Chapter 2: Consequences
Chapter 2: Consequences
I was too preoccupied with what I saw when Trisha's loud laugh guided me back to reality.
Napaangat 'yong tingin ko sa kaniya. I was trembling when I placed my hands on top of my legs. I couldn't help but to restlessly fidget my fingers together.
Dinig na dinig ko pa nga 'yong malakas na kabog ng puso ko. Para na 'tong sasabog sa sobrang kaba anytime soon.
No. That can't happen. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito na eh. Nangyari na. Trending na 'yong pagsampal ko kay Veroxx.
Nilawayan ko 'yong ibaba kong labi nang malasahan ang dugo mula r'on. Hindi ko na napansin na kanina pa pala ko nakakagat r'on at sa sobrang diin, nagsugat na nga.
Natatawang puna ni Trisha, "Medyo OA ka na, 'te! Maka-react ka naman, parang ikaw naman 'yong... 'yong ano–"
Dahan-dahan siyang napahinto sa pagsasalita at saka ako tinitigan. The smile that was showing from her face was gone. It was replaced by her shocked small eyes with her mouth literally forming an 'o'.
Mas naging intense pa 'yong titigan namin nang tila may ma-realize siya. At mas lumakas din ang boses niya nang sabihing, "Shocks! Mayumi Madamba, ikaw ang sumampal—"
Pati ang mga mata ko, nanlaki na rin dahil sa narinig. My reflexes were fast to get up from my seat for me to place my hand on her lips. Halos matulak ko na nga siya sa bibig dahil sa bilis ng kilos ko at pagkataranta ko.
I rudely shushed her to make her stop from saying este shouting anything.
Mahirap na! Hindi ako ready to be known by many people in no time. At hindi ko 'yon gustong mangyari.
Ngayon pa nga lang na nameless ako, hindi ko na kinakaya ang stress, paano pa kapag nalaman nila ang pangalan ko?
Marahas niyang hinawi 'yong mga kamay ko kaya nakasimangot akong bumalik sa pagkakaupo. Umakto pa siyang nasusuka habang pinupunasan ng tissue ang mga labi niya.
Kahit hindi niya nakikita dahil sa shades ko, inirapan ko pa rin siya.
Ang arte kasi! Malinis na tao kaya ako. At no choice lang naman ako dahil muntik na 'yon! Kung 'di ko tinakpan ang bibig niya, baka narinig na ng mundo ang totoo. Sobrang lakas pa naman talaga ng boses ng babaeng 'to!
Yes, she's a girl in red hair. Medyo kulot at maigsi lang ang buhok niya na hindi lalampas sa balikat.
Morena, balingkinitan, mas matangkad siya sa 'kin (around 5'7 siya, I think), at akala mo may built-in megaphone sa lakas ng boses.
She is not part of the LGBTQIA+ community, her parents and sister are. Her mom is gay, her dad is lesbian, and her sister is gay as well. She simply couldn't help but speak LGBTQIA+ slang although she's trying to not use it that much, especially when talking with colleagues.
And unlike what other people tend to believe, Trisha grew up as a happy, strong, and respectful woman. Napalaki siya nang maayos nina tita at tito.
Their house is a home for her. Matatawag mong pamilya ang pamilya nila, not for the sake that they are blood-related but because they built a loving bond towards each other.
Never niya ring kinahiya ang pamilya niya, that's what I love about her. Hindi ko lang talaga love ang sobrang kadaldalan niya na minsan wala ng preno! Isama pa na ang lakas ng boses niya.
"Lasa talagang hindi naligo ang kamay mo!" reklamo niya pagkatapos punasan ng panibagong tissue ang mga labi niya.
Akala ko naka-move on na siya, mukhang hindi pa pala.
"Ang arte mo," singhal ko sa kaniya. "Ba't mo kasi tinikman? Kasalanan ko pa rin 'yon?" sarkastiko kong tanong na ikinairap niya.
Akala ko hahampasin niya ko nang ilapit niya ang sarili sa mesa. Isasandal niya lang pala sa ibabaw nito ang magka-krus na mga braso niya. Mabilis pa naman akong umiwas!
Dahan-dahan na lang akong umayos ng upo. Kunware hindi ako napahiya banda r'on.
"Wis mo naman na-tell na mas strong ka pa kay Hidilyn Diaz at Do Bongsoon. Shocks! 'Yong sampal mo sa feslak ni..." Kusa siyang napahinto sa pagsasalita nang mapansing muntik na niyang mabanggit ang pangalan ni Veroxx.
Sinimangutan ko na lang siya. Muntik na naman 'yon ah! Para akong nasa bingit ng kamatayan nito eh. Baka ako na talaga ang maunang ma-high blood dahil sa kaniya.
Mahinang pagpapatuloy niya sa sinasabi kanina, "Basta siya na 'yon." Na bumalik din ulit sa malakas na boses nang banggiting, "Sobrang pula ng pisngi niya! Akala ko may blush-on 'yang kamay mo. Instant makeup ang ginawa mo, bakla!" Halos mapatili na siya sa huling sinabi.
Hindi naman halatang shock siya, 'no? Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang atensyon sa phone niya. I tapped it twice using my pointing finger upang bumukas at para tignan ulit ang article.
I was having a tough fight with myself whether to check the comment section or not when I found my fingers already scrolling through it.
Parang kinurot ang puso ko nang mabasa ang ilang comments. My lips automatically trembled along with my hands.
Kakapit sana ko sa mesa bilang suporta sa sarili na nanginginig sa sakit, gulat, at kaba. But my hands ended up falling on the side of the phone.
Unti-unting nauubos ang lakas ko.
My breathing is getting shorter and my tears started to well up in my eyes.
Christine Lampara Cno b yan???? Mkxmpal wgas!!!!
Just now Like Reply
Bea Batumbakal GHOOOORL, THE AUDACITY TO HURT VEROXX FORD? I WANT TO SLAP YOU THRICE!🤬🤬🤬
1m Like Reply
Allen Prado pkibgay address, pdlhan q lng ng utak : )
1m Like Reply
Ilang beses akong huminga nang malalim para lang pigilan ang pagtulo ng luha ko. It worked after a while but it didn't help to calm the storm inside me.
Bakit mo pa kasi pinilit na basahin, Yumi? You know the high possibility of getting hurt but you still did it!
Pinatong ko 'yong mga kamay ko sa magkabila kong binti para haplos-haplusin ang sarili. I kept doing it until warmth visited my palms. Hindi na ganoong kalamig ang mga kamay ko pero nanginginig pa rin 'yon pareho.
Ang hindi ko lang alam... kung paano babalik sa normal na tibok ang puso ko. At hindi ko alam kung paano tatanggalin 'yong nakabara sa lalamunan ko.
I want to loudly and sarcastically laugh but I just can't do it. Wala na kong lakas. Kahit ang sumigaw dahil sa galit, hindi ko na magawa.
Bakit kung sabihin nila 'yon, parang sobrang dali lang para sa kanila?
Pero ako bilang gaga, for one last time, tinignan kong muli 'yong screen ng phone ni Trisha. There was this comment that caught my attention. Parang nahigit nito ang hininga ko pagkabasa pa lang sa first two sentences.
Justine Papa Grabe naman kayo kung makabash!!😏 Baka naman may dahilan siya.
Just now Like Reply
A light smile suddenly formed on my lips. Hope immediately visited my heart.
Pinagpatuloy ko 'yong pagbabasa ng same comment na 'yon.
Justine Papa Pero ang oa naman kasi talaga ni ate mo!! God bless na lang talaga sayo...
Just now Like Reply
Mapakla akong napatawa.
Ano pa nga bang aasahan ko sa mga tao? And what am I expecting and hoping for? That some netizens will side me and tell the world that I wasn't at fault?
P'ano naman nila sasabihin 'yon? Eh hindi nga nila alam kung anong totoong nangyari.
Pero... "Bakit kung makapagsalita sila, parang kilala nila buo kong pagkatao?" mahinahon pero masama ang loob kong tanong.
Marahas na binawi ni Trisha 'yong phone niya at saka niya 'yon pinasok sa bulsa ng maong niyang pantalon.
Dumapo 'yong titig ko sa mukha niya nang malakas siyang bumuntong-hininga. Her eyes are filled with concern, empathy, and pain as though she can feel my broken heart and stressed out soul.
Bawat salita niya, piling-pili nang kumustahin niya ko, "Okay ka lang, 'te? Nakakauga talaga ang nangyari pero hayaan mo na 'yon."
I was a little surprised with her reaction. Sobrang dalang niya lang umakto nang ganito. Kaya kahit nasasaktan pa rin ako sa mga nabasa, I acted brave and fine.
I don't want her to feel the same amount of stress that I have. Hindi niya deserve.
"Oo naman," malumanay kong sagot. "Ako pa ba?" I proudly asked.
I can't call it a lie since I know and I believe in my coping mechanisms. Wala nga lang talagang kasiguraduhan ang lahat pero... kakayanin.
Malapad siyang napangiti nang marinig 'yon. Promptly, bumalik sa normal na malakas na volume ang boses niya. "Divine?! Let go the negativity. Go, go, go away lahat ng bad vibes!" Umakto pa siyang nantataboy ng kung ano sa ere.
Napangisi na lang tuloy ako dahil sa sinabi niya. Parang walang kwenta 'yon pero nakakagaan ng loob.
Trisha isn't that good at comforting other people but she's doing her best to make me feel better. That's more than enough.
"Pero, 'te, may question lang akes," pabulong niyang sambit nang bahagya niyang ilapit ang mukha sa 'kin. Nanliliit pa ang mga mata niya nang ngusuan niya ang salamin ko. "Why ka may pa-shades? Anong tea mo?"
Kung may perfect na tunog ang tsismosa, 'yon ang tunog ni Trisha.
Napailing na lang ako bago tumayo at kunin ang bag ko sa mesa.
"May dala kang kotse? Doon ko na lang iku-kwento," marahan kong banggit habang tumitingin sa paligid.
Kahit hindi ganoong karami ang tao rito, mahirap pa rin. We never know what could happen in a snap.
Mapakla akong napangiti sa sariling naisip.
Hindi na rin naman nakipagtalo pa si Trisha. She guided me to the nearest parking lot in the area.
Sa passenger seat ako umupo habang siya sa driver's seat. Nilagay ko rin 'yong bag ko sa may paanan.
To lighten the mood, nag-pout ako sa harap niya at saka pabirong sinabi, "P'ano na 'yong libreng yogurt ko?"
Nanlalaki 'yong mga mata niya nang harapin niya ko. Dali-dali niya kong hinampas sa kaliwang braso kaya agad-agad akong napatawa as if na hindi ako 'yong Yumi na paiyak na dapat kanina.
Gan'on talaga sa buhay. Masasaktan pero lalaban ulit. Hindi naman kasi pwedeng masasaktan na lang ako buong buhay ko dahil sa nangyari.
I once heard from my professor that we should not let a bad minute affect the 23 hours and 59 minutes of our lives.
"Kadirdir, Mayumi Madamba! 'Wag mo na 'yang uulitin, nasusuka ako," nandidiri niyang reklamo sabay turo sa mga labi ko.
Hindi na maipinta 'yong mukha niya kaya lalo akong natawa.
Without further ado, she started the engine. Pero masama niya muna kong tinitigan bago padabog na inilapad 'yong mga kamay niya sa steering wheel.
Parang ang sama-sama ng loob niya dahil sa pout ko at dahil naalala ko pa ang dapat na panlilibre niya. Sorry siya! Matalas ang memorya ko pagdating sa mga libre.
"Iuuwi na kita sa baler niyo. Kain na lang tayo sa fav mong fast food malapit sa inyo," anunsyo niya habang seryosong nagmamaneho.
Nakangiting tumango-tango na lang ako bago tumingin sa gilid ko.
People are everywhere. Kitang-kita ko rin mula rito ang LRT. When the train passed by, rinig na rinig ang ugong nito.
"May wis ka pang kinu-kwento," makahulugang basag ni Trisha sa katahimikan.
Nakakunot-noo naman akong lumingon sa kaniya.
"Don't tell me, kaya ka naka-shades ay dahil sinuntok ka ni Veroxx pagkasampal mo sa feslak niya?!" gulat niyang panghuhula habang nanlalaki ang mga mata.
Sandali niya pa kong nilingon kaya napangiwi na lang ako.
"Grabe ang imagination mo ah?" hindi makapaniwala kong tanong. "Mas malawak pa sa MOA!"
Sabay kaming napatawa dahil sa sinabi ko.
"Pero why nga kasi may sampalan at pa-shades?" naiinip niyang tanong.
Huminga muna ko nang maluwag bago ibinalita sa kaniya ang nangyari kahapon. "Tres and I broke up yesterday—"
"What?!" hindi niya makapaniwalang singit.
Napadiin pa 'yong hawak niya sa steering wheel at muntik na siyang hindi maka-preno when the traffic lights turned yellow.
Mabilis niya kong hinarap. "Truly ba itey?!" tanong niya sa malakas na boses kaya sandali kong tinakpan ang mga tainga ko. Binaba ko rin naman 'yong mga kamay ko nang medyo huminahon na siya. "Anong connect ni Veroxx? Don't tell me, nag-cheat ka kay Tres! Hala ka, 'te. Kolektor ka ng mga artista ah! Eh ba't may sampalan?"
Sabay na kumunot 'yong mga noo namin. Hindi ako makapaniwala sa nagawa niyang story. At talagang pinagbintangan niya pa kong kolektor ng mga artista ah?
Hindi na tsismosa ang tawag sa isang 'to eh, ultimate storyteller na!
"Mukha ba kong cheater?" singhal ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya kaya napairap ako. Pagka-klaro ko, "Tres cheated on me with Rizzi Ricaforte. Huling-huli ko silang naglalampungan sa parking lot sa condo na tinitirhan niya. Ayon, iyak ako nang iyak kagabi. Maga ang mga mata ko." Diniinan ko pa 'yong pagkasabi sa huli. Para ipaalam sa kaniya na hindi ako sinuntok ni Veroxx.
This woman's imagination!
Bago pa siya makapag-side comment, inangat ko na 'yong kamay ko sa ere para patigilin siya. Tinuro ko rin 'yong traffic lights na nag-green na.
Inirapan muna niya ko bago bumalik sa pagmamaneho.
Pagpapatuloy ko sa naudlot na kwento, "Before that scene, Veroxx and I met in the mall. Medyo uminit ang ulo ko dahil siya ang nagsabi sa 'kin na niloloko lang ako ni Tres the whole time. Kaya ayon, nasampal ko siya."
"Wis pa uminit ulo mo n'on, 'te?!" natatawa niyang tanong habang nakatingin sa kalsada. "Baka nasapak mo pala siya kung uminit na talaga nang husto ang ulo mo!"
Pareho na lang kaming napatawa dahil sa kumento niya.
Hindi naman ako gan'ong ka-brutal. Grabe siya sa 'kin ah! Very wrong 'yon.
"Pero why ka niya kilala?" nagtataka niyang tanong bago niya ko sandaling sinulyapan. Niliko niya 'yong kotse sa kanan para mag-shortcut sa Blumentritt.
"Ewan ko rin," walang kaalam-alam kong sagot sabay kibit-balikat. "But he seemed so aware with things," nagtataka ko pang sambit.
Napatingin na lang ako sa kalsada habang inaalala 'yong mga sinabi ni Veroxx. The way he told me that Tres was cheating on me, the way he called my name; he did those things as though he knows Tres and me so well.
"Why mo naman sinampal si pogi? Nagmamalasakit lang pala," nagtataka niyang tanong na tila hindi mahanap ang rason ko sa nagawa.
Tinignan ko siya ulit. Nagsisisi kong sambit, "I was having a bad day, bad timing talaga siya. Kakapanood ko lang ng balita n'on tungkol sa trend n'ong isang gabi— 'yong sa bagong palabas ni Tres. Tapos ayon, siyempre, nakakainis marinig mula sa kaniya na niloloko lang ako ni Tres." Huminto ko para huminga nang malalim at umiwas ng tingin.
Parang kinurot 'yong puso ko sa pag-alala ng mga nangyari detail by detail.
Nahihiya akong sabihin ang totoo but I still did it anyway. "I was thinking that he might be someone who was sent from the entertainment to check if I'm really Tres' gf that time," malumanay kong dugtong sa naunang kwento.
"And?" naiinip na singit ni Trisha.
"At naisip ko na... baka may katotohanan ding niloloko lang ako ni Tres." Napatigil ako sa pagsasalita when I felt a lump on my throat. Tears also started filling my eyes.
Gusto kong sabihing ang sakit but that's an understatement.
Memories from the past came rushing on my mind— those times that I spent with Tres. Akala ko kasi... siya na hanggang huli eh. Pero akala ko lang pala 'yon. Hindi pala siya marunong makuntento sa isa.
Marahas na napabuga ng hininga si Trisha.
"Ate naman! Wis ka dapat nananampal ng kung sino-sino. Look! Nag-trend ka tuloy. Si Tres ba, nasampal mo? 'Yon ang nanakit sa 'yo, why mo naman binabaling sa iba ang galit mo?" sunod-sunod na tanong ni Trisha sa malakas na tono.
At kahit hindi ko siya lingunin, I can feel how frustrated she is.
Thinking about the things that I did, alam kong mali rin talaga ko. Nilagay ko 'yong sarili ko sa sarili kong hukay eh.
Sabay kaming napabuntong-hininga ni Trisha.
"Knows na ba 'to ni mudra mo?" nag-aalala niyang tanong. I can feel her glances on me but I remained my eyes darted outside.
Umiling ako bilang sagot. Nahihiya at natatakot kong sambit, "Wala pa kong lakas ng loob na sabihin sa kaniya 'yong mga nangyari. Baka ma-high blood eh."
She snorted at me when I said that. I also heard her banging her hands on the steering wheel.
"So, sa pagsampal ng inosente ay may lakas ka ng loob? Pero ang maging honest sa mudra mo, waley?" sarkastiko niyang tanong.
Mabilis ko tuloy siyang nilingon. Tinanggal ko pa talaga 'yong sunglasses ko para panlisikan siya ng mga mata.
Binalik ko rin 'yong glasses ko at saka pinagtanggol ang sarili, "Alam mo namang una pa lang, ayaw na niya kay Tres—"
"Orkot kang masampal sa 'yo ang truth na isang red flag na binudburan ng tao itong si Tres?" singit niyang tanong.
I wasn't able to answer anything... because she nailed it. That's it.
Pero takot din akong ma-disappoint si mama. Takot ako na ma-stress siya kapag nalaman niyang break na kami ni Tres at trending ako dahil sa pananampal ko.
If I can only go back to past and erase a scene, iyong eksena lang na sinampal ko si Veroxx ang buburahin ko.
Nakaka-culture shock naman kasi ang attitude ng fans niya. They do not know a single fact, aside from seeing that video, pero kung husgahan nila ko, akala naman nila ay may ambag sila sa pagpapalaki sa 'kin.
And how I wish... they won't get the chance to know my name. Hindi pwedeng madungisan ang image ko, not because I care about it but because I have students— kailangan kong maging role model sa kanila.
My mom might also get affected. Tapos ang trabaho ko pa, paano kung madamay rin?
Now that I'm thinking through it, I just realized how big this trend is. That single mistake and its weight given to me are no joke. As much as I want to shoo it away and move forward in my life, it's not that easy.
Ito kasi mahirap kapag hindi kayo mapera, hindi ka sigurado kung may safety net ka ba kapag nagkamali ka.
Pero kaya mo 'to, Yumi, 'di ba? Kaya mo 'to.
Malungkot akong napatitig ulit sa labas.
Kinakabahan kong pagpapakatotoo, "I don't know if I can take the painful consequences if his fans will get a hand on my personal information."
"Ganiyan talaga, 'te!" Trisha hissed on me. "Kung dati, sa mga tsismosang kapitbahay lang tayo umiiwas, ngayon? Kung pwede lang na iwasan na lahat ng population sa Pinas, go!" litanya niya.
Mabagal akong napalingon sa kaniya nang marinig ko siyang mag-'tsk'. "Nakaka-orkot na isang maling galaw mo, makikita mo na ang bading, posted na online!" pasigaw niyang sambit na kulang na lang, sabihin niyang ako 'yong tinutukoy niya.
Malumanay kong tanong, "Why do you think so?" At paano nila naaatim na may nasasaktang iba? Tinatapakang tao?
She suddenly burst into laughter. "Ay! English? My bleed is nosing, 'te," pagbibiro niya na ikinasimangot ko.
Seryoso kasi ako eh! Tapos papasukan niya ng gan'ong biro.
Hindi nakawala sa paningin niya 'yong pagsimangot ko nang sandali niya kong lingunin. Nakita ko pa 'yong paggalaw ng mapula niyang buhok sa bilis niyang lumingon.
"Echos lang!" nakangiti niyang sambit habang nakatitig sa harap. "Some social media users gain validation, support system, and fulfillment when they receive comments same to their perspective. That's the reason why they aren't afraid of posting anything without thinking, especially when it's clout chasing."
Marahan siyang tumawa ulit at saka nagbiro, "Oh, 'di ba, pati si bakla napapa-English na!"
Instead of joining her with her laughter, I found myself taking a deep sigh with the realization that crossed my mind.
Napailing ako at saka pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mga binti ko.
"Dati 'think before you click' lang ang paalala. Pero ngayon, parang kailangan na rin ang 'place yourself on the shoes of others before clicking the post button'," ani ko sa mababang boses.
It feels so disappointing that this technology built for many good purposes isn't used wisely and rightly by many people. It has been taken for granted for the benefit of a few.
Makahulugang tanong ni Trisha, "Now mo lang na-realize? Kasi nandiyan ka na sa situation na 'yan?"
It left me dumbfounded and hanging.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top