[13] RANDOM WRITING TIPS LOL
"Random Writing Tips Based on my Experience"
😆😆😆
I'm bored but I'll try na galingan magbigay ng tips 😂 I still have so many things to improve so don't bash me on this one 😂😂
TIP #1: The story
What is the story all about?
Saan iikot ang istorya?
Know your target audience, kung mga teen? Adult? both?
You need to think about it carefully at habang ginagawa mo iyon ay ilista mo nadin or itype. Grab your notebook or open your WPS or Word and start organizing your thoughts para hindi ka malito.
Here is my notes 😂 This is only an example, napakalaking tulong nito lalo na kung ulyanin ka 😂😂
So after mong iorganize from description basta pagkatapos mo isulat ang kahit anong kemeng gusto mong ilagay ay magpoproceed na tayo sa phase 2.
TIP #2: Tittle and Characters
Eto ang nakakabwiset at nakakadamage talaga ng brain cell 😂 halos isang oras ang ginugugol ko sa pag iisip ng mga tittle at pangalan 😆
Sa Tittle is mas maganda kung simple pero malakas ang tama, yung tittle palang eh makukuha na ang attention ng readers?
I prefer actually is yung 1 to 3 words pero pwede namang mag exceed don wag lang sobrang haba 😆
So another thing na satingin ko ay may appeal is yung tittles na ang deep ng words na mapapasearch talaga ako 😂
Example is my soon story: Hiraeth (Homesickness to a home you can't return to. ang meaning)
Parang may impact kasi talaga saakin, beautiful words with deeper meaning ganon!
then another one is for example is the word Torture, I know medyo catchy na siya but what if we search a deeper word for that? or kung may iba pa bang word na mas maganda sa eyes at sa pandinig?
Torture then gawin mong Torment?
Tapos may apeal den kung lalagyan mo ng isang word na malayo sa word na yon.
Example: Lovely + Torment = Lovely Torment
Sweet + Chaos = Sweet Chaos
other examples:
Instead of Deadly why not use a word that has the same meaning but with more Impact?
Deadly: Fatal/Lethal
Unfair: Resentment
Madami pa namang words na magaganda instead na magsettle ka for example sa word Beautiful then why not broaden your search and seek for new words?
Ethereal, Euphoria, Trouvaille etch...
Andyan lang si google oh 😂
Or pwede din name ng character mo itittle mo.
Anyways marami pa namang ibang paraan para makaisip ng maganda at catchy na tittle ang importante ay connected sya sa story.
Yung ang tittle mo about playboy tapos di naman pala playboy yung lalaki?
About the names and surnames, kayo na bahala mag isip niyan. Ako kasi nagsesearch ako ng mga pangalan, kung anong matipuhan ko edi Go na 😆
TIP #3: Book Covers
Book covers ang unang napapansin ng readers kaya dapat presentable, bilang isang writer ayokong inaasa sa iba so I tried editing my own book covers.
Kung maaari kasi ay ayokong mag involve ng iba o mang istorbo so ako na ang gumagawa 😅 so here's some trusted editting apps that I use❤
Mas madalas actually is yung ibis paint x at pixellab then remini pagka malabo yung resolution.
hindi din porke maganda yung inedit mong picture eh go na, yung font mo din pumili ka ng babagay sa book cover na iyon.
I use pixellab for fonts tapos magdadownload ako ng mga fonts sa mga sites na free yung pagdownload ❤
For example is 1001 Fonts ❤ Hanap ka lang ng magagandang fonts, madali lang naman idownload 😊
Kung maaari ay minimal lang pero kung fantasy siguro ay pwedeng bonggahang edit? Pero kung satingin mo ay wala ka talagang pag asa sa editing ay marami kong book cover editing pages sa facebook at wattpad ❤
Search ka nalang ^^ may mga payment pero hindi naman pera karamihan ay magpapalike lang and vote for example ng stories parang favor siya kapalit ng pag eedit 😊
At dahil di naman to Book Cover editing tips ay wala na akong idadagdag pa 😂
TIP #4: Description and Tags
Para saakin mas prefer ko yung Description na maiksi lang, yun andun na yung thought ng story at may thrill pero di yung tipong isasummarize mo na yung buong story 😂😂
Example:
She's 45, He's 30. Is it really not too late when it comes to love? Life is short, will she risk it?
Age doesn't really matter right?
or it does?
"Timeless Love"
Story By: peculiarlullaby
Bet ko din yung may qoutations actually, yung qoutations lang I think? 🤔
Example:
"I completely lost myself in despair untill I found it in you."
Beautiful Despair
By: peculiarlullaby
Ayon wala akong gaanong maiaadvice sa description dahil magkakaiba naman tayo ng taste.
Anyways sa Tags naman is dapat andun yung thought ng story, another thing is andoom din yung mga common or famous story tittles or words para madali syang mahanap.
Example:
#Billionaire #CEO #Handsome #Beautiful #Doctor #Agent #Baby #Love #Heart #Heartbreak #Secretary #amnesia
Basta kung ano ano nalang ilagay niyo dyan na madaling mahanap kahit dindi sinearch 😅
TIP #5: Organize
Ayon nga balik tayo sa tip number 1, after mo maplano yung thought ng story o kung ano pa mang mysteries and twists, nailista mo nadin ang tittles at Characters with their names and roles ay dumako na tayo sa magiging flow.
Pagpasensyahan niyo na ang mga pinaglalalagay ko dyan 😂 anyways example lang naman yan, dapat each chapters may ilalagay ka ng mga mangyayari o mga pasabog.
It's really big help para dika malito at may guide ka, hindi mo din kailangang manghula kung anong ilalagay mo sa isang chapter then highlight kapag naisulat mo na.
TIP #6: The Writer
Eto hindi ko laging nasusunod 😂😂 ang maging mabilis sa pag aupdate 😂 mahirap pero mas okay kasi para masundan maigi yung istorya.
At kung maaari ay magsulat ka ng 2500 words pataas dahil masyadomg bitin ang 1k words at mas madami kang details na mailalagay 😊
Kung maaari ay sa mga narration or point of view ng characters ay maging descriptive ka.
Example:
Andito kami ngayon sa canteen.
(No iwasan niyo ito kung maaari, Dapat ay maiparamdam ninyo sa readers na nasa scenario silang iyon, hindi naman siguro robot ang character mo, wag niyong ilimit sa ganyan :3)
Instead:
Andito kami ngayon sa canteen, katulad ng nakasanayan ay punuan nanaman ng mga estudyanteng pawang kagagaling lamang sakani kanilang mga klase. Mahaba nadin ang pila na bahagyang nagpasimangot saakin, bukod kasi sa napakainit ay gutom na gutom nadin ako.
Nakakainis!
Napapadyak pa ako sa sobrang pagkairita habang pinapaypayan ang sarili gamit ang folder na ginamit ko kanina sa final exam.
Nastress ako ng sobra, bakit ba kasi inatupag kong magfacebook kagabi imbes na magreview? Malalim akong napahugot ng hininga, hindi na maipinta ang muka ko, at sa di kalayuan ay natanaw ko ang pinsan kong todo kaway saakin, umismid lamang akong inirapan siya.
Give them emotion! feelings! yung para bang andoon sila sa lugar na iyon, yung isang statement na nagsasabing "Asa Canteen" sila ay gawan gawin mong mas kapani paniwala.
Conversation of Characters:
"Hello Drea!"
"ang tagal ninyo."
Isa pa ito, gaya ng sabi ko ay kung maaari ay bigyan niyo ng feels ang readers.
"Hello Drea!"
Masiglang bati saakin ni Rose kasama ng kakambal niyang si Daisy na kabaliktaran niya'y lukot na lukot ang muka.
"Ang tagal ninyo. "
Inis na reklamo ko, kanina pa ako naghihintay dito!
Kung maaari ay bawat sasabihin nila ay may description or narration kayo kahit simpleng "Oo." pa iyan.
At sa tuwing magbabago naman kayo ng timeline instead na (****) or any symbols ang ilagay ay naration nalamang.
Example:
"Bahala na."
Weeks passed and I still couldn't find the necklace! patay ako kay mama neto! I sighed heavily, napaupo nalang ako sa simento at halos maiyak na sa frustrasyong nararamdaman.
"Bakit ba kasi napaka clumpsy ko?!"
Inis na turan ko at mariin nalamang na napapikit, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Para kasi sakin is mas creaative pagka ganito instead of using symbols same din kapag nagreremenisce ang isang character mo😅
A writer is a reader too, iobserve mo kung paano magsulat yung magagaling na writers at as a reader ano ba yung gusto mo sa isang istorya?Anong ayaw mo? saan ka naiinis? reflect lang then ilagay mo sa story mo.
And also as a writer need mo din makisalamuha sa readers mo, appreciate them and be friendly with them. ❤
Learn to accept critiques, they noticed a mistake then learn from it. kung may hate comments man wag masyadong nega! Don't let hatred ruin your possitivity.
You have no time to waste for all the hates, instead prove them all na may ibubuga ka pa, pag husayan mo pa, wag mo ng patulan pa. ❤
You could still win in silence, wala ka namang mahihita kung sasagutin mo pa, don't lower your level, ipakita mong may class ka at pinalaki ka ng maayos ng mga magulang mo at tinuruan ka ng mabuting asal. ❤
Being a writer takes time, hindi yung basta nakasulat ka lang 😅 I started way back 2015 or 2016 at hanggang ngayon ay nag sisikap padin akong hasain ang writing skills ko ❤
Anyways, iyon lang ang ang maibibigay ko sangayon, diko sure kung msy nakaligtaan pa. Anyways this is all just my opinions, no hate ;))
God bless everyone!❤❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top