Chapter 21: Getting closer

Chapter 21: Getting closer

The next day, dalang-dala ko pa rin 'yong saya na dulot ni Veroxx at ng pamilya niya. Kaya nga kahit mag-isa ako ngayon, hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala 'yong moments namin kahapon.

Wow, Yumi? Ang lakas maka-'moments namin' ah? Sino ka naman diyan?

Napailing na lang ako at saka kinagat ang ilalim kong labi. Napatungo na lang din ako; takot lang na baka may makapansin sa 'kin.

Hindi naman halatang kinikilig ako, 'no?

Pero aaminin ko... sa lahat ng kilig na naramdaman ko, this one feels different. Parang ang saya-saya lang kahit alam ko sa sarili kong hindi naman niya masusuklian ang nararamdaman ko.

I am more than contented having Veroxx around...

Napatigil ako sa pag-iisip nang humampas ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Napayakap tuloy ako sa sarili ko at saka inangat ang ulo ko para tignan ang maulap at madilim na kalangitan.

Damang-dama ko na ang holidays... ang lamig-lamig na tapos may tugtugan pa kong naririnig sa labas.

Huling araw na rin naman kasi ng buwan— today is October 31. At ilang linggo na lang, panibagong taon na naman ang darating.

Napahinga ako nang malalim bago ibinaba ang tingin sa relo ko.

A las siete na pala ng gabi!

Tumingin-tingin ako sa kapaligiran.

May ilang buildings na patay na ang ilaw sa upper floors. Habang sa Freedom Park naman, wala ng tao. Kaunti na nga lang din ang mga naglalakad eh.

Napakagat ako sa ilalim kong labi at saka ipinagkrus ang mga brasong nakayakap kanina sa sarili.

Ginabi lang ako ngayon dahil may sinalihan pa kong seminar para sa faculty members. Thankfully, nag-offer si Trisha na sunduin ako ngayon kaya makakatipid ako sa pamasahe!

Pero ewan ko lang kung bakit sinapian ng kabaitan ang isang 'yon ah...

Basta. Thankful ako. Tapos ang usapan.

Pero oo, may pasok ngayong araw kahit bakasyon na sa ibang mga katabing school. P'ano ba naman, November 1 at 2 lang ang holiday sa university namin!

Napasimangot ako sa isipin na 'yon.

Kalma, Yumi. Kalma.

Pagkatapos kang pasayahin ni Veroxx, hahayaan mo bang malungkot ka na lang dahil na-deprive ka sa bakasyon?

Hell no!

Pinokus ko na lang ang mga mata ko sa gate 3 na ilang hakbang ang layo mula sa 'kin. Mula sa kinatatayuan ko, damang-dama ko kung gaano pa rin kaabala ang lansangan ng Manila sa mga oras na 'to.

Kitang-kita ko kasi sa labas ang mga taong nagtatakbuhan— siguradong nag-uunahan makasakay sa FX.

Rinig na rinig ko rin ang maiingay na busina ng iba't ibang sasakyan mula sa labas. At malamang, traffic pa rin sa España at Recto ngayon.

Nang humampas muli ang malamig na hangin sa balat ko, marahan kong kinuskos ang magkabila kong braso para painitan ang sarili.

Mamamatay na lang ata ako sa lamig dito't lahat-lahat, hindi pa rin dumadating si Trisha! Ewan ko ba r'on. Kanina pa 'yon on the way eh. May balak pa ba talaga 'yon na sunduin ako?

Ang sabi niya kasi kanina, nasa malapit lang siya. Pero malapit ba talaga? Parang 'di ko naman feel!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makaramdam ako ng ngawit sa mga binti ko. Napangiwi na lang tuloy ako.

I tried to stretch my right leg before doing it on my left leg.

Ilang sandali rin, narinig ko na ang pagtunog ng cellphone ko. Para akong nabuhayan dahil d'on. Tipong nanlaki talaga ang mga mata ko sa tuwa!

Sinilip ko ang loob ng tote bag kong nakasabit sa kanan kong balikat. Imbes na pagtuunan ng pansin ang cellphone, napukaw ng isang water bottle ang atensyon ko.

Matik akong napangiti nang sobrang lapad. Halos mapunit na nga ang mga labi ko eh! Kasabay nito ang medyo bumilis na pagtibok ng puso ko.

Napailing na lang ako.

Hindi ko pala 'to natanggal kaninang umaga bago ako pumasok?

Hindi ko na rin kasi napansin dahil sa pagmamadali. Muntik na kasi akong ma-late sa sobrang himbing ng tulog ko't 'di ko narinig agad ang alarm ko!

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang nararamdamang kilig.

Magtigil ka nga, Yumi! Baka mainip na si Trisha niyan at iwan ka pa. Sayang naman ang hinintay mo, 'di ba?

As I checked my phone's screen, nakumpirma kong si Trisha nga ang tumatawag.

Hindi ko na 'yon sinagot at nagmamadali ng tinakbo ang gate 3.

Nang mai-tap ang ID at makalabas, hinanap agad ng mga mata ko ang red Hyundai Tucson ni Trisha.

Halos mapaigtad lang ako nang may kotseng biglang bumisina sa may bandang kaliwa ko. Nang lingunin, napairap ako nang mamukhaan ang kotse ni Trisha.

Kung pwede ko lang bagalan ang lakad ko para asarin siya eh... kaso kailangan kasi na mabilis ding aalis ang mga kotse sa tapat ng university. Dali-dali tuloy akong tumakbo papunta sa kotse niya.

Agad kong binuksan ang pinto ng passenger seat at saka pumasok sa loob.

"Nahiya ka pa... dapat hindi ka na dumating," kunwareng naiirita kong sambit pagkaupo ko't sara ng pinto.

Sandali niya kong tinignan at kitang-kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya. Tipong kung nakakapatay ang titig, tumba na ko.

"Wow, ate?!" hindi niya makapaniwalang reaksyon bago nagmaneho paalis. "Ikaw na nga 'tong sinundo, parang utang na loob ko pa 'to sa 'yo?!"

Matik akong natawa dahil sa narinig. Akala ko kasi, nagjo-joke lang din siya. Pero natikom ko agad ang bibig ko nang madrama niyang sabihing, "Anetch akes? Uber driver mo? Bayad ba akes dito? Bakit gan'on... parang hindi pa rin sapat? Nagmagandang-loob na nga ako pero parang balewala pa rin..."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig. Takang-taka ko siyang nilingon to the point na napataas na ang pareho kong kilay.

Mukhang seryosong-seryoso talaga siya at 'yong mga mata niya, nangingilid na hindi ko maintindihan.

"Pang-FAMAS award ang aktingan ah?" naguguluhan kong kumento. "Pwede ka ng maging nanay banda riyan... tamang sermon lang sa anak na gusto lang namang mag-joke." Napasimangot na lang ako pagkasabi sa huli.

Mukhang natauhan naman siya dahil sa sinabi ko. Promptly, she cleared her throat and her eyes welled up with tears are now back to normal. Pero medyo nagtaka lang ako nang higpitan niya ang kapit niya sa manibela.

Hinayaan ko na lang 'yon. Baka wala namang meaning 'yon.

Kukunin ko sana 'yong phone ko mula sa tote bag ko para magpatugtog nang matigilan ako. Bigla kasing nag-ingay si Trisha na parang walang nangyari. At hindi lang basta pag-iingay ah... may kasamang pang pang-uusisa!

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya habang nakahawak sa bag ko. "Aminin mo, ate... kayo na, 'no?" out of the blue niyang tanong.

Napakunot-noo tuloy ako. Pero kahit hindi ako sure sa gusto niyang sabihin, matik na pumasok sa isip ko si Veroxx dahil sa tanong na 'yon.

Gaga ka ba, Yumi? Ba't naman masasali si Veroxx sa usapan na 'to?

"Kami na ni?" naguguluhan kong tanong kay Trisha na lalong nagpakunot sa noo ko.

Bigla siyang napabulalas ng tawa— 'yong mapanukso, gan'on. At hindi pa siya nakuntento, talagang nahampas niya pa ng kamay niya ang manibela.

Anong nangyayari dito? Medyo kinakabahan na ko sa kaniya ah...

Sandali niya kong tinignan. Mapang-asar niyang tanong, "Why, ate? May others pa ba bukod kay pogi?" at binalik din niya agad ang tingin sa kalsada. "May bago ka bang nabingwit na artista? Addition to your collection lang ang peg?!"

Humagalpak na naman siya sa tawa. Habang ako, dinaig pa ng noo ko ang long sleeves na bagong laba dahil sa pagkakakunot nito— nagtataka kung anong gustong sabihin ni Trisha.

But after a few seconds, a realization came to my mind. Matik akong napairap at saka nilingon ang kalsada sa may kanan ko. "Hindi kami!" naiinis kong sagot sabay crossarms.

Bigla na naman siyang tumawa nang malakas na nagpapikon na talaga sa 'kin. Nanlilisik ang mga mata ko nang tabunan ko siya ng tingin. "Bakit na naman?!" naaasar kong tanong. Pero lalo lang siyang napangisi.

"So, ate... knows mong si walking green flag named Veroxx ang tinutukoy kong pogi?" nangingiti niyang panunukso. At talagang nagawa niya pa akong abutin para hampasin gamit ang kanan niyang kamay!

Sinusubukan niya ba ko? "Ang sakit ah! Akala mo, hindi nagmamaneho," singhal ko bago hinimas ang brasong sinaktan niya.

Umayos ako ng upo, tipong dikit na dikit na talaga ko sa pinto sa gilid ko. Sandali ko munang ipinikit ang mga mata ko.

Kumalma ka, Yumi. Payag ka, nasa 20s ka pa lang pero dahil kay Trisha, magmumukha ka ng nanay ng nanay mo?

Hell no!

Nang kumalma na kahit pap'ano, binuksan ko na ulit ang mga mata ko.

Hinarap ko siya. Mahinahon kong sambit, "Ayan ka na naman sa pagiging malisyosa mo, Trisha. Alam mo? Kakaganiyan mo, nahahawaan mo na pati si mama."

Imbes na makonsensya, matik siyang natawa! Sabagay... kapag nakonsensya 'to, hindi na siya si Trisha, 'no?

Napangiwi na lang ako sabay iling. Kailan ba 'to magseseryoso talaga? 'Yong mature na, gan'on! Ang tagal-tagal eh...

"Don't don't don't ever change the topic!" maarte niyang saway sa 'kin. She even moved her index finger in the air before pointing it at my direction. "So... ate korn..." mas mahina ngunit nakangisi niya pa ring saad.

At kahit wala pa siyang dinudugtong sa naunang sinabi, matik na lang akong kinabahan. Ni hindi ko na nga napagtuunan ng pansin 'yong bago niyang napulot na salita.

Basta... nanlamig na lang ang mga kamay ko habang pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"Why nasa IG ka na naman ni pogi kagabi?" pang-uusisa niya na nagpakunot ulit sa noo ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. "At! Nakatalikod ka ulit ah... pero! Sure akes na ikaw 'yon... puwit pa lang, Mayumi Madamba na! Ang tambok eh." Natawa na lang siya sa huling nabanggit bago pinalo ang pisngi ng puwit niya habang nagmamaneho.

Napailing na lang ako sa pinaggagagawa niya. Pero sa isang banda, napaisip ako...

IG Story? Ako? Kay Veroxx?

Napakagat ako sa ilalim kong labi habang nag-iisip. Naipatong ko na rin ang mga kamay ko sa binti ko sabay kapit sa tela ng pantalon.

Naagaw lang ang atensyon ko nang tuloy-tuloy sabihin ni Trisha, "At... with my two beautiful eyes, na-sight kong suot-suot ni ate girl sa picture ang square pants mo na akes mismo ang nag-suggest sa 'yo na bilhin!"

Sandali niya kong nilingon habang nanliliit ang mga mata niyang normal namang maliit.

Nang maibalik ang tingin sa kalsada, binalaan niya pa talaga ako ng, "Don't don't don't lie to me! Baka mailaglag kita riyan..."

Napakabrutal talaga!

Pero hindi ko na 'yon pinansin. Kunot-noo kong tanong sa kaniya, "Kabisado mo ba ang laman ng closet ko?"

Kunware, kalmado ako outside pero sa totoo lang? Kating-kati na akong malaman kung ano 'yong tinutukoy niya...

Kalma, Yumi. Kalma. Baka isa lang 'to sa mga prank niya. Tapos kapag kinagat mo, aasarin ka niya lalo!

She suddenly snorted proving how short-tempered she is. "Sagutin mo na lang kaya ang tanong ko, 'te! Wapakels akes sa tanong mo, k?"

Hindi ko na siya pinansin pa. Nanginginig ko na lang na kinuha ang cellphone ko mula sa tote bag ko.

Walang paa-paalam, naki-hotspot na ako sa kaniya. Tutal ay siya naman 'tong mamamatay ata kapag hindi naka-chika.

My fingers were shaking when I tapped my Instagram application.

I only have one notification but that was enough to part my lips in shock...

"Trisha!" mahaba kong tili.

Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Damang-dama ko ang mabilis na kabog ng puso ko at ang lalong nanlamig na mga kamay ko.

"Trisha!" mahabang tawag ko ulit sa pangalan niya na nagpakunot na sa noo niya. Para akong natatae na nanalo sa lotto na hindi ko alam.

Basta! Basta.

"Anyare, 'te?" nagtataka niyang tanong.

Nababalisa ako na hindi ko maintindihan.

Sinubukan kong paypayan ang mukha ko gamit ang libreng kamay pero no effect. Lalo nga lang nag-init ang mga pisngi ko eh!

"Si Veroxx..." halos mautal-utal kong sambit at saka napakapit ang isang kamay ko sa kinauupuan ko.

"Ano nga?!" naiinip niyang tanong na halos hindi na nga patanong dahil bigay-todo siya kung makasigaw.

"Si Veroxx... nag-send siya ng follow request sa 'kin!" tuwang-tuwa ngunit madrama kong balita sa kaniya. Ramdam ko nga 'yong namumuong luha sa pareho kong mga mata sa sobrang saya eh.

Umayos ako ng upo at saka tinignan nang mabuti ang phone ko. Gusto ko lang maging sure. Baka kasi gawa-gawa lang ng imagination ko ang nakita ko kanina!

"What? Trulymae?! Pwede ka ng mamatay, 'te— ay... wait a minute, kapeng mainit! No-no pala. Dapat ay mabuhay ka pa nang matagal!" Tawang-tawa siya sa sarili niyang sinabi.

Pero hindi na 'yon importante.

Kalma, Yumi. Kalma.

Nang maghunos-dili kami pareho, kilig na kilig niyang litanya, "Mayumi Madamba? Mapupunta ka na sa tamang tao! I'm so very very very happy for you. Ikaw na lang ang maling tao... echos!"

Kahit worth it na ikaasar ang sinabi niya, hindi ko magawang mainis.

Ilang beses kong siniguradong totoo ang follow request ni Veroxx. Pinuntahan ko pa nga 'yong profile niya just to see that it is for real! Hindi napindot lang at mas lalong hindi binawi.

Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.

I immediately accepted his follow request as I followed him back.

Napansin ko ring naka-private na pala ang followings niya pero wala akong pakialam.

Wala sa sarili kong pinatong ang isa kong kamay sa may dibdib ko. Pinapakiramdaman ko 'yong mabilis na tibok ng puso ko.

At ang sabi? Veroxx... Veroxx...

Joke lang! Ang corny mo naman, Yumi...

Natatawang napailing na lang ako.

"Mayumi Madamba to earth! Nakikinig ka ba?" pasigaw na tanong ni Trisha kaya nakuha niya ang atensyon ko.

Nagtataka ang mga mata ko nang lingunin ko siya.

"Kanina ko pa tinatanong kung na-confirm mo na rin bang ikaw 'yong nasa IG Story niya! Shogal ah?" reklamo niya na nagpatawa sa 'kin.

Oo nga pala! Ayon nga pala ang rason kung bakit ako naki-connect sa hotspot niya.

Walang imik kong pinindot ang IG Story ni Veroxx. Halos hindi na nga ko huminga habang hinihintay na mag-loading 'yon. Napahigpit na nga rin ang hawak ko sa cellphone ko.

And the moment my eyes saw the picture, tuluyan ko nang nahigit ang sarili kong hininga.

"Ako... ako... ako nga 'to," halos mautal-utal kong balita kay Trisha.

Titili pa lang sana ako sa kilig pero naunahan niya na ko. Natikom ko tuloy ang bibig ko at saka napangiwi bago ko siya nilingon.

Sapaw lang? Gan'on?

At wow ah? Hindi siya marunong makiramdam. Ang tagal niyang kumalma at talagang damang-dama ko ang kilig niya. May paghampas-hampas pa siya sa manibela eh.

Pero okidoks na rin, at least hindi ako ang pinaghahampas niya!

Binalik ko na lang ang tingin ko sa cellphone ko. Tinignan ko ulit ang IG Story ni Veroxx at nagmamadaling pinindot ang screenshot button.

Matik akong napangiti habang pinagmamasdan ang sarili kong likod.

Blurry ang picture— turn ko kasi ng pagtira n'on sa billiards.

Napababa ang paningin ko nang may mapansing mga letra sa baba. It says, 'u're the best, beautiful lady'.

Hindi ko na napigilan ang sarili nang mapatili ulit ako. Wala na akong pakialam kahit sumabay pa si Trisha.

It took me a minute or two before I was able to calm down. Nagdesisyon akong patayin na ang phone ko bago pa ako ang mapatay ni Veroxx sa kilig dahil sa pag-balandra niya ulit sa 'kin sa IG niya.

"So... para saan ang kilig mo?" pang-uusisa ni Trisha nang huminto siya sa tapat ng paborito kong fast food chain.

Parang bigla akong nagutom. Kahit hindi pa kami nakakalabas, parang naaamoy ko na rin ang favorite kong peach mango pie.

"Wala lang..." wala sa sarili kong sagot sa tanong niya.

Dali-dali akong bumaba sa kotse niya, excited na excited makakain! Thankfully, mula sa pwesto ko, kita kong kaunti lang ang mga tao sa loob. May pila pero hindi mahaba.

Sobrang dami kasing branch ng fast food chain na 'to sa barangay na 'to. Malamang ay roon sa bungad nagsisipuntahan ang mga tao.

Nang makapasok kami sa loob, amoy na amoy ko 'yong chicken at spaghetti. Halos dumikit na nga sa ilong ko eh.

Pareho kaming pumila ni Trisha pero siya na raw ang mag-o-order, treat niya raw dahil mapupunta na ko sa tamang tao. Tinawanan ko na nga lang siya.

Kami? Ni Veroxx? Ang labo naman! Mas malabo pa sa 400/400 na grado ng mata with astigmatism.

Isang bucket ng chiken ang binili niya at saka tatlong peach mango pie. Itatanong ko pa lang sana kung bakit walang kanin pero agad niyang sinabi na sa karinderya raw kami bibili ng kanin. Masyado raw ginto rito, baka maghirap na siya.

Tumango-tango na lang ako. Ang importante, makakain.

Pagbalik sa loob ng kotse, kinuha ko agad 'yong isang peach mango pie sa kamay niya. Halos mabulunan lang ako nang sabihin niyang, "Chika mo na 'yan, 'te! Tell me, why kayo nag-date ni Veroxx, huh? At bakit ka nga kilig na kilig diyan? Aminin..." Ngumisi siya sabay sundot sa tagiliran kong ikinangiwi ko. "Gusto mo na?"

"Date?" natatawa kong tanong pabalik pagkalunok ng nginunguya kanina. "Hindi 'yon date!" pagtanggi ko pa.

Dahil alam kong 'di naman siya titigil, kinuwento ko na lang 'yong ibang detalye. Oo, iba lang. Hindi lahat!

Sabi ko pumunta lang kami sa FEU Diliman para magpahangin tapos billiards lang. Gan'on lang.

Hindi ko sinabing sa bahay nina Veroxx 'yong bilyaran. At dahil 'di rin kita sa picture, 'di ko rin sinabing kasama namin 'yong mga pinsan ni Veroxx. Sigurado kasi, marami pa siyang itatanong if ever!

"Kapag nag-meet the family na, i-tell mo sa 'kin kung anong mga ganap ah?" nae-excite niyang utos. Napangiwi na lang ako. "Chika mo rin sa 'kin kung may pwede akes iuwi. Nako, 'te! 'Wag kang madamot... gusto ko ring mapunta sa tamang tao." Napahagikhik na lang siya sa huling nasabi.

Pinilit kong tumawa pero nagtunog awkward lang. Mahina kong sagot, "Sige."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top