Chapter 10: Bad news

Chapter 10: Bad news

Kinabukasan, wala pa ring kuryente kaya tempted na talaga akong magpa-load sa labas. Ang kaso, sobrang lakas pa rin ng ulan at kulog.

Nakakaasar na bagyo talaga. Bwisit!

Napasimangot na lang ako habang nakatingin kay Jiro. Hinahagod ko ang likod niya para hindi siya lamigin nang todo.

Nasa sala kami ngayon kasama si mama, nakaupo lang kami sa sofa. Katabi ko si Jiro sa kanan habang nasa kabilang dulo naman ng sofa si mama.

Madilim ang paligid at tanging liwanag lang mula sa nag-iisang kandila ang mayroon. Nakapwesto 'yon sa lapag malapit rito sa sofa. Nilagay 'yon d'on para hindi mapatay ng malakas na ihip ng hangin ang apoy nito.

May flashlight naman kami pero ayaw na ulit gamitin ni mama dahil baka kailanganin daw bigla for emergency. At ayaw niya ring gumamit ng higit sa isang kandila dahil sayang naman daw! Pwede naman daw na sama-sama na lang kami rito, tulad ng nangyari.

Sa sobrang tipid niya, pwede na siyang bigyan ng Guinness record!

Napatigil ako sa pag-iisip nang malakas na umihip muli ang hangin. Pasok na pasok 'yon sa mga nakabukas na bintana kaya hindi exempted ang balat ko sa nilapatan nito. Hindi ko tuloy maiwasang kilabutan dahil sa sobrang lamig.

Buti na lang at nag-desisyon akong magsuot ng T-shirt at pajama kagabi. Dahil kung hindi? Nangisay na siguro ako sa mala-yelong temperature ngayon!

Pero sa napakalamig na umaga, ulo ko lang ata ang nag-iinit.

Kunot-noo at pabalang kong bulong, "Ang tagal-tagal naman magkakuryente. Ang mahal-mahal ng binabayad natin pero ang pangit naman ng serbisyo! Wala namang sira 'yong poste natin, ano pa bang ikinakatagal nila para ibalik 'yong ilaw?"

Mula sa peripheral vision ko, nakita kong nilingon ako ni mama kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

Kahit medyo madilim, kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.

Kalmado ang boses niya nang makahulugang sinabing, "'Wag mo kong simulan, Yumi. Wala kang ambag sa electricity bills, aber."

Napatigil ako sa paghaplos kay Jiro at agad na napangiwi dahil sa narinig.

Para akong sinampal ni mama ng katotohanan. Pero malay ko ba! Bawal na bang maging makakalimutin?

Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi nang iiwas ko ang tingin ko pabalik kay Jiro.

"Wala ba..." tanong ko na tunong realization. "Eh 'di sayang naman po 'yong binabayad mo," bawi ko mula sa pagkapahiya.

Napaangat lang ulit ako ng tingin sa kaniya nang itaklob niya kay Jiro 'yong dilaw na knitted blanket. Siya mismo ang gumawa n'on na sinimulan niya kanina.

Oo, kung kailan talaga walang kuryente, saka naisip ni mama na gawin 'yon!

Akala ko may sasabihin pa siya nang tignan niya ko. But she suddenly stood up and walked inside her room.

Napasimangot na lang ako at nagsimula na namang magreklamo kay Jiro. "Nakakainis Jiro, 'no? Hindi tuloy ako makapaglinis ng kwarto natin."

Ang dami-dami sanang pwedeng gawin ngayong araw kung may kuryente lang. Paano 'yong mga taong walang flashlight o kahit kandila man lang sa bahay nila? Eh 'di lalong wala silang nagawa?!

I couldn't help but hiss.

Sasakit na ata ng tuluyan ang ulo ko kakaisip diyan sa bagyo at kakakunot ko ng noo!

"Oh, isangdaan. Magpa-load ka na r'on sa kanto nang matahimik ka na riyan! Kinukulang ka na sa internet na bata ka. Pati ako, nai-stress na sa 'yo!" sigaw ni mama na nagpaangat ng tingin ko.

Inabutan niya ko ng 100 pesos na nagpakinang sa mga mata ko. Matik na nabawasan 'yong inis na nararamdaman ko simula pa kahapon.

Mabilis kong kinuha 'yon sa kamay niya dahil baka magbago pa ang isip!

"Kung kaya lang ni Jiro na magsalita katulad natin, malamang nagreklamo na 'yan sa sobrang ingay mo, aber," sarkastiko niyang pahabol bago bumalik sa kwarto niya.

Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni mama dahil binigyan naman niya ko ng 100. Makakapagpa-load na ko sa wakas!

Ba't ba ngayon niya lang naisipang bigyan ako ng pera? Kung kahapon pa, everybody happy sana.

Ayaw ko namang maglabas ng sarili kong pera. Baka kasi biglang bumalik ang kuryente pagkapa-load ko at masasayang lang 'yon.

Binitbit ko muna si Jiro papasok sa kwarto ko.

Pagbaba ko sa kaniya sa kama, sinigurado kong nakasara ang mga bintana para hindi siya maanggihan o makalabas ng bahay.

Iniwan ko lang na bukas ang pinto para maabot siya ng liwanag ng kandila sa sala kahit pap'ano.

Nang masiguradong okay na siya sa kama, pumunta na ko sa kusina para hanapin 'yong payong.

Nang makita na ang hinahanap sa gilid ng washing machine, dali-dali akong lumabas habang nakapayong at bitbit ang pera.

Pero nagsalubong lang ang mga kilay ko nang maabutang sarado ang tindahan sa kanto.

"Ba't naman sila nagsasara? P'ano kung may emergency?" hindi makapaniwala kong tanong sa sarili.

Napailing na lang ako habang nakangiwi.

Kumanan ako at saka naghanap ng iba pang tindahan.

Nakailang lakad din ata ako bago ako makakita ng bukas na sari-sari store. Maliit lang 'yon at hindi pinturado katulad ng bahay sa may bandang likod n'on pero okidoks na!

Ngiting-ngiti akong lumapit d'on at halos mapatakbo pa nga.

I don't know why I am too excited right now. Para akong nabuhayan ng dugo na hindi ko malaman.

"Pabili! May load po kayo?" tanong ko sabay katok sa maliit na kahoy sa gitna. Doon nagbabayad at nilalabas ang binibili.

May batang babae na iniluwa ng pinto. Hanggang balikat ang buhok niya at nakasimangot din na parang ayaw magpabili.

Nakangiting napailing na lang ako.

"May load kayo?" tanong ko sa kaniya.

Tanging pagtango lang ang ginawa niya hanggang magkatapat na kami.

"Ako kasi... wala," seryosong pagpapatawa ko na lalong nagpasimangot sa kaniya. "Biro lang!" bawi ko dahil parang pinapatay niya na ko sa titig.

Binigay ko na 'yong number ko pati ang bayad bago niya pa ko mailibing nang buhay.

Iyong tig-53 pesos na surfing lang ang napa-load ko dahil may butal nga pala 'yon. Kuripot naman ni mama, hindi pa sinobrahan ng tres... wait. What?!

Bullshit. Whatever!

Naglakad na ko pauwi nang sabihin ng batang babae na ayos na raw.

Pinilit kong huwag mainis dahil sa taong naalala. Inisip ko na lang na hindi ko dapat hayaang masira ang buong araw ko dahil sa isang pangit na alaala.

Malapit na ko sa bahay nang may mapansing itim na van sa tapat ng gate namin. Matik na kumalabog ang puso ko sa galit dahil sa pamilyar na hitsura n'on.

Napahigpit ang kapit ko sa payong pati sa hawak na sukli. Nagtatangis ang bagang ko kahit hindi ko pa sigurado kung sinong bitbit n'on.

Nang nasa gate na ko, sakto naman ang pagbukas ng gitnang pinto ng van.

Iniluwa nito ang maliit na babaeng may maliit na utak din. Kasunod niya ang matangkad na lalaki in suit na bodyguard niya siguro. Ayon, pinapayungan pa talaga siya!

I snorted upon seeing the irritating view.

"Si Tres ka ba?" sarkastiko kong bungad sa kaniya.

Napataas ang kaliwang kilay niya na parang 'di na kilay dahil halos wala namang buhok.

Hindi ako laitera ah! Tumatabil lang ang dila ko sa mga katulad niya. At para lang sa kaniya ang description na 'yon. Nakakainis kasi siya!

Mapang-asar muna kong tumawa bago sinabing, "'Yong natural mo kasing makapal na mukha, may ikakapal pa pala."

Gusto ko pa nga sanang sabihin na buti pa ang mukha niya ay makapal, baka gusto niyang i-share din sa mga kilay niya. Kaso ayaw ko namang mabawasan na naman ang ligtas points ko sa langit.

Kita kong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

Maarte niyang binaba sandali ang shades niya kaya bumungad sa 'kin 'yong cat eyes niya. Tila ba sinusuri niya ang mukha ko at pinipintasan na rin. Ah, quits naman pala kami!

Ilang sandali lang, binalik niya na muli 'yon sa dating ayos at saka tumawa nang sobrang lakas— 'yong tawang alam mong napipikon.

Bahagya pa ngang hinangin ang maikli niyang bob cut hair na feeling niya ata, kinaganda niya. Pwes, feeling niya lang!

Patawarin nawa ako ng lahat ng diyos. Bukod sa panlalait ko, parang gusto ko na kasing tahiin 'yong maninipis na labi nitong nasa harap ko. Ang sakit sa tainga ng tawa niya. Nakakarindi!

"Pumunta ka lang ba rito para tumawa?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Pwede ka ng umalis," pagtataboy ko pa.

Matik siyang huminto pagkarinig sa 'kin. She fake coughed na bagay sa peke niyang sarili.

Nang hindi pa rin siya nagsalita, marahas na kong napabuga ng hininga. "Alam mo? Wala ka ng masusulot dito. Kaya pwede ba, kung wala kang importanteng pakay—"

"It's about Tres," pagpuputol niya sa sinasabi ko. Napahinto ako dahil sa narinig kasabay ng pagtaas ng mga kilay ko. "Layuan mo siya. Tagalog na 'yan para ma-gets mo, bitch," mariin at mapang-insulto niyang saad.

Nagpantig ang mga tainga ko dahil sa narinig. Kusa akong napabulalas ng sarkastikong tawa.

Gamit ang isang kamay na hawak ang pera, tinuro ko ang sarili. "Ako pa talaga ang sinasabihan mo niyan? Nabaliktad na ba ang mundo? Mga side chick na talaga ang matatapang ngayon?" sarkastiko kong litanya sabay make face sa harap niya.

Magsasalita na sana siya pero mabilis ko siyang inunahan. Peke ko muna siyang nginitian bago malumanay na sinabi, "Huwag kang mag-alala, Rizzi. Wala akong balak gawin pabalik sa 'yo ang pang-aagaw mo kay Tres. Iyong-iyo na 'yon."

Umihip nang malakas ang hangin kaya nilipad ang mahaba kong buhok. I tucked the front hair behind my ear as I tightly held the umbrella.

Medyo umaanggi pa kaya inayos ko pakanan ang payong ko. Sinadya kong marahas na ginalaw 'yon para matalsikan siya ng tubig sa mukha... which successfully happened.

"Yuck!" reklamo niya.

Napangisi ako sa utak ko. Buti nga sa kaniya!

Mabilis naman siyang binigyan ng panyo ng bodyguard niya.

Ang arte-arte ng bawat galaw niya kaya lalong nakakairita ang presensya niya eh.

"Did you do that on purpose?!" hiyaw niya sabay tingin sa 'kin.

Pag-maang-maangan ko with matching puppy eyes pa, "Ang alin?"

She hissed on me and although I couldn't see her eyes, I know that she rolled those on me.

Who cares?

Pagkatapos magpunas-punas, hinarap niya kong muli at saka walang emosyong sinabi, "But it's good to hear that you know where to stand."

Napangiwing natatawa ako dahil sa mabilis na pagbabago ng mood niya.

Napailing na lang ako sa huli.

Malamang may mga paa ako kaya nga I know where to stand. Siya lang ata 'tong hindi nagagamit ang mga paa niya nang maayos. Kung saan-saang relasyon kasi siya napapadpad at nakikisingit.

Tatalikuran ko na sana siya para pumasok na sa bahay nang bigla na naman siyang magsalita.

"I hope, I won't hear from other people again that you're meeting with Tres," malumanay ngunit may pagbabanta sa boses niya.

I gritted my teeth in so much annoyance. Halos manlisik na nga rin ang mga mata ko dahil sa narinig.

"Ako? Nakikipagkita kay Tres?" hindi makapaniwala kong tanong. "Sabihin mo sa source mo, ayus-ayusin ang pagbabalita nang hindi siya ma-tag na fake news," nanggigigil kong dugtong.

I saw her thin lips moving and before she could even say a thing, inunahan ko ulit siya. "Halos dalawang linggo na nga ang lumipas nang pumunta 'yon dito. Alam mo kung anong ginawa?"

"What?" tanong naman niya pabalik.

Napangisi ako bago sinabing, "Nagmakaawa. Gusto akong makausap. Mahal na mahal daw ako eh. Hindi naman halatang mahaba ang hair ko, 'no?"

Iwinasiwas ko pa sa ere ang buhok ko gamit ang libreng kamay.

"What did you say?! He told you all those things?" she asked in rage that secretly made me happy.

Mamatay siya ngayon sa galit at inggit.

Inangat ko ang tingin sa shades niya. May bigla akong naalala dahil d'on.

"Bagay sa 'yo ang shades mo," walang reaksyon kong sambit. Hindi ko siya pinupuri.

Nakita kong bigla siyang kumalma at saka napahawak sa salamin niya.

Arte!

"Really?" nahihiya niyang tanong na sagad sa buto ang pagpapa-cringe sa 'kin.

Kahit gusto kong ngumiwi, pinigilan ko ang sarili.

"Oo, alam mo ba na mahilig din si Tres sa shades? Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. May available shades ako sa bahay na favorite design and color ni Tres." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bilhin mo ba?"

She pouted her lips while thinking. Pero mabilis din naman siyang sumagot, "Sure! How much is it?"

Halos mapa-kendeng ako sa sobrang saya pero hindi pwede.

"5,000," seryoso kong sagot, pinipigilan ang sarili na mapangiti.

Tumango lang siya kaya dali-dali akong umalis sa harap niya. Bago pumasok sa bahay, binaba ko muna sa may gilid ng pinto ang dalang payong.

Halos madapa ako habang papunta sa kwarto ko sa sobrang excited.

P'anong hindi? Mabebenta ko na 'yong dapat na regalo ko kay Tres para sa 5th anniversary sana namin before the year ends!

At ang mas nakakatuwa? Ang nakabili ay ang maarte niya pang ipinalit sa 'kin!

Pagkapasok sa kwarto, binaba ko muna 'yong hawak na sukli sa ibabaw ng bag ko.

Todo hanap ako ng shades sa loob ng aparador.

Nang makita ang light brown na small pouch, dali-dali ko 'yong hinablot at lumabas ng bahay.

Nang nasa labas na ng pinto, inabot ko muna 'yong payong sa gilid at saka naglakad papunta sa gate.

Hindi na ko nag-effort na buksan ulit 'yon. Hindi naman kataasan ang gate namin eh. Basta ko na lang inabot sa kaniya ang bitbit na lalagyan.

Halos mapairap ako nang makitang pagewang-gewang pa ang hips niya habang naglalakad papalapit sa 'kin.

Pero ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili.

Kalma lang, Yumi. Kalma. Sayang ang pera. Pwede ka namang umirap mamaya kapag wala na siya.

Pagkakuha ko ng bayad mula sa kaniya, hindi na ko nagpasalamat. Tanging nasabi ko na lang. "Sana huwag ka ng bumalik. Kung kanino mo man nakuha ang address ko, huwag niyo ng guluhin ang buhay ko."

Tinalikuran ko na siya at 'di na hinayaang makapagsalita.

Pagpasok ko sa loob, dali-dali kong sinara ang pinto at hinayaan na ang sariling magpakendeng-kendeng habang nakangiti.

Mas lumapad pa nga 'yong ngiti na 'yon nang mapansin kong sobra ng one thousand ang binigay ni Rizzi!

Pero 'yong kalahating halaga na kinita ko? Hindi pa nga sapat 'yon bilang danyos perwisyo niya sa buhay ko. Pero kahit na. At least nagkapera pa rin ako!

Para akong gagang mahinang humahagikhik habang papasok sa kwarto ko.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kama at saka dahan-dahang humiga sa tabi ni Jiro.

"Nagkapera ako, Jiro!" ngiting-ngiti kong kwento sa kaniya nang tignan niya ko.

Nag-'meow' pa siya na talagang humaplos sa puso ko. Para niya kasi akong kinakausap!

Hinimas ko muna siya sa ulo niya bago tumayo muli at hinanap ang cellphone ko.

Kahit naiinis na ko sa tagal ng paghahanap, pilit kong pinapakalma ang sarili. "Makikita mo rin 'yan, Yumi. Ganiyan talaga ang mga gamit, kung kailan hinahanap mo, saka naman nawawala."

After a few more minutes, nakita ko na 'yon sa ilalim ng unan ko.

Napangiwi tuloy ako. "Ang tagal kong hinanap, nandito lang pala."

Dali-dali kong dinampot 'yon at saka tinignan kung pumasok na ang load.

Nang masiguradong pwede na ko mag-surf, binuksan ko na ang data.

Hindi pa ko nakakaupo, parang may sariling buhay ang daliri ko nang dali-dali nitong pindutin ang Instagram app. Nakita ko na nga lang din ang sarili na kaharap na ang chat box namin ni Veroxx.

Promptly, my heart runs faster than its normal rhythm. My lips couldn't resist smiling widely as well. Na sa sobrang lapad, para na ngang mapupunit ang mga labi ko.

After a while, nakita kong na-send na rin sa wakas ang message ko sa kaniya kahapon.

thekjford

Totoo ba 'to?😱 Salamat, Veroxx!💜💜💜 Expect my presence. Let me know the details.

Dahan-dahan akong umupo sa kama sa tabi ni Jiro. Isinandal ko pa nga ang likod ko sa may headboard habang hawak na hawak ang parehong kamay sa cellphone ko.

Makalipas ang isang minuto, may biglang nag-load na messages na kahapon pa pala na-send ni Veroxx.

Matik na kumalabog ang puso kong kanina pa mabilis ang tibok. Habang bahagyang lumaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.

thekjford

Am I being inconsiderate?

Di ka ba mahilig sa gantong events?

It's fine

I got u!

Tuluyang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Mabilis na napalitan 'yon ng isang ngiwi kahit may GIF ng cute na cat sa dulo ang message ni Veroxx. Parang na-disappoint talaga ang buo kong pagkatao dahil sa nabasa.

Unti-unti, bumabalik na naman 'yong galit ko sa bagyo.

"Kasalanan kasi 'to ng bagyo! Kung hindi panay ang ulan, hindi sana kami nawalan ng kuryente kahapon," nagtatangis-bagang kong saad, pilit hinihinaan ang naiinis na boses.

Mabilis ang kabog ng puso ko dahil sa pagkaasar. I couldn't even help but click my tongue out of irritation.

Ipinikit ko muna ang mga mata at saka nagbilang mula isa hanggang lima.

Nang medyo kumalma, binukas ko na muli 'yong mga mata ko.

"Ba't ka ba nagagalit diyan, Yumi?" nagtataka kong tanong sa sarili.

Napasimangot na lang ako at saka nagsimulang mag-type.

thekjford

Uy! Sorry late reply. Nawalan kasi kami ng kuryente kahapon.😔 Pero invite accepted!💜💜💜

Hindi ko na alam kung ilang beses akong nag-tap sa screen ng phone ko para huwag 'tong mamatay. Pero kahit anong tiyaga ko sa paghihintay, walang reply si Veroxx.

Unti-unting bumabalik sa normal na tibok ang puso ko pero ngayon, may kaunting kirot akong nararamdaman.

The sadness shown on my smile is felt by my whole body. Para akong inagawan ng isang milyon kung malungkot ako.

thekjford

Active yesterday

"Busy siguro," pagpapalubag-loob ko sa sarili. "Artista eh. Sikat pa."

Pinatay ko na ang data at saka marahang ibinaba ang phone sa kama.

"Kung kailan naman kasi ako online, saka naman siya offline," bulong ko sa hangin bago nagpakawala ng sobrang lalim na hininga.

Pagdating ng Lunes, nagkakuryente na sa bahay pero hindi pa rin nag-o-online si Veroxx.

Napilitan tuloy akong manood ng entertainment news para lang magkar'on ng balita sa kaniya. At ayon nga, busy siya sa kaliwa't kanang taping.

Dapat 'di ba masaya na ko kasi nakaalis na ang bagyo sa bansa? Pero parang earthquake 'yon na may aftershocks— after sadness.

https://youtu.be/-rYjfciwWGk

Pagdating ng Wednesday, mas naging maayos na ang pakiramdam ko. Wala naman kasi akong sakit at mas lalong wala namang nangyari na hindi maganda, so bakit ako malulungkot?

Napahinga ako nang malalim habang naglalakad palapit sa building kung nas'an ang faculty namin.

Wala pang a las siete ng umaga kaya hindi pa dagsa ang mga estudyante sa loob ng university. Pati ang simoy ng hangin, malamig pa at hindi pa gaanong amoy ang usok ng mga sasakyan mula sa labas.

Tanging namamayaning ingay lang sa campus ay ang mga busina ng bus, jeep, kotse, at motor sa kalapit na lansangan.

Pagtungtong ko sa loob ng building, mas dinig ko na 'yong mga yabag ko. Tumatama sa tiles ang may kakapalan at kaliitang heel ng taupe patent pumps ko.

Itinerno ko 'yon sa black ribbed stretch tee and dark blue jeans ko.

I feel beautiful in this outfit! Minsan ko lang 'to maramdaman dahil madalas, ang description ko lang sa sarili ay 'okay lang, wala namang pangit na ginawa ang Diyos'.

Kaya nga dapat lang na wala kang ikalungkot, Yumi!

Nang nasa tapat na ko ng faculty room, nag-time in muna ko. Pagkatapos, dahan-dahan kong inikot ang door knob at saka pumasok sa loob.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, ni-ready ko na kaagad ang ibabalandra kong ngiti sa nag-iisang kasama sa loob. But I immediately pressed my lips together upon seeing the worried face of our department chair, Leialyn Fulache.

From her desk, she stood up and walked towards me. Sa bawat hakbang na ginagawa niya, mas bumibilis ang kabog ng puso ko.

Sa hindi malamang rason, natulala na lang ako sa bilugan at malaman niyang mukha kasabay ng pagkapako ko sa kinatatayuan.

The serious eyes and intimidating aura around her are what I am used of but they are gone. She is showing me a different kind of reaction that is new to me. At sa reaksyon na 'yon, hindi ko maiwasang kabahan... nang kabahan... nang kabahan.

Everything is okay, Yumi. You have nothing to worry about. Maybe... we need to attend an unexpected meeting today?

"I'm sorry for what's happening. Are things too stressful to you?" malumanay at nag-aalala niyang tanong bago huminto sa tapat ko.

Agad na nanlamig ang mga kamay ko dahil sa mga tanong na 'yon. Things also started to rumble inside my mind. I couldn't think clearly and I couldn't pinpoint what she's talking about.

At 'yong puso kong kanina pa nagsimula sa pagbilis ng tibok, may mas ibibilis pa pala.

"Ang alin po, ma'am?" nalilito kong tanong sa kaniya sa nanginginig na mga labi. Halos mautal pa nga ko sa pagsabi lang ng apat na salita na 'yon.

I wanted to assure myself that things are already going well for the last two weeks, so it is impossible that the previous issue is the talk of the town again.

I wanted to calm down by convincing myself that I've done a great job during midterm as a lecturer, so it's impossible for the bosses to call for my attention.

Pero lahat ng 'yon ay natuldukan ng kasunod niyang sinabi.

Pahina nang pahina ang boses niya nang ibalita, "Aren't you aware? Kagabi ka pa kasali sa trending sa social media."

Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko pagkarinig n'on. Pati ang mga tuhod ko, unti-unti na ring nanghihina.

Trending ako ulit at isa lang ang naiisip kong dahilan...

No! Hindi pwede.

Tapos na ang lahat, 'di ba? Nanahimik na ang mga tao...

Para akong gaga na panay ang iling.

Hindi kasi pwede. Hindi talaga!

Sinubukan kong magpakatatag. I even tried to slow down my breathing for me to calm but the next thing she told me is enough to tear my heart into pieces.

Mabagal at nag-aalala niyang sambit, "Your video of slapping Veroxx Ford is circulating online and it shows your bare face. People can recognize you, Ma'am Mayumi. The netizens are also now aware that you are part of the university."

Sa puntong 'yon, tuluyan na kong nawalan ng lakas at napaluhod na sa sahig. Kusang tumulo ang luha ko mula sa 'king mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top