Chapter 25: Deceived, aware
Chapter 25: Deceived, aware
https://youtu.be/_MD3vOL_IR4
It was the year 2017 when I first met the man who caught my attention.
First day ko 'yon as college student. As usual, walang mga prof na sumipot kaya tamang tambay lang ako sa library. Tapos na rin naman ang election ng officers sa block namin kaya nag-alisan na kami.
Sabi nila, love at first sight isn't real. Infatuation lang daw 'yon, kesyo nadadala lang sa looks. Pero... n'ong unang beses ko siyang nakita, sigurado akong nag-slow motion ang mundo ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
I'm bad at memorizing anything. Seryoso! Pero pagdating sa kaniya? Nakabisado ko kaagad ang bawat sulok ng mukha niya. Mula sa naka-arko niyang mga kilay, malalalim at dark brown niyang mata, button nose, at hugis pusong mga labi.
Ang lakas pa makahumaling ng top knot niya, lalo na ng height niya! Ang tangkad, grabe.
Kaya kahit loner ako n'on, hindi ko naramdamang mag-isa ako. Busy kung busy nga ako n'on sa pagsulyap-sulyap sa kaniya mula sa kabilang table. Kasama niya ang mga tropa niya.
I wanted to know his name but I kept that curiosity with me. First time kong magkagusto nang gan'on sa isang lalaki; hindi ko alam kung anong dapat gawin kaya pinili kong walang gawin.
The next day, wala pa ring mga prof pero dumadami na 'yong mga kaklase kong pumapasok sa classroom. Buti na lang talaga't maaga ako kaya may upuan pa ko. Kasi kung wala? Ewan ko na lang. Baka na-high blood na ko! Ang init-init pa naman dito.
Pero parang bulang bilang naglaho 'yong inis ko na 'yon. Natameme na lang ako nang makita ko siyang naglalakad papasok sa silid.
Promptly, I felt butterflies in my stomach as my heart started beating so fast.
Hindi pala 'yon pang-narration lang sa mga libro at pelikuka. Totoo pala 'yong gan'ong feeling!
Medyo kumapal nga lang ang mukha ko para isipin kaagad na... "Destiny?" bulong ko sa sarili sabay yuko sa mesa kong puro sulat at drawing.
Sa dinami-daming programa sa unibersidad, pareho pa kaming kumukuha ng Bachelor of Arts in Filipino. Imposibleng nagkataon lang ang lahat!
Pero... "Masipag kaya siyang pumasok?" pabulong kong tanong. Nakaka-curious lang. Hindi kasi siya pumasok kahapon kaya naisip ko 'yon.
Pero hinayaan ko na lang 'yon. Baka may dahilan siya kaya gan'on.
Isang buwan ang nakalipas, nalaman kong marami na pala kaagad ang nagkakagusto sa kaniya.
Tres Arevalo.
Sikat na sikat hindi lang sa block namin, pati na rin sa ibang colleges.
Gusto kong mainis, pero bakit? Wala naman akong karapatan eh. At saka, mali 'yon, 'no.
Napatitig na lang ako sa kaniya habang katawanan niya ang mga kaibigan; may ilang babae ring umaaligid sa kaniya.
Nasa unang step ako ng hagdan habang nandoon sila sa bungad mismo ng chapel ng unibersidad. Para 'tong malaking triangle na kulay pula ang roof; medyo kapareho ng structure ng kubo. Sa paligid ay nagtataasang puno.
Natigil ako sa pagsulyap sa kaniya nang marahas na humampas ang hangin sa balat ko. Agad kong niyakap ang sarili dahil sa lamig.
Pag-angat ko ng ulo, naglalakad na sila paalis. Dumaan pa nga sila sa harap ko eh. Pero wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin hanggang sa maglaho sila.
Nakakalungkot na ang bilis ko lang siyang nakita. Pero ayos na 'yon. Solved na ko r'on!
Sa isang buwan na 'yon, ni isang beses, hindi pa kami nagkakausap. Hindi pa kasi kami nagkakasama sa kahit anong group activity at wala ring mapag-uusapan.
Ni kaibigan nga, wala pa ako eh! Ni hindi ko rin maalala ang pangalan ng mga kaklase ko. College thing?
Bago matapos ang sem, thankfully, nagkaroon naman na ko ng mga kasama— Trisha Mae Salen, Kristheta Erika Cruz, at Juvielyn Ancheta.
At sa wakas din, nakapag-usap na kami ni Tres! Nagtanong lang naman siya kung p'ano gagawin 'yong assignment namin. Salamat na lang talaga't familiar ako r'on. Kaya ayon, todo explain ako na parang ang tali-talino ko bigla.
"Salamat," nakangisi niyang sambit sabay sara ng filler niya.
Kilig na kilig ako n'on pero nakapag-hunos-dili naman ako.
Tipid lang akong ngumiti (para itago ang saya) at saka ko siya tinanguan.
Tumalikod din siya agad at saka pinuntahan ang tropa niya sa kabilang dulo ng napakainit na silid. Parang pagtingin ko lang sa kaniya, nag-iinit.
Joke!
Nang sumunod na sem, magkakaklase pa rin kami. Pero si Juvielyn? Hindi na nakapag-enroll...
Nabuntis daw... ayon na ang huli naming balita tungkol sa kaniya. She chose to cut her connections with us.
Nasa hallway kami nang malaman namin 'yon mula sa kaklase namin. Tanda ko pa ngang may lumagpas sa 'ming mga estudyante n'on na ang sigaw ay, "Iskolar ng Bayan. Ngayon ay lumalaban!" Pero wala akong pakialam sa dami ng tao. Hinayaan ko ang sarili kong maiyak sa sobrang sakit.
Nasaktan ako para sa kaniya. I want to be there by her side pero wala akong nagawa.
Imagine, pito silang magkakapatid. Walang ibang nagta-trabaho bukod sa nanay nila. P'ano na?
Hindi ko alam. Basta, natuldukan na lang ang lahat... ni hindi namin siya nakilala nang lubusan. College thing? Tipong mawawala na lang bigla ang mga kaibigan natin. At kailangan na lang 'yon tanggapin. Life... must go on.
Sa parehong sem na 'yon, nalaman naming nag-aartista pala si Tres. Nag-walk out nga siya sa room nang ibunyag 'yon ng kaibigan niya. Ang usap-usapan, nahihiya raw kasi siya dahil extra-extra pa lang ang ganap niya.
"Dehins ko talaga bet 'yon!" kumento ni Trisha nang malaman ang tsismis. "Nangangamoy maninira ng buhay!"
"Kaya nga tsismis, pwedeng hindi totoo," pagtatanggol ko kay Tres na ikinairap niya lang. As in hindi na makita 'yong iris niya sa sobrang ikot!
Nagtawanan na lang kami dahil d'on.
Second year, magkakaklase pa rin kami. Sobrang kinabahan nga lang ako nang nalaman ni Trisha na may gusto ako kay Tres.
"Gwapo?" tanong niya sa 'kin habang nakatitig ako kay Tres na nasa harap, kausap ang isang prof namin.
"Oo," wala sa sarili kong sagot.
"Huli pero hindi ka kulong!" sigaw niya na nagpalaki sa mga mata ko. Dali-dali ko siyang nilingon.
Huli na ang lahat, sinabi niya kaagad 'yon kay Theta.
Kaya tuwing nilalapitan ako ni Tres para magtanong ng assignments, panay 'ehem' ni Trisha. Pero kapag kami-kami na lang? Walang palya niyang ipapaalala, "Masama ang kutob ko sa kaniya, siz!" At magsisimula na siyang sabihin lahat ng napapansin niya, pati mga rason kung bakit ko raw dapat iwasan si Tres.
But nothing changed except sa feelings ko na lalong lumalalim...
Second sem, dumadami na ang exposures ni Tres sa mga palabas at pelikuka. Pero nahuhuli na siya sa klase.
One time, nasa lagoon kami nina Trisha at Theta.
Makulimlim ang paligid, umiihip ang hangin kasabay ng pagsayaw ng mga puno, at kumpol din ang mga tao sa tabi-tabi. Kahit nakakasuka ang amoy ng paligid, enjoy kami sa pagkain ng FEWA. Hanggang sa lapitan ako ni Tres. Aniya, "Maglalakas na ko ng loob, Yumi..."
Napatigil ako bigla sa pag-nguya. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Pwede ba kong sumali sa study sessions niyong magkakaibigan?" tanong niya sabay tingin kina Trisha at Theta, halos magmakaawa.
Matik na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang bigla na lang nawala lahat ng tao sa paligid. Tanging si Tres na lang ang nakikita ko.
Nabalik lang ako sa wisyo nang bumulong si Trisha sa tainga ko. "No," mariin niyang sambit.
Hinarap ko siya para magmakaawa. Nag-puppy eyes talaga ko!
Ilang minuto kaming nag-usap sa tingin bago siya nag-give up. Pati kasi si Theta, go lang daw.
"Salamat! Salamat talaga, Yumi," tuwang-tuwa na saad ni Tres.
Niyakap niya pa ko n'on kaya halos makalimutan ko ng huminga. Kung pwede nga lang huwag ng labhan ang damit ko, ginawa ko na. Para may remembrance lang, bakit ba?
Simula n'on, palagi na kaming nagkakasama.
Madalas, sa East Wing sa may lobby kami nag-aaral. Peaceful kasi at sabi ni Tres, "Para walang makakilala sa 'kin."
"Ang hangin talaga! Feeling sikat," pabulong na kumento ni Trisha mula sa tabi ko.
Sinamaan ko siya agad ng tingin. Ang tabil ng labi eh! Baka marinig pa siya.
https://youtu.be/nqXdMvB9rvs
Dahil palagi na kaming magkasama ni Tres, naging sentro na rin kami ng asaran.
"Kayo na ba?" nangingiting tanong ni Hugo na agad sinagot ni Tres ng, "Hindi!" habang natatawa.
Nasaktan ako n'on. Parang dinurog ang puso ko. Pero sa isip ko, hindi naman talaga kami... ano bang dapat isagot ni Tres?
"Weh? Kayo na eh!" kantyaw pa ni Hugo na nginitian ko na lang bago bumalik sa upuan ko sa gilid.
"Mare cakes! Can't see? Sisirain niya lang 'yong buhay mo! Mahangin, grabe kung itanggi ka parang happy-happy pa siya, tapos tignan mo, inaasa na sa 'yo ang lessons! Sinasadya ng hindi pumasok," mariing litanya ni Trisha na tinanguan ko lang.
Wala akong lakas para makipagtalo. Ayaw ko ring mag-isip para hindi ako masaktan.
Gan'on ang naging setup namin hanggang sa sumunod na sem— aasarin kami, itatanggi niya.
Pero inis na sabi ni Trisha, "Hindi sa nangja-judge ako ah? Pero sa true lang? Pansin niyo? Lalo siyang yumayabang! Iba na ang angas eh."
Ayon 'yong panahon na humahaba na ang screen time ni Tres pati mga dialogue.
Sobrang proud at saya ko para sa kaniya. Nilibre ko pa nga siya one time ng iced coffee eh! "Treat ko," nakangiting saad ko sabay abot ng dalahin.
"Salamat, Yumi. 'Yan gusto ko sa 'yo eh," aniya habang nakangisi.
Muntik na kong mawala sa sarili n'on! Kung kasama lang namin sina Trisha at Theta? Nagparinig na naman ang magaling kong kaibigan!
Things drastically changed. Nang sumunod na sem, naging magka-MU na kami ni Tres.
Galit na galit si Trisha nang malaman 'yon. Isang linggo niya rin akong hindi pinansin.
Pero nang ibalita kong kami na ni Tres, pinansin niya na ko ulit para sermunan. Sabi niya, gan'on din daw ang gagawin ni mama kapag nalaman niyang may boyfriend na ko at si Tres 'yon.
"Iba si Tres sa mga naging jowa mong manloloko," I snapped— pikon na sa mga pinagsasasabi niya.
Pero pinagsisihan ko rin 'yon nang bigla siyang umiyak sa harap ko. Nalaman kong nahuli niya palang nakikipag-sex ang jowa niya sa high school bff niya. Sa mismong dorm nila.
Pareho kaming iyak nang iyak n'on.
Time passed by.
True to her words, nang ipakilala ko si Tres kay mama, sinermunan niya nga ako at hanggang madaling araw 'yon.
"Basta, Yumi, ayaw ko riyan sa boyfriend mo!" Ayon na ang huli kong narinig bago siya lumabas at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko.
https://youtu.be/Sk0QCtUbyDk
Fourth year, family ko at mga kaibigan ko lang ang nakakaalam tungkol sa relasyon namin ni Tres. Pero mas lalo kaming naging close n'on. Madalas na kaming nagkakasama.
Pero hindi siya bad influence ah! Ang palagi nga naming pinagkakaabalahan ay pag-aaral. Minsan, ginagawa ko na ang assignments niya kapag kapos na sa oras.
"Ginagamit ka lang niya!" prangkang sabi sa 'kin ni Trisha nang pumunta siya sa bahay. Wala si mama. Kaming dalawa lang.
Matik na tumulo ang luha ko. Parang sinaksak ng napakaraming kutsilyo ang puso ko. I can even taste the pain through my tongue.
"Akala mo lang siguro 'yon..." bwelta ko sa garalgal na boses na hindi niya binili. Panay sermon pa rin siya.
Pero nang makita niya kong umiyak nang husto na may kasama pang hagulgol, tumigil na siya sa masasakit niyang salita.
She hugged me tightly as she apologized. "True naman kasi! Pero patawarin mo na ko, 'te," pagpapakalma niya sa 'kin habang hinahagod ang likod ko.
Pagkatapos ng graduation ceremony sa PICC, I met his parents. Pinakilala niya ko. Matangkad na payat ang tatay niya habang kabaligtaran naman ang nanay niya.
Wala si mama n'on sa tabi ko dahil kinukuhanan niya ng litrato si Trisha. Pinili kasi ng parents niyang huwag pumunta.
Nasasaktan kasi si Trisha tuwing nilalait ang mga magulang niya. At ayaw niyang mapahiya ang parents niya for only loving each other and for being themselves.
Grabe ang society, 'no? Pinagtatanggol ang tunay na may mga sala sa bayan pero inaapakan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
"Didiretsahin kita, hija..." nakataas ang kilay ng mama ni Tres sa 'kin. Ni hindi niya na nagawang ipakilala ang sarili. "Hindi kita gusto para sa anak ko."
Parang huminto ang mundo ko n'on. Matik na lang na tumulo ang luha ko. May kung ano ring bumara sa lalamunan ko.
Nang bumalik sa wisyo, napayuko na lang ako at saka marahas na pinunasan ang magkabilang pisngi. Para hindi na masundan pa ang luha ko.
Pero masyadong mapanakit ang mama ni Tres. Mariin niyang utos sa 'kin, "Layuan mo siya. Wala akong isang milyon para itaboy ka pero sana, sapat na ang mga salita ko. Layuan mo ang anak ko."
Nanlamig ang mga kamay ko kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ko.
I was waiting for him to defend me or at least tell his mom that he loves me. Pero... wala.
Nilingon ko siya sa gilid ko.
Malayo ang tingin niya. Mukhang iniiwasan ang mga mata ko.
Napabalik ang tingin ko sa mama niya nang maliitin niya ko. "Sisirain mo lang ang career niya."
I heavily bit my lower lip out of frustration, pain, and rage.
Hindi mo man lang ipagtatanggol ang sarili mo, Yumi?
Nang mawala na siya sa harap ko, agad akong kinausap ni Tres. "Sundan ko lang sina mama at papa," nagmamadali niyang bulong bago niya ko tinapik sa balikat.
Ayon lang ang narinig ko, wala ng iba.
Napangisi na lang ako at saka napailing.
https://youtu.be/gZRZfP_TUW0
Feeling ko sa mga oras na 'yon, ang liit-liit ko. Na parang wala akong kakampi. I wanted to cry pero pinigilan ko 'yon.
"Kailangan mong maging matatag, Yumi," bulong ko sa sarili.
Kaya kahit sobrang bigat na ng pakiramdam ko n'on, pinilit kong ngumiti. Sinabi ko sa sarili kong hindi ako iiyak ulit.
"Hindi naman sila ang gusto kong pakasalan eh... si Tres naman," pagpapalubag-loob ko pa sa sarili.
N'ong kuhaan ng diploma, na-culture shock kami nina Trisha at Theta— inaya ni Tres ng suntukan 'yong kasunod niya sa pila dala ng init ng ulo.
Nag-asaran, nagkasagutan, at nang sabihin ng lalaking, "Hindi ka naman sikat!" doon na nagsimula ang lahat. Pumunta sila sa walang katao-tao na classroom.
Todo takbo kaming magkakaibigan n'on. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig din ang kalamnan ko— takot na takot ako. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko.
Naiyak na lang ako nang sa harap ko mismo, pumutok ang gilid ng mga labi nila. Kita ko 'yong pagtulo ng dugo mula r'on.
Napatakip ako sa bibig ko habang nanginginig ang buo kong katawan.
"May iwawagas pa pala ang ugly niyang attitude!" puna ni Trisha. I even heard her snorting beside me.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko n'on dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Pero tinatagan ko ang loob ko.
Kaya pa, Yumi? Kaya pa.
The following week, nalaman naming binayaran daw ng manager ni Tres iyong nakasuntukan niya para hindi magsalita sa publiko. Bago pa lang 'yong manager niya n'on sa industriya kaya stressed na stressed siya sa nangyari. Alexis Fernandez— ayon ang natatandaan kong pangalan niya.
"Ano bang kasalanan ko? Wala naman ah! Kung hindi siya nang-insulto, hindi ko siya papatulan," reklamo ni Tres habang nilalagyan ko ng ointment ang sugat niya.
Nasa bakuran kami dahil nasa loob ng bahay si mama, ayaw niya talaga kay Tres. No choice kundi maglabas ng monoblocs.
Napahinga na lang ako nang malalim. "Huwag mo na lang hayaang uminit ang ulo mo—"
"Sinisisi mo ba ko?" putol ni Tres sa sinasabi ko.
Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya.
Nakakatakot ang aura niya— nakakunot ang noo habang nagtatangis ang bagang.
Matik na nanginig ang mga kamay ko kaya naibaba ko na lang ang mga 'to. Nalaglag tuloy ang hawak kong lalagyan ng ointment.
Natameme talaga ko; natakot sa kung anong pwede niyang sabihin at gawin.
"Hindi..." nauutal kong sagot, ni hindi maipagpatuloy ang sasabihin.
"Anong hindi? Pinapamukha mo nga sa 'king barumbado ako!" bulyaw niya sa 'kin.
Galit na galit talaga siya. Pulang-pula na nga ang mga pisngi niya.
Ang dami niyang binitawan na masasakit na salita. Kesyo kinakampihan ko raw 'yong nakaaway niya. Hindi ko man lang daw siya ma-comfort.
Narinig ni mama lahat ng 'yon kaya talagang pinaalis siya.
Hindi ko alam kung doon nag-umpisang lumamig ang pakikitungo niya sa 'kin.
Pero n'ong nag-aral ako sandali para makakuha ng kailangang units sa university na papasukan ko bilang lecturer habang siya ay nagkaroon na ng first leading role, tuluyan na kaming nawalan ng oras para sa isa't isa.
Doon din nagsimula iyong mga rumor na, "Tres Arevalo at Eirynne Andres, nagkakamabutihan nga ba?"
Nabitawan ko ang hawak kong paper cup n'on. Kumakain kasi ako ng halo-halo sa sala ng bahay pero parang puro leche flan dahil sa lecheng nabalitaan ko.
Pinilit kong huwag maniwala. But, in the end, I picked up my phone as soon as the entertainment news was done. "Para sa latest chika, nandito ang, Ati, Pahinging Tea!"
Tinawagan ko si Tres at ang tanging sabi niya lang, "Trabaho lang 'yon, Yumi." At dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya, naniwala naman agad ako.
But similar rumors kept coming, magkakaiba nga lang ang pangalan ng mga babae.
Eiry Shane. Carol Ortega. Hindi ko na maalala ang pangalan ng iba.
Bawat leading lady niya sa bawat palabas at pelikuka, hindi pwedeng walang gan'ong balitang puputok.
Pero nagpakatatag ako.
Fourth anniversary namin, sinorpresa ko siya sa condo niya. Dala-dala ko ang mamahalin na paborito niyang cake at paper bag na may lamang relo.
Ngiting-ngiti ako n'on. Kinikilig kasi! First time ko siyang isu-surprise sa condo unit niya. Para na kong matatae sa kaba at excitement.
Ano kayang reaction niya? Sasabihin niya?
Pero pagbukas niya ng pinto, kunot ang noo niya habang topless.
Nanlaki ang mga mata ko dahil first time ko siyang makita na walang suot pang-itaas, harap-harapan! Nag-init ang mga pisngi ko at hindi ko alam, gusto ko siya biglang halikan.
Pero... we never did it.
Nakatingin lang ako sa mga labi niya. Ni hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya.
Tumingkayad ako at akmang hahalikan siya nang umiwas siya.
"Yumi..." mariin niyang tawag sa pangalan ko na nagpabalik sa 'kin sa wisyo.
Nakagat ko ang ilalim kong labi dahil sa pagkapahiya. Umayos ako ng tayo at humakbang patalikod.
"Ang sabi ko, huwag ka bigla-biglang pupunta rito. Sa susunod, sa parking ka lang dadaan at hintayin mo ang signal ko," sermon niya sa 'kin
Napayuko ako n'on; durog ang puso. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
I wanted to greet him a happy anniversary pero hindi ko magawa. Wala akong boses. Nawalan ako ng lakas.
Yumuko pa ako lalo para huwag ipakita ang nangingilid kong mga mata. Nanlalabo na ang paningin ko pero hindi nakalagpas dito ang lipstick na nasa ibaba ng sofa sa loob ng unit ni Tres.
"Lipstick?" gulat kong puna, garalgal ang boses.
Tumigil siya bigla sa sinasabi niya. Matik niyang sinara ang pinto sa may likuran niya sabay sabing, "Kay mama 'yan."
Umalis na lang ako. Iniwan ko na lang sa kaniya ang mga dala ko. Gan'on lang pero 'yong iyak ko kinagabihan, pang-swimming pool ata.
Mahal ko si Tres. Mahal na mahal. Iniisip ko na lang na baka overthinking lang ang lahat. He's getting more popular and I don't want to hinder him from growing. At mas lalong ayaw kong ma-stress pa siya kung magtatampo-tampuhan ako.
Baka wala na siyang oras para lambingin ako.
Private relationship, patagong dates, minimal communication... kinaya ko lahat.
Pero... nakakapagod din at some point.
Parang... ako na lang ang nagmamahal?
https://youtu.be/ZWylN87oHGA
"Rizzi?" Sarkastiko siyang natawa. "Huwag kang magselos d'on. Katrabaho ko lang 'yon. Hindi ka naman selosa, 'di ba?"
Nakagat ko ang ilalim kong labi. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko.
'Selosa ako, Tres.' Gusto kong sabihin 'yon. Na nai-insecure na talaga ako sa mga nakakapareha niya. Na feeling ko, ang liit-liit ko at kahit anong ayos ko, hindi ako gumaganda unlike them, makeup pa lang, pang-rampa na.
Pero mahal ko talaga eh. "Mahal na mahal kita, Tres." Kaya kahit sobrang sakit na at nakakapagod na ang lahat, naniwala ako.
Lumabas kami n'on. As usual, naka-cap, salamin, at jacket siya. Pero ni isang segundo, hindi ko siya nakitang ngumiti nang sincere sa harap ko. Uwing-uwi pa nga eh. Parang ayaw akong makasama.
Doon... sa puntong 'yon... ramdam kong parang talo ako kahit walang laban...
Kahit wala siyang sinasabi, sa kilos at pananalita niya, dama ko na...
"Mahal mo ba ko, Tres?" emosyonal kong tanong habang kumakain kami ng donuts— pagkaing hindi ko type pero paborito niya eh. Kaya wala akong lakas ng loob na humindi. Nakasanayan ko na rin naman.
Umangat ang tingin niya sa 'kin at saka napangisi. "Tinatanong pa ba 'yan?" tanong niya pabalik.
It wasn't an answer. It wasn't a good answer either. Walang tamang sagot pero alam ko... ramdam ko...
May mahal siya at hindi ako 'yon.
Mahal ko siya pero hindi ako sapat.
"Yumi, walang iba. Ikaw lang," mariin niyang bwelta na ikinatawa ko— iyong sarkastikong tawa na nandidiri.
"Anong tingin mo sa 'kin? Tanga pa rin?" walang preno kong tanong pabalik. Pero kahit anong pagpapakatatag ko, kusa na lang tumulo ang luha ko. Parang winawarak ang puso ko.
Sa almost five years naming relasyon, "Ako lang naman talaga ang nagmahal sa 'ting dalawa eh," natatawa kong saad, halos pumiyok na.
"Kung may minahal ka man, sigurado akong hindi ako 'yon. Kasi kung minahal mo talaga ako? Hindi ka makakahanap ng iba. Makukuntento ka..." nanghihina kong litanya, patuloy pa rin ang pag-iyak. Sinigurado kong may diin nang sabihin ko ang huli.
Akala ko tapos na lahat ng sakit. Pero sa tuwing nakikita ko si Tres at sa tuwing naaalala ko ang nakaraan namin, bumabalik lahat eh. Para bang kahapon lang. At hindi lang basta masakit... sobra-sobra.
May sasabihin pa sana siya pero pinatigil ko siya. Inangat ko ang kamay ko sa ere, hudyat na huwag na siyang magtangkang magsalita pa.
Walang sabi-sabi akong tumalikod at saka naglakad pabalik sa bahay; kahit nangangatog ang mga tuhod ko.
Saktong wala si mama sa sala pero tulad ng instruction ko kay Jiro, nandoon pa rin siya sa sofa.
Kinarga ko siya at saka pumasok sa kwarto.
Lalong bumuhos ang luha ko pagkahiga ko sa kama. Pero pinipigilan ko ang mga hikbi ko by heavily pressing my lips together.
Sumiksik sa tabi ko si Jiro kaya niyakap ko naman siya habang umiiyak. Parang lalo lang akong naging emosyonal.
"Linggo na Linggo, dinadalaw tayo ng demonyo! Sabay nga tayong magdasal mamaya, Yumi," aya ni mama sa 'kin mula sa labas ng kwarto ko.
It was a funny joke but I couldn't even dare to laugh a little dahil sa nakabara sa lalamunan ko. I just want to... cry and sleep all day. Hanggang sa tuluyan ko ng makalimutan si Tres.
Para wala ng problema
Wala ng sakit.
Wala ng luhang iiiyak.
Pagod na kong maging tanga, maging gaga, at mahalin siya kung pagmamahal pa ang rason ng sakit na 'to.
Bullshit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top