Chapter 23: Delivery
Chapter 23: Delivery
Nagdesisyon na lang akong puntahan ang profile ni Veroxx para magtingin-tingin muna.
Wow, Yumi! Ano, online shop na ang account ni Veroxx? Tamang window shopping lang, gan'on?
Natatawang napailing na lang ako sa sarili. Binalik ko rin naman agad ang atensyon ko sa cellphone at saka ko pinindot 'yong huling uploaded photo ni Veroxx— it was him during his taping.
Ni-like ko muna 'to bago nagbasa ng comments.
Oo, medyo matapang na ko mag-scroll-scroll sa comment section! Humuhupa na kasi 'yong pananampal issue ko. Kaunti na lang 'yong mga post at comment tungkol d'on kaya medyo panatag na ko.
Busy ako magbasa-basa nang mapatigil ako dahil sa pagkabigla. Napaawang na lang ang mga labi ko habang nakatitig sa comment ng isang netizen.
tingtingcutie am i the only one?🥺🥺 he keeps on flexing the same woman on his story.
May replies pa 'yon na:
mamee oh my god!!! Same same same
merrymeples jowa nya b?
dianamarie Marites pasok!😂😂😂
I pressed my lips together as my forehead creased.
Napapaisip tuloy ako...
Ako ba ang tinutukoy nila? Ako lang naman 'yong laman ng IG Story ni Veroxx n'ong isang araw eh? Pang-ilang beses na ba 'yon? Pangalawa pa lang naman ah!
I bit my lower lip as I crossed my legs while still resting my back on the headboard.
Wala sa sarili kong bulong, "Wala naman akong maalala na may ibang babaeng na-IG Story si Veroxx..." Ibig sabihin... ako 'yong tinutukoy nila?
Matik na kumalabog ang puso ko kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi ko.
Grabe naman 'to! Lakas maka-showbiz issue. Feeling ko naman ang swerte-swerte ko kung mangyayari talaga!
Pero...
Magtigil ka nga, Yumi! Huwag kang nag-iisip ng ganiyan. Baka ikaw lang 'yan, okidoks? Huwag mong hayaang mahawa ka sa pagiging malisyosa nila! Role nila 'yon, hindi 'yon iyo.
Pinilit ko na lang tanggalin ang bagay na 'yon sa isip ko at saka bumalik sa chat box namin ni Veroxx. At matik na nanlaki ang mga mata ko nang mapansing binabaha na pala ako ng messages niya!
thekjford
Theyre done following u
Welcome daw : )
*rw
*raa
*ra2
*raw
Let me know if theyre bothering u
I gotcha
Kumain ka na ba?
Hello Veroxx! Nagtingin-tingin lang ako. Hahaha. Hindi naman nila ko ginugulo, huwag kang mag-alala. Tapos oo, nakakain na ako ng hapunan. Thank you for checking on me!💜💜💜
Good to know
Dont skip ur meals
Ikaw, kumain ka na ba?
We'll eat when we get home later
Okidoks! Pero may gusto pala sana akong i-open up. Sana, ayos lang sa 'yo. Nakita ko kasi na parang binibigyang-kulay ng ibang fans mo 'yong pag-IG Story mo sa 'kin. Nagkakaroon ata sila ng speculations, gan'on.☹️☹️☹️
Do u feel uncomfortable about it?
The story?
Hala! Hindi, 'no!
Good
Let them be
They can't hurt you
I won't let them
Ikaw, hindi ka ba naba-bother sa comments nila sa recent post mo?
What's to get bothered about?
Don't mind them
Many people love talking
Palaging may nasasabi kahit anong bagay : )
Sabagay! Tama ka naman diyan. Hahaha.💜💜💜 Wait lang ah. Kuha lang ako ng malamig na tubig. Ang init kasi kahit gabi na! Nakalabas na raw kasi ng bansa 'yong bagyo kaya biglang uminit na naman. Parang gusto ko na nga lang pumasok sa ref eh. Hahaha.
Climate change
A/w sobrang mainit ba sa inyo?
Mind giving me your number?
Napakunot bigla ang noo ko nang mabasa 'yong dalawang huling chat ni Veroxx. Naguguluhan kasi ako.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng 'a/w' kaya napaisip tuloy ako kung may connect ba 'yon sa number na hinihingi niya. Anong number ba?
Magre-reply na nga lang muna ako...
thekjford
Number? Kahit anong number? Siguro, 8? Para otso-otso?
Pagka-reply ko, napaisip ako kung hindi ba awkward 'yong message ko kaya nag-reply ulit ako ng tawa lang.
Pinatay ko muna 'yong phone ko at saka tumayo dahil pinapawisan na talaga ang mga kili-kili ko. Nagpameywang na nga rin ako para naman mahanginan kahit pap'ano ang mga 'to. Baka deprived lang sa hangin eh.
Bitbit ko ang cellphone ko nang buksan ko muna ang electric fan bago lumabas ng kwarto papunta sa kusina.
Pagkapasok, diretso agad ako sa ref sabay kuha ng bottled water sa loob. Sa sobrang init at uhaw, nilagok ko talaga ang tubig.
Hindi na nga ko nagulat na naubos ko ang laman eh.
Napabuga na lang ako ng hininga dahil feel ko, na-refresh na ko sa wakas.
Hinugasan ko muna 'yong bote at saka pinunuan ng tubig. Nang magawa ang pakay, pinasok ko na ulit 'yon sa loob ng ref bago lumabas ng kusina.
Nasa pinto na ko ng kwarto ko nang mapatigil ako sa paglalakad. Bigla ko kasing naisip na i-search muna sa Google ang ibig sabihin ng a/w.
"Ah... anyway lang pala 'yon," natatawa kong bulong nang may bago na namang natutunan. Pero napakunot din agad ang noo ko nang mapaisip. "Ano namang connect n'on sa number?"
Ipinagkrus ko ang mga kamay ko at saka pilit pinagkonekta ang dalawang bagay na 'yon. But I ended up getting no answer.
I clicked my tongue in disbelief with myself.
Hayaan na nga! Kung may misunderstanding, sasabihin naman siguro 'yon ni Veroxx.
"Tama, tama." Tinanguan ko ang sarili bilang pag-sang-ayon.
Hahawakan ko na sana ang door knob ng kwarto ko nang biglang sumulpot at sumigaw si mama sa gilid ko. "Anong oras na, Yumi ah?! 'Di ka pa tutulog?" galit na galit niyang tanong sa 'kin. Matik na nataranta tuloy ako, tila ba nahuling may ginagawang masama kahit wala naman.
Hindi ko alam kung saan ako titingin o kung anong una kong gagawin. Para namang gaga, Yumi, oh!
Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi habang nag-aalinlangan ang mga mata ko nang iangat ko ang tingin sa kaniya. At sumalubong naman sa 'kin ang sobrang nanlalaki niyang mga mata!
Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko— natatakot kahit wala namang dapat ikatakot.
Mayumi, 25, from Philippines, nasisindak pa rin sa sermon ng nanay niya.
"Ano, tititigan mo na lang ako?!" singhal niya na nagpalaki sa mga mata ko. Lalo nga ring bumilis ang tibok ng puso ko eh. Pati mga tuhod ko, nangangatog na rin na parang ewan.
Walang isip-isip, nagmamadali kong tinignan ang phone ko. Agad ko 'tong binuksan at binalikan ang chat box namin ni Veroxx.
Nang may makitang reply, sobrang bilis ko 'yong binasa. Dali-dali rin akong nag-type na para bang nasa typing speed contest ako.
thekjford
Hahahahahagaha
Cp number
Mine is 09xxxxxxxxx
Ah! 09xxxxxxxxx. Hunde ako naglo-loas. Bye na, Veroxx. Goodnighht sa inho.💜💜💜
Pinatay ko rin agad ang phone ko saka binalik ang tingin ko kay mama.
Napangiwi ako nang makita ang reaksyon niya. P'ano ba naman, para na kasing umuusok ang ilong niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata.
Pinilit kong tumawa para mawala 'yong awkwardness pero parang wrong move 'yon. Taas na taas na ngayon ang kanang kilay niya at nakapameywang na rin siya.
Nauutal ko tuloy na depensa sa sarili, "May importante lang po akong ginawa. Pero pwede niyo na pong patayin 'yong Wi-Fi." Sinubukan ko ulit ngumiti pero dahil sa kaba, nanginig lang ang mga labi ko.
Hindi na siya nagsalita. Inirapan niya lang ako bago umalis sa harap ko para patayin ang Wi-Fi sa sala.
Dahil sa takot na baka masigawan pa ko rito, dali-dali na kong pumasok sa kwarto ko. Dinahan-dahan ko nga lang din 'yong pagsara sa pinto dahil baka magising si Jiro. At higit sa lahat, baka sabihin pa ni mama na nagdadabog ako! Grabe pa naman 'yon, advance mag-isip.
Dumiretso ko sa kama para mahiga na. Tinakluban ko na rin ang sarili ng kumot at saka napatitig sa kisame.
Napahinga na lang ako nang malalim.
Sa wakas, ligtas na ko sa mga sermon ni mama!
Pero nang may biglang pumasok sa isip ko, napahinga na lang ulit ako nang malalim. Nalulungkot na nadi-disappoint kasi ako. "Parang ang boring naman ngayon. Dapat pala hindi ko pinapatay agad 'yong Wi-Fi."
Pero wala na eh. Patay na.
May bukas pa, Yumi. May bukas pa, okidoks? Huwag kang magpupuyat. Kaya mo 'yan...
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong mga maliliit na boses. Nagsisigawan silang hindi maintindihan. Para ngang may props pang maiingay eh. Matik tuloy na nagtayuan ang mga balahibo ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Iyong puso ko, pabilis na rin nang pabilis ang tibok.
"Ano 'yon?" kinakabahan kong tanong sa sarili habang nakatitig sa kisame; natatakot na lumingon kahit saan. "Kakatawa ko ba, may mga... may mga..." hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa panginginig ng mga labi ko.
Tatakluban ko na lang sana ng kumot ang sarili nang marinig ko si mama mula sa kwarto niya. "Bigyan mo na ng cookies 'yong mga 'yon nang umalis na!" bigay todo niyang sigaw. Tipong pati 'yong mga kapitbahay, rinig na ang sinasabi niya.
Bago tumayo, pinakiramdaman ko muna kung totoong mga bata 'yon at hindi imahinasyon lang.
Napangiwi ako nang mapagtantong totoong mga bata nga 'yon. Natakot ako para sa wala!
"Kalma, Yumi. 'Di ba nga, sabi nila, matakot ka sa buhay na may kayang gawin sa 'yo at huwag sa patay na wala ng magagawa," pagre-remind ko sa sarili. Gumana naman dahil nawala na nang tuluyan ang takot ko.
Tumayo na ko at saka lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng mga nakabalot na cookies mula sa Oven Kick Bakery.
Halos malaglag nga lang ang ibang bitbit ko sa sobrang dami nito. Kaya dinikit ko ang kamay ko sa may tiyan ko para siguradong walang matatapon.
Para naman kasi talaga sa mga bata lahat ng ito. Ang kaso, hindi naubos kahapon. Kaya kinuha ko na lahat ngayon para walang masayang!
Masasarap kaya 'to. Mabubusog na sila, hindi pa sila mabubulukan ng ngipin. Binili lang namin ang mga 'to riyan sa may Pasig eh, pero ang alam ko pwede namang ipa-deliver.
Sayang, wala pang ganitong bakery noon at wala ring kasing-bait namin para mamigay ng ganito kabongga.
Dahan-dahan na kong naglakad palabas ng bahay dahil baka mainip na 'yong mga bata.
Pero pagbukas ko ng pinto, natawa na lang ako nang makita ko kaagad ang maiilaw nilang headband. Tapos ngiting-ngiti pa sila pagkakita sa 'kin!
Effort kung effort sa costumes ah?
Pagbukas ko ng gate, isa-isa kong nilagyan ng cookies ang pumpkin baskets nila. Parang apat din sila, magkakaibigan siguro?
Nang matapos ako sa ginagawa, agad-agad silang nagpasalamat. Nakakataba tuloy ng puso! Hindi ko alam pero ang soft ko talaga sa mga bata o kahit sinong marunong magpasalamat. Who wouldn't get touched with a grateful person, right?
Bago sila makaalis, biniro ko muna sila.
Nagseryoso ako ng reaksyon at saka sila pinanliitan ng mga mata. "Mga bata... ang trick or treat ay tuwing October 31 lang ng gabi. Huwag niyong gawing gabi-gabi, 'no! Ano, karoling lang? Sige kayo, magulat kayo kapag nabuhay muli ang mga patay!"
Napatili 'yong dalawa sa kanila kaya tawang-tawa naman ako. "Joke lang 'yon! Ano ba 'yan, dapat ay tatawa kayo." Nagpameywang ako, parang si mama lang, gan'on. "Sige na, mag-trick or treat pa kayo. Ingat kayo!" pagtataboy ko sa kanila habang naiiling.
Napakamot na lang sila sa ulo. Sabi pa ng isa, "Si ate nananakot pa eh! Matatapang kaya kami. Pero salamat po. Bye!"
Bago tuluyang umalis, kinawayan pa nila ko na nagpangiti na lang sa 'kin.
Dahil sa kabutihan ko noong mga nagdaang araw o baka masyado na raw kasi akong naaapi ng mundo, na-bless ako nang husto sa mga sumunod na araw.
November 2 hanggang 4, walang palya! Palaging nagse-send ng good morning at good night texts si Veroxx. May kasama pa 'yan na 'kumain ka na?'
Ako naman 'tong si gusto raw mag-goodbye feelings na pero panay naman ang tili at grabe kung kiligin!
"Kalma, Yumi. Kalma," nakangiti kong pagpapakalma sa sarili habang nakapatong pa ang kaliwa kong kamay sa dibdib.
Kinagat ko ang ilalim kong labi para tanggalin na sana ang ngiti ko. Baka mukha na pala akong gaga rito eh. Pero dahil may sarili na atang buhay ang mga labi ko, ayon! Lalo lang lumapad ang ngiti nito.
Pero hindi ako sumuko. Sinubukan ko ring huminga nang malalim for a couple of times. Pabulong ko pa ngang sermon sa sarili, "Huwag ka ngang nag-a-assume riyan ng kahit ano, Yumi! Malay mo, ayaw lang mag-IG ni Veroxx kaya kinuha ang number mo't panay text sa 'yo. O baka nanghihinayang lang siya sa pinapa-load niya..."
Tumango-tango ako bilang pag-sang-ayon sa naisip. Kusa na ring nawala ang ngiti ko.
Pero nang tignan kong muli ang screen ng cellphone ko't sumalubong sa 'kin ang text ni Veroxx, matik na naman akong napangiti. "Ewan ko na talaga sa 'yo, Yumi!" natatawa kong saway sa sarili.
Sa sobrang kilig ko nga, nahablot ko na pati katabi kong unan. Ngiting-ngiti ako nang panggigilan ko ito ng yakap.
Nang medyo kumalma, inayos ko na ang pagkakasandal ko sa headboard at saka nagsimulang mag-type ng reply ko kay Veroxx.
Very good boy
Good morning, beautiful lady : )
No more warm days
Eat your breakfast, dont skip a meal
Good morning, Veroxx!💜💜💜 Kain ka na rin! Pero uulan daw ba? O may bagyong paparating?
Hihintayin ko pa sana ang sagot niya pero sunod-sunod na ang 'meow' ni Jiro.
Napatingin tuloy ako sa kaniya mula sa gilid ko at sakto namang nag-'meow' ulit siya. Parang naantig tuloy ang puso ko! Uunahin ko pa ba ang namumuo kong kalandian kaysa sa pusa ko?
Hell no!
Natawa na lang ako nang mapansin ko ang pagpa-puppy eyes niya kahit pusa siya. "Gutom ka na, Jiro?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Binaba ko muna 'yong phone ko sa kama bago ko siya binuhat mula sa tiyan niya.
Dahan-dahan akong tumayo at saka lumabas ng kwarto.
Maingat din 'yong pagbubukas at sara ko ng pinto para hindi ko mahulog si Jiro.
As usual, sabay-sabay kaming kumain ng almusal nina mama at Jiro. Pero buong kainan, walang imik si mama.
Inisip ko na lang na wala siya sa mood. Wala naman kasi akong maalalang kasalanan na nagawa ko. Kaya sure akong hindi 'yan galit sa 'kin!
Nag-presinta na lang akong maghugas ng pinagkainan. Para naman hindi mabaling sa 'kin ang pagka-bad mood niya, 'no. Mahirap na!
She only nodded her head to acknowledge what I said without saying anything before she left me alone with Jiro.
Hinayaan ko na lang 'yon at saka hinugasan ang mga mug. Nilinis ko rin ang mesa dahil ang daming mulos mula sa Spanish bread kanina.
Nang matapos, naghilamos at nag-toothbrush lang ako bago tinawag si Jiro sa ilalim ng mesa.
Sabay kaming pumunta sa sala.
Pagkaupong-pagkaupo ko sa sofa, biglang tumunog 'yong phone ni mama sa tabi ko.
Tumagilid ako ng upo at saka sinilip ang screen.
Matik na kumunot ang noo ko nang makita ang notification mula sa isang e-wallet app. Nag-prompt din 'yon sa Messages at talagang nanlaki ang mga mata ko nang mabasang 20,000 ang pumasok na pera kay mama.
Then, a few seconds later, a text message from a person named Lenard appeared. Babasahin ko pa lang sana ang preview ng text nang may sunod-sunod na busina akong narinig mula sa labas.
Napaangat agad ang tingin ko sa pinto at napakunot na naman ang noo ko.
Pilit kong iniisip kung sino ang may-ari ng kotse. Pero unfamiliar ang tunog kaya hindi ko talaga maisip kung sino.
Sandali ko munang nilingon ang cellphone ni mama— nag-iisip kung may dapat ba kong gawin.
But at the end, hinayaan ko na lang 'yon. Baka may umutang lang sa kaniya o baka sahod niya.
Tumayo na ko at saka binuksan ang pinto. Pero lalo lang kumunot ang noo ko nang may makitang kulay pulang Ford Transit sa tapat.
Bukod sa hindi pamilyar sa 'kin ang kotse, sigurado akong pasadya ang kulay n'on. Ibig sabihin, mayaman ang may-ari niyan.
"Sino naman 'to?" nagtataka kong tanong sa sarili.
Nang tignan ko ang mini-truck na nasa likod lang n'on, naisip kong baka naliligaw lang sila. Base kasi sa disenyo ng mini-truck, mukhang nag-i-install sila ng air conditioner.
"Pero ba't dito pa naisipang magtanong?" Napangiwi at iling na lang ako. "Hindi pa naman ako magaling sa direksyon..." Napahinga na lang ako nang malalim. "Nakakainis," reklamo ko pa.
Naglakad na lang ako papuntang gate.
Pagkalapit, hindi na ko nag-abalang buksan ito nang lapitan ako ng isang employee siguro, suot 'yong polo na may logo ng air conditioning company.
"Good morning po! Ma'am Mayumi po?" nakangiti niyang bungad sa 'kin.
"Good morning. Magtatanong po ba kayo ng direksyon?" naiinip kong tanong. Pero napataas ang mga kilay ko nang tawanan niya ko bigla. "Bakit?" Ano namang nakakatawa? Iwan ko kaya siya rito at saka siya tumawa, 'no?
"Mayumi!" tawag ng kung sino sa pangalan ko.
Agad ko namang sinundan ang pinanggalingan ng boses na 'yon. At matik na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Alejandro na bumababa mula sa driver's seat ng Ford Transit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top