Chapter 24
Sa tanang buhay ko, hindi ko naisip na kaya ko palang magalit nang ganito. Nanginginig ang mga kamay kong itinapon pabalik sa kaniya ang pregnancy test.
"Buntis ka?! Fourth year highschool ka pa lang, Selena!" sigaw ko sa kaniya. "Sinong ama niyan, ha?!"
"Hindi ko alam..." she cried.
Napaiyak din ako lalo. "Putangina naman, anong hindi mo alam? Si Kit ba? Pinilit ka ba niya?"
Narinig ata ni Sonny ang sigawan namin sa loob dahil kaagad siyang tumakbo patungo sa kwarto, litong-lito kung anong nangyayari.
"Ate... sorry..." she was crying hysterically in bed. "Hindi ko sinasadya..."
Parang dinudurog ang puso ko sa sinabi niya. "Selena naman! Ang dami-dami kong sinakripisyo para sa pamilyang 'to, eh! Kasi gusto ko, maganda ang buhay niyong dalawa ni Sonny... na kahit wala si Mama, hindi niyo maramdaman na may pagkukulang. Bata lang din ako pero pinipilit kong punan ang pagkukulang ni Mama... pati pangarap ko, isinuko ko na! Tapos ito ang gagawin mo?!"
"Hihinto nalang po ako sa pag-aaral..." yumuko siya at patuloy na umiyak.
"Tapos ano?! Wala kang mararating? Maghihirap ka kasi nand'yan na yung bata?!" I pulled my hair in frustration. "Selena, gustong-gusto kong mag-aral sa UP pero hindi ko tinuloy dahil iniisip ko kayo! At huwag na huwag mong sasabihin sa akin na sinusumbatan kita dahil hindi ko naman ito responsibilidad, eh! Ginagawa ko 'to dahil mahal na mahal ko kayo pero minsan nakakapagod din kayo!"
"Ate..." lumapit si Sonny sa akin para pakalmahin ako pero itinulak ko lang siya palayo.
"Buong buhay ko, kayo lang dalawa ni Sonny ang iniisip ko! Alam mo ba kung gaano kahirap, ha?! Alam mo ba ang pakiramdam na ninakaw ang childhood ko sa akin?! Ayokong maramdaman mo yun kasi putangina, ang sakit-sakit, eh!"
Nag-iyakan lang kaming tatlo sa kwarto. This might've been the first time that I cried in front of them and I voiced out all of my anger, my frustration... that I never knew it was in me all along.
Napaupo nalang ako sa sahig habang hinihingal sa walang-tigil na pagdaloy ng mga luha ko.
"Mahal na mahal ko si Ivo, eh, pero pati ang mahalin siya... hindi ko magawa..." I said in a broken voice.
Tumayo si Selena mula sa kama niya at lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at paulit-ulit na humingi ng sorry.
"Sorry, ate... sorry... babawi ako... sorry..." paulit-ulit niyang wika.
Niyakap din ako ni Sonny na umiiyak na din. Wala siyang sinabi at hinigpitan lang ang yakap sa akin.
I'm not sure how much time has passed. Nakatulog ata ako sa kakaiyak. Pagkagising ko, tahimik na nag-uusap sina Sonny at Selena sa likuran ko. I curled myself, wishing I would just shrink and shrink until I disappear.
Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang sinigaw-sigawan ko ang mga kapatid ko kanina. Tumulo ulit ang luha ko nang maalala kung anong nangyari. How I wish it was just a bad dream.
Nang malaman ni Papa ang tungkol kay Selena, wala siyang sinabi. Tumulo lang ang mga luha niya. Ni hindi man lang siya sumigaw o nagalit tulad ko. Kalmado niyang tinanong si Selena kung sino talaga ang ama ng bata.
"Si... Si Kit po..." natatakot niyang wika.
I swallowed a curse. Binalikan ko ang mga araw at buwan na nagpupunta si Kit dito sa bahay. Was he betraying all of us all along? Ipinikit ko nang mariin ang mga mata. Pakiramdam ko, kasalanan ko din 'to. Dapat mas lalo ko pang tinutukan si Selena ngayong dalaga na siya. Eh di sana, hindi 'to mangyayari.
"Pwede mo bang tawagin si Kit dito sa bahay? Kakausapin ko lang," ani Papa.
"Papa, sorry—"
Hindi na natuloy ni Selena ang sasabihin dahil bigla nang tumayo si Papa at pumasok sa kwarto niya. I couldn't hide the look of disappointment in my face so I also went inside my room.
"Raya!" masayang-masaya si Ivo nang pumasok sa bahay pero wala man lang makaganti ng ngiti niya. Nagtaka tuloy siya at nilapitan ako. Nakakunot pa ang noo niya dahil nakita niyang hindi pa ako nakasuot ng uniform. "Anong nangyari? Ayos ka lang?"
I shook my head. Hindi naman talaga ako ayos. Wala ding saysay kung magsisinungaling pa ako sa kaniya. Tinabihan ako ni Ivo at seryoso akong tiningnan.
"Anong problema natin?"
Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Ayan na naman siya, eh. He'll make me feel as if I'm not alone in this. Palagi niya 'tong ginagawa. Alam ba niya ang epekto nito sa akin?
I blinked back my tears and gave him a humorless smile.
"Pwede ka ba naming kuhaning ninong?"
Nagulat si Ivo sa narinig. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Selena, pilit na inaalam kung sino sa amin dalawa ang buntis.
"Sinong... buntis? Ikaw ba?" nag-aalala niyang tanong. "Sinong gago—"
Hinila ko kaagad siya pababa dahil aambahan niya ata ng suntok ang kung sinong maunang lalapit sa kaniya. Umiling kaagad ako. A devastated look crossed his face when he realized it was Selena.
Natahimik si Ivo pero naroon pa rin siya sa tabi ko. Hindi ko na siya sinuway nang sabihin niyang a-absent din siya at dito lang siya sa bahay. I don't have the energy to shoo him away and to be honest, I really need him right now. Napaka-selfish pakinggan dahil hindi naman ako ganito sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung alin sa mga araw na magkasama kaming dalawa ang malungkot siya o hindi kasi palagi naman siyang nakangiti sa akin.
I know everyone has a baggage to carry. Ivo is just an expert of hiding it from the people he cares about.
Dumating si Kit at ang mga magulang niya. Muntik pang magsuntukan si Papa at ang tatay ni Kit dahil gusto nilang ipalaglag ang bata.
"Eh anong gagawin niyo, ang babata pa nila! Hindi pwedeng huminto ang anak namin sa pag-aaral!" reklamo naman ng nanay ni Kit.
"Wala naman kaming sinasabing huminto, eh. Ang gusto lang namin, suportahan ni Kit si Selena lalo pa't magiging maselan ang pagbubuntis niya. 16 lang ang anak ko!" si Papa naman.
Naluha ulit ako nang sampalin ako ng katotohanan. Selena is so young. Ni hindi pa nagsisimula ang buhay niya. Anong mangyayari sa kaniya ngayon?
"Para mo na ding sinabing huwag nang mag-aral si Kit at maghanap nalang ng trabaho! Wala naman yang pera!" galit na wika ng tatay niya.
Nagtalo ulit sila doon sa lamesa kaya umalis nalang ako at lumabas sa bakuran. Sobrang frustrated ako kaya kinuha ko ang hose ng tubig at diniligan ang mga halaman dahil kailangan kong igalaw ang mga kamay ko sa takot nab aka magwala ako sa sobrang galit.
I heard footsteps behind me. Gigil ko pa ring dinidiligan ang mga halaman nang magsalita si Ivo.
"Malulunod yan..." marahan niyang kinuha ang hose mula sa akin at pinatay ang gripo. I stared at my empty hands. Gusto kong sabunutan ang sarili. "Raya..."
Hindi ako nagsalita. I just allowed Ivo to hug me. Napaiyak nalang ako sa dibdib niya. Ang bigat-bigat pa rin sa loob. Parang hindi ko ata kakayanin.
"Gusto mong umalis muna dito?" he asked in a soft voice.
I wiped my tears away and shook my head slowly. Kahit anong galit ko kay Selena, hindi ko pa rin siya magagawang iwan... lalo na sa panahong ito.
All I need is a little break... and I'm going back for her. She's my sister, after all.
Tatlong araw ata akong um-absent dahil inatake sa puso si Papa nang magkasagutan pa silang dalawa ng tatay ni Kit. Buti nalang talaga hindi kami umalis ni Ivo at naisugod kaagad siya sa ospital.
"Mild cardiac arrest..." ang sabi ng doktor. "Kailangang magpahinga ng tatay niyo at huwag munang magpaka-stress..."
Iyak nang iyak si Selena habang nakabantay kay Papa. Pinipilit naman ni Sonny na pagaanin ang loob niya dahil bawal din sa buntis ang stress. Ako naman, tulala lang habang kinakausap ng doktor. Mabuti nalang at narito si Ivo sa tabi ko at siya na ang sumasagot kapag kailangan.
"Pa, huwag ka munang gumalaw-galaw, ah? Makakasama sa iyo, eh..." mahina kong tugon sa kaniya. Hindi naman siya nagtagal dun sa ospital at kaagad na na-discharge. Walang PhilHealth o kahit anong insurance si Papa kaya binayaran talaga namin ng buo ang bill niya sa hospital. Kinapalan ko na din ang mukha ko at humingi ng pera kay Mama pampagamot sa kaniya. Kaagad naman siyang nagpadala at sinabing kakausapin niya si Papa.
Tinulungan ako ni Ivo na dalhin siya sa kwarto. Pagkatapos, lumabas ako para magluto. Nakapagsaing na si Sonny kaya naghanap nalang ako ng uulamin sa ref.
Lumabas sina Ivo at Sonny habang nagluluto ako. Tulala lang ako habang ginagawa iyon. Pagkatapos, inihanda ko ang lamesa at lumabas na rin para tawagin ang dalawa.
"—iiwanan ang Ate mo, ha? Kailangan ka niya... huwag kang masyadong pasaway kasi kahit hindi sinasabi ng Ate mo, alam kong nahihirapan din siya..." rinig kong wika ni Ivo kay Sonny.
"Nagi-guilty nga ako, Kuya, eh... si Ate nalang may pasan ng lahat. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan lalo na ngayon." Sonny cried again. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha dahil na siguro sa hiya sa Kuya Ivo niya. "Hindi ko na maalala ang mukha ni Mama... sa tuwing ini-imagine ko ang mukha niya, si Ate Raya lang ang naiisip ko..."
I pressed my knuckles against my mouth and stepped away. Pumasok nalang ako sa kwarto ni Papa para ayain siyang kumain na muna. Pinakain ko na din si Selena dahil hindi na ata ito kumakain nang maayos simula nang malaman niyang buntis siya.
Buti nalang at kusa na ding pumasok ang dalawa at sinabayan kami sa lamesa. Walang nag-iimikan sa amin dahil kaniya-kaniya kami ng iniisip. Pagkatapos kumain, si Sonny na ang naghugas ng plato kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nakatulog. Hindi ko alam kung anong oras umuwi si Ivo sa kanila, pero paggising ko, wala na siya.
"Hoy, okay ka lang? Mukhang disappointed ata si Ma'am Mitch sa iyo kanina..." ani Iris.
I sighed while putting the notebooks inside my bag. Kahit anong pilit ko, sobrang apektado pa rin ako sa mga nangyayari at napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Kanina, nung tinawag ako sa recitation, ni hindi ko man lang alam kung anong tanong kaya ang paborito kong professor noong first year ako, disappointed na sa akin ngayon.
"Ayos lang..."
"Kung may problema ka sa inyo, pwede mo namang sabihin sa akin." She shrugged. Siya lang ata ang blockmate ko na nagtitiyagang kumausap sa akin. "Iyon ay kung komportable ka."
I gave her a tight smile and exited the room. Nagulat pa ako nang makita si Ivo na naghihintay sa labas. He smiled when he saw me.
"Lunch?" aya niya.
Absent-minded akong tumango at sinundan ang lalaki. Wala siyang dalang bag kaya siya na ang nag-presenta na dalhin yung akin. Dinala ulit ako ni Ivo sa paborito naming tapsilogan at siya na din nag-order para sa akin.
Habang naghihintay kami sa order namin, lumabas siya saglit. Hindi na ako nag-abalang tanungin pa siya kung saan pupunta at dumukdok sa lamesa. Mayamaya, may naramdaman akong malamig sa braso ko kaya agad akong napabangon.
"Ice cream." Ivo said, wiping his sweat away.
Tinitigan ko yung binili niyang dried ice cream. Ang alam ko sa kabilang kanto pa 'to binibenta, eh. Nilakad niya yun? Ang init-init!
"Salamat..." I said in a weak voice.
Inuna ko yung ice cream dahil baka matunaw. Wala namang sinabi pa na kung ano si Ivo sa akin at pinanuod lang akong ubusin yun. Pagkatapos, kumain na din kami at inihatid niya ako sa classroom.
Ganun ang naging routine namin sa sumunod na linggo. Nagi-guilty ako na pinaggagastusan ni Papa ang tuition ko kaya pinilit ko talagang bumawi sa acads. Para hindi ko na maisip ang pagbubuntis ni Selena, nilunod ko ang sarili sa mga libro at talagang seryosong nag-aral. I don't want to further disappoint myself by being an academic failure, too. Nabigo na ako bilang ate, sana dito hindi na...
Halos hindi na rin lumalabas si Selena sa bahay namin. Hindi ko alam kung sinong nagkalat ng tsismis pero mabilis na kumalat sa amin na buntis na ang kapatid ko. Hindi naman nila sinasabi sa harapan namin pero alam kong iyon ang topic nila kapag nakikita ko silang nag-uusap-usap sa tindahan.
"Raya!"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Lulu. She smiled widely at me while waving her hands. Binitawan ko kaagad ang walis tingting at pinagbuksan siya ng gate.
"Lulu?" naguguluhan kong tanong. "Anong ginagawa mo dito?"
"Para bisitahin ka! Duh!" she rolled her eyes jokingly.
May dala pa siyang plastic bag na puno ng pagkain. Pinaningkitan ko iyon ng mga mata. Baka kasi nagdala siya ng alak. I don't think now is the best time to drink. Ilang araw nang hindi pumapasada si Papa para magpahinga kaya naman hindi nun magugustuhan kapag nakita niyang umiinom ako.
Doon kami sa upuang kahoy sa labas dahil sobrang init sa loob ng bahay. Isa-isang inilabas ni Lulu ang pinamili niya. Choc-o, Krim Stix, Potchi, Chippy, V-Cut, at kung anu-ano pang chichirya. She happily handed me a box of chocolate.
"Narinig mo ba kay Ivo?" mahina kong tanong sa kaniya habang pinaglalaruan ang balat ng tsokolate. Wala namang ibang rason para magpunta siya rito, eh.
"Huh? Wala namang sinabi si Ivo sa akin," she shrugged. "Ang sinabi lang niya, tingnan daw kita... kahit ganun yun si Ivo, hindi naman yun basta-basta nagkakalat ng sekreto. I figured you should be the one to tell me about your problem whenever you're ready."
I opened my mouth to speak, but I couldn't force any of the words out. Bumuntong-hininga lang ako nang malakas.
Lulu smiled and gave me a gentle, reassuring squeeze.
"It's okay, Raya. Hindi mo kailangang sabihin ngayon. Ang gusto ko lang, alam mo na narito lang ako. Hindi ko kailangang malaman kung ano ang problema mo para damayan kita."
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. "Nakakapagod pala minsan maging Ate..."
She nodded. "True, true. I mean, only child naman ako but I can imagine all the hardships you went through. Kung ako nasa posisyon mo, baka nga hindi ako naka-survive, eh!" she laughed at herself.
Natawa din ako. I couldn't imagine her cooking in the kitchen or washing dishes or folding clothes. Her hands are too slim and delicate for any of the house chores.
"Bisitahin natin si Yari kapag free ka na, ha? Hindi ko alam kung napanuod mo sa national television, pero sumemplang siya habang nagb-block kaya may brace ang isa niyang paa ngayon," she laughed. "Purwesiyong-purwesiyo na sa kaniya si Karlo..."
I instantly felt bad that I didn't know one of my friends got hurt. Masyado akong lulong sa sarili kong problema na hindi ko man lang maisip na kumustahin sila. If it keeps on going, I'll fail not just as a sister, but as a friend, too.
Natulog si Lulu sa kwarto ko kinahapunan. Doon din siya kumain sa amin ng hapunan at siya lang ata ang masigla sa lamesa. She didn't mind the awkwardness or the silence between us. She was just happy to be there and I'm grateful for it.
"Selena, namili ako ng mga vitamins para sa iyo at sa baby. Nagpa-sched ka na ba ng appointment? Kailangan nating magpa-checkup sa OB mo." Sabi ko habang isa-isang nilalabas ang pinamili ko kanina sa Mercury Drug.
She nodded quietly. Siya na mismo ang nag-desisyon na tuluyan nang huwag pumasok sa eskwelahan. Kalat na din doon ang tungkol sa pagbubuntis niya kaya natatakot siyang pumunta. Isa pa, catholic school iyon. Hinding-hindi papayag ang mga madreng nagpapatakbo ng eskwelahan na gagraduate siyang malaki ang tiyan.
"Huwag kang masyadong magpapaka-stress at masama yan sa bata. Tigilan mo na din ang kaka-cellphone mo. Masama din ang radiation." Patuloy ko pang bilin sa kaniya.
Selena pulled her knees and hugged it to her chest. Tinitigan niya ako.
"Sinabi mo ba kay Kuya Ivo?" tanong niya sa marahang boses.
"Na ano?"
"Na mahal mo siya."
Natigilan ako sa sinabi ni Selena. I turned to her, but she's just watching me intently with a calm look on her face. Napailing ako.
"Bakit ko pa sasabihin?"
"Bakit hindi? Dahil ba ulit sa amin?" pagak ang boses niya nang magtanong.
I sighed. "Selena..."
"Sorry, Ate..." she wiped her tears away. "Nagi-guilty lang ako na hindi mo man lang mapagbigyan ang sarili mo sa taong mahal na mahal mo. Hindi ko naman alam na..." she trailed off. "Ganun ka na pala ka-hulog sa kaniya."
I bit my lower lip. She may be right. I may have dug a hole in which I could never escape. Ever since I spelled it out that I am, indeed, in love with Ivo, I think my feelings for him grew stronger and stronger. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag bigla nalang akong sumabog.
Niyakap ko nalang ang kapatid at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. I assured her that I'm fine. Mas mabuti na kasi ang ganito. Kapag magkaibigan lang kami ni Ivo, walang magkakasakitan sa aming dalawa. Kung noon, halos hindi ko makita ang sarili ko sa isang relasyon dahil sa mga kapatid ko, ngayon ay wala na talagang pag-asa lalo na't madadagdagan kami sa pamilya.
"Huwag kang iyak nang iyak, Sel..." I said softly. "Paano nalang ang baby? Alam kong maaga pa, pero nakapag-isip ka na ba kung anong ipapangalan mo sa kaniya? Kung sakaling babae? O lalaki?" I smiled at her.
She sniffed. "Hindi ko pa alam... pero sana maging kasing-bait mo ang magiging anak ko, Ate. Pambawi sa akin..." she joked.
I just shook my head and told her to get some sleep before I left the room. Bumuntong-hininga ulit ako at nagpunta sa sariling kwarto para mag-aral.
Kahit papaano, nakabawi ako sa school. I was able to ace the pre-lim exams. Panghapon lang ang schedule ng exam ko pero maaga pa lang ay nagpunta na ako sa school dahil morning naman ang schedule ni Ivo at ayokong bumalik pa siya sa amin para lang sunduin ako.
"Narinig mo? Nililigawan daw ni Ivo si Elaina!" kinikilig na wika ni Iris habang nakaupo kami sa cafeteria. Tapos na kaming kumain at nagre-review nalang para sa exam mamaya.
"Ay, shit! Totoo ba yan, beh?"
"May IG story siya, wait!" kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita sa amin ang picture na in-upload ni Elaina.
Nakatalikod si Ivo doon pero alam na alam kong siya yun. Kahit na hindi pa siya naka-tag, alam din ng maraming tao na siya ang lalaking tinutukoy dun. Mukhang nakasunod lang si Elaina sa kaniya nang kunan niya ito ng litrato at may caption pang 'sa iyo lang magpapaligaw'. Naglalakad sila sa kung saan. Ivo must be leading the way.
Kaagad kong iniwas ang tingin at binalik dun sa reviewer ko. Siniko-siko naman ako ng katabi kong block mate.
"Alam mo ba 'to, Raya? Girl best friend ka ni Ivo, diba? Malamang alam mo!"
Kaagad akong umiling. "Hindi ko alam."
Hindi na nila ako kinulit pa nang makita nilang nawala ako sa mood. Distracted tuloy ako nang sumapit ang exam namin kinahapunan. I just did the best I could not to think about them while answering the questions. Madalas pa naman dun ay critical thinking at hindi nadadala ng pa-petiks petiks lang.
Pagkatapos ng exam namin, ang usapan namin ni Ivo ay hihintayin ko siya sa tapat ng building nila. May mga upuan dun sa labas kaya doon ako dumiretso. I stared at my books while their conversation earlier replayed in my head.
Ano bang ginagawa ko dito?
Kaagad akong tumayo at bumuntong-hininga. Kung nanliligaw talaga si Ivo kay Elaina, hindi ba mat-turn off ang babae kapag nakita niya si Ivo na dikit nang dikit sa akin? Baka nga iba din ang isipin niya. Hindi naman talaga ako ang girl best friend ni Ivo pero pangit pa ring tingnan na may kasama siyang ibang babae habang may nililigawan.
I started marching towards the gate, determined to leave the campus. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o ano pero may tumatawag sa pangalan ko na hindi ko naman pinansin. Nag-udyok lang yun sa akin na mas bilisan pa ang paglalakad ko.
"Sereia!"
Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Ivo sa braso ako. Kaagad akong napalingon sa kaniya. Pawisan siya at hingal na hingal. Malayo na rin kasi ako sa building nila kaya kung tumakbo man siya galing dun at ganitong mainit pa, malamang ay ito talaga ang aabutin niya.
"Kanina pa kita tinatawag! Ba't di mo ako pinapansin?"
"Huh...?" napatanga pa ako sa kaniya ng ilang segundo. Binaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ivo must've felt embarrassed when he saw me looking at our hands. Mabilis niya iyong binitawan.
"Kako, kanina pa kita tinatawag..." sabi niya sa mas mahinahon na boses. "Hindi mo ba ako narinig?"
I shook my head. Ayoko namang sabihin sa kaniya na sinadya kong hindi siya pansinin dahil baka magtampo pa ito.
"San ka pupunta? Mukhang pauwi ka na, ah?" pang-aakusa niya ulit sa akin.
"Ah, may gagawin pa kasi sa bahay kaya naisip kong mauna nalang. Magti-text dapat ako sa iyo..." palusot ko naman.
"Eh di umuwi na tayo ngayon!" he declared. Kinuha niya ang mga libro ko pero nang makita ko si Elaina na papalapit sa kaniya, kaagad ko din iyon binawi.
A look of confusion shadowed his face. Pinandilatan ko siya ng mga mata kasi baka marinig pa ako ni Elaina.
"Uh... aalis na ako, Ivo! Bye!" sabi ko kaagad at tumalikod na. Hindi na niya ako nahabol dahil naabutan na siya ni Elaina. Pinilit ko ang sariling huwag silang lingunin sabay para ng jeep para makaalis na ako sa lugar na 'to.
I realized how rude I was, and I wasn't expecting Ivo to still pick me up the following morning. Naroon nga siya sa labas, naghihintay, pero hindi naman siya nagsasalita.
"Good morning..." I said, trying to test the waters. Tumango lang si Ivo at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok ako habang nakatingin sa kaniya. Wala naman siyang ibang sinabi at kaagad na sinara ang pinto bago pumasok dun sa driver's seat. Sinilip ko ulit siya.
"Hindi ka nag-breakfast sa amin..." puna ko.
Once again, he just gave me a simple nod.
"Gusto mong mag-isaw mamaya?" pampalubag loob ko.
"Ayoko."
I bit back a gasp. Mukhang galit talaga! His lips were in a thin line while he was pulling out of the driveway. Napakurap ako.
"Galit ka ba?"
"Oo."
Para akong sinampal sa diretso niyang sagot! Kasi kung ako ang tatanungin nun, kahit galit ako, sasabihin kong hindi! Siguro ay hindi ko inaasahan na ganito pala ka-straight forward si Ivo kahit ilang taon na kaming magkakilala.
"Sorry..." I placed my hands in my lap. Napayuko ako. Dahil ata 'to sa inakto ko kahapon. Nagi-guilty din naman ako pero para din naman sa kaniya yun! Paano siya sasagutin ni Elaina kung nakikita niya kaming palaging magkasama?
Ivo glanced at me and said nothing. Ni hindi man lang niya tinanggap ang sorry ko. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa school. Nauna siyang bumaba kesa sa akin. Dahil marami akong dalang libro, nahirapan pa ako kaya umikot si Ivo sa sasakyan at kinuha ang iilan sa mga gamit ko.
"Ivo..." tawag ko sa kaniya bago siya umalis sa parking lot.
Nilingon niya ako. Napaka-seryoso ng mukha niya kaya dinaga ng takot ang dibdib ko pero inignora ko nalang iyon.
"Sorry... kahapon. Ayoko lang na ma-badshot ka sa nililigawan mo—"
"Nililigawan?" kumunot ang noo niya at mabilis na naglakad patungo sa akin. Because both of my hands were holding my books, I couldn't do anything when he cupped my chin so I could look into his face. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "San mo narinig yan, hmm?"
I sucked in a deep breath. Paano ako makakasagot nang maayos kung ganito siya kalapit sa akin?! Napaatras ako pero hinabol lang ni Ivo ang mukha ko, determinadong makakuha ng sagot sa ganitong ayos.
"N-Napag-usapan lang ng mga blockmates ko na... na nililigawan mo si Elaina..." nauutal kong sagot.
He laughed sarcastically. Binitawan na niya ang baba ko. "Hindi ako naniniwala sa panliligaw, Raya."
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
He sighed. "Kapag nanliligaw ka, in-exaggerate mo lahat ng mga efforts mo para impress-in ang babae. Hindi yun ang totoong ikaw. Tapos kapag kayo na, magrereklamo naman ang babae dahil hindi ka consistent sa mga efforts mo when in the first place, you just did it to win her heart. I don't find it genuine, Sereia... the courtship." Paliwanag niya.
Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat. "Pero..."
"Why not show your true self and be consistent, right?" he sighed. "Nakakatampo lang na hindi mo man lang ako tinanong kung totoo ba ang narinig mo... parang walang pinagsamahan, ah? Five years..."
I bit my lower lip. Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi ko! Bakit ba kasi pinakita pa yun ng mga blockmates ko?!
He chuckled when he saw the expression on my face. "Kapag inulit mo 'to, hindi na talaga kita papansinin. Bahala kang maglakad papunta school!"
I pouted. "Sorry."
"Ano?" pagkukunwari pa niya.
"Sorry." Sabi ko sa mas malakas na boses.
Ivo laughed. "Ngayon ko pa lang narinig ang sorry mo, ah? Palagi ka kasing tama... ang refreshing naman."
Inirapan ko nalang siya at naunang naglakad. I heard him laugh before he fell into steps next to me.
Magaan ang loob kong pumasok at umuwi galing sa mga klase ko ngayong magkabati na kaming dalawa. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang rupok-rupok ko pagdating sa kaniya! Simple misunderstanding lang naman 'to kaya paano nalang kung nag-away talaga kami ng seryoso? Baka hindi na ako makatulog sa gabi!
Inihatid ulit ako ni Ivo sa amin pero hindi na siya dumaan sa bahay dahil may kailangan pa daw siyang puntahan. Pumasok ako sa gate at kaagad na napansin ang sapatos sa harapan namin. Sapatos iyon ng babae at hindi pamilyar sa akin.
I stepped inside the house and saw a tall woman who looked just like me. Nakatayo siya habang may tatlong malalaking maleta na nakapalibot sa kaniya. My heart stopped beating when she smiled at me.
"Ikaw na ba yan, Raya? Ang laki mo na, anak..." she said and opened her arms. "Nakauwi na si Mama..."
-
#HanmariamDWTWChap24
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top