Chapter 13: Display
Chapter 13: Display
"Oh, nandito na pala si Yumi."
Nabalik lang ako sa ulirat nang banggitin ni mama ang pangalan ko. Napatingin tuloy agad sa direksyon ko si Veroxx. And the moment our eyes met, my face suddenly get hot.
Hindi ko alam kung ano 'yon at kung bakit pero para akong gaga na nagmamadaling umiwas. Inangat ko na lang ang tingin ko kay mama, nagtataka kung bakit niya ko tinawag.
Excited na excited ang boses niya nang utusan niya ko, "Halika rito, Yumi!" Ginalaw niya pa sa hangin 'yong kamay niya, hudyat na pinapapunta niya ko sa pwesto niya.
Kahit nalilito kung anong nangyayari, naglakad na lang ako palapit sa kaniya. Nakatayo lang siya sa gilid ng pinto ng kusina habang ngiting-ngiti.
Gusto ko siyang asarin na para siyang may masamang balak kung makangiti siya. But no matter how much I wanted to do it so, may kung anong hiyang dumapo sa dibdib ko.
Nang nasa tapat na ko ni mama, marahan niyang hinawakan ang braso ko at saka 'yon hinaplos-haplos. Napaigtad tuloy ako sa kinatatayuan ko.
P'anong hindi? Nakakapanindig-balahibo kaya ang mga kilos niya! Bakit ba kasi may pa-change of attitude si mama ngayon?
Don't tell me... naga-gwapuhan siya kay Veroxx? Para kasi siyang dalaga na nagpapa-cute sa crush niya!
At hindi pa talaga siya nakuntento ah, inilapit pa niya ang mukha niya sa kanan kong tainga. Napaangat tuloy 'yong balikat ko dahil sa kiliting naramdaman.
Ang lakas niya maka-bagets nang humagikhik siya sa gilid ko habang binubulong sa 'kin, "Nakakatuwa namang may napapadpad na ritong anghel, Yumi."
She distanced herself from me before planting meaningful glances on Veroxx, still wearing her smiles. Matik tuloy akong napatingin din sa gawi ng bisita.
He is busy caressing the back of Jiro while smiling from ear to ear. Kitang-kita tuloy ang dimple niyang nakakaakit— ay... este malalim pala! At ang pusa ko? Ayon! Mukhang sarap na sarap naman sa haplos ni Veroxx.
Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi dahil sa hiyang nararamdaman. Mukha kasing feeling close si Jiro kay Veroxx, pero p'ano pa si mama, 'no? Ano kayang pinag-usapan nila habang wala ako?
Mapapa-pray ata ako sa lahat ng diyos na sana naman hindi gumana ang pagiging usisera ni mama kanina!
Pero bakit ba kasi nandito si Veroxx at p'ano niya nalamang dito ako nakatira?
Mula sa malalim na iniisip, naagaw ang atensyon ko nang bumulong na naman si mama sa may tainga ko. Agad ko siyang nilingon at ang bumungad sa 'kin ay 'yong nanliliit niyang mga mata.
"Umamin ka ngang bata ka, siya ba ang pinalit mo kay Tres?" tanong niya sa madramang tono na nagpakunot sa noo ko. "Hindi kita papagalitan na may bago ka kaagad. Basta magsabi ka lang ng totoo," seryoso niya pang sambit na tila hinihikayat ako 'to spill the tea'... kahit wala namang dapat sabihin.
I couldn't help but burst into laughter. Pero iyong tawang hindi makapaniwala na medyo nahihiya.
Let's be real here kasi...
Ako? Papatulan ni Veroxx?! Masyado namang malawak 'yong imagination ni mama kung gan'on.
"Mama naman!" natatawa kong saway sa kaniya na may kasama pang paghampas sa braso niya. Pero mahina lang naman 'yon, 'no!
"In denial pa 'tong anak ko," natatawa niyang kumento sabay haplos na naman sa braso ko. Matik tuloy akong napangiwi dahil sa tono at kinikilos niya. "Huwag kang mag-alala dahil ngayon pa lang, boto na ko riyan," she smilingly assured me before pursing her lips, low-key pointing on Veroxx' direction. Pati tuloy ako, napatingin sa kaniya.
Laking gulat ko na lang nang maabutang nakatitig din si Veroxx sa 'min. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko at halos kumawala na 'to sa dibdib ko.
He simply smiled at me but it was enough to make him stand out in my eyes.
Ngayon ko lang napansin na sobrang fresh pala ng OOTD niya.
He's wearing a black lightweight button-up shirt with its right front freely hanging while the left side is tucked into his pants. Ang linis niyang tignan, lalo na sa buhok niyang naka-brush up.
Sa datingan niya ngayon, para siyang isang Don na bibilhin lahat ng lupaing madadaanan niya.
"Huwag kang masyadong magpahalatang in love ka, Yumi," pang-aasar ni mama sa 'kin na nagpalaki sa mga mata ko.
Agad ko siyang nilingon at pabulong na sinaway, "'Ma naman!"
Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig niya. Baka marinig pa siya ni Veroxx! Nakakahiya naman kung sakali, 'no...
Nahawaan na ata ni Trisha itong si mama eh. Kung ano-anong pumapasok sa isip niya! Masyado siyang malisyosa.
Napatitig lang, in love agad?! Saka titig ba talaga 'yon? Tinignan ko lang naman ang outfit niya! Libreng puri na rin para may dagdag ligtas points kay Lord.
Pero ayon si mama, mukhang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari kaya napairap na lang ako.
Lumamlam lang ang mga mata ko nang mag-initiate siyang tanggalin ang suot-suot ko pa rin palang bag ko. Nawala na sa isip kong ibaba 'yon kanina dahil sa gulat at pagtataka.
Seryosong napatitig tuloy ako kay mama, sinusuri ang bawat galaw niya.
Nakakapanibago kasi talaga 'yong inaakto niya. Sa pagbabait-baitan niya, nagmumukha tuloy siyang kukunin na ni Lord. Pero 'di pa natin sure kung si Lord talaga ang magma-mine sa kaniya ah!
Nang makuha niya 'yong bag ko, tinalikuran na niya ko't naglakad na papunta sa kwarto ko. Agad ko naman siyang sinundan hanggang sa may bungad lang.
Binuksan niya ang pinto at nilagay lang sa may gilid sa loob ang bitbit niya. Sinara niya rin agad 'yong pinto bago niya ko hinarap.
At ayon, ang mukha niya, balot na balot ng ngiting mapang-asar na hindi mo alam kung anong gustong iparating! Pailing-iling pa siya nang itanong sa 'kin, "Alam mo ba, aber, kung s'an nagsisimula 'yang relationship-relationship na 'yan?"
Agad na napakunot ang noo ko.
"Diyan mismo! Sa mga pasimpleng titigan at ngitian," dagdag niya pa, pinipigilang huwag mapalakas ang boses.
Nahihiya akong umiwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko kasi 'yong nag-iinit na naman na mga pisngi ko.
Pansin ko lang ah, napapadalas na 'to. Lalagnatin ba ko? Ay, ewan!
"'Di ko po alam 'yang sinasabi mo," dali-dali kong saad. Pero napalakas ata ang boses ko dahil nakuha ko ang atensyon ni Veroxx.
Nagtataka 'yong mga mata niya nang tignan niya ko. Pero maya-maya ri'y nginitian na lang niya ko bago ibinalik ang atensyon kay Jiro.
Napasimangot tuloy ako sabay balik ng tingin kay mama. "Ikaw kasi, mama eh!"
"Anong ginawa ko?" pagmamaang-maangan niya pa. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, aber."
Lumakas 'yong boses niya sa huling sinabi kaya agad ko siyang sinita. And before her 'creative mind' come up with another 'creative thoughts', I decided to make things clear with her, "Malisyosa ka lang po. Ni hindi ko nga alam kung magkaibigan na ba kami. At saka, sikat na artista 'yan, 'ma; papatol ba 'yan sa 'kin?"
Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot sa naisip.
Pero close na kami, 'di ba? Nagcha-chat nga kami sa Instagram at saka na-invite niya pa ako sa mall tour nila!
Wala nga lang confirmation and assurance na friends na kami. Pero... mukhang magkaibigan naman kami.
Nabalik ako sa wisyo nang ipagkrus ni mama ang mga braso niya bago itinaas ang kanang kilay.
"Bakit... gusto mo lang bang maging kaibigan niya? O gusto mo rin naman talagang mag-level up kayo, aber?" makahulugan niyang tanong na ikinatulala ko. 'Yong talagang tameme sa isang tabi.
I can already hear my heartbeat loud and clear.
Nang mabalik sa ulirat, iniwasan ko na lang ng tingin si mama.
Lalakad na sana ko papunta sa gawi ni Veroxx nang maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko.
Kunot-noo ko siyang nilingon— nagtataka kung bakit niya ko pinipigilan. Pero ang bumungad sa 'kin ay ang ang worried niyang mga mata at ang isang linya niyang mga labi.
Matik na napalitan ng kaba ang mabilis na tibok ng puso ko. Things started to rumble inside my head as well.
Don't tell me... no! Hindi pwede.
"May hindi ka pa sinasabi, Yumi," nakapameywang niyang simula. "Akala mo ba hindi ko alam? Deserve ko naman sigurong makakuha ng eksplenasyon kung ano 'yong kumakalat sa Facebook, aber?" nag-aalala niyang tanong na nagpahigit sa hininga ko.
Kahit may kalakasan ang boses niya, hindi ko magawang masindak dito. Mas nag-aalala pa nga ako sa kalagayan niya.
I don't know where to start... nag-uumapaw na ang emosyon ko.
Promptly, all the pain that I felt when I found out about the news came back to my heart, tearing it into pieces.
Ilang sandali rin akong walang masabi habang nanginginig ang mga labi.
"Yumi," inip na tawag ni mama sa atensyon ko.
I pressed my lips together as I bow my head, feeling ashamed of what I've done and what I'm going through.
'Yong mabilis na tibok ng puso ko kanina, unti-unting bumabagal pero bumibigat dahil sa takot at sakit. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko kaya agad kong binawi ang palapulsuhan ko mula sa kaniya.
I was finding the right words to say while fiddling with my fingers when my eyes misted over. I can already feel the lump in my throat.
I'm not prepared for this. Pero kung ready ba ko, kaya ko ba talagang harapin si mama?
I heard her taking a deep sigh which made me look at her face.
She reached for my hands as she impatiently asked, "Ano?! Ayaw mong sabihin? Kung 'yang bisita mo na lang kaya ang tanungin ko? Tutal siya naman 'yong kasama mo sa video—"
"Ito na nga..." nagmamadaling panimula ko sa nanginginig na mga labi.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nag-kwento sa kaniya. Sinama ko na rin 'yong panibagong trending sa chika ko.
Kapansin-pansin 'yong pabago-bagong reaksyon ni mama habang nagsasalita ako. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na huwag sumabat. At alam ko ring malaki ang chance na mahampas niya ko pagkatapos kong magsalita.
Higit d'on? It won't be new to me kung maging rapper din siya bigla.
Huling mga salitang nabitawan ko na lang ay, "Pero 'wag ka pong mag-alala. Veroxx is kind enough to protect me from his fans." Medyo kinakabahan pa ko nang banggitin ko 'yon.
Pero mas natakot ako nang panlakihan niya ko ng mga mata. Parang umuusok na nga ang ilong niya sa galit.
"Bakit ka naman nananampal ng kung sino-sino?! Ikaw kaya ang sampalin ko, aber?" inis niyang tanong at tulad ng in-expect ko, hinampas niya nga ako sa braso! Halos matumba pa nga ako sa sobrang lakas n'on eh.
"Mama naman," nanlalambing na reklamo ko sabay haplos sa kanang brasong sinaktan niya. "Masyado namang mapanakit eh," dagdag ko pa sabay simangot.
Akala ko sesermunan niya pa ko pero nanlaki ang mga mata ko nang irapan niya lang ako bago siya naglakad palayo. Binangga niya pa nga ang balikat ko nang lagpasan niya ko.
Natameme na lang ako sa kinatatayuan ko.
Pero at least, kahit pap'ano, nakahinga na ko nang maluwag! Mukhang nakatulong ata na nandito si Veroxx. Ginawang anghel si mama eh!
Nagtataka ko na lang na sinundan ng tingin si mama hanggang huminto siya sa harap ni Veroxx. Promptly, he looked up to her with a small smile on his lips.
"Nasampal ka pala ni Yumi. Hindi ka ba nagtatanim ng sama ng loob? Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya," kalmado at nahihiyang litanya ni mama. Pansin ko pa 'yong pag-abot niya sa mga kamay ni Veroxx.
Halos matawa ako dahil sa narinig at nakita. Minsan lang kasi 'yan kumalma! At for sure, kapag kaming dalawa na lang, ichi-chika niya sa 'kin kung malambot ba o magaspang ang mga kamay ni Veroxx.
Mga galawan niya talaga eh, 'no?
Pero kung makapagsalita naman siya, para namang hindi ko alam kung p'ano mag-sorry sa sarili kong kasalanan.
Grabe ah! Gan'on ba kasama ang tingin niya sa 'kin?
Napasimangot na lang ako pero napatigil din sa pag-iisip nang makuha ni Veroxx ang atensyon ko.
Mahinahon niyang pagkausap kay mama, "Naiintindihan ko naman pong nagawa lang 'yon ni Mayumi dahil sa frustrations niya. Pero 'wag po kayong mag-alala, ma'am. Hindi po ako nagtatanim ng sama ng loob dahil wala naman pong dapat ikasama ng loob."
He shifted his glances to me at para akong matutunaw sa titig na 'yon.
While we were looking to each other's eyes, he continued, "Ako po dapat 'yong humingi ng tawad dahil sa ginagawa ng fans ko sa kaniya. Hindi niya po 'to deserve. Kaya makakaasa po kayong hindi ko hahayaang mapahamak siya."
His voice is so soothing to the ears.
The way he has chosen his words is so perfect and well-done. At nakaka-touch din 'yong mahaba niyang pagta-Tagalog at pagtawag kay mama ng "ma'am" ah! Lakas maka-teacher.
Grabe! He's too thoughtful and gentlemanly to be true.
Sabihin niya nga, baka anghel talaga siya tapos may mission siya rito sa mundo? Hindi na ko magugulat kung oo ang sagot. Hindi talaga!
Para akong gaga nang mapasandal sa pader at mapangiti na lang nang sobrang lapad. Pero agad kong kinagat ang ilalim kong labi sa takot na makita nila ko't masabihang 'OA'.
Tinakpan ko pa nga 'yong bibig ko gamit ang kanang kamay habang iniyakap ko naman sa sarili ang kaliwang braso. Then, I placed my right elbow on my left wrist.
Pero bakit ka kasi nangingiti riyan, Yumi? Feel na feel mo naman lahat ng sinabi ni Veroxx? Ang arte ah.
"Nako! Buti naman. Pagpasensyahan mo na si Yumi, ah? Ganiyan talaga 'yan, pangalan niya lang ang mayumi. Hindi man lang naisabuhay!" natatawang sambit ni mama. Pero 'yong tawa niya, lakas makapanglait!
Akala ko tapos na siya kaso sinundan pa niya 'yon ng, "Pero! 'Yong apelyido? Nako, literal na naisabuhay! Dambahin ka ba naman?"
Grabe naman 'to si mama! May pahabol pa talaga ah? Sampal lang naman 'yon, hindi naman ako nandamba!
Binitawan niya na si Veroxx bago ipinagkrus ang mga braso.
Hindi ko na kaya ang pang-aalipusta niya. Biro lang! Umayos ako ng tayo at saka naglakad papunta sa kanila.
"Mama naman," nahihiya kong saway sa kaniya nang huminto ako sa may bandang likod niya.
Nahihiya akong makatinginan si Veroxx. Parang hindi ko siya kayang harapin dahil sa pinagsasasabi ni mama.
Umamo lang ang naiinis kong mukha nang biglang tumawa si Veroxx. That angelic laugh. Parang hinaplos ang puso ko.
His voice was so pure and gentle when he praised me, "Matapang po kasi si Mayumi— a brave and strong woman to be exact. Kaya hindi niyo po kailangang mag-alala sa anak niyo, ma'am."
Sandaling napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig. Nagwala na lang din bigla ang puso ko.
Pero mabilis naman akong nakabawi— mariing isinara ko agad ang mga labi ko.
Umayos-ayos ka riyan, Yumi! Pati ako kinakabahan na sa 'yo. Delikado ka na ah. Kung ano-anong inaakto mo. Para kang gaga!
"Sino bang nagsabing nag-aalala ako riyan sa batang 'yan?" gulat na natatawang tanong ni mama bago niya ko saglit na tinignan.
Nang bumalik ang tingin niya kay Veroxx, ipinagkrus niyang muli ang mga braso niya.
"Hindi naman talaga! Mas nag-aalala pa nga ako sa mga nakakasama niyan, aber," diretso niyang sabi. Parang wala ako rito kung laitin niya!
"Mama," saway ko sa kaniya sa mahinang boses. Sinundot ko pa nga siya sa tagiliran kaya nahampas niya tuloy ang kamay ko.
Mataray ang mga mata niya nang lingunin niya ko. "Puro ka mama!" Humakbang siya papalapit sa 'kin at saka bumulong, "Hindi ka lang makasagot eh. Ang pabebe mong bata ka."
Inirapan niya pa ko kaya napasimangot na lang ako.
Alangan namang mag-away kami sa harap pa mismo ni Veroxx, 'no?
Hell no!
Natigil lang kami sa titigan ni mama when Veroxx suddenly cleared his throat.
Sabay kaming napatingin sa gawi niya.
Kapansin-pansin 'yong nangungusap niyang mga mata. Even his right hand that is placed on Jiro's back is trembling.
Pero may iba pa akong napansin...
Now that he is not wearing a cap nor a face mask, mas masasabi kong ang perfect ng jawline niya. Kita ko rin 'yong Adam's apple niya na hindi ko namatyagan n'ong mga una naming—
"Pwede ko po bang ilabas si Mayumi, ma'am?" he respectfully asked mama na nagpahinto sa mundo ko.
"Oo naman! Kahit nga 'wag mo ng ibalik 'yan. Sumasakit lang ang ulo ko palagi riyan," natatawa niyang sagot.
Natawa na lang din tuloy si Veroxx. Tinignan pa nga niya ko na naging dahilan kung bakit pati puso ko, nawala na sa sarili. "Salamat po. Iuuwi ko rin po siya agad—"
"Ay sandali, anak," pagkuha ni mama ng atensyon ni Veroxx kaya napatingin naman ang huli sa kaniya.
Nabalik ako sa wisyo dahil sa narinig. Mabilis ding kumunot ang noo ko.
Anong anak ang sinasabi ni mama?
At saka teka lang naman! Ang pala-desisyon naman nila.
Parang kanina lang, tinatanong pa ni Veroxx kung pwede niya kong ilabas ah? Ang bilis naman ng usapan nila? Parang nasa MOA na sila, ako nandito pa rin sa bahay!
"May pasok nga pala ako. Walang magbabantay kay Jiro," nanghihinayang niyang pag-iimporma kay Veroxx.
Nakita kong sandaling kumunot ang noo ni Veroxx, tila nagtataka sa narinig. Pero mabilis din siyang ngumiti at sumilay na naman ang dimple niya. "Okay lang po—"
"Sa Linggo na lang. Wala akong pasok, anak," pagpuputol ni mama sa sasabihin ng kausap.
Ibang level na talaga siya ah! 'Di ko na siya ma-reach.
Gusto ko mang sumingit, para silang may sariling buhay na nagkaayos na kaagad sa araw at oras.
Hello? Ako kaya 'yong isasama? Baka pwede rin akong sumali sa decision-making, 'no? Ni hindi ko nga natanong si Veroxx kung bakit niya ko inaayang lumabas. Gusto ko rin namang malaman kung bakit!
Medyo napapaisip tuloy ako...
Hindi ba siya natatakot na makita kami ng mga tao kung nagkataon? Lalo na ng media?
Sa huli, wala na kong nagawa. They settled two things— Veroxx and I will go out this Sunday morning while for today, we will stay home together.
Nag-init agad ang pisngi ko sa isiping maiiwan kaming dalawang magkasama.
Ano namang pag-uusapan namin?
Ay, ewan!
Palihim na pinaypayan ko na lang ang sarili gamit ang kanang kamay.
Kalma lang, Yumi. Wala kang lagnat para uminit-init ang pisngi riyan.
Nang magpaalam si mama na magbibihis na siya dahil papasok na siya sa trabaho, nagpaalam na rin akong maglilinis muna ng sarili.
Halos mautal-utal pa nga ako habang nagsasalita. Parang ewan ka talaga, Yumi!
Nang makapasok na sa kwarto, kinuha ko na lang 'yong pinakamaayos kong T-shirt na pwedeng pambahay. Puro kasi ako sando; nakakahiya naman kung ayon ang isusuot ko sa harap ni Veroxx.
Inabot ko na rin 'yong pajama kong itim pati underwear at tuwalya. Paglabas, diretso lang ang tingin ko hanggang makapasok sa CR.
Dali-dali akong naglinis ng katawan at naghilamos na rin para fresh naman ako.
Nang matapos, nagbihis na ko bago sinampay sa may gilid ang tuwalya at saka lumabas. Nilagay ko rin muna sa loob ng washing machine sa may labas ng CR 'yong pinagpalitan ko.
Napahinto lang ako sa paglalakad nang may makitang mga supot ng pagkain sa mesa.
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Bakit naman bibili ng ganiyang karaming pagkain si mama? Kanina pa ba 'yan? Hindi ko na kasi napansin.
Napangiwi na lang ako bago dahan-dahang naglakad muli palabas ng kusina.
"Hatid ko na po kayo hanggang labas," narinig kong magalang na alok ni Veroxx kay mama.
Napahagikhik naman ang huli na ikinairap ko.
Ako pa raw talaga ang pabebe ah?
Bago lumabas si mama, nilingon niya muna ako habang malapad ang ngiti sa mga labi. "Nakita mo na ba 'yong mga pagkain? Dala 'yon ni Veroxx. Lagay mo na lang sa ref kapag may mga tira," utos niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Magtatanong pa lang sana ako pero nakalabas na silang dalawa! Actually, silang tatlo dahil binuhat ni Veroxx si Jiro na ayaw magpababa.
Grabe na talaga. What's happening in the world?!
Nang makalabas na sila, bigla akong napaisip.
Ipinagkrus ko ang mga braso at saka kunot-noong tinanong ang sarili, "Kung alam na pala ni mama 'yong tungkol sa video, bakit pinapasok niya pa rito si Veroxx? At kung mag-usap at tawanan pa sila, para silang mag-bffs! Pinayagan niya pang mag-stay si Veroxx rito, ni hindi niya nga hinahayaan noong magsama kaming dalawa ni Tres."
Napataas pa ang pareho kong kilay nang may maalala. "Mas nakakapagtaka na hindi niya ko sinermunan nang todo. Pero hayaan na nga!" Napailing na lang ako. "At least, lahat ng na-overthink ko, hindi nagkatotoo," pagpapalubag-loob ko sa sarili.
Umupo na ko sa sofa at saka binuksan ang TV. Para naman pagpasok ni Veroxx, hindi awkward, 'no!
https://youtu.be/0gB02Dtqo8I
Ilang saglit lang din, narinig ko na 'yong pagbukas ng pinto. Matik na kumalabog ang puso ko at nanginig din ang mga kamay ko. Agad kong pinatong ang mga 'to sa hita ko para hindi mapansin ang panginginig nito.
Nagkunware na lang akong focused sa pinapanood ko kahit pinapakiramdaman ko naman talaga ang bawat galaw niya.
Maya-maya lang din, umupo na siya sa tabi ko na halos higitin ang hininga ko. Through my peripheral vision, I can see that he is looking at my direction.
Dahan-dahan ko siyang nilingon pero para akong mamamatay sa titig niya kaya ibinaba ko na lang ang tingin ko kay Jiro. Prente siyang nakaupo sa lap ni Veroxx.
"Halika rito, mahal kong pusa," naglalambing kong tawag kay Jiro.
Pero ang pusa ko, halos ayaw ng kumalas kay Veroxx! Natawa na lang tuloy kaming pareho.
May nag-uudyok sa 'king tignan si Veroxx kaya ginawa ko naman. Pero pinagsisihan ko 'yon dahil lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa ngiti at dimple niya.
Para kang sira, Yumi! Kabado much?
Kinarga na lang ni Veroxx si Jiro at saka inabot sa 'kin. Kinuha ko naman ang pusa ko mula sa kaniya kaya bahagyang nagtama ang mga kamay namin.
Naramdaman niya rin kaya 'yon?
Naramdaman ko na 'to noon sa kaniya eh. 'Yong... parang kuryente.
Hinayaan ko na lang 'yon at saka ipinatong si Jiro sa mga binti ko. Mukha siyang nagtampo na kinuha ko siya kay Veroxx. Tinalikuran ba naman ako!
Hinimas ko na lang siya sa likod sabay sabing, "I love you, Jiro." Sinamahan ko pa 'yon ng sobrang daming blown kisses. Kasi feeling ko naaagaw na siya sa 'kin eh!
Napaangat lang ang ulo ko nang biglang maubo si Veroxx mula sa tabi ko.
Nag-aalala ko siyang tinignan. "Ayos ka lang?"
Hindi ko alam kung ako lang pero nakita ko 'yong pamumula ng pisngi niya bago siya umiwas ng tingin.
"So... his name is Jiro," sambit niyang parang may na-realize ngayon-ngayon lang.
Kahit nagtataka, sinabi ko na lang na, "Oo... bakit?"
Sinalubong niya ang tingin ko pero ngayon, nakangiti na siya. Napakamot pa nga siya sa may batok niya sabay sabing, "No wonder why he's handsome... gwapo talaga ang mga Jiro."
Napangiwi ako sa narinig. Hindi ko maintindihan 'yong sinasabi niya kaya pinilit ko na lang tumawa. Kawawa naman siya eh, baka mabulok pa 'yong joke niya.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa pusa ko nang bigla siyang matawa.
"You didn't know?" tanong niya na lalong nagpagulo sa isip ko. "That explains why..." namamangha niya pang saad.
"Huh?" tangi kong nasabi habang kinakabahan.
Ano bang mayr'on sa Jiro na dapat kong malaman? At sino-sino bang may mga pangalang Jiro?
Basta nagandahan lang kasi ako sa pangalan na 'yan kaya binigay ko sa pusa namin. Ano ba 'tong si Veroxx? Bigla-biglang nagpapa-quiz! Sa pagkakaalala ko, ako ang teacher dito ah.
Pinilit ko na lang halukayin ang memorya ko. Thankfully, may naalala naman ako. Nakangiti kong sambit, "Ah! Si Jiro Cabrera? Oo, gwapo nga 'yon!"
Pero nagulat ako nang mapabulalas siya ng tawa. Akala mo, wala ng bukas!
Ano ba 'tong isang 'to? Nasisiraan na ata—
"My real name's Jiro," he informed me with a smiling face. "Kyle Jiro..."
Nanlalaki ang mga mata ko nang mapahiyaw, "Totoo ba?!"
"Yes. Kyle Jiro Ford. So... I was stunned when you said, 'I love you, Jiro'," natatawa niyang kwento na nagpaawang sa mga labi ko.
Nakaramdam na lang ako ng matinding kaba at kahihiyan.
Akala niya ba... 'yong I love you... pati 'yong mga blown kiss kanina...
"If I only knew that you have a cat, I would have bought more chicken for him," nakangiti niyang pagche-change topic bago tinignan si Jiro.
Medyo kumalma na ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Sinara ko na rin ang mga labi kong kanina pa nakaawang.
Pero mabilis niya ring ginulong muli ang puso ko nang sabihing, "I love... cats too."
Akala ko kung ano na!
Nag-iinit tuloy ang mga pisngi ko nang umiwas ako ng tingin.
Mag-isip ka ng sasabihin mo, Yumi! Hindi pwedeng mapanisan ka lang diyan ng laway.
Sinubukan kong tumawa pero epic failed dahil halatang pilit.
Napalunok ako ng laway at saka sinabi na lang nang hindi siya nililingon, "Kaya pala panay ang send mo ng GIFs ng pusa."
His voice was a little proud but still enveloped with softness when he responded, "Yes. You see... I'm someone who displays around those I love and like."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top