Chapter 27

"Raya, mag-meryenda ka muna, anak..."

Mabagal akong naglakad patungo sa balcon. Inilabas ni Mama ang coffee table namin at inilagay dun ang niluto niyang maruya. Gumawa rin siya ng buko salad. Naroon na si Sonny, pawis na pawis galing sa basketball at kumakain ng buko salad.

"Si Selena?"

"Nasa kwarto, sinusubukan ang mga maternity dress na pinamili namin sa Manila."

Tumango ako at naupo sa tapat ni Mama. Simula nang dumating siya dito, ni hindi ko man lang mahawakan ang walis. Palaging siya na ang gumagalaw sa loob ng bahay – paglilinis, paglalaba, pagluluto.

For the first time, I really felt like a normal child. Pag-aaral ko lang ang inaasikaso ko ngayon.

"Kumusta ang lakad niyo? Maganda ba ang resort?" tanong ni Mama sa akin habang sinasalinan ng buko salad ang platito ko.

Tumango ako. Nagpaalam naman ako sa kanilang dalawa na mago-overnight kami dun sa resort pero hindi ko na sinabing kina Ivo iyon.

"Alam mo, mura pa ang entrance fee d'yan noong una, eh!" pagkukuwento ni Mama. She had a nostalgic smile on her face. "D'yan kami nagdi-date noon ng Papa mo."

Napaubo si Sonny sa sinabi ni Mama at sinuntok-suntok pa ang dibdib nito.

"Mama naman, eh!" reklamo niya.

Tumawa si Mama. "Bakit? Nagkukuwento lang ako, ah?"

Napatingin si Mama sa chess board sa ilalim ng coffee table. Itinabi niya iyong mga pagkain para may space at kinuha iyon.

"Naglalaro ka pa ba ng chess, Raya?"

"Paminsan po." Mahina kong sagot.

Tumango siya at walang pasabing in-arrange ang mga pieces doon. Wala namang ibang tao sa harapan niya kaya kinuha ko nalang din ang black at inayos ang sa akin.

"Alam mo, Mama, nanalo yang si Ate sa interschool competition!" pagmamayabang naman ni Sonny.

"Talaga?" she smiled at me. "Magaling ka na, ah?"

I just shrugged. I don't feel comfortable talking about chess with her because part of the reason why I loathed it so much is because it reminds me of her. Siya naman kasi ang nagturo sa akin nito, eh. Tapos pagdating sa oras na magaling na ako, wala naman siya para maging kalaro ko.

But she was better with chess, she always is. Nakatatlong laro na kami, hindi ko pa rin siya natatalo. I sighed and just gave up. Sakto namang pagkatapos namin ay pagdating ni Papa. May dala siyang plastic bag na uulamin ata namin ngayong gabi. He glanced at the chess board longingly but said nothing. Nag-amen lang kaming tatlo sa kaniya at nagsipasok na sa loob.

Habang nasa loob ako ng kwarto at nagce-cellphone, bigla nalang bumukas ang pinto. Nagulat ako at napatingin kay Sonny.

"Pwede bang pumasok?"

I nodded. Naupo ako at hinintay siyang makarating sa kama ko.

"Anong problema, Sonny?"

He sighed and plopped down. Ni hindi siya makatingin sa akin.

"Bumabawi talaga si Mama sa atin ngayon, Ate."

Tumango ako.

"Tinanong niya ako... kung sasama ba daw ako sa kaniya sa Amerika."

I nodded again. Alam kong isa-isa niya kaming kinausap tungkol dito. I'm still undecided. Ayokong iwan si Papa na mag-isa dito. Matanda na siya. Sinong mag-aalaga sa kaniya? Baka atakihin ulit siya tapos wala kami... hinding-hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun.

"Gusto kong sumama."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Sonny. Hindi naman kasi kami pinipilit ni Mama, eh. Ang sabi niya, kapag handa na kaming sabihin sa kaniya ang desisyon namin, makikinig siya at rerespetuhin niya iyon.

I sighed and reached for his hand. Ang laki na niya... mas matangkad na sa akin. Alam kong nasaktan din siya sa nangyari sa amin. He has his own traumas, too.

"Kung saan ka masaya, Sonny."

He let out a humorless laugh. "Galit sa akin si Selena dahil gusto kong sumama. Ang sabi niya, traydor daw ako."

"Intindihin mo nalang, Sonny. Masyado siyang emosyonal ngayon dahil buntis siya."

"Pero totoo naman ang sinabi niya..." yumuko siya. "Gusto kong sumama kasi alam kong gaganda ang buhay ko doon, eh. Pag-aaralin daw ako ni Mama sa kahit saang university na gusto ko. Alam kong magiging mahirap, pero kapag nakapasok ako sa basketball team, may chance na maging professional basketball player ako. Hindi naman yan mangyayari sa akin dito sa Pilipinas." Nag-angat ng tingin si Sonny sa akin at tinitigan ako. Naluluha na ang mga mata niya. "Atsaka, Ate, miss na miss ko na si Mama..."

Parang may bumasag sa puso ko nang marinig ang garalgal niyang boses. Niyakap ko nalang si Sonny nang mahigpit. I hope I could say the right words right now, but I don't know what to say. I just hugged him tightly, hoping my embrace would comfort him and at least lessen the guilt that he's feeling right now.

Sa sumunod na linggo, nagsimula nang mag-asikaso si Sonny at Mama para sa visa niya. Pabalik-balik sila sa Manila kaya kaming tatlo ang palaging naiiwan dito.

Pagdating ng sabado, umuwi ulit si Lulu sa Elyu at kaagad akong tinawagan kung pwede ba daw kaming magkita. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag ako. Sa Food Park kami magkikita.

"Raya!" sigaw ni Lulu nang makita ako. Kumaway siya at nginitian ako nang malawak. May hawak pa siyang ice cream. She looked cute in a yellow ditsy midi skirt and a white tank top.

"Kanina ka pa?"

She shook her head. "Na-miss ko 'to!" she gestured to her surroundings. Tinutukoy ba niya ang Food Park? Gabi-gabi naman 'tong nandito, eh. She laughed upon seeing my unimpressed face. "Wala kasing ganito sa Manila."

Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad, naghahanap ng kung anong trip naming kainin mula sa mga maraming food stalls na naroon. I ended up buying takoyaki and gulaman. Dahil punuan ang mga lamesa doon, niyaya ako ni Lulu na magpunta sa baywalk.

Naupo kami sa sementong humaharang sa dagat. Itinabi ko ang pagkain at tumitig sa papalubog na araw.

"Ang ganda ng sunset!" Lulu excitedly exclaimed while pulling out her phone. Kinunan niya iyon ng litrato. "Pang-IG story ko." She grinned.

Nagulat ako nang itutok niya sa akin ang phone niya at sinabihan pa akong ngumiti. Alanganin akong ngumiti dun kasi na-aawkward ako. Ibinaba niya ang phone niya at ngumisi.

"Ise-send ko kay Ivo, iinggitin ko lang slight," she chuckled.

I rolled my eyes playfully. "Paanong maiinggit yun?"

Hindi ako sinagot ni Lulu. Tinanong niya ako kung masarap ba ang kinakain kong takoyaki at humingi sa akin. Tumitig ulit kami sa marahang alon.

"Ayos ka lang? May problema ba?" she asked softly.

Nilingon ko siya. I gave her a sad smile. "Pwede ko bang sabihin? Ayokong mag-trauma dump nang basta-basta, eh."

She laughed. "Oo naman! Ready akong makinig kung ano man yan."

I took a shaky breath. Ang bigat na kasi, eh. Ilang linggo ko na itong iniisip. Tumatakbo ang oras at kailangan ko ng gumawa ng desisyon ko.

"Gusto mo ba ng payo o gusto mo lang na makinig ako?"

I bit my lower lip. "Hindi ko pa alam..."

"Ayos lang. Ayoko lang magbigay ng unsolicited advice basta-basta. May mga tao kasing gusto lang na may makinig sa kanila..."

Tumango ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero nasabi ko sa kaniya lahat-lahat. Ang nararamdaman ko sa biglaang pag-uwi ni Mama, ang pagbubuntis ni Selena, ang alok niyang manirahan kami sa Amerika.

"Kahapon, kinausap niya ako kung iti-take ko ang application sa NYU. Opening na kasi ngayon para sa fall enrollment. Ayos lang daw kung makapasa ako o hindi, o kung makapasa tapos hindi naman pala aalis. Gusto niya lang na mag-take ako."

Lulu slowly nodded. "Did you take it?"

Tumango ako. "Inaayos ko na ang mga requirements ko ngayon. Naroon yung kurso at major na gustong-gusto ko, eh."

She smiled and nodded. "I'm glad to hear that."

"Hindi pa naman ako nakakapag-decide, Lulu."

"That's not what I meant." She shrugged and stared into the horizon. "Ikaw kasi, sa limang taon na magkakilala tayo, puro pamilya mo nalang ang inuuna mo. Kahit na nasasaktan ka na, hindi mo iniisip ang sarili mo kasi gusto mong palaging sila. Sa totoo lang, nasasaktan din ako na nakikita kitang ganito... pero wala naman akong magawa. Pamilya mo sila, eh. This may be just an application to NYU, but to me it's you slowly choosing yourself and I am so proud of you." She turned to me and smile. "Sana ipagpatuloy mo 'to."

My chest hurts. Bakit ganito? Sa tuwing pipiliin ko ang sarili ko, nilalamon ako ng guilt? Iniisip ko sila sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay. Hindi pwedeng hindi sila included kasi... sila lang ang meron ako, eh.

"Kung tatanungin mo ako bilang kaibigan mo, gusto kong sundin mo kung ano talagang gusto mo, Raya. Habulin mo ang passion mo. Bata ka pa. Bata pa tayo. I don't want you to grow old regretting about all the lives you could've lived after caging yourself for so long. Change is painful. But do you know what's more painful? Living a life you don't even want."

Natahimik ako sa sinabi niya. How can she put all of these words so effortlessly? Matagal ko na 'tong iniisip pero hindi ko masabi. I couldn't spell it out because the shadow of guilt is overwhelming me.

"Pero kung anong magiging desisyon mo, support kita, ah? Kung mag-NYU ka man o tatapusin mo ang nasimulan sa Lorma, nandito lang ako..."

Niyakap ko si Lulu. Nagulat pa ito dahil biglaan pero tumawa din siya at niyakap ako pabalik.

"I hope you choose yourself this time, Raya." Bulong niya.

Lunes at kabadong-kabado ako dahil alam kong pupunta ulit si Ivo sa bahay para sunduin ako. I really tried to act normal after what happened in the resort. Nagkunwari akong walang narinig at siya naman, walang kaalam-alam na narinig ko ang sinabi niya kaya wala lang sa kaniya.

I'm still so confused. What did he mean by that? I want to clarify things because I couldn't get my young heart broken by false hopes. Andami ko nang nakitang mga taong nasira dahil pinaasa nila ang sarili nila sa mga bagay na hindi naman totoo.

Kaya siguro ang dali sa aking ignorahin ang sinabi niya dahil hindi naman ako naniniwalang iyon nga ang ibig sabihin niya.

"Tita! Good morning!" masigla niyang bati pagkapasok sa bahay. "Birthday ko po sa Friday. Punta kayo, ah?"

"Ikaw pala, Ivo..." nginitian siya ni Mama. "Saan ba yan?"

"Sa bahay lang dapat eh, kaso gusto ni Mommy na sa resort na lang daw," napakamot siya sa batok niya. "Paano ba yan, Tita, mukhang kailangan mo atang mag-bikini?"

"Loko-loko ka talaga!" hinampas ni Mama ang braso ni Ivo kaya nanlaki ang mga mata ko. Ganun na ba talaga sila ka-close?! Bakit hindi ko man lang namalayan na kinakaibigan na pala ni Ivo si Mama?

"Punta kayo, ah? Magtatampo ako, eh."

"Paano yung tampo, Kuya?" nakangiting tanong ni Selena habang nakatayo sa labas ng kwarto niya.

Napatingin si Ivo sa kaniya. Hindi pa naman masyadong klaro ang baby bump niya. Ang aakalain ng mga tao, busog lang siya. Bukod sa mga tsismoso naming kapitbahay at mga kaibigan ko, wala ng ibang nakakaalam na buntis siya. Ang akala ng eskwelahan, huminto siya sa pag-aaral dahil may sakit.

Nakipagkulitan si Ivo kay Mama at sa mga kapatid ko habang hinihintay akong makapagbihis ng uniform. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa tuwing umaga kaya maaga pa rin akong nagigising at hindi mapakali. Andami tuloy oras ni Ivo na tumambay dito dahil wala rin naman na akong ginagawa.

Pagkatapos ng klase namin, hinintay ko si Ivo sa tapat ng classroom nila dahil hindi sila pinapalabas ng professor nila hangga't hindi natatapos ang recitation nila. I sighed and leaned against the wall. Mukhang tapos naman na tawagin si Ivo dahil nakikipagdaldalan lang siya sa mga katabi niya kaya natawag ulit sila.

I groaned. Hindi na ata kami makakauwi nito.

"Sorry! Naghintay ka ba ng matagal?" dali-daling lumabas si Ivo pagkatapos ng klase nila.

"Hindi—"

"Kaya pala nagmamadali si lodi, may naghihintay palang chicks!" nagulat ako nang biglang sumulpot ang mga kaibigan niya at nakangisi na ngayon sa amin.

"Gago, pinagsasabi mo?" siniko siya ni Ivo pero tumawa lang siya at binalingan ako.

"Ikaw ba si Raya? Baliw 'to sa iyo eh—"

"Tara na, tara na. Grabe, anong oras na? Baka habulin ako ng itak ng Papa mo," pagpuputol kaagad ni Ivo sa sasabihin niya at hinila ako palayo. Hindi ko tuloy alam kung tama ba yung narinig ko o guni-guni lang.

Sumunod lang ako kay Ivo sa sasakyan niya. Inilagay ko muna sa dashboard ang mga libro ko at pumasok sa loob. Umikot naman siya at nagtungo sa driver's seat.

"Huwag mong pansinin ang mga ugok na yun, wala yung magawa sa buhay, eh." Aniya habang pinapaandar ang sasakyan.

I shook my head. "Wala namang problema sa akin."

Habang umaandar ang sasakyan, tahimik lang kaming dalawa. Hindi naman awkward pero inabot pa rin ni Ivo ang stereo at nagpatugtog. I took a deep breath and leaned against the car window. Napatingin ako sa kaniya.

"Inalok ako ni Mama na mag-aral sa NYU." Biglang sabi ko.

Nagulat si Ivo sa sinabi ko at muntik pang mabitawan ang manibela. Buti nalang napahinto niya kaagad ang sasakyan at marahas akong nilingon.

"Ano?!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang OA mo, ah? Kako, may posibilidad na mag-aral ako sa NYU..."

"NYU... New York University...?"

Tumango ako. "Wala namang ibang NYU diba?"

He cleared his throat and continue driving. "Wala nga. Bakit ganyan ang mukha mo? Ang ganda doon, eh. Sure na pag-aagawan ka dito sa Pinas kapag nalaman nilang NYU graduate ka."

Hindi kaagad ako nakasagot. Alam ko naman na may posibilidad na doon na din ako tumira pagkatapos ng graduation. Alam kong yun talaga ang gustong mangyari ni Mama, eh. Gusto niya kaming kasama palagi. Naiintindihan ko naman.

"Hindi ko pa alam..." I admitted.

Tumahimik si Ivo. Hindi ako sanay na ganito siya kaya sinilip ko ang mukha niya. I bit back a gasp when I saw his face. Ngayon ko lang ata 'to nakita na ganito. Hindi ko sigurado kung bakit.

I laughed awkwardly to ease the tension between us. "Hindi pa naman sure. Tsaka, bakit naman ako aalis? Walang mag-aalaga kay Papa."

"Ako ang mag-aalaga sa Papa mo," walang pag-aalinlangan niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ivo—"

"Chance mo na 'to, Raya, eh. Mas mataas pa sa pangarap mong UP... pag-isipan mo nang mabuti. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa NYU."

Hindi kaagad ako nakasagot. He has a point but am I really brave enough to ignore the overwhelming guilt and finally take a step to chase my passion? To choose myself this time?

Andami kong iiwanan. Si Papa, ang mga kaibigan ko, si Ivo... kahit ayaw kong aminin sa sarili ko, alam kong mahal na mahal ko din ang Elyu. Kahit na palagi kong ini-imagine ang sarili ko sa ibang lugar, alam kong babalik at babalik talaga ako dito.

Hindi na kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa bahay. Niyaya ni Sonny si Ivo na mag-basketball pero sa unang pagkakataon, tinanggihan niya ito. May gagawin pa daw siya kaya kailangan nang umuwi.

Pagkaalis niya, mabigat ang loob kong pumasok sa bahay. Nagbihis ako at inilabas ang mga libro ko para tingnan yung assignment na gagawin ko mamaya. Napaigtad ako nang makarinig ng katok sa pinto.

"Raya?"

Napalingon ako kay Mama. She smiled at me and stepped inside. May dala siyang envelope. Lumapit siya sa akin at isa-isang nilabas ang mga papel doon.

"Ito yung mga requirements sa NYU, anak... pwede kitang tulungan sa iba. Kaunti lang naman dito ang aasikasuhin sa Manila, pwede naman nating gawin online."

Hindi ako umimik at binasa lang ang list of requirements. Malapit na ang exam. Kailangan kong ipasa ang mga requirements na ito kung gusto kong makapag-take.

"May essay din, pero magaling ka naman na dito, diba?" she smiled at me.

Ni hindi ko magawang ngumiti. Bumuntong-hininga ako at binitawan ang mga papel.

"Kapag nag-aral ako sa NYU, paano si Papa?" diretsong tanong ko kay Mama.

"Anak—"

"Sinong mag-aalaga sa kaniya? Siya lang ba mag-isa dito sa bahay? Paano kung atakihin ulit siya?"

Nag-iwas ng tingin si Mama sa akin. "Kung mas magiging panatag ang loob mo, pwede akong mag-hire ng personal caretaker na titingin-tingin sa Papa mo. Alam mo naman yun, for sure ayaw niya ding magkaroon ng caretaker. Magpipilit yun na kaya niya ang sarili niya."

"Pero alam naman nating dalawa na hindi niya kaya, eh!" tumaas bigla ang bsoes ko. I just couldn't contain my emotions. "Mama, ilang taon nang inaabuso ni Papa ang sarili niya sa kakatrabaho. Ni hindi nga yan nagpapahinga at napilitan lang nung atakihin siya sa puso. Sa tingin mo ba, kaya kong iwanan si Papa nang ganun-ganun lang?"

"Raya..."

"Halos siya na ang nagpalaki sa akin sa mga panahong wala ka. Hindi ko kayang iwan si Papa, Mama..." naluha na ako kaya agad akong niyakap ni Mama.

"Raya, anak, hindi naman kita pinipilit eh. Gusto ko lang gumanda ang buhay mo. Ayokong matulad ka sa akin o sa Papa mo. Pareho naming isinuko ang mga pangarap namin noong mga bata pa kami. And now, we have to pay the price. Kahit anong gawin ko, anak, alam kong masasaktan ko kayo. Kung nanatili ako dito at mas lalo tayong naghirap, alam kong darating sa punto na isusumbat niyo sa akin ang kawalan ko ng trabaho. Kapag naman umalis ako at naghanap ng pera, alam kong isusumbat niyo pa rin na wala ako sa mga tabi niyo habang lumalaki kayo. Mahirap din para sa akin, Raya..."

I know she was crying even though her voice sounded calm. Tama nga siya. Ni hindi ko man lang inintindi ang mga sakripisyo niya para sa amin. Noong bata siya, may pagkakataon din siyang pumunta ng Amerika, hindi bilang katulong kundi bilang estyudante. Kaso nabuntis siya sa akin at pinili niyang buhayin ako kesa magkaroon ng marangyang buhay. She was forever exiled from her family. Namatay nalang si Lola na hindi siya napapatawad. Alam kong sobrang sakit nun para sa kaniya pero ni minsan, hindi niya isinumbat sa amin yun.

Tuluyan na akong napaiyak. Litong-lito na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. A part of me just wants to stay here in La Union and live a predictable life. The other part of me is screaming to go, to explore the world and become who I want to be.

"Pag-isipan mo nang mabuti, Raya..." she cupped my cheeks. "Alam kong hindi lang si Papa mo ang iiwanan mo dito, pati mga kaibigan mo at si Ivo. But you have to understand that your friends will chase after their own dreams, too. You can't be here waiting for them to return when it's convenient. You have to take a leap, too."

Nag-iwas lang ako ng tingin habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

"At si Ivo? Napakabuti niyang tao, Raya. Masaya ako na ganyang klaseng lalaki ang taong mahal mo. Pero kailangan mo ding intindihin na mga bata pa kayo. Kaka-18 mo pa lang. Sobrang dami pang pwedeng mangyari sa iyo. Huwag kang tutulad sa akin na ikinulong ang sarili ko sa pagmamahal. Wala naman akong pinagsisihan, eh. Pero kung makakabalik ako sa panahon, hindi ko uulitin ang ginawa ko. I would make a difference, Sereia."

Iniwan na ako ni Mama sa kwarto pagkatapos ng pag-uusap namin. I lay in my bed, wide awake even though my body is tired and wants to rest. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko.

I took a deep breath. Bumangon ulit ako at binilang ang natitirang laman ng alkansiya ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-regalo kay Ivo. Hindi naman ako makakabili ng disenteng regalo sa ganitong kaliit na halaga. Gusto ko lang suklian ang lahat ng mga ginawa niya para sa akin pero hindi ko alam kung anong gagawin.

Napabuntong-hininga ulit ako at iniwan ang alkansiya sa desk ko nang tawagin na ako ni Mama para maghapunan. Kinabukasan, kinausap nila kaming tatlo kasi magpipirmahan na pala sila ng annulment papers. Naroon ang lawyer ni Mama at ipinaliwanag din sa amin kung anong mangyayari.

Walang umimik sa aming tatlo pero mayamaya pa ay umiyak si Selena. Hinawakan ko ang kamay niya at umiwas ng tingin mula kina Mama at Papa. Masakit din para sa akin na masaksihan ito, pero wala naman kaming magagawa. Ubos na ang pagmamahal ni Mama para kay Papa at hindi magandang ipilit pa ito.

"Sorry, mga anak..." narinig ko si Papa. "Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman ibig sabihin nito, hindi niyo na makikita ang isa sa amin kapag nag-desisyon na kayo kung kanino sasama."

Tumango lang ako. Nanginginig ang mga labi ko sa pinipigilan kong luha. My father sighed and signed the documents. Marami iyon at isa-isa pa kada page. Sumunod naman si Mama. Selena couldn't take it and went inside her room. Si Sonny naman, tahimik lang na nanunuod sa kanila.

"I'll call you again once I'm done processing the papers. We'll also draft an authorization letter so you can start changing your ID name." wika ng attorney habang nilalagay ang mga papel sa envelope niya. Tumayo siya at tinapik sa balikat ni Papa. "So far, you're the calmest couple I've handled when it comes to annulment."

"Dapat ba kaming matuwa d'yan?" sarkastikong wika ni Sonny.

"I'm sorry." He nodded. Nagpaalam na siya sa amin at umalis. Tumayo naman si Papa at alanganing ngumiti sa amin.

"Gusto niyo nang kumain?"

Walang umimik sa amin pero sumunod naman kami kay Papa nang pumasok na siya sa bahay.

Despite myself, I worked on the requirements and started studying for the entrance exam. Binasa ko din ang mga essay na nakapasa sa NYU para magkaroon ako ng idea kung anong dapat kong isulat. Iyon ang ginagawa ko tuwing break time o kaya tapos na ang mga assignment ko. Marami akong oras ngayon dahil wala na akong gawaing-bahay.

"Raya, magpapadala nalang ako ng sasakyan sa bahay niyo, ah?" ani Ivo. Nakasandal ako sa likuran niya habang nagbabasa ng libro at siya naman ay nanunuod sa volleyball na nasa tapat lang namin.

"Bakit? Ang lapit lang naman ng resort, ah?"

Nilingon ako ni Ivo. "Hindi naman yung resort na yun."

Kumunot ang noo ko. "Saan pala?"

He shrugged. "May bagong resort kasi silang itinayo. Isasabay daw nila ang opening sa birthday ko..."

Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo nga ang sinabi ni Lulu, sa unang tingin, wala talagang mag-aakala na mayaman si Ivo. Kumakain siya ng street foods, nagc-commute, at hindi pa latest ang cellphone niyang gamit. Hindi naman ganun ka-sikat ang apelyido ng pamilya niya dahil nakatago sila sa company name nila kaya yung mga nasa industriya lang ang nakakaalam kung sino talaga sila. Maybe they prefer it that way for privacy.

Ngayon ko lang din napagtanto na yung mga sinasabi sa akin ng mga babae noon na talagang hindi ko ka-league si Ivo... tama. Sobrang layo naman kasi niya sa akin. Baka manliit lang ako sa sarili ko kapag pumasok ako sa mundo niya.

I took a deep breath and nodded. "Sige."

Ibinaba ko ulit ang tingin sa binabasa.

Maybe if I choose to chase my dreams, one day, I would be proud of myself standing next to him not as a friend... but someone that is special to him.

But right now, I don't think it's possible.

-

#HanmariamDWTWChap27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top