Chapter 11

"Bakit tayo may Edukasyon sa Pagpapakatao? Ibig sabihin ba, hindi tayo asal-tao?"

"Ikaw, Karlo, asal-hayop ka," pambabara ni Yari sa tanong ng kapatid.

"Hindi nga! Seryoso ako," inilapag ni Karlo ang textbook niya at itinuro ang question roon sa quiz. "Tingnan mo 'tong question na 'to..." itinaas ni Karlo ang textbook at binasa nang malakas ang question kaya lahat kami napatingin. "Upang makatulong sa mga nasalanta sa bagyo, nagboluntaryo sina Ana at Grace na tumulong sa pagbibigay ng relief goods sa mga tao. Anong katangian ang ipinakita nilang dalawa? Alam niyo ba kung ano ang choices? Mapagbigay, mapagkawanggawa, mapagmalasakit, matulungin... lahat ng answers parang tama. Pag namali ba ako dito, ibig sabihin, hindi ako makatao?"

"Pucha, Karlo, ang ingay-ingay eh!" reklamo naman ni Celeste. "Bagsak ka siguro sa ESP no?"

Imbes na tahimik lang dapat kami ay nagsimula na silang magbangayan ulit. Ang seryoso lang atang nag-aaral dito ay si Lulu at Avery. Naka-focus sila sa mga libro nila habang si Ivo naman, imbes na mag-aral ay kinukuskos ng kung ano yung surf board niyang nakapatong sa hita. Malaki iyon at kumakain ng madaming space kaya walang makatabi sa kaniya. Lahat kami, nakaupo pabilog sa coffee table nila.

"Hoy, Ivo, mag-aral ka nga! Kanina ka pa d'yan, ah," sa wakas ay puna ni Lulu.

Nag-angat naman ng tingin si Ivo, mukhang na-disturbo pa sa iniisip na malalim. Binalingan niya ang librong kanina pa hindi pinapansin at bumuntong-hininga. Itinabi niya ang surf board niya at kinuha iyon.

"Ano nga ulit ang coverage ng exam?"

Si Lulu na ang nagturo sa kaniya sa mga chapters na dapat basahin lalo na sa Araling Lipunan dahil napakataas noon at maraming pangalan at dates na kailangang i-memorize. Nagsusulat lang ako ng notes dahil hindi gumagana sa akin yung technique ni Lulu na ih-highlight lang sa iba't ibang kulay ang mga keywords na dapat niyang tandaan at i-memorize.

"Lulu, paturo ako nito... paano ba 'to?" narinig kong tanong ni Ivo habang nilalapit ang math book niya kay Lulu.

"Ivo, sa 15 years na magkakilala tayo, alam mo namang hindi ako marunong sa math, diba? D'yan ka kay Raya magpaturo, oh! 9/10 siya sa quiz ni Sir last time..."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong marinig ang pangalan. Huh? Bakit ako?

"Chamba lang yun," bulong ko naman.

"Solve-solve yun, eh! Hindi yun chamba!" nagulat nalang ako nang sa akin na lumapit si Ivo dala ang math book niya. "Paano ba 'to, Raya? I-simplify daw ang algebraic expressions using law of exponents..."

Napalunok ako. Hindi pa ako nakakapagturo sa ibang tao bukod sa mga kapatid ko. Kinuha ko ang libro ni Ivo at tumitig doon sa gusto niyang ipaliwanag ko.

"Kung gusto mong i-simplify ang algebraic expression, dapat mo munang i-memorize ang laws of exponents. For instance, any number raised to the power of one is the number itself."

"Meaning?"

Kumuha ako ng papel at isinulat iyon para mas lalo niyang maintindihan. "For example, seven raised to one... is simply seven."

"Easy lang pala 'to, eh!" mayabang niyang wika. "Ano pa?"

"Merong pitong laws of exponents, kailangan mong i-memorize lahat yun."

"Ang dami naman!" reklamo niya.

"Oo nga, tapos hahanap-hanapin lang si x!" birit naman ni Celeste. "Kapag x, wala na! Huwag nang hahanapin!"

"Kaya ka bagsak sa math Cel, kasi ganyan ang ugali mo..." kunwari ay malungkot na komento ni Karlo kaya hinampas siya ni Celeste.

"Bakit, may ex ka na ba, ha?!"

Karlo just smirked. Nanlaki ang mga mata ni Yari.

"Gago ka! Isusumbong kita kay Mama!" pinaghahampas na niya ng unan ang kapatid. "Ang kapal ng mukha mong mag-girlfriend, ni hindi ka nga marunong magligpit ng pinaghigaan mo!"

"Eh ikaw, first year pa nanliligaw si Benjamin sa iyo, hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot! Magkaka-master's degree na ata ang lalaki sa panliligaw eh!"

Nagtalo-talo na sila kaya umingay na naman. Nang balingan ko si Ivo, seryoso na niyang isinusulat lahat ng laws of exponent dun sa papel na sinimulan ko at ginawan pa niya ng sariling examples para mas lalong maintindihan.

He must've felt the weight of my stare because he suddenly turned to me. Uminit kaagad ang pisngi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin.

Gabi na kaming natapos kina Ivo. Hindi lumalabas sa kwarto ang Lola niya sa buong oras na nandun kami. Si Lulu lang ang nagtangkang pumasok at batiin siya. Nakipag-kuwentuhan din siya sa matanda bago kami umalis.

"Sabay na tayo, Lulu," ani Avery. Magkatabi lang kasi ang subdivision kung saan sila nakatira kaya isang sakayan lang. Si Celeste naman ay sasabay sa kambal dahil pareho din sila ng tutunguhan, mas mauuna lang bumaba si Celeste.

"Ikaw, Raya, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Lulu nang mapansing ako lang ang walang kasama. "Sorry, guys, ginamit kasi ni Dad yung sasakyan. Hindi ako makapagpasundo."

"Ayos lang, no! Hindi naman namin yun service," ani Celeste. "Marunong naman kaming mahiya, Lulu,"

Tinawanan lang siya ni Lulu at binalingan ulit ako, nag-aalala ang mukha. Ngumiti ako nang tipid sa kaniya.

"Ayos lang, hindi naman malayo sa amin."

"Ivo! Ihatid mo nga 'tong si Raya!" nagulat ako dahil bigla nalang siyang sumigaw-sigaw. Lumapit naman sa amin si Ivo, nakatingin sa akin.

"Huwag na, okay lang ako—"

"Okay lang. May kasama naman si Lola. Kunin ko lang cellphone ko," aniya at kaagad na bumalik sa bahay nila. Hindi ko na siya napigilan pa kaya naman dinaga na ng kaba ang dibdib ko.

Siniko ako ni Celeste, malawak ang ngiti sa mukha. "Chance mo na yan, girl."

"Anong pinagsasabi mo?" inis kong wika sa kaniya kasi napaka-pilya ng ngiti niya at alam kong may hidden meaning iyon!

"Huh? Bakit? Anong meron?" si Lulu naman ay inosenteng nakatingin sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung iisa lang ba ang iniisip naming dalawa ni Celeste, pero sana hindi! Masyadong nakakahiya atsaka, hindi ko alam na napapansin niya pala!

Hindi ako sumagot at tumalikod nalang. Nagpaalam na ang mga kaibigan ko sa akin. Si Ivo naman, nagmamadaling lumabas sa bahay nila at sinigaw-sigawan pa silang mag-ingat bago ako binalingan. Nakangiti na siya ngayon.

"Tara?"

Tumango ako at sumunod sa kaniya. Madilim na kaya malamig. Wala akong suot na jacket o kung ano kaya tinitiis ko nalang ang lamig. I don't want him to notice that I'm freezing because I don't want any opportunities of him offering something to me again. Hindi. Hindi pwede. Baka kung anu-ano na naman ang isipin ko kapag nangyari yun.

"Kuya, sa Batis kami," aniya sa tricycle driver at pinauna ako ng sakay. Akala ko sa likod siya uupo dahil maliit lang ang space dito pero isiniksik pa talaga niya ang sarili sa tabi ko kaya naman isiniksik ko din ang sarili dun sa driver.

"May crush ka ata sa akin, Ate," biro ng driver. "Usog ka nang kaunti, baka matamaan ka ng manibela."

Namula kaagad ang buong mukha ko sa sinabi niya at nahihiyang umusog habang kuryuso naman ang mga mata ni Ivo na nakatingin sa akin.

Tahimik lang kaming dalawa ni Ivo habang buma-biyahe. Pa-cellphone cellphone din siya minsan at ang lakas ng liwanag galing sa screen niya kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapatingin.

Mukhang nagti-text siya sa Mommy ni Lulu para sabihing nakasakay na ito pauwi. Seryoso ang mukha ni Ivo at kahit sulyap lang iyon, nakita kong magalang ang pakikipag-usap niya sa babae.

I sank deeper into my seat, thinking about how carefree their childhood must've been. Pareho silang only child kaya wala silang mga kapatid na iisipin o aalagaan. They must've played a lot and cared about nothing. Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit na-diskubre ni Ivo ang passion niya. He had all the time in the world to be an artist, without worrying about real-world responsibilities. Someone said that everyone is an artist until rent is due. I guess he's right.

I wondered what I would've been if I haven't been so focused on becoming a mother to children that were never mine? Siguro... siguro may na-discover akong talent o passion noong bata pa ako. Bukod sa paglalaro ng chess—na hindi ko naman pwedeng gawing professional career—ano kayang version ng ako ang naiwan ko sa nakaraan? I am dying to meet her. I hope that version of me is not disappointed and mad that I left her in the dark just to raise my family.

Ever since I was a child, I did everything I could to be a mother to my siblings because I know how it feels like to be neglected. Until now, I'm still doing my best.

"Raya..."

Napaigtad ako nang tawagin ni Ivo. Pagtingin ko sa paligid, nasa tapat na pala kami ng bahay. Hindi na ako nakapagbayad pa dahil nauna na siya kaya bumaba nalang ako at pinagpagan ang suot kong uniporme. Itinuro ko ang tricycle.

"Hindi ka ba sasakay pabalik?"

Sinulyapan niya lang iyon saglit saka umiling. Mahirap na kasi ang mga tricycle sa amin sa ganitong oras kaya gusto ko sanang sumakay na siya.

"Uh... dito muna ako. Hintayin lang kitang makapasok."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang weirdo ng lalaking 'to, ah? Tumango nalang ako at nagpasalamat. Binilisan ko pa talaga ang pagbukas sa gate at pagpasok sa loob dahil ayokong naghihintay siya nang matagal.

Nang makapasok ako, sinalubong ako ng mga reklamo ni Selena tungkol sa luto ni Sonny kaya naman nagpunta ako sa kusina. Nakasimangot na doon si Sonny, hindi alam ang gagawin. Ang alam niya lang, magsaing. Pagdating sa pagluluto ng ulam, wala na siyang ideya kung anong gagawin.

"Ate, sinasayang ni Kuya ang pagkain natin! Pwede bang ikaw nalang ang magluto?"

Tumango ako at inilapag ang bag ko sabay sulyap sa bintana. Nakatalikod na si Ivo at naglalakad palabas ng kanto. Yung tricycle, wala na rin. Napailing nalang ako.

"Huh? Si Kuya Ivo ba yun?!" sumilip si Sonny sa bintana at bubuksan pa sana ang pinto pero pinigilan ko na.

"Sonny..." sita ko kaagad. "Huwag mo nang imbitahin dito. Pagod yun. Galing ako sa kanila."

"Hinatid ka? Hindi mo man lang pinapasok, Ate?"

I tilted my head, looking at him with curiosity. Sonny sighed loudly and even placed a palm on his head. Umiling-iling ito.

"Ang torpe, grabe..." bulong-bulong pa niya.

"Anong pinagsasabi mo, Sonny?"

"Ate, ate, may nililigawan yan si Sonny sa classroom nila," sumbong ni Selena sa akin. "Nakita ko!"

Naningkit kaagad ang mga mata ko sa kapatid pero mukhang wala naman itong pakialam. Matangkad si Sonny para sa edad niya, pareho kami ng kulay ng balat at sa aming magkakapatid, siya lang lalaki kaya naman nags-stand out talaga. Somehow, he reminded me of Kael on our freshman years.

"May girlfriend ka na, Sonny?"

"Para namang si Mama!" reklamo niya, tumatawa. "Ay, wala nga palang pakialam si Mama!" mas lalong lumakas ang tawa niya.

My lips formed a thin line. Kaagad kong tinalikuran ang mga kapatid at nagtungo sa kusina. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. The fact that he's casually throwing those words around means that he is hurt about our mother's neglect.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Kahit ako, may hinaing din ako sa Mama ko. When I first got my menstruation, I was too embarrassed to tell my father about it. Sobrang sakit ng puson ko nun pero nagpunta pa rin ako ng eskwelahan at pinagluto ko pa rin sila. Isi-nearch ko lang sa Google ang mga dapat kong malaman at ako na rin ang nagturo sa sarili ko. Those were the times when I needed my mother the most but she wasn't there. I have to mother myself.

"Raya, pupunta kaming Manila ngayong biyernes para sa entrance exam. Sama ka?"

"Ako! Ako! Sama ako!" mabilis na tugon ni Cel at muntik pang matumba sa upuan niya dahil sa kalikutan.

Binalingan ko si Lulu. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

"Sasama ako. Wala naman akong ibang gagawin."

"Huh? Eh di sama rin ako!" umusog pa sa kaniya si Ivo palapit. Kaagad na itinulak ni Lulu ang mukha ni Ivo palayo at sinamaan ito ng tingin.

"Parang tuta, Ivo!"

"Wala naman akong gagawin eh,"

"Sama ka, Raya..." Yari said in a soft voice. "Makikita mo ang UP."

My eyes widened a bit. Naalala ba niya? Isang beses ko lang atang na-mention na gusto ko sa UP. Hindi naman ako nage-expect na may makakaalala pala. Nakita niya ba akong nagsi-search sa UPCAT noon? Iyon ang tawag sa entrance exam nila. Ang alam ko, mahirap makapasok dun at mukhang 15% lang ata ang passing rate, lalo na sa flagship campus nila.

Tumango nalang ako habang excited naman silang nagku-kuwentuhan tungkol sa mga gagawin nila sa Manila. Pagkatapos daw ng entrance exam, gagala kami. Kailangan ko pang sabihan si Papa tungkol dito. Pwede namang ipagluto ko sila nang maaga para may kakainin sila sa gabi kung sakaling matuloy ako.

"Ikaw, Karlo, sa Manila ka din?" tanong naman ni Lulu.

He shrugged. "Di ko alam. Tatlo iti-take ko, eh. Baka sa PATTS, FEU, o di kaya sa HAU."

Yari made a face. Karlo is oblivious about it but their parents are favoring him because he is the son. Obviously, she isn't prioritized just because she's a woman and Karlo doesn't have any idea about it.Ang sinabi lang ni Yari sa amin, nagkaroon ng malaking away sa bahay nila nang mag-insist siya sa kursong gusto niya dahil business talaga ang gusto ng mga magulang niya.

Hindi nalang ako umimik pero pasulyap-sulyap ako kay Yari dahil mukhang nawala ito sa mood. Hanggang sa sumapit ang biyernes, ganun pa rin siya. Ngumingiti naman pero hindi na abot sa mga mata. Hindi siya masaya na kailangan niyang mag-take sa UP pero wala naman siyang ibang choice kundi ipasa iyon. If she fails, she won't be able to go to college.

"Yari!" kaagad ko siyang nilapitan bago pa ito makasakay sa kabilang sasakyan. Kami kasing narito sa Manila para lang mamasyal, doon sa sasakyan nina Lulu. Samantalang sila, doon naman kina Yari.

Ngumiti siya sa akin, nag-aabang. Kaagad kong binunot ang binili kong red packet para sa kaniya at iniabot iyon.

Kumunot kaagad ang noo niya. "Para san 'to?"

"Lucky charm," medyo nahihiya pa ako nang sabihin iyon.

Natawa si Yari at binuksan ang packet sa harapan ko saka hinila ang bente pesos na nilagay ko sa loob. Nahihiya talaga ako pero hindi naman ako maalam kung anong dapat ibigay sa mga Fil-Chi na kagaya nila. Hindi ko rin alam kung sobrang traditional nina Yari sa bahay nila kaya ito nalang ang naisip ko.

"Salamat!" tumatawa pa rin siya nang ibalik niya ang pera sa loob ng envelope atsaka isiniksik sa bulsa niya. Yari reached for my arm and gave it a gentle squeeze. "Sure na akong pasado dito."

Tumango ako at naglakad patungo sa sasakyan nina Lulu. Nakaupo na si Celeste sa loob, at sa gitna ulit si Ivo kaya wala akong ibang choice kundi tabihan siya dun sa backseat.

"Ano yung binigay mo kay Yari?" bulong ni Ivo pagkaupo ko.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Bakit napaka-tsismoso naman ng lalaking ito? Nakita ba niya? Nakakahiya!

"Wala, lucky charm lang."

"Ako?"

"Huh?" kumunot na ang noo ko. Umayos nang upo si Ivo para ipaliwanag nang maayos ang gustong sabihin.

"Nasan yung akin?"

"Bakit, mage-exam ka ba?" sumbat ko sa kaniya.

"Ang daya, ah! Binigay ko pa naman sa iyo ang lucky charm ko noon!"

I just chuckled and ignored him. Na-curious naman si Celeste at nakisali sa usapan namin pero hindi ko talaga sinabi kung ano ang binigay ko kay Yari. I just wanted her to know, even in my simple way, that I am here for her. Ang hirap kapag nililimitahan ka sa mundong ginagalawan mo. I could sympathize for her, and I could only hope for the best future she could ever have as a Chinese-blooded woman in a patriarchal family.

Ilang oras din ang biyahe namin patungong Manila. Dalawang beses ata kaming huminto sa gasolinahan dahil gustong mag-CR ni Celeste. Si Lulu naman, pinapahinto ang driver sa bawat drive-thru na madaanan namin. Busog na busog na kami sa likod pero offer pa rin siya nang offer ng pagkain.

Pagkarating namin sa Manila, sumilip kaagad ako sa bintana. Wala namang gaanong nagbago. Kung anong building ang naaala ko noong bata pa ako at hinatid ko si Mama sa airpot, naroon pa rin hanggang ngayon. But being in a different city somewhat made me feel alive. The crowd, the buildings, the chaos... it all promised an opportunity for me.

"Frankie's tayo! Nagc-crave ako ng chicken wings!" sabi kaagad ni Celeste nang mapansing nandito na kami.

"Libre mo, Cel?"

"Tangina ni Ivo, napakabarat! Akala mo walang mamanahing kompanya!" sagot sa kaniya ni Celeste at inirapan pa ito.

My head tilted in curiosity. He's going to inherit a company? Ivo? Sinilip ko ang mukha niya pero tumatawa lang siya kay Celeste. Nabanggit ni Lulu noon na narito sa Manila ang mga magulang niya kaya naman curious ako kung bibisitahin niya ba sila ngayon.

Doon nga kami sa Frankie's nagtungo. Pagkatapos mag-park ng driver ay pumasok na kami sa restaurant at naghanap ng bakanteng table. Binigyan kami nila ng menu at nag-suggest pa ng best-selling chicken wings flavor nila. Ginaya ko lang kung anong in-order ni Celeste at nag-order na rin ng softdrinks. Bigla kong naisip ang mga kapatid ko sa Elyu. Kumain na kaya ang mga yun?

My thoughts were disrupted by a thin line of headache forming beneath my eyes. Kumurap-kurap ako. Bakit ngayon pa? Akala ko nawala na ang problema ko dito pero bumabalik ulit. Natahimik tuloy ako habang nagkukulitan sila sa table, umaasang aalis na ang sakit sa ulo.

"Raya? Masakit ang ulo mo?"

Napalingon ako kay Ivo. He had a genuine concern etched on his face. Pati sina Lulu at Celeste ay napatingin din sa akin.

"Okay ka lang?"

Alanganin akong ngumiti sa kanila. Nakakahiya naman! Bakit ang lakas ng boses ni Ivo? Nalaman tuloy nila. Ayoko namang sirain ang mood dahil lang masakit ang ulo ko at hindi rin pwedeng bumalik ako sa sasakyan para itulog nalang 'to. Baka ma-tosta lang ako dun sa init!

"Teka..." may kinuha si Ivo mula sa bag niya. He pulled out a small pill box and picked a white tablet. Inabot niya 'to sa akin.

"Kailan ka pa nagdadala ng gamot, Ivo?" tanong sa kaniya ni Lulu, sabay kuha ng pill box niya para tingnan kung anong mga gamot pa ang naroon.

"Palagi kasing sumasakit ang ulo ni Raya. Kuha lang ako ng tubig," aniya sabay alis.

"Ay, jowa?" tumawa si Celeste at tiningnan ako. Nag-iwas lang ako ng tingin habang namumula ang pisngi.

"Ganyan talaga yan si Ivo, masyadong overprotective at thoughtful..." Lulu had a fond smile on her face as she slid the pill box back to me.

Tumango nalang ako. This is nothing. Ivo is like this to all the girls. I shouldn't be confused about his actions, right? Nakita ko kung paano niya alagaan si Lulu sa nagdaang taon, at alam kong iyon din ang ginagawa niya sa nakalipas na taong magkasama silang dalawa. I shouldn't be jumping to conclusions.

Bumalik si Ivo na may dalang baso ng tubig. Sabi niya ay inumin ko nalang daw ang gamot pag tapos na kaming kumain. Um-oo nalang ako at nagpasalamat sa lalaki. Hindi naman niya kailangang gawin iyon, pero sobrang na-appreciate ko pa rin.

I was so used to taking care of other people that I didn't have any idea what being taken care of feels like...

"Ivo, pasyal tayo sa Ateneo after nito, gusto mo?" aya ni Lulu.

Binalingan kaagad ako ni Ivo. "Si Raya—"

"Okay na ako," mabilis kong tugon. "E-epekto na ang gamot pagkatapos ng ilang minuto..."

He stared at me for a minute and nodded hesitantly. Nagdiwang naman si Lulu at binilisan ang pag-kain. Pagkatapos namin doon, hinila-hila pa kami ni Celeste sa event center ng mall dahil naroon daw si Ravi. Guest lang siya sa event nila at kakanta ng isang beses para daw sa promotion kaya naman nakisiksik kami sa mga tao doon. Hindi naman siya ang artistang pinunta nila pero marami pa rin ang naga-gwapuhan at mukhang nakaka-diskubre sa kaniya at musika niya.

"Grabe! Ravi, I love you!" sigaw ni Celeste at tumalon-talon pa.

"Nakakahiya, Cel. Hinaan mo boses mo," biro ni Ivo.

"Wala akong paki! I love you, Ravi Alfonso! Marry me!"

Napailing nalang si Ivo at hinawakan ang plastic chair na kinatatayuan ni Celeste dahil sobrang likot na nito at tumatalon-talon pa. Pati ako ay natatakot na baka mahulog din siya sa kalikutan niya.

Pagkatapos ng event, umalis na kami ng mall at nag-drive patungong Quezon. Dun daw kami sa eskwelahan nina Lulu noong elementary pa sila. She spoke to the guard for a bit and they let us in. Nahihiya akong pumasok kasama sila. May klase pa kaya maraming estyudante ang pakalat-kalat. Balat pa lang nila, alam mong mayayaman na.

"Ang gara ng school niyo, ah?" komento ni Celeste habang naglalakad kami. "Parang kaya atang bilhin ng tuition fee niyo ang kaluluwa ko!"

Tumawa lang si Lulu at itinuro ang dati nilang classroom noon. Kilala pa niya ang mga teachers at kumaway-kaway. Ganun din ang ginawa ni Ivo. Para silang namumulitiko dalawa habang nakikipag-usap sa kung sinu-sinong nakikita nila.

"Ivo, naalala mo, d'yan ka nadapa—"

"Oo, naalala ko Luanne. Salamat." Pagputol kaagad sa kaniya ni Ivo at pinaningkitan pa ito ng mga mata.

Tumawa naman si Luanne at hinila kami dun sa gym nila. Walang tao roon kaya pwede kaming mag-ingay at tumambay muna saglit habang naghihintay kami ng text mula kina Avery.

"Kahit noong kinder, magkaibigan na kayo?" curious na tanong ni Celeste habang nakaupo kami sa bleachers, nagpapahinga.

Tumango si Lulu at ngumiti. "I told you, our mothers were candidates of the Binibining Pilipinas! Doon sila nagkakilala!"

"Hindi ko pa nakikita Mommy mo, ah?" paratang ni Celeste kay Ivo. "Kailan mo kami ipapakilala?"

Nag-iwas lang ng tingin sa kaniya si Ivo at tahimik na sumagot. "Busy yun."

"Oo, businesswoman na kasi yun! Sabay sila ng Dad niya nagpapatakbo ng kompanya nila."

"Anong kompanya ba—"

"Tapos na sila." Tumayo kaagad si Ivo habang nakatingin sa phone niya, dahilan upang maputol ang usapan tungkol sa kaniya. "Ano, tara na? Sa Encaramada daw."

"Gago, pwede ba tayo dun? Mga minor pa tayo!" ani Celeste pero makikita mo naman ang excitement sa mukha.

Hindi muna sumagot si Ivo at nag-text pa ulit. Naghintay kami roon sa bleachers hanggang sa tinawagan na siya. Pagbalik niya, sinabi niya sa aming may kaibigan daw si Karlo doon kaya pwede kaming pumunta.

It was sunset when we arrived. It was a roof deck restaurant with glass railings and fairy lights hanging above, perched on top of the building. The skies changing colors into beautiful hues of orange, yellow to blue and purple made my heart skipped. Nagpicture kaagad sina Celeste doon bago pa mawala ang view habang ako naman ay nakatulala lang sa langit, namamangha kahit ilang beses ko na itong nakita.

"Ganda, 'no?"

Napalingon ako kay Ivo na nakatingin sa akin. Tumaas kaagad ang kilay ko. Itinuro niya ang langit sabay tawa.

"Yung sunset..."

Hindi ako sumagot at ibinalik ang tingin ko doon. Tahimik lang kaming dalawa na nagmamasid. Ni hindi ko alintana ang ingay nina Lulu at Celeste sa likod, pati na rin ang bangayan ng kambal. Nang tuluyan nang dumilim, inaya na kami sa table para maka-order at kumain.

"Tapa at pizza lang ang narito, eh. Okay lang ba sa inyo ang light dinner? We could always grab something on our way home," ani Avery habang binabasa ang menu.

"Kahit ano na, Avery. Poverty diet na ako ngayon. Ang laki ng gastos ko sa Frankie's kanina!" si Celeste naman.

"Okay ka na ba? Hindi na masakit ulo mo?" bulong sa akin ni Ivo habang nakaupo kami.

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Nag-order nalang din ako ng katulad kay Celeste dahil nagtitipid din ako pero sinalo naman ni Lulu ang lahat ng bayad. Ivo insisted to pay, so they ended up splitting the bill.

"Thank you po, Mama, Papa!" biro ni Celeste sa kanila at masayang nagligpit ng gamit.

Pagod na kaming lahat sa biyahe pabalik ng Elyu pero hindi ko maipagkakailang nag-enjoy ako sa araw na ito. I feel so guilty that I'm happy not to think about what to cook for dinner tonight or when to pick up my sister from school. Mahal ko naman ang mga kapatid ko, pero sa tagal ko 'tong ginagawa nang mag-isa, minsan, nakakapagod din...

Dinalaw na ako ng antok sa loob ng sasakyan. Si Lulu, ang sarap na ng tulog sa front seat at nakasuot pa ng neck pillow. Hiniram ni Celeste ang isa kaya wala nang naiwan para sa aming dalawa ni Ivo. I yawned and leaned my head against the window but it vibrated so much so I pulled away. Ipinikit ko nalang ang mga mata habang nakaupo.

Mayamaya, naramdaman ko ang kamay ni Ivo na dahan-dahang isinasandal ang ulo ko sa balikat niya. I wanted to open my eyes and protest but I couldn't do it. Nanginig lang ako sa ginawa niya. I just hope he won't look at my hands to know that I'm actually awake and shaking. Nagpanggap nalang akong natutulog para kunwari hindi ko alam ang ginawa niya.

I remained like that for almost three hours. I couldn't sleep, knowing that I am this close to him. I could almost breathe him! Naririnig ko din ang paghinga niya. Nagkunwari akong nagising nang may madaanan kaming lubak sa daan at nagkunwari din akong nagulat nang makita ang posisyon naming dalawa.

"Sorry!" sabi ko kaagad sabay ayos sa buhok ko.

"Ang bilis naman ng biyahe," reklamo ni Ivo.

"Huh?"

He turned and smiled at me. "Wala. Sarap ng tulog mo, ah?"

Inirapan ko lang siya at nilayo ang sarili pero alam kong namumula na ang buong mukha ko.

Ivo chuckled. "Cute mo, Raya."

-

#HanmariamDWTWChap11

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top