Chapter 18: Billiards

Chapter 18: Billiards

"Bakit, Karl? Matalino lang ba ang nagsasalamin? The last time I checked, para 'to sa mga malalabo ang mata. Ikaw nga," tumigil si Alya sandali bago nakangising tinignan mula paa hanggang ulo iyong lalaking tinawag niyang Karl. "Kumuha ka pa ng program na architecture... bakit? Magiging architect ka ba? Sayang tuition sa 'yo, boy!"

Nag-make face pa si Alya na ikinangiwi ko.

Mukhang nagkakapikunan na talaga sila. Normal pa ba 'to?

"Oo! Kapag ako naging licensed architect... ihahampas ko sa 'yo ang T-square ko," mariing pagbabanta naman ni Karl.

"Lolo mo T-square," pambabara ni Alya pabalik. "Puro ka iyak. Palibhasa, dalawang beses ka ng bina-busted ng pinopormahan mo!" pang-aasar niya sabay irap.

Matik na napalingon ako r'on kay Karl. Nanlaki ang mga mata ko nang tila magdilim na ang mukha niya.

"What did you say?" nagtatangis-bagang niyang tanong. Nanlilisik na nga rin ang mga mata niya.

Parang masusuntok niya na si Alya any minute. Ganito ba talaga sila? At ganito rin ba sila mag-welcome ng bisita? O baka hindi nila ako napansin?

Naloloka na ako ah!

Wala bang aawat? Kasi kung wala—

"You two are fighting again?" malumanay na tanong ng bagong pasok na lalaki. "We have a visitor. Stop being disrespectful towards her," pag-aawat niya pa.

Pumagitna siya sa dalawa at in-extend din ang parehong kamay na akala mo ay referee.

He is taller than Alya but Karl is still taller than him.

Iyong hairstyle naman niya ay high fade ata ang tawag d'on. Pointed ang mga kilay niya pero mas makapal pa rin iyong kay Veroxx. Chinito. Matangos din ang ilong habang maninipis na pinkish ang mga labi.

He has these rosy cheeks and big ears.

His muscles are bulking through the sleeves of his open brown button shirt. Sa loob n'on ay ang kulay puting T-shirt. Tinerno niya 'yon sa below the knee na khaki shorts.

"I'm sorry," nag-aalalang hingi ng tawad ni Veroxx na nagpagulat sa 'kin.

Nanlalaki ang mga mata ko nang iangat ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko kasi namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"They grew up treating each other like that," dagdag niya pa. Nangungusap ang mga mata niya at halatang nahihiya sa nakikita ko.

"Ayos lang, 'no!" I assured him. "Mga college student pa lang sila, 'di ba? Normal lang 'yan! Baka hindi pa dumarating sa maturity phase ng buhay nila," pagbibiro ko pa na ikinangiti niya na.

Nilingon niya 'yong pwesto nina Alya kaya napatingin din ako r'on.

"CA, bring her home," malumanay niyang utos doon sa parang referee kanina. "Karl, we'll talk later," seryoso niya namang kausap sa kaaway ni Alya.

Saglit pang nagtitigan 'yong dalawa bago tumalikod si Alya kasama iyong lalaking CA raw ang pangalan. Siya siguro 'yong sinabi ni Veroxx na pinsan niyang best friend ni Alya. Habang tinitignan ko sila, nako-convince na ko. Mukhang may something nga talaga sa kanila.

Bago lumabas ng kwarto iyong dalawa, kumaway-kaway pa si Alya sa 'kin na sinuklian ko naman ng ngiti. Pati iyong CA ay ngumiti rin sa 'kin.

Si Karl naman, padabog niyang inaayos 'yong mga bola ng billards.

"I'll get you some healthy food. Puro junk food na ang nasa ref," saad ni Veroxx na nagpalingon sa 'kin sa pwesto niya.

"Kahit huwag na!" pagtutol ko na agad niyang sinagot ng, "I insist," habang nakangiti kaya wala na akong nagawa.

Pero parang gusto ko siyang tawagin pabalik nang paglabas niya, roon ko lang napansin na naiwan ako rito kasama ang mga lalaking 'di ko naman kilala.

Matik na nanlamig ang mga kamay ko. I ended up taking a seat to not look awkward.

"You are?" tanong ng kung sinong may malalim na boses sa 'kin.

Tinabihan niya pa ako kaya agad akong napatingin sa kaniya.

He is smiling at me yet I can't disregard how intimidating he is.

Pero bawas na 'yong pagiging intimidating niya sa lagay na 'yan ah! Thanks to his pink-colored T-shirt na tinerno sa itim na trousers na may kulay abong linya sa magkabilang gilid. Nagmukha siyang approachable...

Siya 'yong nasa tabi ng ref kanina na mukhang pinakamatanda sa kanila. At mukhang siya rin 'yong pinakamaliit pero matangkad pa rin naman.

Pinilit kong ngumiti sa harap niya kahit kinakabahan pa rin ako. Naiilang kong pagpapakilala, "Mayumi Madamba."

I was thinking of extending my hand towards him for a handshake. Pero naisip kong baka hindi niya naman trip na makipag-kamay. Kaya isinara ko na lang ang mga palad ko.

Baka maiwan lang sa ere ang kamay ko kung nagkataon eh...

"Talaga?" nanlalaki ang mga mata na pagkukumpirma niya pero kita iyong pagkamangha sa mga iyon. Ngumiti siya ulit nang sabihing, "So... you're 'the' Mayumi Madamba." Matigas pa ang pagkakabigkas niya sa 'the' at kung magsalita, para bang pamilyar siya sa 'kin.

Matik tuloy na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Isama pa ang lalong nanlamig na mga kamay ko.

I unknowingly placed both of my hands on top of my legs as I started fiddling with my fingers. Hindi pa ako nakuntento, nakagat ko na rin pati ilalim kong labi.

Don't tell me... kilala niya ako dahil sa pananampal video ko?

Isa siya sa mga pinsan ni Veroxx, 'no? P'ano kung papiliin niya ko bigla, '1 billion, lalayuan mo ang pinsan ko o sasagasaan kita?'

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan nang kabahan dahil sa takot at pag-o-overthink.

P'ano kung mas malala ang gawin niya? Tipong kakaladkarin niya ako palabas habang hatak ang buhok ko? Tapos sasabihin niyang sinisira ko ang reputasyon ng pinsan niya?

P'ano kung bugbugin niya ako tapos ayain niya pa 'yong dalawa niyang pinsan? Joined forces sila gan'on? Ang lalaki pa naman ng katawan nila!

Pagkaisip n'on, matik akong napatingin sa perpektong hubog ng braso niya...

Sa laki ng muscles niya, mukhang kaya niya akong ibalibag gamit lang ang isang kamay!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-o-overthink nang ilahad niya bigla ang palad niya sa tapat ko. Promptly, napatitig ako r'on kasabay ng pagtaas ng pareho kong mga kilay dahil sa gulat.

I was not mentally ready for this...

Nang magpakilala siya, agad kong inangat ang tingin ko sa kaniya. "I'm Juan Alejandro, call me Alejandro." He was smiling from ear to ear. Tipong mahihiya ang araw sa sobrang bright ng aura niya!

Ilang segundo rin akong napatitig sa mukha niya— ine-examine ang reaksyon at ngiti niya. Para sigurado kung sincere ba siya o hindi. Mahirap na...

Pero sa sandaling segundong nakatitig ako sa kaniya... wala akong makapang judgment sa mga mata niya.

Napatitig ulit ako sa kamay niyang nakalahad pa rin sa harap ko.

Kahit nag-aalangan, inabot ko na 'yon para makipag-handshake sa kaniya. Pero binawi ko rin naman agad ang kamay ko at ipinatong itong muli sa ibabaw ng hita ko.

Wala akong masabi dahil sa ipinapakita niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o manahimik na lang.

Napakagaling mo talaga, Yumi, 'no? Ang galing manampal at mag-overthink pero tiklop naman sa harap ng iba!

Nagulat na lang ako nang tawagin bigla ni Alejandro 'yong isa pang lalaki— 'yong may-ari ng instax na dala ni Veroxx sa bahay last time. "Trick! Halika rito." Tuwang-tuwa ang hitsura niya. Para siyang excited na hindi malaman.

Napatango-tango ako dahil sa narinig.

So... tama pala ang memory ko? Na Trick ang pangalan niya? Wow! Tumatalino ka na, Yumi, ah.

Habang naglalakad si Trick palapit sa 'min, tahimik na napatitig ako sa mukha ni Alejandro.

P'ano ba naman kasi, kanina lang, mukhang ang intimidating niyang tignan. Pero ngayon? Mukha siyang teenager na nalamang pasado pala siya sa college entrance exam! Gan'ong level 'yong friendly aura na bumabalot sa kaniya unlike Karl na mukhang 24/7 ay galit.

Alejandro is kind of mature but has that "happy-go-lucky" vibes once he smiles. He has dark brown hair in a pompadour hairstyle with a growing dark brown beard on his face.

His eyebrows are thick as Veroxx' but they are in dark brown color likely to his eyes'.

He also has a pointed nose and heavy lips. At sa kanilang lahat, siya 'yong may labas na labas na ugat. Siguro kasi, sobrang puti niya rin. Kaya ayon, ang lakas maka-"hi to the world" ng mga ugat niya!

Napaisip tuloy ako, mayr'on kayang nurse o doctor sa pamilya nila? Ang swerte naman at may masa-sample-an!

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita siya. Tuwang-tuwang aniya, "Trick, si Mayumi pala 'to!" Kita ko 'yong pagkislap ng mga mata niya. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti.

Tignan mo, Yumi? Mukhang mabait naman talaga siya! Ikaw lang 'tong panay ang overthink...

Nakangiting napailing na lang ako dahil sa sariling naisip.

"Oh?" nanlalaking mata na tanong ni Trick. 'Yong boses niya, parang nagbibinata.

Mukhang bata pa siya. Mga nasa high school siguro? Pero grabe ah. Ang tangkad niya! Mas matangkad pa ata 'to nang kaunti kay Veroxx.

"Hello!" bati niya pa sa 'kin, ngayon ay nakangiti na.

Nahihiya ngunit nakangiti kong bati pabalik, "Hello!" Grabe, may mas o-awkward pa ba sa 'yo, Yumi? Nakakaasar ka!

"Alam mo po ba, Kuya Kyle talks a lot about—" Nahinto siya sa pagsasalita nang biglang tumayo si Alejandro para takpan ang bibig niya habang hawak ng kabilang kamay ang batok niya.

Matik na kumunot ang noo ko nang lingunin si Alejandro. Bigla siyang tumawa pero mukhang pilit na pilit.

Ano bang ginagawa nilang dalawa?

"Huwag mong pansinin 'to, bata pa kasi," natatawa niyang saad pagkatanggal ng hawak kay Trick. Mukhang naiilang siyang hindi maintindihan.

Tumango-tango na lang ako sabay pilit na ngumiti. 'Di ko kasi get ang trip niya eh.

Binalik ko ang tingin ko kay Trick para sandaling pagmasdan ang hitsura niya. Hindi ko maiwasang mapaisip na lahat ata sila, matatangos ang ilong!

Grabeng lahi 'yan oh?! Kung may pango siguro sa kanila, baka isipin ng mga Marites sa kanto na ampon lang.

Trick's hair is combed over to the left side. Makapal ang kilay niya pero may pagkasabog. Medyo chinito rin siya at may cleft chin din. Mapupula ang labi at ang sarap kurutin ng malulusog niyang pisngi!

At mukhang ang sarap niya ring yakapin dahil sa body size niya. Suot-suot niya ang puting sando at jersey shorts na may tatak na Magnolia Hotshots.

"Gusto mong mag-billiards?" tanong ni Alejandro na nagpabalik sa 'kin sa ulirat.

Bigla akong napakagat sa ilalim kong labi. Nahihiya kong pag-amin, "Hindi ako marunong eh..."

Matik siyang natawa na lalong kinahiya ko. Pero nang magsalita siya, "Eh 'di tuturuan! Practice makes perfecting," nawala bigla ang kaba ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Huwag kang tatawa, Yumi. Please naman. Masamang tumawa sa mali ng iba! Baka masimot na ang langit points mo niyan, sige ka.

"Perfect 'yon, kuya!" natatawang pagtatama ni Trick sa kaniya. Pero ang huli, natawa lang din. Ni hindi siya napikon o ano.

Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti dahil sa behavior ni Alejandro. Sobrang nakakahanga kaya! Ang kalmado niya lang tapos ang dali niya lang pakisamahan.

Tumalikod na siya at agad na naglakad papunta sa tapat ng isang pool table. He beckoned to me as he invited me over, "Tara dito!"

Pinilit kong huwag mahiya. Baka kung nandito lang kasi si mama, sabihin na naman niya na ang pabebe ko!

Nakangiti akong lumapit sa kaniya, kasabay si Trick.

"'Wag mo na lang papansinin si Karl ah? Nagdadalaga ay este nagbibinata kasi 'yan!" natatawang sambit ni Alejandro. Pati si Trick ay tumawa na rin nang idagdag niyang, "Three years na atang nasa purberty stage 'yan!"

"Nagbibinata?" nagtataka ko namang tanong sabay lingon kay Karl na nasa kabilang pool table.

Kung nakakapatay lang ang titig, tumba na siguro si Alejandro.

"Akala mo, parating may dalaw! Tinalo pa 'yong once a month ng mga babae sa sobrang sungit," litanya niya bago sila nagtawanan ni Trick.

Muntik na kong mapabulalas ng tawa kundi ko lang nakagat agad ang ilalim kong labi. Kinurot ko na lang ang binti ko para siguradong hindi ako matatawa.

Baka pati ako... masungitan ni Karl eh.

"Shut up, Juan Alejandro. Harap-harapan mo talaga akong lalaitin?" Halos mahigit ko ang hininga ko nang magsalita si Karl.

Parang nagtindigan na nga pati ang mga balahibo ko dahil sa mas lumalim na boses niya. Parang may invisible usok na lumalabas sa ilong niya ngayon! Gan'ong level 'yong nakakatakot niyang aura.

"Eh 'di tumalikod ka para backstab!" pamimilosopo ng isa.

"Mga walang kwentang kausap," ani Karl.

Padabog niyang binitawan ang cue stick sa kabilang pool table bago nag-walk out. Medyo nagulat nga ako pero mukhang dapat na kong masanay.

Wow, Yumi, dapat masanay? So umaasa kang makakasama mo pa sila, gan'on?

Napangisi na lang ako sa sariling naisip.

"Ikaw kasi, kuya!" natatawang sisi ni Trick kay Alejandro.

"Sabi sa 'yo, Mayumi, eh," walang pakialam na sambit ng isa. Sumandal siya sa gilid ng pool table at saka nagseryoso. "Si CA rin, 'yong kasama ni Alya kanina? Kailangan mong iwasan 'yon! English speakerist 'yon. Ayaw ko ngang kausap 'yon eh! Sumasakit ang ulo ko sa kaniya."

Humawak pa siya sa ulo niya at marahan na umiling-iling. Napangiti na lang ako dahil sa inaakto niya.

Kung mayroong tinatawag na class clown, sa mga Ford siguro, siya ang family clown.

"Noted 'yan!" pagsakay ko sa biro niya na ikinatawa niya. "'Yan! Ganiyan dapat. Huwag kang mahihiya sa 'min!" proud na papuri ni Alejandro sa 'kin. Lalo tuloy akong napangiti.

Pero nang idagdag niyang, "Alam kong mga gwapo kami pero normal na tao pa rin naman kami," talagang natawa na ako nang husto.

"Kami lang apat, hindi ka kasama, kuya," natatawang pang-aasar ni Trick kay Alejandro na hindi niya pinansin.

Kung may mga gandang-ganda sa sarili, mukhang si Alejandro naman ang gwapong-gwapo sa sarili. Kahit sabihan siguro siyang ang pangit niya, hindi siya masasaktan.

Nangingiting nailing na lang ako.

Kumuha na siya ng dalawang cue stick sa sulok at saka inabot sa 'kin 'yong isa na may kanipisan lang.

Magaan lang naman. Pero first time ko kasi nakahawak nito kaya hindi ko alam kung p'ano ba 'to bitbitin. Mukha tuloy akong C.A.T. na may dala-dalang rifle sa tindig ko!

Nahihiyang kinakabahan ako. Napakagat na nga lang ako sa ilalim kong labi.

Pwede bang time out muna tapos magse-search lang ako sa internet? Para naman ready ako?

Napatingin ako kay Alejandro nang pumwesto na siya sa tapat ng pool table.

He bent down with his head low and bottoms up. Hawak ng kanan niyang kamay ang dulo ng cue stick. Tapos ang kaliwa naman ay nasa playing field. Nasa ilalim n'on ang unahang bahagi ng cue stick na pinapagitnaan ng middle and pointing finger niya.

Without looking at me, he instructed, "Ganito ang tamang pwesto para mas kita mo ang mga bola. Mas mako-control mo rin ang kilos mo sa ganitong ayos."

Pero pwede ko pa naman daw mabago 'yon kapag naglaon. "Iba-iba naman kasi tayo. Makukuha mo rin 'yong sarili mong technique kapag naglaon."

Napatango-tango ako, tanda na nakikinig ako nang mabuti sa kaniya.

Tinira niya na 'yong puting bola papunta r'on sa mga bolang naka-form ng triangle.

Pagtama ng puting bola r'on, pumunta sa iba't ibang parte ng playing field ang iba pang mga bola. Pero... "Nalaglag mo 'yong cue ball!" tawang-tawa na puna ni Trick.

"Napahiya ako r'on ah!" natatawang kumento ni Alejandro habang umiiling.

"How can she trust you if you look like inexpert," nakangiwing pang-aasar ni Trick kay Alejandro. Bigla tuloy nalungkot ang huli nang titigan niya ko.

Hala? Anong gagawin ko? Kailangan niya ba ng comfort?

"Okidoks lang 'yan," nag-aalangan kong sabi sa kaniya. "Minsan kung kailan talaga tayo nagtuturo sa iba, saka naman medyo pumapalpak."

Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang nasabi ko. Pero nang ngumiti na siya ulit, gumaan na ang pakiramdam ko.

Ang dali naman niya kausap!

Habang naglalakad, turo niya sa 'kin, "Kapag nalaglag mo ang puting bola, kalaban na ang titira." Huminto siya sa tapat ng butas na pinaglaglagan ng cue ball para kunin 'yon.

"Ikaw na ang titira," nakangiti niyang saad nang iangat niya ang tingin sa 'kin.

Napatango-tango naman ako. "Gan'on pala 'yon," bulong ko.

Nang makalapit siya sa 'kin, inabot niya agad ang cue ball sa kamay ko na matik na nagpasilay ng ngiti ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng excitement pagkahawak dito.

"Ikaw na ang bahala kung saan mo 'yan ilalapag at kung anong titirahin mong bola. Wala naman kasi akong nalaglag kanina. Pero kung anong titirahin mo, ayon na ang bola mo hanggang dulo. Ito ang solid," sabay turo niya sa bolang purong pula ang kulay.

"At ito ang stripes," turo naman niya sa kulay orange na bolang may puti sa magkabilang dulo. "Pero kapag nalaglag mo ang itim na bola, talo ka na."

Tinanguan ko lang siya sabay baba ng cue ball sa playing field. Pagkatapos, pumwesto na agad ako— katulad ng pwesto niya kanina. Pero ewan ko lang kung gan'on din ang hitsura ko ah? Mamaya, mukhang ewan pala ang dating ko!

Medyo nanginginig na ewan pa nga ang mga kamay ko habang tinatantsa kung paano ako titira. Kinakabahan kasi ako na natutuwang hindi malaman!

P'ano kung pagtira ko, hindi man lang maabot ng cue ball ang ibang bola? O sa ibang direksyon 'to pumunta?

Ayos lang 'yan, Yumi. Practice makes perfecting— ay... perfect pala.

"'Wag mo masyadong idadagan ang kaliwa mong kamay sa cue stick. Mahihirapan ka niyan tumira," mahinahong instruction ni Alejandro bago siya pumwesto sa may likod ko. Nagdidikit na ang balat namin dahil sa sobrang lapit niya.

Marahan niyang hinawakan ang likod ng palad ko para ilayo ito mula sa playing field. Medyo inayos niya rin ang porma ng mga daliri ko.

Nang bumitiw na siya sa kamay ko, nagseryoso na ulit ako. Focused kung focused talaga ko sa ginagawa ko. Igagalaw ko na sana ang cue stick nang may kung anong parang lumagabag. Matik na napakunot ang noo ko.

Nagtataka kong inangat ang tingin ko sa pwesto kanina ni Alejandro. Pero nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi ko nang si Veroxx na ang nakita ko sa tabi ko.

Iniwas ko agad ang tingin ko papunta sa harap at saka umayos ng tayo. I also composed myself to make sure that no one will notice the sudden change of my reaction.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Mas mabilis pa nga kaysa sa matutunan ko ang tinuturo sa 'kin.

"He's bad in playing billiards. Huwag kang magpapaloko," seryosong sambit ni Veroxx. Kahit hindi ko siya nakikita, I can sense his annoyance through his voice.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya magawang lingunin kahit nangangati akong tignan ang facial expression niya.

Rinig kong nagtawanan sina Trick at Alejandro. Hinanap tuloy ng mga mata ko ang huli dahil bigla siyang nawala.

Naabutan ko na lang siyang umaayos na ng tayo sa gilid habang pinapagpagan ang trousers niya.

"I'm way better than him," pagmamalaki ni Veroxx na nagpalaki sa mga mata ko.

Ano raw? Tama ba ang narinig ko?

This time around, hindi ko na napigilan ang sarili. Napalingon na talaga ako sa kaniya mula sa tabi ko. At ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang pagkain pero wala r'on ang atensyon ko. Nakapokus ang mga mata ko sa mukha niya.

P'anong hindi ako magugulat? First time ko kayang narinig si Veroxx na magyabang! He must be really good in this sports...

Nabalik lang ako sa wisyo nang utusan niya ang pinsan niya. "Kunin mo 'to, Trick. Tuturuan ko lang si Ate Mayumi mo."

Dahil sa sinabi niya, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. The way he said 'Ate Mayumi mo', parang hinaplos ang puso ko! Idagdag pa na Tagalog kung Tagalog 'yong sinabi niya.

Kalma, puso. Kalma...

Ayos ka pa naman kanina, 'di ba? Si Veroxx lang 'yan! Si Veroxx lang...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top