Chapter 11: Allies
Warning: Triggering theme and language are included in this part which may not be suitable for all audiences. May tema at lengguwahe na pwedeng makaapekto sa emosyonal na estado ng tao ang parte na ito na maaaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa.
Chapter 11: Allies
Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko pero walang ingay na lumalabas sa bibig ko.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang ang isip ko, kung saang lupalop na napunta.
Hindi ko matanggap. At ni hindi rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat.
"Ma'am Mayumi," mahinang tawag sa 'kin ni Ms. Fulache na nagpabalik sa 'kin sa wisyo.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Nakaluhod na rin siya sa tapat ko habang awang-awa na nakatitig sa 'kin.
"Sorry po," nahihiya kong sambit sa garalgal na boses. Pinilit ko pang ngumiti bago pinunasan ang magkabilang pisngi gamit ang mga nanginginig na kamay.
I heard her taking a deep sigh as she reached for my right arm. She caressed it with gentle and care.
Napakagat ako sa ilalim kong labi, pinipigilan ang hagulgol na kanina pa gustong kumawala.
Kahit damang-dama ko ang kirot ng puso ko at nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, pinursige kong makatayo.
I was able to do it with the help of Ms. Fulache. Nakahawak siya sa magkabila kong braso nang subukan kong tumayo.
She guided me to my desk and it was her who took my backpack from me. Pinatong niya 'yon sa mesa ko at saka hinagod-hagod ang likod ko pagkaupo ko.
Nakatingin lang ako sa harap para maiwasan ang titig niya. Hindi ko kasi magawang salubungin ang mga mata niya kahit concern at empathy lang ang nakikita ko sa mga 'yon.
Sobrang nahihiya na ko sa kaniya. It's too unprofessional to act like this inside the faculty room.
Umayos ka, Yumi. Umayos ka, please.
Huminga ako nang malalim at saka suminghot-singhot nang may maramdaman sa ilong ko.
Mabilis kong inabot ang backpack ko sa mesa. I unzipped it as I look for anything that can wipe that sticky fluid in my nose.
Nakita ko 'yong pamilyar na itim na panyo sa loob kaya dali-dali kong inabot 'yon.
"Excuse me, miss," nahihiya kong sambit bago tumalikod sa kaniya.
Naramdaman ko namang lumayo siya at naglakad papunta marahil sa desk niya.
Todo ang pagpapahina ko sa pagsinga ko huwag lang marinig ng buong mundo 'yon.
Epal naman kasing sipon oh! Hindi ko na tuloy alam kung anong uunahin ko— ang masaktan dahil sa nangyayari o ang mahiya sa kasama dahil sa ginagawa ko ngayon.
Pero understandable naman 'to, 'di ba? Malamang nagkakauhog din naman siguro siya kapag umiiyak!
Para akong gaga na napatigil na lang ang luha dahil sa hiya.
Nang matapos sa ginagawa, tinupi ko ang panyo at pinasok ulit sa loob ng bag.
Napahinga na lang ako nang malalim habang dinadama ang kirot sa puso ko. Pasakit 'yon nang pasakit habang palaki rin nang palaki ang nakabara sa lalamunan ko.
"The other faculty members are also worried about you," mahinang panimula ni Ms. Fulache, binubuksan ulit ang topic.
Dahan-danan akong lumingon sa kaniya habang ang mga kamay ay nakapatong sa mga binti.
Nasa bandang dulo ang mesa niya sa may kanang bahagi ng kwarto.
"They are sending you comforting words on our gc since last night," pag-iimporma niya pa sa 'kin na tinanguan ko na lang.
Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin. Ni hindi ko alam kung anong una kong iisipin.
Alam na ba ni mama? Alam na ba ng mga estudyante ko? Alam na rin kaya ni Veroxx? Eh 'yong mga boss namin, napanood na rin kaya nila ang video?
Thoughts keep on rumbling inside my head while tears started to well up in my eyes again.
Sobrang bigat sa dibdib.
Ang tanging nabulalas ko na lang, "May nagalit po ba sa faculty members natin? Na iniisip na baka madamay sila o makasira ako sa reputasyon ng university?" Halatang-halata ang takot sa garalgal kong boses at nanginginig na mga labi.
She gave me an affirmative smile before assuring me, "You have nothing to worry about. They understand and I've been communicating with our institute dean since last night. I showed him the recent post of Veroxx Ford on Instagram and told him that Mr. Ford's party already cleared the issue."
Napatango-tango ako dahil sa narinig. Kahit pap'ano, nabawasan 'yong pasan-pasan kong problema.
Sobrang laking tulong talaga ng ginawa ni Veroxx. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kung 'di niya 'yon ginawa.
Pero ayaw ko munang magdiwang nang sobrang aga. Marami pang bagay na kailangan kong alamin at kaharapin. And by simply thinking about those things, sobrang nasasaktan na ko.
My fingers are intensely shaking while I'm fiddling them together on top of my lap.
I directly asked her, "Matatanggal po ba ko sa trabaho?"
Marahan siyang napatawa dahil sa sinabi ko. Matik tuloy na kumalabog ang puso ko.
Ibig sabihin... oo?
"No," mariin niyang sambit. "Gan'on ba kababaw ang tingin mo sa university?" pagbibiro niya habang pinanliliitan ako ng mga mata.
Natikom ko ang mga labi ko dahil d'on. At ang mabilis na kabog ng puso ko ay unti-unting bumabagal. Pero 'yong sakit... nand'on pa rin.
"Since the netizens are now aware of your job here, the bosses from the higher management decided that they need to take an action. Probably, they will talk with you sooner or later. But for now, they are busy discussing things with the PR company they hired. They will be the ones to manage the situation," she informed me in a very confident tone.
Napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig. Nang makabawi, marahan ngunit gulat kong tanong, "Nag-hire po sila ng PR company?" Agad ding kumunot ang noo ko nang may ma-realize. "Bakit hindi po mga abogado?"
She crossed her arms as she raised her left eyebrow at me. But she didn't act that way to tell me nonverbally how stupid I am. She seemed proud of something that is unknown to me.
"Dahil ayaw ng university na basta sabihin sa publiko na 'no comment'. Hindi naman natin kailangang humarap sa korte. Ang kakaharapin natin ay ang media at ang public. If we say 'no comment' to them, they will charge you and the university as guilty," panimula niya bago tumayo at lumapit sa 'kin.
Nang nasa tapat ko na siya, agad niyang hinawakan ang balikat ko bago nagpatuloy sa sinasabi, "The bosses want to be sure that this situation won't damage the image of the university. Public relations can do that job well and clean. Sila na ang bahala kung paano ang magiging communication natin sa mga tao at anong information lang ang ilalabas."
Napakagat ako sa ilalim kong labi.
Ang bigat sa pakiramdam na may kinakaharap na krisis ang university ngayon, pero... mas mahirap lang talaga isipin na ako 'yong dahilan n'on.
Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ko at ang pag-init ng mga mata ko. Any minute, siguradong maiiyak na naman ako.
Pinilit kong ngumiti sa harap ni Ms. Fulache at saka sinabing, "Salamat po. Magre-ready na po ako para sa first class ko." Halos pumiyok ako bago matapos ang sinasabi.
Mabilis ko siyang tinalikuran at saka kinuha ang bag sa mesa.
"Are you sure on this?" nag-aalala niyang tanong, tila pinipigilan ako sa pagpasok ko.
Sinubukan kong tumawa para ipakitang malakas ako pero nagtunog pilit lang 'yon.
"Kaya po!" nanginginig ang mga labi ko nang ibulalas ang dalawang salita na 'yon.
I heard her taking a deep sigh before she conceded defeat.
Tumayo na ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto bago pa ko maabutan ng ibang faculty members.
Dumiretso ako sa pinakamalapit na comfort room sa tapat ng hagdan.
Nakayuko ako habang naglalakad para hindi makita ng iba ang hitsura ko.
Maaga pa naman kaya wala pang tao sa paligid. Buti na lang talaga.
Pagpasok ko sa loob, dali-dali kong inokupa ang isang cubicle. Halos padabog ko na ngang naisara ang pinto dahil sa pagmamadali.
May kahoy na patungan na ilang pulgada ang layo sa taas ng toilet kaya roon ko pinatong ang bag ko.
Nanginginig ang mga kamay ko nang damputin ko sa loob ng backpack ang cellphone ko. Saktong nakababa naman ang seat cover ng inodoro kaya agad kong inupuan 'yon.
I unconsciously placed my left hand on my knee while my thumb on my right hand is busy fiddling with my phone.
Unang bumungad sa 'kin ang napakaraming missed calls at unread messages. Matik akong napakagat sa ilalim kong labi habang iniisip kung sino-sino kaya 'yon.
Please, sana hindi pa 'to alam ni mama. Baka atakihin 'yon sa puso kapag nalaman niya!
Takot na takot ako nang napagdesisyunan kong pindutin ang Messages. Dali-dali ang pag-scroll ko habang hanap ng mga mata ko ang contact name ni mama.
Kahit pap'ano, napahinga ako nang maluwag nang hindi siya nakita rito.
Napakagat-labi ako habang tinitignan ang preview ng texts ng mga kakilala ko. Most of them are sending me motivational quotes while the others are asking if I'm okay.
Tanging messages lang nina Trisha at Theta ang lakas-loob kong nabuksan.
The girl with megaphone
ATEEEEE
Kumusta ka?
Na-sight mo na ba ang new vid with your peslak?
Alala malala si bakla sayo!
'TEEEEEEE, ANUENAAAA?
Shogal ng reps ah!
Pakigalaw naman ang mug kung alive ka pa!
Mariin akong napakagat sa ilalim kong labi dahil sa pag-aalala ni Trisha. As much as I want to assure her that I'm still breathing the same polluted air of the Philippines with her, I decided to not say anything.
Baka mas mag-alala lang siya kapag natunugan niya sa reply ko na... hindi ako maayos.
Sunod kong tinignan ang texts ni Theta.
Future Atty.
Bih? Mahal kita. Alam mo 'yan.
Nandito lang ako kapag gusto mo ng maiiyakan. Islands lang ang pagitan natin. Ikaw si Yumi na mahal na mahal ko.
Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala na naman sa mga mata ko. Kasabay n'on ang sunod-sunod kong paghikbi. Napilitan akong takpan ang bibig para hindi makagawa ng ingay.
Mariin ang hawak ko sa bibig ko pati na rin sa cellphone ko.
Unti-unti akong nanghihina kaya naibaba ko na lang sa mga binti ko ang parehong kamay. Ramdam ko ang panginginig ng buong pagkatao ko dahil sa sakit.
Ipinikit ko muna ang mga mata.
Sinubukan kong magbilang para pakalmahin ang sarili.
Pero nakaka-100 mahigit na ko, nanlalamig pa rin ang mga kamay ko. Even my tears kept on flowing on my cheeks.
Kalma na, Yumi, please.
Dinilat ko ang mga mata at saka tinignan ang wrist watch ko.
It's only 7:12 and I'm still 18 minutes away from my first and only schedule today.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko pero dahan-dahan kong inangat ang nanginginig na kanang kamay. Parang may sariling buhay ang mga daliri ko nang pindutin ang Facebook app. At ang buong earth, parang alam na alam kung anong pakay ko rito.
Bumungad sa 'kin ang sinasabing video na kita na ang mukha ko. Kusa 'tong nag-play kaya natataranta kong hininaan ang volume nito dahil sa ingay na ginawa nito.
I harshly pressed my lips together as I saw myself barefaced on the video. Mas bumilis din ang pagtulo ng luha ko dahil sa nararamdamang takot.
Ano na lang ang sasabihin ni mama? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga estudyante ko?
Nang matapos 'yon mag-play, para akong gaga na dumiretso sa comment section. At kahit wala pang nababasa, bumilis na agad ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Pero habang nag-i-scroll, doon ko lang nalaman na 'yong durog ko ng puso ay may ikakadurog pa pala.
Harvey Real Account Si Mayumi Madama nga!!!! Sabi ko na nga ba.🤨 DYK? She was once sent to the guidance office for committing plagiarism? Yuck!
Just now Like Reply
Sazzy Dazzle Kapitbahay ko ysn noon. Ang chika, narape raw ang nanay ng kainumang lalaki. Kababaeng tao! Kayq siguro gajiyan yan.
3m Like Reply
Renyel Santos I don't know why Veroxx was defending her!🤮🤮🤮🤮🤮 For sure, she's at fault. I know her! She's a former classmate. Sobrang daming alam sa buhay! Typical Jollibee ng classroom at sipsip pa sa teachers.
8m Like Reply
Cindy Carpio so disappointed sayo, mayumi. till now baho pa rin ng ugali mo. siya yong tipong kapag nagrecite, napapairap talaga kami. hated classmate ever. wala pang silbi sa groupings.
15m Like Reply
Hindi ko na kinaya lahat ng masasakit na salitang natatanggap ko. Kahit pinipilit kong huwag akong maapektuhan ng mga kumento nila. I felt betrayed...
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at saka iyon pinasok sa bulsa ng jeans ko.
Nanghihinang nasapo ko ang mukha ko gamit ang magkabilang kamay habang palala nang palala ang iyak at hagulgol ko.
Parang may pumipiga sa puso ko sa sobrang sakit nito. Para pa ngang... may sumasaksak dito.
Bakit gan'on? Bakit gan'on sila kung magsalita? At saan nila nakukuha ang lakas ng loob para magkumento ng gan'on?
Oo, totoong pinatawag ako sa guidance office n'ong junior high school kami. Pero nakakuha lang ako ng warning dahil sa wrong citation ko!
Dugo't pawis ko ang inilaan ko noon sa bawat papers namin. Hindi ko ugaling manguha at mangopya ng gawa ng iba!
At sino sila para pagsalitaan si mama ng gan'on? Na na-rape dahil nakipag-inuman sa lalaki? At anong kinalaman ng sexual orientation niya r'on?
Nakakainis! That's not true. Pero kahit totoo 'yon, bakit ang parating masama ay babae kahit na-rape na? It's the rapist's fault! Walang rape kung walang rapist.
At 'yong paratang nilang pabibo ako, hindi 'yon totoo. Mas hindi totoo na pabuhat ako sa group activities!
Alam kong hindi ako matalino pero ginawa ko naman noon ang kaya ko para may maiambag. Pero bakit parang hindi sapat?
Kasi hindi ako kasing galing ng honor students? Kasi 'yong performance ko, pang-average student lang para sa kanila?
Ang sakit... na biglang ilalabas nila lahat ng hinanakit nila ngayong pinagpi-piyestahan ako ng mga taong hindi ko kilala.
Kung magbigay sila ng kumento sa 'kin, akala mo mas kilala pa nila ko kaysa sa Diyos. At kung sermunan nila ko, kinabog pa nila ang mga pari!
Akala mo kung sinong...
"Kalma, Yumi," pagpapatigil ko sa sarili sa garalgal na boses. "Huwag kang bababa sa level nila. Huwag mong pagaanin ang loob mo sa pagsasalita rin ng masasakit na paratang sa kanila." Mahina lang ang boses ko para walang makarinig kung may bigla mang pumasok dito sa comfort room.
Kahit nanghihina pa rin ang buo kong katawan, pinilit kong tumayo.
Nang muntik na kong matumba, sinandal ko ang kaliwa kong kamay sa pader. Kumuha ako ng lakas d'on at saka bahagyang umikot.
Dinampot ko ang bag ko sa kahoy na patungan at saka pinasok sa loob nito ang cellphone. I fished the black handkerchief as I wipe my own tears.
"Tama nga si Veroxx, magagamit ko nga talaga 'to," sambit ko at saka mapait na napangiti. "Gamit na gamit."
Nang matapos sa pagpunas ng luha, ilang beses muna kong huminga nang malalim.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakonsumo ko para lang mapakalma ang sarili. Pero nang maramdamang ayos na ko, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
May isang estudyante na kakapasok lang pero hindi niya ko pinakialaman.
Dumiretso ko sa tapat ng lababo at saka naghilamos. Medyo nagmamadali na ko ng punasan ang mukha.
I applied a light foundation on my face as I used my avenue lipstick on my trembling lips.
Tinignan ko muna ang sarili sa salamin at saka mapait na ngumiti.
Kaya mo 'to, Yumi. Kailangan mong pumasok dahil sayang naman ang tuition fee ng mga estudyante kung idi-ditch mo lang sila.
Pinatatag ko ang loob ko. Kasi kung hindi... parang hinayaan ko na lang ding matalo ako nang hindi lumalaban.
Sinukbit ko na ang strap ng bag sa balikat ko at saka lumabas ng CR. Pero saktong pagtungtong ko sa labas, lalong nanlamig ang malalamig ko ng kamay.
Sobrang dami kasing estudyante sa paligid. Marahan tuloy ang bawat hakbang ko paakyat sa third floor. Natatakot ako na sa isang maling kilos ko, makukunan ako ng video at ipo-post na naman online. Tapos... tapos sasaktan at pagtatawanan ng marami.
I was expecting to receive judging eyes from random students but I didn't. Lahat kami, busy sa sari-sariling ganap sa buhay. Pare-pareho silang nagmamadali papunta siguro sa next class nila.
Nasa tapat na ko ng pinto ng klase ko nang lumala ang kaba sa dibdib. Napako na lang tuloy ako sa kinatatayuan ko.
Mariin akong napakagat sa ilalim kong labi habang nakakuyom ang mga kamao.
Naagaw lang ang atensyon ko at napalingon lang ako sa gilid ko nang may tumawag sa 'kin.
"Hi, miss!" masiglang bati sa 'kin ng estudyante kong si Milliesa. "Una na po ko sa loob para hindi counted as late," natatawa niyang sambit bago binuksan ang pinto.
Akala ko isasara niya na 'yon pero nagulat ako nang hintayin niya ko. Nakatitig siya sa mga mata ko habang matamis na nakangiti.
Napahinga ako nang malalim at saka sinubukang suklian siya ng ngiti.
"Thank you, Milliesa," ang tanging nasabi ko pagkapasok sa loob.
Normal na nagtatawanan ang iba habang ang ilan ay busy sa kaniya-kaniyang copy ng readings. Malamang ay ngayon pa lang sila makakapagbasa para sa lecture ngayong araw.
Pagkababa ko ng bag sa mesa sa harapan ng classroom, nilabas ko na 'yong flash drive ko para i-set up ang projector nang mag-initiate si Ryan na gawin 'yon.
Sandali akong natulala sa kaniya habang nagse-set up siya. But I immediately composed myself to start my discussion.
Kabado ako. Sobrang kabado.
Nanginginig ang mga kamay. Hindi mapakali ang tingin sa iisang pwesto lang. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa pero hindi pwede. Marami pa kong pangarap at uuwi pa ko para kay Jiro.
Unlike my regular classes, hirap na hirap talaga akong magsalita nang hindi nauutal. Pero nakakuha ako ng lakas sa mga estudyante ko dahil sobrang participative nila ngayon.
Marami naman talagang nagre-recite sa kanila pero iba ngayon. Paunahan pa sila sa pagtaas ng kamay para sagutin ang bawat tanong ko.
While holding my class record where I jot down their recitation points, I can feel my hands trembling out of... joy. Tears are trying to escape my eyes yet I managed to not cry in front of the class.
"Paubaya ka naman ng recitation points, Milliesa!" pabirong sigaw ng isa kong estudyante na si Melissa. "Halos magkatunog naman 'yong pangalan natin pero 'yong grades mo, 'di hamak na mas mataas. Kaya kami naman!" banat niya pa na ikinatawa ng buong klase.
Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti dahil sa kanila. Sunod-sunod pa ang narinig kong biro na tila hinaplos ang puso ko.
Alam kong alam na nila ang nangyayari online. At alam kong sinusubukan nilang pagaanin ang loob ko sa paraang kaya nila.
Natapos ang klase na halos makalimutan ko na ang bitbit na problema.
"Class dismissed," nakangiti kong anunsyo na ikinapalakpak ng iba.
Tuwang-tuwa pa nga ang ilan na nakahakot talaga ng puntos ngayong araw.
Panay kaway nila sa 'kin bago umalis ng kwarto. At n'ong oras na nakalabas na ang lahat, matik na napabuntong-hininga ako.
"Nag-worry ako para sa wala," nakangiti kong bulong sa sarili. "Parang ako pa nga ang nang-judge sa kanila. Inisip kong papangit ang tingin nila sa 'kin nang hindi kinokonsidera kung g'ano sila kabuti."
Napailing na lang ako habang parang gaga na nakangiti.
Kinuha ko na 'yong flash drive bago pinatay ang projector. Busy ako sa pag-aayos ng gamit nang bumukas ang pinto.
Mabilis akong napalingon d'on sa pag-iisip na may next class na. Nagulat ako nang makita ang class mayor ng section na hawak ko kanina.
"Elisha," nakangiting tawag ko sa kaniya. "Bakit?" nalilito kong tanong.
Kita ko ang pamumula ng bilugan niyang mukha nang lapitan ako. Nagmamadali niyang inabot sa 'kin ang pack ng chocolates.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Pero agad ko rin namang tinanggap 'yon.
"Fighting, miss!" nakangiti niyang saad bago lumabas ng kwarto.
Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kaniya sa sobrang gulat na naramdaman. Sinabayan pa 'yon ng mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kakaibang saya.
Para akong nakakuha ng kakampi sa mga estudyante ko.
"Huwag kang iiyak dito, Yumi, please," pagmamakaawa ko sa sarili at saka inangat ang tingin sa dingding.
Pinaypay ko pa ang isang kamay sa mukha para pakalmahin ang sarili.
Hindi ko maiwasang sabihing, "This generation is truly something else."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top