Epilogue
"Pwede ba akong sumali?"
Minata ako ni Dexter kasabay ng mapang-asar na ngiti pagkatapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Ayaw namin ng bansot sa team namin!" sigaw niya kaya napatingin din ang ibang mga kalaro niya sa amin. "Baka matalo pa kung sinong team ang salihan mo, eh!"
Hindi ako sumagot at dahan-dahang umatras. Pinilit kasi ako ni Mommy na pumunta sa basketball court ng clubhouse at makipaglaro sa anak ng mga amiga niya. Hindi ko naman gustong magbasketball, sinusunod ko lang ang sinabi ni Mommy dahil ayoko ring maupo sa tabi niya habang nag-uusap-usap sila ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan.
"Hoy, Dexter!" narinig kong sigaw ni Lulu. Sobrang lakas ng boses niya habang mabilis na naglalakad patungo kina Dexter. I took a step back, frightened. "Anong sinabi mo?! Binu-bully mo ba si Ivo?!"
Dexter scratched his head, annoyed. "Ano na naman? Eh totoo namang bansot siya, eh! Paano makakapaglaro ng basketball yan?"
Lulu stepped forward, shielding me from them. She's the tallest among the girls, probably taller than Dexter and his friends, so they're easily intimidated. Pati ako ay nai-intimidate rin sa kaniya noong una siyang pinakilala sa akin bilang anak ng best friend ni Mama.
"Bullying yan, ah! Isusumbong kita sa Mommy mo! Eh ano naman kung kinulang ng konti ang height ni Ivo?!"
Lulu turned to me while I stayed silent. Her eyes were fiery, and her tiny fists were forming. Gusto ko nalang umalis dito dahil nakakahiyang pinagtitinginan kami ng maraming tao.
"Lulu, tara na..." mahina kong sambit sa kaniya.
Umirap si Lulu. "Mga amoy-pawis naman kayo! Sa susunod, isusumbong ko na talaga kayo!"
Kinuha ni Lulu ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng basketball court. She walked fast, into a manicured lawn where girls are having a picnic.
"Sali ka nalang sa amin, Ivo..." aniya, nakangiti sa akin.
My cheeks burned in embarrassment. Even when I'm still six, I know that there are unspoken rules about boys spending too much time with girls. Hindi ko alam kung bakit nila iniisip yun, pero ayokong isipin nila kahit na hindi ko naiintindihan. Sapat na sa aking hindi ako makasali sa basketball dahil sa height ko kaya ayoko ng dagdagan pa ang issue.
"Hindi na, babalik ako kina Mommy..."
Lulu grabbed my hand before I could walk away.
"Sige na, Ivo! We're playing house and we need a Dad. Wala namang gustong maging Daddy sa kanila kaya ikaw nalang!"
I grunted. "Ayoko!"
"Nasa sauna pa sila Mommy mo, pati na rin si Mommy ko. Dito ka nalang muna... please?" she gave me her puppy eyes. Napabuntong-hininga ako at nilingon ang mga kalaro niya. They were all smiling at me while their toys are scattered around.
Dahan-dahan akong tumango. "Sige... dito nalang muna ako."
Our friendship started on that day. Matalik na magkaibigan ang Mommy ko at Mommy ni Luanne Rose. Dahil pareho kaming walang mga kapatid, madalas kaming dalawa ang magkasama. Palaging iniiwan si Lulu ng Mommy niya sa amin lalo na kapag may mga lakad ito.
Sa iisang eskwelahan din kami pina-enroll pagtungtong namin ng elementary. Lulu is bright and kind, and I didn't mind being with her. siya lang kasi ang babaeng hindi umiiyak o napipikon kapag binibiro ko.
"Sa Elyu kami magbabakasyon..." balita ko sa kaniya habang nakaupo siya sa sahig ng kwarto ko, nagbabasa ng libro. She's supposed to be studying but after a few minutes of scanning her textbook, she picked up her fairytale book and started reading.
"Talaga? May bahay kami sa Elyu. Maganda ba dun?"
Tumango ako. May bahay si Lola dun at ilang beses na rin kaming nakapunta kaya masasabi kong maganda. Isa pa, malapit sa dagat at walang gaanong tao kaya naman nasusulit ko talaga ang bakasyon ko. Kahit na gusto kong makipagdaldalan sa maraming tao, minsan, napapagod din ako at gustong mapag-isa.
Feeling ko, ang mature-mature ko na dahil ganito ang iniisip ko gayong grade 4 pa naman ako.
"Hijo, gusto mo ng banana cake? Kaka-bake ko lang..." nakangiting wika ni Lola habang kumakain pa ako ng cookies na niluto niya. I nodded, my mouth full. Ito talaga ang gusto ko rito, eh. Halos araw-araw nagb-bake si Lola kaya kung anu-anong kinakain ko.
"Sige po, Lola!"
Pagkatapos naming kumain, tumulong ako sa paghuhugas ng plato habang si Lolo naman ay nasa labas. Iniwan ko din si Lola sa kusina pagkatapos namin dahil baka pakainin niya naman ako. Nakita ko si Lolo na may kung anong kinukuskos.
"Lolo, ano po yan?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Lolo had always been stiff and strict. He was a general in the military and wears his uniform as a badge of honor. May mga pinsan akong natatakot magmano sa kaniya dahil ang sungit niya parati sa amin.
"Surf board." Maikli niyang sagot sa akin.
"Paano po yan gamitin, Lolo?"
"Hindi 'to laruan sa mga bata." He said dismissively and I stepped back. When he uses his tone like that, I know he wants to be left alone.
Nababagot ako sa bahay kaya naman lumabas ako at sinilip ang dagat sa di kalayuan. There's a small stretch of mini forest between our house and the sea. Hindi naman nakakatakot puntahan dahil tanaw naman ang dagat mula rito at impossibleng maligaw ako. I started walking towards the ocean. Walang ibang tao rito dahil sa amin naman ang lupa. Ang sabi ni Mommy, binili daw 'to ni Lolo para sa retirement niya. Hindi ko alam kung anong meaning ng retirement.
Hindi katulad ng kay Lulu ang Mommy ko at hinahayaan niya lang akong gawin kung anong gusto ko, lalo na kapag bakasyon. Ang alam ko, may english at math classes si Lulu ngayong bakasyon para daw paghahanda sa susunod na school year. Nung tinanong ko si Mommy kung bakit wala akong ganun, tumawa lang siya.
"Bakit, gusto mo ba?"
Kaagad akong umiling. "Hindi po."
"Hindi mo naman pala gusto, eh. Huwag nalang."
Dahil iniiwan ako madalas ng mga magulang ko sa Elyu, wala akong magawa buong araw kundi ang kumain ng mga bini-bake ni Lola. Gusto kong matuto kung paano mag-surf kaya lang natatakot ako kay Lolo. Alam ko na din kung anong meaning ng retirement, dahil tinanong ko kay Mommy kahapon. Gusto ko ding magkaroon ng ganitong bahay, dito sa La Union, kapag nag-retire ako.
"La, labas lang po ako..." paalam ko kay Lola bago ako lumabas ng bahay. Gusto kong mamasyal sa dagat ngayon para maiba naman. May nakikita akong mga ka-edad ko na lalaki pero basketball naman ang hilig nila kaya hindi alam kong hindi rin kami magkakasundo.
Excited ako nang makarating sa dagat. Walang tao rito kaya tahimik at tanging mga hampas lang ng alon ang naririnig ko. Naupo ako sa natumbang troso at tumitig sa kawalan. Gusto kong kumustahin si Lulu pero wala naman akong cellphone at nakikihiram lang ako kay Mommy kapag umuuwi siya rito.
Mayamaya, nakarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan. Tumayo kaagad ako para sitahin kung sino man ang nagt-trespass pero natigilan din nang makita ang babaeng ka-edad ko ata.
She looks sad, as sad as I can imagine what a child should be. She's wearing an expression that I often see in adults, not in children of my age. Tahimik lang siyang naglalakad at mukhang may hinahanap. Mayamaya pa, may pinulot siyang bato. She crouched in front of a big stone and scratched a line. After that, she abandoned the stone and sat in the sand, waiting.
Sinong hinihintay niya? Kumunot ang noo ko at nagpalinga-linga. May ka-meet up ba siya dito o ano? Wala namang ibang tao. I decided to humor myself by just watching her until the sun went down. Bigo siyang umalis, bagsak ang mga balikat. Ni hindi man lang niya ako napansin na kanina pa nakatingin sa kaniya.
"La, may ibang tao po bang nagpupunta sa dagat sa baba?" tanong ko kinahapunan habang kumakain kami.
Umiling si Lola. "Wala naman, bukod sa mga binabayaran namin para maglinis. Bakit? May nakita ka ba?"
Kaagad akong umiling. Ayoko naman siyang ipahamak dahil bata rin yun. Baka trip niya lang talagang pumunta roon. I decided to go to the beach at the exact same time the next day and found her there, sitting again in front of the stone. Dalawang marka na ang naroon.
"Huh..." I stared at her, wondering what in the world could make her sad like this at a young age. Ayaw ba siyang bilhan ng cellphone ng Mama niya? Hindi ba siya crush ng crush niya? Inaway ba siya ng kapatid niya?
As much as I want to introduce myself and befriend her, I'm intimidated by her aura. Pakiramdam ko, ang tanda-tanda na niyang mag-isip. Baka hindi na siya bumalik dito kapag nakilala niya ako.
So, every day of my summer was spent going down to the beach just to watch her scratch line after line on the stone. She's counting the days. I have no idea what could be so important to her as a child of nine years old. Isang buwan ata siyang pabalik-balik dun hanggang sa isang araw, hindi na siya bumalik.
I waited for a few hours in the beach, wondering what happened. Bakit wala siya ngayong araw? Baka may ginagawa lang siguro. Naghintay ulit ako sa susunod na araw hanggang sa nagsawa na ako sa ika-apat na araw at napagtantong hindi na talaga siya babalik.
Pinagmasdan ko ang mga marka sa bato niya. I shook my head and picked up a stone. Naglagay din ako ng apat na marka doon at umalis. Mamaya, babiyahe na kami pabalik ng Manila.
The rest of my elementary days were spent with Lulu. Marami naman akong kaibigan at naging crush, pero sa kaniya lang talaga ako pinaka-komportable. On the day before our graduation, she went to me, crying.
"Ililipat daw ako ni Mommy ng eskwelahan dahil second honor lang ako..." iyak niya sa akin.
I stared at her, my heart twisting in pain. Niyakap ko si Lulu at inalo. Ang bata-bata niya pa para umiyak nang ganito. I know how hard she worked but still ended up being a second honor. Alam kong big deal na yun kay Tita noon pa man.
"San ka daw lilipat?"
She sniffed, wiping her tears away. "Sa La Union..."
Sa La Union ulit ako nagbakasyon bago ang enrollment sa high school. Binalikan ko yung batong may mga marka at napangiti nang makitang may question mark sa dulo ng apat na markang nilagay ko. It seems like she came back, after all.
"Mommy, sa La Union nalang kaya ako mag-high school?" tanong ko kay Mommy habang naghahapunan kami.
"Dito? Bakit? Sa Ateneo ka mage-enroll, ah?"
I shrugged. "Gusto ko lang po dito."
"Kasi malapit sa dagat?" tanong sa akin ni Daddy. Two summers ago, I finally mustered the courage to get my grandfather to teach me how to surf. He isn't the best teacher. He yells when I get something wrong and his grunt is a sign of approval so at first, I was confused if I was getting better or worse. Iyon din ang palagi kong pinupunta dito hanggang sa mawala si Lolo noong nakaraang taon.
"What do you think, Ed? Ang huling checkup namin kay Mama, may signs na daw siya ng dementia. Siguro dahil na rin sa pagkawala ni Papa..." my mother sighed and glanced at my grandmother who's napping on her rocking chair. "Mabuti na rin para may kasama si Mama dito."
"What about our plan? Sa Ateneo gagraduate si Ivo at kukuha din siya ng business course sa college." My father argued. Binalingan niya ako. "Ano bang meron dito sa La Union?"
I kept my mouth shut and didn't argue. Nag-enroll ako sa Ateneo pagtungtong ko ng high school. Pagkatapos ng first quarter namin, binisita ko si Lulu sa bago niyang eskwelahan.
"Ivo!" masaya niyang tawag sa akin sabay takbo nang makita ako. I smiled and hugged her. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinampas ang dibdib ko. "Gago, bakit ang tangkad-tangkad mo na?! Ilang buwan lang tayong hindi nagkita, ah?"
I laughed awkwardly. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumangkad nang ganito. Maybe it helped that I was working out to strengthen my core and better balance myself when I'm surfing. But most of the people around me was shocked that I was towering after I graduated elementary.
"Tara, isaw tayo..." hinila ni Lulu ang kamay ko. Out of the corner of my eye, I caught a glimpse of a girl. Pareho sila ng suot na uniporme ni Lulu. My eyes widened when I recognized her face. Hinila ko pabalik si Lulu.
"Sino yan?"
"Huh?" sinundan ni Lulu ang mga mata ko. She smiled. "Ah, si Raya? Classmate ko yan."
"Classmate mo?!" gulat kong tanong sa kaniya.
She nodded. "Oo. Mabait yan tsaka tahimik. Ilang linggo na akong tumatabi sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin," she laughed.
Pinagmasdan ko si Raya. May sinasabi siya sa mas batang babae na hawak niya at bigla nalang siyang lumuhod sa harapan nito. Pinatalikod niya ang bata at inayos ang gulo-gulo niyang buhok. I smiled.
"Lu, magt-transfer ako dito..."
Nang makabalik ako ng Manila, pinilit ko talaga sina Mommy na payagan akong tumira sa La Union. My mother approves of it, but my father is hesitant. They let me do what I want in exchange of running the business one day.
"Pagkatapos ko po ng high school, susunod ako. Kung anong kurso ang gusto niyong kunin ko, gagawin ko. Ako na ang bahala sa kompanya. Gusto ko lang pong tumira sa La Union."
Buti nalang talaga at pumayag si Dad sa sinabi ko. I'm lucky enough that my parents don't force me to do anything unlike my best friend, but there's still the pressure of managing such a company when I grow up. Parang ayoko nalang tumanda kung ganun.
Sinamahan ako ni Mommy na mag-enroll sa St. Agnes High School. Pabalik-balik kami sa Manila dahil sa mga requirements hanggang sa tinanggap na ako kahit na kalagitnaan ng second quarter sa kanila. Sa bahay ako ni Lola titira at malapit lang ang eskwelahan. Isang sakayan lang ng tricycle.
"La, alis na po ako!"
Tumitig lang sa akin si Lola at walang sinabi. Inignora ko ang kirot sa puso ko sa tuwing hindi niya ako naaalala. I'm afraid she's getting worse by the day. Minsan, tinatawag niya ako sa pangalan ni Lolo. I think she was really devastated about what happened.
Pumara kaagad ako ng tricycle pagkalabas ko ng kanto namin.
"St. Agnes High School, kuya?"
"Oo, sakay ka."
Muntik nang umatras ang mga paa ko nang makitang may sakay na pala ito sa loob, at si Raya pa! She just gave me a quick glance and nothing more. Sobrang sikip pa ng tricycle kaya magkadikit ang mga braso namin. Parang naiipit ko na ata siya patungo dun sa driver.
"Ah, sorry. Ayos ka lang?"
Binalingan niya lang ako at walang sinabi. Gusto ko nalang tumalon ng tricycle dahil deadma ulit ako. Umusog nalang ako palayo para kahit papaano ay komportable siya. Pang-isahan lang kasi dapat tong sa harap, eh! Ba't ba ako kinuha ni Kuya? Nakaka-bad shot!
Pagkarating namin sa eskwelahan, bumaba kaagad siya at tumakbo papasok.
"Nagbayad na ba yun?" narinig kong bulong ng driver habang tinatanggap niya ang pera ko.
"Uh... ako nalang po ang magbabayad." Alok ko nalang.
"Jowa mo ba yun?" tanong sa akin ng driver. Umiling lang ako at inabot ang natitira kong pera sa kaniya. Mangungutang nalang ako kay Lulu ng pamasahe mamaya kapag nakita ko siya.
Nagpunta muna ako sa guidance office bago ako nagtungo sa bago kong classroom. Siniguro ko talagang classmate kami ni Lulu dahil ang ibig sabihin nun, classmate din kami ni Raya. When I stepped into the room, I immediately saw her sitting at the back of the class. Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako. I smiled.
I introduced myself to the class and looked around. yung upuan nalang sa tabi ni Raya ang bakante at yun din ang tinuro sa akin ng adviser namin.
"Mr. Escarra, you may sit on the back next to Ms. Montanez."
Nice ka, Ma'am.
Nakangiti akong naglakad patungo kay Raya habang si Lulu naman ay gulat na gulat nang makita ako. Kinuha ko ang upuan at muntik nang matumba nang mapansing hindi pantay ang mga paa nito at gumigewang pa!
"Ah, Mr. Escarra, kumuha ka nalang ng bagong upuan doon sa likod ng gym pagkatapos ng klase."
"Yes Ma'am!"
Patingin-tingin ako kay Raya pero mukha namang hindi siya interesado sa akin. Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya kaso sa notebook niya lang siya nakatingin.
"Ikaw yung nag 123 kanina sa tricycle, diba?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko talaga siya.
Her eyes widened like a puppy. So cute.
"Alam mo bang siningil ako ng driver sa pamasahe mo? Akala siguro jowa kita," panloloko ko sa kaniya.
"Nagbayad na ako!"
Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa unang pagkakataon. She had a calm voice, as if years of experience taught her how to sound calm even in the verge of anger. I laughed.
"Ewan ko anong trip ni Kuya. Binayaran ko nalang din ang pamasahe mo."
Pasensiya ka na, Kuyang Driver. Walang personalan 'to.
Mukhang nainis na siya sa akin at hindi ako sinagot. Kulang nalang ay irapan niya ako. Naiinis din naman sa akin si Lulu pero wala akong pakialam.
"Psst."
She turned to me. She had a blank expression on her face.
"May utang ka na sa akin ngayon, ha?"
Raya sighed. I smiled. I think I'm having a crush on her.
Mas madaling kaibiganin ang mga tao rito kesa sa lugar na kinalakihan ko. Simple lang sila at walang arte kaya naman ang bilis nilang sabayan. Within days, I gained more friends than I ever did when I was in a private school. Maybe because they went through hardships in their lives that even the little things made them happy. I really liked that about them.
"Ayaw mong sumali sa basketball team? May kakilala ako dun," pangungumbinsi sa akin ni Celeste. She reminded me of my elementary days. Ka-height ata kami nun.
Tumawa lang ako at umiling. "Huwag na. Hindi naman ako mahilig sa basketball.
"Huh? May lalaki pa palang hindi mahilig sa basketball?"
"Ako." Proud kong wika kay Celeste. Napailing nalang siya at nilubayan ako. Katulad ni Lulu, mukhang gusto niya ring kaibiganin si Raya pero nahihirapan siya dahil halos hindi ito namamansin.
Pakiramdam ko nga kinakausap niya lang ako dahil KSP ako sa kaniya. Baka pinapatay na niya ako sa utak niya ngayon dahil ginugulo ko siya palagi ngayong magkatabi kami.
Sa unang linggo ko sa La Union, kinulit-kulit ko si Lulu dahil hindi pa ako masyadong maalam sa lugar. Kapag kasi narito ako tuwing bakasyon, nasa bahay lang ako ni Lola tapos sa dagat sa baba. Kapag bored naman, pumupunta ako ng Urbiztondo para mag-surf. Kaya nang madatnan namin si Raya sa San Juan Elementary School kasama ang nakakabata niyang kapatid, pakiramdam ko lucky charm ko na si Lulu.
"Hala, siya ba yung kapatid mo? Ang ganda, Sereia!" ani Lulu. I smiled at the kid. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mayroong kapatid at gayon din si Lulu. Ever since we were kids, it's just the two of us.
Umepal ulit ako sa kanila dahil hindi pinapansin ni Selena si Lulu. Kamukha sila ni Raya. Para akong nanunuod ng mini me version niya. Nakakatuwa lang.
Dahil mas naunang nakilala ni Lulu si Raya, mas malaki ang progress niya kesa sa akin sa pagkakaibigan nilang dalawa. Alam kong mas komportable si Raya kay Lulu kaya minsan dumi-distansiya ako dahil ayaw kong matakot siya sa akin.
"Ikaw kung makaasta ka, akala mo close na talaga kayo ni Raya."
"Magiging close din kami." I said bitterly.
"Hah. Asa ka!"
Lumabas muna si Raya kaya dali-dali akong pumunit ng papel mula sa notebook ko. I scribbled something on it and slipped it into her notebook. Kinakabahan ako nang makitang pabalik na siya ng classroom. She immediately noticed the paper and saw what was written. Pero katulad ng dati, blangko pa rin ang ekpresiyon niya kaya hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi.
Our friendship progressed when I followed her into the same club. Marunong naman ako ng konti sa chess, pero hindi katulad niya na sobrang pro na kung maglaro. Wala naman kasing surfing club sa eskwelahan at ayoko ring sumali sa SSG kaya dito nalang ako. At least makikita ko siya palagi.
Slowly, she started hanging out with us. Sumasama na din sa amin si Celeste. Akala ko maririndi lang siya sa amin dahil maiingay kaming tatlo. Pero sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa sa mga biro namin, gusto ko nalang magpaka-ulol para makita palagi ang ngiti niya.
She has barriers around herself, and I could tell it has something to do with someone she's been waiting ever since she was young. Ayoko namang tanungin siya dahil baka ma-weird-uhan siya sa akin. Mas lalong ayokong umamin na matagal ko na siyang nakikita sa dalampasigan dahil baka akalain niyang stalker ako. Baka hindi pa nagsisimula ang pagkakaibigan namin, mawala na.
Sereia just continued to fascinate me the more I get to know her. She's a responsible older sister who takes good care of her siblings. Napagsasabay niya ang pag-aaral, gawing-bahay, pag-aalaga sa mga kapatid, at chess.
For someone who had been going with the flow all his life, I suddenly felt ashamed being next to her.
Kinaibigan ko ang hardinero namin para may kalaro ako ng chess tuwing hapon dahil nalaman ni Raya na hindi ako magaling sa chess. I want her to feel the thrill of chess when she's playing it with me, so I'm forcing myself to study a sport I didn't have a single interest just a week ago.
I even went as far as lending her my lucky charm during the intramurals. Kahit si Lulu, hindi ko pinapahawak nun. But it's just so easy to be with Raya and I always have the urge to help her because I know there's a lot on her plate already. If I could make her life a little better, if I could make her smile despite her hardships, if I could make her forget her problems even just for a little while... then maybe... maybe I deserve to exist.
And the more I spend time with her, the more I want to protect her. Palagi ko namang hinahatid si Lulu pauwi noon, hindi na bago sa akin ang ihatid ang mga kaibigan kong babae. But with Raya, it's different. No one has to tell me what to do. My eyes would immediately search for her kind face in the crowd and I'll keep an eye on her throughout the evening to make sure that she's safe and having fun.
"Si Ivo ba 'to?! Bakit ang bansot mo dito?!"
Hindi naman ako bayolenteng tao pero sa mga oras na 'to, parang gusto ko nalang ihagis si Avery sa bintana nang damputin niya ang childhood picture naming dalawa ni Lulu.
Kaagad ko yung inagaw sa kaniya bago pa makita ni Raya, hiyang-hiya. Nakakainis naman!
"Diba, Ivo? Mas matangkad ako sa iyo nung bata pa lang tayo!"
Hindi mo na kailangang ipamukha, Luanne Rose.
"Patingin."
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagsalita si Raya. Kaagad kong nilayo ang picture at tinago sa likuran niya.
"Huwag!"
"Parang tanga, Ivo. Nakita na ni Raya yung picture kanina..."
Si Avery at si Lulu na ang gusto kong ihagis sa bintana ngayon.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo, Ivo? Crush mo ba si Raya? Nahihiya ka?"
"Anong crush? Wala akong crush!"
Sige, Ivo, deny pa.
As someone who grew up without siblings, my attraction to Raya led me to befriend her younger brother and sister only to find out that I've been missing this kind of fun my whole life. Palagi akong mag-isa sa bahay, lalo na kapag may business trip sina Mommy at Daddy. Ayos lang naman sa akin noon pero kapag nakikita kong magka-bonding si Raya at ang mga kapatid niya, may kung anong kumikirot sa dibdib ko na hinihiling na sana may mga kapatid din ako. Ang saya siguro.
"Crush mo ba ang Ate ko?"
Muntik na akong matalisud sa sinabi ni Sonny. Naglalakad kami sa likod ng bahay, patungo sa bodega kung saan ko tinago ang lumang bola ko sa basketball. Napatingin ako sa kaniya, gulat.
"Huh? Pinagsasabi mo?"
"Wala naman kasing magbibigay lang basta-basta ng bola sa akin kung hindi nila crush ang Ate ko, eh," tumatawang wika ni Sonny. "Popormahan mo?"
Nakakahiya na namumula ako sa tanong ng isang bata! Nag-iwas nalang ako ng tingin at inabala ang sarili ko sa paghahanap ng bola.
"Crush lang. Wala akong balak na pormahan ang Ate mo dahil..." I trailed off.
"Dahil ano?"
I shrugged. Hindi ko pa maipaliwanag nang maayos ngayon. Siguro dahil kakakilala lang namin at ayoko siyang biglain. Siguro dahil andami niyang responsibilidad sa buhay at ayokong dumagdag sa problema niya. Siguro dahil mas mapapagaan ko ang buhay niya bilang kaibigan muna.
I can't stay away from her, no matter how hard I try. But I know now is not the right time. We're still too young for this.
The year ended that way. I was just glad that Raya is becoming more comfortable with me and our friendship definitely had a progress. Naasar ko na siya na hindi natatakot kung mapikon siya sa akin o ano.
Nung second year din ako unang nakaramdam ng selos simula nang makilala niya si Lenard. Sinubukan ko naman siyang kaibiganin pero may nagawa ata ako sa kaniya dahil badtrip siya sa akin.
I feel so small seeing her having fun with Lenard because she could relate everything with him. Pareho silang panganay at magaling sa chess. Ako, only child at hanggang ngayon ay hindi pa rin marunong maglaro. My frustration grew each time I see her smiling and getting lost in a play with Lenard.
The way he looks at him hinted me that he must've like her. Hindi naman ako bobo para hindi yun mapansin. I still planned on burying what I feel about her because of our friendship but Lenard suddenly became a threat to me. Naiinis ako na naiisip ko ang ganitong mga bagay gayong wala naman akong pakialam dito noon.
Ang dami kong what if's. What if Raya is happier with him because they're on the same page? What if they really end up together? What the fuck should I do?
Ang alam ko lang sa ngayon, kung maging sila man, hindi ko na ata kakayaning maging kaibigan pa rin si Raya. Hindi ko din kayang umamin ngayon.
Ginagawa ko nalang talaga kung anong makakaya ko para pagsilbihan siya nang hindi niya nalalaman. When I found out that her father goes home past dawn, I was mortified. Silang tatlo lang ang nasa bahay tapos dalawang babae pa! I volunteered to stay with her until her father arrives but I know this is just a one-time thing. Kahit gusto kong samahan siya gabi-gabi hanggang sa makauwi ang Papa niya, alam kong hindi naman yun pwede.
While she talked quietly about her childhood, it all started making sense to me. Mama niya pala ang hinihintay niya sa dalampasigan. May kung anong kumirot sa puso ko nung maalala ko ang malungkot niyang mukha. I want to hug her but I restrained myself.
This is the first time that we've been alone together for a long time and I want to cherish it.
"I know what you're thinking. I'm not in love with her."
Ginamit ko na din ang pagkakataon para klaruhin sa kaniya na wala akong nararamdaman kay Lulu. For me, she's just a little sister. A childhood friend with a familiar laugh and smile. The girl that filled the void of me being an only child. Lulu is a special girl for me, but what I feel for Raya is entirely different. The love I have for my friendship with Lulu is calm and still. The feelings I have for Raya are like violent waves that keeps on getting stronger.
I felt childish when I met his father and immediately thought that I am better than Lenard. Hah! Naka-meet and greet ko na ang Papa niya, eh ikaw?
"Kaibigan ka lang ba talaga ng anak ko?" tanong sa akin ni Tito habang naglalakad kami patungo sa terminal.
Kaagad akong tumango. "Kaibigan lang po talaga."
He went silent, thinking. Mukhang pagod pa ito galing sa trabaho kaya nakaka-guilty na sinasamahan niya pa ako rito. Ayaw niya naman akong palakarin mag-isa patungo sa terminal atsaka may kakilala daw siyang tricycle driver na pwede akong ihatid sa amin.
Our friends found out that I stayed past midnight at their place and started teasing us. Antok na antok ako dahil hindi naman ako sanay na matulog ng ganito katagal kaya napipikon ako sa pang-aasar nila.
Sa huli, sinabi ko sa kanilang crush ko nga si Raya para tigilan na nila ako.
I instantly regretted it when I saw the expression on her face. She looks uncomfortable and doesn't know what to do. If I'm not serious about her, I might've find her cute but now I'm alarmed. Gusto kong bawiin ang sinabi ko at sabihing joke lang pero huli na ang lahat.
Walang nagbago sa pakikitungo ko sa kaniya pagkatapos nun. I want her to feel safe around me and just ignore what I said. Ilang araw pa kaming nagka-ilangan bago kami bumalik sa normal. Palaging tipid ang sagot niya sa akin pero ngayon ay ayos na.
Nagplano silang mag-dagat pero hindi naman ako interesado kapag hindi nagpunta si Raya. Good thing she did. I could finally show her something that I'm really good at. Gusto ko lang magpapansin sa kaniya, pampalubag loob sa ginawa ko nung isang araw.
Gusto kong i-high five ang sarili ko sa laot nang makita ko siyang nanunuod sa akin, kasama ang dalawa ko pang mga kaklase na babae. I grinned, proud of myself. Maybe if she sees that there's something I'm good at aside from joking around and being a clown, then she'll learn to like me more.
When we got home, Lulu confronted me about her.
"Gusto mo ba si Raya?"
"Huh?" napatingin ako sa kaibigan.
Napaka-seryoso ng mukha niya at inulit pa niya ang tanong. "Hindi lang yun simpleng crush, diba?"
"Anong pinagsasabi mo?" tumawa ako para sana ibahin ang usapan pero pinilit pa rin ako ni Lulu.
She sighed. "Ivo, wala pa akong nakikitang katulad ni Raya na ang bata-bata pa lang pero ang dami ng responsibilidad sa buhay. Kung gusto mo talaga siya, huwag mo siyang guluhin ng ganito. Ayokong nakikita siyang naguguluhan kasi hindi niya alam ang gagawin niya. Ang dami mong crush noon, eh! Tapos hindi naman seryoso. Seryoso ka ba sa kaniya?"
"Oo naman."
"Don't hurt her. Kakalimutan ko talagang kaibigan kita." Banta niya sa akin.
Matagal kong inisip ang sinabi ni Lulu sa akin. I get where she's coming from. Both of us grew up comfortably in big houses and never had to work for the family. Ni hind inga ako marunong mag-hugas ng pinggan hanggang sa makalipat ako sa bahay ni Lola.
But Raya is managing their house and taking care of their siblings. Ang dami-dami niyang iniisip sa buhay. Alam kong masakit din sa kaniya na ilang taon nang hindi pa umuuwi ang Mama niya.
Lulu is right. I shouldn't confuse her.
I distanced myself a bit from her, trying to determine what to do next. Should I pursue her? Or should I just let her be my friend and admire her from afar? I don't want to risk our friendship for a high school relationship that wouldn't even last.
Naging madalas na din ang pagtambay ko sa kabilang section dahil naroon ang iba kong mga kaibigan. I try to forget about what I feel for her but each time I see her with Lenard, I just want to drown myself in the sea.
I've never felt so conflicted in my dull, irrelevant life.
"Gusto mo?"
"Ang ano?"
"Si Lenard..."
She stayed silent for a while, thinking. "Oo... gusto ko."
"Eh paano na yan, Raya, gusto rin kita..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sasabog na talaga ako kapag hindi ko pa sinabi sa kaniya. I know I'd want to throw myself at the ocean after this, but I just want her to know.
Naging mailap ulit kami pagkatapos nun. Minura-mura ko ang sarili ko dahil bakit ang atat ko? Bakit hindi ako makapaghintay? I might lose her before getting a chance to prove myself. Naiiyak kong sinabi 'to kay Lulu.
"Shit. Malala ka na."
I grunted. "May sinabi ba siya sa iyo? Anong sabi niya?"
Umiling siya. "Nagtanong lang siya sa amin kung anong gagawin niya kapag may taong nagsabi na gusto raw siya."
"Fuck..." I cursed under my breath, pulling my hair at the frustration.
"She's confused, Ivo."
"Alam ko! Kasalanan ko!" halos pasigaw kong wika, inis na inis sa sarili ko.
Lulu remained silent, looking sad. "Why don't you just give it a try? Sinabi mo nang gusto mo siya, eh. Malay mo..."
"Ako na ata ang pinaka-selfish na tao sa buong mundo kapag ginawa ko yun..." sarkastiko akong tumawa. "Ang dami niyang responsibilidad, malamang hindi pumapasok sa isipan niya ang ganitong mga walang kwentang bagay. Nalilito pa siya at baka kung tanungin ko siya, natatakot ako na um-oo nalang siya dahil hindi niya alam ang sagot. Masisira ko lang siya."
Lulu smiled at me like a proud mother. "May natututunan ka na rin..."
I sighed, trying to shrink as small as I can. Gusto ko nalang maglaho. I know she's going to confront me about this sooner or later so I said that I liked her... as a friend. Labag sa kalooban ko pero ayoko na siyang guluhin nang ganito.
A rift between Lulu and Celeste tore our circle apart. Sumasama na si Lulu sa mga SSG officers sa lunch habang si Celeste naman ay sa dati niyang mga kaibigan. Kaming lima nalang ni Raya, Avery, Yari, at Karlo ang palaging magkasama.
Lulu is so damn wise in giving advice to other people but she can't do the same thing to herself. Hindi siya nakikinig sa akin at mas pinairal ang tampo niya.
"Bakit, gusto mo ba talaga si Kael?"
She looked shocked at my question. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
"T-That's not the point! Nakita mo ba si Celeste?! Ready na siyang ilibing ako nang buhay!"
"Oo, nakita ko. Nakikita ko rin na ikaw ang gusto ni Kael..." nameywang ako at pinagmasdan ang kaibigan. "Gusto mo?"
Hindi ako sinagot ni Lulu at iniwan sa sala nila saka umakyat sa kwarto niya. I chuckled, shaking my head.
The chaos in our friendship is also affecting Raya. I rarely see her smile nowadays. Pati ako, nalulungkot din. I want her to be happy but I know she couldn't be happy with everything that's going on.
I was glad that we were finally able to make up before the school year ended. Pagtungtong namin ng third year, puro mga kurso na sa college ang pinag-uusapan nila, lalo na at graduating sina Avery, Yari, at Karlo.
Sinabi ko na kay Daddy na hindi ako aalis ng La Union... not when I found a friendship like this. nNaghanap ako ng malapi an eskwelahan na may kursong gusto niya para sa akin at nangakong pagbubutihin ko ang pag-aaral basta't patirahin niya lang ako sa La Union ng apat pa na taon.
"Hindi ko talaga alam kung anong meron sa La Union at baliw na baliw ka d'yan, Primitivo!" minsan ay nagagalit na si Daddy sa akin.
Gusto kong tanungin si Raya kung saan niya gustong mag-aral pero naging mailap siya dito. Nag-birthday ang kambal at syempre imbitado kaming lahat. Hindi sana ako pupunta dahil sumasakit ang ngipin ko nung gabi na yun pero pinilit ako ni Lulu.
I was shocked to see her in a dress for the first time. Patingin-tingin ako sa kaniya habang nasa backseat kami. I want to compliment her, but she doesn't know how to accept compliments and I'm so damn scared of making things awkward between us again.
"Ang ganda ni Raya, diba? Tingnan mo si Ivo, hindi na makapagsalita!"
Sige, Celeste, ilaglag mo ako at ilalaglag din kita dito sa kotse.
I was discreetly looking and admiring her that I didn't fail to notice she's been having headaches lately. Mabilis na siyang nasisilaw at kaagad na kumukunot ang noo. I know when she's in pain because she'd bit her lower lip and shut her eyes. Then she'll go back to her usual expression fearing that someone might notice and be worried.
Akala ko mawawala na yun pero matamlay siya sa party kaya napag-desisyunan ko nang umalis at maghanap ng gamot para sa kaniya. She wouldn't be able to enjoy the party with her skull cracking into two.
I saw the relief in her face even though she keeps apologizing for the inconvenience. Naisip kong dalhin nalang ang pill box ni Lola na hindi na niya ginagamit para may mga gamot akong dala-dala sa tuwing kasama ko siya.
Habang tumatagal, nahahalata na din ng mga tao sa paligid ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Si Lulu, Celeste, at Avery, alam kong alam nila. Pati na rin si Sonny na palagi akong sinasabihang torpe sa tuwing may mga pagkakataon akong pinapalagpas dahil mas iniingatan ko ang pagkakaibigan namin.
When I learned that she's planning to go to UP, I couldn't deny the sadness that I felt. Her, going to Manila, means that I won't be able to see her and take care of her, then. She took the UPCAT and I'm sure she'll pass.
"Oh, diba sa Lorma ka na mag-aaral? Bakit bigla mong gustong mag UPCAT?" tanong sa akin ni Mommy.
"Para may option po ako," pagsisinungaling ko sa kaniya.
Sa totoo lang, handa na talaga akong bitawan lahat ng nakasanayan ko para kay Raya. Pero kahit na ganito na kalalim ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin mahanap ang lakas na umamin sa kaniya dahil natatakot ako. Araw-araw kong hinihiling na sana umuwi nalang ang Mama nila para maging normal na bata nalang din si Raya. Nang sa ganun, hindi na ganun ka-komplikado ang lahat.
Nung sumapit ang prom, alam ko na kaagad na alanganing makakapunta si Raya. My fears turned into reality when she said she really couldn't come. Nawalan na din ako ng gana dahil wala naman akong ibang gustong makita dun kundi siya lang.
"Ang pangit-pangit mo! Kanina ka pa nakasimangot, ah?!" pambubuska sa akin ni Lulu.
Hindi ko siya pinansin. She grinned and took a seat next to me.
"Hmm, alam mo, kung ako sa iyo, imbes na magmukmok, pupuntahan ko ang babaeng gusto ko at isasayaw ko siya..."
"Pinagsasabi mo—"
"May exit dun sa kabilang door, pwede kang umalis nang hindi nakikita." She smiled at me and picked up her drink, then left.
Matagal akong nakatulala sa lamesa bago ako nakapag-desisyon. Dali-dali akong lumabas at iniwan ang prom. Kumuha pa ako ng flower crown na ginawang decoration sa stage kanina. Dali-dali akong nag-tricycle patungo sa bahay nila Raya at nakitang naroon siya sa labas, nakahiga sa duyan nila.
"Ivo?"
"Hi." I smiled at her. She looked beautiful in her shirt and shorts than any other gown-clad girls I've seen earlier.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Since you couldn't go to the prom, I'll bring the prom to you." I said sincerely. "May I have this dance?"
Isinuot ko kay Raya ang flower crown at nagdasal na sana hindi niya makita ang panginginig ng mga kamay ko.
Gusto kong isayaw siya hindi lang sa prom, kundi pati na rin sa kasal. Alam kong hindi na ako makakaahon sa nararamdaman ko para sa kaniya, kahit na walang kasiguruhan kung pareho kami ng nararamdaman.
"Ivo..."
"Hmm?"
"Gusto rin kita..."
I froze for a moment, then I remembered something. Nginitian ko siya.
"Bilang kaibigan?"
She nodded shyly. I laughed while my heart is breaking.
Naging mailap ulit ako sa kaniya para hindi niya makita kung gaano ako naapektuhan sa sinabi niya sa akin. But after a few days, we were friends again.
Friends.
Paulit-uilt ko yung tinatak sa isipan ko dahil ayokong may magawa na naman ako na hindi siya komportable. I took her to the beach and taught her how to surf. I was comfortable to just see her drifting with the waves with me, even if she's so far away.
Hindi ko namalayan na apat na taon ko na pala siyang mahal.
Akala ko simpleng crush lang pero lumalim nang lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Nakapasa siya sa UP pero pagkatapos ng graduation namin, umamin siya sa aking hindi siya tutuloy at mananatili siya sa La Union. Ayokong magsaya sa nangyari dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka-lungkot. Pangarap niya ang UP, eh. Kung may magagawa lang sana ako...
Magkasama ulit kami sa college. I tried my best to cheer her up even if she's attending the school she doesn't even want. Hindi na ako nagtanong kung anong totoong rason niya pero alam kong tungkol ito sa pamilya niya.
"Ate, nasa labas ang future brother-in-law ko!"
Kaya gustong-gusto ko talaga 'tong si Sonny, eh.
I saw her wearing a lip tint for the first time and I think I fell in love even harder. Kulang nalang talaga ay sambahin ko siya sa tindi ng nararamdaman ko para sa kaniya.
Nung mag-debut si Lulu, invited ulit kaming lahat. And each time I see Raya in a dress, I would imagine her in a wedding dress and a stupid smile would appear on my face. Nababaliw na talaga ata ako.
Ni-regulahan din ako ni Dad ng sasakyan pero hindi naman ako interesado hanggang sa makita ko si Raya na nakaupo sa masikip na bus at halos ayaw matulog kahit na pagod na pagod sa biyahe. I felt guilty about it and started using the car the following week so she would be more comfortable.
Si Lenard, nakita ko ulit sa Lorma. Naaasar ako dahil parang masamang damo ang lalaking yun! Bakit narito 'to?
Sasabog din ata ako sa selos nang makitang kumakain silang dalawa sa tapsilogan. Ang sabi ni Raya sa akin, inaya daw siya ng mga blockmates niya. Nawalan kaagad ako ng ganang kumain at nag-iwas nalang ng tingin dahil ayokong nakitang masaya siya kasama ng lalaking yun.
"Remember Elaina Cojuangco? She's attending the same school."
Hindi ko pinansin si Dad at patuloy lang na nakatulala sa couch, iniisip ang nakita kanina.
"We talked to the Cojuangco's for a potential business deal... and that is if you'll marry their daughter and unite the two families."
Binalingan ko si Dad, kumukunot ang noo.
"Magpapakasal ako sa kaniya? Ayoko!"
"Bakit? May girlfriend ka ba?"
"Wala—"
"Wala naman pala. Mas maigi na din para magkamabutihan kayong dalawa ni Elaina. Just get to know her, son. She's well-bred, intelligent, and beautiful. I'm sure you'll want her to be your wife."
Binalingan ko si Mommy, nanghihingi ng tulong. She just bit her lower lip and looked away. Uminit kaagad ang ulo ko at padabog na pumasok sa kwarto ko. Iyon ang unang pagkakataon na pinagbagsakan ko ng pintuan ang mga magulang ko.
And I know Lenard is making a move towards Raya and it's only a matter of time before I lose her altogether. Iniisip ko pa lang, gusto ko nang magwala.
Sinusulit ko nalang ang mga oras na magkasama kaming dalawa dahil pakiramdam ko, mawawala siya sa akin anumang oras. Ang sakit lang dahil ilang taon ko siyang iningatan tapos magkakasakitan lang pala kami sa huli.
She also admitted that Lenard confessed his feelings. Sinasabi ko na nga ba. I didn't feel any joy knowing that she rejected him.
"Pakiramdam ko, tinraydor niya ako. Antagal na naming magkaibigan, eh. Tapos biglang gusto niya pala ako... higit pa sa isang kaibigan. Kung babalikan ko ang mga taong magkaibigan kaming dalawa, hindi ko alam kung alin dun sa mga ginawa niya ang ginagawa niya lang bilang kaibigan ko at higit pa roon."
I sighed in my head. Ito ba ang mangyayari sa akin kapag umamin ako?
Kasama ko si Raya sa Pasko, bagong taon, pati na rin sa debut niya. I wanted to cherish all of my moments with her because it's the only thing I can do. I gave her a bracelet, so she'd always think of me.
I tried to ignore the inevitable, that I have to marry a woman I don't even love someday. I couldn't imagine another woman in a wedding dress walking towards me unless if it's Raya. I don't want to be engaged if it's not with her.
Pucha, ni hindi nga ako maka-amin, eh.
Sa dami ng nangyayari sa bahay nila, nawawalan na talaga ako ng pag-asang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Her younger sister got pregnant. Her mother isn't coming home. Her father suffered from a heart attack.
If I could take most of her pain so I can endure it for her, I would.
"Mahal kita, Raya."
Pagkatapos ng limang taon, nasabi ko na rin.
"Limang taon na kitang mahal, alam mo ba yun? Pucha, ni hindi ako makaamin."
"Ivo... huwag mong gawin sa akin 'to..."
The look on her face told me that this isn't going to end well. Hinanda ko na ng ilang taon ang sarili ko sa posibilidad na baka hindi niya rin ako mahal pero ngayong narito na ako, ang sakit pa rin.
"Mahal kita, okay?! Mahal na mahal kita pero Ivo, please..."
If I had known she'd confess to me like this, I wouldn't have done it.
"Aalis ako."
Right. She's going to NYU. She's going to give herself a chance to chase her dreams. Sa tanang buhay niya, ni minsan ay hindi niya inuna ang sarili niya kaya anong karapatan kong harangan ang pangarap nya?
"I'm sorry, Primo, happy birthday..."
When she walked away, that's when I knew I lost her.
Hindi ako nagpakita sa kaniya. Alam ko kung kailan siya aalis pero hindi ko magawang puntahan siya at humingi ng tawad o pigilan man lang siyang umalis. I know this is for the best, and this is what she's meant to do. I'll stay here while she's across the worlds, several oceans apart, chasing her dreams.
Ilang taon ko ding inasam na mahalikan siya pero ngayong umiiyak siya at hinahalikan ako, para akong dinudurog. This might be our first and last kiss.
"Pwe! Ang pait!" nauubo-ubo pa ako pagkatapos kong inumin ang alak. Tumawa si Karlo.
"Hindi ka kasi sanay uminom."
"Eh ang pait nga! Pangit pa ng lasa..." inikot ko ang paningin sa paligid. Nasuntok ako ni Daddy kanina nung sinabi kong hinding-hindi ako magpapakasal kay Elaina kaya bahagyang namumula ang pisngi ko ngayon. I called Karlo and told him to humor me for the night. Dinala niya ako sa isang club pero wala rin akong napala kundi mapait na alak at maingay na paligid.
"Ano bang gusto mong gawin? Mag-surf? Eh madaling araw na!"
"Wala..." I sighed and stared into my drink. Ilang araw na simula nang makaalis si Raya. Ang sakit-sakit pa rin.
"Torpe mo kasi..." pambubuska naman sa akin ni Karlo.
I glared at him. Siya ang una kong tinawagan dahil kung may higit na nakakaalam sa nararamdaman ko ngayon, siya yun. And he suffered alone in high school, with the rest of us oblivious about his pain. Na-guilty ako nang husto nang malaman ko ang nangyari.
"Anong ginawa mo, Karlo?"
"Huh?"
"Hindi mo na siya makikita ulit. Ako, baka may pag-asa pang makita ulit si Raya, pero ang sakit-sakit pa rin..."
He gave me a sad smile. "I damaged another person while trying to heal from my loss..."
Nakatulala ako sa counter, nakikinig sa kaniya kahit na sobrang lakas ng musika.
"And I regretted it a lot. Hindi niya deserve yun. Wala namang tao na deserve yun, eh. Walang ibang nakatulong sa akin kundi sarili ko lang, Ivo. Kaya kahit ilang beses mo akong tawagin rito, walang makakatulong sa iyo kundi ikaw..."
Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Karlo. Pinilit ko ang sarili na magpakatatag. Paano nalang kung bumalik na siya? Sana kung pwede na, pwede pa...
Ang just like that, 10 years has passed.
Ilang beses na akong nawalan ng pag-asa sa loob ng sampung taon na hindi ko siya nakikita. She went here when her father died, cursed La Union, and left again. Para sa akin, mas masakit yun kesa sa una niyang pag-alis. I was convinced back then that I'll never see her again.
Until she's standing in front of me, eyes wide open with a weapon in her hand, ready to attack me.
Nagulat ako nang makita siya sa dati nilang bahay. Palagi akong nagpupunta rito para maglinis dahil ayaw kong ma-bad shot kay Tito sa langit. I could still remember his last words to me.
"Kung bumalik man si Raya... huwag mo siyang pakakawalan ulit... alagaan mo, Ivo, ang anak ko... mahal ka niya."
And while I'm staring at her matured face in front of me, my heart pounded wildly.
Noted po, Tito.
When the chaos of our first meeting died, I stared at her face. She looked kinder, stronger. Something about her had changed. She's no longer the girl who doesn't even know how to love herself. She learned how to embrace herself and to chase her dreams. She learned how to put herself first. Sobrang laki ng pinagbago niya.
I am so damn proud of her.
Alam ko sa pagkakatoang ito, deserve na namin ang second chance. We may have hurt each other from the past, but that's because we loved each other too much. Naka-depende ang buong buhay ko sa kaniya kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko nang bigla siyang umalis.
But now that we both gained back our lives, maybe we could start all over again.
Because even after ten years, nothing has changed. She's still the kind, responsible girl whom I fell in love with during my high school days.
And I'm still the free-spirited boy who got struck by her when I first saw her at the beach.
She's still awkward at times, especially when it comes to our budding relationship. I'm his first boyfriend and she's my first girlfriend. But I tried my best to make her first experiences wonderful and memorable. She's been through a lot and she deserves to be happy for the rest of her life.
"Love, what do you think?" tawag niya sa akin. Inalis ko ang reading glasses na suot at hinilot ang mga mata bago ako nagpunta sa kaniya. She's staring at the first draft that the architect has sent us. "Maganda siguro kung merong terrace dito para pumasok naman ang hangin sa second floor... tapos yung bintana, siguro lakihan ng konti?"
She looked up at me, her eyes twinkling. Instead of answering her, I leaned down and kissed her lips. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagtawa habang tinutulak ako palayo.
"Gawin mo kahit anong gusto mo sa bahay," malambing kong wika sa kaniya.
"Huh? Are you sure?"
Tumango-tango ako. I stroked her hair and kissed the top of her head. "Ba't hindi ka pa natutulog?"
She shrugged. While I'm working at home most of the time, Sereia locked herself in her room, writing her book. Ayaw niyang ipabasa sa akin hangga't hindi raw natatapos kaya hindi ko siya ginugulo.
During the afternoon, we'd both head down to the beach to surf and swim. Nagluluto siya ng hapunan at ako naman sa agahan namin. Kapag nasa Manila naman ako nagtatrabaho, naglilinis siya ng nirerentahan naming bahay.
We agreed not to have a child, for we've been apart for so long that we wanted to spend the rest of our lives alone together. Even though we're married, I can't still get enough of her.
Araw-araw kong kinukumbinsi ang sarili ko na totoo nga 'to at hindi ako nananaginip. Baka mamaya, baliw na pala ako at nagpapantasya lang.
Ito pala ang pakiramdam na naging asawa mo ang crush mo.
"Ayos lang ba sa iyo? Tayo lang dalawa... hanggang sa pagtanda..."
Sometimes, she'd worry over it and feel guilty so I always had to reassure her that I'm perfectly fine that it's just the two of us. In fact, I couldn't imagine anything more perfect than this.
Kinuha ko ang kamay ni Raya at hinawakan ito nang mahigpit. I stared into her eyes.
"Wala na akong ibang mahihiling pa, Raya. Ikaw lang ang gusto ko."
She smiled and leaned closer to give me a kiss. My hand snaked to her waist, pulling her closer so I could deepen the kiss. I closed my eyes and felt her melting in my arms as my hands worked its way under her dress. Sereia gasped and let out a low moan. I constantly have to tell myself to be slow and gentle when it comes with her because sometimes, I could be a greedy beast.
"Mahal kita, Escarra..." bulong ko sa kaniya.
Sereia's body sighed and trembled. I chuckled and kissed her throat before carrying her to bed.
It's funny how everything had turned out different if I hadn't come to the shore that day. Kung hindi ko siya nakita noong bata pa ako, malamang hindi ko siya hahanap-hanapin sa La Union. I wouldn't know how amazing of a person she is.
I'm glad I went down to the beach that day and saw her. I'm happy that I met her, enthralled that I fell in love with her, and I feel that I am the luckiest man in the world because she chose me, despite all of my shortcomings and flaws.
With her, I could do anything. Knowing that I have a kind, passionate wife behind me keeps me going. No matter where the waves take us, as long as I'm drifting with her, I have high hopes that we'll reach the shore. Sereia made me want to be the best version of myself. She made me want to chase my dreams and live my life to the fullest. She taught me how to forgive and walk away when necessary. She showed me how beautiful a familial love could be. The word 'lucky' is not enough to describe how I felt after convincing myself that we're finally married.
Raya is my safe haven. I can be myself when I'm with her, and there's nothing I would keep from her – every wildest dream, every nervous prayer, every secret, everything in my life is for her and with her.
I clung to her knowing she's more valuable than most treasure any man could find in his lifetime.
If I have to wait for another ten years or my entire lifetime, I would do it all over again as long as I know that she's the one waiting on the other side.
My love for her had always been loud, like violent waves slamming against the shore, waiting for her return one day.
And now, she's finally home
-
#HanmariamDWTWEpilogue
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top