Chapter 14
"Anyare sa inyo? Di ba kayo masaya na makita kami?"
"Oo nga, nakakatampo kayo ah! Traffic pa naman palabas ng Manila tapos ang init pa," ani Karlo.
I shifted uncomfortably in my seat. Alam naman nilang tahimik na ako dati pa at hindi palasalita kaya naninibago sila na ngayon ay ganun din si Celeste. Akala ko nga hindi siya sisipot sa usapan naming magkita pero narito pa rin siya. Nahihiya ako kina Avery, Yari, at Karlo na bumiyahe pa talaga para magkita kami.
"May nangyari lang sa school," Lulu sighed. Humalumbaba siya sa lamesa habang naghihintay kami sa order namin.
"Anong nangyari? Sinong umaway sa inyo? Abangan natin sa gate, tara!" akmang tatayo na si Karlo pero agad siyang hinila ng kambal at pinandilatan.
"Bakit? Ayos ka lang ba, Celeste?" Avery asked in a soft voice.
Dun pa lamang siya napatingin sa amin nang tawagin ang pangalan niya. Malamang, kung saan-saan na lumilipad ang isip niya kanina pa. Natatakot ako kasi umaakto siyang normal sa tuwing magkakasama kami pero alam ko namang nasaktan talaga siya sa nangyari.
As much as I want to comfort her, I have my own wounds to lick, too.
Celeste took a deep breath and flashed a shaky smile.
"Wala, may asong ulol lang na naligaw sa school. Buti nalang binugaw kaagad ni Ivo,"
Napatingin ang lahat kay Ivo na tahimik lang na nakaupo katabi ni Karlo. He pointed to himself when he saw the questioning looks from us.
"Ano? Gusto niyo kwento ko kung paano ko binangasan ang ungas na yun?"
I rolled my eyes. "Ikaw pa may sabi na huwag kong patulan, tapos ikaw nauna sumuntok."
He just shrugged. "Deserve niya yun."
"Stop trying to get into fights, Ivo. Pangit yan sa record mo. Baka maka-apekto pa yan sa college na papasukin mo next year."
"O di kaya hindi ka release-an ng good morale certificate!" tumawa si Lulu at nakuha pang asarin ang best friend. "Tatawanan talaga kita!"
"Hoy, gagi, gusto ko pang mag-college 'no!" tumuktok pa siya sa kahoy na lamesa na para bang itataboy nun ang masamang awra nila.
Unti-unti, umingay ulit ang lamesa namin hanggang sa dumating na ang in-order naming chicken wings. Nakikiasar na din si Celeste sa kanila. Mabuti na din yun para hindi niya muna naiisip ang problema niya.
I flinched when I felt a dull pain above my eyes again. Napabuntong-hininga ako dahil alam kong sasakit na naman ang ulo ko. May inipon naman akong pampa-checkup dahil nahihiya akong humingi kay Papa, pero sa lagay namin ngayon, parang ang hirap namang gawin iyon. Siguro ay itatabi ko muna dahil natatakot akong may mangyaring hindi maganda tapos hindi ako handa para sa pamilya ko.
"Masakit ulo mo?" bulong ni Ivo pero rinig iyon ng lahat dahil nasa kabilang dako naman siya ng lamesa. "May dala akong gamot..."
"May loperamide ka, Ivo? Naje-jebs ako!" si Karlo.
"Ang dugyot mong gago ka," Ivo pushed his face away when he tried to take the medicine box from his hand. "Wala akong ganyan! Kumuha ka dun sa tindahan niyo! Puro pain killer 'to, para kay Sereia lang 'to..."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Huh? Bakit para sa akin lang?
"Hay," Celeste sighed next to me. Napatingin ako sa kaniya. "Ang purpose ko nalang talaga sa mundong ito ay mainggit sa relasyon ng iba."
"Anong relasyon?" si Avery naman.
Celeste just grinned and shook her head. Inabot ko ang gamot mula kay Ivo at nagpasalamat sa kaniya bago ito ininom. Tapos na din naman kaming kumain kaya nagpahinga muna kami saglit at nagkuwentuhan tungkol sa buhay college nila. Mas exciting pa daw kesa sa high school, at pwedeng lumabas ng campus kahit anong oras.
Habang naglalakad kami pauwi, tinabihan ako ni Lulu at kinuha ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya.
"Ayos ka lang?" mahinhin ang boses niyang tanong.
Tumango ako. "Ayos naman..."
"Wala bang problema sa inyo? Sa bahay?"
Natahimik ako sa tanong niya. Pansin niya ba? Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin dahil hindi pa nagpapaliwanang nang maayos si Papa sa amin. Nag-sorry lang siya sa paglalasing at pagwawala sa bahay. Nangako na din na hindi na niya iyon uulitin. Ngayon, tatlong araw na siyang madaling araw umuuwi dahil gustong bumawi sa pamamasada. Nawalan ako ng pagkakataong itanong sa kaniya ang tungkol sa away nila ni Mama... o kung away lang ba talaga yun.
I have a feeling that what he said is real and that I might never see my estranged mother again.
Dahan-dahan akong umiling. Ayoko munang sabihin sa kanila. Kung pwede, hindi na. Alam ko ang mga 'to, mag-aalala lang sila para sa akin. Hindi ako sanay na may ibang taong nag-aalala para sa akin... at mas mabuti na ang ganun. I shouldn't depend myself too much on them because they could leave me or I could leave them any moment. I love my friends, but I know there is nothing permanent in this world. Hindi ko alam kung kailan magtatagal itong pag-biyahe biyahe nila galing Manila pa Elyu. Baka sa umpisa lang...
Sana hindi.
"Wala namang problema sa bahay. Masakit lang talaga ang ulo ko kanina..." pagdadahilan ko kay Lulu.
"Hmm, okay," she smiled at me. "Pero alam mong narito lang ako, ah? Huwag kang lalapit kay Ivo dahil hindi marunong mag-advice yun! Sa akin ka dapat mag-confess!"
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Dahil narinig ang pangalan, nakisali na rin si Ivo sa usapan namin. Buti nalang iniba kaagad ni Lulu ang topic kaya hindi na siya nagtanong pa kung may problema ba talaga ako sa bahay.
Mabilis na namatay ang issue kaugnay sa Mama ni Celeste at pagsapit ng second quarter namin, ipinakilala niya ang boyfriend niya sa amin.
"Guys, si Kade, boyfriend ko."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lulu habang si Ivo naman ay masayang nakikipagkamay sa lalaki. Celeste never mentioned him before until now. Hindi ko na rin siya nakikitang nakikinig ng musika ng idolo niya noon. Wala kaming ideya kung saan at kailan niya nakilala si Kade. Somehow, I felt like she drifted a little from us.
"Hey, what's up bro?"
"I'm good, bro. Taga Manila ka pala? Ateneo?" sinipat ni Ivo ang suot nitong puting t-shirt na may logo ng ateneo.
Hinila ni Lulu si Celeste mula sa dalawa at seryoso itong tiningnan.
"Ngayon lang namin 'to nakilala, ah?"
She nodded. "Ngayon ko lang dinala, eh."
"Saan mo siya nakilala? Matagal na ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Lulu.
"Sa Tinder. Nag-match kami. Kaka-two months lang namin kahapon."
"Tinder?! What the—" humina ang boses ni Lulu nang mapalingon si Kade sa gawi namin. Kaagad siyang tumalikod at hinarap si Celeste. "Cel, are you sure about him?"
She shrugged. "Hindi naman seryoso, Luanne. Huwag kang praning."
"But he's your first boyfriend!"
"First's doesn't always have to be special." She gave a tiny smile and walked away from us.
Wala akong nagawa dahil may punto naman si Celeste at dapat hindi namin siya pakialaman sa ginagawa niya sa buhay. Although the disapproving looks never left Lulu's face, she was civil towards her new boyfriend. Kumain pa kaming apat sa isawan para daw makita nila kung maarte ang lalaki o hindi. Sa huli, nanlibre pa ito sa amin at nakikipagbiruan na.
"Okay lang naman siguro, Lulu, huwag ka nang masyadong mag-alala," I just felt the need to assure her because she looks really worried.
"Hindi ko alam, Scorpio yun, eh. Red flag."
Tipid lang na ngiti ang iginanti sa akin ni Lulu at hindi na nagsalita pa. Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko si Papa na natutulog sa sofa sa sala. Hindi siya umuwi kagabi at mukhang inumaga na ito sa pamamasada. Mas marami kasing pasahero sa gabi, lalo na yung nagpapahatid sa terminal at babiyahe ng madaling araw.
Nagbihis ako at nag-handa sa kusina. Habang nags-slice ako ng kamatis, narinig ko ang mga yapak ni Papa patungo sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig. Naupo siya doon sa lamesa at tiningnan ako.
"Kumusta ang araw mo, anak?"
"Ayos lang naman po. Katatapos lang ng first quarter exam namin."
Tumango-tango si Papa. "Gusto mong mag-UP diba? Nag-inquire ka na ba kung kailan yung, ano nga ulit ang tawag sa entrance exam nila?"
"UPCAT po..."
"Ah, oo, yun. Kailan ba yun?"
"October pa po, Pa."
"Sige, mag-apply ka, ha? Sabihin mo kaagad sa akin kapag nakapasa ka para makapaghanda tayo habang maaga pa."
Tumigil ako sa pags-slice at hinarap si Papa, sinusuri ang mukha niya.
"Ayos lang po ba? Ang laking adjustment po kasi, eh. Magt-transfer sina Selena at Sonny ng eskwelahan, kung ganun."
"Ayos lang, anak. Mas magaganda naman ang mga eskwelahan sa Manila. Mabuti na ring doon na mag-kolehiyo si Sonny sa susunod."
"Eh si Mama—" natigilan ako at napatingin sa kaniya. Ilang buwan nang hindi tumatawag si Mama sa amin. Kinakamusta niya lang kami sa chat. Hindi naman nagre-request si Selena ng video call sa kaniya kaya hindi rin nangyari. Pati si Sonny, parang wala na ding pakialam.
Bumuntong-hininga si Papa at sinapo ang ulo. Kami lang dalawa ngayon sa bahay dahil may club meeting si Selena at si Sonny naman ay nagba-basketball. Kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin, pwede niya iyong gawin ngayon.
"Gustong ipawalang-bisa ng Mama mo ang kasal namin."
Na-estatwa ako sa kinatatayuan nang marinig iyon mula kay Papa. Mapait lang siyang ngumiti sa akin.
"B-Bakit daw?"
"Pakakasalan niya yung Amerikano para magka-green card siya... tapos susunduin daw niya tayong lahat dito. Hindi ako pumayag noong una. Nagalit ata ang Mama mo sa akin hanggang sa wala na kaming ginawa kundi mag-away nang mag-away at humantong sa ganito. Pasensiya ka na, anak."
Nangilid ang mga luha ko sa mata dahil sa sinabi ni Papa. She may be an estranged mother to us, but she's still my mother. Kahit na anong paniwalaan ko, sa kaniya pa rin ako nanggaling. Sobrang mahal ko ang pamilya ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito lang kadali itapon ni Mama.
"Matanda ka na, Raya. Maiintindihan mo na ang mga bagay na ito. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa Mama mo. Uuwi siya dito para mag-pirmahan kami ng annulment papers. Hindi ko pa alam kailan. Hindi ko rin alam kung papaano ito sasabihin sa mga kapatid mo..."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Mabilis ko itong pinalis at tumalikod kay Papa.
"O-Okay lang. Naiintindihan ko po." I cleared my throat. "Hindi naman pwedeng ipilit ang pagmamahal, diba? Kasi hindi na yun pagmamahal kung ganun."
My father said nothing. Tulala lang siyang nakaupo dun habang pinipilit kong tapusin ang niluluto ko. Pagdating ng mga kapatid ko, halos hindi ako maka-imik. Ganun din si Papa. Buti nalang at madaming baong kwento si Sonny kaya walang dead air sa lamesa. Si Selena naman, excited din sa music club na sinalihan niya at kinukulit pa si Papa na bilhan siya ng gitara dahil gusto niyang mag-aral kapag nandito sa bahay.
I took a deep breath and glanced at my father. I could better understand the look of pain on his face now that I know what happened. Masakit... pero kailangan naming tanggapin ito.
"Di muna ako sasama sa inyo, may date kami ni Kade, eh," ani Celeste na busy sa pagti-text sa phone niya.
Lulu frowned at her. "Ayaw mo? Manlilibre daw si Ivo, oh!"
"Gago, first time yan, ah!" inalis ni Celeste ang tingin niya sa phone at sinuntok nang mahina sa braso si Ivo. "Bakit nanlilibre ka lang pag wala ako?!"
"Luh? Malay ko bang may date kayo ng bebeloves mo ngayon?"
"Ugh! Ang tagal mag-reply!" she stomped on her feet and distanced herself from us when she dialed his number.
Nagkatinginan kaming tatlo. Hinintay muna namin saglit si Celeste para kumpirmahin kung sasama ba talaga siya o hindi sa amin. Sa huli, sinabi niyang susunduin na daw siya ng boyfriend niya kaya kami nalang.
Dinala kami ni Ivo sa bagong bukas ng milktea shop sa amin at pina-order kung anong gusto namin. Maraming tao kasi opening ng shop at may promo pa sila.
"Dinala mo ba kami dito dahil may promo?" naningkit ang mga mata ni Lulu habang nakatingin dun sa menu sa taas.
"Hindi ah! Curious ako sa shop na 'to kasi surf-themed kaya dito tayo..."
Napailing nalang ako habang nagtatalo sila. Pinili ko yung pinakamura at sinabi kay Lulu kung anong gusto ko. Siya na ang pumila para mag-order para sa aming tatlo habang kami naman ang maghahanap ng upuan.
Hinintay pa naming maakalis yung magbabarkada sa isang lamesa bago kami makaupo. Naroon pa rin si Lulu at nakapila, kaya kaming dalawa lang ngayon ni Ivo sa lamesa. It's been a while since we've been alone together... nung huling summer pa ata.
"Hindi na nasundan ang surfing lesson natin, ah? Gusto mong mag-dagat?"
"Ngayon?" gulat kong tanong sa kaniya.
He chuckled and shook his head. "Next time. Busy ngayon, eh."
Dalawang taon na din akong hindi sumasali sa chess competitions simula nung matalo ako sa regionals nung sophomore pa ako. Member pa din naman ako ng club, pero ang trabaho ko nalang doon ay turuan ang bagong members dahil mga freshmen at sophomores madalas ang pinapadala nila sa competition. Andun pa rin si Ivo pero hindi na siya officer. Nakikilaro na lang din siya sa bagong mga myembro ng club at nakikipagkulitan.
Hindi na tumagal ang usapan namin dahil dumating na si Lulu bitbit ang mga order namin. Pinagpawisan pa ito.
"Your order, Sir," sarkastiko niyang wika kay Ivo na tinawanan lang siya.
"Raya, tama ba ang flavor? Sabihin mo kaagad, papalitan natin yan!"
"Tama naman..." nahihiya kong wika. "Salamat, Lulu."
"Wow, special treatment, Luanne Rose!" kantyaw ni Ivo.
"Hindi mo deserve." Inirapan siya ni Lulu at tinusok ng straw ang milk tea niya. She took a sip and sighed. "Ang init, grabe."
Uminom na din ako habang pinapanuod naming dumagsa ang iba pang mga estyudante sa milktea shop. Mura lang kasi kaya siguradong papatok 'to dahil malapit lang sa eskwelahan.
"Ivo, nandito sina Tita ngayon, diba? Pwede ba akong bumisita?"
Napatingin ako kay Ivo nang tanungin siya ni Lulu. His parents are here in town? Ngayon ko lang ata yun narinig.
He nodded. "Kapag sinabi ko bang, hindi Lulu, hindi ka pwedeng bumisita, papayag ka?"
"Syempre, hindi! Pupunta pa rin ako!" she jerked her chin defiantly.
"O, nagtanong ka pa." inirapan siya ni Ivo sabay inom sa milk tea niya. "Punta ka na sa bahay, huwag kang mahiya. Hinahanap ka ni Mommy. Ikaw raw ang anak niya."
Lulu just laughed and said something about his mother being such a sweetheart. Malamang ay close talaga sila. Nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil sa sobrang tagal ng panahon na magkasama sila. Kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Nagsimula ang pagkakaibigan nila sa mga magulang nila kaya ang hirap ng tibagin o kahit lamangan iyon. At kahit na nakikisama naman sina Lulu at Ivo sa amin, alam kong iba pa rin ang league nila, lalo na ng mga pamilya nila.
Sa apat na taon kong kilala si Ivo, kagabi ko pa naisipang i-search sa internet ang kompanyang pinapatakbo ng pamilya nila. Malaki pala talaga iyon. Maraming branches at may international affiliates din. Sobrang secured naman na pala ng future niya. Kaya pala nagagawa ni Ivo kung anong gusto niya, pati pagsunod sa passion niya sa buhay.
Sinundo si Lulu ng driver niya dahil may dinner daw silang pupuntahan kasama ang pamilya niya. Ivo assured her that he'll walk me home before she left.
"Ingatan mo yan, Ivo, ha!" sigaw pa niya bago isara ang pinto ng kotse.
"Hindi mo naman ako kailangang ihatid..."
"Sus, nahiya ka pa. Apat na taon ko na 'tong ginagawa eh," aniya sa mapang-asar na boses.
I just sighed and followed him. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan kaya natagalan kami nang kaunti. Habang naghihintay, bigla nalang pumasok sa isip ko ang gusto kong itanong sa kaniya.
"Ivo, ilang taon na kayong magkakilala ni Lulu?"
"Since birth," he chuckled.
"Ang tagal na pala, 'no?"
"Oo. Sawa na nga ako sa mukha niya. Bakit?"
"Hindi ka ba..." I trailed off. Hindi ko alam kung papaano sasabihin nang maayos sa kaniya. "Kahit minsan, hindi ka ba... na inlove sa best friend mo?"
Ivo's eyes widened. He looked at me as if I grew another head with what I just said.
"Tangina, si Lulu?!" ang lakas ng boses niya kaya napapalingon ang ibang mga estyudanteng nag-aantay din ng tricycle. Tumawa nang malakas si Ivo. "Joke time ba 'to, Raya?"
Napanguso ako. Ganun kasi ang palagi kong nababasa sa mga romance novels na nasa bahay! Pati na rin sa mga movies! Ang hirap na magkaibigan lang ang babae't lalaki. May maiinlove talaga na isa sa kanila at magkakatuluyan!
Tawa pa rin nang tawa si Ivo kaya hinintay ko muna na mahimashimasan siya. He wiped a tear from his eye and placed his hand on my shoulder.
"I assure you, I will be on Lulu's wedding day, but not as her groom. Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng feelings sa babaeng iyon. Sama ng loob, marami. Pero best friend ko yun, eh." He shrugged. "Pwede namang mag best friend ang lalaki't babae na walang malisya."
Nahiya tuloy ako dahil pakiramdam ko, napaka-close minded ko. Baka rin siguro marami na ang nagtatanong sa kanila n'yan noon at nasanay na si Ivo dahil tumatawa nalang siya ngayon. Hindi nalang ako nagsalita at nagdasal na sana ay dumating na ang tricycle para makauwi na ako.
"Absent si Celeste?"
Tahimik lang na nakatingin si Lulu sa upuan niya. Wala roon ang bag niya. Hindi rin siya sumabay sa amin kanina sa lunch dahil magkikita daw sila ni Kade at ngayon, um-absent na talaga sa afternoon classes namin.
Ivo sighed.
"May load ka, Lulu? Tawagan ko."
"Huwag na," she said in a clipped voice. "Choice niya namang um-absent. Huwag niyo nang disturbuhin sa date niya."
Ramdam kong nagtatampo na talaga si Lulu kay Celeste dahil sa tuwing inaaya namin ito na gumala ay palaging may date o di kaya gala kasama si Kade. Nakikita ko rin sa mga IG stories niya na nakikisali na siya sa inuman kasama ang mga Atenean na kaibigan ng boyfriend niya.
Umupo nalang ako at nagdasal na sana humabol siya sa klase pero hindi naman iyon nangyari. Hindi na siya pinansin ni Lulu kinabukasan dahil naiinis ito sa kaniya kaya todo lambing siya at nag-offer pa na manlilibre ng lunch.
"Ang gara mo na ngayon, ah?"
"Syempre, may sugar zaddy ako! Natupad na talaga ang pangarap kong maging trophy wife!" tumawa si Celeste habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.
Nakasimangot lang si Lulu at tipid na sumasagot sa tuwing kausap siya ni Celeste. May mga mutual friends naman sila na galing din ng Ateneo at ang iba pa nga ay kilala din ni Ivo pero hindi pa rin siya kampante kay Kade. Maski ako, nagdadalawang isip kung pagkakatiwalaan ko ba ang lalaki dahil ngayon lang naman kami nagkakilala.
"Ah, oo nga pala. Tinatanong sa akin ni Eris kung kaanu-ano mo daw si Ysidra Rubio. Sabi ko Mommy mo, gulat na gulat si bakla!" daldal ni Celeste kay Ivo habang nakapila kami.
"Huh? Bakit niya tinatanong Mommy ko?"
"Di ko alam, beh. Siguro dahil dating contestant ng Binibining Pilipinas?" sarkastikong sagot ni Celeste. "Baka lang naman hindi ka aware, sikat po ang Mommy mo. Search mo pa sa internet."
Ivo just frowned while Lulu remained silent next to me. Pansin ko ngang palaging lumalapit si Eris kay Ivo simula nang maging classmate kami. Dahil maganda siya, marami siyang kaibigan at marami ring nanliligaw sa kaniya. May isa pa nga na hinarana siya sa tapat ng classroom namin at todo kilig naman ang mga kaklase ko pero binasted pa rin niya ang lalaki.
"Bakit hindi niya ako tinatanong? Dating contestant din naman si Mommy, ah? Siya pa nga ang nag-uwi ng korona!" hindi napigilan ni Lulu na makisali sa usapan.
Celeste sighed and turned to her. "Sa tingin mo type ka ni Eris?"
"Huh?"
"Crush niya si Ivo, 'no, kaya kung anu-ano ang tinatanong sa akin. Wala naman siyang pakialam kahit na Miss Universe pa ang Nanay mo dahil si Ivo ang gusto niya. Gets?"
Lulu scoffed. Inirapan niya din si Ivo kahit na wala naman itong kasalanan sa mga nangyayari. Mas lalo lang atang na-highblood si Lulu dahil sa narinig.
I felt uneasy knowing that someone as pretty and rich as Eris have feelings for Ivo. Bagay naman sila... parehong may hitsura at mayayaman. Ganitong mga babae ang ka-league ni Ivo kaya hindi na rin ako magtataka kung magiging sila din. Kapag nangyari yun, dalawa nalang kami ni Lulu hanggang sa gumraduate kami at makasama ulit namin sina Avery, Yari, at Karlo.
Yun ang nasa isip ko habang kumakain kami hanggang sa makabalik kami sa classroom. Umuupo pa rin si Ivo katabi namin sa likuran kaya naman pansin ko kaagad kapag lumalapit si Eris dito at nakikipag-usap kay Ivo. Kung nasaan siya, naroon din ang mga kaibigan niya kaya dumadami ang tao sa likuran at umiingay.
Now that Celeste have mentioned it, it's really obvious that she has feelings for him and she's trying to get his attention. Maging si Lulu ay patingin-tingin na rin sa kanila at halatang hindi na natutuwa na napaka-ingay na rito.
Si Ivo naman, kung ano ang pakikitungo niya sa amin, ganun din ang kay Eris. Hindi naman niya ito tinataboy kaya naman prente itong umuupo at nakikipagkuwentuhan sa kaniya. Tama nga si Lulu, ganito talaga si Ivo sa lahat ng mga babaeng kaibigan niya.
"Raya, may crush ata sa iyo ang isa sa mga barkada ni Kade,"
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Celeste kinabukasan habang nasa bleachers kami ng gym, nagpapahinga pagkatapos ng P.E. class namin.
"Anong sinasabi mo?"
Tumawa si Celeste at ipinakita ang Instagram feed niya. Nag-click siya ng photo roon. Iyong picture naming tatlo ni Lulu sa beach.
"Nakikita ka kasi niya sa mga pictures ko. Tinatanong kung anong pangalan mo at IG handle."
Fear crept into me when she said it.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman sinabi. Ang sabi ko, magpapaalam muna ako sa iyo. Kapag hindi mo gusto, hindi kita pipilitin."
"H-Huwag na. Hindi ako komportable."
She nodded and placed her phone back inside the back pocket of her jogging pants.
"Tama, huwag na talaga. Kilala ko yung iba sa mga tropa ni Kade. Puro yan mga bulakbok sa school." Dagdag naman ni Lulu. "Tsaka baby pa si Raya. Huwag kang B.I., Cel!"
"Grabe ka, B.I. kaagad? Ang sakit mong magsalita. Nagbago ka na talaga, Lulu!"
Umiling lang si Lulu. Naglalaro pa ng volleyball ang mga boys ngayon kaya wala si Ivo. Buti na rin at hindi niya naririnig ang usapang ito dahil nakakahiya kung sakali.
Nag-desisyon kaming magpalit na ng uniporme at umalis sa gym dahil tapos na din naman ang attendance at naglalaro lang yung iba doon. Nauna akong natapos sa kanila kaya hinintay ko nalang sina Celeste at Lulu sa labas ng C.R.
"Sereia, right?"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Eris kasama ang mga kaibigan niya. It reminded me again of the time when Xandra confronted me about her boyfriend. It wasn't a pleasant experience. Pakiramdam ko, mangyayari ulit sa akin iyon.
Tumango lang ako habang nakatingin kay Eris. Matamis siyang ngumiti.
"I'm Eris but you probably know me." Inayos pa niya ang buhok at minata ako mula ulo hanggang paa. "Friends kayo ni Ivo?"
Tumango lang ulit ako. Hindi ko alam kung anong gusto niya sa akin.
"Pero mas close sila ni Luanne, diba?"
"Childhood friend niya yun." Paglilinaw ko kaagad.
"Well, can you do me a favor, Sereia?" her tone is sweet and innocent. Alam ko na kung bakit hindi maka-hindi ang mga tao sa kaniya.
"Ano yun?"
"I'm trying to get Ivo to like me but all he talks about is you and it's getting so annoying. Friend ka lang, diba?" she scoffed.
"Anong gusto mong gawin ko?" medyo naiirita na din ako kung saan patungo ang usapang ito.
"Can you distance yourself from him? I think he'd stop talking about you if you remove yourself from the picture. Lulu is the real friend, not you, right? So, if you could kindly avoid Ivo, I would really appreciate that."
"At bakit ko gagawin yun, Eris?" hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya.
"Because I like him and I always get what I want." Her pink lips curled into a smile. "Isa pa, hindi naman kayo bagay. Kung may gusto ka sa kaniya, ako na mismo ang magsasabi sa iyo nito – walang patutunguhan yan dahil hindi mo ka-level si Ivo. He's way too much for you."
Napa-awang ang bibig ko sa gulat. Hindi naman totoo na may gusto ako sa lalaki pero ang sakit niya pa ring magsalita!
"I'm so sorry to burst your little bubble but Ivo only sees you as a charity case, Sereia."
-
#HanmariamDWTWChap14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top