Chapter 22: Picture
Chapter 22: Picture
Nang huminto kami sa isang karinderya, si Trisha na lang ang bumaba. Pinagbantay niya kasi ako sa kotse niya.
Manila kasi 'to, hindi mo sigurado kung pagbalik mo sa parking lot, may kotse ka pa.
Hindi rin naman ako naghintay nang matagal eh. Ilang sandali lang, nakabalik na siya. Tawang-tawa nga ako pagkakita ko sa kaniya. P'ano ba naman, nakaplato pa 'yong mga kanin!
"Kaunting chika lang kay ate, napa-yes ko naman siya. See? 27 pesos lang 'tong tatlong order ng kanin. Kung doon kanina? Nako! Butas ang bulsa," natatawa niyang litanya pagkaayos ng upo.
Isa lang naman 'yong plato kaya halinhinan kami. Pero tag-isa naman kami ng kutsara at tinidor. Habang 'yong bucket ng chicken naman ay nasa taas ng radio ng kotse niya. Sa gitna raw namin para mabantayan niya ang bilang ng chicken na kukunin ko.
Grabe siya sa 'kin, 'no? Eh sa totoo lang, siya kaya 'tong malakas kumain. Kaya niya kayang ubusin ang isang bucket ng chicken nang hindi namimigay!
Hayaan na, at least ako, hindi ko na kailangang humanap ng kaibigang sasama sa 'king umubos ng bucket ng chicken. Because... I already met 'the one'.
Habang kumakain, sinigurado kong hindi na babalik kay Veroxx ang usapan. Baka kung ano pang i-suggest o itanong niya eh.
Mahirap na...
"Bakit ka nga pala nagpa-bleach agad?" nagtataka kong tanong nang mapansin ang kulay ng buhok niya.
One day, 'di na ko magugulat kapag nagtampo na 'yang hair niya sa kaniya. Ginagawa ba naman niyang hobby ang pagbi-bleach eh.
"Waley lang. Gusto ko lang mag-try ng violet naman," sagot niya pero pansin ko 'yong pag-iiba ng mood niya— biglang kumalma. Bakas din 'yong lungkot sa tono ng boses niya.
Hindi naman kasi 'yan kakalmado ng ganiyan for no reason. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.
I tilted my head to my left as I carefully look at her face. "'Yon lang?" paninigurado ko na ikinatigil niya sa pagkain.
Huminga siya nang malalim at saka tinitigan ang hawak na plato.
"Na-sad lang akes kahapon kasi 'di ba coding ako? Ayern, nag-LRT ako tapos kakamadali ni ate mo, napagsarhan ng pinto 'yong isang pares ng sapatos ko. Sana nga pati 'yong isa, naiwan na rin. Para magamit naman ng makakapulot!" Pinilit niyang magtunog nakakatawa pero hindi ako nakumbinsi.
The way she stared at her plate and smile awkwardly, mukhang hindi talaga siya maayos. Isama pa 'yong hugot niya kanina n'ong nag-joke ako. Hindi man ako matalino but I can sense that there's something wrong.
Ayaw ko siyang pilitin kung hindi siya komportable na sabihin ang totoo. But knowing Trisha, she tends to keep all her problems with her. Kaya naiipon ang sakit sa loob niya hanggang bigla na lang siyang nagbe-break down like what happened when we were in college.
I don't want her to end up like that again... sobrang sakit n'on.
"Sigurado ka?" kunot-noo kong tanong, showing how unconvinced I am.
Nabigla ako nang iabot niya sa 'kin 'yong hawak niyang plato bago siya umiwas ng tingin. Diretso ang mga mata niya sa kalsada. I also saw her taking a sigh for a couple of times.
"Nag-fly away ang fafa ko..." kwento niya sa mababa at malungkot na boses.
Matik namang mas kumunot ang noo ko. Binaba ko muna sa binti ko ang plato at saka ko siya naguguluhang tinanong, "Nag-ibang bansa si tito o si tita?"
I saw how she took a deeper sigh than the previous ones before she looks down on her legs. From this view, I am sure that her eyes are welling up with tears.
Gusto kong hawakan ang pisngi niya pero minabuti ko na lang na makinig at manahimik. Sa mabagal at nanginginig na boses, aniya, "Iniwan ako ng ka-MU ko... nag-fly away. Ghosting-ghosting, ganern. Halloween na kasi siguro..."
Inangat niya ang tingin sa 'kin at saka pinilit na tumawa pero muli, nagtunog pilit lang 'yon. Kaya imbes na saluhan siya sa pagtawa niya, napahinga na lang ako nang malalim.
Nasasaktan ako para sa kaniya. Damang-dama ko 'yon sa puso kong parang pinipiga.
Palagi kasi siyang iniiwan. Papaasahin, bibigyan ng motibo, tapos maglalaho sila na parang bula.
Goals pala kaming magkaibigan, 'no? Palaging sinasaktan...
"Alam mo? Problema lang 'yon!" nakangiti niyang sambit pero bakas sa mga labi niya ang sakit. Kaya nanahimik na lang ako— abang na abang sa kasunod niyang sasabihin. Pero agad akong napairap nang ibulong niya, "It's just a problem."
Napakawalang kwenta! Pero ano pa nga bang ie-expect ko kay Trisha?
I clicked my tongue in disbelief.
Habang siya, tawang-tawa sa sarili niyang joke na parang walang nangyari.
Napailing na lang tuloy ako. Pero nabigla ako nang agawin niya sa 'kin ang plato sabay sabing, "Mauubusan mo na ata akes!"
"Wow? Grabe ka sa 'kin ah! 'Di naman ako gan'on," nakasimangot kong pagtatanggol sa sarili na lalo niyang ikinatawa. Pero dahil sa tawa niyang 'yon, matik na napangiti na lang tuloy ako.
Naupo ako nang maayos at saka ko siya pinagmasdan.
Kahit hindi ko siya ma-comfort, naparamdam ko naman sa kaniya na nandito lang ako for her. That's more than enough.
Napahinto lang ako sa pag-iisip nang may ma-realize ako bigla...
Kung nag-secret ako sa kaniya tungkol sa mga ganap namin ni Veroxx at nag-secret din siyang may ka-MU pala siya, ibig sabihin, quits na pala kami?
Napangisi at napailing ako.
On the next day, wala akong ibang ginawa maghapon kundi ang makipaglaro at makipaglambingan kay Jiro. Kaya ang pusa ko? Ayon! Sobrang saya. Panay nga ang kawag ng buntot niya eh.
Natawa na lang ako at saka ko siya binitbit papunta sa kusina.
Nilapag ko siya sa tapat ng food bowl niya at saka ako umupo kaharap ni mama.
Nilanghap ko muna ang adobong manok bago nagsimulang kumain.
Kapani-paniwala bang 'yon lang ang ginawa ko maghapon? Siyempre, half joke lang 'yon, 'no! Sinamahan ko rin naman ng kaunting research kay Veroxx ang araw ko.
Oo, research! Hindi stalk ah? Creepy kaya ng mga stalker!
Nalaman ko nga kanina na mas matanda pala ako kay Veroxx. He was born on August 19, 1998 at Iloilo talaga ang hometown niya.
Hindi ko in-expect 'yong age gap namin! Ang mature niya kasi as a person. Doon ko talaga napatunayan na maturity and age has no significant relationship.
Grabe, lakas maka-thesis ng terms ko r'on ah!
Pero seryoso, nakaka-amaze talaga siya. Kasi kami ni Tres? Mas matanda siya sa 'kin pero kitang-kita naman, napaka-immature ng isang 'yon!
Marami pa akong nalaman kay Veroxx eh, it includes his rough start as an actor, his parents' names (Keahnna and Jefferson), his favorites, and so on.
Ay, mayroon pa pala bukod sa mga 'yon! Nalaman ko rin na may dugo siyang Irish, American, at Filipino.
Ang bongga, 'no?
May isang bagay lang na ayaw umalis sa isip ko— mukhang private people kasi talaga ang family niya when it comes to their wealth, mansion, and properties... na okay lang naman!
Wala lang, napapaisip lang ako. It proves the similarity of rich people kasi; they do not reveal that they're wealthy.
Nang matapos maghapunan at maghugas ng pinagkainan, bumalik na kami ni Jiro sa kwarto ko para makapagpahinga.
Dumiretso ako sa kama at dali-dali namang tumalon sa tabi ko si Jiro.
Nakangiti ko siyang hinimas-himas sa ulo bago dinampot ang cellphone ko sa gilid ng unan.
Iche-check ko sana kung anong oras na pero parang may sariling buhay ang daliri ko nang pindutin nito ang Wi-Fi. Nagulat na lang akong kaharap ko na ang Instagram ko.
Pero agad akong napasimangot nang makitang wala akong kahit isang message notification. "Wala bang nakakaalala sa 'kin?" naiinis kong tanong sa hangin.
Pero halos gusto kong sampalin ang sarili nang ma-realize na, "All Saints' Day ngayon, Yumi. Anong gusto mo, bahain ka ng 'we miss you'?"
Napailing-iling na lang ako at saka tinignan ang oras. "Mag-e-eight na pala?" walang emosyon kong bulong sa sarili. Disappointed ko pa ngang dugtong, "Tutulog na ulit tapos gigising tapos sa susunod na araw, may pasok na naman..."
Papatayin ko na sana ang phone ko dahil wala namang silbe pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla 'tong tumunog. Mas mabilis pa sa a las cuatro ang mga darili ko sa pagche-check ng notification center.
At halos malaglag ang panga ko nang makita ang pangalan niya.
He sent me a message on Instagram!
Matik na bumilis ang tibok ng puso ko. At kung makangiti ako, parang hindi ako naglungkot-lungkutan kanina lang!
Wala ng patumpik-tumpik pa, agad kong tinignan kung anong message ni Veroxx. Bumungad naman sa 'kin ang isang picture.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatili-tili na lang ako sa sobrang saya. Pati unan ko, nahampas-hampas ko na ng pareho kong kamay! Hindi man lang ako natatakot na baka dumulas sa isang kamay ko ang hawak na cellphone.
Natigilan lang ako nang may tatlong malakas na katok akong narinig sa pinto. Napaangat ang tingin ko r'on. "Ang ingay mo! Hindi lang ikaw ang tao rito, aber," reklamo ni mama na nagpangiwi sa 'kin.
Umalis din naman siya pero kinalma ko na rin agad ang sarili ko. Baka manggalaiti na naman sa 'kin eh.
I tried to inhale and exhale for a couple of times pero ang ending? Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko!
Hindi sa OA ako ah? Pero leche, picture 'yon! Pic-ture.
Hinarap ko si Jiro at saka ko siya natatawang tinanong, "Magagalit ba ang mga kaluluwa kung sobrang saya ko ngayong All Saints' Day?" Pero laking gulat ko nang mag-meow siya bilang sagot. Para niya kong pinagalitan!
Matik ko tuloy na tinakpan ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko. "Hala! Sorry naman, Jiro. Kung ano-ano ng lumalabas sa bibig ko..."
Hinimas ko siya sa ulo bago ko ibinalik ang tingin sa cellphone ko. Pero tulad kanina, napatili na naman ako pagkasilay sa picture na mula kay Veroxx.
"Ano ba, Yumi? Sabing ang ingay mo! Hindi soundproof 'yang kwarto mo. Maging sensitive ka naman, aber!" sermon sa 'kin ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Natikom ko tuloy ang bibig ko. "Ito na nga, tatahimik na," nangingiti kong bulong sa sarili bago ako humarap kay Jiro sabay halik sa mga labi niya. "Ang saya ko, Jiro!" nakangiti kong saad habang hawak ang baba niya.
At parang hinaplos ang puso ko nang sandali niyang ipikit ang mga mata niya— hudyat na naiintindihan niya kung gaano ako kasaya. "I love you..." napatawa ako sandali. "Jiro."
Dumapa ako't pinilit na tumahimik.
Tinukod ko ang pareho kong siko sa kama habang ang mga binti ko'y nakaangat sa ere habang magka-krus.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko't nakangiting nakatitig sa litratong natanggap.
It was a selfie of Veroxx in front of a mausoleum, a tomb-house as what other people call, with only dim light coming from that room. Medyo naaaninag ko rin iyong ilaw mula sa mga kandila na malamang ay malapit lang sa kaniya.
Mukhang kakakuha lang ng litrato niya, bakas na bakas kasi ang dilim ng paligid. Pero kahit gan'on, nangingibabaw ang kulay gatas niyang kutis.
Mas maputi pa ata talaga si Veroxx kaysa sa future ko eh? Not unless... siya ang future ko.
Joke lang!
Ano ba 'yan, Yumi, kung ano-anong iniisip mo. Mahiya ka nga sa mga patay! Mukha kang patay na patay kay Veroxx, alam mo 'yon? Baka sila pa ang mahiya sa 'yo at hayaan kang makipagpalit ng pwesto sa kanila.
Sandali, akala ko ba... crush lang? At akala ko ba, maggu-goodbye feelings ka na?
Natatawang napailing na lang ako at saka naisipang makipag-chat sa kaniya.
thekjford
Hello!💜💜💜 Nasa sementeryo kaaaa? Saan 'yan?
Iloilo : )
We're paying a visit to our late grandparents
Buti 'di ka dinudumog diyan? Hahaha. Nakalimutan mong mag-mask!
Thats fine
Hahahahahagagagah
Everyone here knows each other
Im no special
Talaga? Ang galing naman! Buti nagkaka-privacy ka naman diyan.💜💜💜
Yes
Hbu?
Are u in the cemetery too?
Bakit kami pupuntang sementeryo? Buhay pa naman lahat ng relatives namin! Hahaha.
Im sorry, Mayumi
Hahahahagaggag
I hope I didn't offend u
Hindi, 'no! Hahaha. Wala namang nakaka-offend d'on.
Napahinto ako bigla kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang mag-send na naman si Veroxx ng panibagong picture. Matik din na mas bumilis ang tibok ng puso ko!
Hala siya? Pwedeng-pwede ko kaya 'to ibenta sa fans niya kung gugustuhin ko... sigurado, magiging malaki ang kita ko!
Pero joke lang 'yon, 'no. Dahil itong pictures niya ay dapat itinatabi... ko. Kasi akin lang 'to.
Dali-dali kong pinindot 'yong natanggap kong litrato.
At wala ng kasing lapad pa ang ngiti ko nang mapansing kasama niya this time ang mga pinsan niya. Nasa loob sila ng kulay kremang mausoleum pero walang tomb na nakikita— nahaharangan siguro nila, ang tatangkad ba naman!
Nasa may unahan si Alejandro na halos hindi na makita ang mga mata sa sobrang tawa.
Ang saya-saya naman niya? So, uso naman maging masaya kahit All Saints' Day, 'no? Hindi naman requirement na dapat malungkot?
For sure, hindi naman siguro gugustuhin ng mga kaluluwa na ang mga naiwanan nilang pamilya ay malungkot.
Wow, Yumi, defensive 'yan?
Natawa na lang ako sa sarili.
Nasa kanan ni Alejandro si Veroxx na ngiting-ngiti. Pansin kong parang may hawak siyang selfie stick.
Ang gwapo naman nito? Para ngang nag-e-endorse ng selfie stick eh! Kung ipo-post niya lang 'to at ita-tag ang brand? Malamang, sold out 'yan!
Natawa na lang ulit ako sa sariling naisip.
Sa kaliwa naman ni Alejandro ay si Trick na nakasuot ng jersey at medyo epic failed— nakatingin kasi siya kay Alejandro at parang may sinasabi. Bukang-buka pa nga ang mga labi niya kaya tawang-tawa talaga ko!
Sa likod nila ay sina Karl na nakasimangot at si C.A. na naka-peace sign, naniningkit pa nga ang mga mata niya sa kakangiti.
Pare-pareho ang mga Ford na gwapo, matatangkad, at matatangos ang ilong. Pero... kahit anong gawin, si Veroxx talaga ang nangingibabaw sa lahat.
Iba ata talaga ang level ng skin care kapag artista eh? Manghingi kaya ako ng tips?
Unti-unting bumalik sa normal na tibok ang puso ko habang nakatitig sa kaniya. Pero dama ko pa rin iyong kakaibang saya rito.
Matamis akong napangiti at saka binasa iyong bagong message ni Veroxx.
thekjford
They want to know if u're good being followed by them here
Oo naman! Thank you. Pakisabi.💜💜💜
Wala sa sarili kong nalaglag ang cellphone ko sa kama at tuluyang ko ng nasubsob ang mukha ko sa unan ko. Napakapit ako sa mattress sa sobrang kilig na nararamdaman.
Gustong-gusto kong sumigaw sa sobrang saya pero wala akong nagawa kundi mahinang mapatili. Baka may magreklamo na naman eh!
Nang kumalma, dahan-dahan na kong bumangon. Baka pati si Jiro, magreklamo na sa sobrang likot at ingay ko eh!
Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard ng kama. Pinatong ko ang kanan kong binti sa ibabaw ng kaliwa kong binti bago pinulot ang cellphone ko.
Sandali ko munang tinignan si Jiro na ang sarap-sarap na pala ng tulog.
Napangiti lang ako sabay balik ng atensyon sa cellphone ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang na-follow na kaagad ako ng apat na pinsan ni Veroxx! "Ang speed naman ng mga 'to," natatawa kong kumento.
Pero hindi ko itatago ah, kakaiba talaga 'yong saya ng puso ko ngayon. Para 'tong hinahaplos-haplos; gan'ong level 'yong pagkaka-touch ko sa gesture nila! Feeling ko kasi, ang special ko...
It seems like they are acknowledging my presence at hindi ako balewala sa kanila... kahit nag-away sina Karl at Alya sa harap ko last time!
Mahina akong natawa sa naalala.
Ayan, Yumi ah, panay tawa ah?
Napailing na lang ako habang nangingiti.
Binalik ko na ang atensyon ko sa cellphone ko. Isa-isa kong tinignan ang profile nila— tamang tingin-tingin lang bago mag-follow back!
Si CA, caford ang username tapos naka-private ang account kaya wala akong nakitang kahit anong content.
Pero si Trick, sadyang wala lang post at wala pang DP.
Baka naman mas fresh pa 'tong account niya sa pinaka-fresh ah?
Tapos six nga lang kaming fina-follow niya at dalawa lang kaming babae, iyong apat ay mga pinsan niya. 'Di ko lang alam kung bakit tiggermarkux ang username niya. Basta, sure akong siya 'to base sa mga username nila.
At si Karl? Kinabog si Trick! Dalawa lang kaming fina-follow at parehong babae. Pero halos manlaki ang mga mata ko nang makitang lagpas 20,000 ang followers niya!
Nang tignan ko ang posts niya, grabe ang aesthetics...
Puro kotse, bilyaran, dagat, puno, langit, at mga nature-related ang mayroon doon.
Pero ah, ang ganda ng username niya— karlklyderford. Second name niya ata ang Klyder?
Last but not the least... si Alejandro na jajaja_ ang username. Parang jejemon na tumatawa, sa totoo lang!
Napahagikhik na lang ako sa naisip.
100+ ang fina-follow niya at gan'on din ang followers. Nang mag-follow back ako, pantay na 'yong mga numero.
"Sadya ba 'yon?" kunot-noo kong tanong sa sarili habang nangingiti.
Puro selfie niya ang laman ng account niya at pansin kong palagi siyang naka-suit. Sa iba't ibang places kinuhanan 'yon— mukhang mga hotel at restaurant na pang-mayaman.
Sa kanilang lahat, siya lang ang may IG Story ngayon. At dahil sinapian ako ng pagka-chikadora ni Trisha, walang isip-isip kong sinilip 'yon.
I expected a photo of him with his cousins pero nagtaka ako nang makakita lang ng black background dito.
I placed my finger on the side before tilting my phone to read the text below that says, 'when you met the Fords, none could drive away'. Matik na nanliit ang mga mata ko kasabay ng pag-nguso ko habang nag-iisip kung anong ibig sabihin n'on.
Pero natakot naman akong baka sumakit lang ang ulo ko kaya sinukuan ko na.
I released my finger from my phone and decided to not mind it. "Baka hindi ko naman talaga kailangang mag-isip," kumento ko pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top