Chapter 24: Gift

Chapter 24: Gift

Halos gusto kong sampalin ang sarili ko nang ngayon ko lang ma-realize na tinatanong nga pala kanina ng employee kung ako si Mayumi! Bakit ba hindi ko kaagad naintindihan 'yon?

So... ako talaga ang pakay nila? Pero... bakit?

Pinili ko na lang ngumiti nang batiin ko si Alejandro. "Hello!" Unconsciously, napabalik ang tingin ko sa mini truck. Matik akong napakunot-noo. Naguguluhan kong tanong, "Anong mayr'on?"

Nang magsalita si Alejandro, napabalik ang tingin ko sa kaniya. Pero ngayon, nasa tapat ko na siya at katabi niya na ang employee. "Na-deploy kami ng feeling boss eh," natatawa niyang sagot na ginulo lang lalo ang utak ko.

Itatanong ko sana kung anong ibig niyang sabihin pero natigil ako nang may isa pang lumapit sa 'min. Promptly, nilingon ko siya.

At nang makita ko kung sino, napakagat na lang ako sa ilalim kong labi. Hindi ko kasi alam kung dapat ko rin ba siyang batiin. Medyo kinabahan kasi ako na baka sungitan niya lang ako!

But at the end, nahihiya ko pa rin siyang binati. "Hello Karl.." And thankfully, hindi— pinansin niya ko! Nakahinga na ko nang maluwag dahil d'on.

"Good morning," bati niya pabalik pero wala man lang kaemo-emosyon. Pero okidoks na 'yon, 'no. Kaysa naman simangutan niya ko!

Pinaglihi ata itong si Karl sa sama ng loob eh? Hayaan na nga...

"Pwede ba kaming pumasok?" tanong ni Alejandro kaya napunta ulit sa kaniya ang tingin ko.

Hindi ko alam kung nabingi ba ko o ang gulo lang talaga niyang kausap today. Nanliit tuloy ang mga mata ko sabay tanong, "Huh?" Napahinto ako sandali para i-process ang sinabi niya. Nang tignan niya ang gate, feel ko, gusto niya atang pumasok. Kaya kahit nagtataka, sinabi ko na lang, "Sige."

Binuksan ko naman ang gate at saka ako gumilid.

Pero imbes na pumasok agad, bumalik muna si Alejandro sa kotse niya. Binuksan niya 'yong pinto sa may second row at saka kinuha 'yong tatlong eco bag sa captain's chair.

Pagka-slide pasara ng pinto, agad siyang naglakad papunta sa tapat ng gate. Huminto siya sandali para lingunin si Karl na nasa likod niya bago sila sabay na pumasok. Akala ko nga, magtutuloy-tuloy na sila sa bahay pero tumambay lang sila sa gilid sa may tapat ko.

Ano bang trip ng mga 'to?

Nahuli ko ang mga mata nilang nakatingin sa labas. At dahil nahahawa na ko sa pagiging usisera ni mama, sinundan ko naman 'yon ng tingin. Pero ang nangyari, nagulat lang ang buo kong pagkatao!

Nanlalaki ang mga mata ko't nakaawang na rin ang mga labi ko habang pinapanood ang tatlong employee na buhat-buhat ang standing air con.

Binalik ko ang tingin ko kay Alejandro. Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya habang nakaturo sa air con, "Ano 'yan?!"

"Ah... air con?" natatawa na naguguluhan niyang sagot habang ang mga kilay ay halos magdikit na.

Napangiwi tuloy ako.

"Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, para s'an 'yan?" pag-iiba ko ng tanong.

"Para lumamig daw sa inyo?" natatawa pa rin niyang sagot, halatang hindi kami nagkakaintindihan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sinukuan ko na ang pagtatanong sa kaniya; tutal, mukhang hindi naman ako makakakuha ng matinong sagot eh.

Tinignan ko na lang 'yong tatlong employee nang ipasok na nila sa bakuran ang dalahin. Para akong gaga na nakasunod lang ng tingin sa kanila hanggang sa nasa tapat na sila ng pinto.

Matik na nanlaki nga lang ang mga mata ko nang may ma-realize. Dali-dali tuloy akong napatakbo sa pinto namin para buksan 'yon. Nauna na kong pumasok sa loob para hindi sila mahirapan.

"Ano na naman 'yan, Yumi—" Napatingin ako kay mama nang bigla siyang sumulpot sa likod ko. Pero agad siyang natahimik.

Nanlalaki ang mga mata niya at dahan-dahang napatakip ang kanang kamay sa bibig niya. Pero ilang saglit din, nang makapasok na ang mga employee, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Nakapameywang na siya habang nanlilisik ang tingin sa 'kin.

Natataranta na tuloy ako na parang ewan. Hindi ko alam kung anong uunahin ko— ang makinig sa sermon niya o hanapin si Jiro.

Mariin niyang litanya, "Bumili ka ng air con?! Magkano naman 'yan, aber? Hindi ba 'yan utang, huh?! Sinasabi ko sa 'yo, Yumi, ah."

Napangiwi na lang ako sabay sipat sa sofa. Nakita ko naman agad sa dulo si Jiro— takot na takot habang sinisiksik ang sarili sa unan.

Awang-awa ako sa kaniya. Nilapitan ko muna siya sabay himas sa likod niya. "Ako 'to, Jiro," pagpapakalma ko sa kaniya sa napakalambing na boses.

Dahil rescued cat nga siya, takot talaga siya sa mga tao. Ewan ko ba rito't kay Veroxx lang ata hindi natakot n'ong unang punta n'on dito!

Nang humarap na siya sa 'kin, binuhat ko siya agad. Mahigpit ang yakap ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta kay mama.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para mag-explain nang pumasok na rin sina Alejandro at Karl sa bahay. Naitikom ko na lang tuloy ang mga labi ko sabay tingin sa kanilang dalawa.

"Hello, tita! Kayo po ba 'yong mommy ni Mayumi?" ngiting-ngiti niyang tanong. Ibinaba niya muna 'yong isa niyang hawak na eco bag sabay lahad ng kamay.

Matik na nawala 'yong simangot ni mama. Bigla na lang siyang ngumiti nang sobrang lapad sabay abot ng kamay ni Alejandro. Kita ko ring napalingon siya kay Karl matapos nilang mag-handshake.

He was carefully looking at me, to be specific at Jiro, before turning his head at her. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang ngumiti! "Good morning po," magiliw niya pang bati kay mama.

Nasa bokabularyo niya pala 'yon? Pero ah, nakakatindig balahibo 'yong ngiti niya! Tipong, ngiting playboy...

Mas okay pa atang palagi na lang siyang galit? Parang mas totoo kasing 'Karl' ang datingan n'on... pero, biro lang 'no!

"Good morning, mga hijo. Sino sila?" Smile kung smile pa rin si mama, parang hindi galit sa 'kin kanina! Mukha tuloy siyang plastik na Marites.

"Mga pinsan po kami ni Veroxx. Ako po si Alejandro," sabay iminuwestra niya ang kamay sa sarili bago itinapat kay Karl, "Tapos ito naman po si Karl." Pagkababa niya ng kamay, aniya, "Pinadala po ni Veroxx 'tong mga pasalubong niya para sa inyo. Busy kasi si boss sa taping nila." Natawa pa siya sa huling sinabi.

Napangiti na lang ako. Ang thoughtful naman kasi ni Veroxx! Sa sobrang dami ng pasalubong niya, pwede na kong mag-start ng sari-sari store eh.

Pero ang totoong mas nagpangiti sa 'kin ay ang realization na wala akong babayaran. Muntik na akong kabahan sa isipin na baka mamulubi ako sa kung ano-anong desisyon n'ong dalawang 'to eh!

Kahit talaga gusto kong tumili sa kilig, kinagat ko na lang ang ilalim kong labi.

Pero ang cringe na n'ong si mama na ang humagikhik! Tuwang-tuwa 'yan?

Pagkatingin ni Alejandro sa air con na inaayos na sa gilid ng pinto, which is nakasandal sa pader namin, dugtong niya, "At 'yong air con po pala, regalo 'yan ni Veroxx kay Mayumi. Para hindi mainitan ang prin—" Napatigil siya sa pagsasalita nang sikuhin siya ni Karl sa tagiliran. Matik siyang natawa na nagpabahala naman sa 'kin.

Kay Veroxx talaga galing lahat ng 'to? Binili niya ba 'to dahil sinabi ko sa kaniyang ang init dito sa bahay?

Napakagat na lang ako sa ilalim kong labi.

Tama nga ata sila. Pero kung sa kanila, 'be careful what you wish for', mukhang sa 'kin ay, 'be careful what I say to Veroxx'.

"Si Veroxx?!" nanlalaki ngunit kumikinang ang mga mata ni mama nang klaruhin iyon. Pinagdikit niya pa ang mga palad niya, halatang sobrang saya.

"Opo," magalang na sagot ni Alejandro sabay dampot sa isang eco bag na nilapag niya kanina.

"Ang aga naman ng regalo niya! Pasabi ah, salamat..." Sandali siyang tumawa bago purihin ang dalawa, "At nasa lahi niyo talaga ang mga gwapo, aber! Pansin ko lang naman." Para siyang teenager na kinikilig!

Napailing na lang ako.

Hindi ba nahihiya si mama? Ang dami-daming binigay ni Veroxx. Sobra-sobra na nga 'yong mga pagkaing dala niya dati eh. Ayaw ko namang ma-feel niyang obligado siyang magbigay sa 'min. Kasi, hindi.

Thankful ako... but looking at the air con? Magkano namang bili niya riyan? Ayaw kong maramdaman niyang ginagatasan namin siya ng pera. At saka... hindi ako materialistic na tao.

Nabalik lang ako sa wisyo nang magbiro si Alejandro, "Ang linaw ng mga mata ni tita!" At saka sila nagtawanan. Habang si Karl, nakatitig na naman kay Jiro habang nakatakip ang ilong niya.

Napakunot tuloy ang noo ko— iniisip kung anong ganap niya.

"Ah," bulong ko sa sarili nang ma-realize kung bakit. Napatingin ako sa karga kong si Jiro na kapit na kapit sa 'kin.

May allergy nga pala si Karl sa balahibo.

Napangiwi na lang ako. Hindi naman pwedeng iwan ko si Jiro sa kwarto eh. Matatakot 'to.

Nagawi ulit ang tingin ko kay Alejandro nang mag-insist siya na siya na raw ang maglalagay ng mga eco bag sa sala. Wala na kong nagawa.

Iniwan ko na lang si Jiro kay mama at saka ko sila sinamahan ni Karl. Para naman hindi lumala ang allergy ng huli.

Pagkapasok sa kusina, marahan ng inilapag ni Alejandro sa mesa ang mga bag. Nakatingin lang ako sa kaniya nang kusa akong mapa-buntong-hininga.

Tanong ko sa nag-aalalang tono, "Hindi ba masyadong mahal 'yon?" Inangat ko ang tingin sa mukha niya. "Hindi naman 'to kailangang gawin ni Veroxx..."

Pareho na silang nakatingin sa 'kin ngayon habang kunot ang mga noo.

"Pera? 'Di 'yan problema kay Veroxx, lalo na't malakas ka naman d'on!" nangingiting pagpapalubag-loob ni Alejandro sa 'kin. Pero napakagat-labi na lang ako at saka napayuko. "Discounted naman 'yon kasi siya ang ambassador ng kumpanya. Huwag ka ng mag-alala!" natatawa niyang dugtong.

Napataas ang tingin ko. Medyo nabuhayan na ko ng loob. Pagkukumpirma ko, "Talaga?"

Pareho silang tumango na nagpangiti sa 'kin.

"Ayan! Bagay sa 'yo 'yong nakangiti," papuri ni Alejandro sa 'kin. Hindi ko tuloy napigilang matawa. "Huwag mong gayahin 'tong si Karl na kulang na lang, pati sa pagtulog, nakasimangot!"

"You're at it again," kunot-noong saway ni Karl sa kaniya. Pero hindi 'yon pinansin ni Alejandro.

Nagseryoso siya bigla habang diretso ang tingin sa 'kin. Halos mahigit ko nga lang ang sarili kong hininga nang itanong niya, "If Veroxx asks to court you, will you say yes?"

Natameme ako bigla sa kinatatayuan ko. Ni hindi nga ako makagalaw. Hindi kasi ako ready sa tanong na 'yon! Ba't kasi biglang may pa-gan'on? Ba't walang preno-preno 'tong isang 'to?

Nabalik lang ako sa ulirat nang batukan ni Karl si Alejandro. "He's out of his mind, don't mind him," ani Karl habang naiiling.

Tinawanan lang siya ni Alejandro. Pag-iiba niya ng usapan, "Ubusin mo 'to ah. Balita ko, 'yong bumili niyan, nagdamot sa gutom na tao eh." Sabay tawa na naman ni Alejandro.

Pero hindi ko naman siya maintindihan. Sinubukan ko na lang makitawa pero nagmukhang pilit lang 'yon.

Napansin ata nila 'yon dahil sabay nila kong tinignan. Matik tuloy na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkataranta.

Say something, Yumi. Say something!

"May girlfriend ka na ba, Alejandro? Siguro puro tawa kayo," saad ko habang awkward na tumatawa.

Sinabayan niya ko sa tawa ko bago nagseryoso. "NBSG lahat ng Ford."

Agad na napatingin si Karl sa kaniya at saka siya siniko. "NGSB!" Pero walang pakialam si Alejandro, tuloy-tuloy niyang sambit, "Being in a relationship is not my thing. Busy ako sa negosyo at bank accounts ko." Ngumisi siya pagkabanggit sa huli.

Naagaw nga lang ni Karl ang atensyon ko nang poker face niyang singit, "Wala lang talagang nagkakagusto sa 'yo kahit mayaman ka."

Nagkatinginan sila pero agad na lumabas ng kusina si Karl.

"Ang bastos ng bibig n'on ah!" reklamo ni Alejandro at saka sinundan ang pinsan niya.

Sinundan ko sila at paglabas namin, tine-testing na iyong air con.

Napangiti na lang ako sa isang tabi. At si mama, panay kausap sa magpinsan, kitang-kita na tuwang-tuwa siya sa dalawa! At siyempre, nakatakip ang ilong ni Karl habang nakikipag-usap.

"Merienda, gusto niyo?" nakangiting alok ni mama na tinanggihan nila. May meeting pa raw kasi si Alejandro at may pasok naman si Karl.

Nagpaalam na sila at saka umalis kasama iyong mga employee. Sila na raw ang bahalang magbigay ng tip.

Nang wala ng ibang tao, kinuha ko na si Jiro mula kay mama. At siya naman, nagsimula ng magligpit sa sala habang nangingiti.

Tahimik na lang akong natawa at saka pumasok sa kwarto. Dumiretso kami ni Jiro sa kama. Natigilan lang ako nang makita iyong cellphone ko. Matik na bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan ko 'yong dinampot. At talagang nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong missed calls at text messages mula sa same number.

Nang basahin ang messages, mula pala r'on sa employee kanina.

Napaisip tuloy ako. "Planado ba 'to ni Veroxx? Kaya niya ba hiningi 'yong number ko?" tanong ko sa sarili na nagpabilis lalo sa tibok ng puso ko.

Napangiti na lang ako sabay kagat sa ilalim kong labi.

Pumunta na lang ako sa convo namin ni Veroxx at saka nag-type ng text para sa kaniya. Pero napangiwi ako nang mag-alert ang phone ko na wala na raw akong load.

Hindi pa kasi ako nagpapa-load...

'Yong 10 pesos ko, ang tagal ng buhay ah!

Pumunta na lang ako sa Instagram at saka roon nag-message kay Veroxx. Hindi ko na sinabing wala na kong load kaya nandito ako, baka bigyan pa ako ng load eh!

thekjford

Uy! Veroxx. Hindi mo naman kailangang gawin lahat ng 'to. Pero salamat ah! Tuwang-tuwa kaya si mama.💜💜💜 At saka ang dami mong pasalubong. Thank you talaga! Napaka-generous mo huhuhu.

Glad to know : ) everything for u

Enjoy them

I also bought some cat food for Jiro, hope he'll like them

Hahahagagag

Talaga? Hindi ko pa nakikita eh! Pero salamat talaga, Veroxx! Sobrang nakakatuwa naman.💜💜💜 Ingat ka nga pala riyan sa taping mo!

Binitawan ko ang phone ko at saka hinablot ang unan para yakapin nang mahigpit. Mahina akong natatawa habang kilig na kilig.

Alam ko namang hindi pa-fall si Veroxx pero kung ganito siya ka-generous at kabait sa 'kin? Hindi malabong hindi lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Nasapo ko bigla ang noo ko.

Magtigil ka nga, Yumi! Ang puso, pwede mong turuan 'yan.

Halos mapaigtad lang ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Huwag ka ng magsara ng kwarto mo! Para pumasok dito ang air con," saway ni mama sa 'kin.

"Naglalakad na po ang air con?" pilosopo kong tanong na ikinairap niya.

Pero mukhang good mood talaga siya kaya hindi niya na 'yon pinansin.

"Nanliligaw na ba sa 'yo si Veroxx, aber?" seryoso niyang tanong na nagpalaki sa mga mata ko.

"Mama naman! Nagregalo lang eh," I countered as a matter of fact. Pero dahil nag-init ang mga pisngi ko, napaiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi? Eh 'di ikaw na lang ang manligaw!" pag-i-insist niya bago siya tumawa't umalis sa may pintuan.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Natulala na lang ako sa pinto.

Ano raw? Inuutusan niya kong ligawan si Veroxx? Gan'on niya ba talaga kagusto 'yong tao para sa 'kin?

"Gusto natin siya, gusto ba ako?" malungkot kong bulong at saka napahinga nang malalim.

The following day, ang aga-aga pa lang, nangangati na nang husto ang mga paa ko na lumabas. Hindi para gumala kundi dahil hindi ko na matiis na hindi mag-reply sa texts ni Veroxx. Kaya kahit kuripot ako, napalabas talaga ako para magpa-load!

Ano ba 'tong mga desisyon mo sa buhay, Yumi? Pwede namang sa IG ka na lang mag-reply para hindi sayang sa pera. Hindi ko na rin talaga alam sa 'yo!

Thankfully, may tinuro na technique sa 'kin 'yong masungit na batang nagtitinda. Pwede ko raw i-extend-extend na lang ang load ko for only 5 pesos pero good for a certain period and circumstances lang. Pero, ginawa ko pa rin naman.

At mukhang legit naman dahil sa mga nagdaang-araw, feel ko, nakatipid ako!

"Talaga ba, Yumi? Hindi ba't mas makakatipid ka kung hindi ka nagpapa-load? Hello! May Wi-Fi kayo oh, pwedeng chat-chat na lang sa Instagram," nakasimangot kong sermon sa sarili habang nakatitig sa kisame.

Napailing na lang ako bago bumangon mula sa kama.

Nauna nang maglakad si Jiro papuntang pinto kaya sinundan ko naman siya agad.

Naglinis muna ako ng sarili bago kami sabay-sabay na kumain.

"Wala kang lakad ngayon?" tanong ni mama out of the blue habang hinahalo ang kape niya.

Imbes na sumagot, napatitig at tulala na lang ako sa kaniya habang hawak ko ang rye bread.

Napataas ang tingin niya sa 'kin sabay angat ng kanan niyang kilay. "Tinatanong kita, aber. Uso sumagot," sarkastiko niyang puna na nagpakagat sa 'kin sa ilalim kong labi.

Ang unusual kasi na tinatanong niya ang lakad ko, lalo na't ang kalmado niya kanina!

"Sa 20 at 27 pa po 'yong two-day annual summit namin sa university. 'Yong last week, seminar lang po 'yon," naguguluhan kong sagot. "Puro klase at meeting lang po muna ako sa mga susunod na araw."

Tumatango-tango lang siya at hindi na ulit nagsalita. Napakunot tuloy ang noo ko— nagtataka sa inaakto niya.

Simula kasi n'ong unang linggo ng November, ganiyan na 'yan si mama. Kakaiba ang kinikilos at pananalita.

Hinayaan ko na lang. Hindi naman ako magaling na observant kaya baka guni-guni ko lang 'yon.

Inubos ko na lang ang kinakain ko habang tahimik sa kinauupuan ko.

Napaangat lang ang tingin ko sa may pintuan ng kusina nang may marinig na busina. Matik na napaawang ang mga labi ko dahil sa pagkabigla. Halos manlaki ang mga mata ko nang lumingon kay mama. "Kay... Tres po 'yon," pagpapaalam ko sa kaniya na ikinairap niya.

"Huwag mo ng labasin! Hayaan mong isipin niyang walang tao. Linggo naman," kunot-noo niyang suhestiyon.

Napangiwi tuloy ako. Pero hindi ko mapigilang hindi balikan ng tingin ang pintuan ng kusina.

"Ano naman kayang ginagawa niya rito?" curious na tanong ko na halos ako lang din ang nakarinig dahil sa sobrang hina.

Binalik ko ang tingin kay mama na nagliligpit na ngayon ng pinagkainan. I was contemplating on what to do while fiddling my fingers on top of my legs.

Issue na naman ba kay Tres 'yong recent na pag-resurface ng pananampal video ko? Pero medyo matagal na 'yon ah!

Ano, nandito ba siya para saktan na naman ako? Para ipamukha sa 'kin na mas mahalaga sa kaniya ang career niya?

Such bullshit.

I can't help but click my tongue in annoyance.

Tumayo na ko at inaya na si Jiro sa kwarto. Pero sakto nang nasa sala na kami, bumusina na naman iyong kotse ni Tres.

Napahinga ako nang malalim at saka sinabihan si Jiro na hintayin ako sa sofa.

Pumunta ako sa may pinto at saka ito binuksan. True to what I've expected, nasa tapat nga ng gate namin ang kulay asul na Vios ni Tres.

Napasimangot ako bago sinara ang pinto sa may likuran ko. Walang kainte-interes na naglakad ako papunta sa may gate; sakto namang kakababa lang din ni Tres mula sa kotse niya.

He's wearing his sunglasses kahit makulimlim naman. As usual, takot makitang kasama ako. What should I expect?

Suot niya rin ang light blue shirt niya na itinerno sa khaki shorts.

Himala lang na wala siyang cap at jacket. For a change?

I clicked my tongue again in annoyance.

As if!

"Bakit?" diretso kong tanong nang magkatapat na kami. Pero hindi ko siya pinagbuksan ng gate para alam niyang hindi siya welcome.

"Kalma ka lang," aniya habang natatawa. Pero 'yong tawang nakakairita kasi ang yabang ng tunog.

"Bakit nga?" naiinip kong pag-uulit.

He simply smiled at me before turning his back on me.

Pumunta siya sa passenger seat ng kotse niya. May kinukuha siya r'on na kung ano.

Pasimple kong sinilip kung anong pinagkakaabalahan niya nang hindi ginagalaw ang ulo at katawan. Takot na mahuli eh. Baka isipin pa ng demonyo na 'yan na interesado ako!

Halos malaglag nga lang ang panga ko nang pagharap niya sa 'kin, may dala-dala na siyang bouquet at dalawang box ng chocolates.

Agad kong sinara ang mga labi ko at pilit na kinunot ang noo.

"Anong gagawin ko riyan?" pagtataray ko na tinawanan niya lang hanggang magkatapat na kami ulit.

"Ang aga-aga, ang init ng ulo mo," kalmado niyang puna. Pero hindi nakatulong 'yon dahil na-cringe lang ako sa tono niya.

Hindi bagay! Masyadong mapagpanggap.

"P'anong hindi iinit ang ulo ko? Dinala mo ang impyerno mo rito," walang preno kong banat na ikinawala ng ngiti niya.

Hindi ko makita ang reaksyon ng mga mata niya pero hindi na 'yon importante. "Ano ngang kailangan mo?" pagbabasag ko sa katahimikang namumuo sa pagitan namin.

He tried to smile again as he extended his hands to give me the bouquet and chocolates. Pero hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Nagmatigas ako.

"Hindi ko gustong makipag-away, Yumi..." he uttered. "Gusto ko lang na ligawan ka ulit," dagdag niya pa sabay ngisi.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Promptly, I burst into sarcastic laughter.

Nang kumalma, tinitigan ko siya habang nakangisi. "Nauntog ka ba? Nakalimutan mo na ba? Never kang nanligaw, Tres," pagpapaalala ko sa kaniya. "O baka sa sobrang dami mong babae, nalilito ka na?" I added to provoke him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top