4
Riana POV
"Saan ba tayo pupunta? Saka, pinagpaalam mo ba ako kay Mom?" Tanong ko kay Sky.
After my class kase, basta nalang niya ako hinila at isinakay sa kotse niya. Tapos pinaandar. Grabe walang sabi sabi.
"Yes. Napagpaalam na kita." Seryoso niyang sagot.
Kung tititigan ko si Skyler, para siyang problemado na para bang ang may dinadala siya sa dibdib niya na napakabigat. Gusto kong mag-usisa kaso nahihiya naman ako.
"Eh, saan nga tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kakain ng ice cream."
*o*
Nagliwanag ang paligid ko. Magic word, ice cream..
"Waaa! Totoo, Skyler? Yeheeeyyy! I want lots of ice cream. Mom won't see me eating because we're not on our house naman." Masiglang sabi ko.
"Mami-miss ko ang kadaldalan mo." Seryosong sabi niya.
Huh? Ano bang sinasabi ni Skyler?
"Ano bang sinasabi mo Skyler? Saka ano bang okasyon para ilibre mo ako ngayon ng ice cream? Well, given na yung pagbigay mo lage ng ice cream pero iba kase ngayon, sa labas tayo."
"Gusto ko kaseng masaya tayo bago tayo maghiwalay."
Maghiwalay? "E-eh, Skyle bakit naman tayo maghihiwalay eh hindi naman tayo.." Inosente kong sagot.
He glared at me. "Tch."
Eh bakit ba? Totoo naman eh. Di naman kami so bakit kami maghihiwalay.
Nakarating kami sa isa sa sikat ng ice cream parlor malapit sa SWU. Ang Pink Toppings. Ice cream parlor siya na may maraming flavors at toppings sa ice cream. Halos lahat ng hanapin mo nandito na. Meron pa ngang chili ice cream eh.
Magkasunod kaming pumasok ni Skyler sa loob then naghanap kami ng bakanteng mesa. Meron naman. Sa pandalawanan.
"What do you want?" Tanong niya.
"Lahat ng flavorsss!" Masiglang sagot ko.
"Tch."
Nag-walk-out na si Skyler pumuntang counter para um-order. Ang sungit niya talaga. Pero lalo naman siyang nagiging gwapo kapag masungit siya eh.
Tiningnan ko ang paligid. Ang dami ring kumakaing students dito. Oras kase ng labasan from school. Gusto ko nga lagi akong tumatambay dito kaso naman may sundo ako lagi at mapapagalitan ako ni Mom.
Ilang minuto pa ay narito na si Skyler hawak ang tray kung saan nakapatong ang dalawang bowl ng ice cream. Nilapag nya sa mesa namin. Yung isa plain lang tapos saktong dami lang tapos yung isa na, ehem! Syempre para saken ay iba ibang kulay. Iba iba kase ang flavor tapos ang dami pang toppings na kung anu-ano, may sprinkles, my chocolate bars, may stick-O, may mallows at may mga m&ms pa.
"Tch. Yung mata mo kumikinang na naman. Para kang nakakita ng ginto." Natatawang sabi ni Skyler.
"This is my precious one. You know that Skyler. Mahalaga pa ang ice cream para saken kesa ginto. Di ko naman makakain yun eh."
Napailing si Skyler. Eh bakit ba. Si Skyler ang sungit sungit talaga.
"But on second thought, mahalaga pa din ang ginto dahil pwede yun isangla para ipambili ng ice cream! Talino ko talaga." Nakangiti kong sabi.
Tahimik lang na nakamasid sakin si Skyler. Para ngang ang seryoso niya--likas na siyang seryoso pero iba ngayon eh. May something. Ano kayang bumabagabag kay Skyler?
"Okay kalang?" Tanong ko. Hindi kase siya nagre-react sa mga sinasabi ko. Kadalasan lagi nya akong binabara eh.
"No I'm not."
Hala. Ngayon ko lang nakita si Skyler na ganito. Yung mga mata niya napalitan ng kalungkutan. Bakit ba kase. "Anong problema, Skyler?"
"This is our last day na magkikita, kakain ng ice cream together, ma--"
"Wait. Hindi ko ma-gets, Skyler. Bakit? Bakit mo sinasabi yan?"
"I'm flying to US tomorrow. At doon na ako mag-aaral. I'm with my twin, Chylee."
US? Pupunta sila don? Pero bakit? "Vacation?"
"No. For good. Dun na kami mag-aaral. Hindi ko alam kung ilang taon."
"Bat para namang biglaan? Saka graduating ka na diba? Bakit kelangan mo pang mag-transfer sa US?"
"My parents have reasons. Personal matters. That's why I'm here in front of you. I want to say goodbye."
Ang bigat ng loob ko. Parang ayoko silang umalis. Kasi mami-miss ko talaga sila eh.
"Kailangan nyo ba talagang umalis?" Tanong ko.
"Yes. Settled na ang lahat. We have tickets already. Aalis nalang kami bukas."
Naluluha ako. "Pero.."
"Fvck. Don't cry, Riana."
"Pero kase.."
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Promise me that you'll wait for me."
"Oo naman! Syempre hihintayin ko kayo."
"I said, me. Ako lang. What I'm trying to say is..wait for me. Stay single. Please."
Stay single..bakit? "Skyler."
"Take care of yourself. Wag kang magpapaloko sa mga taong nag-aalok ng ice cream. Baka ma-kidnapped ka at ibenta ang lamang-loob mo. Tch."
Naiiyak ako na natatawa sa mga habilin ni Skyler. Alam kong may reasons sina Tito Kyle at Tita Chelsea kung kelangang umalis sina Skyler pero nalulungkot pa din ako kase mahihiwalay sila sa'men nina Miko.
"Hindi naman ako ganon eh. Saka di naman ako uto-uto." Katwiran ko.
"Tch. Pagdating sa ice cream, nagiging uto-uto ka. Be mature enough to take care of yourself, okay? I'll keep in touch with you through social accounts. Promise me to answer all my message and calls."
Skyler talaga. Makapaghabilin akala mo boyfriend ko. Wag nga! Kinikilig ako eh. But anyway, I'm happy na ganito sya ka-caring saken.
"Like what I've said, stay single."
Eehhh! Stay single? Ilang taon ba sila dun? Paano kung eighteen na ako tapos wala pa sila? I can't stay single kasi yung lalaking gusto ko..handa kong sagutin sa tamang edad ko.
"Ilang years ba kayo dun?"
"I don't know yet. Tatawagan naman kita pag may time ako."
Tumango ako. Kahit di ko talaga gets kung bakit gusto nya na maging single pa din ako hanggang magbalik sila.
"Riana I love you."
Ngumiti ako. "I know. And I love you too, Skyler."
That's natural na samen. Saying I love you with each other dahil magkakabata kami at close talaga kami.
"Tch. Pagbalik ko, nasa legal age kana."
Oo nga. Kase three years more, legal age na ako. "Oo nga.."
"Then pagbalik ko, may mahalaga akong sasabihin sayo. Mahalagang-mahalaga so you better wait for me."
Mahalagang sasabihin? Ano kaya yon? "Bat di pa ngayon?"
"This is not the right time, Riana. I know I'm being selfish, but please, please wait for me. Ilang beses ko na yang inulit kaya wag na wag mong kakalimutan."
Tumango ulit ako. "I will wait for you, Skyler. I promise."
"I will hold on to that promise."
At dun natapos ang pag-uusap namin. Inubos ko na ang ice cream ko. Malungkot ako na aalis na siya pero masaya naman dahil nagkaroon kami ng bonding bago siya umalis.
"Ingat ka dun Skyler ha?"
"I will." Sabi niya.
Nakasakay na kami dito sa kotse niya. Pauwi na kami. So this is the last time na magkakasama kami ni Skyler.
"Sasama ako sa paghahatid sa inyo bukas sa airport ah! Kala mo ha." Sabi ko. A-absent ako para lang maihatid sila sa airport. Gusto ko din namang magba-bye kay Ate Chylee.
"Okay." He said.
Pinaandar na niya ang kotse. Ilang saglit lamang ay nasa tapat na kami ng mansyon namin.
Huminga ako ng malalim. "Skyler..basta masasabi ko lang ingatan mo sarili mo don."
Tumunghay ako para tingnan si Skyler pero nagulat ako ng mukha niya ang sumalubong sa mukha ko. He kiss me on my lips. Saglit lang 'yun pero ang lakas talaga ng impact saken.
"Sky.."
"Sige na. Baba ka na. See you tomorrow." Sabi niya.
Waaa! Hinalikan na naman ako ni Sky. Bat kaya? Waaaa. Bumaba na ako kase feeling ko namumula na ako. Bumusina na siya at umalis na. Naiwan tuloy akong nakatayo dito sa labas ng main gate namin. Napahawak ako sa labi ko. Again, I was stunned by his kiss.
-
Skyler POV
Nandito na kami sa airport. This is the time. Aalis na kami.
"I will miss you, Sky! Nakakainis ka talaga. Wala ng bibili ng ice cream for me." Sabi ni Riana na parang batang nagmamaktol dito sa harap ko.
Hera's friends are here to say goodbye. Kumpleto din ang family namin na nandito.
"Tch. You're addicted to ice cream." Sabi ko. I'm trying to lighten up my mood dahil mabigat sa loob ko ang pag-alis at iwan si Riana.
"Sky! Tara na." Sigaw ni Hera.
I look at Riana na nakangiti saken. Damn! She's not aware how heartbreaking it is na iwan ko siya rito sa Pilipinas. I love her. Fvck.
Niyakap ko siya. "We have to go. Don't forget your promise." Paalala ko.
Tumango naman siya at humalik sa pisngi ko. "I won't forget my promise, Sky. Bye!" Paalam niya.
"Kuya! Take care of Ate Chy." Sabi ni Kenzo. Sabay sabay silang lumapit na triplets saken at yumakap sila saken.
"Kayong tatlo. Be a good boys. Take care of Mom and Dad." Sabi ko.
"We will!" Sabay-sabay nilang sagot.
Huminga ako ng malalim. Oras na para iwan ko muna ang mahahalagang tao sa buhay ko.
Lumapit ako kay Mom and Dad. "Mom, Dad..we need to go inside." Paalam ko saka yumakap sa kanila.
Bumulong pa si Mom. "Remember that we love you. Take care, anak."
Tumango ako. I know how much they love us.
"Chylee and Skyler! Ingat!"
"Ate, Kuya! Bye!"
"Twins, we love you."
Si Hera umiiyak na. I know hard for her na malayo kina Mom. She's our princess at hindi talaga siya sanay na nawawalay kina Mom.
Inakbayan ko siya. "Let's go." Sabi ko saka pumasok na kami sa departure area.
Years..bago kami babalik. I hope Riana will keep her promise. Dahil pagbalik ko, handa na akong kunin siya, handa na akong ipagtapat ang nararamdaman ko at handa na akong ipagsigawan sa lahat na mahal ko siya.
*
A/N : Na-late lang po ito compare sa childish love. Hashtag #MPMMNDL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top