Chapter 1: Trending
Chapter 1: Trending
Panibagong araw na naman na kailangan kong mag-trabaho.
Napabuntong-hininga na lang ako habang tahimik na nakatitig sa kisame.
Buti naman at naging maayos 'yong tulog ko kagabi. Ako? Magmumukmok dahil sa breakup? Hell no!
Bakit ko naman panghihinayangan 'yong lalaking 'yon? Hindi kasama sa wish list ko na maging first lady ni Satanas, 'no!
Bumangon na ko mula sa pagkakahiga at saka nag-inat-inat habang naglalakad. Nagtanggal na rin ako ng muta sa magkabila kong mga mata para fresh naman ako tignan sa umaga.
Kahit unang breakup pa lang 'to na na-experience ko, wala akong balak maging haggard. Hindi na nga ko kagandahan, nakakatakot naman malaman kung may ipapangit pa pala ko.
Hello! Kung may 3-month rule ang iba bago pumasok ulit sa isang relationship, ako naman ay may 1-hour rule. After ng isang oras, go on na ulit sa buhay.
Tres? Ano ba 'yon? Alam ko lang, numero 'yon.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan, bumungad agad sa 'kin 'yong mga nagtatakang mata ni mama. Kasing bilis ng tibok ng puso ko 'yong pag-iwas ko ng tingin.
Ano ba kasing ginagawa niya rito? Nakakagulat kaya siya!
At bago pa makapagsalita si mama, umalis na ko sa harap niya at dumiretso na sa kusina.
Ilang hakbang lang naman 'yong layo n'on mula sa kwarto ko kaya nakarating din agad ako sa loob.
"Anong nangyari sa mga mata mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya.
Bumalik tuloy 'yong mabilis na pagtibok ng puso ko, sinabayan pa ng namamawis kong mga kamay.
Dahan-dahan ko siyang nilingon. Mas matangkad ako kay mama kaya bahagya akong nakatungo sa kaniya.
She is wearing her normal confused face and I can sense her impatience. But I can't ignore her different beauty at the age of 44. She still looks young with her red lips, wavy hair, small nose, and a little big size.
Pinilit kong huwag mautal sa harap niya. Mahinahon kong sagot, "Kinagat po ng ipis."
She snorted at me before I was able to turn my back on her. Napangiwi na lang ako.
I simply grabbed a sachet of Milo inside the ref. Tapos, kumuha na ko ng mug at kutsarita sa dish cabinet bago pumunta sa mesa.
Pagkaupong-pagkaupo ko, siya ring upo ni mama sa tapat ko. Sandali kaming nagkatinginan bago ko tinuon 'yong atensyon ko sa pagtitimpla.
Mas kumakalma na 'yong puso ko ngayon unlike kanina.
While I was pouring the hot water from the thermos to my mug, she sarcastically and loudly commented, "Grabeng ipis naman ata 'yan, Yumi?! Mag-asawang ipis ba ang kumagat sa mga mata mo, aber?"
Hindi ko naiwasang mapasimangot dahil sa narinig.
Binaba ko na 'yong thermos mula sa original place nito sa gitna ng mesa. Habang hinahalo ang Milo ko, makahulugan kong sagot sa mababang tono, "Mga haliparot na ipis po talaga ang may kasalanan."
Mga haliparot.
I clicked my tongue in annoyance.
Why would I use a better word than that if it's the best fitting term?
"Sige, kunware na lang at naniniwala ako sa 'yong bata ka," hindi kumbinsidong sambit ni mama.
Napaangat tuloy ako ng tingin sa kaniya.
Her arms are crossed against her chest with her wrinkled forehead creasing. She's intently looking at my eyes as though she can get an answer by doing that.
Napailing na lang ako at saka dumampot ng pandesal na nasa loob ng brown na supot.
Sinawsaw ko muna 'yon sa natimplang Milo bago sinubo.
She unbelievably shared, "Ewan ko ba sa mga ka-edad mo't parang ang hirap sabihin na umiyak kayo kaya namamaga ang mga mata niyo."
Muntik na kong mabulunan dahil sa sinabi niya. Buti na lang at nalunok ko pa nang maayos ang pandesal.
Sandali akong napasimangot kay mama bago kumuha ulit ng panibagong tinapay.
Panibago. That rings a bell.
Napatitig muna ko sa pandesal bago ito sinawsaw at sinubo.
I wonder, how do people find someone else to replace their partner? No, scratch that. It should be 'paano nasisikmura ng iba na lumandi sa iba habang in a relationship pa?' Such bullshit.
She suddenly tapped her index finger on the table that got my attention.
Habang nakatitig sa kaniya, sinimot ko na 'yong Milo sa mug na may mga maliliit pang piraso ng tinapay sa ilalim. Diniretso ko na lang 'yon na lunukin. Ang sarap kaya!
"Papasok ka talaga sa trabaho na ganiyan ang hitsura mo?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Baka takutin mo pa ang mga estudyante mo! Matulog ka na lang. Absent ka muna," pangungumbinsi niya pa sa 'kin.
I took a deep sigh before placing my mug on top of the table.
As if naman kasing... matatanggal ng tulog 'yong sakit. Broken hearted na nga ko, wala pang sweldo. Hell no!
Pero oo, sobrang nasaktan at nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari. Sino ba namang makaka-move forward overnight? Eh 'di kung mayr'on, pahingi naman ng tips.
Napabuntong-hininga ulit ako dahil sa naisip.
Pinapaniwala ko lang naman kasi talaga 'yong sarili ko na hindi na ko nasasaktan. 'Fake it until you make it.' Mukhang applicable 'yon sa situation ko ngayon.
I directly looked at her eyes as I smiled. I tried to look fine in front of her before convincing her, "Okidoks lang po 'yon, ma! For sure, pare-pareho lang kami ng mga estudyante ko na walang tulog."
Sinubukan ko pang tumawa pero nagmukhang pilit lang 'yon. Ni hindi nga siya natawa man lang. Sincere ko na lang na dugtong, "At saka, midterm week na po nila next week, mas kailangan nila ko ngayon."
Napahampas siya sa mesa gamit 'yong pareho niyang kamay kaya napaigtad ako sa kinauupuan ko.
Nakakagulat ah! Galit na galit? Masyadong brutal?
Nanlilisik ang mga mata ni mama nang tumayo siya at saka nagpameywang. "Bahala ka nga! Malaki ka naman na," singhal niya sa 'kin.
Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil padabog na siyang umalis sa harap ko.
Malungkot na lang akong napangiti at saka napabuntong-hininga.
Malaki na nga ko. Pero naloko pa rin.
Kung estudyante ko lang sina Tres at Rizzi? Matik bagsak sila sa 'kin kasi hindi ako nangungunsinte ng cheaters.
Walang gana akong pumunta sa kwarto ko.
Dumiretso ko sa aparador para maghanap ng masusuot.
I decided to snatch a casual gray rib-knit with sleeves and a pair of high-waisted pants. Kinuha ko na rin 'yong mga panloob ko bago dinampot ang tuwalya.
Lumabas ulit ako ng kwarto para pumunta sa nag-iisang CR dito sa bahay. Katabi lang 'yon ng kusina.
Hindi naman maliit 'yong bahay namin pero hindi rin malaki. Kaming dalawa lang naman ni mama ang magkasama eh. Kaya n'ong nagpagawa siya ng bahay n'ong maliit pa ko, isang palapag lang ang napili niya.
Papa ko? I have never had the chance to meet him and that's way better. To be frank, I don't even want to think nor see him alive.
My mom was raped when she was only 19. I'm just glad that she's doing fine simula n'ong nagkamuwang ako... o baka hindi ko lang alam na hindi siya okay?
I hope not.
Pero kahit okay siya ngayon, hindi ako mapapatigil n'on para hindi idalangin na mapunta sa impyerno ang walang halang na gumalaw sa kaniya. Alam kong mali na mag-pray ng gan'on pero 'yong galit ko sa taong 'yon, sobrang lalim. Mas malalim pa sa paglilibingan niya.
Pagpasok ko sa CR, literal na napatalon ako nang napalakas 'yong pagsara ko sa pinto.
Napahinga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. P'ano ba naman, hindi ko namalayan na nakasimangot at nanggagalaiti na pala ko.
Tinuon ko na lang 'yong atensyon ko sa paliligo. Baka mamaya makalimutan ko pang magsabon o mag-shampoo sa sobrang galit. Ayaw ko namang mamaho, 'no! Mapagkamalan pa kong zombie nito eh.
Oo, totoong magang-maga 'yong mga mata ko. At ang mas nakakainis? Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ni hindi ko nga alam kung naka-three hours man lang ako na tulog!
Bakit gan'on? 'Di ba dapat kapag iyak tayo nang iyak, madali na lang makakatulog on the same night?
Grabe, wala man lang bang anghel na humele sa 'kin kagabi?
Lecheng Tres na 'yon! Napaka-walang kwenta niya para iyakan. Hindi niya deserve kahit isang butil ng luha ko.
Pero kahit ilang beses kong isaksak sa kukote ko 'yon, ang hirap na kalimutan siya kaagad eh. Ang hirap dahil alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko siya.
Pagkatapos mag-shampoo, nagbuhos na ko ng tubig sa katawan para magsabon.
Out of nowhere, naramdaman ko 'yong pagsisimula na naman ng mga luha ko sa pagtulo. Kahit humahalo 'yon sa tubig mula sa paliligo ko, alam kong luha 'yon. Mainit at rumaragasa ang mga 'yon mula sa mga mata ko.
Ang sakit-sakit lang kasi. The way he kissed that girl was too intimate. Doble pa 'yong sakit nang nakita ko kung p'ano niya igalaw ang mga kamay niya sa loob ng shirt ng demonyitang Rizzi na 'yon.
Pero mas masakit nang na-realize kong totoo 'yong sinabi ni Veroxx.
Tres is just playing with you.
Ano bang mali sa 'kin? Ano bang pagkukulang ko? Bakit ba kung ituring ako ni Tres, para akong turumpong sobrang dali kung paikutin?
Mabaho ba 'yong hininga ko kaya hanggang peck lang siya sa 'kin? Gusto niya ba 'yong kasing payat ng babaeng 'yon? Kaya kahit isang beses, hindi kami naging intimate sa isa't isa? Kaya mas hinahanap-hanap niya ang katawan ng iba?
Just plain bullshit!
I thought... he was just being a gentleman. Turned out that I was wrong the whole time.
Pero what if... pati 'yong pagmamahal niya sa 'kin, mali rin ang akala ko? Na niloloko niya na pala ko simula pa lang?
Mapakla akong napangiti bago nagsimula sa pagbabanlaw.
Kahit hindi naman ako kagandahan, hindi rin naman ako pangit dahil wala namang pangit na ginawa ang Diyos. Pero kapalit-palit ba talaga ko? Karapat-dapat ba kong lokohin?
Ano, karma sa lahat ng murang binitawan ko? Sa lahat ng masasamang nagawa ko? Sa bawat panalangin ko na magdusa 'yong tatay ko?
Hindi ko na alam. Pero sana, n'ong una pa lang, sinabi na niyang "totropahin" at hindi "jojowain" kung 'di naman pala siya magseseryoso.
I date to marry. Pero kung sino pa 'yong seryoso, siya pa ang nalokoko. Bwisit!
Pagkatapos ko siyang ipagtanggol sa napakarami niyang bashers sa bawat post niya, sasaktan niya lang ako? Hayop siya! Kapag ako nainis? Tatadtarin ko siya ng hate comments at messages makita niya lang!
Chill, Mayumi. Chill.
You should act as a role model to your students kaya hindi mo pwedeng gawin 'yon. Don't lower your dignity for a man like Tres.
Pinatay ko na 'yong gripo at saka kinuha ang tuwalya para magpunas. Nagsuot na rin ako ng damit bago lumabas. Napagdesisyunan kong sa sala na lang mag-ayos ng sarili.
I simply applied light make-up before tying up my long and wavy hair into a ponytail.
Nang matapos, pumunta na ko sa kwarto ko para kunin 'yong black mini backpack ko at saka round sunglasses. Tamang takip lang ng mga namamagang mata. Bakit ba?!
Lumabas na rin agad ako ng kwarto ko bago pumunta sa katabing room- sa room ni mama.
Tatlong beses akong kumatok bago nagpaalam. Nahihiya kong sambit, "Alis na po ako."
Tatalikod na sana ko para lumarga na pero napahinto ako nang bumukas ang pinto. Niluwa nito si mama pero this time, wala ng bakas ng galit sa mukha niya.
Napangisi ako sa nakita. Para kasing walang nangyari kanina. Yes, that's my mama!
"Mag-iingat ka, Yumi. Magsabi kapag male-late ng uwi," mahinahon niyang paalala na sinagot ko ng magkasunod na tango habang nakangiti.
Humalik muna ko sa pisngi niya bago kumaway at lumabas na ng bahay. Papunta na sana ko sa gate nang makita ko sa gilid ng bahay si Jiro na tumatae.
Natawa't napailing ako dahil sa pusa namin na 'yon. Mukha pa siyang sobrang focused sa ginagawa niya. He has a pattern of dark to light brown.
Nilapitan ko muna siya para pindutin ang ilong niya. At dahil busy siya sa pagdumi, hindi niya ko pinansin na lalong nagpatawa sa 'kin.
He's a rescued cat that I brought home eight months ago. The moment I saw him, nakuha niya kaagad ang loob ko. For sure, hindi niya ko iiwan. 'Di tulad ng iba riyan.
Napailing na lang ako dahil sa naisip.
"I love you, Jiro," nangingiting bulong ko sa kaniya. "Pumasok ka sa loob pagtapos mo riyan ah! Kumain ka rin ng almusal," dagdag ko pa sa paiba-ibang tono.
Pero mabilis akong napatayo at napalayo nang maamoy ko 'yong dumi niya. Napatakip pa ko sa ilong ko dahil sa baho. Parang nanununtok ng ilong sa tapang eh.
"Ito na nga, aalis na," natatawang nandidiri kong saad bago siya kawayan at umalis.
As usual, the day has gone by so fast.
I'm already wrapping up my last class today on the third floor in Arts Building.
Six hours ang sched ko today pero less than that lang ay makakaalis na ko. My wrist watch says that it's only 12:45.
Originally, each of my classes today consumes an hour and 30 minutes. Vacant ko lang ng 10:30 a.m. until 12 noon kanina.
Iisa lang naman ang course na tinuturo ko ngayong semester and it's a minor course- Wika, Kultura, at Lipunan. Other people call this minor 'course' as a minor subject. Maybe because they got used to it already. Kaya ayon, ang course na alam ng iba ay ang tinatawag talaga na 'college program'.
"Natutunan ko po ngayong araw na nanganganib na talagang mawala ang mga katutubong wika sa ating bansa," seryosong sagot ni Grey, a Filipino-American citizen na hindi mo mahahalata kapag nagsalita na.
Siya ang pinaka-aktibo sa klase ko and I love the fact that he's not afraid to share his thoughts. Sabi ng mga kaklase niya, mahiyain daw 'yan at sa class ko lang pala-recite.
Nakakatuwa lang na they feel comfortable with me. Mas nagiging effective tuloy ang pagtuturo ko!
Hello?! Naging estudyante rin naman ako. Dapat lang na alam ko na kung paano kukunin ang loob nila. Kung paano ko mas magagawang bearable ang mahirap.
Pagpapatuloy ni Grey sa naunang sinabi, "Ilang dahilan po nito ay ang pagkaubos ng mga taong nagsasalita nito, kakulangan sa komunikasyon, paglaganap ng language borrowing, at pagharap sa mababang kalidad ng paggamit nito."
Nagpalakpakan ang buong klase dahil sa detailed na sagot niya.
I smiled brightly at him when he looked up at me.
"Napakahusay, Grey!" nakangiting papuri ko sa kaniya. "Ginalingan niyo na namang lahat ngayong araw kaya wala ulit tayong activity next meeting!"
Nagpalakpakan na naman ang lahat kasabay ng kanilang hiyawan. Hindi ko tuloy naiwasang mas lumapad pa ang ngiti ko. A different kind of fulfilment as a lecturer.
Pamamaalam ko sa kanila, "Class dismissed. Ingat ang lahat!"
Mabilis akong umalis at dumiretso sa faculty room para ayusin ang mga gamit ko. Wala naman daw meeting today kaya makakauwi na agad ko.
Binitbit ko na 'yong bag ko at saka nag-time-out through the biometric-based attendance.
Nagmamadali akong lumabas ng university, baka bigla pang magbago ang isip nila at magpa-meeting na naman eh!
Pero pwede rin na baka kaya walang meeting today ay dahil sinabi kong may sore eyes ako kaya ako naka-shades. Panay nga ang sabi nila na sana hindi na lang daw ako pumasok para makapagpahinga.
For sure, takot lang silang mahawa.
Echos lang naman 'yon! Para hindi na nila ko chikahin kung anong nangyari at ba't namamaga ang mga mata ko.
Dumiretso ko sa yogurt shop, just a block away from the university.
Nang nasa tapat na ko ng shop, kita ko kaagad sa loob si Trisha, my college best friend.
Sandali akong huminto sa kinatatayuan ko para i-ready na ang mga tainga ko. Tamang hingang malalim lang din dahil baka magkaubusan ng pasensya today.
Ilang saglit lang, binuksan ko na 'yong glass door. And true to what I expected, paglakad ko sa loob...
"Bakla!" matinis at ngiting-ngiti niyang tawag sa 'kin kaya napangiwi ako. Kumaway-kaway pa siya na nagpairap sa 'kin.
Buti na lang talaga at wala pa masyadong tao rito dahil patay na oras pa lang.
Minsan talaga, kinakahiya ko na 'tong si Trisha eh.
Ay... minsan lang ba?
Umupo ako sa tapat niya at agad niya kong inabot para hampasin sa braso. Napakunot naman ang noo ko. "Ang sakit ah!" reklamo ko sa kaniya na idinaan niya lang sa tawa.
Pinatong ko muna 'yong bag ko sa mesa bago siya tinignang muli.
"Ang funny mo kasi!" natatawa niyang saad sabay nguso sa may shades ko.
Nginiwian ko siya ulit para ipakitang hindi ako natutuwa.
"Ano, 'te? Kulang na lang ay lata tapos pwede ka ng mamalimos!" natatawa niyang pang-aasar habang umaakto pang namamalimos.
"Oh?" pikon kong tanong. "Nakakatuwa 'yon?" dagdag ko pang tanong na lalo niya lang ikinatawa.
An idea suddenly crossed my mind. Tignan natin kung makakatawa pa siya sa susunod kong sasabihin.
I am having an evil laugh inside my head.
Pinatong ko 'yong magkabila kong siko sa mesa at saka pinagsalikop ang mga kamay ko.
Kunware ay galit pa rin ako nang sabihing, "At dahil mukha naman pala kong nanlilimos para sa 'yo, ikaw na ang magbayad ng order ko today." Matik na nawala ang tawa niya pagkasabi ko n'on.
Gustong-gusto kong tumawa dahil sa reaction niya but I composed myself.
"Wow, ate!" hindi niya makapaniwalang sigaw. "Wis naman kita gustong asarin, pikon na pikon kaagad?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Pinaypay niya pa 'yong mga kamay niya sa magkabilang gilid ng mukha niya. Mukha siyang maha-high blood anytime.
Sinimangutan ko lang siya para pigilan 'yong tawa ko na kanina pa gustong kumawala.
Inabot niya ulit ako para hampasin pero parang may halo na ng sama ng loob 'yon. Halos mahulog ba naman ako sa kinauupuan ko eh!
Buti na lang talaga at napahawak ako sa mesa kaya hindi natuloy ang pagkalaglag ko. Mabilis akong umayos ng upo dahil sa hiya. May ilan kasing napatingin sa gawi namin. At si Trisha? Ayon, hindi pa rin tapos sa kakadada niya.
"Stressemé mo ako, bakla! Masyado kang speed d'on ah." Huminto siya sa pagsasalita na parang may naalala. Bigla ring kuminang 'yong mga mata niya at alam ko na ang kasunod n'on- tsismis. "Naalala ko tuloy 'yong nakita kong video sa article kanina..." sambit niya sa pahinang boses.
I knew it. She really has tea with her.
Itong taong 'to, minsan napapaisip na ko kung tao ba talaga eh. Para kasi siyang taong-tsismis. 10% tao, 90% tsismis.
"Alam mo ba?" pa-thrill niyang sambit sabay labas ng phone niya. Nilapag niya 'yon sa mesa saka nagdu-dutdot doon.
"Shookt si bakla pagkakita nito," nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin at tinuturo ang phone niya. "Grabe ang feslak n'ong artista! Ang pogi pa naman tapos pulang-pula sa isang sampal lang n'ong girlalush."
Parang biglang nahigit 'yong hininga ko pagkarinig n'on.
Ang pogi pa naman tapos pulang-pula sa isang sampal lang n'ong girlalush.
That rings a bell.
Bigla na lang bumilis ang kabog ng puso ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko.
Dahan-dahan kong ibinaba 'yong tingin ko sa screen ng Android phone niya. At sa oras na 'to... hiniling ko na sana hindi na lang nagawa ang technology. Pero that's impossible. Kaya mas okay siguro kung hilingin na sana... magka-amnesia ako.
While reading each sentence in the headline, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Namamawis na rin ang noo ko. Nagha-halo-halo na ang nasa isip ko.
Unnamed woman slaps Ford in public, fans outrage with the scene.
"Gulat ka rin, 'te? Kaloka, 'di ba? Told you!" Kahit ang daming sinasabi ni Trisha, hindi na tinatanggap ng utak ko ang bawat salita niya.
Tinaas ko 'yong tingin ko sa caption ng article. At sa oras na 'yon, gusto ko ng maghanda hindi para harapin 'to kundi para manalangin sa lahat ng Diyos at Diyosa... na sana po, kung hindi kaya na ako ang magka-amnesia, ang fans na lang niya.
Trending ngayon ang isang babae matapos niyang sampalin si Veroxx Ford sa isang mall.
Ang kampo ni Veroxx, wala pang panayam tungkol dito. Pero ang kaniyang fans, galit na galit na sa social media!
Binaba ko ulit 'yong tingin ko pero sa thumbnail lang ako nag-focus para masilip ang picture. At kahit blurred ang mukha ng babae, alam ko kung sino 'yon.
Leche! Ni isang beses nga, hindi ko ginustong sumikat. Bakit naman ako bibigyan ng ganitong kasikatan sa ganitong paraan pa?!
Ang tangi ko na lang na nagawa ay ang mabagal at mariin na pagbulong, "Bullshit."
(Disclaimer: The attached photo is mine. It is our own family cat.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top