3

Riana POV

Riana : Kiss me.

O___O

Waaaaa! Napindot ko yung send! No! Nooooooo! Nakakahiya. 

Riana : It's not what you think, Sky. I'm just, you know, kidding. Hehe!

Skyler : It's alright. 

Riana : Okay! May gagawin pa ako. Bye!

Nag-offline na ako. Nakakahiya talaga! Bakit ko kase na-send yun! Baka kung ano na ang iniisip ni Skyler! Aisssshhh!

Kuya ko si Skyler eh! Mali 'to. Maling-mali. Bakit ba kase nagustuhan ko ang kiss na yun? 

Krrrinnnggg..

May phone is ringing. And oh, it's him. 

"Hello. Glad you call."

[I miss you, Gale.]

"Haha! You're funny. Para namang 'di tayo nagkikita sa school? Psh. Ikaw talaga.."

[Masama bang ma-miss kita?]

"Tse! Ewan sayo."

[Haha! Sungit. Sige na. I'll hang-up. Na-miss lang talaga kita.]

"Hmp. Okay!"

*toot toot*

Kinikilig na naman ako. Waaaa! He called me just to tell me that he missed me! Omg. The feels. 

Hindi ko lang talaga pinapahalata sa kanya na gusto ko siya eh. Ayoko kaseng mawala yung closeness sa pagitan namin. 

I know wala pa ako sa tamang edad para magka-gusto. Hindi ko pa dapat nararamdaman 'tong love eh. Pero I don't know. Bigla nalang umusbong. Para ngang kapag niligawan nya ako, baka sagutin ko na sya agad. Pero no. Hindi ko naman gagawin yun dahil malalagot ako kina Daddy and Mommy. I'm too young to be inlove. 

Makakapaghintay naman 'yun eh. Palagi ngang sinasabi  ni Mom, PATIENCE lang and you will find your real happiness.

--

Skyler POV

Fvck! Napasabunot ako sa sarili ko. Kagagaling ko lang sa library dito sa mansyon namin kung saan kinausap kami ni Hera ng parents namin. 

And know what? Biglaan na ipapadala kami sa US? Hell. I'm fvcking graduating tapos ta-transfer pa ako? Why? I can't understand. Hindi man lang nila sinabi ang reason nila. Sinabi lang nila na it's for our own sake. Fvking own sake! Ayokong umalis. 

I love my family. Kailanman di ko sinaway sina Dad and Mom but now? I don't know kung kaya ko pa silang sundin. Hangga't di nila sinasabi saken ang tunay na reason, hindi nila ako mapapapayag na pumuntang US. 

And know what? Sa friday agad ang flight namin ni Hera. Para silang rush hour eh. Nagmamadali. 

Paano nalang 'pag umalis ako? Fvck. Paano si Riana? I can't leave her. I don't know if I can. I want to be with her. I love her. 

*knocks on the door*

I sighed. It's either Dad or Mom. Mainit talaga ang dugo ko ngayon. 

Bumukas ang pinto. Tumingin ako and there..si Mom. 

"Sky, anak.."

I try to calm myself. I'm really not in the mood. I hate their decision. 

Hindi ako tumitingin kay Mom hanggang maramdaman kong tumabi siya saken dito sa couch sa kwarto ko. 

"Are you mad at me, anak?"

Umiling lang ako. Di naman talaga ako galit. I'm upset. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan nila. 

I looked at her. "No, Mom. Not like that. I mean, you know, naguguluhan po ako. I want to know your reason para ipadala kami ni Hera sa US. We grow up with you, with dad, with the whole family then bigla nyo kaming ihihiwalay sa inyo. What's going on, Mom?"

Bahagyang ngumiti si Mom. "Anak, hindi ko ginusto na mawalay kayo samen ni Chylee. You know how much we love you. Kaya ipapadala namin kayo sa US, because we love you both."

"Please, let me understand, Mom. Tell me what's happening.."

"Pinuntahan mo si Miko. Sinuntok mo siya just to protect your twin."

Nagulat ako. Paano nila nalaman yun? How did they know? "Mom.."

"Sinabi ni Reiko sa Tito Lance at Tita Yumiko mo na nakita niyang nag-aaway kayo ni Miko. That's why they checked the CCTV, and there they saw what happend. Pinanood na din nila samen ng Dad mo. Dun nalaman namin ang mga pinag-usapan nyo and it's all about Chylee. Hindi ko akalaing broken hearted na ang ka-kambal mo."

Fvck. Is it the reason? I don't get it. 

I saw tears on her eyes. Fvck! Pinaiyak ko ba si Mom? "Mom.."

"I love you, anak. Mahal ko kayo ni Chylee at hanggat maaari ay ayokong masasaktan kayo. Ayokong makakaranas kayo ng matinding heartbreak. Bilang Mommy nyo, doble ang magiging sakit na mararamdaman ko."

Fvck. Mom is crying. I hate seeing her cry. "Mom.."

"Kaya ba naging matamlayin si Chylee? Kaya ba nagbabago siya? Because she's brokenhearted? Hindi ko man lang alam? Nasaan ako nung mga oras na umiiyak si Chylee? Nasaan ako nung mga oras na kailangan niya ng masasandalan? I didn't know, anak. Kung alam ko lang hindi ko siya hahayaang umiyak, at magkulong sa kwarto niya. I will do everything just to make her happy. Alam mo kung gaano namin kayo ka-mahal ng Daddy nyo."

Mom is right. Yeah, kahit ako. Ayokong nasasaktan ang ka-kambal ko. My Mom is my first love and Chylee is my second love. 

"Sky. Listen to me. Aware kayo sa.."

Fvck. Unti-unti ko ng nage-gets ang reasons nila. 

"Is it about our..fvck."

"Sky. I want to protect you and Chylee. Kung alam nyo lang gaano ako nasaktan, umiyak at nagmaka-awa sa Maykapal na iligtas kayo nung bata pa kayo. Nung malaman naming may sakit kayo. Hindi lang basta basta ang sakit nyo ni Chylee. Sa puso, Skyler. Sa puso.."

Naiiyak na din ako. For me, the worst sight in the world is..seeing my Mom cry.

Yeah. I remember how Mom and Day cried nung ma-ospital kami. I remember that we're only five years old that time.

"Hangga't maaari ayokong maaapektuhan ang puso nyo ni Chylee. At nagsimula na ang kinatatakutan ko. Chylee is suffering from heartbreak. Na-consult na namin sa doctor nyo na makakasama yun sa puso nya..yung pag-iyak, yung ma-depressed, yung masaktan, yung..Skyler understand me. Understand us. Gusto naming ilayo ang ka-kambal mo. We want her to move on. We want her to be happy. Ayaw naming nagkakaganito sya because of love. Bata pa kayo. May right time para dyan."

Now I understand. Gusto nilang protektahan si Chylee tulad ng pagprotekta ko sa kanya. Yes. Kahit ako, ayokong masasaktan ang ka-kambal ko dahil masasaktan din ako. Saktan na nila ang lahat, wag lang ang pamilya ko. 

"Anak, Skyler. Alagaan mo ang kapatid mo. Wala na kaming ibang maisip na gawin para mawala na ang heartbreak na nararanasan ng ka-kambal mo. I think this is the right thing to do. Ang lumayo kayo. Ang lumayo si Chylee sa rason kung bakit siya nasasaktan. Dahil Sky, ayokong maranasa ulit ang sakit na naranasan ko habang pinagmamasdan kayo sa hospital. Ayoko ng maulit yun.."

I hugged my Mom. "Sorry, Mom. Now I understand. I'm not selfish when it comes to our family. Lalo na kay Hera. I'm her protector and I won't let anyone hurt her."

"Wag nyong sisisihin si Prince Miko. Hindi niya kasalanan kung hindi nya mahal si Chylee. Chylee is so in love with Miko and I want you to make her realize na hindi lang dapat kay Miko umiikot ang mundo niya."

"I will, Mom." I smiled. Wala ng mas hahalaga pa sa pamilya ko. Ngayong alam ko na ang reason, I'm ready to go. I am ready to leave Riana for the sake of my twin's safety.

Mahal ko si Riana pero kung papipiliin ako between her and Hera, I'm sorry to say but I'll choose my twin. Because she's my other half. She's my princess. And I'll do everything just to make her happy. 

Kumalas ng pagkakayakap saken si Mom. She's still crying. "Anak, Skyler. Alagaan mo ang ka-kambal mo. Alam mo na bata pa sya mag-isip. And I want her to depend on you kapag nasa US na kayo. Don't worry. Dadalawin namin kayo. Ilang years lang naman, anak. Turuan mo si Chylee na maging mature. Maging matapang. Maging palaban. Maging matigas. Ituro mo sa kanya paano ko-kontrolin ang puso niya. Ikaw ang inaasahan ko sa safety ng ka-kambal mo. Dahil konektado kayo sa isa't isa. If something happens to your twin, magre-reflect sayo 'yun. Pati ikaw apektado. Dahil kambal kayo.."

I remember before. Yes. Pareho kaming may sakit because there's a tie connected with each other. Kapag naramdaman nya yung sakit, nararamdaman ko din. Yung sakit na ayoko ng maramdaman, our fvcking illness. 

"I will, Mom. I promise."

Ngumiti si Mom. "Thank you, anak. Remember that we love you so much. We really do."

"I know, Mom. I love you. I promise to take care of my twin. And I promise, na sa pagbabalik namin, Chylee will be better--or best."

"Now you know, son."

Napatingin kami ni Mom sa nagsalita. It's Dad. "Dad.."

Ngumiti siya. "I want you to protect your twin. Just like how I protected your Mom."

Tumango ako. "Yes, Dad. I will."

"Don't tell her the reasons. Ayokong sisihin niya ang sarili niya kaya kayo ipapadala sa US."

Tumango ulit ako. I understand them. "I won't tell her."

"Good. Thank you, son."

Ngumiti ako. I'm okay now. Kung kanina mainit ang dugo ko dahil basta nalang kami ipapadala sa US, now I'm satisfied with their reason. I understand them. They just love us. 

Walang magulang ang maghahangad ng masama para sa anak nila. Kaya alam kong it's for our own sake. 

Hindi ko gugustuhing umatake na naman ang sakit ni Chylee just because she's fvcking brokenhearted. I won't let that happen. Isa pa, alam kong once na umatake ulit ang sakit niya, there's a possibility na atakihin din ako. At pag nangyari yun, masasaktan na naman sina Mom and Dad. Mahal ko ang pamilya ko. At kung kinakailangan naming lumayo for our safety, gagawin ko without hard feeling. 

Bukas, magpapaalam ako kay Riana. Tomorrow is our last day here in Philippines. Isasantabi ko muna ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Riana. Si Hera muna, she's my priority.

Tulad ng sabi ni Mom, this is not the right time because love can wait. 

*

A/N : Advance lang ang childish love ng two chapters pero sabay sila ng timeline. 

Now, alam nyo na ang reason ng KYSEA. Tama ba ang ginawa nila? What can you say?

Hashtag #GoodbyeTwins

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top