Chapter 20: Crush
Chapter 20: Crush
Veroxx safely drove me home...
While we were on the road, he played different love songs while telling me stories. Kaya ayon, panay ang tawa namin dahil sa childhood memories niya kasama ang mga pinsan niya.
Pero sa lahat ng na-kwento niya, may isa lang talagang nangibabaw na nagpahagalpak sa 'kin sa tawa!
He was all smiles with eyes focused on the road when he told me, "Karl is the laziest among all. Tita attempted to burn down his books— he was only kinder that time. The reason?"
Saglit niya kong nilingon bago ibinalik ang tingin sa harap. "He didn't go to school for two weeks. But that kid didn't blink an eye upon knowing... in fact, he handed her the lighter when she was looking for one."
"Seryoso?!" gulat na gulat kong tanong at saka napabulalas sa tawa. Pati siya ay natawa na lang and in between his laughter, he nodded. "All of us can still remember what he told his dad when asked why he doesn't care..."
Pinigilan ko ang tawa ko, halos pati nga hininga ko eh, at saka tumitig kay Veroxx. Tutok na tutok ako sa sasabihin niya.
At tuluyan na talaga akong napahawak sa tiyan ko sa lakas ng tawa when he mimicked the little version of Karl, "It's for the best. I will no longer go to school."
Sa gitna ng halakhak ko, hindi makapaniwala kong tanong kay Veroxx, "Maiisip talaga ng bata 'yon?!"
Nang kumalma na si Veroxx mula sa tawa, nakangisi niyang sambit, "Believe it or not, there's a funnier scene— he asked his parents when he was 12 to establish their own school."
Napatigil ako at saka napakunot. "Bakit?"
"To pass him without going to school..." nilingon niya ko saglit at saka tumingin sa rearview mirror bago sa kalsada. "And to build a house inside, so he can sleep anytime."
I automatically burst into laughter once again.
Hindi ko kinakaya ang isang 'yon! Kung anak siya ni mama? Baka maghalo talaga ang balat sa tinalupan!
Marami pa kaming napag-usapan ni Veroxx bukod d'on...
Nabanggit ko nga sa kaniya na nag-aral ako sa public school kaya nagpa-kwento siya kung kumusta raw.
Promptly, I clicked my tongue in annoyance. "Sobrang hindi magandang experience!" Napailing-iling ako at saka sinabing, "Hindi ko alam kung ganito rin sa iba ah? Pero sa school ko n'ong elementary, pinipilit kaming bumili ng soup!"
Napataas talaga ang boses ko sa huling sinabi at saka ipinagkrus ang mga braso. "Minsan sotanghon na puro sabaw, sopas na lasang tubig, lugaw na lasang ipis, o kaya champorado na special ingredient ata ang buhok ng nagluto!"
It was his turn to laugh at my story. At kahit naiinis ako, napangiti na lang tuloy ako.
I stared at him for a moment. Umayos ako ng upo paharap sa kaniya.
Seeing his dimple while he laughs so hard is more than enough to make me happy too...
"Alam mo ba? May mas malala pa riyan..." naiiling kong saad. Saglit naman niya kong nilingon nang may nagtatakang mga mata. "Kami pa maghuhugas n'on! Tapos 'yong tray kapag recess? Kinukuha lang namin sa canteen tapos kami ang magbebenta sa room. Kaya nga siguro gumaling ako mag-compute pagdating sa pera— kasi kapag nagkulang, abonado pa kami!"
Kumunot ang noo niya sa nalaman.
"They did that to kids?" hindi niya makapaniwalang tanong na tinanguan ko bilang sagot.
May isa pang alaalang pumasok sa isip ko na matik na nagpangiwi sa 'kin. "Alam mo ba? Mostly, self study lang kami. May mga teacher kasi kaming hindi nagtuturo kapag hindi umiikot ang principal."
"That's too bad," agad niyang kumento sa seryosong boses.
"Dami pa 'yan!" pagpapakatotoo ko. Napalakas nga ulit ang boses ko eh.
Asar na asar lang, Yumi? But who wouldn't, 'di ba?
Habang nagbibilang sa kamay, litanya ko, "Project na Manila paper with border, field trip na hindi required pero tatakuting project daw, floor wax at bunot kapag bagsak, assignment na halaman, raffle na wala namang manalo-nalo, at kung ano-ano pa!"
Ipinagkrus ko ulit ang braso ko at saka napangiwi.
'Bullshit, 'no?' ang sarap sabihin kay Veroxx. Pero baka mai-preno niya bigla ang kotse dahil sa culture shock, kaya 'wag na lang.
"How about the parents? Hindi ba sila nagrereklamo sa principal?" seryoso niyang tanong na nagpahinga sa 'kin nang malalim.
"Nagrereklamo... pero wala namang nangyayari..." Tumagilid ako at saka tumanaw sa labas ng bintana.
Mahina at malungkot ang boses ko nang sabihing, "Kaya nga siguro sinasabi nila na kapag galing kang public school, tumatatag ka. Wala kaming kontrol o kahit say eh. Kasi nga, hindi naman 'daw' namin sila pinapa-sweldo."
Napahinto ako sa pagsasalita when I heard Veroxx snorting which is new to me.
Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. At totoo nga! He looked so irritated.
"Everyone pays tax one way or another. That kind of thinking is unbelievable..." kunot-noo niyang kumento.
Bahagya akong napangiti dahil sa narinig. It feels like I found someone who understands me too well. "Kaya nga pinili ko rin talagang magturo. Kasi gusto ko maging mabuti, matulungin, matiyaga, at maintindihing guro. Kahit na it doesn't pay as much..."
Dagdag ko pa, "As a teacher in a school that they treat as their another home, gusto ko lang na ma-feel nila 'yong guidance instead of experiencing the pressures while studying."
Napatitig ako sa mga mata niya nang humarap siya sa 'kin. Nakahinto ang kotse dahil nag-red ang traffic lights.
"And I'm grateful to you by hearing that..." nakangiti niyang bulong, tila proud sa pinili kong career.
Matik na kumalabog tuloy ang puso ko. Napahawak na lang ako sa tote bag ko para makakuha ng suporta.
Kalma, Yumi. Kalma.
"Mind telling me about your teaching journey?" kalmado niyang tanong na nagpasilay sa ngiti ko.
Para bang nagkaroon bigla ng mga kumikinang na bituin sa paligid.
Nang mag-go signal ang traffic lights at umandar ang kotse, tuloy-tuloy ako sa kwento ko habang nakangiti. "Pagka-graduate ko, kumuha lang ako ng ilang units ng courses na kailangan kong ma-complete; required kasi sa dream university ko. Sandali lang 'yon, pagkatapos na pagkatapos, nag-apply agad ako sa university. Sinabihan pa nga ko ng ibang kakilala ko na try ko rin daw sa iba dahil baka mahirapan akong makapasok. Wala kasi akong Latin Honors pero ginalingan ko, not to prove them wrong, pero dahil pangarap ko 'yon."
Lalo akong napangiti nang sabihing, "Natanggap naman ako as a professional lecturer pero lowest rank muna. After a few semesters, naging lecturer. Kaya plano ko ngang mag-graduate school para maging assistant professor at ma-regular. Pero, at the meantime, panay sali muna ko sa training programs and seminars."
He slowly nodded his head before sweetly telling me, "You'll achieve your goals. You're hard-working, great, understanding, and I can sense through your voice that you love what you're doing."
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig. Napakasimple lang ng sinabi ni Veroxx pero enough na 'yon para ipadama sa 'king naniniwala siya sa kakahayan ko. At enough na 'yon para ipaalala sa 'kin na laban lang talaga kahit ang hirap-hirap na ng sitwasyon.
Bilang independent na tao na hindi naman achiever, ang sarap pala sa pakiramdam na mapuri-puri ka... especially with the little things you least expected for others to pay attention to.
It was actually the first time that I opened up those stories with a man. Kahit si Tres, hindi alam ang mga 'yon. Parang... nakakahiya kasi.
Naniniwala na talaga akong walking red flag ang isang 'yon eh! Hindi man lang nagtanong-tanong tungkol sa buhay ko? Grabe!
But Veroxx? He's different. He makes me want to be true about myself. He makes me laugh over embarrassing moments. He makes me smile over simple things. He makes me talk about the things I love. Basically, with him, I experience a lot of things I don't usually do with other people.
Ni hindi ko na nga napansin na lumipas na pala ang oras na kasama ko siya. Nang huminto na ang kotse sa tapat ng bahay namin, napatitig ako sa kaniya.
While I was staring at his almond eyes, I finally understood or maybe officially accepted the meaning of those irregular heartbeats I have had when we're close to each other, the at ease feeling when he's around, the genuine happiness when we're simply talking about us and our lives, the gratitude I always feel when he's making extra efforts for me and my family, those times I was waiting for his messages, and the overwhelming emotions I felt when he sang me those songs...
My heart considers him special. My mind knows he is important to me.
I started liking him. I started liking Veroxx and everything he does for me.
Perhaps, my heart knew it since then but I was in denial because I was used to giving everything to people to the point that I thought it was normal; and when Veroxx came, he made me realize that I also deserve to receive the same energy and love, which is something new to me.
So, who wouldn't have a crush on him?
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.
Napaka-kalmadong tao. Napakabuti ng kalooban. Hindi ata marunong magalit nang todo ang isang 'to eh. Napakamaintindihin pa. Siya 'yong tipo ng artista na kapag naging paborito ng iba, alam mong tama sila ng desisyon.
He is a good role model. Walang kapintasan sa katawan. O baka mayroon din siyang flaws pero ginagawa niya lang kasi ang makakaya niya to be the best version of himself.
Napapaisip tuloy ako...
Ano kayang pakiramdam na mahalin ng isang Veroxx Ford? Ng isang Kyle Jiro Ford?
Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kung paano mahalin ng isang Jiro na pusa ko!
Bahagya tuloy akong napangiti dahil sa naisip.
Pero seryoso... hindi ko rin talaga alam kung malalaman ko ba 'yong pakiramdam na mahalin ng isang tulad niya. Siguradong mas pipiliin ko pang kimkimin 'tong nalaman kong pagtingin ko para sa kaniya kaysa umamin, 'no!
Dahil natatakot akong dumating kami sa punto na dahil sa pagka-crush ko sa kaniya, lalayuan niya na lang ako bigla. And that's a hell no! Sayang naman kasi 'yong... pagkakaibigan namin.
Baka... hindi naman magtatagal 'tong nararamdaman ko para sa kaniya? At saka, hello? We have only known each other for almost a month! Ibig sabihin, isang buwan halos pa lang din kaming break ni Tres.
Ano, dadaigin ko pa 'yong 3-month rule?
Kaya kailangan ko talagang mag-isip dahil baka masyado lang akong na-overwhelm sa nararanasan ko kasama siya. Dahil kung hindi ko 'yon gagawin... baka tuluyan ngang masayang 'yong pagkakaibigan namin... baka mawala pa siya sa 'kin.
Wala sa sariling napabuntong-hininga ako.
Nakakainis ka, Yumi. Alam mo 'yon? Minsan ka na nga lang magkar'on ng anghel na kaibigan, magugustuhan mo pa! Sobrang uhaw lang sa kabutihan, gan'on?
As if namang... magugustuhan ka ni Veroxx.
Nalulungkot kong kinagat ang ilalim kong labi.
Tama. Mawawala rin 'to.
Baka nagustuhan ko lang siya kasi isa siya sa mga taong tumutulong sa 'kin na makapag-move forward mula sa heartbreak ko kay Tres pati sa mga issue-issue online na 'yon.
Kung pati siya, aalis sa buhay ko, literal na ang lungkot naman. Mas pipiliin ko pang mabura sa mundo si Satanas na nagkatawang-tao kay Tres kaysa isang anghel na gaya ni Veroxx.
"Take a good rest. Good night, Mayumi," malumanay niyang sambit habang may ngiti sa mga labi.
Matik na napangiti rin tuloy ako na para bang hindi ako nakaramdam ng lungkot ngayon-ngayon lang.
"Thank you, Veroxx. Nag-enjoy akong kasama ka... 'yo," saad ko, halos mautal pa sa huling sinabi.
Parang gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko.
Umayos ka nga, Yumi!
"Were you comfortable and happy being with my family?" nangingiti niyang tanong.
"Oo naman..." Sobra-sobra pa nga eh. "Hindi sila awkward kasama."
"Good. Because Ford family likes you too," aniya bago inabot ang buhok ko para bahagyang guluhin.
Kusang nag-init ang mga pisngi ko kaya lumingon ako sa kabila.
Kalma, Yumi. Kalma.
Huwag kang papahalata, okidoks?
Bababa na sana ako sa kotse niya nang sabihin niyang, "Wait," kaya napatigil ako sa kinauupuan ko. I stared at him hanggang sa nauna na siyang bumaba.
Pagkaikot niya sa gilid ko, siya na ang nagbukas ng pinto para sa 'kin.
Damang-dama ko 'yong pagkalabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Bakit ba ganito ka-gentleman ang isang 'to?
Act normal, Yumi. Kaunting tiis na lang oh? Pwede mo ng itili lahat ng 'yan sa kwarto mo mamaya!
Pagkalahad ni Veroxx ng kamay niya, agad ko namang tinanggap 'yon. Kunware kalmado ako pero sa loob-loob ko? Nagta-tumbling na ata ang mga laman-loob ko! Sa totoo lang naman eh...
Habang bumababa nga ko sa kotse, inalalayan pa niya ko gamit ang kabilang kamay niya eg. Siya na rin ang nagsara ng pinto na lalong nagpalawak sa ngiti ko.
Feeling ko tuloy, prinsesa ako...
"Thank you ulit," natatawa kong pagpapasalamat at saka marahang kinuha pabalik ang kamay ko.
Nakakatakot na baka madala ko pa siya sa loob ng bahay kung 'di siya bibitiw sa kamay ko eh.
"Get inside before I leave," aniya.
Tinanguan ko siya bilang pag-sang-ayon. Hindi na ako nagprotesta pa.
Bago tumalikod, kinawayan ko muna siya at saka binuksan ang gate.
Kahit gusto ko pang lumingon, hindi ko na ginawa. Baka kung ano pang magawa ng mga paa ko't tumakbo pa pabalik sa kaniya eh. Nakakatakot naman kung mangyayari 'yon, 'no!
Pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan ng bahay, una kong nadinig ang tatlong busina ng Mustang ni Veroxx.
Halos mapatili ako sa kilig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top