Sweetdreams


It was May 24, 2019 at halos 156 days nalamang ay kaarawan na ng girlfriend ko. Hinahanda ko na ang lahat para sa kaarawan n'ya, simula sa pag iipon at pakikipagsundo sa mga kaibigan n'ya kahit na iisa pa lang ang nakakausap ko.

Nung gabing 'yon naisip isip ko na malaki na rin ang 7,310 pesos na miipon ko. Napapangiti nalang ako kasi mayayakap ko nanaman s'ya, at sa wakas papaiyakin ko nanaman s'ya pero dahil sa saya na madadama n'ya.
Nang mga sandaling 'yon ay nakaramdam ako ng antok unti unting dumidilim.

---

Nasa byahe na ako papuntang Talavera kung saan naroroon s'ya ang babaeng mahal ko. Kumuha nalang ako ng taxi para hindi na ako mahirapan sa mga dadalhin ko. Ibinili ko lang naman s'ya nang ilang libro ni Jonaxxx at isang Teddy Pig. Teddy pig? Basta stuff toys na baboy. Dala ko na rin yung ibang mga kailangan. Ayos na ang lahat, makikita ko na s'ya. Ang babaeng mahal na mahal ko, ang babaeng dahilan kung bakit ako nagbago. Ang babaeng pakakasalan ko at makakasama ko sa pagtanda at pagbuo ng masayang pamilya.

Narito na ako sa likuran n'ya habang s'ya binubuksan ang malaking kahon kung saan naroon ang mga inihanda kong regalo para sa kan'ya. Kasama ang mga larawan naming dalawa magkasama man kami o hindi. Ramdam ko ang saya at galak na nararamdaman n'ya.

Dahan dahan s'yang lumingon at humarap sa kinaroroonan ko. Ang laki nang ngiti n'ya, sobrang saya n'ya ng mga sandaling 'yon. 'Di maipinta ang mukha n'ya sa galak na nararamdaman n'ya.

Dahan dahan s'yang humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Ngunit sa bawat hakbang na ginagawa n'ya ay parang bumibigat ang loob ko para bang may mali, para bang may iba.

Habang naglalakad s'ya ay nilagpasan n'ya ako. Dali dali ko itong nilingon at doon nalaman ko na tama talaga ako.

Tama ako para ngang may iba. Oo, may iba na nga.

Yakap yakap n'ya ang bago n'ya pero p*ta dapat ako 'yan eh. Dapat ako yang nakayakap sa kan'ya dapat ako 'yang nasa pwesto mo ngayon.

Dapat aki yung magpapasaya sayo, dapat ako yung papakasalan mo at makakasama mo sa pagtanda. Dapat ako yung kasama mo sa pagtupad ng mga plano at pangarap natin. Dapat ako yung kasama mo sa oagbuo ng masayang pamilya eh. Dapat ako pero iba na nga.

Iba na yung taong nagpapasaya sa kan'ya. Iba na yung papakasalan at makakasama n'ya sa pagtanda. Iba na yung makakasama n'ya sa mga bagay na pinlano at pinangarap namin. Iba na yung makakasama n'ya bumuo ng masayang pamilya. Iba na, hindi na ako.

Nang mga sandaling 'yon di ko na namalayan, 'di ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko na nagmula sa mga araw na kami pa, mga araw na masasaya naming dalawa maging mga away, tampuhan, kulitan halos lahat ay bumuhos ng mga oras na 'yon. Walang salita na lumabas sa bibig ko ng nga oras na 'yon kun'di ang pagbati ko sa kan'ya.

"Happy Birthday Krystal!"

Naramdaman ko ang mga luha sa pisngi ko. Nagising ako, nagising ako na umiiyak parang totoo. Akala ko totoo.

'Di ko na nagawang makatulog pa ng mga oras na 'yon. What if mangyare 'yon? Takot na tako ako ng mga sandaling 'yon, pero hindi ko nagawang sabihin ito. Ayokong makasira 'yon sa mga plano ko ayokong malaman n'ya.

---


Kakain ko lang ng mapadpad ako sa sofa, napahiga ako. Sinuot ko ang aking headset para walang makagambala. Sabay hanap ng favorite song namin "Say You Won't Let Go" at repeat current song. Naiisip ko pa din ang masamang panaginip ko kagabi pero pinapawi ito ng totoong maaring mangyayare sa kaarawan n'ya. Paniguradong magiging masaya s'ya pag nakita n'ya ako.

Patuloy akong nag iisip at patuloy din ang pag ulit ulit ng kanta. Halos sabayan ko na ito na parang kinakanta ko ito sa harapan n'ya. Nakahiga lang ako ng mga sandaling 'yon habang yakap yakap ko ang unan.

---

Nakasakay ako sa taxi ng ninong ko kinausap ko s'ya para magpahatid sa Nueva Ecija, Talavera.

"Ito na 'yon" sabi ko sa sarili ko ng mga sandaling 'yon.

Katulad ng plano binili ko pa din yung gusto nyang libro at isang stuff toys na baboy na sobrang taba parang ako. Tabachingching!

Dala dala ko rin ang headset ko. Nagplay ako ng isa pang kantang gusto n'ya, gusto namin. I need you more today ni Caleb Santos.

•¤~I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough
We danced the night away, we drank too much~¤•

Andito na ako sa kanila kasama ang mga kaibigan n'ya. Nakaset up na ang lahat. 'Di na ako makapag intay na makita at yakapin s'ya.

•¤~I'll wake you up with some breakfast in bed
I'll bring you coffee with a kiss on your head
And I'll take the kids to school
Wave them goodbye
And I'll thank my lucky stars for that night~¤•

Nagtago ako kung saan 'di n'ya ako makikita pag pasok n'ya. Sumilip ako nakapasok na s'ya sa kwato kaya dali dali akong pumwesto ilang hakbang sa likuran n'ya.

•¤~I'm so in love with you
And I hope you know
Darling your love is more than worth its weight in gold
We've come so far my dear
Look how we've grown
And I wanna stay with you until we're grey and old~¤•

Nang nga sandaling 'yon ay di ko alam ang gagawin ko. Paano ba? Aantayin ko bang lingunin n'ya ako at lapitan para yakapin? Icineck ko na ang likuran ko. Ayokong may sumira ng napakasayang araw na 'to. Binubuksan na n'ya ang regalong dala ko. Ang pamilya at kaibigan n'ya ay kumakanta ng Happy Birthday para sa kan'ya.

•¤~I wanna live with you
Even when we're ghosts
'Cause you were always there for me when I needed you most~¤•

'Di na ako makapag antay ako na ang lumapit. Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kan'ya.

•¤~I'm gonna love you till
My lungs give out
I promise till death we part like in our vows
So I wrote this song for you, now everybody knows
Finally it's just you and me till we're grey and old~¤•

Tuluyan na akong nakalapit ng mga sandaling 'yon. Yayakapin ko na s'ya, yayakapin ko s'ya ng sobrang higpit at sasabihing "sobrang worth it ka".

Nang dahan dahan na akong nagigising. Panaginip nanaman, ayoko nang magising. Ayoko na! Pinipilit kong bumalik ang sarili ko sa pagkakatulog. Pumikit ako pero wala tuluyan na akong nagising. Sana niyakap ko na s'ya nang tuluyan at sinabi ang mga salitang inipon ko ng ka'y tagal na panahon.

•¤~Just say you won't let go
Just say you won't let go
Just say you won't let go
Oh, just say you won't let go~¤•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top