong sabi, "Apat na taon... apat na taon mo kong pinaglaruan, Tres." Saglit akong huminto nang maalala ko lahat ng panahong nagpakatanga ako para sa kaniya.
Matik kong naikuyom ang mga palad ko.
I can now feel the lump on my throat and I know, tears will start flowing down my cheeks at any minute.
"You had all the time to talk things with me, pero ano? Mas importante para sa 'yo ang career mo. Bakit hindi mo na lang lamunin nang buong-buo 'yang career mo ngayon?" Sarkastiko akong natawa. Pero bakas dito ang pait at sakit na matagal ko ng dala.
This time, bumitiw na siya kay Veroxx. Akma niya kong aabutin pero mabilis akong humakbang patalikod.
Diretso lang ang tingin ko sa kaniya. Para maramdaman naman niyang ayaw ko na talaga at puro galit na lang ang mayroon ako para sa kaniya.
I can taste bitterness in my tongue but it didn't stop me from talking. "Four years was enough, Tres. Nasaktan mo na ko nang husto noon. Minaliit at pinaikot mo pa nga, 'di ba? Please naman, huwag mo ng i-extend. 'Di naman 'to promo eh. I want to be free..." May diin sa huli kong sinabi.
"Alam kong hindi naman nawawala ang sakit at problema sa buhay, at alam ko rin na hindi ko na dapat pang pinapakiusap 'to, pero I want to be free from you, to find peace, and do me. Papasikat pa lang 'yong araw, gising na gising na ako mula sa pagpapakatanga ko sa 'yo." Pumiyok man sa huli, hinayaan ko lang ang sariling luha na tumulo.
Tres tried to reach for my cheeks but this time, marahas ko ng hinampas ang kamay niya.
Mapanakit na kung mapanakit. Wala na kong pakialam.
Siya ba, n'ong sinaktan niya ko nang paulit-ulit, nakonsensya ba siya? Mukhang hindi naman eh. Enjoy na enjoy pa nga siyang magkape sa impyerno habang niloloko ako.
Unti-unti, mas nadadama ko na ang kirot sa puso ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko at mas bumibigat ang dibdib ko.
Hindi naman sa hinihiling ko na bumalik sa kaniya lahat ng sakit na dinulot niya sa 'kin. Pero lahat kasi ng 'to, sapat na bilang rason para huwag ko na siyang hayaang bumalik pa— hindi ko na kailangan ng panibagong rason na sisira sa 'kin nang sobra para lang malaman 'yon.
https://youtu.be/zMnhTKAamtU
Kahit garalgal na ang boses ko, wala na kong pake. Gusto ko na lang ilabas lahat ng salitang tumatakbo sa utak ko. Gusto ko na lang ilabas lahat ng hinanakit ko. "Hindi ka pa ba pagod? Kasi ako? Pagod na kong intindihin ka."
Inangat ko ang kanan kong kamay para duru-duruhin siya sa dibdib niya. "Leche ka, alam mo ba 'yon? Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka pero anong binigay mo sa 'kin? Luha, sakit, at konsumisyon."
Binawi ko ang kamay ko. I heavily clenched my fists out of rage.
Patuloy lang ang pag-iyak ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko pero lakas-loob kong sinaksak sa kukote niya, "Wala na kong balak pang paasahin ang sarili ko na magbabago ka at itatrato mo rin ako nang tama. Dahil ayaw ko ng umasa sa bagay na imposible namang mangyari..."
Marahas kong pinunasan ang mga pisngi ko.
Ang natutunan ko siguro kay Tres? People will change their bad attitudes and behavior if they are willing to.
Sarili lang nila ang makatutulong sa kanila. Pero kung hindi nila kayang maging accountable at alam nilang may mauuwian sila kahit anong mangyari? They will not be urged to improve themselves.
We are just tolerating their bad attitudes by silently hoping for them to change. Sinasaktan pa natin ang sarili natin n'on eh.
Kailangan nilang magising sa katotohanan kahit sa hardest way pa 'yan. Hindi pwedeng palaging pinapatawad at hinahayaan na lang.
No. Hell no!
"Yumi naman, pakinggan mo naman 'yong sasabihin ko. Puro ikaw eh—" Sarkastiko na naman akong natawa na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita.
Napangisi na lang ako habang umiiyak pa rin. "Kung ayaw mong aminin na kayo talaga ni Rizzi o may nakarelasyon kang iba habang tayo pa, kahit huwag mo na lang ipilit ang sarili mo sa 'kin, please? Nakaka-cringe kung p'ano ka umaktong parang wala kang ginawa behind my back at parang ang buti-buti mong jowa eh."
I paused for a while to let myself take a few sobs. Muli kong marahas na pinunasan ang magkabila kong pisngi. I gave him a wistful smile afterward.
Pagmamakaawa ko, "Please, Tres, let go of me... kung minahal mo talaga ako kahit kaunti lang, palayain mo na ko. Hayaan mo naman akong sumaya. Hayaan mo naman akong magkar'on ng peace of mind. Kasi alam ko, hindi ko 'yon makukuha hanggang nandiyan ka."
He harshly closed his eyes as he intensely rubbed his tongue against his cheek in circles.
Bigla akong dinalaw ng kaba dahil sa hitsura niya. Nanlambot din ang mga tuhod ko.
Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa 'kin. He is Tres and he is capable of hurting anyone.
Kinapit ko ang mga kamay ko sa laylayan ng pang-itaas ko. Para makakuha ng lakas.
Kahit medyo nanginginig ang boses ko, sinabi ko pa rin sa kaniya nang dumilat na siya, "Minahal kita nang buong-buo, Tres. Ngayong ayaw ko na sa 'yo, huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa 'kin. I want you away from my life. Wala tayo sa teleserye, hindi ako ang endgame mo sa tagal man ng paghahabol mo."
Huminga ako nang malalim kasabay ng pagtigil ng luha ko sa pagtulo.
I tried giving him a wistful smile again. "Pwede ring nasa isang drama na teleserye tayo. Pero sa ilang taon nating magkasama? Hindi mo pinaramdam sa 'kin na maging bida... you made me feel like an ugly rug and insecure antagonist who wants to please you all the time. Pero bilang antagonist? Ito na 'yong peak siguro ng character development ko."
Tinapos ko ang litanya ko sa pagbitaw ng, "Indeed, our story is just like any other drama series— it has an end. As an actor, I believe that you know when it's already time to stop acting and making up scenes."
Akala ko, sa hinaba-haba ng sinabi ko, may maiintindihan naman siya kahit pap'ano. But Tres always have nothing to do but disappoint me.
Tinaasan niya ko ng kilay. "Sige nga, p'ano 'yong video mong kumalat n'ong nakaraan?" mariin niyang tanong na tila nagbabanta pa.
Napaawang na lang ang mga labi ko sa gulat. Parang bigla na lang akong natameme at natigil na lang ang mga tumatakbo sa isip ko.
"Tama na sabi, pare," saway ni Veroxx kay Tres. Kalmado man ngunit dama ko ang galit sa boses niya.
Pumagitna siya sa 'min ni Tres at saka hinawakan ang isa kong kamay. Napunta na lang d'on ang tingin ko.
"Ma'am, alis na po kami. Ihahatid ko na po siya. Mag-iingat po ako sa pagmamaneho," magalang niyang paalam kay mama.
May sinasabi pa si Tres pero wala na sa kaniya ang atensyon ko. Nasa mga kamay na lang namin ni Veroxx na mariing magkahawak.
Umalis lang sandali sa harap namin si mama at pagbalik niya, dala na niya ang bag ko. Inabot niya 'yon kay Veroxx pati ang cellphone ko.
Wala akong imik hanggang sa maglakad kami ni Veroxx paalis ng bahay habang... magkahawak-kamay pa rin.
I can't help but glance at him and back to our hands, lalo na nang i-intertwine niya ang mga daliri namin. Matik na kumalabog ang puso ko.
Hindi ko kailangan ng tulong niya, ni hindi ko hiningi ang tulong niya. Pero nandiyan si Veroxx para protektahan ako anumang oras.
It feels like I am a princess in a fairytale but more than that— he wants me to be strong and be myself but he is just there whenever I need help. He is willing to protect me from anyone.
Pagkapasok ko sa kotse niya, nakangiti niyang inabot sa 'kin ang mga gamit ko at siya na rin ang nagsara ng pinto.
Ilang segundo ko rin siyang tinitigan hanggang makapasok siya. He looks like an angel in my eyes.
Kahit nagda-dalawang-isip, tinanong ko pa rin siya, "Galit na galit si Tres... ba't mo ginawa 'yon?"
Hinarap niya ko habang nakahawak ang isang kamay sa manibela. Medyo nagtataka siya, kunot ang kaniyang noo nang itanong, "Which one?"
"Pinagtanggol mo ako..." nahihiya kong sagot.
Matik siyang napangiti at saka inabot ang buhok ko para marahang guluhin.
He sweetly answered, "Ain't you deserve that? Ayaw kong binabastos ka, Mayumi."
Parang hinaplos ang puso ko. I feel at ease hearing those words from him.
Matamis akong napangiti.
Binigyan na naman niya ko ng rason para lalo siyang hangaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top