Chapter 14: With you

Chapter 14: With you

https://youtu.be/K1uNjmxJQUo

Dahil hindi ko na kinakaya ang paghaharumentado ng puso ko, ibinaba ko muna si Jiro sa pagitan namin ni Veroxx.

"Kunin ko muna 'yong mga pagkain," nahihiyang pagpapaalam ko sa kaniya, pilit na nilalabanan ang epekto ng titig niya.

"Sure. I'll watch over him," nakangiting sagot niya kaya agad akong tumayo at dumiretso sa kusina.

Nang nasa tapat na ng mesa, napatigil na lang ako sa paglalakad sabay patong dito ng pareho kong kamay. Kusang kumurba ang mga labi ko kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig gamit ang kanang kamay.

"Nasisiraan na ata ko ng bait," bulong ko sa sarili habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig.

Parang kaninang umaga lang, halos bumaha na sa university dahil sa iyak ko. Tapos ngayon, kung makangiti ako, akala mo nanalo ako sa lotto!

Ano ba 'tong mood ko? Hindi ko na talaga maintindihan. Nahahawa na ata ako kay mama sa pagiging moody niya!

Oo. Tama. Gan'on na nga.

Napatango-tango ako at saka kumilos na para kunin ang plato ni Jiro sa drawer katabi ng platuhan namin.

Pagkatapos, naghugas na ako ng kamay at saka naghimay ng chicken. Hindi ko na sinama 'yong buto dahil masamang makakain ang pusa ng ganito, lalo na't pritong-prito ang manok.

Nang maitapon na sa basurahan ang buto at makapaghugas ng kamay, inabot ko na 'yong plato ng chiken ni Jiro pati isang supot na may lamang burger at fries.

Kapareho nito 'yong mga binili rin ni Veroxx noong nakaraan para sa 'min ni mama. But different from the last time, tatlong iba't ibang restaurant ang binilhan niya ngayon ng mga pagkain.

Dinaig niya pa ang ibang public officials. Kabog sa pagpapaayuda eh!

Nakangiting napailing na lang ako sa sariling naisip.

Pagbalik ko sa sala, naabutan kong may ka-video call si Veroxx.

Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang tumawa siya pati iyong nasa kabilang linya. Batay sa tono, mukhang babae 'yon...

Bigla na lang bumagal ang tibok ng puso ko. Para na nga rin akong si Squidward sa sobrang lungkot ng mga labi ko.

Hinayaan ko na lang 'yon at saka inilagay ang supot sa sofa. Pagkatapos, marahan akong lumuhod para ibaba ang plato ni Jiro sa sahig. Matik siyang tumalon pababa kaya napangisi tuloy ako.

Parang kanina lang... ayaw niyang kumalas kay Veroxx. Pero ngayong may pagkain ako... lapit-lapit siya!

"Here's Mayumi," I heard Veroxx introducing me to the woman he's talking to.

Girlfriend niya ata. Baka selosa kaya ipapakilala ako.

Walang gana akong tumingin sa kaniya. Bumungad sa 'kin ang cellphone niyang nakatapat sa pwesto ko.

Confirmed! Babae nga.

Mukha siyang mas matanda sa 'min. Sugar mommy ba 'to ni Veroxx?

Ewan ko. Malay ko ba.

Basta maigsi ang buhok niya, manipis ang kilay, dark brown ang mga singkit na mata, at maninipis din ang labi. 'Yong baba niya, may kahabaan.

Kung titignan, mas maganda ako sa kaniya.

Ay wow, Yumi, may nakikipagpaligsahan ba sa 'yo? Ano 'to, beauty contest? Kailan mo pa natutunan ang pag-compare-compare na 'yan?!

"Hello, gorgeous," masiglang pagkausap sa 'kin n'ong babae. Oh, 'di ba? Kahit siya, alam niyang maganda ako!

Napilitan tuloy akong ngumiti kahit gusto kong mapairap sa 'di malamang dahilan. "Hi!" bati ko pabalik.

Hindi ako plastic ah. Hindi ko naman siya sinisiraan patalikod. Educated ang tawag kapag kinakausap mo pa rin nang maayos ang taong ayaw mo.

"Oh my... I've been wanting to see you. It's really nice to e-meet you!" masaya niya pang sambit. She also clasped her hands in front of her chest.

As a response, I tried my best to laugh with her. Para lang hindi mapanisan ng laway.

Pake ko naman kasi kung gusto niya akong makita, 'di ba? Bakit, gusto ko ba siyang makita?

"Gosh! I'm glad that you're finally free from Tres..." bigla siyang napatigil sa pagsasalita kaya napukaw niya ang atensyon ko. "Wait, is it fine with you to talk about him?" nag-aalala niyang tanong.

Matik na kumunot ang noo ko at hindi rin ako agad nakapagsalita.

Nang makabawi, nagugulumihan kong sagot, "Okidoks."

"Anyway, I'm Angeline Zapanta— Veroxx' manager. You can call me Gel," pagpapakilala niya sa sarili. So, what coconut kung manager siya ni Veroxx— ay sandali... ano raw?!

"Manager niya po kayo?" gulat kong tanong habang nanlalaki ang mga mata ko.

So... hindi siya girlfriend o kahit sugar mommy ni Veroxx?

Nakakahiya ka, Yumi! Kung ano-anong pinag-iisip mo kanina.

"Yes, didn't he tell you about me?" kunware pa siyang nagtampo dahil sa narinig.

Pilit ko namang hinalukay ang memorya ko.

Gumana ka ngayon, please. Gumana ka!

"Once..." mahina kong sagot. "He mentioned that he heard about Tres' cheatings with 's' from you. Pero hindi niya po nasabi 'yong pangalan mo," nahihiya kong kwento.

Dahan-dahan akong tumayo at saka tumabi kay Veroxx. Nakakahiya na baka ngawit na pala siya kakahawak sa cellphone niya. Kasi ako... 'yong mga paa ko ay ngawit na.

Nang makaayos sa pagkakaupo, umamba akong aabutin 'yong phone niya pero hindi niya ko hinayaan. Tinignan ko siya at nabasa ko sa mga labi niya, 'It's fine, I got you'.

Tumango-tango ako at hindi na nagpumilit. Sinubukan ko na lang na sabayan ang sinasabi ni Gel. Pero hindi ako makapag-focus nang gumalaw si Veroxx sa tabi ko. Inilipat niya kasi sa kabilang gilid niya ang supot ng mga pagkain.

Medyo unbothered pa ako n'ong una pero gulat na gulat ako nang isarado niya bigla ang distansya naming dalawa. Napatitig na lang ako sa mga braso naming magkadikit na ngayon.

Sa takot na mapansin niya kung s'an ako nakatingin, lumingon na lang ulit ako sa cellphone.

Kunwareng naka-poker face ako pero sobrang lakas na talaga ng kabog ng puso ko. My hands are also shaking intensely kaya ipinirmi ko ang mga ito sa ibabaw ng hita ko. Then, I intertwined my fingers to make sure that it won't create big movements.

Hindi ko na tuloy nasundan ang sinasabi ni Gel dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko.

Ang narinig ko na lang, "Gosh... It's good that Veroxx approached you! Nakakakilabot talaga 'yong mga ginagawa noon ni Tres ah. Buti at break na kayo."

Matik na napalingon ako sa katabi. Medyo nabigla lang ako nang maabutang nakatitig din siya sa 'kin.

Kitang-kita pa nga 'yong dimples niya dahil sa malapad niyang ngiti. At in fairness... mas mabango siya sa malapitan.

"Thank you po sa inyo," nahihiya kong pagpapasalamat nang tignan ko ulit si Gel mula sa cellphone ni Veroxx.

"Drop the po!" natatawa niyang saad. "I'm only 33. Anyway, sige na, una na ako. Kinumusta lang kita kay Veroxx. Good thing that you're fine amidst the trending. Don't worry, makikipag-cooperate kami sa pinagta-trabahuhan mong university."

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig.

Sobrang bait naman nitong manager ni Veroxx! Lahat siguro ng nakapaligid sa kaniya, mababait, 'no? Kaya siguro parang sugo ng Diyos 'to.

Napangiti na lang ako at nagpasalamat ulit.

"Thank you po sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ni Veroxx, baka in a relationship pa rin ako sa cheater na 'yon!" sambit ko na may halong pandidiri sa huli. Pero pinilit kong ngumiti nang idagdag, "And thank you po for doing all these for me. Kahit hindi naman required..."

"No, it's thanks to Veroxx. He cares so much about you, gorgeous. The first time he heard about the cheating news from my old friend? Gosh! I'm telling you... he felt bad for you. Nag-init ang ulo niyan!" kwento niya habang nanlalaki ang singkit na mga mata.

"In terms of our cooperation with your university, don't worry about it. Maliit na bagay!" pag-a-assure niya pa sa 'kin.

Natawa na lang ako dahil sa nalaman at dahil na rin sa kilig sa huli niyang sinabi. Saglit tuloy akong napatingin kay Veroxx.

Mukhang anti-kasamaan talaga itong katabi ko. Halata naman eh...

"Bye for now, gorgeous!" pagpapaalam ni Gel kaya nagpaalam na rin kami ni Veroxx.

Ngiting-ngiti ako hanggang matapos ang video call dahil sa mga nalaman at narinig ko. Ngayon pa lang, ang gaan na ng loob ko sa kaniya.

Totoo talaga!

Although kanina, hindi ko siya bet pero ngayon, ang gaan na talaga ng loob ko sa kaniya... siguro dahil na rin sa pure intentions niya?

"Kain na tayo," nakangiting pag-aaya ni Veroxx nang maibulsa na niya ang cellphone niya.

"Salamat pala sa mga dala mo," I smilingly thanked him. "I appreciate all the food."

Unti-unti, kumakalma na 'yong puso ko. Pero nandito pa rin 'yong kakaibang kiliti.

Nang iabot ni Veroxx sa 'kin ang isang burger, hindi na gaanong nanginginig ang kamay ko. Buti naman!

Kakagat na sana ako rito nang bigla kong naalala, "Para saan nga pala ang pa-fiesta mo?"

Nagtatakang nilingon ko siya kasabay ng pagtingin niya rin sa 'kin.

"I was worried about you," he answered in a caring and sweet tone.

"I hurriedly came here from our taping. But I don't want to visit you empty-handed— that explains the food I bought, including your favorites that you mentioned last time." He immediately smiled upon saying the last thing.

Matik din akong napangiti dahil sa narinig.

Bakit ba kasi ang thoughtful ng isang 'to?!

Pero napaisip ako sandali.

Kunot-noo kong tanong, "P'ano mo nalaman ang address ko? At saka buti pinayagan kang umalis sa taping niyo? 'Di ba para 'yon sa romantic movie mo?"

Hindi nakatakas sa paningin ko ang gulat sa mga mata niya. Pero agad siyang umiwas ng tingin bago malumanay na sumagot, "I have ways. I asked around."

Bahagya siyang tumigil bago ako nilingon. Nagtataka na ngayon ang mga mata niya at halos kumunot din ang noo niya. "How about you?"

"Ha? Malamang alam ko ang address ko," naguguluhan kong sagot.

Napatawa siya bago itinuloy, "How did you know that I'm filming for a romantic movie? Have I mentioned it?"

Halos malaglag ang panga ko dahil sa tanong niya. Wala sa sariling naibaba ko rin sa may hita ko ang mga kamay kong hawak ang burger.

Ano, Yumi? Ayan, stalk pa more!

I was finding the right words to say when Jiro suddenly jumped on our legs. Napilitan tuloy akong umusog pakanan para bigyan siya ng sapat na pwesto sa gitna namin.

Natawa na lang si Veroxx at mukhang nawala na sa isip niya ang kaninang tanong sa 'kin.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil d'on.

Mukhang may makakakain ng galunggong bukas ah! Napaka-right timing ni Jiro eh. Buti na lang. Buti na lang talaga!

From now on, mag-ingat-ingat ka na sa sinasabi mo, Yumi. Nakakahiya naman kung malaman niyang stalker ka!

Pero... nanood lang naman ako ng entertainment news n'on para makibalita tungkol sa kaniya. Bawal ba?

Ay, ewan! Ang importante, the day goes by so well.

Unlike to what I expected earlier, halos hindi kami maubusan ng pag-uusapan ni Veroxx habang kumakain. Pinatay na nga lang namin 'yong TV dahil abala lang— hindi kami magkarinigan nang maayos.

We first talked about cats— kung p'ano ako nagka-pusa at 'yong pusa niya rin na babae raw. Rescued cat din daw 'yon katulad ni Jiro na ikinagulat ko.

Akala ko kasi ay imported. Bibihira lang kasi ang mga kakilala kong nag-aalaga ng puspin.

"Gusto mo bang gawin nating husband and wife sina Jiro at Natasha?" natatawa niyang tanong sa 'kin na ikinatawa ko rin tuloy.

"Huwag! Arranged marriage lang ang peg?" pagtutol ko. "At saka ipapakapon ko na si Jiro..." napahinto ako bigla sa pagsasalita dahil sa pagkailang na naramdaman.

Parang si Veroxx kasi ang ipapakapon ko! "Parang ang pangit pakinggan," nahihiya kong saad na ikinatawa na naman niya.

"It's fine with me. Go on..." he assured me while eating his fries. Kaya natatawa kong kwento, "Ipapakapon ko na kasi siya para hindi na makapambiktima ng girl cats diyan sa labas."

He gently nodded as though he realized something. "That's a good idea. Didn't think about it. Because of that, I will consider having Natasha spayed," he uttered.

Napangiti ako dahil sa narinig. The way he says that he doesn't know something is too charming to hear.

Many of us are afraid to admit when we're unaware of something. Ang iba pa nga minsan, nagpapanggap na may alam kahit wala. Siguro kasi, maraming Pilipino ang hilig pagtawanan ang iba kapag kulang sa kaalaman... which is very wrong.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Veroxx pagkatapos ng usapang pusa. He told me about his work and I shared with him my job experiences too.

Bigla ko tuloy naalala 'yong pack ng chocolates na binigay ng class mayor ko. Nagpaalam ako sa kaniya na kukunin ko lang 'yon sa kwarto ko.

Pagbalik ko, sabay naming kinain 'yong chocolates habang kinu-kwento ko sa kaniya ang ginawa ng klase ko kanina.

"They like you," kumento niya. "It's good that they're open-minded. They made me want to see them."

Natatawang kinilig ako bigla. "Go, go, go! Isang Veroxx ba naman. Siguradong gusto ka rin nilang makita in person!"

Nang matapos sa pagkain at chikahan, tumayo na kami para itapon ang kalat at maghugas na rin ng kamay.

Nagpaalam siyang may kukunin lang sa kotse niya kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

Nakalimutan ko kasing magpulbo kanina! Nakakatakot namang malaman na baka pwede ng magprito sa mukha ko sa sobrang pagmamantika nito.

Pero good news dahil pagtingin ko sa salamin, hindi pa naman!

Mabilis lang akong nagpulbo at saka bumalik sa sala.

Nang mapansin ko 'yong plato ni Jiro, kinuha ko muna 'yon para ilagay sa lababo.

Sobrang bilis ng bawat kilos ko, tipong para akong YouTube video na naka-fast forward!

Pagbalik ko sa sofa, saktong kakabalik lang din ni Veroxx galing labas.

"Oh, ang cute naman niyan!" nangingiti kong saad pagkakita sa hawak niyang instax camera. "May lumalabas na printed picture diyan pagka-take ng photo, 'di ba?" namamangha kong tanong.

He quickly nodded as an answer. "Wanna try? My cousin left this inside my car."

Dali-dali akong tumango bilang sagot. Para akong batang sobrang excited!

Umupo muna kami sa sofa habang nasa gitna naman namin si Jiro.

Lalo akong napangiti nang iabot sa 'kin ni Veroxx ang camera sabay turo kung p'ano ito gamitin.

"This one is the storage—" natigilan siya sa pagsasalita nang pagbukas ko ng tinuturo niya, bumungad sa 'min ang picture ng teenager na lalaki at babae. They are smiling from ear to ear at talagang magkalapit pa ang mga pisngi.

Matik na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Habang siya, tawang-tawa pa na kulang na lang, kabagin na siya riyan.

Wala akong imik nang ilapit ko sa mukha ko ang hawak para pagmasdan kung sino 'yong lalaki.

"He's Trick, my cousin who owns this camera," pagpapaalam niya sa 'kin nang medyo kumalma na siya sa kakatawa.

Agad ko namang nilayo sa mukha ko ang hawak. Medyo nakaramdam ako ng pagkahiya r'on ah...

Ano ba kasing ginagawa mo, Yumi?!

"Then, she's Queen. His long time crush since preschool," dagdag niya pa.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Kitang-kita ko 'yong malapad niyang ngiti habang nakatitig sa picture.

As though nothing happened, bumalik siya sa pagtuturo sa 'kin kung p'ano gamitin itong instax. Matik tuloy na nawala ang hiyang nararamdaman ko at napalitan ng nagbabalik kong saya.

"One..." pagsisimula ko sa pagbibilang. Nahinto lang ako saglit nang ikandong ni Veroxx si Jiro.

Magsasalita na sana ulit ako nang dumikit na naman siya sa 'kin katulad kanina. Kaya ang puso ko, ang OA na naman sa pagtibok!

I composed myself as I get my eyes back on the camera. "Two... three... smile!"

Ngiting-ngiti ako habang hinihintay ang paglabas ng picture. Halos hindi na ako huminga sa paghihintay rito.

Ilang sandali pa, lumabas na 'yong first photo. "Wow! Ang galing naman nito," tuwang-tuwa kong kumento.

Marahang kinuha ni Veroxx 'yong image at saka 'yon pinatong sa bakanteng side sa may kanan ko. Bahagya siyang nag-lean sa harap ko kaya halos mahigit ko na tuloy ang hininga ko.

I slowly pressed my lips together to calm myself.

Uso huminga, self...

"Let's take one more," nakangiting suhestiyon niya.

Pumayag naman ako.

Pareho naming hawak si Jiro sa pangalawang picture. Pareho rin kaming ngiting-ngiti. Pero siya... nakatingin siya sa 'kin habang ako naman ay kay Jiro.

Nang umayos na ang photos, pinapili niya ako kung anong gusto kong itabi. Pero dahil pinaringgan niya ako ng, "I like the second photo better," sinabi ko na lang na 'yong first picture ang gusto ko. Nagtanong pa talaga siya eh, 'no?!

Natawa na lang ako sa isip ko at kinalimutan na 'yon.

Nag-uumapaw ang saya ko habang tinitignan ang litrato. First time ko kasing magtatabi ng printed picture!

Nakakatuwa pala 'yong ganito, 'no? Dati kasi, feel ko ang corny nito. Pero ngayong na-experience ko na? Hindi pala! Parang gusto ko rin tuloy bumili para kay Jiro...

Maingat ang hawak ko sa picture habang nagkwe-kwentuhan kami.

When the clock turned 7 p.m., nagpaalam na siyang kailangan niya ng umalis. Inaya ko pa nga siyang kumain pero may shooting pa raw siya bukas.

Naalala ko tuloy 'yong isa ko pang tanong na hindi niya nasagot kanina. "Buti pinayagan kang umuwi agad? Pwede pala 'yon?"

Nahihiyang napangiti siya sabay kamot sa batok niya. "I pleaded with them. I told them that it's an urgent and important matter I need to attend to."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. "Nakakahiya naman!" agad kong kumento. Sino ba naman ako para maging urgent at important, 'di ba?!

But he quickly assured me, "No worries. This is the first time I asked them a favor. Regardless, I can quickly finish my scenes in a few takes."

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa narinig. "Salamat talaga," I mumbled. "It means a lot to me, Veroxx. Your presence during my hardest time is appreciated."

Gusto ko pa sanang idugtong, 'Pero nahihiya talaga ako, 'no! Hindi ba ako nakaabala? Pero salamat kasi kahit sobrang busy mo, naisip mo pa rin akong kumustahin. Halos makalimutan ko na nga ang problema ko! At alam mo, feel ko, kaya hindi ako pinagalitan ni mama dahil sa 'yo,' kaso baka magtunog feeling close naman ako. Kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.

"I got you," he smilingly uttered that made me smile widely. "See you on Sunday?" he asked in a soft tone before gently placing Jiro on the sofa.

Parang ayaw pa ngang umalis sa mga hita niya eh! Natawa na lang tuloy kami.

"See you!" masigla kong sambit bago kami tumayo.

Nagpaalam muna siya kay Jiro habang hinimas-himas ito sa ulo. "Be a good boy. Let's see each other again."

Ihahatid ko pa sana siya sa labas pero huwag na raw dahil gabi na.

Pagbibiro ko sa nag-iisip na tono, "Siguro, pinakamaaalalahanin ang ribbon mo n'ong elementary ka?"

Agad siyang napangisi kaya nagpakita na naman ang dimple niya. Kaunti na lang, baka kunin ko na 'yon sa pisngi niya!

Medyo nagyayabang ang tono niya nang sagutin ang tanong ko, "Can't remember. Hakot award kasi."

Napatawa na lang kami. Maya-maya rin, lumabas na siya ng bahay. But before closing the gate, he waved at me first, so I waved back at him.

Pagkapasok niya sa kotse niya, akala ko ay aalis na siya. Nagulat ako nang ibaba niya muna ang salamin sa may passenger seat sabay kaway ulit. Natawa na lang tuloy ako.

Bumusina pa nga siya bago tuluyang nagmaneho paalis.

Nang mawala na ang kotse niya sa paningin ko, dahan-dahan ko ng sinara ang pinto at saka napasandal dito.

Unti-unti, naglaho 'yong ngiti sa mga labi ko. Parang bigla na lang akong nalungkot pagkaalis niya.

"Gutom lang siguro. Hapunan na kasi," bulong ko sa sarili.

Nagdesisyon na lang akong maghapunan na kasama si Jiro. At kahit pap'ano naman, nabawasan 'yong lungkot na nadama ko kanina.

Nang matapos kumain, naglinis lang ako ng mesa at saka nagwalis sa buong bahay.

Saktong kakatapos ko lang sa ginagawa, siya namang uwi ni mama.

Uupo na sana ako sa sofa pero napako na lang ako sa kinatatayuan ko nang isara na niya ang pinto. P'ano ba naman, matik akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Ayaw ko rin namang isipin masyado. Baka sumakit lang ang ulo ko sa kaka-overthink na naman!

"Himala, naglinis nang kusa," mahina niyang kumento na tila sinusuri pa ako. Iyong way ng pagtitig niya sa 'kin, parang may halong lait na rin.

"Palibhasa... may ginawang kasalanan," dagdag niya pa sabay irap.

Napakagat na lang ako sa ilalim kong labi sabay hawak sa laylayan ng damit ko. Iniisip ko na ngayon na siguro niya ilalabas ang naipon lang palang sama ng loob niya n'ong nandito pa si Veroxx.

Ihahanda ko na sana ang mga tainga ko sa mala-rap niyang sermon pero iba ang narinig ko.

"Mag-ingat-ingat ka sa susunod dahil hindi lahat ng tao ay katulad ni Veroxx, aber," seryoso niyang sambit na may diin sa bawat salita. "Iyang pasensya mo, haba-habaan mo naman ah? Ang kamalditahan, hanggang dito lang sa loob ng bahay. Huwag mong nilalabas. Hindi 'yan damit na kailangan mong irampa."

Wala akong nagawa ni nasabi kung hindi ang tumango-tango bilang sagot.

"Ipagtimpla mo ako ng kape, nauuhaw ako," nagtataray niyang utos sabay irap na naman.

Nang umalis na siya sa harap ko, nakahinga na ako nang maluwag.

Mariin akong napapikit at saka ipinagdikit ang mga kamay. Bahagya ko ring inangat ang ulo ko.

Salamat talaga sa lahat ng diyos at ganito lang ang sermon ni mama! At mas salamat dahil hindi siya na-highblood.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung ako ang maging dahilan ng pagka-ospital niya.

Napahinga ako nang malalim at saka napangiti habang nakapikit pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top