Chapter 37

"Ito, Raya, itatapon din ba?"

Nilingon ko si Karlo at nakitang buhat-buhat niya ang luma kong side table. Inilabas ko na ito sa sala namin dahil napagdesisyunan kong itapon na. Nabubulok na kasi ang ilalim at sobrang tagal na nun kaya mas mabuting itapon na lang.

"Oo, Karlo, pakilabas nalang..." sabi ko sa kaniya at binalikan ang tinatrabaho ko.

Narito kaming lahat ngayon sa bahay namin para sa huling sleepover bago ko ito ibenta. Ito na rin ang huling linis namin bago ko papupuntahin si attorney para tulungan ako sa bahay. I've been coming here for days for the renovation. Na-repair na ang balcon namin, pati na rin ang dirty kitchen. Ipina-renovate ko na din ang CR. The rooms are still in good condition, so I only opted for a repaint to give it a fresher look.

"Yar, patulong nga ako dito..." tawag ni Lulu kay Yari. Iniwan ko muna sila sa sala at pumasok sa kwarto ni Papa. I took a deep breath and looked around.

This would be the last time I'll see his room. Pagkatapos nito, ilalabas na lahat ng gamit niya. I rented a storage cabin for all of his things because I couldn't bring myself to throw it all away. Yung mga importante, gaya ng mga regalo niya sa amin na hindi niya naibigay, paborito niyang mga damit, pati na rin ang driver's license niya, itatago ko at dadalhin pabalik sa Amerika.

Pinigilan ko ang sariling maiyak habang isa-isa kong nilalabas ang mga damit ni Papa mula sa durabox. May mga butas pa ang karamihan sa t-shirt niya. I couldn't recall a time when he spoiled himself with his hard-earned money. Puro nalang kasi kami ng mga kapatid ko ang inuuna niya tapos halos butas-butas na pala ang mga damit na suot niya.

"Raya..."

Pinalis ko agad ang mga luha ko at nilingon si Ivo. Nakatayo siya sa may pintuan, nag-aalangan kung papasok o hindi. I told him not to come if he's too busy but he really insisted. Ang alam ko, may opening ulit sila sa isang resort na pinatayo niya sa Baler. After the opening program, he drove straight here to help us clean.

"Hi." Bati ko sa kaniya at lumapit.

Ivo reached for my hand and pressed a gentle kiss on my cheek. Nilibot niya ng tingin ang kwarto ni Papa.

"Ngayon pa lang ata ako nakapasok dito..." aniya.

I sighed. "Parang ang bigat sa loob na mawawala na ang kwarto ni Papa. Wala na talaga akong babalikan dito sa Elyu..."

Ivo remained silent, but he held my hand. Without a word, he started helping me pull out all of my father's clothes. Pag may nakikita siyang mukhang importante, ibinibigay niya sa akin para ma-sort ko kung ano pa yung dadalhin at iiwan.

Inilagay ko sa isang malaking box ang mga dadalhin ko at sa mga karton naman ng sigarilyo ang iiwan ko sa nirentahang storage space. Inilabas namin yung dalawa ni Ivo. Tumulong naman si Karlo sa pagbubuhat nang makitang nilalabas na namin ang mga gamit. Si Tita Belinda naman, ipinaghanda kami ng meryenda at tinawag sa balcon kinahapunan.

"Grabe, para akong nag-workout!" bulalas ni Yari habang pinapaypayan ang sarili. Pawis na pawis kasi siya.

Celeste laughed. "Buti nga, puro ka kasi cheat day."

Sinamaan ng tingin ni Yari ang kaibigan habang ako naman ay kumukuha ng turon na binili ni Tita Belinda sa labas. Bumili din siya ng soft drinks para sa amin atsaka bagong lutong choco lanay. Tabi kaming dalawa ni Ivo sa sementong nakapalibot sa balcon habang sila naman ay naroon sa kawayang upuan.

Karlo cleared his throat, looking at us. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Bakit?"

"Baka naman pwede niyong sabihin sa amin kung bakit ang sweet-sweet niyo na bigla? May nalalaman ba kayong hindi namin nalalaman?"

"Jusko, ang slow." Bulong ni Yari sa tabi niya.

"Bakit?!" naguguluhang tiningnan ni Karlo ang kapatid.

Celeste rolled her eyes. "Hindi ko alam kung bakit ka pa naman kaibigan, Karlo."

"Hindi ba obvious?" si Lulu naman.

"Ang ano?"

"Kami na." sagot naman ni Ivo. Si Karlo lang ata ang nagulat sa narinig niya. Nakangiti sina Avery, Lulu, Yari, at Celeste sa amin habang si Karlo ay nanlalaki ang mga mata.

"About damn time." Avery said with a playful laugh.

"Seryoso ba yan?! Baka pina-prank niyo lang ako ah!"

"Kami na nga." nakasimangot kong ulit sa kaniya. Ang kulit-kulit, eh!

"Hala, kailan pa?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Ivo.

I scratched my temple. Bakit ba ako nahihiya eh si Karlo lang naman 'to? Kung maka-akto kasi siya, parang hindi niya talaga ini-expect, eh!

"Last week pa." sagot naman ni Ivo.

"Sa wakas! Hindi na NGSB si Ivo!" pang-aasar naman ni Karlo nang makabawi. Nilingon niya ako. "Raya, alam mo bang inuwi ni Ivo ang standee mo sa bahay nila pagkatapos ng hiking?"

Napalingon ako sa kaniya, gulat. "Huh?"

Tumawa nang malakas si Karlo. "Inuwi mo, diba?"

"Gago ka kasi, eh. Sinabi mong iiwan mo lang dun sa peak yung standee. Baka ma-engkanto pa si Raya sa kalokohan mo..."

Nagtawanan silang lahat at kaniya-kaniyang recall sa hiking trip nilang wala ako. I just sat there, deeply embarrassed. Hindi ko nga naisip kung anong ginawa nila sa standee na yun pagkababa nila ng bundok, dinala pala ni Ivo.

"Bakit feeling ko tinatabi ni Ivo ang standee mo sa pagtulog?" pang-aasar naman ni Yari.

"Hoy, hindi ah!" pulang-pula na ang tuktok ng tainga ni Ivo habang dini-deny nito ang sinabi ni Yari.

"So nasan ang standee, Ivo?"

"Nasa kwarto ko." Nakanguso niyang sagot habang nag-iiwas ng tingin.

Pinagtawanan nila si Ivo habang ako naman ay hiyang-hiya sa tabi niya. Dapat talaga hindi ko nalang pinansin si Karlo dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam na aabot pala hanggang ngayon ang hiya ko dahil doon!

Pagkatapos naming mag-meryenda, bumalik ulit kami sa paglilinis. Gagamitin namin yung lumang mga banig para mamaya. Nagdala naman si Celeste ng mini projector para kahit papaano daw ay makapag-movie marathon kami mamaya.

"Ang sakit na ng likod ko," Lulu moaned and sat on the chair, exhausted.

"Ginusto niyo yan, maglinis kayo!" pambubuska naman ni Ivo sa kaniya.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil inaasar na naman niya si Lulu. Lately she's getting easily tired and I worry for her health. Ilang beses ko na siyang sinabihan na magpa-check up dahil baka kung ano na yun pero hindi naman nakikinig sa akin. Busy kasi siya kay Lottie at ayaw niya ding kumuha ng nanny dahil gusto niyang hands-on siya pagdating sa anak.

Nasa kusina kaming dalawa ni Avery, nagpupunas ng mga cabinet. Kinuha din namin ang mga iilang gamit na nakatambay doon para itapon na. I was busy wiping the sink when Ivo went to me and suddenly wiped my temple.

"Pawis na pawis ka..." aniya.

"Pucha naman," narinig kong reklamo ni Avery na katabi ko lang pala. "Ayoko na dito, sa labas ako!" aniya at umalis kaya siniko ko si Ivo.

"Bakit?" inosente niyang tanong.

Napailing nalang ako sabay irap bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ivo laughed and continued Avery's job now that she's gone.

Gabi na kami nang matapos. Nakapagluto na din ako ng hapunan namin dahil ayoko namang mag-order nalang para sa kanila. Si Tita Belinda naman, umuwi na sa kanila. Binigyan ko siya ng pamasahe at extrang pera na rin para sa tulong niya sa amin. Excited naman na nakaupo sa lamesa ang mga kaibigan ko na para bang ngayon lang makakakain pagkatapos ng ilang taon.

"Recipe reveal naman, Raya, bago ka umalis!" ani Yari at masaya akong sinulyapan. Sinigang lang naman tsaka piniritong tilapia ang niluto ko sa kanila pero ganito pa sila maka-akto. Napailing nalang ako.

"Hindi ka nga marunong magluto, may pa-recipe reveal ka pa d'yan..." si Karlo naman.

"Ang kapal! Ikaw nga, kahit pagsaing hindi ka marunong! Nakakahiya sa fiancée mo!"

Nagbangayan ulit silang dalawa sa lamesa habang kumakain. Nang matapos kami, sina Ivo at Karlo ang naghugas ng mga plato habang kami naman ay nilalatag ang mga banig sa sala.

"Bakit ayaw lumabas? Wala bang signal?" rinig kong tanong ni Yari habang kinakalikot nilang dalawa ang mini projector.

Naglagay ako ng maraming unan at iilang kumot para mamaya. Wala na ang sofa kaya tabi-tabi talaga kaming matutulog nito. Yari and Celeste squealed in joy when they finally figured out the mini projector.

"Anong panunuorin natin? Romance? May broken ba dito?" tanong ni Yari sa amin.

Avery rolled her eyes. "Nakakahiya naman sa inyong nasa happy relationship..."

Celeste laughed at her. "Maging sensitive tayo kay Avery, mars, yung Pride and Prejudice ang i-play mo..."

Binato ng unan ni Avery si Celeste dahil sa pang-aasar nito. Ako naman, nakaupo katabi si Lulu at iniiinat ang mga paa ko dahil sumakit ang mga ito kakagalaw ko kanina.

"I think I'm pregnant again..." Lulu whispered to me casually.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaagad akong napatingin sa tiyan niya pero flat pa naman ito at walang kahit anong bahid ng pagbubuntis.

"Seryoso ka ba?" bulong ko din sa kaniya.

She nodded. "Yep. Ganito din yung nararamdaman ko kay Lottie noon..." she laughed softly. "Mag-p-PT ako bukas para i-confirm."

My heart swelled with joy while looking at her face. Lulu glowed so much after giving birth and becoming a mother. She's one of the few people who embraced motherhood with such grace and I think it's really beautiful. Lulu becoming a mother is beautiful. Sobrang saya ko para sa kaniya.

I hugged her and whispered congratulations. Mukhang ayaw pa ata niyang ipaalam sa iba dahil nagbubulungan lang kami dito. She smiled widely when we pulled away.

"May plano ka bang magka-anak?"

I shook my head. While it is beautiful to witness, I do not think motherhood is for me.

"Hmm, then you should practice safe sex. May condom ka ba?"

Sobra akong namula sa sinabi niya. "Bakit naman ako magkakaroon ng condom?!" I hissed through gritted teeth.

Lulu tipped her head back and laughed delicately. "I figured you'd be the girl scout type of girl. Who knows?" she wiggled her brows teasingly.

Hinampas ko si Lulu dahil kung anu-ano na ang sinasabi niya sa akin.

"Kung kailangan mo ng condom, sabihan mo lang ako. Madami kaming stock sa bahay. Though, I'm not sure which size is fit for—"

"Lulu!" my eyes widened in embarrassment. Kaagad kong tinakpan ang bunganga niya dahil sakto namang paglapit ni Ivo sa amin. Pinupunasan niya ang kamay niya gamit ang tuwalya at nakatingin sa aming dalawa.

"Anong meron?"

"Wala!" suplada kong sagot sa kaniya, namumula.

"Ba't ka namumula?" Ivo squatted in front of me and eyed me suspiciously.

"Wala nga daw, Ivo. Alis ka nga d'yan, ilang araw mo nang nasosolo si Raya, eh. Ako naman!" itinulak ni Lulu ang mukha ni Ivo kaya natawa ito at nilubayan na kaming dalawa. I gave her an apologetic smile.

Tumabi sa akin si Celeste kaya naman nakasimangot si Ivo na katabi si Karlo na magiging gunner daw namin ngayon.

"Ang pangit mo, Ivo. Ba't ganyan mukha mo? Ayaw mo ba akong katabi?" pagbibiro pa ni Karlo.

"Ayoko." Diretsong sagot ni Ivo kaya itinulak siya ng lalaki. Nagbangayan pa sila doon kaya napailing nalang ako.

The way he acts around us is completely different when he's in the company. Sure ba siyang wala siyang split personality?

Nag-away-away ulit sila kung anong panunuorin hanggang sa bumagsak kami sa isang horror film. Mas lalong siniksik ni Celeste ang sarili sa akin lalo na sa scene na hinahabol ang bida.

"Ah, pucha!" tinakpan niya ang mga mata at sunod-sunod na nagmura. "Patay na ba? Patay na?"

Natawa ako sa inaakto niya. "Hindi pa."

"Kinginang yan, ang tagal naman mamatay!" reklamo niya pero ang isang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa akin.

When I turned to see Ivo, he's frowning at me. Nginitian ko lang siya dahil wala naman kaming magagawa na. atsaka, ngayon lang ata kami hindi magkatabi. Maybe he's just high in euphoria at the first phase of our relationship. Ganun din naman ako.

Nakailang ikot ang alak bago matapos ang movie. Hingal na hingal si Celeste kakasigaw at kakamura kapag may nakakagulat na scene. They switched watching to a Disney film to change the atmosphere as we are down to our last two bottles.

"Ang dami nating memories sa bahay na 'to, 'no?" biglang komento ni Celeste. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya. She had already calmed down from the horror movie. "Some of my best memories are here."

"Ako din," sabi kaagad ni Ivo. "Palagi akong nakikikain dito, eh."

"Mami-miss ko yung mga inuman natin dito tapos todo tago sa mga bote para hindi makita ni Tito..." tumawa nang pagak si Karlo.

"Si Raya na palaging nasa kusina kasi wala namang magaling magluto sa atin..." Yari said, smiling at me.

Ngumuso si Lulu at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Yung mga study sessions kuno natin na puro lang naman tsismisan."

"Sali mo pa si Sonny na nakikikain sa meryenda natin pagkatapos mag-basketball..." said Avery.

I bit my lower lip, trying to blink my tears away. Hindi ko naman inakala na hindi lang pala ako ang may mga magagandang memorya sa bahay na 'to. Back then, I offered our house because it seemed convenient. Wala na sa akin ang hiya na hindi kalakihan ang bahay namin, o hindi maganda katulad nina Lulu. Basta sila ang kasama ko, alam kong ayos na ako.

"Salamat... sa mga alaala, sa memorya." Yumuko ako dahil naiiyak ulit ako sa mga pinagsasabi nila. "Kahit na ibenta ko naman 'tong bahay, hinding-hindi mawawala ang masasayang alaala natin dito."

Lulu rubbed my back. "Wala yung mga memories na yun sa bahay na 'to kung wala ka, Raya. In case you weren't informed, you're the mom of the group."

"At ako? Tatay?" sabat naman ni Ivo. "Ayoko nga! Maha-highblood lang ako sa inyo, 'no!"

Hinampas siya ni Avery ng unan na hawak niya. "Anino ka lang. Wag ka ngang epal, Ivo. Moment 'to ng girlfriend mo..."

Umatras ang luha ko sa sinabi ni Avery at natawa na lang. Celeste hugged me and sighed. Itinaas niya ang bote ng alak.

"To our last sleepover!"

"Para namang mamamatay, pwedeng dugtungan mo ng in Raya's house?" ani Yari habang tumatawa.

"Ayoko, ang taas na. Mag-cheers na nga lang kayo, leche!"

We laughed and cried as we recalled all of our high school memories here. Mas lalo ata akong mahihirapang umalis gayong ganito sila umakto. This friendship was so unexpected but it turned out to be the best I could ever have. Hindi ko ata kakayanin ang mga dinanas ko noon kung wala sila, kaya sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko ang mga kaibigan ko.

Nagligpit kami ng kalat at isa-isa nang nahiga. Karlo went out for a smoke, while the rest of us are trying to fit ourselves on the floor.

"Cel, alis ka d'yan! Tabi kami ni Raya!" ani Ivo na nakatayo at nakayakap pa sa unan niya.

"Luh? Ba't ako aalis eh nauna ako dito?"

"Kanina ka pa, eh."

"Huwag kang mag-alala, habambuhay mo namang kasama si Raya. Balik ka na dun. Hindi naman namin aagawin ang girlfriend mo."

Ivo grumbled under his breath and went to the far side. Tabi sila ni Karlo mamaya kapag nakabalik na ito. Lulu pulled the blanket and turned to me.

"Kung ako nalang kaya ang bumili nitong bahay, Raya?"

Pabiro ko siyang hinampas. "Sira. Anong gagawin mo dito? May bahay ka na."

Ngumuso siya sa sinabi ko. "Ang hirap kasing bitawan, eh."

I just smiled at her. I know it's hard, but it's necessary. I want to let go so I can also let go of the pain. I want to heal myself so I can love Ivo properly, without the remnants of my trauma or my unresolved issues. He deserves to be loved wholesomely, just the way he loves me.

Kinabukasan, maaga akong nagising para ipagluto sila ng agahan. Mukhang nalasing nga ata talaga sila dahil tulog na tulog ang mga ito, pati na rin si Ivo. It made me emotional thinking that this is the last time I'll be cooking in this house.

Pagkatapos naming kumain, inihatid muna namin si Lulu sa bahay nila tapos isa-isa na kaming nagsiuwian. Dumiretso si Celeste sa pinagtatrabahuan niyang clinic habang si Karlo at Avery naman ay babiyahe ng Manila. Mananatili si Yaris a Elyu dahil may lakad daw ito.

Kanina pa nakabuntot sa akin si Ivo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ang alam ko, kailangan siya sa kompanya nila ngayon at busy sila sa post-opening program ng resort.

"Ba't narito ka pa?" tanong ko sa kaniya. Hihintayin ko kasi si Tita Belinda bago ako umalis. I've already notified my EIC that I'll be working from home today and will still be checking articles from our writers.

"Sabay na tayo...."

I crossed my legs, watching him. "Hindi pwede. Kailangan ka na sa kompanya niyo tapos narito ka pa. Hihintayin ko pa si Tita."

Ngumuso si Ivo at tumabi sa akin. Nagulat ako nang alisin niya ang pagkakapatong ng hita ko at nahiga roon. I looked at him, surprised.

"5 minutes." Ngumisi siya at ipinikit ang mga mata na parang batang nagpapa-hele sa Nanay.

Napairap nalang ako pero hindi ko rin mapigilan ang ngiti sa mga labi. We stayed like that for more than five minutes. Ivo really fell asleep while I'm stroking his hair. I feel more at peace that I'm leaving this house like this.

Nang dumating na si Tita Belinda, saka pa napilitan si Ivo na bumangon. Ipinakita ko sa kaniya ang iba pang mga gamit na dadalhin ko at iyong ipapadala ko sa storage space. Pagkatapos naming magtanghalian sa bahay, umuwi na din ako.

"You're steering away from your beat, Lexie. I think I made myself clear that I don't want you to focus on his position as the COO because that's a family-run business. Let's dwell more on his personal achievements..."

"Sorry po, Ma'am! I'll revise ASAP." Kaagad na umalis si Lexie at dali-daling bumalik sa desk niya. I sighed and rubbed my temples. I've been proofreading and revising articles since early this morning. Nakapag-skip pa ako ng lunch dahil sobrang dami ng kailangang i-revise at sobrang lapit na ng deadline.

"I think you should see it as a challenge, now that a lot of readers are anticipating for our release ever since Primitivo's interview went viral. Our website has never received that much traffic since 2019."

Umalingawngaw ulit sa isipan ko ang sinabi ng EIC namin kahapon sa akin. It's only been three days since we released the interview video and it set the internet on fire. Now she's determined to make Ivo the cover of the magazine because of this.

"Photoshoot?"

"Yes..." our EIC clasped her hand on her desk, looking intently at me. "I believe you're close friends with Mr. Escarra..."

Dahan-dahan akong tumango. I think she knows what's going on but I couldn't bring myself to correct her. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako.

"Then it shouldn't be a problem inviting him to a photoshoot. Tell him that he will grace the cover of our October issue."

I bit my tongue and nodded like a good puppy. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin kay Ivo. He has back-to-back meetings and a lot of appointments to go! Tapos didisturbuhin namin siya para lang sa isang photoshoot?

"Ma'am! Ako ang naka-assign na mag-book sa resort kung saan magp-photoshoot si Primitivo!" tuwang-tuwa akong sinugod ni Kaye sa office ko pagkatapos ng meeting ko sa EIC. "Alin dito ang bet niyo?"

She swiped pictures of the resorts in Elyu. Libre ang accommodation at pagkain ni Ivo sakaling pumayag siya. Ang sabi ng EIC namin, isang araw lang daw namin tatapusin ang photoshoot pero baka daw maglaan ng isa pang araw sakaling may mga emergencies.

Natigilan ako nang makitang nasali pa ang luxury resort nila. It's so ironic. Ililibre namin siya sa sarili niyang resort? Napailing ako.

"Kunin mo yung pinakamura..." sinabi ko nalang.

"Huh? Ma'am, pero ang laki ng budget natin dito!"

"Trust me, Ivo wouldn't want luxury resorts..."

A wide, teasing smile touched her lips. "Sige, Ma'am, sabi mo eh."

Inirapan ko nalang siya dahil halata namang inaasar niya lang ako. Buti naman wala pang ibang nakakaalam sa mga katrabaho ko na kami na ni Ivo. Like him, I value my privacy. It's the only luxury I could afford for myself. After witnessing what happened to Celeste, I don't have any plans on telling the world what I am up to.

Nag-early out ako para makapunta pa sa opisina nila sa Manila. I texted Ivo ahead of time that I'm going to come and he said to just ask assistance from the security guard.

Nang makarating ako doon, sinabi ko ang pangalan sa security guard. He ushered me into the VIP elevator, and I even heard the receptionist let out a protest. May ibinulong ang security guard sa kaniya kaya tumahimik ito at kaagad na nag-iwas ng tingin.

I took a deep breath and pressed the 60th floor. Hindi naman ito ang unang beses na makakapunta ako sa opisina niya pero kinakabahan pa rin ako. I walked past the lobby and into his office. Naabutan ko siyang nakatingin sa sky view habang may kausap sa cellphone. Sinipat niya ako ng tingin nang maramdaman ang presensiya ko.

"Thanks, Ash. I'll call you back, I have an emergency meeting to attend." Aniya at kaagad na binaba ang tawag.

Tumaas ang kilay ko. "Emergency meeting?"

Ivo just chuckled and walked towards me. Hinila niya ako sa beywang at hinalikan.

"Hi." He whispered.

I smiled at him. "Wala akong dalang lunch today."

"Hmm, may utang ka sa akin kung ganun? Plus pa sa utang mong pamasahe nung una tayong nagkita..."

Napaawang ang bibig ko sa gulat. "Naalala mo pa yun?!"

Ivo laughed while leading me to the couch. "Oo naman. Nangutang pa ako kay Lulu ng pamasahe ko pauwi dahil sakto lang ang perang dinala ko nun."

I laughed at the memory. "Talaga?"

Parang batang isiniksik ni Ivo ang sarili sa akin. Nakasandal ang kalahati ng katawan ko sa arm rest ng sofa habang siya naman ay bahagyang nakadagan sa tiyan ko. He sighed.

"Pagod ako..." bulong niya.

I started stroking his hair. Mukhang hindi pa ata 'to natutulog dahil sa dami ng inaasikaso niya.

"Break time mo ngayon." I declared.

Ivo chuckled weakly. "Mag-AWOL nalang kaya ako? Nakaka-stress, eh."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. "Hindi ka mare-release-an ng COE kapag ginawa mo yan."

"Mag-call center nalang ako..." he grumbled. Pumipikit-pikit na ang mga mata niya sa sobrang pagod kaya naman tumahimik na ako at hinayaan siyang matulog.

I came here to talk to him about the photoshoot but I could see now's not the good time. I want to let him rest, even for just a bit so he could regain his energy. Hindi biro ang mga ginagawa niya.

Pati ako ay nakatulog na din sa posisyon naming dalawa. Naalimpungatan lang ako nang biglang may tumunog at bumukas ang pinto. My eyes widened when a tall woman in a white jumpsuit and heels entered the office. Her eyes zeroed in on us.

She sighed. "Kaya naman pala hindi sumasagot..."

My cheeks burned in embarrassment. Hindi ako makagalaw dahil nakadagan sa akin si Ivo pero ayaw ko naman siyang gisingin! Hiyang-hiya akong nakatingin sa babaeng pamilyar ang mukha.

"You must be Sereia." The woman said, walking towards us. Kaagad akong na-intimidate. I squirmed silently in my seat.

"Yes, Ma'am."

"I'm Ivo's mother." Inalok niya ang kamay habang nakadagan pa sa akin ang anak niya.

-

#HanmariamDWTWChap37

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top