Chapter 20
"The locals here in La Union are actually pretty hungry to prove themselves. Ivo from the Philippine lineup, I believe, the one wearing the black wetsuit is making big waves, going head first and holy fucking hell! Ladies and gentlemen, this is how you do a barrel ride! Looks like this guy had found the perfect tubular wave..."
"May naiintindihan ka ba sa sinasabi ng commentator?" bulong sa akin ni Lulu.
"Wala." Umiling ako dahil totoo naman. Nakatuon ang mga mata ko kay Ivo pero halos hindi ko rin mahabol ng tingin sa sobrang bilis ng mga galaw niya.
He disappeared into pipe of the wave, surrounded by the water in motion and rode the hollow part of the wave until he fell into the water. Nagsigawan ang mga tao kaya nagtinginan kaming dalawa ni Lulu, nagtataka kung good sign ba iyon o hindi.
Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng commentator dahil nagsisigawan na din silang dalawa doon sa lamesa kung saan sila nakaupo at nagsasalita. They were so hyped about something which I do not understand.
All I see is Ivo, immersed in the ocean. He looked so tiny in those big waves, and it's making me fear for his life. How could he glide like that without a fear for what's going to happen? How could he be so carefree?
Nang matapos ang lineup nina Ivo, nagsisigawan at nagtatalon na ang mga tao sa tent namin. Lulu had to ask if they won just to make sure. Ayaw niya daw mag-cheer tapos hindi naman pala pasok sa preliminaries.
"Panalo kayo, diba? Diba?" salubong niya kay Ivo galing sa dagat.
He ran a hand through his wet hair and glanced at me. Ngumisi siya. "Panalo."
"Yey!" Lulu jumped up and down and help up her phone. Mag-picture daw kaming tatlo para remembrance. Saglit lang naming nakasama si Ivo dahil tinawag na siya ng mga teammates niya. Bumalik kami sa tent at sumunod naman siya sa amin. Tinapos namin ang iba pang lineup at nakinig sa announcement bago umuwi.
Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si Selena na may kausap na matangkad na lalaki. Nakita ko na siya kahapon at pareho sila ng suot na uniform kaya alam kong taga St. Agnes din yun.
For some reason, I saw myself and Ivo in them. Nakatayo lang ako at nakamasid sa kanila. Tumatawa si Selena sa sinasabi ng lalaki habang ang isang kamay ay nakahawak sa gate. I cleared my throat. Napatingin silang dalawa sa akin.
"Ate!" bahagya pa siyang nag-panic nang makita ako. "Uh... si Kit po!" turo niya sa lalaki.
"Magandang hapon po..." magalang na wika nung Kit.
Tumango naman ako at tuluyan silang nilapitan. "Nanliligaw ka?"
Hindi sumagot kaagad yung Kit at si Selena naman ay nag-iwas ng tingin. I wanted to smile but I held myself back. Bakit ang cute ng dalawang 'to?
Nagkunwari akong hindi natutuwa at ipinag-krus ang mga braso sa dibdib.
"Taga san ka?" suplada kong tanong sa kaniya.
"Ate!" saway sa akin ni Selena.
"Sa Cabaroan po."
"Layo nun, ah? Umuwi ka na sa inyo..."
Alanganin siyang tumingin sa kapatid ko saka dahan-dahang tumango.
"Ingat ka, Kit." Ani ko at hinarangan si Selena na lalapit pa sa kaniya. Tinaasan ko ng kilay ang kapatid. Ngumuso naman siya at umatras.
"Kita nalang tayo lunes sa school, Sel..." wika ni Kit at naglakad na palabas ng kanto namin.
"Ate naman, huwag mong takutin yung tao!" reklamo sa akin ni Selena habang pumapasok kami ng bahay.
"Hindi ako nananakot, ah? Binati ko nga," sabi ko habang nilalagay ang bag sa sofa.
"Baka hindi na ako ihatid nun sa susunod!"
"Oh, eh di red flag. Inconsistent." Walang paki kong wika habang binubuksan ang ref para kumuha ng tubig.
"Hindi naman lahat ng lalaki gaya ni Kuya Ivo," inismiran niya ako at padabog na pumasok sa kwarto niya.
Iginilid ko ang ulo ko, nag-iisip. Ikinukumpara niya ba si Ivo kay Kit? Totoo ngang consistent si Ivo dahil sa nagdaang mga taon, iyong ginagawa niya sa akin noon ay hindi nahinto o nagkulang. He's always been consistent when it comes to taking care of his friends... including me.
Bumuntong-hininga ako at uminom nalang muna ng pain killer para mawala ang sakit sa ulo ko. Umidlip ako saglit sa sofa at nagising nang makauwi na si Sonny. Saka pa ako nakagalaw para maghanda ng hapunan.
Pagsapit ng lunes, nag-text sa akin si Ivo na magiging busy daw siya sa lunch kaya hindi siya makasabay. Huli na nung nag-text siya dahil umayaw ulit ako sa alok ng mga blockmates ko na sabay kumain. Pakiramdam ko mapapagod din sila kakaaya sa akin. Hindi naman sila katulad ni Lulu na hindi ako titigilan at gusto talagang makipagkaibigan.
"Raya!"
Napalingon ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Lenard smiled at me through the crowd. Mabilis niya akong hinabol.
"Kumain ka na?"
Umiling ako. Dun naman kasi ako patungo at kung hindi pa rin siya kumakain, pwede namang sabay nalang kami.
"Tara, lunch tayo..."
Tumango ako at sinundan si Lenard. Kinuha pa niya ang dala kong libro. Hindi ako sanay na ibang tao ang nagdadala nun bukod kay Ivo kaya nakipagtalo pa ako saglit sa kaniya bago ko ito tuluyang ibinigay.
"Hindi ka talaga sasali sa chess club?" tanong sa akin ni Lenard. Gusto ko sanang kumain ngayon sa tapsilogan pero mukhang hindi ata trip ni Lenard dahil hinila niya ako sa katabing kainan na nagtitinda ng balbacua at nilagang baka.
"Hindi na siguro... busy na rin ako." Mahina kong wika habang namimili ng pwedeng ulamin.
"Sayang naman. Wala akong kakilala roon, eh."
I just gave him a polite smile. Nag-order ako at nauna sa loob para maghanap ng upuan para sa aming dalawa. Muntik na akong mapaatras nang makita ko ulit si Elaina at mga kaibigan niya.
For some reason, I really feel intimidated with her. Maamo naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang insecurity ko. Siguro dahil 'mas' siya sa lahat. Mas maganda... matalino... mabait. Nakakasama niya rin palagi si Ivo at hindi na ako magtataka kung magkakamabutihan sila kahit na sinabi ni Ivo na wala siyang gusto sa babae.
"Hey, Raya," bati niya sa akin nang magtagpo ang mga mata namin.
Awkward akong ngumiti sa kaniya. "Hi."
Nag-iwas kaagad ako ng tingin at napalingon kay Lenard nang marinig ko ang boses niya. Dun kami naupo sa lamesa malapit sa TV. Naka-on iyon at malakas ang volume kaya halos hindi kami magkarinigan ni Lenard. Binilisan ko nalang ang pag-kain dahil hindi ako komportable at hindi rin masarap ang ulam na napili ko.
"Ihahatid na kita sa classroom mo, ano bang next subject mo?" tanong ni Lenard pagkatapos naming kumain. Naglalakad ulit kami pabalik sa campus.
"May major subject ako ngayon," ani ko. Sobrang init kaya nagmamadali kami sa paglalakad. Inihatid pa talaga ako ni Lenard sa building namin kahit na ibig sabihin nun ay iikot pa siya sa field dahil nasa kabilang building ang department niya.
"Salamat, Lenard..." nakangiti kong wika sa kaniya.
"Sige, bukas ulit."
Hindi na ako nakasagot dahil umalis na siya. Kinabahan tuloy ako. Anong bukas ulit? Magkikita ulit kami bukas? Hindi naman sa hindi ko gustong makita ang lalaki, pero baka kasi hindi na busy si Ivo bukas at mag-aya na mag-lunch. Anong sasabihin ko?
I bit my lower lip, hoping that Ivo would be busy again tomorrow so that I don't have to lie. Ayoko kasing paasahin si Lenard. Hindi rin pwede na sabay kaming tatlo dahil alam kong hindi gusto ni Lenard si Ivo kahit nung high school pa lang kami.
Mukhang minalas ata ako dahil nung sinundo niya ako kinabukasan sa bahay namin, na-mention niya kaagad ang lunch.
"Sorry, hindi kita napuntahan kahapon. May inasikaso lang ako. Sabay tayo mag-lunch mamaya?"
Nag-iwas kaagad ako ng tingin habang nagsasandok ng kanin.
"Uh... niyaya kasi ako ng mga blockmates ko. Sasama muna ako sa kanila. Okay lang ba?"
"Oo naman!" masigla niyang sagot sa akin. "Buti naman kinakausap mo na ang mga blockmates mo."
Ngumiti lang ako nang alanganin sa kaniya. Baka kasi ma-badtrip siya o ano kapag inamin ko sa kaniya ang totoo. Sisiguruhin ko nalang mamaya na hindi na ako aayahin ni Lenard na mag-lunch bukas para bumalik kami sa normal ni Ivo.
Pagkalabas naming dalawa, nasalubong namin si Kit. Nahiya pa ito nang makita kami at nag-aalangan pero bumati pa rin naman.
"Good morning po, Ate."
"Good morning, Kit. D'yan ka na maghintay sa balcon. Hindi pa tapos mag-ayos si Selena."
Tumango siya at napatingin kay Ivo. Muntik ko nang hampasin ang lalaki dahil sinasamaan pala niya ng tingin si Kit! Mukhang natakot ito sa kaniya at nagmamadaling pumasok saka naupo dun sa balcon namin.
"Ano ka ba, tinatakot mo yung bata, eh!" siniko ko siya.
"Sino yun? Manliligaw?"
I shrugged. "Wala namang sinasabi si Selena. Hatid-sundo lang siya."
"Ang bata pa ni Selena!" reklamo naman ni Ivo habang pinagbubuksan ako ng pinto.
I chuckled. "Dalaga na siya, Ivo."
"Bata pa rin! Ikaw nga, hindi ka pa 18!"
Napanguso ako sa sinabi niya. Ngayong taon nga pala ang debut ko. Hindi ako sigurado kung may debut ba talagang mangyayari dahil pinagkakasya lang namin ang padala ni Mama at si Papa naman, dalawa na silang driver ang nagrerenta sa taxi kaya mas nabawasan pa ang kinikita niya.
Siguro hindi nalang ako aasa. Birthday lang naman yun. Hindi naman kailangang engrande tulad ng kay Lulu. Kahit na bilhan ako ni Papa ng maliit na cupcake, okay na ako roon.
"Anong plano mo sa debut mo?" tanong ni Ivo sa akin habang nagmamaneho.
I shrugged. "Hindi ko alam. Baka wala."
"Anong wala?! Hindi pwede yun!"
I chuckled. "Wala yan sa budget, Ivo. Huwag nalang."
"Hindi ka na nga nakapag-prom eh..." bulong-bulong niya.
Natahimik ako. Aaminin ko, gusto ko rin naman talagang maging normal na teenager na nakakapunta sa prom at nakakapag-celebrate ng debut. Minsan lang kasi yun at wala ng ibang chance pa na ma-experience pero malabo talaga sa sitwasyon namin. Nahihiya naman akong sabihin kay Mama ang tungkol sa debut kahit na palagi niyang tinatanong kung ano ang gusto namin. Para kasing hihingi ako ng pera sa isang estranghero kapag nagkataon.
Hindi nalang ako sumagot kay Ivo. Ang hirap naman kasi intindihin ng sitwasyon ko mula sa perspective niya. Lumaki siyang nakukuha lahat ng gusto niya. I should be grateful that he didn't end up an asshole just because he's sheltered. In fact, for someone who hasn't been living with his parents, Ivo really grew up to be a decent guy. Hindi ko alam kung tinuturuan niya lang ang sarili niya na maging ganun o sadyang mabait talaga siya sa kaibuturan. Ni hindi nga umiinom kahit isang patak ng alak.
Nakakalungkot lang kasi alam kong gusto niya akong intindihin pero ang hirap talaga... lalo na't hindi naman niya nararanasan ang nararanasan ko.
"Sunduin kita mamaya, ah?" ani Ivo habang kinukuha ko ang mga libro.
Tumango ako sa kaniya at bumaba ng kotse. Nasanay na ata ang mga estyudante na nagdadala siya ng sasakyan kaya wala nang gaanong tumitingin. Buti naman dahil inaatake talaga ako ng hiya kapag biglang tinitingnan ng mga tao.
Inihatid niya ako sa classroom namin. Kakaupo ko pa lang pero sinugod na kaagad ako ng mga blockmates ko.
"Sure ka bang hindi mo jowa si Ivo, Raya?!" ani Charisse.
Umiling ako. "Hindi. Magkaibigan lang kami."
"Hatid-sundo ka, eh! Tapos may taga-accounting pa! Ang haba ng hair, girl!" tawa naman ni Trixie.
Alanganin akong ngumiti sa kanila. Palagi kasi nilang pinagp-pyestahan ang BSBA dahil naroon daw ang mga gwapo, at isa na roon si Ivo. Pati mga bago niyang kaibigan sa department nila ay pinagdidiskitahan din ng mga blockmates ko at tinanong ako kung kilala ko din sila.
Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar nila dahil nasanay na ako na ganun si Celeste sa akin. In fact, it made me miss her. Kumusta na kaya yun? Hindi ko alam kung close ba sila ng Mama at Ate niya pero alam kong nakakalungkot pa rin na mag-isa sa Manila. Madalas naman siyang umuuwi at laging may baon na ngiti kaya hindi ko alam kung kailan siya okay at kailan hindi.
Hindi pa kami dini-dismiss ng professor namin ay namataan ko na si Lenard na naghihintay sa labas. Pagkatapos ng klase, agad kong niligpit ang mga gamit at nilapitan siya.
"Sorry, may binigay kasi na activity..." hinging paumanhin ko dahil natagalan din kami dun sa loob.
"Ayos lang. San mo gustong kumain? Dun sa kainan kahapon?" tanong niya habang kinukuha sa akin ang mga libro ko.
Agad akong umiling. "Pwede bang mag-tapsilog tayo ngayon?"
"Oo ba! Masarap ba dun?"
Tumango naman ako at naunang maglakad dahil siksikan at maraming estyudante. Sumunod sa akin si Lenard. Marami ng tao roon pagkarating namin kaya naghanap-hanap pa kami ng mauupuan bago makapag-order.
Wala naman kaming ibang pinag-uusapan ni Lenard kundi chess kaya yun nalang din ang topic namin kahit na hindi na ako naglalaro para lang walang dead air sa aming dalawa. Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa club at mga nakalaban niyang mga fourth year. Siya ata ulit ang representative ng campus para sa mga competition.
Nagsasalita pa si Lenard pero agad akong napalingon nang makarinig ng ingay. Mga lalaki iyon at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong mga BSBA pala yun! Marami sila kaya hindi ko kaagad nakita si Ivo na nasa likuran pala.
I froze in my seat when our eyes met. May sinasabi sa kaniya yung katabi niya pero nakatuon na dito ang atensyon niya. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makitang magkasama kaming dalawa ni Lenard sa lamesa.
Parang gusto ko nalang na maglaho dahil sa mga titig niya! Galit ba siya? Hindi ko alam! Bakit blangko ang eskpresyon ng mukha niya?!
"Nandito rin pala sa Lorma ang lalaking yan? Chick boy pa rin," tumatawang komento ni Lenard nang makitang nakatingin rito si Ivo sa amin.
Wala akong sinabi pero hindi ko rin magawang ngumiti sa sinabi ni Lenard dahil ayoko nun. Binilisan ko nalang ang pag-kain. Ang tanga-tanga naman kasi, Raya! Paborito ni Ivo ang tapsilog kaya malamang dito siya kakain ng lunch! Ano bang pumasok sa isip ko at dito pa talaga kami kumain?!
Pagkatapos naming kumain, ihinatid ulit ako ni Lenard sa classroom namin.
"Nagc-commute ka ba pauwi? Sabay na tayo mamaya!"
I turned to him, completely exhausted. Hindi ako mapakali sa ginawa ko kay Ivo kanina tapos ngayon, ito na naman! Ito talaga ang dahilan nun, eh! Ayoko namang sumisi ng tao dahil kasalanan ko pero hindi talaga ako mapakali!
"Uh... sabay kami ni Ivo pauwi."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lenard dahil sa sinabi ko. Tumango siya at isiniksik ang mga kamay sa bulsa.
"Ah, ganun ba? Sige."
Tumango din ako at hinintay na makaalis siya bago ako pumasok sa classroom ko. Bumuntong-hininga ako nang malakas saka dumukdok sa desk ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa palda nang mag-vibrate iyon.
From: Lulu
napaka-random pero miss you! Hehehe <3
Napangiti ako at nag-type ng reply sa kaniya.
To: Lulu
I miss you too.
Gusto kong sabihin kay Lulu lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko, alam niya kung anong dapat kong gawin. Ayoko ng ganito na palagi akong naguguluhan at hindi alam kung anong dapat gawin! Hindi nga ako sigurado kung gusto pang sumabay ni Ivo sa akin mamaya pagkatapos ng nakita niya!
Pagkatapos ng klase ko, ako na mismo ang nagpunta sa BSBA department. Alam ko naman na kung saan ang classroom ni Ivo at kung anong last subject niya ngayon kaya doon ako dumiretso. Kaso, pagkarating ko doon, nakita ko siyang kasama si Elaina. Nakaupo ang babae sa desk chair at nakahalumbaba pa habang nakikinig sa kuwento niya. Si Ivo naman ay nakatayo at nakasandal sa isa din sa mga upuan. Animated na nagkukuwento si Ivo ng kung ano at maya-maya pa ay tumatawa si Elaina.
Wala naman dapat iyong malisya dahil hindi lang silang dalawa ang naroon sa classroom. May iba pa silang mga kaklase na nandun rin pero kung titingnan, parang nakakulong sila sa sariling mundo.
My heart clenched painfully. Hindi ko naiintindihan kung bakit. Somehow, I imagined myself looking like that when I'm with Ivo. Iyon rin ba ang nakikita ng ibang tao kapag nakatingin silang magkasama kaming dalawa? O imahinasyon ko lang din yun?
Dahan-dahan akong umalis sa pintuan nang makita kong nakatingin na sa akin ang ibang mga kaklase ni Ivo. Ayos lang, hihintayin ko nalang siya rito.
Hindi rin naman ako matagal naghintay sa labas dahil nakita kong lumabas na rin si Ivo at Elaina. Hawak pa niya ang mga libro ng babae ngayon at mukhang nagulat ito nang makita ako.
"Raya! Kanina ka pa?"
Kaagad akong umiling at nginitian siya. Nag-smile din sa akin si Elaina.
"Hi, Raya. Nagkita ulit tayo..."
"Ulit? Nagkikita pala kayo?" tanong naman ni Ivo.
Elaina just laughed. "Oh, I just bumped on her while she's on a date with that guy from accountancy. What was his name again?"
My lips went into a thin line. Nakatingin na sa akin si Ivo ngayon.
"Lenard ang pangalan niya. At hindi iyon date." Wala sa mood kong sagot sa kaniya.
"Oh." Her face fell. "I'm sorry, I shouldn't assume. You guys were so touchy with each other so..." she trailed off when she saw my face.
Hindi ko na talaga maitago ang iritasyon ko. Ano raw?! Touchy?! Ni hindi nga ako makalapit kay Lenard at hindi rin kami magkarinigan sa lakas ng volume ng TV. Ganun ba kami tingnan sa paningin ng ibang tao?!
Awkward na tumawa si Ivo at pumagitna sa aming dalawa. Ibinigay niya ulit ang mga libro ni Elaina.
"Sory, Eli. Sa susunod nalang tayo mag-isaw. Ihahatid ko pa si Raya, eh."
"It's okay. BBF duties, right?" she laughed softly while accepting her books.
Hindi na ako nagsalita hanggang sa umalis na ang babae. Sinipat naman ako ng tingin ni Ivo, pinapakiramdaman dahil alam niyang na-badtrip ako.
"Ako na magdadala ng libro mo..." mahina niyang wika.
"Huwag na. Kaya ko naman." I said in a clipped tone. Hindi ko alam pero iritang-irita ako ngayon! Dinaig pa nito ang PMS ko!
"Sige na, ikaw naman. Nagtatampo kaagad..."
"Huwag na nga! Susuntukin kita?!" inis kong singhal kay Ivo dahil pinipilit niyang kunin ang mga libro ko eh ayoko nga!
He sighed. "Ang highblood."
Mas lalo lang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Highblood ako? Eh di bumalik ka dun sa babae mo!"
Ivo tilted his head to study me. "Pinagsasabi mo? Ang babae ko lang ay ang Lola ko," he chuckled softly.
Hindi ko siya pinansin at nakasimangot lang na naglalakad palabas ng campus. Sumunod naman si Ivo sa akin. Buti at hindi na niya ako ginulo tungkol sa mga libro ko. Pinagbuksan niya lang ako ng pintuan at tahimik din siyang pumasok sa sasakyan.
Ito ata ang unang beses na hindi kami nag-iimikan sa loob ng sasakyan niya kaya napaka-awkward ng atmosphere. Ivo reached for the stereo in his car to play a song. Open Road by The Ransom Collective.
Nakakagaan ng loob ang kanta kaya medyo kumalma na din ako at nawala ang iritasyon. Napalitan iyon ng guilt dahil wala namang kasalanan si Ivo dito pero nagsusuplada ako sa kaniya. I glanced at him discreetly. Seryoso siyang nakatingin sa daan habang nagda-drive. I bit my lower lip and nervously played with my fingers in my lap.
"Sorry..." halos bulong na iyon.
"Ha?" napatingin si Ivo sa akin. "May sinasabi ka?"
Nag-iwas ako ng tingin, namumula ang mukha. Nakakahiya naman! Bakit ba hindi niya narinig nung una?! I cleared my throat to make sure I will be heard this time.
"I'm sorry..."
"Saan?"
"Kanina..."
Dinadaga ulit ang dibdib ko! Bakit ba ganito ang lalaking ito?! Alam naman niya na kung ano ang tinutukoy ko.
I saw him smirked. "Ah, yung pagseselos mo kanina?"
"Hindi yun selos ah!" muntik ko na siyang hampasin ng librong hawak ko.
He chuckled. "Ganito ka pala magselos, Raya..."
"Hindi nga selos!" pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ni Ivo. Malapit na kami sa bahay ko kaya naman binagalan niya ang pagda-drive.
"Sabi mo eh."
Umirap nalang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kaniya hanggang sa makarating kami. Kaagad akong bumaba at kinuha ang mga libro ko. Nakahawak pa ang kamay ko sa pinto ng kotse habang si Ivo naman ay nakatingin sa akin.
"Pwede ba tayong mag-lunch bukas, o busy ka?"
Kumunot ang noo ko. "Busy?" I clamped my mouth shut when I remembered the lie I told him. Nasa kalsada na ang mga mata niya ngayon. "Uh..."
"If you want to have lunch with Lenard, it's okay with me. Hindi mo naman kailangang magsinungaling."
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata. "Sorry. Alam ko kasing hindi mo gusto ang tao."
Ivo chuckled. "Hindi nga."
I sighed. "Hindi na ako magsisinungaling ulit."
Tumango-tango si Ivo. "Thanks. I think I've had enough with lies..."
Hindi ko alam kung may pinaghuhugutan ba siya sa sagot niya o ano pero tumango nalang din ako. Bago ko tuluyang isinara ang pinto, tinawag ko ulit siya.
"Ivo..."
"Hmm?"
"Lunch tayo? Bukas?" aya ko sa kaniya.
He smiled at me. "Oo ba."
Napangiti na rin ako saka isinara ang pinto. Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na ako ang nag-initiate na magkita kaming dalawa. Siya kasi ang palaging pumupunta sa akin kaya nakakapanibagong ako naman ang gumagawa nun.
But somehow after our conversation, my chest felt lighter.
Pagsapit ng sabado, niyaya ako ni Ivo na lumabas daw kami. Hindi ko alam kung para saan pero dahil nasanay na akong magkasama kami palagi, um-oo ako na hindi tinatanong kung san kami pupunta.
"Anong hinahanap mo dito?"
"Hmm, may bago akong hobby. Gusto ko ng film camera!"
Hindi ako umimik at iginala ang tingin sa paligid. Sure naman akong afford ni Ivo na bumili kahit sampung film camera pero dinala pa niya ako sa isang Japanese Surplus. Gusto atang makamura o ano.
Sumunod lang ako sa kaniya habang nagtitingin siya ng mga film camera dun sa isang box na puno din ng mga used cameras. Kinalikot ni Ivo ang mga nagugustuhan niya at tinitingnan kung gumagana pa ito.
"Ivo, baka galing sa mga patay ang gamit dito..." bulong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga alikabok dun sa box.
"Plus vintage points kapag galing sa patay," tumawa si Ivo at itinaas ang film camera na hawak niya saka ako tinawag.
Napatingin naman ako dun sa lens. Ni hindi ako makangiti dahil masyado yung biglaan! Ngumiti lang si Ivo at ibinaba ang camera habang nakasimangot naman ako. Hindi naman yun digital camera o cellphone na mabubura kapag nakakuha ka na ng litrato kaya naroon ang mukha ko!
"Bibilhin ko 'to."
Pinunasan pa niya ang film camera saka dinala doon sa nagbabantay at nakipag-negotiate pa sa presyo. Para siyang si Karlo na ang hilig ding mambarat sa mga presyo ng mga bilihin eh pareho naman nilang afford ang mga bagay-bagay na gusto nila.
"Gutom ka na?" tanong sa akin ni Ivo habang naglalakad kami pabalik sa kotse niya.
Tumango ako at iginala ang paningin. Itinuro ko iyong maliit na Korean restaurant sa kabilang kalsada.
"Dun nalang tayo."
"Sige."
Sumunod sa akin si Ivo. Pagpasok pa lang namin, halos masilaw na ako sa dami ng mga posters ng Korean idols dun sa loob. May malaking TV na nagp-play ng mga music videos ng babaeng sumasayaw. They all looked so tiny while dancing. Mukhang mga manika din. Kung hindi sila magsasalita, aakalain ko talagang mga manika sila.
"Annyeonghaseyo!" bati ng masiglang waitress nila na naka-pink na tennis skirt at crop top.
"Ano daw? Anong sayo? Eh hindi pa tayo nakakaupo, ah!" reklamo ni Ivo kaya siniko ko siya dahil nakakahiya!
Doon kami naupo sa malapit sa bintana. Ang hilig-hilig kasi ni Selena sa mga Korean girl groups at pati na rin Kdrama kaya pilit kong iniintindi ang kapatid kapag bigla nalang itong titili sa kwarto niya.
"Hindi ko maintindihan ang mga kanta nila. Bakit walang subtitle?" nakahalumbaba si Ivo habang nanunuod dun sa TV.
Napailing nalang ako at binuklat ang menu para mag-order. Kimchi stew ang in-order ko at bibimbap naman ang kay Ivo. Nagdagdag din siya ng banana milk para sa amin dalawa at ibinalik ang menu sa waitress.
"Kamsahamnida, oppa!" masiglang wika ng waitress pagkakuha sa mga orders.
"Uh... thank you?" nagdadalawang-isip pa si Ivo sa isasagot. Nung umalis ang waitress, kaagad siyang bumulong sa akin. "Ano ba 'tong pinasukan natin, Raya, hindi ba sila marunong mag-tagalog dito? Nas-stress ako!"
Tumawa lang ako at tinulak ang mukha niya palayo. First time ko pang makapasok sa isang Korean restaurant kaya hindi ko alam na ganito pala sila.
Pagkatapos naming kumain ni Ivo, naglakad-lakad kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa lumang simbahan. Maliit lang iyon at may lumang estatwa ni Hesus sa entrance. Walang masyadong tao ngayon dahil bukas pa naman ang misa kaya sobrang tahimik pagpasok namin sa loob.
Tumabi sa akin si Ivo at tumahimik. Nakatitig lang ako sa altar, tahimik din na nag-iisip. Marami akong alaala sa simbahang ito. Tulad nalang nung mga araw na dinadala kami dito ni Mama at Papa tapos binibilhan ng cotton candy pagkatapos magsimba. Palaging nakakatulog si Sonny tuwing misa kaya sinisita siya ni Mama at minsan nakukurot pa dahil makulit ito.
Napangiti ako nang mapait. Sobrang dalang ng mga alaala ko na kasama si Mama kaya memoryadong-memoryado ko ang iilang pagkakataon na masaya pa kami at kompleto.
"Anong iniisip mo?" bulong ni Ivo.
Umiling ako. "Wala... madalas kami dito noon."
Ivo held his film camera. Before I could protest, he took a picture of me inside the church. Napangiti siya habang kinakalikot ang camera at wala din naman akong magawa kaya umiling nalang ako.
"Baka ma-fall ka sa akin, ah?" biro ni Ivo habang binababa ang camera niya sa hita niya.
"Asa ka!"
He chuckled while staring at his camera. "Huwag kang gumaya sa akin, Raya..."
-
#HanmariamDWTWChap20
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top