Chapter 19: Points
Chapter 19: Points
Habang tinuturuan ako ni Veroxx mag-billiards, hindi maiwasan na magdikit ng mga balat namin. Napapaigtad tuloy ako dahil sa gulat. Pero agad ko rin namang kino-compose 'yong sarili ko.
Mag-focus ka lang, Yumi. Focus.
I started making my pool stance while eyeing the cue ball. Nang sigurado na, inasinta ko na ang bola.
Matik na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang resulta. "Nalaglag ko 'yong dilaw!" tuwang-tuwa kong sigaw sabay lingon kay Veroxx na nasa tabi ko.
Nakatingin din siya sa 'kin habang ngiting-ngiti. Nag-init nga lang ang mga pisngi ko nang iangat niya ang kamay niya para guluhin ang buhok ko.
Natameme na lang ako sa kinatatayuan ko.
"Great job, beautiful lady," he sweetly complimented me which made me smile from ear to ear again.
Aaminin kong iba talaga ang fulfillment na makapag-shoot ng bola. Pero mas iba ang feeling na proud na proud siya sa 'kin!
It feels great... para akong may kasangga.
We ended up doing a by pair game. Kami ni Veroxx ang magkakampi habang sina Trick at Alejandro naman ang magkasama.
True to Veroxx' words, mas magaling nga siya kay Alejandro! Napapaawang na nga lang ang mga labi ko tuwing tumitira siya.
He looks expert in this game. 'Yong porma pa lang niya, alam mong uuwi ng panalo!
Kaya ang Yumi? Hindi nagpakabog! Ginalingan ko rin para hindi lang siya ang magbubuhat sa team namin, 'no.
At tulad ng hula ko... Veroxx and I won the game!
"Totoo ba 'to?" I asked in surprise while still looking at the hole where I shoot our last ball. Natawa na lang sila dahil sa reaksyon ko. Habang si Alejandro, disappointed na disappointed nang sabihing, "Hindi man lang kami nakaporma!"
But I wasn't paying attention to him. My body knows one person to look at— wala sa sarili kong nilingon si Veroxx.
Agad namang bumungad sa 'kin 'yong napakatamis niyang ngiti. I can't help but smile widely.
May kung ano na lang na nagtulak sa 'kin na bitawan ang cue stick at saka mabilis na sinara ang distansya namin. Walang isip-isip ko siyang inawakan sa magkabila niyang braso at saka nagtata-talon sa sobrang saya.
Tawang-tawa si Veroxx pero halata sa mga kumikislap niyang mata na naaaliw siya sa nakikita. He looks like a proud father to his daughter right now. Parang hinaplos tuloy ang puso ko!
"Because you did a great job, you have a reward... let's eat?" pag-aaya niya na mabilis kong tinanguan as I clasped my hands together.
Nako! Dapat pala mabalaan na nila si Efren "Bata" Reyes, 'no? Dapat lang na kabahan na siya! Baka magulat na lang siya, napalitan ko na siya sa trono niya.
Napangisi na lang ako sa sariling naisip.
Sabay-sabay kaming dumako sa may kahoy na upuan. Hababg naglalakad, natatawa kong kinuwento sa kanila kung p'ano ako kinabahan n'ong unang beses kong mahawakan ang cue stick kanina.
"Ako... alam mo ba kung s'an ako kinabahan?" natatawang tanong ni Alejandro sa 'kin.
Napakunot tuloy ang noo ko nang lingunin ko siya. "Saan?" tanong ko naman pabalik, abang na abang sa sasabihin niya.
"Sa nag-Tagalo—" Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang mapahinto siya sa paglalakad. Nawala 'yong ngiti niya habang nakatingin sa may gilid ko.
Sa kyuryosidad, tinignan ko kung anong mayr'on. Pero ang naabutan ko na lang, umaayos na ng upo si Veroxx sa gilid ng dalawang bowl ng triangular egg sandwiches.
I heard Trick laughing while taking a sit on the other side. Tinabihan siya ni Alejandro kaya wala na kong nagawa kundi okupahin ang gilid ni Veroxx.
Saktong pag-upo ko, inabutan kaagad ako ni Veroxx ng sandwich. Matik tuloy akong napangiti bago ko iyon kinuha sa kamay niya. "Thank you," nangingiti kong pagpapasalamat.
"I got you," he whispered that made my smile get wider.
I thought, 'yon na 'yon. But I was wrong. Habang kumakain, panay pa ang papuri ni Veroxx sa 'kin. Kaya ayon, patawa-tawa at ngiti naman ako sa kinauupuan ko. Kesyo para daw kasi sa first timer, mas magaling pa raw ako kay Alejandro.
"'Di naman ako nakikipagpaligsahan!" natatawang bwelta ng huli. Sabay-sabay tuloy kaming natawa dahil sa sinabi niya.
Sandaling tumayo si Alejandro para pumunta sa ref na nasa kabilang sulok ng kwarto. May binubulong pa nga siya na hindi ko naman maintindihan.
"Para kang bubuyog," seryosong pagbibiro ni Veroxx bago kinain ang huling sandwich.
Natawa na lang kami ni Trick. Totoo naman kasi!
When he came back, may dala-dala na siyang apat na bote ng buko shake. Iaabot niya sana ang isa sa 'kin pero agad na kinuha 'yon ni Veroxx para ibigay sa 'kin.
Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi ba't gan'on din 'yon? Nagpagod lang siya?
Napailing na lang ako at saka tinanggap 'yon. Habang si Alejandro, patawa-tawa lang. When he sat down, may kinanta siyang kung ano. Basta ang sigurado ko... kahit 'di ko alam ang kanta... wala siya sa tono!
P'anong hindi ko iisipin 'yon? Biglang tumataas ang boses niya tapos bababa. Mayroon ding lines na diretso lang ang tono niya, para siyang tumutula pero with feelings, gan'ong level!
Habang busy si Alejandro na maging sirang radyo namin, nag-kwentuhan na lang kaming tatlo nina Veroxx at Trick.
"Pare-pareho kayong only child na magpipinsan?!" gulat kong tanong na ikinatawa nila. "Tapos pare-pareho pa kayong lalaki? Ang galing naman!"
Tinignan ako ni Veroxx at saka niya nakangising sinabi, "You're not the first one to get amused about it."
Sabi niya, si Alejandro daw ang pinakamatanda sa kanilang lima. Sunod daw siya, tapos si CA, at Karl. Si Trick daw ang pinakabata.
Napaangat ang tingin ko kay Alejandro. P'ano ba naman kasi, bigay na bigay siya sa pagkanta niya! May paghawak pa nga siya sa dibdib niya tapos pagkulot-kulot pa ng boses niya.
Napangiti na lang ako at saka uminom ng buko shake.
Nabalik lang ang tingin ko kay Veroxx nang i-kwento niyang kahit tambay si Alejandro, marami raw 'yang pera. Marami raw kasi 'yang hawak na commercial buildings.
Napapa-sana all na lang talaga ako sa bawat sasabihin nila tungkol sa kanilang magpipinsan!
"There's something special about him," bulong naman ni Veroxx nang bahagya siyang mag-lean sa side ko. Nahigit ko tuloy ang hininga ko dahil sa lapit niya sa 'kin. He said while smirking, "He didn't go to college."
Matik na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng mga labi ko.
May sasabihin sana ako when he shushed me before winking his left eye. Damang-dama ko 'yong pagkabog ng puso ko dahil sa nakita.
Bakit ba ganito ang isang 'to? Aatakihin na lang ako sa puso nang wala sa oras eh!
Sinakyan ko na lang ang trip niya para hindi ako mahalata rito. I literally showed him that my mouth is zipped.
Natawa siya bago niya kinuwento na sina CA at Karl daw, parehong BS in Architecture ang kinukuha sa NU Fairview. Tapos si Trick naman, junior high school pa lang sa isang Catholic school.
"I am actually looking for her..." ani Trick na nagpa-curious sa akin. I tilted my head to the left while analyzing his words.
Mukhang nakita niyang nagtataka ako. He gave me a wistful smile before adding "Queen... first love ko po. She transferred school last year and we haven't gotten any update about her since then."
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nalaman. Pero sabi niya, "Makikita ko rin po siya," with determination echoing his voice.
Habang nag-uusap, pasimple kong kinuhanan ng picture ang pool table. Para naman may remembrance ako rito, 'no! Who knows... baka first and last time ko na 'tong makakatapak dito.
Napabuntong-hininga ako at saka binalik sa loob ng tote bag ko ang cellphone ko.
Pagkatapos ng pagkanta-kanta ni Alejandro at ng kwentuhan namin, nagsabi sina Alejandro at Trick na uuwi na raw sila. Sa katabing lote lang naman daw ang mga bahay nila pero kung magsialis, madaling-madali.
"They ran away because they don't want to get scolded," naiiling na sabi ni Veroxx paglabas namin ng billiard room. Hindi ko siya agad naintindihan. Sandali niya kong nilingon habang bitbit ang mga pinagkainan. Parang naintindihan niya ang katahimikan ko dahil idinugtong niya, "About the liquors."
"Oh..." Bahagyang napatawa ako nang maalala 'yong mga alak na pinagtalunan nina Karl at Alya kanina.
Nang mapadpad kami sa sala, matik na nanlaki ang mga mata ko nang madatnan ang isang lalaki't babae na nagtatawanan sa may sofa.
Para silang kumikinang sa sobrang puti at kintab ng mga kutis nila. Pareho naman silang mukhang Pilipino sa ibang banda pero pansin kong parang may iba pa silang lahi dahil sa facial features nila.
Lalo na 'yong lalaki? Mukha siyang Amerikano dahil sa kulay blue niyang mga mata, sa freckles niya sa magkabilang pisngi, at sa chin niya na may pagka-pointed. Pero dahil sa kulay pula niyang buhok, napapaisip tuloy ako... mukha siyang Irish.
They look young but as I stare at their faces, they seemed to be... Veroxx' parents!
Bigla na lang nanlamig ang mga kamay ko. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa tote bag ko nang wala sa oras...
"'My! 'Dy," nakangiting tawag-atensyon ni Veroxx sa dalawa. Parang gusto ko ngang takpan ang bibig niya at sabihing huwag siya maingay. Bumubwelo pa kaya ako rito eh!
Conscious na conscious kong inayos ang lakad at ngiti ko nang humarap sila sa 'min.
Kalma, Yumi. Kalma!
Nang nasa tapat na nila kami, huminto na ako sa paglalakad habang lumapit naman si Veroxx sa kanila.
Nakipag-beso siya sa mommy niya habang akmang yayakap naman siya sa daddy niya. Napahinto lang siya nang ma-realize na may bitbit siya. Pare-pareho silang natawa dahil d'on. Para tuloy silang mga anghel na nagkakasiyahan.
I can't help but smile in secret. Hindi naman ako naiinggit... ang sarap lang makakita ng... masayang pamilya.
Bumalik si Veroxx sa tabi ko at saka ako pinakilala sa mga magulang niya.
"'My, 'dy, this is Mayumi... Mayumi Madama," malumanay niyang saad. "Mayumi, they are my loving parents."
Nanlamig lalo ang mga palad ko nang mapunta sa 'kin ang atensyon nilang lahat.
Ito na... ito na. Kailangan ko ng magsalita.
Ibubuka mo lang naman ang bibig mo, Yumi. Nothing special. Favorite mo nga 'yang gawin, 'di ba? Patunayan mo 'yan ngayon!
"Good..." napaisip ako bigla. Anong oras na ba? Sandali akong tumingin sa wrist watch ko at saka sinabing, "Good afternoon po."
Bahagyang natawa ang mommy ni Veroxx kaya nakagat ko ang ilalim kong labi. Nahiya kasi ako lalo.
Siguradong kung nandito si mama? Hinampas na ko n'on at sinabihang pabebe! Kahit hindi naman...
"It's nice to finally meet you, Mayumi," she told me in a very soothing voice. Para akong nahipnotismo sa boses niya!
At ngayon ko lang napansin... parang pinagbiyak na bunga pala sina Veroxx at mama niya? Sobrang magkamukha sila!
She's wearing an elegant red fitted dress na bagay naman sa big bone niyang katawan. Habang iyong father ni Veroxx ay nakasuot ng suit. Siguro galing sila sa birthday party or meeting? I don't know...
"Nice to meet both of you po," nahihiya ngunit nakangiti kong bati.
Pero bumilis lang ang tibok ng puso ko nang kumunot ang noo niya at saka tumingin sa paligid. Pati ako, napatingin din tuloy sa paligid. Doon ko lang napansin na patay pa rin pala 'yong mga aircon pero kahit pap'ano, malamig pa rin naman.
Halatang-halata naman sa mga kamay ko, 'no? Nanginginig pa nga eh!
"Where's Natasha?" nagtatakang tanong ng mama ni Veroxx.
Pati ako, napakunot na rin ang noo.
Sino si Natasha? Don't tell me... this time around... siya talaga ang girlfriend ni—
"Karl has surely taken her upstairs again," naiiling na sagot ni Veroxx.
Naguguluhang napalingon tuloy ako sa kaniya. Pagtingin niya sa 'kin, nag-explain siya na, "He has this allergy on fur animals. Nangangati siya dahil sa balahibo."
"Oh..." sambit ko at saka napatango-tango.
Gaga ka, Yumi! Nakalimutan mo kaagad ang pusa ni Veroxx? Grabeng utak naman 'yan, parang hindi na mapapakinabangan eh. Tipong pwede ng itapon, gan'ong level!
Napangiwi na lang ako sa sariling naisip.
"Tell him not to go over! Kawawa naman si Natasha natin. Dapat, siya ang mag-adjust!" pagda-drama ng mama ni Veroxx kaya napalingon ako sa gawi niya.
Simangot na simangot siya habang patawa-tawa sa gilid niya ang asawa niya.
Now that I am witnessing them in this situation, they are no longer intimidating in my eyes. Ganito ba talaga ang mga Ford? Tatak ba nila 'to?
Nakuha lang ni Veroxx ang atensyon ko nang out of the blue, pabulong niya kong tinanong, "Anong oras pala ang pasok mo bukas?" Kahit nalilito, agad ko naman siyang sinagot ng, "7:30 ng umaga."
His lips formed an 'O' as he slowly nodded his head.
"I'll put these inside the kitchen then I'll get Natasha upstairs. Would that be fine with you?" he asked with a small smile on his face.
Bakit ba napaka-considerate ng taong 'to?
"Oo naman!" mabilis na pagpayag ko.
Pero, tulad kanina, pinagsisihan ko rin ang desisyon ko nang makaalis na siya. Dahil. Mag-isa. Ako. Kasama. Ang. Mga. Magulang. Niya!
Nahihiya ko silang nilingon habang tamang ngiti-ngiti lang sa kinatatayuan ko.
"Come here," nakangiting paanyaya sa 'kin ng mama ni Veroxx. She even patted the vacant space beside her.
I wanted to bow my head as a sign of respect pero gulong-gulo na ko sa kung anong dapat kong gawin. Instead, dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya.
Akala ko ay iha-hot seat nila ko kaya ako pinaupo pero nagulat ako nang makita ko ang concerned na mga mata ng mama ni Veroxx. Tumagilid din siya para mapaharap sa 'kin bago tinanong, "Did my nephews treat you well?"
Through her simple act, naglaho na lang bigla ang worries at shyness ko. Napangiti na lang ako. Nakahinga na rin nang maluwag, to be exact.
"Opo! Mababait po sila, lalo na si Alejandro," magiliw kong sagot.
"It's good to know," she uttered while nodding her head. "Magulo kasi ang mga 'yon. Nasa lahi nila," natatawa niyang kwento sabay turo sa asawa.
"Pero mga gwapo," mayabang na bwelta ng asawa niya na ikinairap niya.
Pipigilan ko pa sana ang hagikhik ko pero hindi ko na nagawa nang makita ko kung p'ano sila careless na tumawa sa harap ko.
"Buti na lang at sa 'kin nagmana si Veroxx... very humble," taas-noong kumento ng ginang na nagpatawa na naman sa 'kin.
Ipinatong ko ang tote bag ko sa mga binti ko. Feel at home na, 'no? Ni hindi na nga nanginginig ang mga kamay ko eh.
"It's disappointing that I can't show you his baby pictures. Nakatago kasi 'yon sa taas," aniya sa napakalungkot na tono. Kaya nag-chika na lang sila kung ilang buwan daw nagsalita at nakapaglakad si Veroxx; anong klaseng estudyante siya; at anong mga hilig niya.
They also asked me about my likes and dislikes. Naalala ko tuloy n'ong tinanong din 'to dati ni Veroxx sa 'kin. Sobrang dami nilang pagkakapareho...
I was actually waiting for them to ask me about my social status or work but they didn't. Sobrang nakakagulat! Sobrang... nakaka-touch.
Damang-dama ko 'yong pag-welcome nila sa 'kin sa kung sino ako. Grabe, parang ang sarap pa lang maging parte ng pamilyang Ford...
"Say hello, Natasha!" Napaangat ang tingin ko nang pumwesto sa gilid ko si Veroxx habang karga ang kulay puting pusa.
"Hala! Ang ganda naman," namamangha kong saad pero pinilit kong hinaan ang boses ko para hindi siya matakot sa 'kin. "Hello, Natasha," nakangiting bati ko sabay kaway. Ginaya tuloy ni Veroxx ang ginawa ko— kinaway niya rin ang kamay ni Natasha sa harap ko.
Natawa na lang ako. Sobrang adorable nila!
"Want to eat with us?" pag-aaya ng mama ni Veroxx kaya napalingon ako sa kaniya. She's smiling so sweetly at me.
Ay? Wait lang... parang kanina pa ko 'mama ni Veroxx' nang 'mama ni Veroxx' dito ah?
'Di bale, mas magse-search ako tungkol sa kanila. For sure, marami namang news articles tungkol sa Ford family! Para naman... alam ko kahit simpleng details sa kanila, 'no.
Nabalik lang ako sa wisyo nang sumingit si Veroxx, thankfully! Muntik na kong maging ewan d'on ah. "She has a class early morning tomorrow, 'my. I might have to drive her home in a few. Para hindi po kami ma-traffic."
Napaawang ang mga labi ko nang marinig 'yon. Marahan ko siyang nilingon habang ang puso ko... nagwawala na sa dibdib ko.
"Sure ka?" nag-aalangan kong bulong. "Malayo ang Manila mula rito... bakit mo pa ako ihahatid kung nandito ka na sa bahay niyo?"
"More than sure, Mayumi. I got you," sagot niya at saka ako nginitian nang sobrang tamis. Lumabas tuloy ang dimple niya na nagpangiti sa 'kin.
Wala na kong nagawa dahil pumayag naman ang parents niya. Kahit gusto kong i-suggest na magbu-book na lang ako ng vehicle, desidido na talaga sila.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko... may ginawa ba kong mabuti sa buhay ko? Para magkaroon ng Veroxx sa paligid ko?
With all that happened in the past few weeks, I can't help but reflect and see how lucky I am for meeting him.
Ramdam na ramdam ko tuloy 'yong paglambot ng puso ko. Para pa nga akong maiiyak dito eh!
I wanted to hug him and tell him how much I'm thankful to him pero pinigilan ko ang sarili ko.
Kalma, Yumi. Kalma. Baka ma-culture shock sila sa 'yo.
Binigay na ni Veroxx si Natasha sa mommy niya at nag-aya na siyang ihatid ako. Pero nagpaalam muna ako sa parents niya.
Matik akong napangiti nang sabihin ng mama niya, "Visit us again next time, huh?"
At dahil sumapi ata si mama sandali sa 'kin, kumapal nang very light ang mukha ko kaya nag-oo naman ako!
Why not, 'di ba? Bakit naman ako tatanggi?
Kilig na kilig ako nang tumayo na ko. Pero mas kinilig ako nang mag-initiate ang mama niya na makipag-beso sa 'kin! Talagang tumayo rin siya para gawin 'yon.
Kaunti man ang points ko sa langit... mukhang sa mama naman ni Veroxx napunta ang iba.
(Disclaimer: The cat in the attached photo is our own family cat. Details to the song are as follows: Ako Na Lang by Zia Quizon from the album Zia.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top