Chapter 12: The owner

Chapter 12: The owner

"You came right on time," Ma'am Fulache told me with a small smile on her face.

Kaagad na kumunot ang noo ko sa isipin kung anong ibig niyang sabihin. Napako na lang din ako sa kinatatayuan ko.

Kababalik ko pa lang kasi ng faculty room mula sa last class ko kaya wala akong kaalam-alam sa kung anong sinasabi niya.

Nanlamig na naman tuloy 'yong mga kamay kong hirap na hirap akong painitin kanina.

Pinilit kong kumalma. Ingat na ingat ako nang isarado ko ang pinto sa likod ko para hindi masyadong makakuha ng atensyon.

Pero pagbalik ko ng tingin sa harap, kapansin-pansin ang mga matang nagmamasid sa 'min ni Ms. Fulache. I was trying to grasp what I just heard, yet I couldn't help but glance back on those eyes watching us.

Sobrang nakaka-bother kasi. Pati nga puso ko, bumalik ulit sa bilis ng kabog nito.

Kaba, takot, at kahihiyan— ayon 'yong sigurado akong nangingibabaw ngayon sa loob-loob ko.

I readied myself to receive negative comments, smirks, or even rolling eyes from my fellow faculty members; but different from what I expected, they showed me their sympathetic looks and smiles.

Masyado na ba kong nagiging mapanghusga katulad n'ong mga nananakit sa 'kin online?

Sinabihan na ko ni Ma'am Fulache na walang reklamo ang iba naming katrabaho pero hindi ko kasi maiwasang mag-overthink.

And speaking of overthinking, wala talagang nagagawang mabuti 'to minsan sa buhay natin, 'no? Minsan... ito lang 'yong nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. 'Yong mga nagagawang scenario ng utak natin na in the first place, hindi naman dapat iniisip.

Pero kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili kong mukhang tanggap naman nila ko at wala silang kumento sa sitwasyon ko, hindi ko magawang kumalma.

Napakagat na lang ako sa ilalim kong labi bago inihawak ang mga kamay sa laylayan ng damit. Halos magusot na nga ang harapan ng suot ko sa diin ng pagkakakapit ko rito.

That rings a bell. Sana all mahigpit kumapit, 'no?

Mapakla akong napangiti dahil sa alaala ni Tres.

Hayaan mo na siya, Yumi. He's not worthy of your time.

Inalis ko na lang siya sa isip ko at saka binalik ang tingin sa taong kaharap.

Nanginginig ang mga labi ko nang nagtataka kong tinanong si Ms. Fulache, "May nangyari po ba ulit? Ano pong mayr'on?"

She slightly shook her head before telling me calmly, "The senior vice president of Academic Affairs and our dean are waiting for us in the Administration Building. They only want to discuss things with us."

Napatango-tango na lang ako, iniisip ang mga posibleng mapag-usapan. At sa bawat scenario na pumapasok sa utak ko, pinapalala lang nito ang kabog ng puso ko dahil sa kaba at takot.

I removed my hands from the lower part of my cloth before clenching them out of anxiousness.

Kalma lang, Yumi. Kalma lang.

Nagawa mo ngang manampal in public eh, dapat lang na kayanin mo lahat ng 'to! Kung hindi ka kasi nagpaka-gaga...

I harshly pressed my lips together as I tried hard to shoo away my thoughts.

Nang mauna nang lumabas si Ma'am Fulache, tahimik ko lang siyang sinundan.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalakad mula sa building hanggang dito sa open area. Pero parang ito na ata ang pinakamatagal na oras sa buhay ko. Parang bawat hakbang ko, kumukunsumo 'to ng minuto kahit hindi naman.

Even the fresh air outside the building is not helping me to calm down. Lalo lang akong nanlalamig at mas lalo lang akong kinakabahan habang papalapit kami sa Administration Building.

Parang gusto ko na lang tuloy ilugay 'yong naka-ponytail kong buhok. Baka sakaling mabawasan ang panlalamig ko at maitago na rin ang sariling mukha.

Mula sa kinaroroonan namin, kitang-kita ko na ang malawak na gusali na may limang palapag lang. It evokes a sense of history from its classical design to structure. Pinapagitnaan 'yon ng gate 3 and 4.

Ilang lakad pa, nakapasok na kami sa loob nito. At pagkatungtong na pagkatungtong ng mga paa ko sa de tiles na sahig, parang gusto ko biglang pigilan si Ma'am Fulache sa paglalakad.

Pwede rin sigurong sabihin kong pupunta lang ako sa clinic. Tamang gamit lang ng 'masama ang pakiramdam' card. Pero nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon, 'no!

P'ano ba naman kasi, iyong natural na nakaka-tense na aura ng lugar, dumoble pa ngayon! Hindi ko alam kung dahil 'yon sa aircon, kapos na sinag ng araw na pumapasok sa loob, o sadyang... natatakot akong mapatalsik.

Who wouldn't? I've been working here for years— the university of my dreams, the job I've ever wanted. Ano na lang ang gagawin ko kapag na-force eviction ako?

P'ano rin ako hahanap ng ibang trabaho? May tatanggap ba sa 'kin despite what I'm going through? Social media has a great role in the success of a company, so being on the bad side of the netizens is not a good game to be at.

P'ano ko na papakainin si Jiro nito? P'ano ko siya bibigyan ng magandang buhay?

Nang huminto si Ma'am Fulache sa paglalakad, doon lang pumasok sa utak ko na nasa tapat na pala kami ng Academic Affairs office.

Parang nahigit ang hininga ko pagkakatok niya sa pinto bago 'yon binuksan.

"Ma'am Mayumi?" nakangiti niyang tawag sa 'kin na nagpabalik sa 'kin sa ulirat.

Nangungusap ang mga mata ko nang salubungin ko ang tingin niya.

Ilang sandali lang kaming magkatitigan pero hindi ko pa rin maigalaw ang mga paa ko. Tuluyan na atang napako sa sahig.

"I'm with you. Walang mangangain sa 'yo rito," she assured me that made me bite my lower lip again.

Hindi naman ako takot makain, 'no...

Napanguso ako at saka bumuntong-hininga.

I counted one to five before following her inside.

"Good morning," bati ni Ma'am Fulache sa mga nakaupo sa mahabang mesa.

Agad silang napatayo pagkakita sa 'min.

Nasa may dulong upuan sa may kanan ang senior vice president suot ang hapit niyang itim na dress. Hindi ko magawang tumitig nang matagal sa kaniya dahil sa mga istrikto niyang tingin, idagdag pa ang siete niyang buhok na sumisigaw ng 'do one wrong and you're out'.

Katabi niya ang dean na nangingibabaw dahil sa mala-porselana niyang kutis at pulang suit. Kahit na ang approachable ng dating niya at nakakabighani ang ganda niya, napaiwas na lang din ako ng tingin.

Para akong kriminal na huhusgahan na nila ngayon.

Nasa kaharap na upuan nila ang isang babae na may katabing lalaki. Pareho silang hindi pamilyar sa 'kin at pareho ring naka-itim na office attire.

Despite my trembling lips, I managed to say, "Good morning po," in a low tone of voice that I am not sure of if they heard of.

"Good morning, Ms. Fulache and Ms. Madamba," the senior vice president greeted back in her normal intimidating voice. "We have here our visitors from Vora Firm, they are the PR company in charge of this crisis management."

Iminuwestra niya ang kamay sa mga kaharap bago tipid na ngumiti at umupong muli. Ngumiti lang din ang iba bago umupo.

Inokupa ni Ma'am Fulache iyong upuan isang pagitan mula sa dean kaya dali-dali ko siyang tinabihan. Para akong batang takot na takot na malingat sa mata niya ang kaniyang nanay.

"I'm Maumel Bernardo and here with me is Gisella Rubio," nakangiting panimula n'ong lalaki sa tapat pagkaupo ng lahat.

Tumango-tango lang ako at saka ipinatong ang mga nanlalamig na kamay sa hita. I couldn't help but rub them on my jeans. I was hoping that it will make my heart feel a little at ease and to get warm in the middle of the freezing and nerve-wracking room.

Pero kahit anong gawin ko, gan'on pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko at panlalamig ng mga kamay ko.

Napatigil lang ako sa ginagawa nang sambitin ni Sir Maumel, "We will discuss the matters we're here for after you see this."

Matik na napataas ang mga kilay ko dahil sa kyuryosidad na naramdaman.

He placed his phone on the table before cautiously moving it in front of me.

Marahan ang kilos ko nang abutin ko 'yon at saka tinapunan ng tingin ang nasa screen. Babasahin ko na sana ang naroroon nang magsalita ang senior vice president.

Nilingon ko siya at mariing pinakinggan. "We weren't able to wait for you when we posted our initial statement on the social media pages of our university. We were advised by these experts that we need to act and respond to comments ASAP. But we can assure you that the posted statement a while ago contains facts and was handled with care."

I was a little lost with what I heard. Hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Para tuloy akong gaga na napatitig lang sa kaniya.

Naagaw lang ang atensyon ko nang si Miss Gisella naman ang magsalita. She placed both of her arms on the table as she intertwined her fingers. "Posting that statement is important seeing that the main platform where the video circulated is online. The media is surely waiting for the university's response as people are directly raising their concerns in the university. If it wasn't done earlier, they will surely rely on the facts given by the netizens."

She paused for a while as she gave me a smile that shouts confidence. "We do not want to be accused unfairly and be the center of false coverage, do we? And you do not want the netizens to tag you as 'guilty as charged', am I right?"

Napatango-tango naman ako habang nagsi-sink in na sa utak ko ang mga sinasabi nila.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung anong statement ang ipinaskil nila. At ano naman kayang reaksyon ng netizens?

I am thinking about it not because I fully care about their opinion but I am worried about how they viewed the university upon reading the post. Ayaw ko namang may madamay pang iba dahil sa kagagahan ko.

Out of nowhere, naisip ko tuloy si Veroxx. How is he? Sana naman... hindi siya bina-bash ng ibang tao o hindi siya nakakaramdam ng stress.

Napalingon lang ako sa kanan ko nang ang dean naman ang magsalita.

Her smile is wide as though something really great happened. Bigla tuloy kumalabog sa saya ang puso ko. Parang matik na nabawasan 'yong kaba at takot ko kahit hindi pa naririnig ang balita niya.

"It's good that currently, there is no inaccuracy posted by any media outlet. It shows how the university has built a good relationship with them," aniya.

Talaga?! Good news 'yon, 'no?

Matik akong napangiti dahil sa narinig.

Malaking bagay na 'yong hindi kami pinagpi-piyestahan ng media! Their power to ruin somebody else's life is limitless.

Napahinga ako nang malalim bago nagdesisyong tignan muli ang hawak na cellphone. At kahit may kaba pa rin sa puso ko, nilakasan ko ang loob ko.

In the caption, I read:

In line with the raised concerns of the public regarding the acceptance of Ms. Mayumi Madamba in the University after a video of her resurfaced online, involving the well-known actor, Mr. Veroxx Ford, we assure everyone that faculty members are carefully screened, assessed, and checked before becoming part of us. The University commits to its core values to deliver quality learning to our stakeholders, reflected upon by each of us, especially the faculty members.

As per our IT department and Academic Affairs, Ms. Madamba has been receiving good ratings and feedback through faculty evaluation since her first semester at the University. There is no single negative remark up to date. However, we guarantee the students, parents, and concerned public that we are doing further examination and dialogues with the involved department, Ms. Madamba, Mr. Ford's party, and the students who were and are handled by the said lecturer.

Nevertheless, we encourage everyone to be cautious and refrain from doing any form of harassment.

The University will be posting a follow-up statement shortly.

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa nabasa. Nag-uumapaw 'yong nararamdaman ko kaya hindi ko na napigilan pa ang luha ko sa pagpatak.

Mabilis kong ibinaba at inilapit kay Sir Maumel ang phone niya bago pinunasan ang magkabila kong pisngi.

"Sorry for crying," I apologized in between my sobs. "I didn't expect to receive this kind of treatment from our university," I continued referring to the post they shared online.

"I told you," proud na bulong ni Ma'am Fulache sa tainga ko na bahagyang nagpatawa sa 'kin.

Bulong ko pabalik na hindi ko namalayang napalakas pala, "Akala ko po mawawalan na talaga ko ng trabaho. Salamat po!"

Mahina silang napatawa na lalo tuloy nagparamdam ng hiya sa 'kin.

I bowed my head as I pressed my lips together.

Nakakahiya ka, Yumi! Umayos ka nga. Baka bawiin pa nila 'yon at sabihing, 'No, you're evicted now'.

I was busy wiping away all the tears flowing down my cheeks when my attention has been caught by Sir Maumel.

Napaangat ang tingin ko nang seryoso niyang itinanong, "Maybe we can now proceed to setting things straight and factual? Then we can finally say that you're welcome?"

Kahit bahagya siyang nagbiro sa huling sinabi, nandoon pa rin 'yong pag-iiba ng aura ng paligid dahil sa pagseseryoso niya. Idagdag pa na nagmukha siyang intimidating nang ipinagkrus niya ang mga braso niya.

Matik na tumigil ang pagpatak ng luha ko kasabay ng pagdapo ulit ng kaba sa puso ko. The smile on my face was replaced by my trembling lips. Napakapit na lang ako sa inuupuang swivel chair.

"What happened? Are you comfortable telling us about the accusations of netizens who deemed to know you personally?" he asked in a curious yet professional way. "Don't worry, not everything you will share with us will be told to the public. We will choose what to say and not."

Kahit na takot na takot ako, pinatatag ko ang loob ko.

We do not want to be accused unfairly and be the center of false coverage, do we?

They are here to help me and unlike other people who judged me first, I know that they will settle things professionally.

Magiging maayos din ang lahat, Yumi. You can be sad, disappointed, and broken-hearted but you need to be strong enough to get through this.

I opened my lips and started telling them what happened, including the reasons that caused me to slap Veroxx.

It took us a few hours to get done with the dialogues.

We finalized the matters which must be shared with the public and decided what should be kept confidential.

Kahit pap'ano, nakahinga ako nang maluwag, lalo na nang makalabas na ko ng building. Parang may sariling buhay nga lang ang mga paa ko nang kusang tumigil ang mga 'to sa paglalakad.

Napaangat ako ng tingin sa kalangitan at saka taimtim na pinagmasdan ang mga ulap.

Hindi masakit sa mata 'yong liwanag kahit tanghaling tapat dahil sa nangingibabaw na kulimlim.

"Mukhang uulan," walang emosyon kong bulong sa sarili. "Uulan, aaraw. Uulan tapos aaraw ulit," I unknowingly mumbled.

I tilted my head to the right, quietly observing the skies above.

"Gan'on naman sa buhay. May darating na mga pagsubok pero malalagpasan din natin lahat ng 'yon. Wala namang permanenteng sakit, 'di ba?" I asked almost convincing myself of something.

There and then, pain suddenly crossed my heart. Lasang-lasa ko pa nga sa dila ko ang pait. Unti-unti na ring namumuo 'yong kung ano sa lalamunan ko.

Napahinga ako nang malalim at saka napapikit.

Para bang any minute, tutulo na ang luha ko. Pero ako si Mayumi eh. Pilit kong pinatatag ang loob ko.

"Kakayanin natin bawat pagsubok kasi may mga rason na paulit-ulit ipapaalala sa 'tin na baka... gusto pa nating lumaban," I whispered with my eyes still closed, stopping any warm liquid to flow down my cheeks.

"Kahit ang labo-labo na ng lahat... at kahit hindi na natin alam kung s'an patungo... may kakatok na rason para ibulong na problema lang 'yan. Baka pinalaki ata 'to ng Sexbomb na palaban at matapang!" Bigla na lang akong napangisi dahil sa sariling sinabi.

Binuksan ko na ang mga mata ko and there, I found myself feeling better.

Napakibit-balikat ako. "This too shall pass. Kahit kasing tagal pa 'yan ng biyahe sa EDSA... lilipas din 'to," pagpapalubag-loob ko pa sa sarili at saka bahagyang ngumiti.

Napayakap lang ako sa sarili nang mahinang humampas sa balat ko ang malamig na hangin. Napakuskos pa ko sa magkabila kong braso bago nagpasyang maglakad na muli.

Agad kong napansin 'yong dami ng tao sa bandang Freedom Park.

'Yong iba, may kasama at nagtatawanan. At ang ilan, busy sa pagbabasa ng notes nila. Mayroon ding mukhang nagpapahinga lang habang nakahiga sa sementado at mahabang bench.

I smiled to myself as a realization has crossed my head— iba-iba tayo ng pinagdadaanan at ganap sa buhay. Pero pare-pareho nating pinipilit na kayanin lahat ng bagay.

Dumiretso na ko sa building namin dahil kailangan ko pang kunin ang mga gamit ko sa faculty room.

Nang nasa tapat na, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Bumungad sa 'kin ang mga co-faculty member ko na agad na napaangat ang mga mata nang pumasok ako. Matik na sumilay 'yong ngiti sa mga labi nila nang makita ako. Tulad kaninang umaga, I can't sense any judgment on their eyes nor their lips.

Hindi ko sure kung anong tumatakbo sa isip nila pero who am I to judge them?

Nginitian ko na lang sila pabalik bago sinara ang pinto at dumiretso sa mesa ko.

Mabilis ko lang na inayos ang mga gamit ko para makauwi na. Pagkatapos, sinukbit ko na agad ang strap ng bag ko sa balikat.

Lalakad na sana ako paalis nang mapatigil ako sa kinatatayuan ko. Nakaharang kasi sa daanan si Ma'am Ustaris or let's say she intended to approach me.

Kahit nabigla, nakangiti ko siyang binati, "Magandang tanghali, Ma'am Ustaris."

Her friendly smile is waving at me as though she's telling me that there's a lot of beautiful things in this world. Hindi rin nakatakas sa paningin ko 'yong nakatali niyang mahabang puting buhok.

Napaigtad lang ako nang bigla niyang abutin ang kamay ko. Medyo nanlaki at nagtaka pa nga ang mga mata ko nang titigan ko siya.

Kalmado ang boses niya nang sabihing, "We have known you for years. Wala kaming naging problema sa 'yo. You might have a dark past with you but who doesn't make mistakes, to be honest? Ang importante ay mabuti ka ngayon."

Matik na nawala ang gulat sa mukha ko dahil sa mga narinig. Para akong gaga na any minute, iiyak na naman.

Kumalma ka, Yumi! Quota ka na sa pag-iyak kanina. Baka nakakalimutan mong unang iyak mo today, may uhog na sumama!

Nakakahiya na ah. 'Di mo pa naman sure kung may bakante pang singahan sa panyo mo!

"Thank you po sa inyo," pagpapasalamat ko nang buong puso bago kami nagpaalam sa isa't isa.

Paglabas ko ng faculty room, para akong gaga na kinilig na lang bigla!

Sino ba namang hindi?! Kahit iniiwasan kong magkaroon ng pake sa sinasabi ng iba tungkol sa 'kin, ang sarap kaya sa pakiramdam na may naniniwala sa 'kin!

Halos mapunit na nga ang mga labi ko kakangiti habang nagta-time out. Nang matapos, naglakad na ko palabas ng building.

Medyo nabigla lang ako nang mapansing ngumingiti sa 'kin ang mga nadadaanan kong estudyante— kilala ko man sila o hindi. Nagtataka akong napaisip kung anong mayr'on. Pero napangiwi na lang ako nang ma-realize na ako kasi 'tong kanina pang nakangiti!

I clicked my tongue in disbelief with myself.

Nang medyo malapit na sa gate 3, bigla akong napahinto sa kinatatayuan ko. Matik na bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip, "Baka may media sa labas o mga usisero."

Ilang minuto akong nag-isip nang mabuti kung anong gagawin ko.

I ended up booking a private car.

May pagkakuripot ako pero hindi 'yon pwedeng gumana ngayon.

P'ano kung dagsain ako sa labas? P'ano kung may mambato ng itlog sa 'kin? P'ano kung ibash-bash ako?

Hell no!

When my assigned driver arrived in front of the university, I quickly put my phone back inside my bag.

Parang sira na nagmadali ako papunta sa gate bago nag-tap ng ID doon. Hindi pa ko nakuntento, talagang tinago ko pa 'yong mukha ko sa pagitan ng dalawa kong kamay.

Unlike to my expectations, wala namang nag-aabang sa 'kin sa labas na fans ni Veroxx. Thankfully! Pero may ilan akong napansing media na pinapaalis ng mga guard kaya kinabahan ako.

Akala ko ba ayos na ang lahat sa media? Ano pa bang gusto nila? Interview?

Dali-dali akong pumasok sa na-book kong kotse nang makita ko 'yon. Ang nakakainis nga lang, halos masubsob ako sa backseat sa sobrang ka-praningan at pagmamadali ko.

"Good noon, ma'am. Ayos lang po kayo?" nag-aalalang tanong ng driver.

Pilit na pilit ang ngiti ko nang umayos ako ng upo at saka siya tinignan.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Iniharap ko na rin ang bag ko at saka pinatong ito sa binti ko para tingnan ang loob kung may nagulo ba.

Naagaw lang ang atensyon ko nang itanong ng driver, "Mayumi Madamba po?"

"Po?" nauutal kong tanong, bakas ang kaba sa boses ko. "P'ano niyo po ako nakilala?" kinakabahan ko pang dugtong.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Kung ano-ano na ring pumapasok sa isip ko.

P'ano kung fan pala siya ni Veroxx? Tapos sinadya niya 'to para i-torture—

"May atraso po ba kayo sa iba? May kailangan po ba tayong takasan ngayon?" natatawa niyang sunod-sunod na tanong pabalik.

Dumoble tuloy ang kaba ko. Napahigpit na rin ang kapit ko sa bag ko. Tumingin-tingin pa ako sa paligid upang silipin sa labas kung may nakakita ba sa 'kin.

"Biro lang po! Ito naman si ma'am," tawang-tawa niyang bawi. "Nasa passenger ID po 'yon sa app, ma'am. Nakalimutan niyo po yata?" pagka-klaro niya pa.

Agad akong napaiwas ng tingin sa sobrang kahihiyan. Ang tangi ko na lang nasabi na halos mautal-utal pa ako, "Opo, ako po si Mayumi Madamba," na sinundan ko pa ng tawa pero nagtunog awkward lang.

Buti na lang at hindi na kumibo ang driver. Dahil kung may sinabi pa siya, baka ako na mismo ang maglibing sa sarili ko.

Grabeng 2022 'to, kinabog ang 2020!

It was already quarter to two in the afternoon when I reached our street.

Napahinto lang ako sa may gate namin nang may mapansing unfamiliar na itim na Mustang sa tapat.

Sigurado akong hindi 'yan afford ni Tres at hindi bibili ng ganiyan si Trisha. Eh kanino 'yan?

Bago pa masagad ang storage ng utak ko, tumigil na ko sa pag-iisip. Dire-diretso akong pumasok sa loob dahil bukas naman ang gate namin.

Nang nasa tapat na ko ng pinto, parang ewan 'yong puso kong bigla na lang kumalabog.

Nanginginig pa nga ang kamay ko nang abutin ko ang door knob bago pihitin ito.

Nang mabuksan ang pinto, matik na nanlaki ang mga mata ko. Sinong hindi? Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa sofa— tumatawa habang kandong si Jiro. Pero mas umaalingawngaw nga lang 'yong tawa ni mama sa buong bahay.

Pero kahit gan'on, 'yong presensya niya, nakakapagtaka na iba ang impact sa 'kin.

Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko sa hindi malamang dahilan habang 'yong puso ko... pabilis nang pabilis ang tibok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top