Chapter 22

"Merry Christmas! Smile ka, anak!"

Pilit na ngumiti si Sonny habang nagpi-picture kami sa harap ulit ng Christmas tree. Ginamit lang namin yung luma naming Christmas tree dahil okay pa naman. Si Papa naman, kahit na sinabi kong okay lang, bumili pa rin ng mga bagong damit na susuotin namin sa Pasko.

"Ang cute siguro nito kung crop top 'to..." bulong-bulong ni Selena sa tabi ko habang inaayos ang kulay pula niyang blouse. Iyon din ang akin pati na rin kay Sonny kaya nagrereklamo ang mga kapatid ko. Para daw kaming mga batang maliliit na binibihisan pag Pasko.

"Papa, sali ka!" umabante si Selena at kinuha ang cellphone ni Papa. Tumabi si Papa sa akin habang si Selena naman ang kumuha ng litrato. Nakailang ulit pa kami dahil nagrereklamo si Sonny na napuputol daw ang ulo niya sa sobrang layo ni Selena.

"Kumain na nga tayo! Daming arte ni Kuya Sonny, eh!" ibinigay ulit ni Selena ang cellphone ni Papa at nagtungo sa lamesa.

Hindi pa kami nag-uusap ni Ivo simula nung misa de gallo. Sinabi rin naman niyang narito ang mga magulang niya kaya hindi ko na ginulo ang lalaki. Mas mabuti na rin yun para makapag-bonding sila. Sobrang tagal na din kasi ata niyang tumitira na hindi kasama ang mga magulang.

"Ate, turuan mo akong magluto nito! Favorite 'to ni Kit, eh!" ani Selena habang nagsasandok ng lumpia sa plato niya.

Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Bakit? Boyfriend mo na ba ang Kit na yun?"

"Hindi ah!" tanggi niya kaagad at umiling-iling pa. "Nanliligaw lang sa akin. Palagi kasi akong binibilhan ng kung anu-ano kaya gusto ko namang bumawi."

Napailing nalang din ako. Dalaga na talaga si Selena. Parang kailan lang, nagpapabili siya ng ice cream kay Ivo tapos ito ngayon, may manliligaw na siya.

Si Sonny naman, minsan nahuhuli kong may ka-tawag dun sa duyan. Kaagad din naman niyang pinapatay kapag nakikita ako at nagkukunwaring walang ginagawa o di kaya'y papasok sa kwarto niya para doon ipagpatuloy ang kwento nila.

Malaki na nga sila.

Binigyan pa ako ni Papa ng regalo sa pasko kahit na wala naman akong nabili para sa kanila. Gusto ko kasi sanang kumuha ng part-time job para mas makapag-ipon ako pero ayaw naman ni Papa. Ayoko ding makipagtalo sa kaniya kaya hindi ko na yun binanggit pa simula nung tanggihan niya ang sinabi ko.

"Kaya ko pa naman, anak. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo..." iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin.

Ang mga kapatid ko ang naghugas ng plato ngayong gabi kaya pagkatapos kong linisin ang lamesa, pumasok na ako sa kwarto ko. May mga kapitbahay akong nagkakaraoke sa labas at nakisali naman si Papa kaya kami lang dalawa ni Selena sa bahay.

Naligo ako at nagbihis. Habang nagpapatuyo ng buhok, bigla nalang nag-ring ang phone ko. Napangiti kaagad ako nang makita ang pangalan ni Ivo. Kaagad ko iyong sinagot.

"Merry Christmas, Sereia!" bati niya kaagad sa akin.

"Merry Christmas," tipid ko namang sagot.

"Ang cold naman! Wala bang Merry Christmas, Ivo, salamat sa lahat d'yan?" biro niya naman kaya natawa ako. May naririnig akong ingay sa background niya kaya malamang nasa party ito o ano.

"Merry Christmas, Ivo. Salamat sa lahat..." seryoso kong wika.

"Yan ang bonding," he chuckled. "San ka ngayon?"

"Nasa bahay. Katatapos lang naming kumain."

"Hmm. Sige, ipa-LBC ko nalang ang regalo ko, ah? Hindi ako makaalis sa party, eh," he said in an apologetic tone but he was laughing.

"Hindi na kailangan, Ivo," I bit my lower lip, feeling guilty that I didn't even get him something. Wala kasi akong pera. Pinagkakasya ko lang ang allowance na binibigay ni Mama sa akin at nahihiya akong humingi sa kaniya ng extra dahil padalang nang padalang ang mga chat namin sa isa't isa.

Kung magba-backread ako sa mga chat namin, para ko lang siyang kinakausap sa tuwing kailangan ko ng pera.

Nagkausap pa kami saglit bago ko siya pinabalik sa party niya dahil baka hindi na niya ibaba ang tawag. Hindi ako makatulog dahil sa sobrang ingay sa labas. Inabot na ata sila ng madaling araw sa pagvi-videoke roon. Narinig ko nalang si Selena na kumakatok sa kwarto ko at nagpapatulong dahil raw nalasing na si Papa.

Kaagad akong lumabas at pinagtulungan namin si Papa na ipasok sa bahay. Hingal na hingal ako dahil mabigat siya at naglilikot pa. Si Sonny naman ang sumalo sa bigat niya pero napagod pa rin ako. Hindi na naman siya nadala sa kwarto niya kaya nakahiga lang siya sa sofa ngayon, pulang-pula ang mukha dahil sa alak at may kung anong sinasabi na hindi namin maintindihan.

Mahina kong hinampas si Sonny sa braso niya. "Dapat binantayan mo."

"Aray, ah!" Sonny rubbed his arm while frowning. "Okay lang yan, Ate, no. Minsan lang naman umiinom si Papa. Tsaka, ito lang yung oras na nakakalimutan niya ang problema niya kaya ibigay mo na 'to sa kaniya."

Natahimik ako sa sinabi ng kapatid. Alam ko namang si Papa talaga ang pinaka-nahihirapan sa amin sa sitwasyong ito pero patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Nakaramdam ako ng guilt dahil tama nga ang kapatid ko... minsan, kailangan niya ding makatakas mula sa mga problema niya.

Pinapasok ko na silang dalawa sa mga kwarto nila at gayon din ako pagkatapos kong punasan ang mukha ni Papa. Habang inaayos ko ang higaan ay napansin kong nagv-vibrate ulit ang phone ko. Tumatawag ulit si Ivo.

"Ivo?" nagtataka kong sagot.

"Labas ka. Nandito ako."

My heart started beating wildly in my chest. Napatingin ako sa suot ko. Lumang t-shirt yun na may malaking cartoon sa gitna atsaka pajama! Matutulog na kasi ako kaya wala akong pakialam sa suot ko. Kaagad akong nag-panic pero natigilan din ako nang may mapagtanto.

"Ano ba, Raya... si Ivo lang yan," bulong ko. Humigit ako ng malalim na buntong-hininga at sinilip ang sarili ko sa salamin. Inayos ko nalang ng konti ang buhok ko para mukha akong tao tingnan.

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Kung dinala man ni Ivo ang kotse niya, malamang hindi ito nakapasok ngayon dahil naglabas ng mga upuan at lamesa ang kapitbahay naming may karaoke. Naroon pa rin sila ngayon kaya sobrang sikip ng daan. Nakita ko agad si Ivo na nakatayo sa harap ng gate namin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nahiya kaagad ako nang makitang naka-formal attire pa ito. Black na slacks at puting dress shirt na naka-rolyo ulit ang sleeves. Sumisilip ang kwintas niya sa loob dahil bukas ang iilang butones nito.

He grinned when he saw me. "Nice one, Doraemon."

Kaagad na nag-init ang mga pisngi ko dahil talagang pinansin pa niya ang suot ko! Sinamaan ko ng tingin ang lalaki at ipinag-krus ang mga kamay sa dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sa mas masungit na boses.

He chuckled and pulled something from his pocket. Inabot niya ito sa akin.

Kaagad na nalusaw ang galit-galitan ko nang mapagtantong totoo ngang may regalo siya sa akin! I stared at him with wide eyes.

"Ivo, hindi ko matatanggap 'to—"

"Aray ko, ah? Pinuntahan pa talaga kita dito para ibigay ang gift mo tapos hindi mo pala tatanggapin?" may himig pa itong pagtatampo sa boses.

I swallowed hard and stared at the box. Mukhang mamahalin. Alam kong kung hindi bracelet, kwintas ang laman nun. Tahimik ko itong tinanggap mula sa kaniya at binuksan sa harapan niya.

My heart swelled when I saw the bracelet inside. Silver iyon at simple lang, pero may maliit na hugis alon itong charm. The chain caught the light from the nearby Christmas lights and glimmered.

"Akin na," Ivo held his hand. Ibinigay ko sa kaniya ang bracelet. Marahan naman niyang kinuha ang kamay ko at isinuot doon ang regalo niya. He was so serious while locking the bracelet in my tiny arm. Nang matapos ay nginitian niya ako. "May bago ka ng lucky charm."

I stared at the bracelet in my arm, a ghost of smile touching my lips.

"Salamat..."

"Huwag mo yang isasangla, ah? FO talaga tayo," biro pa niya.

Inirapan ko ang lalaki. "As if naman tatanggapin 'to sa mga pawnshop. Fake ata 'to, eh!"

"Hoy, hindi yan fake!" pagtatanggol niya kaagad. "Ang sakit mo talagang magsalita, Raya. Paskong-pasko pa!"

Nagbiruan lang kami dun at halatang ni isa sa amin ay ayaw pang umalis pero hindi ko naman siya magawang papasukin sa bahay. Naki-usyoso na din ang mga kapitbahay namin at inalok pa si Ivo na kumanta. Akala ko aayaw siya at aalis nalang pero tinanggap niya ang mic at talagang kumanta dun sa videoke!

I grunted. Ivo is having fun with our neighbors while he's singing his heart out. Tama nga si Lulu. He can't sing to save his life. Alam ko namang sintonado ako, pero mas sintonado siya at wala pa sa tono! Natutuwa lang ata ang mga kapitbahay ko sa kaniya dahil gwapo siya at mabango.

"Sige na, uwi ka na..." I nudged him after I finally dragged him from my neighbors. Parang ayaw na ata siyang pakawalan, eh.

He smiled. "Kung alam kong may party dito, sana dito nalang pala ako dumiretso kanina,"

"Uwi na, Ivo. Baka hinahanap ka na sa inyo."

He held his hands as if to surrender and took a step back. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin.

"Merry Christmas ulit, Raya."

"Merry Christmas..."

"Sa susunod ulit na Pasko, ah?"

Tumango ako at tinaboy na siya. Ini-lock ko na din ang gate at pumasok sa kwarto ko. Mas na-appreciate ko na ngayon ang ganda ng bracelet sa liwanag. I smiled while rubbing the small pendant with my finger.

Sa susunod na Pasko? Napailing ako. Wala na atang pag-asa ang lalaking yun at talagang bubuntot nalang sa akin hanggang sa makahanap siya ng nobya niya. Pakiramdam ko, pinalitan ko si Lulu sa role niya bilang best friend.

I shook my head and just went to bed. It was a good Christmas to remember.

Buwan ng Mayo. Pagkatapos ng finals namin at nang ma-encode na ang final grades namin, nakapagbakasyon na kami. Ngayon, desidido na talaga akong maghanap ng part-time job dahil nasa bahay lang naman ako. Pwede pa rin naman akong magluto sa mga kapatid ko ng agahan bago ako pumasok sa trabaho at hapunan ulit pagka-uwi ko. Malaki naman na sila at kaya na nilang magluto ng tanghalian o meryenda nila kapag nagugutom sila.

"Pa, summer job lang naman 'to... promise, hindi ko 'to ipagpapatuloy kapag balik-eskwela na."

Lumungkot ang mukha ni Papa. I wanted to assure him that I'm doing this not because he's falling short as a father, but because I want to help this family. Ayoko nang dumagdag pa sa mga problema ni Papa lalo na ngayong mags-second year na ako. Mas maraming productions, mas maraming gastusin.

"San ka ulit magtatrabaho?"

"Sa Food Park lang, Pa."

Sa huli ay napapayag ko na siya. Beach Bum ang pangalan ng kainan na pagtatrabahuan ko. Kumukuha talaga sila ng mga estyudante lalo na kapag summer dahil dagsa ang mga turista dito sa San Juan at araw-araw silang nagbubukas. Na-interview naman na nila ako at willing silang tanggapin ako kahit wala naman akong experience.

"Ito yung uniform. Tatlo yan kaya walang excuse na hindi makakapagsuot ng uniform kapag naka-duty. Hindi rin pwedeng mag-duty kapag walang uniform."

Tumango ako sa sinasabi ng manager namin. White tennis skirt iyong sinasabi niyang uniform at sky blue naman ang polo shirt na may logo ng Beach Bum. Para lang iyon sa mga waitress na tulad namin. Ang iba, naka-simpleng white slacks lang atsaka blue polo shirt.

Hapon pa nag-o-open mismo ang Beach Bum pero umaga ay dapat naroon na kami para makatulong sa preparation. Mas inaagahan ko tuloy ang gising para makapagluto pa ako kina Sonny bago ako magtrabaho.

"Ate, pwede namang kami nalang ang magluto dito," ani Sonny nang maabutan niya akong abala sa kusina. Akala ko tulog pa ito pero mukhang nag-jogging ata sa labas dahil pawisan at nakasuot pa ng atheletic shorts. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to parati... marunong naman akong magsaing!"

"Nung huling pinapasok kita dito sa kusina, Sonny, sinunog mo ang kawali," paalala ko sa kaniya.

Tumawa naman siya habang nagpupunas ng pawis. "Sorry! Hindi na yun mauulit!"

I sighed and nodded. Nakakapagod naman kasi talagang ako pa ang magluluto bago ako mag-duty. Minsan, nali-late pa ako dahil dito.

"Raya, sayo 'to..."

Nagulat ako nang maglapag ng cupcake ang manager ko sa table kung saan ako kumakain. Wala akong kasabay kumain ngayon dahil hindi pa kami gaanong close ng mga katrabaho ko at magkakaibigan na sila dati pa kaya madalas akong ma-OP. Yung manager ko lang ata ang mabait sa akin dahil palagi niya akong binibigyan ng kung anu-anong pagkain tuwing lunch break namin.

"Ah, salamat..."

Muntik ko nang mahulog ang cupcake nang mapalingon ako sa kabilang table at nakitang nagbubulong-bulungan na sila doon. I sighed and put it down. They had the same look on their faces when Xandra confronted me about her boyfriend or when Eris told me to stay away from Ivo.

Bakit ba palagi nalang akong napagbibintangang nang-aagaw ng kung sinu-sino?

Pagsapit ng birthday ko, binigyan ako ng pera ni Papa. Wala naman kaming pera pang-handa kaya ilibre ko nalang daw ang mga kaibigan ko. May shift ako nung araw na yun at nasasayangan akong um-absent kaya pumasok pa rin ako.

Pagka-lunch, nag-chat ako sa GC namin dahil ang alam ko ay umuwi sila rito sa Elyu para mag-bakasyon.

Sereia Montanez: pizza? libre ko :)

Na-seen lang ako nina Lulu at Celeste. Itinago ko muna ang cellphone ko at kumain habang naghihintay ng sagot nila. Natapos nalang ang lunch ko ay seen pa rin kaya bumuntong-hininga nalang ako at bumalik sa trabaho.

Nag-check ulit ako ng phone pagkatapos ng duty. Nag-reply doon si Yari.

Karylle Jane Chi Ong: sorry girl! nagbabantay ako ng tindahan

Avery Felicia Perez: kasama ko si tita ngayon sa hospital, papa-check up kami

Celeste Imarie Arellano: omz, may raket ako today ahaha next time nalang

Luanne Rose Samaniego: kasama ko si dad

I bit my lower lip, trying to fight my disappointment. Ni minsan, hindi naman kami nakapag-celebrate ng birthday ko dahil tuwing bakasyon nga yun kaya malamang hindi na nila natatandaan na birthday ko ngayon. I took a deep breath and typed a smiley emoji para sabihing ayos lang.

Nag-ayos nalang ako ng mga gamit pagkatapos ng shift ko. Bumili ako ng maliit na cupcake sa food park tsaka juice, at nagpunta ako sa dagat. Maraming turista dun at marami ding nags-surf kaya medyo maingay. The background noise from the people I don't even know somewhat gave me comfort.

I took a deep breath and stared at the waves. Pabalik-balik itong humahalik sa buhangin kahit na ilang beses itong itaboy. Napangiti ako nang mapait. Si Mama kaya, tulad ng mga alon na kahit anong layo ng narating, babalik at babalik pa rin?

Kinuha ko iyong binili kong cupcake at tinusok ang isang maliit na kandila doon. Parang ayaw ko nang maniwala sa mga wish dahil hindi naman nagkakakatotoo. Na-kompleto ko na ang simbang gabi pero hanggang ngayon, wala pa rin si Mama.

Hinipan ko nalang iyon at hindi na nag-abalang ibulong sa hangin ang wish ko. Tahimik lang akong nanunuod sa mga tao habang kinakain ang birthday cupcake ko. Nang dumilim, saka na ako tumayo at pumara ng tricycle pauwi.

"Bayad, kuya. Salamat," ani ko at doon nalang bumaba sa kanto dahil napansin kong may naglabas na naman ng mga upuan at lamesa sa kalsada namin. Walang makakapasok na sasakyan dun kahit na tricycle sa tuwing ginagawa nila yun.

I sighed and walked down the narrow street. Sobrang tahimik ng bahay pagkarating ko. Malamang tulog si Selena at si Sonny naman, baka nagba-basketball ulit. Hinubad ko ang suot na mga sapatos saka pumasok.

"Happy birthday, Raya!"

Nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa biglaan nilang pagsigaw. My eyes widened when I saw my friends—all of them, surrounding the table. May mga pagkain na doon at malaking cake. May ginawa pa silang tarpo sa likod na may picture ko kaya bigla akong nahiya. Si Karlo naman, tuwang-tuwa sa pinasabog niyang confetti. Silang dalawa kasi ni Ivo ang nasa pintuan habang sina Lulu at Celeste naman, panay ang video sa amin.

Napaawang ang mga labi ko sa sobrang gulat. Ni hindi ko alam kung anong gagawin! Bigla nalang lumapit si Papa sa akin dala-dala iyong malaking cake. Kasya doon ang 18 candles at ngayon ay nagc-cheer na sila na hipan ko yun.

"Make a wish! Make a wish!" tumalon-talon pa si Celeste at dun ko lang napansin na katabi niya ang boyfriend niya ngayon, si Ravi. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit may artista dito sa bahay ko?!

"Raya, tingin ka muna dito!" tawag ni Lulu habang nakataas ang cellphone. Nasa likuran niya si Kael, nakahawak sa beywang niya.

I smiled at her before turning to the cake and the candles that I'm supposed to blow. Nasa likuran ko na ngayon si Ivo at kinuha pa yung bag kong dala. Suot ko pa rin ang waitress uniform ko kaya nakakahiya na vini-video-han nila ako ng ganito!

"Mag-wish ka, anak..." nakangiting wika ni Papa.

Nginitian ko siya at ipinikit ang mga mata. They were so hopeful about the wishes and I don't want to kill their joy so I muttered my wish to the wind once again.

Sana umuwi na si Mama...

I blew the candles. Nahirapan pa ako dahil napakarami nun kaya nagtawanan sila at tinulungan pa ako ni Ivo. Ibinalik ni Papa ang cake sa lamesa at isa-isang binigyan ng rose ang mga lalaki. Isasayaw daw nila ako!

"Papa! Nakakahiya!" gusto kong magdabog pero ako lang naman ang may ayaw. Nakalinya na sila dun kaya wala na din akong nagawa. Si Papa ang unang sumayaw sa akin.

"Salamat, anak, ha? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka..." he said emotionally. Napanguso ako dahil baka bigla akong umiyak dito sa harapan niya!

Sunod naman si Sonny. Pangisi-ngisi lang siya dahil kailangan ko na siyang tingalain ngayon. Ang tangkad na kasi! Mas matangkad na sa aming dalawa ni Selena.

Nung turn na ni Karlo, inasar-asar niya lang ako na pwede na akong makulong. Inirapan ko ang lalaki dahil kung anu-ano lang na kalokohan ang lumalabas sa bibig niya.

Pati si Ravi ay isinayaw din ako. Nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa TV ko lang naman nakikita ang lalaking 'to tapos ngayon biglang nandito sa bahay at sinasayaw ako!

"Happy birthday," he said sincerely before letting go of my hand.

Gayon din si Kael. Awkward kaming dalawa kasi hindi naman kami close at nagkahiyaan pa. Ngumiti lang siya sa akin at dali-daling bumalik sa girlfriend niya.

"Para kang member ng Power Puff Girls," tumatawang sabi ni Ivo habang inaabot sa akin ang rose niya.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Wala naman akong magagawa dahil ito talaga ang uniform namin! Alangan namang kalabanin ko ang management, eh di matatanggal ako sa trabaho ko!

"Ikaw ba may pakana nito?" tinanong ko kaagad siya dahil alam kong siya naman ang mahilig sa mga ganito. Sinurprise niya nga si Celeste nung debut niya sa likod ng kotse niya kaya alam kong mahilig talaga siya sa mga ganito.

He just shrugged. Napailing nalang ako habang sinasayaw niya ako. Sakto namang natapos ang kanta kaya iba ulit ang nag-play. Paraluman by Adie. I closed my eyes and laid my head gently against his chest.

Sa unang tingin, agad na nahumaling

Sa nagniningning mong mga mata

Ikay's isang bituin na nagmula sa langit

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi

Sadya namang nakakabighani

'Di maipaliwanag ang nararamdaman

Namumukadkad ang aking ligaya

Sa tuwing ika'y papalapit na

Hawakan

"Hoy, baka umiyak ka, ah?"

I swallowed back my sob because I really wasn't expecting this! Akala ko ay busy talaga sila. Hindi ko naman magawang magtampo dahil hindi naman kami mga teenagers na walang mga responsibilidad sa buhay. May kaniya-kaniya na silang mga priorities at kailangan ko yung respetuhin.

Oh, Paraluman

Ika'y akin nang dadalhin sa

'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng Kundiman

'Di magsasawa, 'di ka pababayaan

Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan

"Mahal ka namin, Raya... tandaan mo yan..." ani Ivo habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko.

I nodded and mouthed 'salamat' to him. Mabilis akong tumalikod sa kanila para pagtakpan ang mga luha ko. Inasar-asar pa nila ako nung lumapit na ako sa table para kumain.

"Takte, hindi naman ako na-inform na by partner pala 'to!" reklamo ni Avery habang nakatingin sa amin.

Tabi kasi kami ni Ivo. Si Selena naman, in-invite si Kit kaya tabi sila. Sinabi niya din sa akin kanina na sinagot na niya ito. Si Lulu at Kael, si Celeste at Ravi, tapos yung kambal naman. Tumawa si Sonny.

"Tayo nalang, Ate..."

"Jusko! Narinig mo yun, Raya?! Kapatid mo, oh!"

Nagtawanan kaagad sila at inasar-asar naman ang dalawa. Pinandilatan ko si Sonny dahil nakakahiya! Kahit na biro lang yun, baka biglang atakihin sa puso 'tong si Avery dahil siya pa naman ang pinaka-conservative sa amin.

Dahil si Ravi ang artista dito, siya tuloy ang naging laman ng topic namin. Tinanong-tanong nila ang lalaki tungkol sa mga latest nitong movie projects at pinuri-puri din ang mga album na nagawa na niya noon. He responded politely. Si Celeste naman, proud girlfriend at talagang nag-promote pa na may bago daw siyang ire-release na kanta.

"Punta kayo, ha! Sa Checkpoint Bar ang venue!"

"Checkpoint Bar?" kaagad na kumunot ang noo ni Papa sa narinig.

"Ay, Tito, hindi po kami magpa-party dun, promise!" kaagad na pambawi ni Celeste. "Tsaka, sasama naman si Ivo dun, eh! Diba, Ivo?"

"Huh?" nagtataka si Ivo kasi hindi naman siya nakikinig at kinakausap si Kael.

"Sama ka. Sasama si Raya!"

"Okay," he shrugged without even asking where to go. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-kain.

Nagpaalam sila kay Papa na mag-iinuman daw sa labas. Nag-aalangan pa ito pero pumayag din naman nang sinabi ni Celeste na chill lang daw at walang magwawala kapag nalalasing. Silang dalawa ni Ravi ang umalis para mamili ng alak dahil may dala namang sasakyan ang lalaki.

"Ate! OMG! Fan na fan ako ni Ravi! Pwede mo ba akong hingan ng autograph?!" sinulong kaagad ako ni Selena nang makaalis ang dalawa.

"Huh? Hindi naman kami close nun! Kakakilala ko lang dun, eh!"

"Ate, sige na, please! Please!" pagmamakaawa niya pa na para bang best friends kami nung Ravi. Um-oo nalang ako dahil hindi naman ako titigilan ni Selena.

"Ako, Selena, hindi ka ba magpapa-autograph? Nakakatampo ka, ah!"

Sinipat ng tingin ni Selena si Ivo at tinaasan ng kilay.

"Gwapo ka lang, Kuya, hindi ka naman artista. Tsaka, pabalik-balik ka dito sa bahay, no! Nagsasawa na din ako sa mukha mo. Slight." She giggled and went back inside the house.

"Aray." Ivo clutched his chest dramatically. "Who you talaga sa akin ang kapatid mo, Raya, kapag sumikat ako..."

Umiling lang ako at iniwan na siya dun. Tumulong lang ako sa paglalabas ng upuan tsaka mga baso. Mabilis namang nakarating sina Celeste at inilapag ang pinamili nilang alak at chichirya dun sa table. Hindi pinasama ni Papa si Sonny sa amin dahil may alak daw. Si Selena naman, pinauwi na yung nobyo niya at pumasok sa sariling kwarto.

"Ah, namiss ko 'to!" ani Avery nang makaupo na kami lahat.

"Na-miss ko din yung mga panahon na hindi pa tayo by partner..." pagpaparinig naman ni Yari.

"Maghanap ka rin ng artistang boyfriend, Yari! Paka-bitter nito, eh," kantyaw naman ni Celeste kaya nagtawanan sila.

Nagsimula nang umikot ang tagay. Binilhan na talaga nina Celeste si Ivo ng chuckie dahil alam nilang kahit anong pilit ay hindi talaga iinom si Ivo kaya yun ang sa kaniya.

"Kanta ka naman para sa amin, Ravi!" biglang sigaw ni Karlo. Naka-ilang ikot na kasi at mukhang tinatamaan na ito.

"Hoy, nakakahiya ka," siniko ni Yari ang kambal.

Ravi chuckled. "Hindi ko dinala ang gitara ko..."

"May gitara si Selena, gusto mo?" alok naman ni Ivo na para bang siya ang kapatid ni Selena at hindi ako.

Tumango si Ravi kaya pumasok ang dalawa dun sa bahay. Narinig ko pa ang malakas na tili ni Selena. Malamang ay hihimatayin na yun sa kilig dahil may isang Ravi Alfonso ang gagamit ng gitara niya.

When the two came back, Ravi is already carrying the guitar. Nakasunod naman sa kanila si Selena.

Umupo si Ravi dun sa pinakadulo at tinono muna ang gitara. Nag-strum siya dun para pakiramdaman bago niya kami sinulyapan. Napaka-seryoso ng mga mukha namin at nakatingin sa kaniya kaya natawa siya.

"Mas kinakabahan ata ako dito kesa sa Arena concert ko..."

"Okay lang yan, babe!" Celeste nudged him playfully. "Huwag mong pansinin ang mga yan..."

He chuckled once again before he started strumming.

Noon pa lang alam ko na ikaw na talaga

Tawagin na nating tadhana

Ngayon lang ako sigurado

Ikaw ang hahanapin sa habambuhay

I was taken aback because he could really sing! First stanza pa lang yun pero sobrang nakaka-hook na, idagdag mo pa ang maamo niyang mukha habang nag-gigitara

Pagod nang magpanggap ang pusong ito

Kung may sasabihin ka

Pakiusap giliw ko

Ipaalam sa akin ang totoo

Kasi ikaw ang pipiliin sa habambuhay

Ikaw ang gustong makasama

Wala nang iba pa

Napalingon ako kay Ivo sa tabi ko. He was staring intently at me while listening to Ravi singing. Ni hindi man lang niya inalis ang titig niya sa akin di tulad noon kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Kung may sasabihin ka

Pakiusap giliw ko

Ipaalam sa akin ang totoo

Ako ba ang may-ari ng puso mo?

I swallowed hard and looked away. Pinilit ko nalang ang sarili kong pakinggan si Ravi hanggang sa matapos niya ang kanta niya. Nagpalakpakan naman kaagad sila lalo na si Selena na mukhang ngangawa na ata dito sa tabi.

"Tungkol saan ba ang kantang yan? Infairness ah, ang sakit!" komento ni Lulu.

Ravi smiled while gently caressing the guitar. "Tungkol 'to sa taong sobra kong magmahal pero hindi naman makaamin."

"O, sa mga hindi pa nakakaamin d'yan, amin-amin din pag may time!" hirit ni Celeste sabay tingin kay Ivo. Sinamaan tuloy siya ng tingin ng lalaki.

Pati ako ay na-curious din. "Bakit? May nagugustuhan ka na ba, Ivo? Si Elaina ba?"

He looked away from me. Napangiti naman ako.

"Hindi ko alam kung sino yan, pero sana umamin ka na..."

Napaawang ang mga labi ni Ivo at napatingin sa akin, gulat na gulat.

"Seryoso ka ba?"

I tilted my head innocently. "Bakit?"

Wala siyang sinabi. Basta nalang siyang tumayo at umalis sa lamesa namin, mukhang nagalit. Kinabahan tuloy ako.

Somewhere in the table, Celeste laughed.

"Minsan parang gusto nalang kitang iuntog, Raya, at nang matauhan ka."

-

#HanmariamDWTWChap22

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top