Chapter 26: Respect

Chapter 26: Respect

"Buti at 'di na bumalik ang demonyo mong ex, aber." Matik na natigil ako sa pagtu-toothbrush nang marinig si mama.

Agad ko siyang nilingon na nasa mesa na pala't nakaupo. Poker face lang siya habang nagtitimpla ng kape niya at Milo naman para sa 'kin.

Tinanggal ko sa bibig ko 'yong toothbrush at saka nabubulol na sinabi, "Baka busy po... ako nga, busy eh."

Humarap na ko sa lababo at saka nagpatuloy sa ginagawa. Naidura ko nga lang bigla ang nasa bibig ko nang kontra niya, "Ikaw, busy? Ano, busy kakatungo sa cellphone mo?"

Dali-dali akong nagmumumog at hinugasan 'yong toothbrush ko. Nang matapos, umupo kaagad ako sa tapat niya.

Grabe! Bakit naman biglang sa 'kin na binunton 'yong galit?

Late man pero dinipensahan ko pa rin ang sarili. "Grabe ka naman sa 'kin, 'ma. Sobrang hectic po kaya ng schedule ko. Isang buwan na lang, matatapos na ang sem. Ang dami ko po kayang lessons na kailangang habulin tapos panay pa ang check ko ng papers ng students ko."

Natigil siya sa pag-inom niya ng kape. Seryoso siyang napatingin sa 'kin.

Nang maibaba ang mug sa mesa, tinaasan niya muna ko ng kilay bago sarkastikong tinanong, "Talaga ba? Para namang 'di kita nahuhuling panay labas ng bahay, aber."

Natameme ako sa narinig. Umawang pa nga ang mga labi ko na agad ko namang sinara.

Hindi ko alam kung bakit pero bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko.

Ano ka ba naman, Yumi! Ano namang masama kung lumalabas ka? Wala ka namang ginagawang kung ano!

Uminom muna ulit siya ng kape bago niya ko tinignan.

Nakataas ang kilay niya nang mapang-asar niyang itanong, "Nagpapa-load ka, 'di ba? Ano, pinapayaman mo 'yong may-ari ng tindahan, Yumi?"

Matik akong napangiwi dahil sa narinig.

Minsan, napapaisip na lang ako eh. Nilalagyan ba ni mama ng tracker ang damit ko? Parang lahat ng ginagawa ko, kahit hindi ko pa sinasabi, alam na niya eh!

Hindi na lang ako kumibo. Ininom ko na lang 'yong Milo ko. Thankfully, nakatulong 'to para mabawasan ang kaba ko.

Nang maubos, binaba ko na ang mug sa mesa. Habang si mama, tumayo na siya para pakainin si Jiro.

Kumuha lang siya sa kaserola ng sapat na chicken at saka nilagay sa food bowl. Bumalik din siya rito sa mesa para dito maghimay.

Napatingin ako sa paanan niya nang makarinig ng sunod-sunod at malakas na 'meow' mula kay Jiro. Matik akong natawa nang makitang kinukuskos na niya ang sarili sa paa ni mama.

"Naglalambing kasi gutom na," nangingiti kong pang-aasar kay Jiro.

Napaangat lang ang tingin ko kay mama nang utusan niya ko. "Bumili ka nga ng noodles sa tindahan, Yumi. Tutal ay panay naman ang labas mo nang magkaroon naman ng silbe."

Napakunot-noo ako dahil sa narinig.

Bakit naman kung utusan niya ko, kailangan pang may kasamang lait?

At saka, wait lang ah. Kaninong pera ang gagamitin?

Lalo tuloy kumunot ang noo ko dahil sa naisip.

Nang matapos siyang maghimay, nilapag na niya 'yong food bowl ni Jiro sa sahig; agad namang kumain ang huli.

Hinintay ko muna si mama na tumingin sa 'kin at saka ko siya pinaalalahanan, "Nakaka-UTI po kaya ang noodles." Ginawa ko pa ang best ko para magtunog persuading. Pero... hindi effective.

Agad na nanlisik ang mga mata niya. Nagpameywang din siya gamit ang isang kamay; ang isa pa ay nakaturo sa 'kin na para bang ready na siyang palayasin ako.

"Pinapabili ka lang, Yumi ah!" bigay todo niyang sigaw sabay turo sa sarili. "Ako naman ang magbabayad, aber! Kapag ako? Lumabas ng bahay? Sinasabi ko sa 'yong bata ka." Ipinameywang niya na rin ang isa pa niyang kamay. "Huwag kang kakain. Pumasok ka sa trabaho mo na gutom!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Parang nablangko ang utak ko nang ilang segundo.

"Joke lang po 'yon!" mabilis kong bawi sa naunang sinabi.

Natataranta akong tumayo, halos matalisod pa nga ako sa upuan. "Saan po ako kukuha ng pera?"

Inirapan niya muna ako sabay ipinagkrus ang mga braso. Mataray niyang sagot, "Sa wallet ko!"

Tumango-tango na lang ako at saka pumunta sa kwarto niya. Takbo-lakad ang ginawa ko.

Simula ata n'ong nagka-air con kami, masyado na siyang ingat na ingat na 'wag mangitim 'yong balat niya! Lalabas lang ata siya kapag papasok sa trabaho eh.

Nang makapasok na sa loob, dumiretso ako sa tapat ng bedside table niya. Hinatak ko 'yong unang kaha at bumungad naman sa 'kin ang mahaba at kulay yellow na wallet.

Pagdampot ko nito, bumalandra sa 'kin ang wallet size na litrato. Medyo luma na 'yong kulay, tipong pang-90s, gan'on. May mga dumi na nga rin 'yong mismong picture na parang patak ng kape. Kaya hindi na ma-visualize masyado kung sino 'yon.

Basta, isang lalaki at isang babae ang nandoon. Mukhang mga dalaga at binata pa sila.

Hinayaan ko na lang. Ang goal ko ay makabili agad ng noodles dahil kung hindi, baka pumasok talaga akong walang kain!

Wala pa namang stock sa ref dahil hindi pa kami nakakapag-grocery. At ayaw ko namang magastusan kapag sa labas kumain, 'no!

Sabi nila, 'good morning mo pa lang, busog na ko', pero parang 'di naman totoo 'yon. Hindi naman ako nabubusog tuwing sinasabihan ako n'on ni Veroxx sa araw-araw. Baka kasi nagugutom ako lalo dahil sa pa-'eat well, beautiful lady' niya?

Napangiti ako bigla nang maalala ang huling message ni Veroxx sa 'kin kanina.

Pap'ano ngayon 'to, eh 'di nagmumukha na akong mayabang nito?

Hala! Ito 'yong natututunan ko sa socmed noon eh.

Napailing na lang ako.

Kailan kaya ulit kami magkikita? Ang tagal na rin n'ong pumunta kami sa kanila eh.

Parang... miss ko na siya.

Tama na nga ang kaharutan, Yumi!

Kumuha na ko ng dalawang barya na veinte pesos at saka ibinalik sa kaha ang wallet. Sinara ko rin 'yon agad at saka takbo-lakad na lumabas ng kwarto.

Saktong pagbukas ko ng pinto, hahakbang na sana ako palabas ng bahay nang matigilan ako. Matik ding nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Yumi," nakangising tawag sa 'kin ni Tres mula sa tapat ng gate namin. Nakasandal siya sa gilid ng hood ng kotse niya, suot ang kulay abong chino shorts at puting T-shirt.

Agad na kumunot ang noo ko kasabay ng pagkulo ng dugo ko.

Hindi na ko nag-aksaya pa ng laway para kausapin siya. Sinara ko agad ang pinto.

Napasimangot na lang ako at saka dumiretso sa kusina.

Naabutan ko si mama na naglilinis na ng mesa.

Nilapitan ko siya at mukhang naramdaman naman niya ang presensya ko. Inangat niya ang tingin sa 'kin at saka kunot-noong napatitig sa kamay ko. "'As'an ang noodles?!"

Lalo akong napasimangot nang ibalita, "Abort mission, 'ma. Nandiyan po si Tres sa labas."

Pagtingin niya sa mga mata ko, mas kumunot pa ang noo niya. "Napakaperwisyo talaga n'on!" nagtatangis-bagang niyang kumento na sinang-ayunan ko naman. "Sinabi mo pa, 'ma! Nakakairita talaga. Ang aga-aga, naninira ng mood!"

Medyo padabog kong hinatak ang upuan at saka ito inokupa. Binaba ko na rin ang hawak na mga barya sa mesa at saka sumandal sa backrest ng inuupuan.

Naipagkrus ko na lang ang mga braso ko habang nakasimangot pa rin.

"Magpi-prito na lang ako ng itlog. Scrambled na lang para madali," pag-iimporma ni mama sa 'kin, naiinis pa rin 'yong tono niya.

Who wouldn't, right?

Kumalma nga lang ako nang lapitan ako ni Jiro sa may paa ko. Matik akong napangiti na parang walang Tres na sumira ng umaga ko.

Dumukwang ako sa ilalim ng mesa at saka ko kinarga ang pusa ko. Nilagay ko siya sa lap ko para lambingin.

Nang makapaghain na si mama, sinabi kong ako na lang ang maghuhugas mamaya ng plato na agad niyang sarkastikong sinagot, "Siyempre! Ano ka, prinsesa? Kakain at aalis na lang, aber?"

Napangiwi ako.

Dapat hindi na nagtataka si mama kung bakit ganito ako eh. Halatang-halata namang carbon copy niya lang ako.

Binaba ko na si Jiro at saka kami kumain. Pero pinanganak talaga ata si Tres para mambwisit ng iba. May kumakatok na ewan sa gate tapos kahit nasa sala ang phone ko, rinig ko ang pag-ring n'on.

Kakain na nga lang kami't lahat-lahat, maninira pa siya ng mood!

"Bakit 'di na lang umalis ang isang 'yon?" reklamo ni mama pagkainom ng tubig. "Ang sarap ipa-blotter, aber!" Hinampas niya pa ang mesa na medyo nagpagulat sa 'kin.

Buti at hindi naman kalakasan kaya hindi naman nagulat si Jiro.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain kahit panay tawag ng kung sino. Malamang, si Satanas lang 'yon! Naiinip siguro sa labas.

Bahala siyang manigas at manggalaiti r'on.

Pagkatapos namin ni mama mag-almusal, tumayo na ko para sana magligpit ng pinagkainan. Pero inutusan niya muna kong paalisin si Tres.

Magpo-protesta pa sana ako pero bumalik na si mama sa kwarto niya kasama si Jiro. Eh 'di wala na kong nagawa!

I clicked my tongue in so much annoyance.

Nakakaasar talaga 'yan si Tres!

Bago maghugas, pumunta na lang muna ko sa labas para pagsabihan si Tres.

Pagkabukas ko ng pinto, bigay todo kong sigaw, "Pwede bang umalis ka na! Nakakabulabog ka—" pero natigil ako sa pagsasalita nang may mapansin. Naiwan na nga ring nakaawang ang mga labi ko.

"Good morning, Mayumi," nakangiting bati ni Veroxx mula sa labas ng gate.

Nawala na lang bigla ang inis ko. Matik ding kumalabog ang puso ko.

Nang mabalik sa wisyo, napalunok na lang ako ng sariling laway.

Ilang segundo rin akong natameme lang— nakatingin kay Veroxx na kahit malayo, naaamoy kong bagong ligo siya.

He's wearing a black V-neck shirt partnered with gray trousers. Napakalinis din ng pagkaka-brush up ng buhok niya. Naka-shades pa siya kaya nagmukha tuloy siyang amo na magpapasweldo.

Nakagat ko na lang ang ilalim kong labi.

Ang gwapo...

"You told me last night that your first class today is at nine o'clock," he said in a manly yet soft voice. Medyo nag-aalinlangan siya nang itanong, "Can I send you to work?"

Nanlaki talaga ang mga mata ko nang marinig 'yon. Parang siya na lang bigla 'yong nakikita ko at nangingibabaw na lang din ang malakas na tibok ng puso ko.

Bakit ba napaka-attentive niya sa lahat ng sinasabi ko?

Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko dahil sa kaba at pagkataranta. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, to be specific, paano ako sasagot!

Nauutal kong sabi, "Sige, sige, pasok na!"

Hindi naman naka-lock 'yong gate kaya tuloy-tuloy ang lakad ni Veroxx. At ang magaling na Satanas? Siniko pa si Veroxx para mauna siyang makapasok!

Nakasimangot akong gumilid para makadaan si Tres. Pero nang makapasok na rin si Veroxx, napangiti na lang ako.

"Ano 'yan, Yumi? 'Di ba ang sabi ko, paalisin mo na 'yan?!" galit na galit na saway sa 'kin ni mama pagkalabas mula sa kwarto niya.

Napangiwi ako. Pasimple kong inangat ang kamay ko para ituro si Veroxx na nasa bungad lang ng pintuan.

Kunot-noo niyang tinignan ang tinuturo ko. At nang masulyapan niya si Veroxx, agad siyang napangiti, halos kuminang pa nga 'yong mga mata niya eh.

"Oh! May napadalaw pa lang anghel," kalmado na niyang sambit, ang lapad-lapad na nga ng ngiti.

"Good morning po," magalang na bati naman ni Veroxx. Sinara lang ni mama ang pinto ng kwarto niya at saka naglakad papunta sa tapat ng kausap. "Good morning din!" bati ni mama pabalik.

Nakita kong nakatingin lang si Tres sa dalawang nag-uusap, bahagyang nakakunot ang noo niya. Napangiwi na lang ako.

Dapat kasi, alam na niya kanina pa lang na exempted siya sa pinapapasok ko! Parang hindi naman siya nasanay. Alam naman niyang banned siya rito sa bahay!

Kinalabit ko si mama kaya agad siyang napatingin sa 'kin. "Bakit?" tanong niya, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi.

Humakbang naman ako palapit sa kaniya bago inilapit ang mukha ko sa tainga niya. Bulong ko, "Ikaw na po ang bahala sa kanila ah? Ikaw na rin po ang bahala kung p'ano si Tres. Liligo at magbibihis na po ako."

Ngiting-ngiti siyang tumango bago rin inilapit ang mukha sa tainga ko. Mayabang niyang sagot, "'Yon lang pala, aber," na dinagdagan pa ng, "Kuskusin mo nang husto ang katawan mo nang walang libag na maiwan."

Napangiwi na lang ako. Baka marinig pa siya ni Veroxx eh!

Tinalikuran ko na sila at saka dumiretso sa kwarto ko.

Kumuha lang ako ng gamit kasama ang makeup kit ko pati damit— black rib knot na pangtaas, high waisted jeans, at saka pumps.

Hindi ko ginagaya 'yong kulay ng OOTD ni Veroxx ah! Ito lang kasi 'yong nasa taas ng damitan ko.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sina Veroxx at Tres na nakaupo sa sofa. Nginitian pa nga ako ni Veroxx kaya ngumiti naman ako pabalik.

Si mama naman, naabutan ko sa kusina, nililigpit 'yong pinagkainan namin.

Napangiwi ako. Hindi ko na pala naayos 'yon! "Bawi ako next time, 'ma," nagmamadali kong saad at saka dumiretso sa CR. Hindi ko na narinig ang sagot niya.

"Naka-sando at shorts nga lang pala ko," nakasimangot kong puna nang nagsimula nang maghubad. "Hayaan na nga! For sure, 'di naman pinapansin ni Veroxx 'yong mga ganitong bagay," pagpapalubag-loob ko pa sa sarili.

Kung may 'Best in Pagligo' lang, baka nakuha ko na ang award na 'yon. P'ano ba naman, todo kuskos, shampoo, at conditioner ako.

Mabango naman ako araw-araw at hindi naman sa nagpapa-impress ako ah, nakaka-inspire lang kasi 'yong pagiging malinis ni Veroxx. Sobrang layo n'on sa fact na dati, tuwing kasama ko si Tres, nako-conscious ako sa hitsura ko.

Pagkatapos maligo't magpunas, nagsuot na ko ng damit. Dito na rin ako nagsuklay, nag-ponytail, at nag-apply ng light makeup.

Bago lumabas, inabot ko muna ang maliit na salamin sa unang layer ng aluminum shelf rack. Nakadikit 'yon sa pader.

Nang makita ang repleksyon ko, satisfied naman ako sa hitsura ko.

Those thick eyebrows, long lashes, brown eyes, sharp nose, and pinkish lips.

Okidoks na!

Binalik ko na ang mga hawak sa shelf rack at saka inayos ang ginamit kong damit at tuwalya bago pumunta sa sala.

As my eyes spotted Veroxx on the sofa, I can't help my heart but feel happy.

Kausap niya si mama, magkatabi sila; wala na iyong shades niyang suot kanina. Habang si Tres naman ay nakatayo na't nakasandal sa may pintuan.

Na-evict sa sofa ni mama?

Napairap na lang ako sa kaniya kahit hindi siya nakatingin.

When I glanced back at Veroxx, he is already looking at me. Nawala na lang na parang bula ang inis ko.

"You're stunning," bungad na puri niya sa 'kin; matik akong napangiti. "Hatid na kita?" mahinahon niya pang tanong at saka tumayo.

Nakaramdam ako ng hiya pero kilig na kilig din naman ako sa loob-loob ko. Sasagot na sana ako nang maiwang nakaawang ang mga labi ko, bigla kasing sumingit si Tres!

"Nauna akong dumating," mariin at kunot-noo niyang saad.

Pati tuloy ako, napakunot-noo na rin.

Ano? Contest lang? Ayuda? Pabakuna? Walang first come, first served dito! Mauna o mahuli siya, wala akong pake.

"Ihahatid kita," hambog na pahayag ni Tres.

Para talagang nagpantig ang mga tainga ko dahil sa narinig. I can't help but grit my teeth in disbelief.

Mariin ko munang ipinikit ang mga mata ko at saka nagbilang hanggang sampu.

Kalma, Yumi. Kalma.

Huminga rin muna ako nang malalim bago muling dumilat.

Nakatayo pa rin sina Veroxx at Tres habang si mama ay nakaupo sa sofa. Nakatitig silang lahat sa 'kin. Si mama, dahil hindi siya nakikita ng dalawa, pinorma pa talaga na pa-'X' ang kaniyang mga braso sabay tingin kay Tres; hudyat na ayaw niyang sumama ako sa lalaki.

Kahit natatawa ako, napailing-iling na lang ako. Sa hitsura niya ngayon, para siyang prenteng nanonood ng palabas!

Pinilit kong kumalma nang tignan ko si Tres. Pero seryoso ako nang isaksak ko sa kukote niya, "Klinaro ko na sa 'yo noon, Tres, na ayaw na kitang makita. Ano bang mahirap intindihin d'on? Bakit ka ba habol nang habol? Tapos na 'yong karera, wala ka ng mahahabol."

Pero dahil makapal ang mukha niya, talagang nagpumilit pa rin siya sa gusto niya. "Kailangan nating mag-usap."

Hindi ko na talaga naiwasang mainis. Kumunot muli ang noo ko at nanlilisik na rin ang mga mata ko. "Hinayaan kitang magpakasaya kasama 'yong babae mo, 'di ba? Pwedeng respetuhin mo naman 'yong desisyon ko na ayaw ko na sa 'yo?"

Nasaksihan ko 'yong pagdilim ng mukha niya. Pero wala na sa 'kin kung sumabog pa siya sa galit ngayon.

Everything must be cleared today.

"Yumi," mariin at nakakatakot niyang bigkas. Ganiyang-ganiyan siya noon kapag hindi agad ako sumusunod sa gusto niya.

Nakakakilabot at nakakasuka siya!

Sisinghalan ko pa lang dapat siya nang sumingit si Veroxx. Aniya sa kalmadong tono habang nakatingin kay Tres, "Ayaw na. Respeto na lang siguro, pare," na sa tingin ko ay lalong nagpainit sa ulo ni Tres.

"Huwag kang makialam dito! Wala kang alam." Bigla na lang niyang kinuwelyuhan si Veroxx habang nagtatangis ang bagang niya. Namumula na rin ang pisngi niya sa galit.

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Natataranta akong hindi malaman. May sinisigaw na nga si mama pero wala akong maintindihan.

Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yong nangyari noon— 'yong inaya niya ng suntukan sa dati naming unibersidad at 'yong pagputok ng gilid ng mga labi nila.

Nakaramdam na lang ako ng takot para kay Veroxx— naiiyak ako na nanginginig.

No. No!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top