Part 24 - Battery

"An empty street, an empty house..." Pinindot ni Lenlen ang pause button sa walkman sabay lapag nito sa mesa. Kasunod noo'y kinuha naman niya ang ballpen at notebook sabay sinulatan. Kinuha niyang muli ang walkman sabay pindot ng play button.

"A hole inside my heart
I'm all alone, the rooms are getting smaller..."

Paulit-ulit na ginagawa iyan ni Lenlen. Isinusulat kasi niya nang buo ang liriko ng kantang My Love at nagagawa niya iyon sa pamamagitan ng pakikinig sa walkman.

"I wonder how, I wonder why. I wonder where they a—" Napatingin ang dalagita sa walkman nang tumigil ito sa pagtugtog. Makailang ulit niya iyong pinindot-pindot ngunit ayaw na nitong gumana.

"Aw. Drained na ’yong battery."

Bumangon na siya sa higaan. Pupunta siya sa palengke para bumili ng panibago.

Inayos niya ang sarili. Ipinuyod niya nang mataas ang buhok at nang magawa niya iyon ay nagpaalam na siya nang maayos sa mga magulang.

Dahil walang walkman na mapaglilibangan habang naglalakad ay ibinaling niya ang atensiyon sa yoyo ng kapatid na dinala niya muna. Nilaro-laro niya iyon habang naglalakad.

Sa kaniyang pagbagtas ng daan ay nakuha ang atensiyon niya ng malaking poster na nakakabit sa puno. Promotion iyon para sa Cadbury chocolate na ineendorso ng Westlife.

"Ano kaya ang lasa niyan?" tanong ng dalagita sa sarili.

Ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang larawan bago niya itinuloy ang paglalakad.

Napangiti siya. Lalong nadagdagan ang eksaytment sa kaniyang katawan.

Dahil sa pag-iisip sa Westlife ay naalala niya ang bagong cassette tape na bigay ni Bongbong. Muli niyang binalikan ang nangyari kahapon at kung paanong nagdulot ng abnormal na pakiramdam sa kaniya ang binata.

Natatakot siyang pangalanan ang kakatwang damdaming iyon.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nang makabawi ay iminulat niya iyon. Tumakbo siya nang napakabilis, bakasakaling sa paraang iyon ay maabala ang utak niya sa pag-iisip.

•••

"Ate, galing dito ’yong kaklase mo," ani Lourdes na naglalaro ng paper doll.

"Kaklase?" Ipinatong muna ni Lenlen ang dalang supot na may lamang pilipit at kamote que sa lamesa bago hinarap ang kapatid. Ang una niyang naisip ay sina Cherry Pie at Agot.

"Yung pogi. 'Yung naghahatid sa iyo sa kotse."

Sunod-sunod na pagdagundong ang nililikha ng dibdib ng dalagita. Ano naman kaya ang sadya ng binatilyo?

"Hinahanap ka niya, anak. Eh magpapaalam daw," ani Aling Salvacion na may dalang sandok. "Ang dinig ko sa kanila ng itay mo ay sa America raw siya magki-Christmas vacation. Hindi daw muna siya makaka-attend ng pagtu-tutor ninyong dalawa."

"Ahh, nasaan na po kaya 'yun, Nay?" Pinakaswal ni Lenlen ang tinig. May itinatago siyang emosyon sa ina.

"Kung tama ang natanaw ko sa likod ng kotse e may patong-patong na maleta. Baka didiretso na sa airport. Itanong mo sa itay mo, siya ang kausap." Itinuro nito ang asawa gamit ang bibig.

"Hindi raw muna siya makakapagpa-tutor. Sa January pa raw ang balik niya," tipid na sagot ni Mang Antonio Sr.

"Okay po." Hindi na nagtanong pa si Lenlen. Kinuha niya ang battery na nabili. Dumiretso na siya sa kuwarto.

•••

Nang maisaksak ang bagong baterya ay humiga siya nang patagilid. Hinayaan lang niyang tumugtog nang tumugtog ang walkman habang mahigpit na niyayakap ang hotdog pillow na katabi.

Nang patugtugin ang No Place That Far e nagpakawala ng malalim na paghinga ang dalaga.

•••

"We're going to US, Mom?" takang tanong ni Bongbong sa ina. Napatigil siya sa pagkain nang buksan ni Imelda ang paksang iyon sa gitna ng kanilang hapunan.

"Yes, son. Hindi ka na ba nasanay? We used to do this every year."

"I know, Mom. But why too soon? Bukas po talaga agad?"

Tumango-tango si Imelda. Dinampian niya ng table napkin ang gilid ng mga labi. "Why? Do you have unfinished business here?"

Napahigpit ang hawak ni Bongbong sa kutsara. Sa totoo lang, marami siyang nais gawin habang bakasyon. Gusto niya sanang magpa-tutor araw-araw kay Lenlen. Balak niya rin sana itong yayain sa pagsi-simbang gabi na magsisimula na bukas.

Ngunit hindi na yata matutuloy ang lahat ng iyon dahil sa pinaplano ng ina. Gustuhin man niyang magpaiwan ay siguradong hindi papayag ito lalo na ang kaniyang ama.

Umiling-iling siya. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.

•••

Kinabukasan ay maaga silang gumayak patungong airport. Bago iyon ay nagparaan muna siya sa bahay nina Lenlen. Nais niyang makita muna ito bago man lang sila lumipad papuntang America. Gusto niyang kumustahin ang pakikinig nito ng bagong Coast to Coast tape.

Ang dalaga ang una niyang naisip nang makita ang cassette tape. Bago kasi siya pumunta sa Divisoria ay napadaan siya sa Odyssey. Walang hirap niyang nakita ang hinahanap.

Masaya siya sa naging reaksiyon ng dalaga. Kung puwede nga lang niyang regaluhan ito ng Coast to Coast tape araw-araw para muling makita ang ngiti nitong abot-tainga ay ginawa na sana niya.

Napatigil siya sa pagbabalik-tanaw. Nasa harap na siya ng tahanan ng dalagita.

Gano’n na lang ang panghihinayang niya nang hindi ito madatnan doon. Gustuhin man niyang maghintay nang ilang saglit pa pero baka mahuli na sila sa flight.

Isang tingin ang ipinukol ni Bongbong sa bahay ng kaklase bago sumakay sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top